AKMANG LALAPITAN NA si Bethany ni Gavin upang kunin ang pagkakataon na yakapin sana ng binata ang kasintahan nang biglang mabilis siyang umatras at patakbong pumasok ng banyo. Sinubukan siyang habulin ni Gavin ngunit agad namang naisara at na-lock ng dalaga ang pintuan. Magpapalit lang siya ng damit at iiwan niya na sa silid na iyon ang binata. Wala siyang panahon na makinig sa mga kasinungalingan niya. Sarado na ang isip ni Bethany. Maaari ngang nang dahil iyon sa selos pero hindi siya papayag na ulitin nitong saktan lang siya. Hindi siya magpapakamartir gaya ng ginawa niya noon kay Albert na kahit may nakita na siyang kakaiba, sige pa rin siya nang sigeng magpatawad dahil umaasa siyang magbabago ang lalaki. Isang pagkakamali na kanyang ginawa na hinding-hindi niya na uulitin. Nagtanda na siya. Hindi na siya papayag na muling mayurakan ang buong pagkatao niya. Hinding-hindi kahit mahal pa niya iyon. “Malaya na silang magsama. Tutal, iyon naman ang gusto niya!” patuloy na himutok ni
BINUHAY NIYA PA rin ang makina ng sasakyan at dahan-dahang umalis sa parking lot ng hotel. Lingid sa kanyang kaalaman na lihim siyang tinatanaw ni Gavin mula sa loob ng nilisan niyang hotel. Nais sana siyang sundan ng binata ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili na gawin ang bagay na iyon dahil baka mas lalo pang magalit si Bethany kung desperadang hahabulin niya at pipigilan itong umalis. “Sir, sure po kayo na hindi na kayo magpapa-laundry? Ibinilin po ng kasama niyo sa amin na—” “Kapag sinabi kong hindi, hindi! Alin doon ang hindi niyo maintindihan?” anang binatang itinaas ang kamay upang pigilan ang kaharap na magsalita, pag-alis ni Bethany ay sumunod siya sa ibaba. Hindi alintana ang kanyang itsura. “Huwag kang makulit at paulit-ulit!”“S-Sige po…Sir...” Lumabas na rin si Gavin ng hotel nang makaalis si Bethany at nag-drive. Paglabas niya ng highway ay hindi niya na nakita pa kung saan nagtungo ang sasakyan ng nobya. Hindi niya na sinubukan pang tingnan ang tracker na lihim
ANG UNANG PINUNTAHAN ng dalaga ay ang kumpanya ni Patrick. Iyon kasi ang mas malapit sa lugar. Nasa meeting ang lalaki ayon sa front desk nang itanong niya kung nasaan ito. Iniwan na lang niya ang cheke, at ibinilin na ibigay iyon sa lalaki. Nang matapos ang meeting nito ay nakaalis na doon si Bethany. “Ipinapabigay po sa’yo ni Miss Guzman, Mr. Hidalgo.” magalang na saad ng receptionist.Nahulaan na ni Patrick kung ano iyon pero binuksan pa rin niya upang kumpirmahin. Mahina siyang natawa at kapagdaka ay kinuha ang kanyang cellphone upang tawagan ang dalaga at magreklamo dito. “Regalo ko ito sa’yo, bakit mo ibinalik? Alam kong kakailanganin mo ito eh.” “Patrick, I am good. Hindi ko kailangan ng pera ng iba. At saka ang laking halaga kaya niyan.” “Babayaran mo naman ito sa hinaharap eh, kumbaga pautang ko lang. Ipinahiram na walang interest.” “Kilala mo ako, ayokong magkaroon ng utang na loob sa ibang tao. At saka wala akong pagagamitan niyan. I am driving. Sa ibang pagkakataon na
PARA MATAHIMIK NA si Albert ay pinagbigyan na lang siya ni Bethany. Magkaharap silang naupo sa isang coffee shop sa loob ng kanyang kumpanya. Nakikita ni Bethany ang panaka-nakang tingin sa kanya ng mga empleyado na nakakakilala sa kanya ngunit hindi niya na lang iyon pinag-ukulan pa ng pansin. Siguro naman hindi na masama kung agad niyang iwanan. Ang mahalaga ay pinagbigyan niya kahit na hindi niya ubusin ang kanyang kape. “Ano pa bang kailangan natin pag-usapan?”Humalukipkip si Bethany at sumandal na ang likod ng upuan. Mataman niyang pinagmasdan si Albert na mas mukhang nabawasan pa yata ng timbang ang kanyang katawan. Kung dati, aligaga na siyang nagbabawas ito ng timbang nang dahil sa stress, ngayon ay balewala na lang iyon sa kanya. Parang normal na lang na tanawin at wala na siyang pag-aalalang nadarama pa.“Ilang cubes ng sugar ang gusto mo?” sa halip ay balik-tanong nito. “One.” Pinagmasdan ni Bethany na lagyan ni Albert ng sugar ang kanyang kape. Hinalo-halo niya ito. Ma
MALALAKI ANG MGA hakbang at halos magbuhol na ang mga binti na tinungo ni Bethany ang elevator upang agad siyang makaakyat ng penthouse ng binata. Para na siyang kakapusin ng hininga. Hindi niya na gusto ang kanyang nararamdaman ng mga sandaling iyon. May kakaiba sa tibok ng kanyang puso. Bumilis pa ang tibok nito na parang umaakyat na sa kanyang lalamunan habang lulan siya ng elevator. Itinipa-tipa na ng dalaga ang kanyang isang paa habang ang mga mata ay naktuon sa floor na kanilang dinadaanan. Inip na inip na siya. Kumabog pa ang puso niya habang papalapit siya nang papalapit sa palapag ng penthouse. Iyong tipong parang lalabas na iyon sa loob ng kanyang dibdib. Nanlamig na ang kanyang dalawang palad na makailang beses na ipinunas sa suot na damit. Tensyon na tensyon na siya.“Kalma, Bethany, e ‘di sana tatawagan ka na ng kapatid niya kung may masamang nangyari. Think positive. Masamang thoughts, layuan mo ang isip ko. Please lang, huwag ngayon.” kumbinsi niya pa sa sarili kahit na
NANATILING BLANGKO ANG emosyon ng mukha ni Gavin kahit pa naghuhumiyaw ang damdamin niya sa kaloob-looban niya na muling lumuhod at magmakaawa sa nobyang huwag siyang iwan nito. Ilang beses siyang napalunok ng laway upang humugot ng lakas. Kanina pa siya inuutusan ng kanyang puso na gawin iyon, ngunit komokontra naman ang kanyang isipan. Sinisigaw nitong sarado na ang isip ng nobya. Galit na galit pa rin ito. Masasayang lang ang effort niya kung gagawin niya ang bagay na iyon. Baka pagtawanan lang din siya nito. Tama na iyong sinubukan niya ng isang beses. Nais niya ring bigyan muna ito ng time na mag-isip. Baka sakaling malinawan ng isipan ang dalaga oras na hayaan niyang lumayo na pansamantala.“Paano iyong mga kuting na pinapakain mo sa ibaba? Kawawa naman. Wala ng magpapakain sa kanila.”Gustong mapahalakhak nang malakas ni Bethany. Nag-aaway na sila pero iyon pa rin ang nasa isipan ng abogado? Saka ano bang pakialam niya sa mga iyon? Ngunit nang maisip din na kakaawa naman talaga
PROBLEMADO ANG MUKHANG naiwan si Gavin sa harapan ng elevator. Naihilamos na niya ang mukha na para bang pinagbagsakan siya ng langit at lupa. Ilang beses niyang pinalo gamit ang kamay sa pintuan ng sumarang elevator upang doon ibunton ang kanyang nag-uumapaw na galit. Wala na. Iniwan na siyang tuluyan ng dalaga. Kung hindi lang dumating si Nancy, malamang ay naayos na nilang dalawa ang away nila. Umiigting ang panga at parehong nakakuyom ang mga kamaong bumalik ng bahay niya si Gavin. Naabutan niya si Nancy na naroon pa rin. Matamang nakatayo. Hinihintay siya na makabalik doon. “Gavin—”“Ano ba kasing ginagawa mong punyetang babae ka dito?!” muling sigaw niya na bumasag sa katahimikan ng bawat sulok ng hallway, halos lumuwa na ang mata niya sa matinding galit. “Bobo ka ba? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko sa’yo kagabi? Ayaw na kitang makita! Huwag ka ng magpapakita pa sa akin! Di ba?!”Napalunok na ng laway si Nancy. Noon lang niya nakitang magalit si Gavin sa kanya nang ganito ka
SINALUBONG NG NAKAKABINGING katahimikan ang buong paligid. Diretsong nagtungo si Gavin sa kusina matapos na makapasok sa loob ng bahay. Nanlumo na naman siya nang makita ang mga pagkain na ipinadala ng kanyang ina na para sana sa kanila ni Bethany. Kaninang umaga pa iyon. Lumamig na nga. Ang buong akala niya ay pagsasaluhan na nila ito at iyon ang magiging dahilan upang magkaayos sila. Napahilot na siya sa kanyang sentido nang maalala ang mga ginawang paninira ni Nancy at ang katigasan naman ng ulo na ipinamalas ni Bethany. Halos favorite pa naman ang lahat ng iyon ng dalaga. Humigpit na ang hawak niya sa sandalan ng upuan. Anong gagawin niya ngayon sa mga pagkain? Alangan namang itago niya pa? O kung hindi naman ay kainin niyang mag-isa? Hindi niya iyon makakayang lunukin.“Ano pang silbi niyo?! Pasensya na kung itatapon ko kayo.”Walang pakundangan na pinagkukuha iyon ni Gavin at dinala lahat sa lababo. Matapos na tanggalin ang sabaw at itapon, puno ng hinanakit na pinaghahagis niya
ILANG SEGUNDO PA ang pinalipas ni Bethany bago muling bumalik sa loob ng kanilang bahay. Hindi mawala sa kanyang labi ang ngiting inilibot ang mga mata sa buong paligid na parang ang gaan ng lahat sa buhay niya ngayon. Walang pabigat. Walang masakit na iniisip. Muli niyang sinulyapan ang dalawang singsing sa kanyang daliri. Hinipo na niya iyon dahil iniisip niya na baga panaginip lang ang nangyari kanina. Itinaas niya pa ang palad na agad kuminang ang diamond sa tama ng liwanag ng ilaw sa bulwagan ng kanilang bahay. Napakurap-kurap na siyang muli. “Tagal maghatid ah? Saan mo inihatid? Sa kanila ba? Akala ko ay sa kotse mo lang ihahatid?” sunod-sunod na bungad ni Benjo sa anak habang may nanunuksong tinig at mga mata na tila may iba pa doong mga ipinapahiwatig. Napanguso na doon ang dalaga. Mahina ng natawa sa pang-iinis ng ama niya. “Kakaalis lang ba ni Gavin, Thanie?”Tumango lang si Bethany at dumiretso na sa kusina kung nasaan naman si Victoria. Nag-aasikaso ang madrasta ng mga lu
HINDI MAGAWANG MAKAPAGSALITA ni Gavin lalo na nang makita ang mukha ni Bethany na may halo-halong emosyon. Hindi na mapigilan na mangilid na ang mga luha nito sa mata. Namula pa lalo ang magkabila niyang pisngi. Ilang beses niyang binuksan ang bibig upang sagutin ang katanungan ng nobya ngunit ibang salita ang lumabas dito.“Hey, Thanie? Ayaw mo ba? Hindi mo gusto? Masyado bang maliit ang diamond?”Ilang beses na umiling si Bethany. Hindi iyon ang problema niya.“Natatakot na ako sa sobrang kasiyahan na binibigay mo, Gavin. Baka mamaya ‘yung kapalit nito ay—” “Sssh, wala kang dapat na ipag-alala.” harang na niya ng hintuturo sa bibig ng nobya upang matigilan lang itong magsalita pa, “Walang masamang mangyayari upang nakawin ang kaligayahan natin dalawa, Thanie. Huwag kang mag-isip ng ganyan at magpapaniwala sa mga walang kwentang bagay. Mga lumang kasabihan lang naman iyan.”Ikinulong na ni Gavin sa kanyang mga bisig si Bethany upang pakalmahin na ito. Basang-basa niya kasi ang takot
HUMANTONG ANG DALAWA sa penthouse na sa halip na magtungo sila sa kung saan para lang mag-date. Hanggang hapon ay nakayakap lang sa nobya si Gavin na para bang hindi nito kayang mapawi ang mga pananabik niya. Ilang beses nilang inangkin ang makulay na mundo ng pagtatalik hanggang sa makatulog nang dahil sa labis na pagod. Nang magising si Bethany ay papalubog na ang haring araw. Ang maputlang ginintuang sinag noon ay walang pakundangang pumapasok sa kabuohan ng master bedroom dahil sa nakahawing kurtina nito. Nanatiling nakahiga sa kama si Bethany. Natatamad na igalaw pa ang katawan. “Gising ka na?” untag ng malalim na boses ni Gavin na parang noon lang nagkaroon ng kausap. Napaangat ng mga mata si Bethany at hinanap kung nasaan ang nakapwesto ang nobyo. Natagpuan niya itong nakatayo sa gilid ng kama sa kabila niyang banda. Kinailangan niya pang tumagilid paharap doon upang makita na ito nang maayos. Sa hitsura ni Gavin ay nakaligo na ito at nakapagpalit na rin ng bagong damit na t-
TAHIMIK NA LUMABAS sa kusina si Bethany nang mabawi ang pustora na alam niyang ipinagtataka na ng madrasta, upang tumungo sa kanyang silid at mag-ready na. Naiwan niya sina Victoria at Gavin sa loob ng kusina. Hinugasan ni Gavin ang kanyang kamay at muli pang inayos ang nakatupi niyang manggas ng polo shirt. Komportable pa rin siya kahit na tinititigan siya ng Ginang mula ulo hanggang paa.“Mama, ibabalik ko rin po dito ang anak niyo bago ang hapunan. Sa weekend po ay iinvite ko kayo sa bahay para pag-usapan ang plano naming kasal kasama ng mga parents ko. Makikipag-communicate na lang ako kung paano.”Hindi na maitago pa ang saya sa mukha ni Victoria nang marinig niya iyon. Halata niya sa mga mata ng kaharap na abogado na desidido na talagang lumagay sila sa tahimik. Hindi na rin naman sila mga bata kaya bakit hahadlangan?“Hindi ka ba nabibigla, hijo? Hindi sa tutol ako. Ayaw mo bang patagalin muna ang relasyon niyo? Ang ibig kong sabihin ay gusto mo na ba talagang lumagay sa tahimi
BINUHAT NA NI Gavin ang juice at uhaw na uminom doon. Nakalahati niya ang laman nito. Matapos iyon ay ini-angat na niya ang mga mata sa problemado pa ‘ring si Victoria. Naiimbyerna ito sa bumabaha pa nilang kusina dahil sa tubo. “Gaano po ba kalala ang sira, Mama? Pwede ko bang makita? Baka kaya ko ng ayusin.”Nabaling na ang paningin ng tatlo sa binata. Sabay-sabay silang umiling, maging si Benjo at lalong-lalo na si Bethany.“Huwag na Gavin, tinawagan ko naman na ang management. Paniguradong papunta na sila. Mababasa ka. Baha na sa kusina namin.” harang agad ni Bethany sa nais gawin ng nobyo, ayaw niyang pati iyon ay iasa pa nila sa fiance niya.“Baha na? Naku, mas lalong kailangang ayusin na iyon agad.”Tumayo ang abogado at tinungo na ang kusina habang itinutupi ang manggas ng suot niyang polo. Napatayo na rin doon si Bethany at Victoria na may pagkataranta. Makahulugan na lang tumingin si Bethany sa ama habang naiiling. Sinundan na kasi ni Victoria si Gavin patungong kusina na a
NAGING PARANOID SI Bethany nang mga sumunod na araw hanggang sa tuluyang mapabalita na tapos na ang kasal ni Nancy sa hindi niya kilalang lalaki. Ipinaskil ang mga larawan nila ng kasal online na tanging mga larawan lang ng mga magulang ni Gavin ang nahagip na nasa kasal at nasa reception ng nasabing okasyon. Wala doon sina Briel gaya ng hinuha ng kaibigan niyang si Rina. Nang e-check ni Bethany ang social media ng kapatid ni Gavin ay napag-alaman niyang hindi naman talaga ito pumunta dahil bumalik din sila ng bansa ilang araw na ang nakakalipas base sa mga post nilang gala ng fiance nitong si Albert. “Hay naku, Rina! Makakalbo talaga kita!” bulalas ni Bethany na natatawa na sa kanyang sarili, “Pinag-overthink mo akong malala at pinalala mo pa ang mood swings ko na hindi ko alam kung saan galing!”Bago ma-bisperas ng New Year nang siya na ang kusang tumawag kay Gavin upang magtanong kung ano ang plano nila. Inaasahan niya kasing baka nakauwi na rin ng bansa ang mga magulang nito at b
PAGDATING NG MAGKASINTAHAN penthouse ay hindi inaasahan ni Bethany na nakabalik na pala doon ang kasambahay. Nagulat na lang siya nang bigla siya nitong yakapin nang mahigpit na animo ay parang sobrang na-miss siyang makasama. Marahang hinagod lang ni Bethany ang likod ni Manang Esperanza.“Akala ko hindi ka na pupunta dito, Miss Bethany!” anitong mabilis na inilayo ang kanyang katawan sa dalaga na itinaas na ang dalawang kamay matapos na tumingin kay Gavin na nagulantang sa reaction ng maid niya. “Sorry po Attorney, sobrang na-miss ko lang talaga na makita si Miss Bethany.” hingi pa nito ng paumanhin na kapansin-pansin na ang hiya sa buo niyang mukha.“Ayos lang naman po, Manang Esperanza…” nakangiting sambit ni Bethany na umabot na sa mga mata. Hindi nagtagal ay nagpaalam na rin sa kanila ang matanda. Ngunit bago ito umalis ay inabutan ito ni Gavin ng red envelope kung saan ay may laman iyong pera. Ganun na lang ang pasasalamat ni Manang Esperanza sa kanilang dalawa. Sinuklian lang
WALANG PALIGOY-LIGOY NA ibinigay ni Rina ang cellphone niya kay Bethany. Tinawagan naman ng dalaga si Ramir gamit ang cellphone. Ang buong akala ni Ramir ay ang babae iyon kung kaya naman naging casual na siya doon. “Nasaan ka na? Akala ko ba gagamit ka lang ng banyo?” “Si Bethany ito, Ramir.” “Oh? Bethany, bakit nasa sa’yo ang cellphone ni Rina? Nasaan siya?” “Nandito sa banyo. Hindi na makalakad ng maayos si Rina. Pwede bang pakisundo na siya dito ngayon?” “Sige. Papunta na ako diyan.” Hindi nagtagal ay dumating na si Ramir sa pintuan ng women bathroom. Pilit ang naging ngiti sa kanya ni Bethany nang magtama ang kanilang mga mata. Nahihiya na nitong kinuha ang braso ni Rina upang iakbay sa balikat niya. “Ang ganda mo ngayon ah? Hindi na ako magtataka kung bakit patay na patay si River sa’yo.” Biglang hindi na naging komportable ang pakiramdam ni Bethany. Hindi niya gustong banggitin pa nito ang lalaki. “Pasensya na Ramir, pero wala na akong kaugnayan sa pinsan mo—”“Alam ko
SINUNOD NI BETHANY ang guidelines na sinabi ni Gavin sa kanya na kailangan niyang gawin kapag nasa banquet na. Pagdating niya sa venue ay tama nga ang hula niyang karamihan sa mga bisita ay nakakainom na at busog na. Kumain muna siya, nakipagbatian sa iilang mga kakilala na nasa party, usap-usap ng kaunti sa mga naroon na binabati siya. Nagpahaging na rin siya kay Miss Gen na hindi magtatagal kasi hinihintay siya ni Gavin dahil may lakad umano sila.“Bakit hindi mo pinapasok dito? Ikaw talaga, sana man lang inimbitahan mo siya dito sa loob, hija.”“I did, Miss Gen.” agad na paghuhugas ng kamay ni Bethany, “Ayaw talaga niya. Kilala mo naman iyon. Baka mang agaw-eksena lang daw siya kaya hindi na lang daw siya papasok. Feeling artista kasi ang isang iyon. Pagkakaguluhan.”Nailing na lang si Miss Gen sa biro niya na agad naman siyang pinayagan. Aniya ay kaya niya na ang mag-estima ng mga bisita. Palabas na si Bethany ng banyo nang makasalubong niya ang kaibigang si Rina na nakalimutan ni