Ilang araw nang hindi lumalabas ng kwarto si Zephyrine, kaya naman nagdesisyon si Aiden na bisitahin siya. Pagdating niya sa bahay, nakita niyang parang napabayaan na ang hitsura ni Zephyrine—halatang hindi siya natutulog ng maayos at matagal nang nakatambay sa kwarto, parang napuno na siya ng bigat. Pakiramdam niya, overwhelmed na siya sa lahat ng nangyari.Dahan-dahan siyang pumasok sa kwarto at nakita niyang nakahiga lang si Zephyrine, ang mata’y malalim, tila wala nang ganang gumalaw. Nang makita siya, lumapit si Aiden at tinanong ito. "Zephyrine, anong nangyari? Alam kong may mabigat kang dinadala. Huwag mong itago sa’kin."Napansin ni Zephyrine ang mga mata ni Aiden na puno ng malasakit. Nahihiya siya, lalo na’t alam niyang may nangyari sa pagitan nila ni Azriel. Hindi niya kayang aminin kay Aiden ang lahat ng nangyari, natatakot siyang magbago ang tingin nito sa kanya.“Zephyrine,” Aiden said softly, "I’m here. Just tell me what’s going on. You don’t need to carry this alone."
"Bakit naman biglang umulan ngayon!" reklamo ni Azriel habang pinupunasan ang basang braso. Kanina lang, tahimik silang naglalakad ni Zaraeah sa isang maaliwalas na daan, pero bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan. Mabilis silang tumakbo, naghahanap ng masisilungan, pero tila malas sila ngayon—walang kahit anong matibay na bubong sa paligid. "Kaya nga po eh," sagot ni Zaraeah habang pinipisil ang kanyang mga damit na basang-basa na sa ulan. Napatingin si Azriel sa dalaga. Dumidikit na sa balat nito ang suot niyang puting blusa, aninag ang panloob na tela. Agad niyang iniwas ang tingin pero hindi niya napigilang muling lingunin ito. Para bang nag-slow motion ang lahat, at kasabay nito, naramdaman niyang bumilis ang tibok ng kanyang puso. "What the hell is this feeling?" bulong niya sa sarili. “Azriel, basang-basa ka na rin!” nag-aalalang sabi ni Zaraeah. Kinuha nito ang tissue mula sa kanyang bag at walang alinlangang pinunasan ang dibdib ni Azriel. Nagulat siya sa ginaw
“Ang iniiiit eeeeh,” reklamo ni Zarraeah habang napapapikit, halatang hindi na alam ang ginagawa. Napalunok si Azriel at napailing. “Naku po! Ilayo n’yo po ako sa tukso,” bulong niya habang pilit na iniiwas ang sarili. Pero nang makita niyang halos kita na ang panloob ni Zarraeah dahil nakabukas na ang mga butones ng suot nitong damit, agad niyang dinampot ang kumot at ibinalot iyon sa katawan ng dalaga. “Ayoko nitooo,” reklamo ni Zarraeah at bigla niyang hinila ang kumot, tinanggal ito sa kanyang katawan. Napaurong si Azriel, pulang-pula ang mukha, at pilit na hindi tumitingin sa dalaga. Ramdam niya ang mainit na pagdaloy ng dugo sa kanyang mukha, at kahit malamig ang paligid, butil-butil ang pawis sa kanyang noo. “Bakit ka namumula?” tanong ni Zarraeah na may halong panunukso sa tinig. Napaatras si Azriel nang maramdaman niyang dumikit ang malambot na dibdib ng dalaga sa kanyang braso. Lalong bumilis ang tibok ng puso niya, para bang may kumakabog na martilyo sa kanyang dib
Dalawang Buwan ang Nakalipas Sa gitna ng marangyang bulwagan, nagkalat ang mga piling panauhin, suot ang kanilang pinakamagarbong kasuotan. Ang malalaking chandelier na kristal ay nagbibigay ng malambot na liwanag sa buong silid, na parang mga bituing nakabitin sa kisame. Sa isang sulok, nakatayo si Azriel Dela Vega sa tabi ng wine bar, hawak ang isang basong alak. Ang kanyang mamahaling suit ay bumagay sa kanyang matikas na tindig, lalo pang pinatingkad ng awtoridad na natural niyang isinusuot tulad ng isang korona. Pero sa kabila ng kanyang matikas na postura, panay ang tingin niya sa kanyang relo, tila may hinihintay. Sa tabi niya, nakasandal sa bar counter si Dylan, ang matalik niyang kaibigan. “Sa loob ng tatlong taon, ni katiting, wala kang naramdamang kahit ano para kay Zephyrine?” tanong ni Dylan, bahagyang nakakunot ang noo. Bahagyang natawa si Azriel at umiling. “Paano naman ako magkaka-feelings sa babaeng ’yun, bro? Halos araw-araw kaming nagbabangayan. Parang laging ma
Sa gitna ng musika at sayawan, isang matinding sakit ang biglang sumapul sa ulo ni Zephyrine. Para bang may matalim na kutsilyong bumabaon sa kanyang sentido, dahilan para mapahawak siya sa noo at bahagyang mapaluhod. "Wag naman ngayon..." pakiusap niya sa sarili, halos hindi marinig ang kanyang mahinang bulong sa sobrang ingay ng paligid. Alam niyang hindi siya maaaring magpakita ng kahinaan, lalo na sa harap ni Azriel. Kailangan niyang manatiling matatag, kahit na sa loob-loob niya ay nagsisimula nang lumobo ang kanyang pangamba. Mula sa gilid ng kanyang paningin, nahagip niya ang malamig ngunit matalas na tingin ni Azriel. Nakita nito ang pamumutla niya at agad siyang inalalayan, marahang hinawakan ang braso niya upang suportahan siya. "Are you okay?" tanong nito, ang boses ay bahagyang lumambot, ngunit hindi niya mabasa kung may tunay na pag-aalala sa mga mata nito o isa lamang itong pagpapakitang-tao. Hindi niya nagawang sumagot agad. Mabilis siyang pinaupo ni Azriel sa isang
Pinilit ni Zephyrine na bumaba ng hagdan kahit nanghihina. Hindi niya alintana ang pananakit ng ulo at ang panlalabo ng kanyang paningin. Ang tanging mahalaga ay makalabas siya bago pa siya mahuli ni Azriel. Sa kanyang bawat hakbang, dama niya ang paninikip ng kanyang dibdib, ngunit hindi siya puwedeng huminto. Hindi ngayon.Sa labas, mabilis niyang sinuri ang paligid. Malapit lang ang isang makipot at madilim na alleyway—doon siya maaaring magtago. Alam niyang delikado, ngunit wala na siyang ibang pagpipilian. Nanginginig ang mga daliri niya habang tinatype ang kanyang lokasyon kay Aiden. Hindi siya sigurado kung aabot pa siya, pero ito na lang ang natitirang pag-asa niya.***********Habang nasa daan, mabilis ang pagmamaneho ni Aiden, halos lumipad ang sasakyan niya sa kalsada. Hindi niya kayang balewalain ang kaba sa kanyang dibdib, lalo na’t alam niyang nasa panganib si Zephyrine. Nang makita ang lokasyon sa kanyang phone, pinilit niyang bilisan pa lalo ang pagmamaneho. Wala siyang
Sa loob ng ilang sandali, napagpasyahan niyang sundan ang babaeng pamilyar sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit, pero may kung anong puwersang nagtutulak sa kanya upang hanapin ito. Subalit, bago pa man siya makalapit, nawala na ito sa kanyang paningin. Sinubukan niyang hanapin, sinuyod ang bawat sulok ng lugar, ngunit bigo siyang makita ito. Sa huli, napabuntong-hininga na lang siya at nagpasiyang bumalik sa pinagmulang lugar. Pagkarating niya sa shop ng mga teddy bear, isang hindi inaasahang tagpo ang bumungad sa kanya. Muli niyang nakita ang babaeng kamukha ni Zephyrine—nakatayo sa harapan ng hanay ng mga stuffed toys, tila isang batang sabik na pumipili ng paborito niyang laruan. Ngunit may kakaiba sa kanya—sa kilos, sa paraan ng kanyang pagtitig, sa ngiti na hindi niya kailanman nakita mula sa kanyang asawa. Hindi niya maiwasang pagmasdan ito. Ang mga mata ng babae ay kumikislap sa saya habang tinatanaw ang mga teddy bear, at sa loob lamang ng ilang saglit, napansin niya
"Ah, ganun ba? Ako pala ang—" Sasambitin na sana ni Azriel ang tungkol sa pagiging asawa niya ng kambal nito, pero may kung anong pumigil sa kanya. Anong silbi ng pagbanggit kung ilang buwan na lang ay maghihiwalay rin sila? Walang saysay. Sa halip, inilabas niya ang kamay niya at nagpakilala. “I'm Azriel.” Napangiti si Zaraeah. Isang inosenteng ngiti na tila walang bahid ng bigat ng mundo. “Nice to meet you, Kuya Azriel,” aniya bago niya inilahad ang kanyang maliit at malamig na kamay. Para bang bumilis ang pintig ng puso ni Azriel sa saglit na iyon. Nang magdikit ang kanilang mga palad, isang kakaibang init ang dumaloy sa kanyang balat—mainit pero magaan, parang isang marahang haplos ng hangin. “Kuya?” bulong niya sa sarili. Walang kahit sinong babae ang tumawag sa kanya ng ganito. Mas lalo siyang naguluhan. Hindi ito ang Zephyrine na kilala niya. Agad namang sumingit si Aiden at hinila palayo si Zaraeah. “Mauuna na kami.” Bago pa tuluyang lumayo, lumingon muli si Zaraeah at k
Ilang araw nang hindi lumalabas ng kwarto si Zephyrine, kaya naman nagdesisyon si Aiden na bisitahin siya. Pagdating niya sa bahay, nakita niyang parang napabayaan na ang hitsura ni Zephyrine—halatang hindi siya natutulog ng maayos at matagal nang nakatambay sa kwarto, parang napuno na siya ng bigat. Pakiramdam niya, overwhelmed na siya sa lahat ng nangyari.Dahan-dahan siyang pumasok sa kwarto at nakita niyang nakahiga lang si Zephyrine, ang mata’y malalim, tila wala nang ganang gumalaw. Nang makita siya, lumapit si Aiden at tinanong ito. "Zephyrine, anong nangyari? Alam kong may mabigat kang dinadala. Huwag mong itago sa’kin."Napansin ni Zephyrine ang mga mata ni Aiden na puno ng malasakit. Nahihiya siya, lalo na’t alam niyang may nangyari sa pagitan nila ni Azriel. Hindi niya kayang aminin kay Aiden ang lahat ng nangyari, natatakot siyang magbago ang tingin nito sa kanya.“Zephyrine,” Aiden said softly, "I’m here. Just tell me what’s going on. You don’t need to carry this alone."
Chapter 53 (Revised)Nagmamadali si Azriel papunta sa mansyon ng Rivera, ang bawat hakbang ay mabigat, ngunit determinado. Alam niyang galit na galit ang mga magulang ni Zephyrine sa kanya, at kahit na alam niyang magkakaroon ng consequences, wala siyang pakialam. Ang tanging mahalaga sa kanya ay si Zarraeah. Wala nang ibang gusto kundi makita siya, maramdaman siyang buhay, at alam niyang handa niyang gawin ang lahat para sa kanya.Pagdating niya sa mansyon, agad siyang sinalubong ni Luis, ang mukha nito ay puno ng galit. Bago pa siya makapagsalita, isang malakas na suntok ang tumama sa kanyang panga. Hindi na nakapagsalita si Azriel, tumilapon siya sa gilid at naramdaman ang sakit ng suntok. Pero kahit na ang mukha niya’y masakit, ang nararamdaman niyang sakit sa puso ang pinakamabigat—ang takot na baka tuluyan na siyang mawala si Zarraeah.“Wala kang karapatan dito!” sigaw ni Luis, tinutukod siya ng lakas. “Ang lakas ng loob mong humarap dito after everything?!”Nagngangalit si Azri
Chapter 52Pagpasok ni Zephyrine sa bahay, agad na sinalubong siya ni Luis, na puno ng alala. "Zephyrine, anak, saan ka ba nagpunta? Dalawang araw kang nawawala. Si Zarraeah, wala ring balita. Anong nangyari?" tanong ni Luis, puno ng pag-aalala.Hindi makatingin si Zephyrine. Nasa ilalim pa siya ng matinding emotional turmoil. Pinagtagpi-tagpi niyang mga alaalang nangyari, at hindi pa siya makapaniwala sa lahat ng nangyari. Dahan-dahan siyang umupo sa sofa."Pa... Ma," nagsimula siya, "I have to tell you the truth... about Azriel and Zarraeah."Nag-angat ng tingin si Estella, ang mukha’y puno ng tanong at hindi maipaliwanag na galit. "Ano ang ibig mong sabihin?""I... I know the real reason why Azriel wants to separate from me," Zephyrine continued. "He doesn’t want me anymore. He wants Zarraeah."Puno ng gulat si Luis, hindi makapaniwala sa mga salitang narinig. "What? Azriel, the man you’ve been married to all these years... he wants... her?" tanong niya, ang boses ay puno ng kalitu
Tahimik ang gabi, tanging ang banayad na paggalaw ng kurtina ang maririnig habang pumapasok ang malamig na simoy ng hangin mula sa bahagyang nakabukas na bintana. Sa loob ng dimly lit na kwarto ni Azriel, ang gintong liwanag mula sa bedside lamp ay lumilikha ng mahabang anino sa dingding, sumasayaw gaya ng mga hindi masabing damdamin sa pagitan nilang dalawa.Nakayakap si Zarraeah kay Azriel, ang daliri niya’y nagdodrawing ng patterns sa hubad nitong dibdib. Nakikinig siya sa rhythmic beat ng puso nito, ninanamnam ang init ng katawan niyang nakapulupot sa kanya. Parang ang moment na ito ay isang panaginip—silang dalawa lang, nakakulong sa katahimikan ng gabi. Pero sa loob niya, isang bagyong hindi niya kayang pigilan.Ito na ang huling gabi.Ayaw niyang masayang ang kahit isang segundo.Dahan-dahan siyang gumalaw, hinalikan ang gitna ng dibdib ni Azriel, ang hininga niya’y dumadampi sa balat nito. Napakislot si Azriel, mas hinigpitan ang yakap sa kanya habang ang daliri niya’y marahan
Nagising si Azriel sa malambot at mainit na pakiramdam ng katawan sa tabi niya. Unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata, at ang unang bumungad sa kanya ay si Zarraeah—nakangiti habang pinagmamasdan siya.Napakurap siya at bahagyang napangiwi, hindi sigurado kung gising na ba talaga siya o nananaginip pa rin. "You're staring at me," bulong niya, ang kanyang tinig paos pa mula sa pagtulog. "Don't tell me you stayed up all night just watching my handsome face?"Natawa si Zarraeah, ang kanyang mga mata kumikislap sa saya. "Maybe I did," biro niya, saka ginamit ang daliri upang iguhit ang hugis ng kanyang kilay. "You're actually quite fun to look at, you know?"Azriel smirked and pulled her closer, ang isang braso ay mahigpit na yumakap sa kanyang baywang. "Flattering me this early in the morning, huh? I like it."Napangiti si Zarraeah, hinayaan ang sarili na masarapan sa init ng katawan ni Azriel. Ilang beses na silang nagising sa magkaibang mundo—siya bilang Zarraeah at si Zephyri
Tahimik ang paligid nang pumasok sina Azriel at Zarraeah sa loob ng kanyang mansyon. Ang malambot na liwanag mula sa chandelier ay nagbibigay ng romantikong kinang sa buong sala, ngunit sa kabila ng engrandeng disenyo ng bahay, may kung anong pangungulila ang bumabalot dito. Ngunit ngayong gabi, hindi na iyon mahalaga.Dahan-dahang naupo si Zarraeah sa sofa, habang si Azriel ay tumayo sa harapan niya, pinagmamasdan siya nang hindi matukoy kung ano ang tumatakbo sa kanyang isipan. Hinubad niya ang kanyang coat at inalis ang top button ng kanyang damit, saka bahagyang yumuko upang ipatong ang kanyang kamay sa sandalan ng sofa."You said you wanted to stay," bulong ni Azriel, ang kanyang tinig ay mababa ngunit puno ng damdamin. "So tell me, what do you really want, Zarraeah?"Napatingin si Zarraeah sa kanya, ang kanyang dibdib ay mabilis na bumibilis sa kaba at excitement na hindi niya maipaliwanag. Ito na ang huling gabing makakasama niya si Azriel bilang siya. Alam niyang pagdating ng
Maagang dumating si Zarraeah sa opisina ni Azriel. Suot niya ang isang itim na blazer at puting blusa, simple ngunit pormal—isang kasuotan na nagtatago ng bigat sa kanyang dibdib. Sa loob-loob niya, pinipilit niyang panindigan ang desisyong ginawa niya kagabi. Hindi madali, ngunit alam niyang ito ang tamang gawin.Huminga siya nang malalim bago siya pumasok sa loob ng main building ng Dela Vega Corporation. Agad siyang sinalubong ng mga empleyado na tila nagulat sa kanyang presensya. Ilang araw rin siyang hindi nagpakita, at ngayon, heto siya, tahimik ngunit determinadong tapusin ang lahat.Nang marating niya ang opisina ni Azriel, sinalubong siya ng kanyang secretary. "Ms. Rivera, good morning po. Hindi po kayo naka-schedule ngayon, pero—""Kailangan ko siyang makausap," malamig niyang tugon.Agad namang tumango ang secretary at tinawagan si Azriel sa intercom. Ilang segundo lang ang lumipas bago nito ibinaba ang telepono at sinenyasan siyang pumasok. "Pinapapasok na po kayo, Ma'am."
Isang araw, nasa loob ng malaking sala sina Zephyrine at ang kanyang mga magulang, sina Estella at Luis Rivera. Tahimik lang si Zephyrine habang nakaupo sa tapat ng kanyang ina at ama, pero bakas sa mukha niya ang inis at pagod. Samantalang ang kanyang ina, si Estella, ay hindi na maitago ang galit at pagkadismaya."Zephyrine, anong iniisip mo?" matalim na tanong ni Estella habang nakapameywang. "Bakit mo hinayaang mangyari ito? Alam mo bang anong kahihiyan ang dinala nito sa pamilya natin?"Napabuntong-hininga si Zephyrine. "Mom, please. You don’t understand—""Oh, I understand perfectly!" putol ni Estella. "Pinakasalan mo si Azriel Dela Vega, at ngayon, pinakawalan mo siya nang ganun-ganun na lang? What kind of foolishness is this, Zephyrine?"Tahimik lang si Luis, ngunit halata ang tensyon sa kanyang mukha. Hindi siya sumasabat, pero alam niyang delikado na ang usapan."Mom, hindi mo naiintindihan," sagot ni Zephyrine, pilit pinapanatili ang kanyang kalmado. "Mahalaga ang kasal na
Paulit-ulit na nawawala si Zarraeah, na para bang isang anino lang siya sa buhay ni Azriel. Tuwing malapit na niyang maabot ito, muli itong mawawala. Ang matinding pagnanasa niyang makasama ito ay mas lalong tumindi, lalo na ngayong nararamdaman niyang umiiwas ito sa kanya. Hindi niya ito matanggap.Habang nasa opisina, hindi mapakali si Azriel. Ilang beses na niyang sinubukang tawagan si Zarraeah ngunit hindi ito sumasagot. Naputol ang kanyang iniisip nang biglang kumatok ang kanyang secretarya at pumasok sa loob."Sir, I just wanted to inform you that Miss Zarraeah didn’t report to work again today," maingat na sabi ng kanyang secretarya.Napatingin si Azriel sa kanya, bakas ang inis at pag-aalala sa kanyang mukha. "This is the third time this week. Did she at least call or send a message?"Umiling ang secretarya. "No, Sir. She didn’t inform anyone. We tried to contact her, but there was no response."Napabuntong-hininga si Azriel at pinaglaruan ang hawak niyang ballpen. Hindi niya