Thank you so much! Stay tuned!
Makalipas ang isang linggo mula nang mag-usap kami ni Eros. Tahimik ako sa pamamahay nila at ngayong araw ay ‘yon ding nakauwi siya galing sa ospital.Hindi ko siya iniimik. Pagkapasok niya ng kwarto ay napahinto siya nang makita ang maleta kong nakalabas.“B-Babe bakit nakalabas ‘to?” gulantang niyang sabi at hinawakan ‘yon.“Let’s stop this, Eros.” Salubong ang kilay kong sabi sa kanya dahilan para mas matigilan siya.“Stop what?”“Stop this relationship. W-Walang pinatutunguhan. Ginawa naman natin lahat pero walang future kung ipagpapatuloy pa natin,” mahinahon kong sabi at hindi siya matignan hanggang sa lumapit siya sa akin.“W-Why are you doing this, Mayi?”“Ano pa ba Eros? Wala na rin yung anak natin. Wala ka ng dapat pang ingatan at pangalagaan.” I blurted, as soon as my eyes laid on his face, I saw how he held back his tears by glaring at me.He looked heavenward as he touched his lips, “S-So both of you are going to leave me?” he said, figting back his tears. I immediately l
Mabilis na dumaan ang oras at sineryoso ko na ang plano bago pa man ako mabuko ni Eros. Todo pigil siya sa akin na umalis ng bahay nila. “Hindi lang ikaw ang nahihirapan Eros, g-gusto ko rin munang makalimot sa pagkawala ng baby natin. Pabayaan mo na lang ako,” mahinang sabi ko. Napatitig siya sa akin ng matagal at madamdaming umiwas tingin. Hindi niya binitiwan ang hawakan ng maleta ko. “Do you really have to do this, Mayi?” nagugulumihan niyang sabi. “I want peace.. Pagod na ako.” “P-Pabayaan mo na muna ako n-ngayon, Eros.” Napapikit siya ng mariin. “W-Where are you going?” mahinang aniya niya. “Away from this country..” bulong na sagot ko, napahinto ako nang bitiwan niya ang handle ng maleta ko at derederetsong tumalikod. Natigilan ako nang bumalik siya dala ang susi. “I-I’ll take you there,” mahinang saad niya at pinahid ang mata gamit ang likod ng kanyang palad. Hinila niya ang maleta ko at nagpauna dahilan para may kung anong parte sa dibdib ko ang kumirot. Napa
He was fine.. I was glad he’s doing better.. Iniiwas ko ang tingin ko ng mabilis at mas nilakihan ang bukas ng pinto not until I remember my son! Our son! H-He can’t find out yet, b-baka sumama lalo ang loob niya at magalit siya ng husto sa akin. I need to tame him first before everything.. I need time. “T-Teka, m-mga walang bra yung kasama ko.” Pagrarason ki at sinulyapan ang mga kaibigan na nanlalaki ang mata sa pagkapahiya. “Hala wait lang po! Oo nga pala! Pwede ba sa condo ko na lang? M-Mas maayos doon. Makukulit rin kasi yung bata,” naiilang na sabi ni Savi. Mukhang naunawaan nila ang nais kong tulong sa kanila. “Yaya! Please look for the kids muna! We’ll just go to my friend’s condo!” Hindi na sana ako sasama pero halos mahigit ko ang hininga nang akbayan ako ni Isaiah at tangayin! Hindi ako nakapalag dahil ang lakas niya at ang laki nilang tao magkakapatid. “Musta Mayi? Long time no see, gago almost two years kang nawala!” masayang sabi ni Isaiah. Naiilang akon
NEXT MORNING.. I was dozing off while waiting for Eros at the lounge of this condominium. Napakurap ako at muling tinignan ang text message niya sa akin. Eros Dane: Morning, are you free by 10 AM? Mayella: Yes. Eros Dane: Alright, just wait for me by the lounge. I’m at my lawfirm. Mayella: Okay. But it’s been 10 minutes already! Late na siya ng 10 minutes. Dapat talaga hindi na ako uminom kagabi at sana ay naka-breakfast pa ako. Inip na inip kong nilaro ang tunog ng mahahaba kong kuko sa mesa. Hindi ko naman maaring isama ang anak kong pasaway, baka maglikot at hindi pa siya pwede makilala ni Eros na ikakasal na. Hanggang sa mapatanaw ako sa entrance at doon ko siya nakita, malinis ang kanyang suot, ang itim niyang sapatos na matunog ay kumikintab sa sinag ng araw sa labas. Tumaas ang tingin ko sa kanyang mukha na salubong ang kilay na nakatingin sa akin. “Did I made you wait? I’m sorry there was a traffic jam due to an accident,” paliwanag niya at inayos ang
“Alangan ng iwan natin anak natin sa lola mo Shobe? Nakakahiya!” nahihiyang sabi ko, lalo na’t alam kong makulit si Enzo. “Lola loves kids! C’mon! Male-late na tayo sa reunion!” Hiniklat ako ni Shobe at ni Espi dahilan para wala akong magawa at nagpatangay sa kanila. “Iniiwasan mo lang si Eros eh!” natatawang sabi pa ni Espi at pilit akong sinakay sa sasakyan. Si Savi kasi ang coordinator ng party kaya naman nauna na siya doon, sa dami ng connections ni Savi hindi malabong nandoon rin ang fiance ni Eros ‘no! Nakakahiya! Nang makarating sa isang sikat na bar ay huminga ako ng malalim dahil kapapasok pa lang ay natanaw ko na ang mga pamilyar na mukha. Ngunit sa designated table namin ay nahiya agad ako dahil nandoon na ang mga Fuentabella. At nandodoon na talaga si Eros, tahimik na umiinom. “Hello Mayi!” “Uy! It’s been a long time girl!” “I miss you Ate Mayi!” Yumakap kaagad sa akin si Aisley kaya ngumiti ako. “I miss you too, Aisley..” Ngumiti naman si Adrielle sa
The wedding gown is in the process of being started, naisipan ko ring nagpatayo ng sarili kong shop dito sa Philippines since this is where I’m staying for good. Naisipan kong bumili ng lupa, near Eros’s law firm para naman parati ko siyang nakikita. Ngayon ay pinuntahan ko si Espi sa law firm nila Eros. Doon kasi siya nagtatrabaho. “Ay girl kung corporate and about land, si Eros ‘yan. Lahat yata kasi inaral no’n. ‘Wag ako, tamad ako.” Tanggi sa akin ni Espi, kailangan ko kasi ng abogado tungkol sa mga papeles na hindi ko naman gamay. “Nahihiya na ako sa kanya, last week ko pa siya huling nakita.” Maktol ko at yumukopkop sa kanyang mesa. “Si Attorney Eros nga beh!” “Uunahin mo pa hiya mo kesa sa business mo, gaga. Be professional, choo!” taboy niya sa akin na para akong aso kaya umirap ako. Nakabukaka ako sa upuan sa harapan ng mesa niya habang nakanguso. “Nahihiya ako Espiii!” “Anak ng tokneneng naman ‘tong babae na ‘to. Ano kinahihiya mo? Bumukangkang ka nga sa harapan
=Mayella’s Point Of View= “Mommy, aalis ka po ulit? Aria’s bullying me,” nakangusong sumbong ni Enzo sa akin dahilan para buhatin ko siya. Bata pa lang kasi pero ang bigat na. “Mommy’s preparing our stay here for good, baby. Don’t you want to stay here?” nakangiting tugon ko. “Not with Aria, she’s a witch mommy!” “Enzo! I’m not a witch! I’m a disney princess!” maktol ni Aria na ikinatawa namin ni Shobe. “Y-Yeah, maybe you’re a princess. Bur you’re Fiona fron Shrek!” at ayan na naman sila sa kanilang pagtatalo. “Mommy oh!” sumbong ni Aria at yumakap sa nanay niyang si Shobe. “Ikaw naman kasi ‘nak, napala-bully mo. That’s wrong okay? Learn to act like a princess if you want to be a princess,” sermon ni Shobe sa anak. “Minsan magkasundo, madalas aso’t pusa.” Bulong ni Shobe, dahil doon ay abala na naman si Aria at Enzo sa paglalaro. “Shobe, sorry ha? Sa’yo ko muna iiwan si Enzo, kahit gusto ko siyang isama hindi pwede eh baka magtagpo sila ng karagatan,” natatawang sabi
Napakurap ako nang sunod kong marinig ang sinabi ni Eros na tila ba ubos na ang kanyang pasensya doon. “No, the antidepressants doesn’t help me anymore doc.. It’s just making me emotionless but the pain was still there. I-I couldn’t even grieve for my son.” Hindi ko na kinayang makinig dahilan para bumalik na ako sa table namin but my heart felt so heavy. Muli akong kinain ng konsensyang saglit kong nakalimutan nang makita ko siyang ayos. I was so selfish. Pagkabalik niya ay wala akong kahit anong imik, tahimik lang akong kumain clouded with my own thoughts. Matapos naming kumain ay sinabay niya na ako pabalik sa condo. Binenta ko na kasi ang condo na tinitirahan namin noon dito. “I’ll go ahead. Thank you,” paalam ko at pumasok na sa loob ng hindi pinakikinggan ang sasabihin ni Eros o kung may sasabihin ba siya sa akin. “S-Si Enzo?” tanong ko kay Shobe. “Tulog na sila kanina pa, ikaw? Bakit ganyam mukha mo?” tanong ni Shobe sa akin. “H-Huh?” “Para kang may problema,
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= A few days later… It was my 5th day in working here at this hospital. I receieved a lot of patients and at the same time I was discriminated. Wala akong gana at dahil na ‘yon sa head doctor dito, gigil na gigil ito sa akin at dahil hindi nila alam na ako ang may ari ng ospital ay hindi sila natatakot na tiradurin ako na mukhang bago lang sa kanila. “Kahit pa graduate ka at nakapasa with highest score, iba pa rin ang hirap ng school sa Pinas kaya huwag mo ‘ko tuturuan!” sermon nito sa akin ngunit nanatili akong nakatayo sa harap niya at nakatungo ang ulo. ‘I am sa surgeon…’ “Okay doc,” kalmadong sabi ko na lang. Habang naglalakad ako palabas ng operating room, naririnig ko pa rin ang pagbulong-bulungan ng mga staff. “Ang yabang no’n, akala mo kung sinong magaling… bago pa lang naman.” “Pinapasikat lang ng apelyido, kaya siguro nakuha ‘tong posisyon na ‘to…” Bawat salitang naririnig ko ay parang kutsilyong bumabaon sa dignidad ko, p
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= “Anong ginagawa mo dito?” malamig kong tanong habang sinusubukang huwag magpakita ng emosyon. “Legal counsel ako ng ospital na ‘to,” kalmado niyang sagot habang nakatingin sa akin nang diretso. “Looks like we’ll be seeing a lot of each other.” Halos mamilipit ang kamay ko sa inis. Gusto ko sanang tanungin kung bakit sa dami ng lugar ay dito pa siya napadpad, pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayokong bigyan siya ng satisfaction na naiinis ako. “Kung nandito ka para manggulo, baka pwede kang humanap ng ibang ospital na abalahin,” sagot ko nang may bahid ng iritasyon. Umangat ang isang kilay niya. “Relax, Doc. I’m not here to ruin your day—well, not entirely. Trabaho lang. I take my job seriously, unlike some people who run away from their responsibilities.” Napasinghap ako sa sinabi niya. Alam kong may pinatatamaan siya, at ramdam ko ang sakit ng mga salita niya kahit pa anong pilit kong huwag pansinin. “If you’re implying something, j
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= After my mom made a heartfelt words to my dad, bumaba na sila ng stage at lumapit sa table namin. “My unica hija,” malambing na sabi ni mommy at yumakap sa akin ng mahigpit. “I missed you so much anak,” bulong niya. “I miss you too mommy.” “Will you stay with us for good?” bungad ni daddy pagkayakap niya sa akin. Napahinto ako bigla. Sa gilid ng mata ko ay pansin ko ang pag-aabang ni Enzo sa mga sagot ko. “I’ll think about it dad. The salary is good there,” mahinahon na sabi ko. “If you lack financial, I can handle it anak. Hindi mo na kinukuha ang allowance mo sa akin,” sabi ni daddy pagkaupo namin. “No dad, I have to be independent rin po ‘no. I’m old enough to be married,” kalmadong sabi ko. Napansin ko ang asul na mata ni Enzo na sumiring kaya naman napairap rin ako. ‘He’s really getting into my nerves…’ Then suddenly, I remember his case. Napanalo niya kaya? Pagkatapos ng dinner, nagkayayaan ang lahat na magpunta sa garden pa
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= 4 YEARS LATER… Halos madaliin kong tumakbo pababa ng airport hila-hila ang maleta ko. Male-late na ako sa wedding anniversary ni mommy at daddy! May tinapos pa kasi akong operation bago ang flight ko. Nang makalabas ay pumara agad ako ng taxi. Habang on the way sa venue ay napasandal ako sa taxi. Pagod na pagod ako eh. Halos 20 minutes rin ang byahe papunta sa venue galing sa airport. Pagkababa sa hotel ay inutos ko na sa tauhan nila daddy ang maleta dahil maayos naman na ang dress na suot ko. Halos lakad takbo ang ginawa ko para lang makahabol sa main event ng anniversary nila mommy at daddy. Habang tumatakbo ay halos hindi ko mapigil ang sariling katawan ma bumangga sa mataas na bulto na nasa harapan ko dahil sa bilis ko at madulas ang heels. “Oh my god! I’m sorry!” mabilis na sabi ko at lumayo, nang tingalain ko ito ay halos manlaki ng bahagya ang mata ko dahil nakilala ko kaagad ang may ari ng asul na pares na mga mata. ‘Damn, w
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= Today was my last day here in Philippines. After our last conversation, I’ve never seen him, nor I even look for him. Kusa ko siyang nakikita sa kung saan-saan ngunit kahit tapunan ng tingin ay hindi niya ibinigay sa akin. I admit, I’m hurt. Ang sakit lang isipin na hanggang doon na lang talaga kami… Namimiss ko na siya… Sobra… Habang inaantay ang flight ko ay napatitig ako sa ticket at passport ko. ‘G-Gusto ko siyang makita at hilingin na balikan niya ako, but then he discarded me like I was nothing. G-Gusto ko magalit na lang sa kanya…’ Habang nakaupo ako sa departure area, ramdam ko ang bigat ng bawat segundo. Sa bawat tiktak ng orasan, parang may hinihila sa akin pabalik, pero pilit kong nilalabanan. Sinulyapan ko ang ticket at passport sa kamay ko. Ang mga ito na lang ang nagpapapaalala na may bagong simula akong naghihintay. Pero bakit ang bigat-bigat? ‘Gusto ko siyang makita… kahit sa huling pagkakataon.’ Napapikit ako at h
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= After drinking for another hour, naramdaman ko na ang hilo sa akin. Tumigil na ako dahil gusto ko na umuwi. “Lasing ka na beb?” tanong ng kaklase kong babae. Umiling naman ako. “Inaantok lang. Kailangan ko na rin umuwi pero,” sagot ko at bumuntong hininga. Later on lumipat yung kaklase kong lalake sa tabi ko. “Did you drive a car?” tanong niya kaya umiling ako. “I’ll just ride a taxi.” “Isasakay na kita mamaya,” suhestyon niya. “Kaya ko na.” After 15 minutes tumayo na ako at kinuha ang bag ko. Ako rin ang nagbayad ng nagastos namin. Pinilit ko maglakad ng deretso para lang hindi mahalata na lasing ako. Sa labasan ay naghintay ako ng taxi ngunit bago pa man pumaypay ang kamay ko ay may puntay sa kinatatayuan ko. Paglingon ko ay natigilan ako nang makita si Enzo. “I wanted to drive you home, but I know I drank a lot more than you did… I’ll just come with you,” mahinahon niyang sabi. “There’s no need, Enzo.” “I think I have to,”
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= It’s a week ago since Enzo and I last met each other… Nasa bahay ako at walang gana sa lahat. Akala ko okay na ako, okay na ang puso ko… Pero hindi pa pala. I was hurt… “M-Mommy,” mahinang tawag ko kay mommy na nasa kusina at naghahanda ng gabihan. “Oh anak?” tugon niya at nilingon ako. “M-Mommy… A-Ayoko na po dito,” mahinang bulong ko. Napahinto siya sa pagluluto at sumeryoso ang mukha. Pinatay niya ang kalan at nilapitan ako ngunit isang hawak niya lang at ayos sa mga buhok ko ay tumulo na ang luha ko. ‘Ang sakit…’ “W-Why anak? A-Ano ‘yon? Say it to mommy,” pag-aalo niya at niyakap ako. Panay ang hikbi ko sa kanyang nga balikat. “I-I can’t stay here, s-seeing Enzo… P-Parang pinapatay ang puso ko sa sakit mommy. Ang sakit… A-Akala ko…” “A-Akala ko a-ayos na ako…” panay ang hikbi ko at halos hindi ako makahinga kakaiyak. “A-Ano g-gusto mo gawin anak?” “M-Mommy… I-Ilayo n-niyo na po ako dito, k-kahit saang bansa b-bast
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= After a few days, sinubukan ko puntahan si Enzo sa kanyang condo. Kinakabahan ako at hindi maipaliwanag ang nararamdaman. ‘Itataboy niya kaya ako?’ I knocked on his door three times, my heart is thumping very hard and I cannot do anything… Nang marinig ko ang pagbukas no’n ay napasinghap ako. Pagbukas no’n ay tumambad sa akin ang bahagyang namumutla na mukha ni Enzo. “Can I come in?” pabulong na tanony ko, huminga siya ng malalim at tumango. Sumunod ako sa kanya sa sala at doon ko nakita ang kumpol kumpol na kable ng kanyang laptop, at mga papers and documents na nakakalat. Tila inaaral niya ang kaso… “H-How’s your shoulder?” pabulong na kwestyon ko matapos maupo sa parteng sofa na walang laman na papel. “Good,” malamig niyang tugon. Hindi naman ganito si Enzo noon, kahit seryoso siya at hindi siya ganito kalamig lalo na pagdating sa akin. Ngunit ngayon ay iba… “E-Enzo… About the case—” “It’s not something I can share… I’m sorry,
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= Mabilis akong sumunod sa kanya, pinilit ko siyang habulin. “Enzo sandali!” Habol ko at lakad takbo ang ginawa. “Enzo!” Ngunit nang nasa pinto niya na ay mabilis niyang sinara ang pinto dahilan para maiwan ako sa labas. Panay ang katok ko. “J-Just rest!” rinig ko ang malakas niyang sigaw sa kabilang pinto kaya mariin akong napapikit. Wala akong nagawa. Alam ko ang password ng kanyang condo pero tingin ko ay may kailangan siyang gawin. ‘Ang bakal na ‘yon? I-Ibig bang sabihin no’n hindi pa siya magaling?’ Napabuntong-hininga ako habang nakatayo sa labas ng pinto ni Enzo. Pinilit kong kumalma, kahit na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Bakit niya kailangang magtago? Ano ang ginagawa niya na ayaw niyang malaman ko? “Enzo, please… Open the door,” mahinang tawag ko, pero walang sagot. Tila lalo pang bumibigat ang bawat segundo na lumilipas. Alam kong dapat ko siyang intindihin, pero hindi ko maiwasang magtaka at mag-alala. Hinawakan k