Kumuyom ang kamao ko dahil kailangan ko pigilan ang sariling lumabas sa kotse. Hanggang sa mapikon si Rocco ay parang baliw itong tumawa. “Putangina. Ayaw mong bumaba riyan!” galit na sigaw niya at pinagsasapak yung salamin sa bintana dahilan para matakot ako lalo. “R-Rocco!” sigaw ni Eros at halos gumapang siya ngunit pinaglaruan lang siya ng mga tauhan ni Rocco. ‘Nasaan na ba ang body guards ni Eros? Bakit hindi sila lumalabas ngayon?!’ “Ah!” daing ni Eros nang sipain siya sa tyan. Napapikit ako ng mariin. Please dumating na kayo kuya.. Hanggang sa makarinig ako sunond-sunod nang busina ng mabilis na sasakyan. Nanlaki ang mata ko at nakahinga ng maluwag. Umatras kaagad yung mga tauhan ni Rocco ngunit mabilis silang naharangan ng isa pang sasakyan na sports car na paniguradong kay Adi. Dahil doon ay nakubong sila. Bumaba kaagad si Kuya Ashanti na kasama si Isaiah habang si Adrielle ay bumaba rin. Tatawa tawa na lumapit si Rocco kay Kuya Ashanti na salubong ang kilay
Dahil doon ay hindi kami nagpapansinan ni Eros. Hindi niya ako kinakausap at ganoon rin ako. Hanggang sa dinner time ay hindi ako bumaba dahilan para pumasok siya sa kwarto at nakatingin sa akin.“Let’s eat,” mahinahon niyang sabi.“Ayoko. Wala akong gana.”“Mayella, you need to eat. Iinom ka pa ng gamot mo,” mahinang wika niya at nanlulumong tinitigan ako.Hindi ko siya tinugunan hanggang sa lumapit siya at maupo sa harapan ko. “Let’s go. Kumain ka na,” usal niya.“Ayoko nga. Huwag mo ‘kong pilitin—”“Fine. Huwag tayo kumain dalawa.” Nanlaki ang mata ko at tinitigan siya. S-Siraulo ba siya?“Kumain ka na doon,” pabulong na sabi ko.“No. If you won’t eat, then I won’t eat—” Inis akong tumayo at naglakad na, mabilis naman siyang sumunod. Sobrang tahimik naming naglalakad sa hallway at kahit paghinga niya ay naririnig ko.Pagkababa ay wala akong gana na sumubo ng pagkain habang lahat sila ay tahimik at nakikiramdam sa amin ni Eros.Wala kasi ang parents namin dito. I think may inaayos s
“Mayi!” Napabangon ako kaagad sa malakas na tawag sa akin. Nang titigan ko ang kaharap ay sunod-sunod na nangilid ang luha ko nang makita si Eros. “E-Eros.. E-Eros!” Niyakap ko siya ng mahigpit at malakas na humagulgol. “W-What’s wrong babe? Hmm?” Naramdaman ko ang paghagod ng palad niya mula ulo ko hanggang sa likuran. “I-I saw you— b-bleeding due to a gunshot—” Panay ang iyak ko at hindi naituloy ang sinasabi. Huminga siya ng malalim at inalo ako, hinawakan niya ang mukha ko nang humiwalay ako sa yakap kasabay ng pagpahid ng hinlalaki niya sa mga luha ko sa pisngi. “It’s just a dream babe, it didn’t happen and it won’t happen okay?” paninigurado niya ngunit ramdam na ramdam ko pa rin ang sakit sa puso. Para akong dinadamba sa dibdib nang paulit ulit. It was crazy. It felt so real. Hindi ko magawang tumahan sa sobrang takot. “E-Eros..” “I’m here babe, I’m here..” Maya-Maya ay may kumatok sa kwarto. “I’ll just open the door—” “‘Wag. B-Baka si Rocco ‘yan—” “He ca
Nagtataka ako sa inaasta ni Eros, kanina ko pa siya inoobserbahan at ramdam kong may tinatago siya sa akin.Hanggang sa sinubukan kong lapitan ang cellphone niya at i-unlock ‘yon habang nasa labas siya ng kwarto.Nakita ko ang maraming messages ni Attorney Bela. Dismayado ko iyong binasa.Bela: Did you really kick me out in your team?!Bela: I heard from Espi that I’m out of the team. How could you do this to me Eros?Bela: How dare you do this to me? Is it because of Mayella? Is she jealous of me?!Eros: She’s out of my decisions. I gave you a lot of chances and you’re out of the line, Bela.Bela: Out of the line??? Bela: Nauna ako kesa kay Mayella! Ako ang kailangan mo sa lawfirm!Eros: Damn. Tanga ka ba? Nauna ka sa kanya and so what? She’s my woman. You’re only my collegue. Eros: Tangina. Inaasahan mo bang pipiliin kita over my woman? Abogado ka sa pag-iisip na ‘yan?Bela: Hindi mo man lang ba ako ginusto? Matagal na tayong magkaibigan Eros!Eros: You’re a friend for a reason, B
Habang kumakain kami lahat sa hapag kainan ay hindi makaimik ang lahat sa sobrang seryoso ni Eros. Kahit mga kapatid niya ay walang kibo.Ngunit biglang nagsalita si Espi, nandito rin kasi ang mga kaibigan ko.“Atty. Fuentabella, about Mayella’s case. The evidences were destroyed in Bela’s hand, gusto mo bang mag-file ako ng kaso?” Umangat ang tingin ni Eros at matipid na tumango.“Sige,” tipid niya pang sagot.“After her case, sumama ka na lang sa kanila sa hacienda, Atty. Perez,” suhestyon ni Eros na ikinahinto ni Espi.“Hindi na attorney, kaya ko naman ang sarili ko—”“I know your mental capability, Espi. Kaya mo, yes. I won’t deny that. But in terms of danger, I’m afraid you might get hurt in the process. Ayokong nalulungkot si Mayi,” mahinahon na paliwanag ni Eros dahilan para hindi makasagot si Espi.“Isa na lang ako sa mga maari mong pagkatiwalaan attorney, excluding me on this case will be hard. Think of me as your colleague. Not as your fiance’s friend, let’s remove personal
Nakaharap ko si Eros ngayon, maganda ang ngiti. Ngunit hindi ko magawang pilitin ang sarili kong i-peke ang mga ngiti ko. Alam ko na ang plano niya. ‘Hindi niya kailangang umabot sa ganoong punto..’ Ngunit hinayaan ko siyang magpahinga, ni sermonan, awayin, o komprontahin ay hindi ko magawa. Wala akong pagpipilian dahil ayokong mas makabigat pa sa kanya. Makalipas ang ilang araw ay alam kong naging malamig ang trato ko kay Eros. Hanggang sa pangalawang trial ay out for investigation and probation na ako. Hindi ko na kailangan pang makulong, but once my name is called. I have to be present inside the court. “Congrats, babe. Congrats!” masayang sabi ni Eros at mahigpit akong niyakap. Pilit akong ngumiti. “It’s not yet time to celebrate but I’m happy for you babe. Ngayon, si Rocco na lang ang problema dahil nakakawala pa rin siya.” “Oo nga eh,” tugon ko at hinayaan siyang hawakan ako sa kamay. Iniwan kami saglit ni Eros dahil may pipirmahan siyang papers. Kasama ko nam
Sumugod kami kaagad sa ospital matapos sabihin sa akin ng pulis ang lahat. Hindi mabilang ang tibok ng aking puso kahit gaano ito kalakas. Bawat hakbang ay mas bumibigat ang nararamdaman ko. Hanggang sa makapasok sa emergency room ay nalaman ko ba si Eros ang puntirya dahil sa tama niya sa taas ng dibdib. “Unconscious, and loss of blood..” Kinakabahan na sabi ni Adi na nadaplisan lamang sa braso. Napuruhan rin si Kuya Ashanti. “I-Is he okay? H-Hindi ba g-ganoon kalala?” natatakot kong tanong. Ang luha ko ay naubos na kanina. Ngunit sa pagyuko ni Adi ay napapikit ako ng mariin, naramdaman ko ang pagkirot ng dibdib ngunit halos mayakap ko ang tyan nang tila maramdaman ‘yon ng baby namin. Humilab ang tyan ko. “M-Mayi? Namumutla ka— Mayi!” malakas na tawag niya sa akin dahilan para maalarma ang kaibigan ko nang lumupasay ako sa sahig. “Oh god! Mayi!” “Doc! Please!” tawag agad ni Savi at nilapitan ako. Ngunit pagmulat ko ay napahinto ako nang maramdaman ang pagtulo ng mainit n
“M-Mayi, anong i-ibig mo sabihin?” nahirapan siyang magsalita at mas hinawakan ang kamay ko. “Hmm? T-Tell me babe, I don’t understand.” “Our baby is gone.” Malamig kong sabi, matagal bago siya nagsalita. Hindi niya nakasagot at natulala sa mukha ko. “G-Gone? T-That’s impossible babe. I-Imposible ‘yang sinasabi mo.. M-Malabo—” “Stop being like this, Eros! Anong mahirap intindihin? Anong gusto mong sabihin ko na patay na ang anak natin?!” malakas na sabi ko dahilan para bahagyang manlaki ang mata niya. “P-Patay? P-Paano mangyayari ‘yon. H-Hindi ka naman kasama sa aksidente babe. P-Paano—” Huminga siya ng malalim at sandaling kinapa ang dibdib dahilan para nag-aalala ko siyang tignan. “K-Kuya.” Mabilis ba lumapit si Adrielle at tinignan ang kuya niya. “F-Fuck. T-Tell me you’re lying babe? P-Please? Tell me it’s not true?” Pakiusap niya at halos magulat ako nang malaglag siya sa wheelchair nang pilitin niyang tumayo. “E-Eros—” usal ko sa pangalan niya ngunit nagsimula siy