HINDI NA RIN doon nagtagal si River. Nang maubos ang kape ay agad na rin siyang nagpaalam sa dalaga na inihatid lang siya sa labas ng pintuan. Nang matanaw naman ni Gavin ang bulto ng katawan ng lalaki na papalabas na ng apartment ay mabilis siyang pumasok ng sasakyan matapos na itapon ang pang-ilang upos ng kanyang sigarilyo. Walang lingon sa likod na niyang pinaandar ang sasakyan at mabilis na siyang nagmaneho pabalik ng kanyang penthouse. Pagdating niya ng bahay ay marahas niyang itinapon ang suot na coat sa sofa at dire-diretsong nagtungo sa loob ng music room ni Bethany. Nagliwanag ang buong silid nang buksan niya ang ilaw at tumambad ang mga instruments dito na ibinigay niya sa dalaga noon.“Sampung araw na ang nakakalipas na palagi silang kumakain sa labas, sigurado akong may namamagitan na sa kanila. Hindi lang iyon, nagawa niya pang papasukin ang lalaking iyon sa apartment niya? Ano ang gagawin nila? Magtititigan? Kung kagaya kong mabilis iyon, malamang natikman na niya ang k
KILALA NI BETHANY ang kanyang sarili na hindi niya nga kayang magmaneho sa pangangatal at stress. Hindi na niya napigilan pa ang kagustuhan ni Gavin nang pumara na ito ng taxi upang pasakayin na siya. Iginiya pa siya ng binata papasok doon na hindi naman na tinanggihan pa ni Bethany at hinayaan na lang. “Have fun, Thanie.” anang binata na isinara na ang pintuan ng taxi. Syempre, hindi papayag si Gavin na hindi rin siya pupunta sa lugar na iyon. Pinauna lang niya si Bethany bago siya mabagal na sumunod sa taxi kung saan lulan ang dalaga. Kailangan niyang bantayan pa rin ito lalo na at alam niyang kakatagpuin siya ni River. Iyon ay kung makakapunta pa doon ang lalaki ngayon. “Akala mo hindi ako susunod? Nagkakamali ka, Thanie.” nakangisi pang sambit doon ni Gavin.Panay ang lingon ng taxi driver sa rearview mirror sa dalaga na nakaupo sa likod na bahagi ng taxi. Ayaw niya sanang umiyak, pero ang mga mata niya ayaw magpapigil na bumaba ang kanyang mga luha. Malakas na siyang umiyak. H
NAG-AALALA SI BETHANY na baka kung saan pa pumunta ang kaibigan dahil sa kanyang problema kung kaya naman hindi niya ito nilubayan hangga’t hindi ito pumapayag na sumama sa kanya. Sa puntong iyon ay hindi na siya sinundan pa ni Gavin na kanina pa nanonood lang sa mga kaganapan. Alam ng binata na magiging abala ang dalaga sa pagdamay sa kanyang kaibigan kung kaya naman hindi na siya nag-abala. Napangiti siya nang mapatunayan na hindi nga nakarating ang date nitong si River, batid niyang tagumpay ang naging plano niya na sinong mag-aakala na siya ang mayroong kagagawan? Wala. Tanging siya lang.“Bakit kasi magkasama kayong pumunta doon? Alam niyo namang maraming matang makakakita.” ani Bethany na inilapag ang hot chocolate na kanyang ginawa upang pakalmahin ang kaibigan na late ang reaction sa mga nangyaring gulo, “Tutal hindi ka pa naman divorced dapat patago na lang muna, Rina. Isa ka rin eh. Babae ka. Ikaw pa rin ang lalabas na masama kahit sabihing si Zac ang unang nagloko sa inyo.”
NAPAILING NA LANG si Bethany. Baka kapag nagpatuloy pa silang mag-usap, malaslas niya lang ang ngala-ngala ng lalaking kanyang kaharap. Todo katwiran pa ito, sobrang mali-mali naman ang pinupunto. Pinili na lang niyang huwag magsalita. Tinalikuran niya ang lalaki, nagtungo na ng silid niya.“Rina, nandiyan ang asawa mo—” Napabalikwas na ng bangon si Rina nang marinig niya ang sinabi ng kaibigan. “Ha? Si Zac? Bakit mo siya pinapasok?” Humalukipkip si Bethany at pinandilatan ng mga mata ang kanyang kaibigan na halatang nagulantang. “Labasin mo na. Harapin mo. Kausapin mo. Huwag mo siyang takasan.” “Pero Bethany—” “Sabihin mo makikipag-divorce ka na, tatapusin mo na ang ugnayan mo sa kanya. Ganun lang kabilis.” Walang nagawa si Rina kung hindi ang sundin ang nais ni Bethany. Hinila pa siya ng dalaga paalis ng kama kaya ang ending ay nagdadabog ang mga paang wala pang ayos ng buhok at mukhang lumabas siya.“Rina—” “Upo! Hindi mo kailangang i-greet ako na parang wala tayong naging
PAGKATAPOS NG KALAHATING oras ay narating na ni Bethany ang coffee shop na sinabi ng babaeng kausap niya kanina sa kabilang linya. Wala siyang idea kung ano ang itsura ng babae. Ni hindi na siya nag-abala pa na mag-search ng family tree ni River habang patungo siya doon. Hindi niya kailangang gawin ito. Wala rin siya ditong dapat ikatakot dahil wala naman siyang masamang ginagawa. Natigilan siya pagpasok ng pintuan at kapagdaka ay inilinga na ang kanyang mga mata na natigil na sa babaeng nakaupo malapit sa may glass wall ng shop. Itinaas nito ang kanyang isang kamay upang kunin ang atensyon ni Bethany.‘Siya na siguro iyon.’ Bukod sa parehas ang kilay nito kay River ay maging ang mga mata nito ay kahawig ng professor. Upang hindi magkamali ay sinigurado niyang ito nga ang babaeng kanyang kikitain sa lugar na ito at nagtanong. “Excuse me po, kayo po ba ang ina ni Professor River Balmori?” Mapanuring itinuon ng Ginang ang kanyang mga mata sa kanya. Hinagod ang kabuohan ng dalaga mul
BLANGKO ANG MUKHANG ibinaba na ng Ginang ang iniinom niyang tasa ng kape. Hindi na niya gusto ang tabas ng dila ng babaeng ipinagmamalaki ng kanyang anak na almost perfect na daughter-in-law. Mukhang mali yata ang pagkakakilala dito ng kanyang anak. Hindi ganun ang ugali ng kaharap na babae.“Miss Guzman—” “Huwag hong masyadong mataas ang standard niyo dahil wala akong planong maging tau-tauhan niyo na magiging sunud-sunuran sa lahat ng hihilingin at gugustuhin niyo para lang mapasaya kayo. Anong tingin niyo sa anak niyong si River? Siya na lang ang nag-iisang lalaki sa mundo? Hindi ko iiwan ang kaibigan kong si Rina dahil lang hindi siya papasa sa panlasa niyo at para lang sa anak niyo. Habangbuhay ko siyang magiging kaibigan. Narinig niyo? At iyong tungkol naman sa naging relasyon ko kay Gavin Dankworth, sa tingin ko wala namang nakakahiya doon dahil nagmamahalan kami. Kulang po yata ang impormasyong nasagap niyo tungkol sa akin. Kulang pa po kayo sa research. Alam niyo po bang ang
NANATILING NAKABUNGISNGIS PA rin ang mukha ni Gavin na nakatuon ang tingin kay Bethany. Hindi malaman ng dalaga kung patuloy na inaasar ba siya nito o ano dahil sa consistent lang ang hitsura nito. Makailang beses niya na itong inirapan at pinandilatan ng mga mata ngunit wala pa rin itong epekto. Ganundin pa rin ang hilatsa ng kanyang mukha na animo ay nahuli siya sa sobrang nakakahiyang tagpo.“Kumusta ang pakikipagkita mo sa future mother-in-law mo? Mainit ba ang pagtanggap na ginawa sa'yo? base sa hitsura mo parang mukhang hindi yata maganda ang first impression niya sa'yo, Thanie, ah?” kumikibot-kibot ang bibig ni Gavin na parang lihim na natatawa, naniniwala na si Bethany na may alam sa mga nangyari ang binata kung kaya naman naroon din ito sa lugar. Ganunpaman ay hindi niya pa rin ito kinausap. Wala siyang planong bigyan ng sagot ang kanyang mga katanungan. “Kung ire-rate mo siya at ikukumpara sa Mommy ko, ilang porsyento ang pagkakaiba nilang dalawa? Sino ang mas gusto mong mag
KAAGAD NA NAGKATINGINAN ng may kahulugan sina Bethany at River nang dahil sa out of the blue na tinurang iyon ni Gavin. Walang nag-e-expect sa dalawa nito. Lumawak pa ang ngiti ng Ginang na parang pinaparating na tama siya. Ang buong paningin nito ay nakatuon na ngayon sa dalaga. Sa sinabing iyon ng abogado ay lalo lang niyang pinasidhi ang galit ng Ginang kay Bethany na halatang mas lalo pang nadismaya sa buong pagkatao niya. Ang buong akala pa ng Ginang ay palipasan lang ito ng oras ni Gavin, ngunit ano ito? Girlfriend? Hindi naman siguro siya nabibingi.“Girlfriend? Girlfriend mo ang babaeng iyan na nagpapaligaw sa anak kong si River?” hindi makapaniwala nitong tanong na nandidilat ang mga mata, walang humor pa itong humalakhak.Marahang itinango ni Gavin ang kanyang ulo. Proud sa sagot sa katanungan ni Mrs. Balmori na lalo pang nanggalaiti sa katauhan ni Bethany. “Tingnan mo nga naman. Gusto mo pa talagang tuhugin ang anak ko at—” Itinaas ni Gavin ang kanyang isang kamay upang m
KASABAY NG PAGBAGSAK ng mga luha ni Gavin ay ang pagbitaw ng kanyang kamay sa handle ng kanyang dalang maleta. Tuluyang na-blangko na ang kanyang isipan. Nandilim na ang kanyang paningin na para bang ang kanyang narinig ay hindi boses ng sariling kapatid at guni-guni lang niya ang lahat ng narinig. Naghihina na ang kanyang mga tuhod na napaupo na. Hindi alintana ang lugar na kanyang kinaroroonan.“Lumabas na ang anak niyo kahit kulang pa siya sa buwan, Kuya Gav.”Naghiwalay pa ang kanyang labi sa sunod na sinabi ng kapatid. Hindi na alam kung ano ang dapat na reaksyon. Kotang-kota na siya sa mga pasabog na nalaman niya. Isang maling desisyon, sobrang laki ng naging impact noon. Kung hindi siya nagpilit na umalis ng bansa, wala sanang ganitong kapahamakan.“Bakit mo ba kasi siya iniwan? Inuna mo pa ang trabaho mo diyan! Alam mo namang buntis siya!”“Sagutin mo ang tanong ko, Briel. Kumusta ang asawa ko?!” halos mapatid na ang ugat niya sa leeg.Wala ng pakialam si Gavin kung pinagtitin
MULI LANG TUMANGO si Bethany at binigyan ng malungkot na ngiti ang biyenan. Pagod na siyang umiyak o madaling sabihin na wala na siyang lakas at luhang mailabas. Naubos na iyon kanina. Tinuyo na ang mga mata niya. Natanaw niya sa may pintuan ng silid ang biyenan niyang lalaki na matamang nakatingin lang sa kanyang banda. Hindi niya pa nakikita ang tiyuhin at si Briel ng mga sandaling iyon na alam niyang nasa labas lang ng kanyang silid. Lingid sa kaalaman niya na sinusubukan pa rin Briel tawagan ang asawa niya kahit na pagod na ito at ubos na ubos na ang pasensya sa sobrang frustration na kanyang nararamdaman.“Ang ganda at cute ng baby niyo ni Gavin, hija. Nakita namin siya kanina ng Daddy niyo at tiyuhin mo.” masuyo pang haplos ng Ginang sa kanyang isang pisngi at hindi inaalis ang tingin sa mga mata niya. “Paniguradong palaban din at matapang ang batang iyon na nagmana sa inyong mag-asawa, kung kaya naman siguradong hindi magtatagal ay magiging maayos ang lagay niya. Sa ngayon ay m
MARAHANG TUMANGO ANG Gobernador sa tinurang iyon ng pamangkin. Masuyong pinunasan niya ang mga luhang patuloy na naglalandas sa mukha ng kanyang pamangkin. Hindi pa man sabihin ni Bethany ay alam na ni Giovanni na iyon ang magiging desisyon ng pamangkin para sa kanyang anak. Hindi na nito kailangang pag-isipan pang mabuti, ang kanyang pagkatao ay masyadong katulad ng ina nitong si Beverly na mayroong iisang desisyon sa buhay. Nasanay na palaging maging kalmado sa lahat ng oras ang Governor, ngunit bahagyang nanginginig ang kanyang boses sa sandaling iyon nang dahil sa mahirap na sitwasyon na kinakaharap ngayon ng kanyang pamangkin.“Igagalang ko ang desisyon mo, hija. Nasa labas lang ako. Hihintayin kong ilabas mo ang dagdag na miyembro ng ating pamilya.”Hinawakan niya ulit ang ulo ni Bethany na muli niya pang marahan na hinaplos. “Maging malakas ka, maging matatag ka. Matapang ka. Malalagpasan mo ang lahat ng ito na kagaya ng iyong ina.” Pagkatapos sabihin iyon ay umayos na si Gio
PUNO NG KAHULUGAN ang mga salita ng doctor na ang dating sa Governor ay para bang sinasabi nito na kung wala lang ang baby sa katawan ng pamangkin niya, hindi siya gaanong mahihirapan sa kanyang sitwasyon. Hindi niya maatim na isipin na kailangan nilang mamili sa dalawa. Wala sila sa tamang posisyon upang gawin ang bagay na iyon. Ilang minutong natulala si Giovanni sa sinabi ng doctor. Hindi niya namalayan na nakalapit na ang mag-asawang Dankworth sa kanya na may alanganin pang mga tingin na para bang naiilang sila kung kakausapin ba siya o hindi. Sinabi na rin iyon sa kanila ng doctor kanina at hindi sila makapag-decide. Ilang beses nilang pinag-iisipan ang gagawin, at ngayon na naroon na ang tiyuhin nito iniisip nila na siya na ang mag-decide. Kung ano ang magiging desisyon nito, iyon na lang din ang kanila dahil wala naman doon ang kanilang anak para siya ang magpasya ng lahat.“Governor Bianchi—”“Nasaan ang asawa ng pamangkin ko?” malamig ang tono ng boses nito. Alam ng mag-asaw
BAGAMA’T NATATARANTA AY kalmadong tinawag ni Giovanni ang kanyang secretary at agad na inutusan na alamin kung ano ang nangyayari sa pamangkin niya. Hindi mapalagay ang isipan niya na ganun na lang ang sinabi sa tawag nito. Idagdag pa na biglang naputol ang kanilang linya. Kunot ang noo na ilang beses niya pang tinawagan ang numero ni Bethany ngunit ring lang iyon nang ring. Hindi nawala ang composure ng Gobernador sa harap ng kanyang mga nasasakupan kahit pa parang sa mga sandaling iyon ay gusto na niyang lumipad patungo kung nasaan ang kanyang pamangkin. Kung saan-saan na tumatakbo ang isipan niya pero pinili niya pa rin ang maging kalmado ang hitsura.“I apologize. Mukhang may emergency lang sa isa sa mga pamangkin ko.” aniya na tinanguan lang ng mga kausap.Samantala, nagdatingan na ang mga rescuers at dahil nasa bungad sina Bethany ng pinangyarihan ay sila ang unang natagpuan ng mga ito at mabilis na sinugod sa pinakamalapit na hospital. Sinimulan na rin tawagan ng mga rescuers a
ILANG SANDALI PA ay parang kidlat na lumiwanag ang buong paligid dahil natanggal ang bubong ng sasakyan nina Bethany kung saan ay natanaw niya ang maliwanag na langit. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay hindi na niya nagawa pang makapag-react ng tama. Mabilis niyang tinanggal ang suot niyang seatbelt. Gusto niyang makaalis sa loob ng sasakyan. Iyon ang tanging nasa isip niya dahil natatakot siya na baka iyon naman ang sunod na liparin. Nagawa iyon ni Bethany sa sobrang pagkataranta, ngunit isang malakas na shock wave ang dumating na siyang nagpabagsak sa kanyang katawan at nagpasandal sa malapit na pader ang likod niya. Sa sandaling iyon ay tila nabali ang kanyang balakang sa lakas ng kanyang pagkakabagsak. Hindi na niya napigilan ang buong sistema na balutin ng matinding takot. Hindi para sa kanyang sarili kung hindi para sa kanyang anak na nasa kanyang sinapupunan na kulang na kulang pa sa buwan. Wala sa sarili niyang niyakap ang kanyang tiyan na biglang nanigas gamit ang kanyang
GAANO MANG PAGTUTOL ang gawin ni Bethany na huwag umalis ang asawa sa araw na iyon ay hindi niya pa rin ito napigilan sa nais. Sa halip din na si Briel ang kanyang kasama sa paghatid dito sa airport ay si Manang Esperanza iyon dahil hindi agad nasabihan si Briel na mayroong lakad ng araw na iyon. Ganundin si Mrs. Dankworth na may importanteng pupuntahan. Ihahatid lang din naman siya ni Manang Esperanza sa mansion ng mga Dankworth at aalis na rin ang maid upang bumalik sa penthouse at ituloy ang ginagawa nitong paglilinis. Iyon ang malinaw na usapan nila bago umalis ng bahay. Dala na rin ni Bethany ang mga gamit niya para sa tatlong araw na pananatili sa mansion. “Babalik din ako agad, Thanie…” sambit ni Gavin nang itulak niya ang pintuan ng sasakyan sa gilid niya nang marating nila ang airport, “Huwag ka ng bumaba. Hmm? Dito ka na lang sa loob ng sasakyan at umalis na rin kayo agad para makapagpahinga ka ng maaga sa mansion.”“Hindi naman ako sasama sa’yo sa loob. Huwag mo nga akong
ILANG ARAW NA lihim na pinag-isipang mabuti iyon ni Gavin na sa bandang huli ay nagpasya na sasaglit siya sa ibang bansa. Pupuntahan niya ang kliyente. Sisikapin niyang matapos ang kasong iyon sa loob lamang ng tatlong araw upang makabalik siya agad ng Pilipinas. Inaasahan na niyang hindi papayag ang asawa oras na sabihin niya ang bagay na iyon, pero ang hirap para sa kanyang talikuran ang tungkulin niya na siumpaan niya at hindi niya ito matiis na hindi gawin lalo na at may buhay na manganganib na maparusahan kung hindi siya ang haharap at makikipaglaban. Ang ipagtanggol sa batas ang mga taong walang kasalanan. Hindi siya silaw sa halagang ibabayad nito pero gusto niyang tumulong doon sa kaso. Sisiw lang iyon sa kanya kung kaya naman ang laki ng tiwala nila. Hindi niya naman sila masisisi doon.“Stable naman ang lahat ng check up sa baby natin at sa’yo kaya wala namang magiging problema, Thanie. Tatlong araw. Bigyan mo lang ako ng tatlong araw. Pagkalipas ng tatlong araw na iyon nari
NATATAKOT SI GAVIN na baka kapag nalaman ito ng asawa ay makaapekto iyon nang mas malala. Hindi lang sa pagsasama nila, kundi pati na rin sa kalagayan ngayon ng asawa. Bagay na hindi niya makakayang mangyari. Kaya naman ang plano niyang dalhin iyon sa hukay ay mas nadepina pa sa araw na iyon. Hinding-hindi niya ito sasabihin. Anuman ang mangyari hindi niya ipapaalam kay Bethany iyon kahit na alam niyang sobrang unfair nito sa asawa niya.“Oo isa lang, Rina. Paano kaya gumawa ng dalawa? Iyong iba ang galing-galing. May tatlo pa nga di ba? Sana all na lang sa kanila.” Napahawak na si Bethany sa tiyan sabay ngiti nang malapad sa mga kaharap nila, mga ngiting ayaw maglaho ni Gavin oras na malaman nito ang kanyang lihim. Mabuti pa na siya na lang ang nakakaalam noon kaysa naman mas kamuhian siya ng asawa niya kung pipiliin niyang maging tapat sa kanya. Hindi iyon kalabisan ng pagmamahal niya sa asawa.“Ah, hati ang makukuha niyan sa inyo gaya ng baby namin. Hati ang mukha niya sa amin. P