HINDI NA MULING nagsalita pa si Albert. Sapat na ang mga salita ni Benjo para mas maramdaman niya ang sakit ng katotohanan na wala na talaga silang pag-asa pa ng anak nitong si Bethany. Humihikbi pa rin ang labing mabilis na siyang tumayo. Tama na. Ayaw na niyang mas ipahiya pa ang sarili. Ni hindi rin siya nilapitan ni Bethany kahit na muntik ng matumba ang katawan niya. Susubukan niya ulit sa susunod. Hindi siya doon magsasawa at susuko hanggang sa muling makuha ang tiwala nilang buong pamilya. Hindi... “Aalis na po ako, Tito Benjo. Sana po ay maging mabilis na ang paggaling niyo.” Sinundan lang siya ng tingin ng tatlo na patungo na ng pintuan. Bago niya pa mahawakan ang doorknob ng pinto ay bumukas na iyon at iniluwa si Gavin. Umigting na agad ang panga ng abogado ng makitang naroon ang lalaki sa silid ng future niyang biyenan. Mabilis ng napahakbang si Bethany palapit sa kanilang banda at hinawakan na sa braso si Gavin ng makita ang reaction nito. Nasa mukha na kasi nito na para
LUMAPAD PA ANG ngisi ni Gavin nang makita ang naging reaction ng fiancee. Hindi maikukubli na hiyang-hiya ito pero nakikita niya rin naman sa mga mata nito ang labis na pananabik sa katawan niya. Kilala niya ang dalaga. Kung talagang ayaw nitong gawin nila ang bagay na iyon doon, pihadong gagawa ito ng paraan kahit na ano basta makalabas lang sila ng banyo. At hindi iyon ang nakikita niya sa mukha nito.“Sssh, hinaan mo ang boses mo Thanie, marinig nila tayo sa labas. Sige ka, baka bigla tayong katukin ni Tita Victoria.” si Gavin na nilagay pa ang isang daliri sa bibig niya, nagpa-sexy pa iyon sa anyo ng binata.“Baliw ka ba? Anong ginagawa mo nga dito? Bakit ka sumunod sa akin? Hindi mo ba naisip na ang sikip?” gigil na saad niya kahit na alam na ni Bethany kung ano ang pakay sa kanya ng nobyo, “Gavin naman, sobrang nakakahiya…ano ba?” napahilamos pa ng sariling mukha si Bethany dala ng labis niyang kaba.“Mabilis lang naman tayo…sige na, pagbigyan mo na ako…hindi ko na kayang pigili
ILANG SANDALI PA ay lumabas na rin doon si Bethany na parang walang nangyari. Pigil ang hinga at kagat ang labing agad na sinulyapan niya ang mga magulang na ganun pa rin naman ang pwesto kung ano sa kanilang iniwan kanina ni Gavin. Maingat na dinampot niya ang bag sa sofa at halos patingkayad na lumabas na ng silid upang hindi makagawa ng anumang ingay. Naabutan niya si Gavin sa labas ng pintuan ng kwarto, nakatayo at matamang naghihintay. Nang makita siya ay agad siya nitong mahigpit na niyakap na parang noon lang sila muling nagkitang dalawa. Puno ng panunukso ang mga mata ng binata habang may kakaibang ngisi sa kanyang labi kung kaya naman sinamaan siya ng tingin ni Bethany na biglang naalala ang kabulastugan na ginawa nilang dalawa sa loob ng banyo na tanging sila lang ang nakakaalam.“Huwag mo nga akong tingnan ng ganyan, ikaw ang may idea noon. Napilitan lang akong sabayan ka!” defensive na sambit ng dalaga na mas lalo pang nakaramdam ng sobrang hiya kahit walang nakakaalam.“W
NAMUO NA ANG mga luha ni Bethany sa mata. Hindi niya na maintindihan ang sarili na parang biglang naging isip-bata at isa pa ay naging iyakin. Pinalo niya ang kamay ng abogado na pilit siyang pinapaharap sa kanya upang makita ang kanyang hitsura. Naiinis na naiiyak na nga siya tapos parang inaasar pa siya nito! Sobrang nagtatampo, sana hindi na lang nito sinabi iyon sa kanya dahil medyo umaasa siya. Kaya lang base sa sitwasyon ng ama, imposible talaga na papayagan siya.“Huwag na, baka magalit pa iyon si Papa. Sabihin napaka-insensitive natin. Tinaon natin nakaratay siya at may sakit. Sa sunod na lang siguro kapag may pagkakataon pa.” tugon ng dalagang hinarap na ang fruit tea niya habang nahihikbi at doon binunton ang inis, hindi niya na tinigilan pa itong sipsipin. “Subukan pa rin natin, Thanie. Malay mo naman payagan ka kasi ako naman ang kasama mo at hindi naman ibang tao. Saka, unang beses lang naman itong malalayo ka.” “Huwag na nga, Gavin. Ang kulit mo naman. Magagalit lang i
MAKAILANG BESES NA bumuntong-hiningang muli si Gavin upang ilabas ang bigat ng katawan niya sa gagawing pag-alis. Nahahati na ang isipan niya kung aalis pa ba siya o hindi na at palalagpasin na lang ang kaso. Kaya lang, kasiraan naman iyon sa pangalan.“Huwag mo na akong pahirapan, Thanie, two weeks lang naman iyon eh. Ayusin mo na ang mukha mo. Huwag ko na bang ituloy? Sabihin mo.” mahigpit na yakap na sa kanya ni Gavin. Ilang beses na pabirong pinalo ni Berhany ang likod ni Gavin. Kung sasabihin niya iyon paniguradong gagawin nga nito, kaso bilang propesyonal sa trabaho hahayaan na lang niya ito. Inilagay na lang niya ang sitwasyon nito sa kanya kaya naiintindihan niya na ito. “Bitaw na at umalis ka na. Pasalubungan mo na lang ako ng kahit anong delicacies doon.”Tinanggal ni Gavin ang yakap sa nobya at ilang beses na tumango-tango ang ulo nito.“I love you, Thanie…”“I love you too, Gavin, mag-iingat ka—”Siniil na ng halik ni Gavin ang labi ng nobya. Iyong tipong parang ayaw na
WALANG NAGAWA DOON si Gavin kundi ang sundin at pagbigyan na lang ang negosyante nang matapos na sila at makauwi na siya. Sa huli, hinayaan niyang ihatid siya ng anak nitong si Steve na may paggiya pang nalalaman.“Sakay na, Attorney Dankworth…” Kapansin-pansin din ang pagkadisgusto ni Steve kay Gavin, ngunit wala naman siyang ibang magagawa kung hindi ang sundin ang bilin ng kanyang ama. Wala namang masama sa abogado, ngunit naiirita talaga siya sa hitsura nito. Hindi naman iyon nakaligtas sa paningin ni Gavin. Basang-basa niya kasi ang laman ng isip ng binatilyong kaharap. Bago sumakay ng sasakyan ay nilingon ng abogado si Mr. Altamirano upang may sabihin siyang mas ikainis ni Steve.“Masyado pang bata si Steve, Mr. Altamirano at kailangan niya ng pangmalakasang experience sa buhay na babaunin niya hanggang sa kanyang pagtanda. Halimbawa, kung hindi mo siya bibigyan ng sobrang pera malalaman niya ang halaga noon oras na mahirapan siya. Malalaman niya na ang lahat ng bagay ay hindi
NAGPATULOY PA SA kulitan ang magkasintahan. Idinadaan na lang nila sa harutan ang pagka-miss na kanilang nararamdaman, hanggang sa unti-unting lumambot na si Bethany at nawala ang pagiging moody. Hindi niya namalayan na nakatulog na ang dalaga. Napahilamos na lang si Gavin ng mukha nang makita ang tulog na kasintahan sa kabilang linya na bahagya pang nakaawang ang mapula nitong labi na parang inaanyayahan pa siyang halikan iyon. “Ikaw talaga Thanie, antok ka na pala hindi mo man lang sinabi sa akin.” aniyang binasa pa ng laway ang tuyong labi sabay lunok ng laway, dahil sa distansya nila sa bawat isa na milya-milya ay iyon lang din ang kaya niyang gawin.Tinitigan niyang mabuti ang mukha ni Bethany. Punong-puno iyon ng pagmamahal. Hindi na niya mahintay na makauwi at maikulong ang babaeng nasa kabila ng screen ng cellphone sa kanyang mga bisig at paulanan itong matamis na mga halik. Sobrang miss na miss na niya ang nobya kung kaya naman susulitin niya iyon bukas oars-mismo pagdating
NAPAAYOS NA NG tayo si Miss Gen at bahagyang dumistansya sa table ni Bethany nang makitang seryoso ang dalaga sa kanyang naging katanungan. Hindi na rin ito makatingin nang diretso na para bang batang nahuli na may masamang pina-plano at ginawa ng kanyang mga magulang. Sinasabi na nga ba ni Bethany, may hindi maganda sa ginagawa nito. Hindi niya lang tuluyang mahulaan iyon at masabi kung ano ba ito. “Wala, Miss Guzman. Posible ba iyon?” balik nito ng tanong sa kanya na para bang nais nitong iikot ang sitwasyon, ngunit hindi nagpatinag doon ang dalaga na desididong alamin ang mga bagay-bagay. “Napaka-transparent kong tao sa’yo at ni minsan ay wala akong inililihim.” defensive pa nitong sambit na medyo nagpa-alog ng utak ni Bethany, tama naman kasi ito sa kanyang sinabi. Lahat ay nalalaman niya. “Masama ba na ituro ko ang mga bagay na ito sa’yo gayong ikaw naman talaga ang may-ari ng music center na ito? Maaari mo itong magamit sa hinaharap just in case na I am not around. Hindi naman
WALANG NAGAWA SI Giovanni kung hindi ang bitawan ang nangangatal na katawan ni Briel na hindi malaman ng Governor kung dahil sa takot o labis na pagkabigla sa kanyang binalita. Isa pa, puno ng gigil na kinagat nito ang kanyang isang braso na wala naman siyang pakialam sa sakit na tinamo kaya niyang tiisin iyon pero hindi ang buhos ng kanyang mga luha. Puno ng kalungkutan ang mga mata ni Giovanni na pinanood ang dalaga na tumakbo patungo sa pinangyarihan ng aksidente na alam niyang hindi na niya magagawa pang pigilan. Bagama’t umiiyak si Briel ay nakipagsisikan siya sa mga taong nakikiusyuso na tumambak at umabot na sa may entrance ng hospital. Ginulo na ng Gobernador ang kanyang buhok. Problemado na ditong sumunod dahil nabalot na siya ng pag-aalala sa katawan na hindi niya kilala. Kamakailan lang ay ayaw na ayaw niya sa dalaga sa pagiging straightforward nito. Umamin ba naman sa kanya na gusto siya matapos ng kasal ng kanyang pamangkin. Nanunuot sa nerves niya ang mga salita nito na
INIP NA INIP na iginala ni Briel ang kanyang mga mata sa paligid habang nakatayo sa may gilid ng entrance ng hospital. Hinihintay at inaabangan niya ang kapatid doon na dumating. Doon banda ang usapan nilang dalawa na magkikita nang makausap niya ito kanina paglapag ng private plane na sinakyan sa airport. Ilang beses na niyang tiningnan ang screen ng cellphone niyang hawak. Umaasa na may message man lang doon ang kapatid kung nasaan na siya, ngunit wala naman iyon kahit na isa. Hindi niya nga alam kung nakaalis na rin ba sila sa airport. Nasa isang oras na rin mula nang makalapag sila kanina. Naweywang na si Briel matapos na huminga ng malalim at sumimangot pa. Sinabi naman na niya sa kapatid kung anong floor naroon ang kwarto ng asawa nitong si Bethany para doon ito dumiretso pagdating, ngunit pinilit pa rin siya ng kanyang mga magulang na lumabas at hintayin niya doon si Gavin. “Ang tanda na niya, Mommy, alam na niya kung saan pupunta. Bakit kailaingan ko pa siyang sunduin? Kaya n
KASABAY NG PAGBAGSAK ng mga luha ni Gavin ay ang pagbitaw ng kanyang kamay sa handle ng kanyang dalang maleta. Tuluyang na-blangko na ang kanyang isipan. Nandilim na ang kanyang paningin na para bang ang kanyang narinig ay hindi boses ng sariling kapatid at guni-guni lang niya ang lahat ng narinig. Naghihina na ang kanyang mga tuhod na napaupo na. Hindi alintana ang lugar na kanyang kinaroroonan.“Lumabas na ang anak niyo kahit kulang pa siya sa buwan, Kuya Gav.”Naghiwalay pa ang kanyang labi sa sunod na sinabi ng kapatid. Hindi na alam kung ano ang dapat na reaksyon. Kotang-kota na siya sa mga pasabog na nalaman niya. Isang maling desisyon, sobrang laki ng naging impact noon. Kung hindi siya nagpilit na umalis ng bansa, wala sanang ganitong kapahamakan.“Bakit mo ba kasi siya iniwan? Inuna mo pa ang trabaho mo diyan! Alam mo namang buntis siya!”“Sagutin mo ang tanong ko, Briel. Kumusta ang asawa ko?!” halos mapatid na ang ugat niya sa leeg.Wala ng pakialam si Gavin kung pinagtitin
MULI LANG TUMANGO si Bethany at binigyan ng malungkot na ngiti ang biyenan. Pagod na siyang umiyak o madaling sabihin na wala na siyang lakas at luhang mailabas. Naubos na iyon kanina. Tinuyo na ang mga mata niya. Natanaw niya sa may pintuan ng silid ang biyenan niyang lalaki na matamang nakatingin lang sa kanyang banda. Hindi niya pa nakikita ang tiyuhin at si Briel ng mga sandaling iyon na alam niyang nasa labas lang ng kanyang silid. Lingid sa kaalaman niya na sinusubukan pa rin Briel tawagan ang asawa niya kahit na pagod na ito at ubos na ubos na ang pasensya sa sobrang frustration na kanyang nararamdaman.“Ang ganda at cute ng baby niyo ni Gavin, hija. Nakita namin siya kanina ng Daddy niyo at tiyuhin mo.” masuyo pang haplos ng Ginang sa kanyang isang pisngi at hindi inaalis ang tingin sa mga mata niya. “Paniguradong palaban din at matapang ang batang iyon na nagmana sa inyong mag-asawa, kung kaya naman siguradong hindi magtatagal ay magiging maayos ang lagay niya. Sa ngayon ay m
MARAHANG TUMANGO ANG Gobernador sa tinurang iyon ng pamangkin. Masuyong pinunasan niya ang mga luhang patuloy na naglalandas sa mukha ng kanyang pamangkin. Hindi pa man sabihin ni Bethany ay alam na ni Giovanni na iyon ang magiging desisyon ng pamangkin para sa kanyang anak. Hindi na nito kailangang pag-isipan pang mabuti, ang kanyang pagkatao ay masyadong katulad ng ina nitong si Beverly na mayroong iisang desisyon sa buhay. Nasanay na palaging maging kalmado sa lahat ng oras ang Governor, ngunit bahagyang nanginginig ang kanyang boses sa sandaling iyon nang dahil sa mahirap na sitwasyon na kinakaharap ngayon ng kanyang pamangkin.“Igagalang ko ang desisyon mo, hija. Nasa labas lang ako. Hihintayin kong ilabas mo ang dagdag na miyembro ng ating pamilya.”Hinawakan niya ulit ang ulo ni Bethany na muli niya pang marahan na hinaplos. “Maging malakas ka, maging matatag ka. Matapang ka. Malalagpasan mo ang lahat ng ito na kagaya ng iyong ina.” Pagkatapos sabihin iyon ay umayos na si Gio
PUNO NG KAHULUGAN ang mga salita ng doctor na ang dating sa Governor ay para bang sinasabi nito na kung wala lang ang baby sa katawan ng pamangkin niya, hindi siya gaanong mahihirapan sa kanyang sitwasyon. Hindi niya maatim na isipin na kailangan nilang mamili sa dalawa. Wala sila sa tamang posisyon upang gawin ang bagay na iyon. Ilang minutong natulala si Giovanni sa sinabi ng doctor. Hindi niya namalayan na nakalapit na ang mag-asawang Dankworth sa kanya na may alanganin pang mga tingin na para bang naiilang sila kung kakausapin ba siya o hindi. Sinabi na rin iyon sa kanila ng doctor kanina at hindi sila makapag-decide. Ilang beses nilang pinag-iisipan ang gagawin, at ngayon na naroon na ang tiyuhin nito iniisip nila na siya na ang mag-decide. Kung ano ang magiging desisyon nito, iyon na lang din ang kanila dahil wala naman doon ang kanilang anak para siya ang magpasya ng lahat.“Governor Bianchi—”“Nasaan ang asawa ng pamangkin ko?” malamig ang tono ng boses nito. Alam ng mag-asaw
BAGAMA’T NATATARANTA AY kalmadong tinawag ni Giovanni ang kanyang secretary at agad na inutusan na alamin kung ano ang nangyayari sa pamangkin niya. Hindi mapalagay ang isipan niya na ganun na lang ang sinabi sa tawag nito. Idagdag pa na biglang naputol ang kanilang linya. Kunot ang noo na ilang beses niya pang tinawagan ang numero ni Bethany ngunit ring lang iyon nang ring. Hindi nawala ang composure ng Gobernador sa harap ng kanyang mga nasasakupan kahit pa parang sa mga sandaling iyon ay gusto na niyang lumipad patungo kung nasaan ang kanyang pamangkin. Kung saan-saan na tumatakbo ang isipan niya pero pinili niya pa rin ang maging kalmado ang hitsura.“I apologize. Mukhang may emergency lang sa isa sa mga pamangkin ko.” aniya na tinanguan lang ng mga kausap.Samantala, nagdatingan na ang mga rescuers at dahil nasa bungad sina Bethany ng pinangyarihan ay sila ang unang natagpuan ng mga ito at mabilis na sinugod sa pinakamalapit na hospital. Sinimulan na rin tawagan ng mga rescuers a
ILANG SANDALI PA ay parang kidlat na lumiwanag ang buong paligid dahil natanggal ang bubong ng sasakyan nina Bethany kung saan ay natanaw niya ang maliwanag na langit. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay hindi na niya nagawa pang makapag-react ng tama. Mabilis niyang tinanggal ang suot niyang seatbelt. Gusto niyang makaalis sa loob ng sasakyan. Iyon ang tanging nasa isip niya dahil natatakot siya na baka iyon naman ang sunod na liparin. Nagawa iyon ni Bethany sa sobrang pagkataranta, ngunit isang malakas na shock wave ang dumating na siyang nagpabagsak sa kanyang katawan at nagpasandal sa malapit na pader ang likod niya. Sa sandaling iyon ay tila nabali ang kanyang balakang sa lakas ng kanyang pagkakabagsak. Hindi na niya napigilan ang buong sistema na balutin ng matinding takot. Hindi para sa kanyang sarili kung hindi para sa kanyang anak na nasa kanyang sinapupunan na kulang na kulang pa sa buwan. Wala sa sarili niyang niyakap ang kanyang tiyan na biglang nanigas gamit ang kanyang
GAANO MANG PAGTUTOL ang gawin ni Bethany na huwag umalis ang asawa sa araw na iyon ay hindi niya pa rin ito napigilan sa nais. Sa halip din na si Briel ang kanyang kasama sa paghatid dito sa airport ay si Manang Esperanza iyon dahil hindi agad nasabihan si Briel na mayroong lakad ng araw na iyon. Ganundin si Mrs. Dankworth na may importanteng pupuntahan. Ihahatid lang din naman siya ni Manang Esperanza sa mansion ng mga Dankworth at aalis na rin ang maid upang bumalik sa penthouse at ituloy ang ginagawa nitong paglilinis. Iyon ang malinaw na usapan nila bago umalis ng bahay. Dala na rin ni Bethany ang mga gamit niya para sa tatlong araw na pananatili sa mansion. “Babalik din ako agad, Thanie…” sambit ni Gavin nang itulak niya ang pintuan ng sasakyan sa gilid niya nang marating nila ang airport, “Huwag ka ng bumaba. Hmm? Dito ka na lang sa loob ng sasakyan at umalis na rin kayo agad para makapagpahinga ka ng maaga sa mansion.”“Hindi naman ako sasama sa’yo sa loob. Huwag mo nga akong