Ngunit nangunot ang noo ko ng makita ko si Shobe sa paanan ko na nakatagilid at natutulog, tinanaw ko ang nasa ibaba ng kama at halos nasapo ko ang noo ng makita ko si Savi at Espi na magkatabing natutulog sa nakalatag na kumot sa carpet.Bumuntong hininga ako at ginising na sila upang makatulog sila ng maayos sa mga kwarto nila. Habang nakaupo sa sofa ko at iinom sana ng gatas ay may nag-bell kaya naman kumatok ako ngunit pagkabukas ko ay halos mapatili ako ng tangayin ako sa labas.“H-Hoy!” Bulyaw ko ngunit isinakay niya ako sa elevator.“Eros!” Bulyaw ko at sinamaan siya ng tingin, pinagkrus niya ang braso ng tuluyang magsarado ang elevator at tinitigan ako.“Why the hell are you taking me to your condo?” Iritang irita kong sigaw.“So I could talk to you, privately.” Sagot niya.“You should have asked me to go there then—““So you could reason out not to see me? Tell me you’re busy?” Umirap ako sa naging sagot niya at pasimpleng ipinadyak ang paa ko.“Come,” hinawakan niya ang kama
Sa hindi mawari na dahilan ay nakahawak ang mga palad ko sa aking pisngi hanggang sa makarating sa condo ko, at sakto namang pagpasok ko ay nangunot ang noo ko ng makita na balisa ang mga kasama at ganoon na lang sila nagulat ng makita ako. “Gaga!” “Saan ka galing?!” “Bakit mo iniwan yung cellphone mo papaano kung may emergency?!” Bulyaw ni Shobe. “I-I didn’t leave the house because of my choice, I was abducted by an attorney.” I tried my best to explain and I’m glad they got it. “Grabe, akala namin lumayas ka na naman.” Napaupo pa si Espi sa sofa at napapikit na para bang pagod na pagod siya. “Kalma, ako lang ‘to.” Nagbibirong sabi ko pa. “Kumusta?” Biglang wika ni Savi. “Okay lang, I actually wanted to visit my dad so I could ask.” Sagot ko. “That would be great, you need company? Hatid na kita.” Nakangiting sabi niya kaya umiling ako at ngumiti. “I could ask for my father’s butler to fetch me, no worries. Kumain na kayo,” paalala ko at nginitian sila. “Gaga ku
Pagkatapos no’n ay pinalipas ko muna ang isang araw bago ako pasurpresang pumunta sa condominium ni Eros ngunit halos mangunot ang noo ko ng buksan ko ang pinto ay sobrang ingay ng parrot.“Sexy!”“Sexy.”“Sexyyyyyyy!”“Damn, can you please keep quiet for a minute?” Halatang pikon na pikon na si Eros sa kay Sexy kaya natawa ako at lumapit.“Pati ba naman pagbukas ng pinto automatic na?” Kwestyon ko ngumiti siya.“Sexy!” Ulit pa ng parrot.“Wear this,” natatawang turan ko at inabot ang shirt ni Eros, nang suotin niya ‘yon ay tumigil na ang parrot.“Ang gaga ni Sexy, mahilig sa abs.” Asar ko.“Shut up.” Mas natawa ako sa tugon ni Eros kaya naupo ako sa tabi niya.“Are you studying? Should I come back later?” Kwestyon ko, he stopped from staring at his book and tilted his head a little to glance at me.“Hmm this is actually important, give me 15 minutes. Go.” He said it in a bossy tone to the point that I rolled my eyes.“To my loft.” Itinuro niya ang taas kaya nanlaki ang mata ko at exc
“A-Ano bang nangyari? Sino ang nandoon ng maganap ito? Bakit siya nabaril? Wala bang body guards?” Malakas na tanong ni Isaiah. Ang lahat sa kaniya ay duguan, nang maabot ko ang kamay niya ay hinigpitan ko ang hawak rito kahit na sobrang madugo. “Ma’am excuse me po.” Mabilis nila akong inilayo at doon ko nakita ang bahagyang pagbukas ng mata ni Eros ngunit tila siya ay nahihilo dahilan para maliyo liyo ang tingin niya. Namumutla na rin ang kaniyang labi at mukha, nang mabitiwan ay derederetso akong umiyak at agad na umalalay ang kaibigan ko. “Mayi.. Kumalma ka y-yung trauma mo.” Paalala ni Espi ngunit umiling iling ako. “I-I think t-this is my fault.” Kusa akong napaluhod sa harapan ng magkakapatid na ikinagulat nila. “I’m sorry.” “M-Mayella.” Sambit ng kuya nila at pilit akong itinatayo. “Stand up..” “I-It’s because of my mom’s c-case..” Pabulong na sabi ko na ikinatigil nila, tinitigan nila ako. “Anong ibig mong sabihin?” Tanong ni Adrielle. Bago pa man ako magsali
Makalipas ang dalawang araw ay halos hindi ako tumayo sa kama at tanging asikaso lang mga kaibigan ko ang nagpapanatiling buhay sa akin. Hindi ko rin maaring makita si Eros dahil sa tingin ko ay galit ang pamilya niya sa akin. “Mayi, kumain ka na—“ “Hindi ako nagugutom.” Sagot ko at nagtalukbong ng kumot. “Mayi naman, dalawang araw na panay ka tubig.” Sermon ni Shobe. “Hindi nga ako gutom.” Gitil ko. “Eh kahit na hindi ka gutom kumain ka kahit kaunti.” “Ayaw ko nga!” Galit na sabi ko at tinakpan ang ulo ko gamit ang unan upang wala akong marinig. Paglipas ng isang araw ay nanatili akong nakaupo sa kama ko, kahit papaano ay kumakain na ako. Panay lang ako guhit at walang kinakausap sa kanila, hanggang sa dumating ang oras na pumasok sa kwarto ko si Shobe nakasuot pang-alis. “Maligo ka, aalis tayo.” Siya na mismo ang kumuha ng susuotin ko at tsaka ako ay nanatiling nakatitig sa kaniya. “Ayokong sumama—“ “Kahit pa kay Eros ang punta?” Nang sambitin niya ‘yon ay napata
“It’s not visiting hours anymore, it’s past 12 already.” Maayos niyang sabi, ngumuso ako at sinilip si Eros hanggang sa may lumapit na head nurse sa amin. “Ma’am no visitors allowed na po,” hinawakan ako nito sa braso. “Is he asleep?” Tanong ko. “Ma’am, I’m sorry pero mapapagalitan po kami at nakainom pa po kayo.” Pilit kong sinilip si Eros. “Sandali lang, sandali lang naman eh.” Pamimilit ko at sumilip, narinig ko ang matunog na paghinga ni Adrielle. “Tawag kayo ng guards, please.” Utos ng nurse kaya naman huminga ako ng malalim at naupo sa gilid ng pinto. “There’s no need to do that miss,” maayos na sabi ni Adrielle. “Pero ako talaga ang mapapagalitan sir, I’m sorry.” Pakiusap na sabi ng nurse. “She won’t make a scene.” Wika ni Adrielle. “Mayella.” Sakto namang sunod sunod na dumating ang nga kaibigan ko. “I’m really sorry for the inconvenience, we’ll take her.” Savi is wearing her nighties, a simple one halatang nagmadali sila dahil naka-indoor slippers kami.
“Wala pa akong kasong nahawakan na isinuko ko para lang sa kaligtasan ko, kung yung nararamdaman mo ang magiging hadlang sa lahat ng plano mo. Remove me from it,” sa pag-tayo niya ay napaatras ako. Naguguluhan. “Your feelings for me won’t make you the happiest person in the world, if I will be a hindrance I am willing to run away from you.” Ang asul niyang mata ay hindi ko maiwasan, sobrang seryoso na kahit pa simpleng salita ang mga sinasabi niya ay kitang kita ko ang paglabas ng ugat niya sa leeg. “So don’t you dare give up your plans for me, because I don’t want it.” Bumilis ang paghinga ko. “Hindi ko maintindihan,” wika ko. “Let the no strings attached be our barrier, You’ll regret saving me. Because that means giving up everything you wanted at first,” naupo na siya sa kama niya. “Pagbalik ni Adi, ipapahatid ko na kayo.” Naging seryoso siya, kaya naging malabo lahat. Hindi ako naka pag salita at saktong pagkabalik ni Adrielle ay ipinahatid niya kami sa condo ko, nan
Pumunta kami sa isang bar sa kung saan marami kaming nakilala na dating ka-eskwela at may mga models and artista rin na nandirito dahil exclusive ang bar. Naupo kaagad kami at agaran ay may alak na dumating hanggang sa matigilan ako ng makita si Isaiah at Aisley na nagsasaya. Ibig bang sabihin no’n, nandito rin siya ngayon? But he hates parties, right? Hindi ko sila pinansin at tahimik lang akong umiinom. Hanggang sa makalapit sa amin ang Fuentabella ay kusa akong tumayo na ikinataka nila. Napalunok ako at matipid na ngumiti lalo na ng makita kong papalapit na si Eros. “I’ll dance, you guys want to join me?” Nakangiting tanong ko, ipinakikitang ayos lang ako. Nagtama ang mata namin ni Eros kaya naman ngumiti ako. “Ayaw niyo?” Tanong ko. “I’ll join you!” Pahabol ni Shobe at humawak sa braso ko kaya nginitian ko sila at kinawayan, suot suot ko ang fitted dress na regalo sa akin ng step mother ko ay sapilitan akong sumayaw. Ngunit hindi ako natutuwa sa mga lalakeng dumidikit pa