Share

Chapter 69: Drunk Mayella.

Makalipas ang dalawang araw ay halos hindi ako tumayo sa kama at tanging asikaso lang mga kaibigan ko ang nagpapanatiling buhay sa akin. Hindi ko rin maaring makita si Eros dahil sa tingin ko ay galit ang pamilya niya sa akin.

“Mayi, kumain ka na—“

“Hindi ako nagugutom.” Sagot ko at nagtalukbong ng kumot.

“Mayi naman, dalawang araw na panay ka tubig.” Sermon ni Shobe.

“Hindi nga ako gutom.” Gitil ko.

“Eh kahit na hindi ka gutom kumain ka kahit kaunti.”

“Ayaw ko nga!” Galit na sabi ko at tinakpan ang ulo ko gamit ang unan upang wala akong marinig.

Paglipas ng isang araw ay nanatili akong nakaupo sa kama ko, kahit papaano ay kumakain na ako. Panay lang ako guhit at walang kinakausap sa kanila, hanggang sa dumating ang oras na pumasok sa kwarto ko si Shobe nakasuot pang-alis.

“Maligo ka, aalis tayo.” Siya na mismo ang kumuha ng susuotin ko at tsaka ako ay nanatiling nakatitig sa kaniya.

“Ayokong sumama—“

“Kahit pa kay Eros ang punta?” Nang sambitin niya ‘yon ay napata
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Minda Rosario
kainis nman si mayella, ang tigas ng ulo
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status