Sorry late update! Enjoy and happy reading! Love lots! 🤍
The wedding gown is in the process of being started, naisipan ko ring nagpatayo ng sarili kong shop dito sa Philippines since this is where I’m staying for good. Naisipan kong bumili ng lupa, near Eros’s law firm para naman parati ko siyang nakikita. Ngayon ay pinuntahan ko si Espi sa law firm nila Eros. Doon kasi siya nagtatrabaho. “Ay girl kung corporate and about land, si Eros ‘yan. Lahat yata kasi inaral no’n. ‘Wag ako, tamad ako.” Tanggi sa akin ni Espi, kailangan ko kasi ng abogado tungkol sa mga papeles na hindi ko naman gamay. “Nahihiya na ako sa kanya, last week ko pa siya huling nakita.” Maktol ko at yumukopkop sa kanyang mesa. “Si Attorney Eros nga beh!” “Uunahin mo pa hiya mo kesa sa business mo, gaga. Be professional, choo!” taboy niya sa akin na para akong aso kaya umirap ako. Nakabukaka ako sa upuan sa harapan ng mesa niya habang nakanguso. “Nahihiya ako Espiii!” “Anak ng tokneneng naman ‘tong babae na ‘to. Ano kinahihiya mo? Bumukangkang ka nga sa harapan
=Mayella’s Point Of View= “Mommy, aalis ka po ulit? Aria’s bullying me,” nakangusong sumbong ni Enzo sa akin dahilan para buhatin ko siya. Bata pa lang kasi pero ang bigat na. “Mommy’s preparing our stay here for good, baby. Don’t you want to stay here?” nakangiting tugon ko. “Not with Aria, she’s a witch mommy!” “Enzo! I’m not a witch! I’m a disney princess!” maktol ni Aria na ikinatawa namin ni Shobe. “Y-Yeah, maybe you’re a princess. Bur you’re Fiona fron Shrek!” at ayan na naman sila sa kanilang pagtatalo. “Mommy oh!” sumbong ni Aria at yumakap sa nanay niyang si Shobe. “Ikaw naman kasi ‘nak, napala-bully mo. That’s wrong okay? Learn to act like a princess if you want to be a princess,” sermon ni Shobe sa anak. “Minsan magkasundo, madalas aso’t pusa.” Bulong ni Shobe, dahil doon ay abala na naman si Aria at Enzo sa paglalaro. “Shobe, sorry ha? Sa’yo ko muna iiwan si Enzo, kahit gusto ko siyang isama hindi pwede eh baka magtagpo sila ng karagatan,” natatawang sabi
Napakurap ako nang sunod kong marinig ang sinabi ni Eros na tila ba ubos na ang kanyang pasensya doon. “No, the antidepressants doesn’t help me anymore doc.. It’s just making me emotionless but the pain was still there. I-I couldn’t even grieve for my son.” Hindi ko na kinayang makinig dahilan para bumalik na ako sa table namin but my heart felt so heavy. Muli akong kinain ng konsensyang saglit kong nakalimutan nang makita ko siyang ayos. I was so selfish. Pagkabalik niya ay wala akong kahit anong imik, tahimik lang akong kumain clouded with my own thoughts. Matapos naming kumain ay sinabay niya na ako pabalik sa condo. Binenta ko na kasi ang condo na tinitirahan namin noon dito. “I’ll go ahead. Thank you,” paalam ko at pumasok na sa loob ng hindi pinakikinggan ang sasabihin ni Eros o kung may sasabihin ba siya sa akin. “S-Si Enzo?” tanong ko kay Shobe. “Tulog na sila kanina pa, ikaw? Bakit ganyam mukha mo?” tanong ni Shobe sa akin. “H-Huh?” “Para kang may problema,
Nagmadali akong pumunta sa law firm ni Eros at grabe ang bilis ng tibok ng puso ko. Halos kinakapos ako sa hininga at ang elevator ni Eros ay napakatagal. Tila bumagal ang lahat.. Pagkarating sa opisina ni Eros ay hindi ko magawang pihitin ang door knob niya. Napapikit ako ng mariin at pagpihit ko ay natanaw ko ang seryosong mukha ni Eros habang kaharap ang dalawang bata. Sabay-Sabay nila akong nilingon, at ang naguguluhan na tingin ni Eros ay agad kong nakita. “M-Mommy..” Natatakot na tawag sa akin ni Enzo dahilan para lumapit ako at doon ay nagsimula na itong umiyak. “Tell me, w-why did you go here?” nauubos pasensya kong sabi. I was waiting for the right time to introduce him but now he’s here in front of his dad! “M-Mommy I’m sorry!” malakas siyang umiyak at lumapit sa binti ko. Hindi ko magawang tignan si Eros. Mariin akong napapikit at kusa na lang naluha. “T-Tita I’m sorry po..” rinig ko ring sabi ni Aria. “Mommy! Are you mad? I’m sorry mommy!” paulit-uli
“Oy gaga! Papatayin mo ba sarili mo? Kumain ka nga. Dalawang araw ka ng tulala,” sermon ni Shobe at inis na inilapag ang plato na puno ng pagkain. “W-Wala akong gana,” nakangusong sabi ko. “Pisting yawa. Look, Eros is doing good and he’s normal. Susunduin nga niya mamaya si Enzo, kaya yung pagmumukha mo ayusin mo. Make him fall in love again with you—” “Wala namang issue sana kung hindi ikakasal yung tao, Shobe. Kaso ikakasal ang kapal naman ng mukha ko sirain ulit yung buhay niya,” singhal ko at pinagkrus ang braso. “‘Wag nga ako. Kahit pa hindi ikakasal si Eros, you’ll keep on stalling time. Sayang! Huwag ka ngang tanga,” sermon pa nito sa akin at siniko ang tagiliran ko kaya lumabi ako. “Nakakabigla. Ito kasing si Aria pakielamera. Nainip yata, siya na ang gumawa ng paraan para magtagpo ang dalawa,” natatawang sabi ni Shobe na mas ikinanguso ko. “Okay na rin ‘yon. Hindi ko na kailangang mag-build ng courage to tell, Eros.” Pagsasabi ko ng totoo, doon rin naman ako nahihi
“H-Hoy Eros.. N-Nasisiraan ka na ba ng bait?” Napatayo ako ng deretso at ganoon rin siya. Mas nagtaka ako nang mahina siyang natawa habang nakatitig sa akin. Ngunit napaatras ako nang humakbang siya papalapit. ‘Ikakasal na siya! Ikakasal na pero ‘yon ang sasabihin niya sa akin?!’ “It was a joke, hindi mo kailangang mamula,” ngising sabi niya at iiling-iling na tinalikuran ako. ‘Wow! What a player!’ Hindi talaga kumupas pagiging malandi niya ‘no? Nang maayos ang gamit ay kinuha na ‘yon ni Eros. “Come visit us if you miss me— I mean Enzo,” ngising sabi niya. Nagsalubong ang kilay ko. “Stop flirting with me, attorney.” “Oh am I?” Taas kilay niyang sabi kaya umirap ako. “Sige na, alis!” taboy ko. ‘Nahihibang na yata siya para banggitin ang kauna-unahang relasyon na meron kami.’ *** Two Days Later! Hindi ko naman dapat bibisitahin si Enzo kila Eros pero namimiss ko na rin ang anak ko. Kaya naman nag-bell na ako dala ang pasalubong ko kay Enzo. Nang bumukas ang pi
“Teka nga, teka— why are you explaining to me?” kwestyon ni Aleisha sa akin kaya umawang ang labi ko. “‘Di ba a-ano?” turo ko sa kanila ni Eros. “She thinks, Aleisha’s my fiance kuya,” natatawang sabi ni Eros at inakbayan si Kuya Ashanti. “P-Pero ‘di ba m-magkasama kayo nang ano sinukatan ko siya?” tukoy ko. “And she called you darling,” pabulong kong sabi. “Oh, love. I told you not to call my brother’s darling. Ilang beses ka na pinagselosan nang mga nobya nila,” natatawang sermon ni Kuya Ashanti. Humaba ang nguso ni Aleisha at yumakap kay Kuya Ashanti. “How could I not? It’s like I watched them grow up.” Maktol ni Aleisha kaya natakpan ko ang bibig. Malakas na natawa si Kuya Ashanti. “I’m sorry about that, Mayi—” “Oh! Now I remember who she was! Siya yung humalik kay Eros sa bar noon?” aniya ni Aleisha dahilan para mas mahiya ako. “Yep. Siya nga,” asik ni Kuya Ashanti. “I knew it she was very familiar!” Dahan-Dahan akong nagtakip ng mukha sa sobrang hiya. “So Ku
Isang linggo ang nakalipas at kakapasok ko pa lang ng law firm ni Eros ay mabilis ng umangat ang init ng aking ulo. Salubong ang kilay kong pinapanood si Eros kausap ang hindi pamilyar na babae sa akin. How can I blame him? Hindi ko nga alam kung anong relasyon namin ngayon bukod sa maayos kami. Nang matapos niyang kausapin ‘yon ay lumapit ako ng dahan-dahan. “Sino ‘yon?” bungad ko kaagad at hinabol ng tingin yung babae. Nang tignan ko na si Eros ay matipud siyang ngumiti. “Glad you visit me on your busy schedule, should we head inside?” anyaya niya at hindi sinasagot ang tanong ko kung kaya’t sumama ako. Pagkapasok ay naupo ako sa kanyang harap. “Kliyente mo ba ‘yon?” dagdag katanungan ko. “Yeah, my client since last year.” Sagot niya at tila inaantok akong tinignan. Lumabi ako. Ang sigla-sigla niya kanina ah? Ba’t sa akin parang inaantok? Ngumiwi ako at huminga ng malalim sa halo-halo na tumatakbo sa isip ko. Tila ay nawala ako sa mood sa pag-iba ng kanyang ugali sa aki
=Aria Maeve Sienna’s Point of View= Putangina. Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking ‘to. “As if,” masungit kong sagot habang ibinaba ang folder sa mesa niya nang may diin. “Nandito lang ako kasi baka kailangan mo ‘to sa kaso mo. Period.” Tumango-tango siya, pero halata sa ngisi niya na hindi siya naniniwala. “Right. And you just happened to pass by my law firm with those records in hand?” Nagtaas ako ng kilay. “Exactly.” “And that totally doesn’t sound like an excuse?” Huminga ako nang malalim at tumingala, pilit pinipigilan ang sarili ko na sipain ang lamesa niya. “Enzo, putangina ka talaga. If you don’t need the records, I’ll leave.” “Woah, woah.” Pinatong niya ang siko niya sa mesa, nakangisi pa rin. “Don’t be so defensive, doc. You’re starting to sound guilty.” “Guilty saan?” “Missing me.” Binigyan ko siya ng deadly glare, pero mukhang mas lalo lang siyang na-eentertain. “Alam mo, attorney, gusto talaga kitang suntukin minsan.” “Go ahead. Pero baka lalo kan
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= Pagkatapos ng ilang segundong pagtititigan namin ni Enzo, ako na ang unang umiwas ng tingin. Hindi ko alam kung bakit, pero parang gusto kong umiwas sa paraan ng pagtitig niya—masyadong sigurado, masyadong kampante na kaya ko ang lahat, kahit ako mismo kanina lang ay muntik nang matalo ng kaba. Huminga ako nang malalim at naglakad papunta sa lounge. Pagod na pagod ako, pero alam kong hindi pa tapos ang araw ko. Saktong pag-upo ko pa lang sa couch ay naramdaman ko ang presensya ni Enzo sa tabi ko. Hindi ko na rin nagawang magulat. Pakiramdam ko, kahit saan ako magpunta, parang may radar siya pagdating sa akin. “Stress reliever?” tanong niya sabay abot ng isang boteng tubig. Tinanggap ko iyon nang hindi siya tinitingnan. “Hindi mo ba ako bibigyan ng energy drink? Alam mo namang hindi ko kailangan ng tubig lang.” “You’re a doctor. Alam mong hindi maganda ang sobrang caffeine.” Napanguso ako at uminom ng tubig bago siya sinulyapan. Nakasa
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= Ilang araw ang lumipas, sinubukan kong ibaling ang atensyon ko sa trabaho, pero parang sinadya ni Enzo na guluhin ang sistema ko. Tuwing may meeting kami tungkol sa kaso, hindi ko alam kung paano niya nagagawang balansehin ang pagiging seryosong abogado at pagiging panggulo sa isipan ko. Katulad ngayon. Nakaupo kami sa isang pribadong restaurant kung saan niya ako dinala para pag-usapan ang magiging approach namin sa deposition. Ang kaso? Hindi ako makapag-focus dahil sa paraan niyang tumitig sa akin—parang may ibang agenda maliban sa kaso. “Can you stop looking at me like that?” iritable kong sabi habang binubuklat ang folder sa harap ko. Nag-angat siya ng tingin mula sa baso ng whiskey niya at ngumiti. “Like what?” Napairap ako. “Like you’re thinking of something other than work.” “Hmm, guilty,” walang kahirap-hirap niyang inamin. “Pero sino bang may kasalanan? Hindi ko naman ginustong maadik sa presensya mo, doc.” Napaat
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= Nagtagal pa kami sa opisina niya, hindi nagmamadaling tapusin ang usapan, hindi rin nagmamadaling umalis. Parang kahit wala kaming sinasabi, may sariling paraan ang hangin sa pagitan naming dalawa para magkaintindihan. “So,” basag niya ulit sa katahimikan. “What now, doc?” Napakunot ang noo ko. “What do you mean?” Umayos siya ng upo, ini-cross ang isang paa sa ibabaw ng tuhod niya, all casual and confident—Enzo Fuentabella in his natural state. “You’re cleared from the case. Wala ka nang dapat ipag-alala. Pwede ka nang bumalik sa dati mong routine, wala nang istorbo na kagaya ko.” Nagkibit-balikat ako, nag-aalangan kung dapat ko ba siyang seryosohin. “That’s good, right?” Ngumiti siya, pero hindi ito ‘yong usual na mapang-asar niyang ngiti. “Right.” Tumingin siya sa akin nang matagal, as if waiting for something. Nang hindi ako nagsalita, siya na ulit ang nagpatuloy. “Pero tell me honestly, doc… did you really want me gone?” Napalunok a
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View=Dahil sa nangyari ay nagkaroon ako ng bahagyang hiya at pagkailang sa kanyang presensya. Tila sasabog ang mukha ko sa sobrang init nito sa tuwing nasusulyapan ko ang mukha niya at nararamdaman ko ang presensya niya.One day, I was summoned to his office due to his busy schedules. Busy rin naman ako sa ospital pero kaso ko ang hawak niya kaya dapat lang siguro… Tama lang naman na ako ang pumunta ‘di ba?While I was waiting outside his office, I heard kasi nagbibihis siya. ‘Yon ang habilin niya sa secretary niya kaya wala akong pagpipilian.“Come in!” malakas na sabi niya kaya binuksan ko ang pinto papasok sa opisina niya at napalunok ako nang bahagyang makita ang dibdib niya dahil sinasarado niya ang ilan sa mga butones na hindi natapos.Umiwas tingin ako kaagad nang nakatingin siya sa akin habang sinasarado iyon. Ang asul niyang mata ay matalim at makahulugan na nakatitig.Sinong hindi maiilang sa gwapo niyang mukha lalo na’t may pinagsamahan kami k
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= A day later, hinarap ako ni Enzo. “It seems like the hospital is at fault, and the doctor. I found out that both of them are cooperating to ruin you huh?” Hinarap niya sa akin ang tablet na dala niya. “What did you do? Why do they hate you so much?” kwestyon ni Enzo at nakapandekwatrong naupo sa harapan ko. “Ewan. I’m just doing my best as a doctor, and maybe they hated that I’m determined,” walang ganang sagot ko. Pasimple kong nahilot ang sintido, inaamin kong nas-stress ako. Aside from my case, hawak ko rin ang kaso ng ibang mga doctor dito sa hospital ko. “Hmm, then let’s do this. I won’t be back in a while, doc…” Napatitig ako kay Enzo sa sinabi niya, ba’t kailangan pa niya sabihin sa akin? ‘Ano ‘yan update?!’ “You might miss me, but please don’t. I’ll investigate about your case,” mayabang niyang sabi kaya napangiwi ang mukha ko. Alam ko naman gwapo siya pero anong sinasabi sabi niyang mamimiss ko siya?! “Kapal. Kahit mawala k
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View=“It seems that you found a new and persistent enemy, doc.” Tumaas kaagad ang kilay ko sa bungad ni Enzo na dala-dala ang apat na folder.“Ano na naman ‘yan?” pagod na pagod kong sabi at napaupo na lang sa harap ng desk ko.Nagkibit balikat siya at huminga ng malalim. “Another 4 cases of malpractice, and one is done by you.” “Ako? Wala akong mali sa mga operasyon na nagawa ko, never in my life that I will make a mistake.” I was so confident not until he opened up the folder and placed it in front of me.Napahinto ako nang makilala ang pasyenteng iyon, but t-that was from abroad pa… Kinuha ko ang papel at tinitigan.“C-Care to elaborate?” nangatal ang labi ko dahil ang pasyenteng iyon ay ipinasa ko na sa ibang doctor dahil aalis na ako sa bansa at babalik sa Pinas.“You seem disturbed, did you really not made a mistake?” he sarcastically said but then hindi ako nakasagot.“J-Just elaborate.”“This patient died yesterday, her parents came here and sue
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= Meanwhile… Kaharap ko na naman si Enzo, handing me a piece of folder with important documents inside. “Abogado ka ‘di ba? Why don’t you try talking about it the easy way I can understand?” nauubos pasensya kong sabi. Mahina siyang natawa. “I thought you’re a genius?” asar niya. “Yeah, but I don’t have the time to process those terms when I’m a doctor. Kaya ka nga ginawang abogado ‘di ba?” sarkasmo kong sagot. Ngumisi ang labi niya at tumango tango. “Tawang tawa? Ilahad mo na kaya yung kaso?” napipikon kong sumbat kay Enzo na gwapong gwapo na nakangisi habang nakatitig sa mukha ko na para bang nag-eenjoy siya na naiinis ako. Napangisi si Enzo, halatang inaasar ako sa bawat salita niya. “Relax, doc. Akala ko ba sanay ka sa pressure? Or is it different kapag ako ang kaharap mo?” Napasinghap ako sa inis. “Kahit sino pa ang kaharap ko, hindi mo ako kayang ilagay sa alanganin, Atty. Fuentabella. Kung gusto mong pag-usapan ang kaso, pag-usapa
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= Enzo’s face were shocked after hearing what happened to his sister, at the same time he doesn’t have a clue. Inilipat rin kalaunan si Elysia sa isang pribadong kwarto at ako ang naging doctor niya. After 2 hours, naisipan ko bisitahin siya. “Good evening, Ely.” “H-Hello ate,” nahihiyang tugon niya kaya matipid ko siyang nginitian. “Ease up, Ely. Ako lang ‘to,” nakangiting sabi ko. “Check ko lang yung IV mo ha,” paalam ko na rinnat inayos ang dextrose niya. Maya-Maya ay naramdaman kong bumukas ang pinto at iniluwa no’n si Enzo at Elias. Tsk, parehas na gwapo. Halatang mana kay tito-atty. “You’re here pala, ate,” bati ni Elias at lumapit kay Ely. Sinulyapan ko si Enzo na tahimik lang na nakatingin sa akin. Ang buhok niyang palaging nakaayos ay bagsak ngayon at humaharang ang ilang hibla sa kanyang mga mata, pero kahit na ganoon kitang kita pa rin ang lakas ng dating niya. Habang inaayos ko ang IV ni Elysia, ramdam ko ang bigat ng tingin