“H-hindi ko alam,” sagot ni Aiden, halatang hindi sigurado sa dapat niyang sabihin. Napabuntong-hininga si Zephyrine at tinitigan siya. “So kung makikipag-date ako sa kanya, ayos lang sa'yo?” Napalunok si Aiden, pero hindi agad sumagot. Ramdam ni Zephyrine ang pag-aalinlangan niya. “H-hindi ko alam,” ulit ni Aiden, halatang hindi pa rin sigurado. Napakunot ang noo ni Zephyrine. Parang biglang uminit ang ulo niya sa sagot nito. Tumayo siya at iniwasan ang tingin ni Aiden. “Aalis na ako.” Maglalakad na sana siya palayo nang biglang hawakan ni Aiden ang kamay niya. Nagulat siya sa ginawa nito at napatingin sa kanya. “I like you,” mahina pero klarong sabi ni Aiden. Nanlaki ang mata ni Zephyrine. “A-a-anong sinasabi mo?” Hindi siya makapaniwala sa narinig niya. Muling tiningnan siya ni Aiden, seryoso ang ekspresyon. “I like you, Zephyrine.” Parang tumigil ang mundo ni Zephyrine. Napalunok siya at parang hindi na alam ang gagawin. Hindi niya inaasahan ang ganitong pag-amin mula kay
Chapter 30 Nagpatuloy sila sa paglalakad, pero hindi maalis sa isip ni Aiden ang reaksyon ni Zephyrine. Parang gusto niyang tanungin kung ano ba talaga ang nararamdaman niya, pero natatakot siyang masira ang kanilang pagkakaibigan. Isang araw sa canteen ay masayang nagkwekwentuhan si Aiden at Zarraeah, kumukuha ng pagkain at nagtatawanan. Napansin ni Aiden na parang hindi mapakali si Zarraeah, parang may binabalak. Biglang nagsalita si Zarraeah “Aiden, andyan si Zephyrine kaya magpanggap kang tumatawa. Kunwari masya kang kausap ako .” sabi nya . Kaya nagulat si Aiden . “Talaga? HAHAHAHAHHAAHHA-HA-HA-HA.” Pilit na tawa ni Aiden. “Ayan tama yan, tumawa Ka lang hahahaha” Napansin ni Aiden na parang napatingin si Zephyrine sa kanila mula sa di kalayuan, at biglang nag-iba ang expression niya. Parang nagseselos siya kaya nakita ni Aiden na napangiti ng bahagya si Zarraeah. “Hala, Zephyrine! Bakit ka nakatayo diyan?” Tanong ni Zarraeah, nagpapanggap na nagulat. Nilapita
“I’m having a Mall Art Walk, and I need an artist for the exhibition,” diretsong sabi ni Azriel habang nakaupo sa tapat ni Luis Rivera, ang ama ni Zephyrine. Nagtaas ng kilay si Luis, halatang nagtataka. “Okay… pero ano naman ang kinalaman ko diyan?” Napabuntong-hininga si Azriel. Isang linggo na ang lumipas simula noong huli niyang makita si Zarraeah. Hindi ito lumalabas ng kwarto, lalo na’t mahigpit itong binabantayan ng ina nitong si Estella. Halos mabaliw siya sa kakaisip kung paano niya muling makikita ang dalaga. Kaya ngayong nasa harapan niya si Luis, gagawin niya ang lahat para makuha ang gusto niya. “Well,” patuloy ni Azriel, nakasandal sa upuan at nakangiti, “I’m thinking of accepting your proposal for the renovation.” Nagulat si Luis. Noon kasing huling pag-uusap nila, hindi naman ito interesado. Kaya ngayon, hindi niya napigilang mapataas ang kilay. “Really? That’s great. I’m happy to hear that,” sagot niya, halatang masaya sa biglaang pagbabago ng isip ni Azriel. Ngu
“Estella, nakausap ko na si Azriel tungkol dito. Sabi niya, gusto niya na ang art exhibition na gagawin nila sa mall ay maging private event lang. Hindi na kailangang ma-expose ang mga artists sa publiko,” seryosong paliwanag ni Luis habang nakaupo sa opisina nilang mag-asawa. Pero hindi natinag si Estella. Matalim ang tingin niyang ibinagsak sa asawa, halatang hindi niya nagustuhan ang narinig. “Luis, hindi lang ‘yun ang dapat nating isipin. Kailangan nating protektahan si Zephyrine. Mas mabuti kung hindi siya lumabas ng bahay,” madiin niyang sagot, may bahid ng kaba at galit sa boses niya. Napabuntong-hininga si Luis at hinagod ang kanyang sentido. “Estella, tama ka naman, pero isipin mo rin ang nararamdaman ni Zarraeah. Gusto rin niyang mabuhay ng normal na buhay. Gusto rin niyang magtrabaho at magkaroon ng sariling pangarap. Hindi natin siya pwedeng ikulong magpakailanman.” Halata sa mukha ni Estella ang pag-aalinlangan. Bumigat ang kanyang mga balikat, tila may iniisip na mas m
"KRING KRING!" Maingay na tumunog ang alarm clock, dahilan para mapabalikwas ng bangon si Zarraeah. Napatingin siya sa paligid at napagtantong nasa kwarto na naman siya ni Zephyrine. Napalunok siya. Bakit palagi siyang nagigising sa kwarto ng alter niya? Mabilis siyang tumayo at lumipat sa sarili niyang kwarto, saka dumiretso sa banyo para maligo. Habang nakaharap sa salamin, hindi niya mapigilang titigan ang sariling repleksyon. Napakunot ang noo niya. May kakaiba siyang nararamdaman. "Bakit parang mas madalas na akong nagigising? Dati naman, minsan lang—isang beses sa isang buwan pa nga. Pero nitong mga nakaraang linggo, parang halos araw-araw na." Napakamot siya sa ulo. Hindi niya maintindihan kung anong nangyayari. "Siguro, sobrang stressed lang si Zephyrine kaya ako ang madalas lumalabas?" bulong niya sa sarili, pero hindi siya sigurado. Minsan naiisip niya kung dapat pa ba siyang magpakita. Pero kahit pigilan niya ang sarili, parang may sariling isip ang katawan niya. Paran
Isang araw, nagmamadaling sumugod si Zephyrine sa opisina ni Azriel. Halos mapatid siya sa pagmamadali, at hindi man lang niya ininda ang mga sekretaryang pilit siyang pinipigilan. "Ma'am, hindi po kayo pwedeng pumasok nang basta-basta—" Pero hindi siya nakinig. Mabilis niyang tinulak ang pinto at dumiretso sa loob. “What the heck are you up to? Why are you dragging Zarraeah into your crap?!” sigaw niya, hindi na alintana kung may ibang nakakarinig. Nagulat ang mga empleyado sa labas, pero sa loob ng opisina, nanatiling kalmado si Azriel. Nakatitig lang siya sa hawak niyang mga dokumento, saka dahan-dahang inangat ang tingin kay Zephyrine. Bahagyang ngumiti siya, tila hindi nagulat sa presensya nito. "Whoa there, Zephyrine. Calm down. What makes you think I’m dragging her into anything?" tanong niya, nakasandal sa kanyang upuan, ang isang kilay ay nakataas. “Don’t play dumb with me, Azriel!” galit na sagot ni Zephyrine, habang mariing nakatingin sa kanya. “You know exactly what I
Padabog na lumabas ng opisina si Zephyrine. Galit na galit siya kay Azriel. Hindi niya maintindihan kung bakit niya ginagawa ito kay Zarraeah. Parang sinasadya niyang saktan ang dalawa, at parang wala siyang pakialam sa mga nangyayari. Habang naglalakad sa hallway, bigla siyang nakaramdam ng matinding sakit ng ulo. Parang sasabog na ang ulo niya. Napahawak siya sa kanyang ulo at napapikit, tinitiis ang sakit na parang tinutusok ang kanyang utak. “Ouch,” bulong niya. Dali-dali siyang nagtungo sa pinakamalapit na CR, tinutukod ang mga kamay sa mga pader ng hallway para hindi matumba. Inalis niya ang kanyang coat at sumandal sa malamig na pader ng banyo. Sobrang sakit ng ulo niya, halos hindi siya makahinga sa sobrang bigat ng nararamdaman. Pakiramdam niya, parang sasabog na ang ulo niya. Bigla na lang siyang nawalan ng malay. Nang may nakakita sa kanya, agad siyang dinala sa clinic. Ilang sandali lang, nagising siya, pero hindi bilang Zephyrine kundi bilang Zarraeah. Nagkatingin si
Zarraeah’s heart hammered in her chest. Hindi niya napansin na suot pala niya ang singsing! Hinawakan niya agad ito, parang may hinahanap na sagot sa singsing na tila hindi pwedeng makita. "Ah, kasi...ano... pinahawak niya sa akin yung singsing niya then isinuot ko muna kasi... uhm, baka ma-misplace ko," palusot niya, sabay kabig ng kamay upang itago ang kanyang kaba. Bagaman nagtataka si Azriel, hindi na niya iyon pinansin. Ang mahalaga sa kanya ay ang makasama si Zarraeah. Ngumiti siya at pinagmasdan ang dalaga. Bagaman punong-puno siya ng tanong sa isip niya, hindi na siya nag-abala pang itanong ito. Alam niyang bihira lang na pagkakataon ang makasama si Zarraeah at ayaw niyang sirain ito sa mga tanong. Biglang may nag-message kay Azriel kaya kinuha niya ang phone niya at binasa ang mensahe. Nang makita ni Zarraeah ang ekspresyon ng mukha ni Azriel, para siyang napawi sa sariling pag-aalala. "O-oo, okay na okay sa akin!" Nahihiyang ngumiti si Zarraeah. Parang gusto niyang tumalo
Tahimik na pumasok si Zarraeah sa bahay ni Azriel. Madilim pa ang paligid, ngunit alam niyang gising pa ito. Napansin niyang nakaupo ito sa balkonahe, nakatingin sa kawalan na parang may hinihintay. Nang marinig ang kanyang mga yapak, agad itong napalingon.Hindi na nagdalawang-isip si Azriel. Agad siyang tumayo at niyakap siya nang mahigpit, parang takot na baka bigla siyang maglaho."I thought you wouldn't come back," mahina niyang bulong habang nakayakap pa rin.Napapikit si Zarraeah, hinayaang maramdaman ang init ng katawan nito. “Sinabi ko sa’yo, babalik ako, ‘di ba?”Bahagyang lumayo si Azriel upang tingnan siya sa mata, hinawakan ang kanyang mukha at pinag-aralan ang bawat bakas ng pagod sa kanyang ekspresyon.“Zarraeah… tell me the truth.”“Anong totoo?” pilit niyang inilayo ang tingin.Hinaplos ni Azriel ang pisngi niya, waring hinihikayat siyang huwag umiwas. “Something feels off. Every time I see you, it feels like you're slipping away. I don’t know why, but it scares me. W
Chapter 55Tahimik ang buong bahay ni Azriel nang gabing iyon. Wala siyang ibang kasama kundi ang alak sa kanyang lamesa at ang walang katapusang pag-iisip tungkol kay Zarraeah. Ilang araw na siyang halos hindi makatulog, hindi makakain ng maayos—wala siyang ibang hinahanap kundi siya.Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, isang mahina ngunit pamilyar na pagkatok ang umalingawngaw sa kanyang pintuan.Agad siyang bumangon, ang puso niya’y biglang bumilis ang tibok. Hindi maaaring siya iyon… Imposible.Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto, at sa pagbukas nito, tumambad sa kanya ang isang imahe na matagal na niyang hinahangad na makita.Si Zarraeah.Nakatayo ito sa harapan niya, nakasuot ng manipis na puting dress, ang kanyang mahahabang buhok ay malayang nilalaro ng hangin. Ang kanyang mga mata—ang mga matang matagal nang sumasagi sa panaginip ni Azriel—ay nakatitig sa kanya nang may halong pangungulila at pananabik.“Azriel…” mahina niyang tawag.Para bang tumigil ang mundo ni Azrie
Ilang araw nang hindi lumalabas ng kwarto si Zephyrine, kaya naman nagdesisyon si Aiden na bisitahin siya. Pagdating niya sa bahay, nakita niyang parang napabayaan na ang hitsura ni Zephyrine—halatang hindi siya natutulog ng maayos at matagal nang nakatambay sa kwarto, parang napuno na siya ng bigat. Pakiramdam niya, overwhelmed na siya sa lahat ng nangyari.Dahan-dahan siyang pumasok sa kwarto at nakita niyang nakahiga lang si Zephyrine, ang mata’y malalim, tila wala nang ganang gumalaw. Nang makita siya, lumapit si Aiden at tinanong ito. "Zephyrine, anong nangyari? Alam kong may mabigat kang dinadala. Huwag mong itago sa’kin."Napansin ni Zephyrine ang mga mata ni Aiden na puno ng malasakit. Nahihiya siya, lalo na’t alam niyang may nangyari sa pagitan nila ni Azriel. Hindi niya kayang aminin kay Aiden ang lahat ng nangyari, natatakot siyang magbago ang tingin nito sa kanya.“Zephyrine,” Aiden said softly, "I’m here. Just tell me what’s going on. You don’t need to carry this alone."
Chapter 53 (Revised)Nagmamadali si Azriel papunta sa mansyon ng Rivera, ang bawat hakbang ay mabigat, ngunit determinado. Alam niyang galit na galit ang mga magulang ni Zephyrine sa kanya, at kahit na alam niyang magkakaroon ng consequences, wala siyang pakialam. Ang tanging mahalaga sa kanya ay si Zarraeah. Wala nang ibang gusto kundi makita siya, maramdaman siyang buhay, at alam niyang handa niyang gawin ang lahat para sa kanya.Pagdating niya sa mansyon, agad siyang sinalubong ni Luis, ang mukha nito ay puno ng galit. Bago pa siya makapagsalita, isang malakas na suntok ang tumama sa kanyang panga. Hindi na nakapagsalita si Azriel, tumilapon siya sa gilid at naramdaman ang sakit ng suntok. Pero kahit na ang mukha niya’y masakit, ang nararamdaman niyang sakit sa puso ang pinakamabigat—ang takot na baka tuluyan na siyang mawala si Zarraeah.“Wala kang karapatan dito!” sigaw ni Luis, tinutukod siya ng lakas. “Ang lakas ng loob mong humarap dito after everything?!”Nagngangalit si Azri
Chapter 52Pagpasok ni Zephyrine sa bahay, agad na sinalubong siya ni Luis, na puno ng alala. "Zephyrine, anak, saan ka ba nagpunta? Dalawang araw kang nawawala. Si Zarraeah, wala ring balita. Anong nangyari?" tanong ni Luis, puno ng pag-aalala.Hindi makatingin si Zephyrine. Nasa ilalim pa siya ng matinding emotional turmoil. Pinagtagpi-tagpi niyang mga alaalang nangyari, at hindi pa siya makapaniwala sa lahat ng nangyari. Dahan-dahan siyang umupo sa sofa."Pa... Ma," nagsimula siya, "I have to tell you the truth... about Azriel and Zarraeah."Nag-angat ng tingin si Estella, ang mukha’y puno ng tanong at hindi maipaliwanag na galit. "Ano ang ibig mong sabihin?""I... I know the real reason why Azriel wants to separate from me," Zephyrine continued. "He doesn’t want me anymore. He wants Zarraeah."Puno ng gulat si Luis, hindi makapaniwala sa mga salitang narinig. "What? Azriel, the man you’ve been married to all these years... he wants... her?" tanong niya, ang boses ay puno ng kalitu
Tahimik ang gabi, tanging ang banayad na paggalaw ng kurtina ang maririnig habang pumapasok ang malamig na simoy ng hangin mula sa bahagyang nakabukas na bintana. Sa loob ng dimly lit na kwarto ni Azriel, ang gintong liwanag mula sa bedside lamp ay lumilikha ng mahabang anino sa dingding, sumasayaw gaya ng mga hindi masabing damdamin sa pagitan nilang dalawa.Nakayakap si Zarraeah kay Azriel, ang daliri niya’y nagdodrawing ng patterns sa hubad nitong dibdib. Nakikinig siya sa rhythmic beat ng puso nito, ninanamnam ang init ng katawan niyang nakapulupot sa kanya. Parang ang moment na ito ay isang panaginip—silang dalawa lang, nakakulong sa katahimikan ng gabi. Pero sa loob niya, isang bagyong hindi niya kayang pigilan.Ito na ang huling gabi.Ayaw niyang masayang ang kahit isang segundo.Dahan-dahan siyang gumalaw, hinalikan ang gitna ng dibdib ni Azriel, ang hininga niya’y dumadampi sa balat nito. Napakislot si Azriel, mas hinigpitan ang yakap sa kanya habang ang daliri niya’y marahan
Nagising si Azriel sa malambot at mainit na pakiramdam ng katawan sa tabi niya. Unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata, at ang unang bumungad sa kanya ay si Zarraeah—nakangiti habang pinagmamasdan siya.Napakurap siya at bahagyang napangiwi, hindi sigurado kung gising na ba talaga siya o nananaginip pa rin. "You're staring at me," bulong niya, ang kanyang tinig paos pa mula sa pagtulog. "Don't tell me you stayed up all night just watching my handsome face?"Natawa si Zarraeah, ang kanyang mga mata kumikislap sa saya. "Maybe I did," biro niya, saka ginamit ang daliri upang iguhit ang hugis ng kanyang kilay. "You're actually quite fun to look at, you know?"Azriel smirked and pulled her closer, ang isang braso ay mahigpit na yumakap sa kanyang baywang. "Flattering me this early in the morning, huh? I like it."Napangiti si Zarraeah, hinayaan ang sarili na masarapan sa init ng katawan ni Azriel. Ilang beses na silang nagising sa magkaibang mundo—siya bilang Zarraeah at si Zephyri
Tahimik ang paligid nang pumasok sina Azriel at Zarraeah sa loob ng kanyang mansyon. Ang malambot na liwanag mula sa chandelier ay nagbibigay ng romantikong kinang sa buong sala, ngunit sa kabila ng engrandeng disenyo ng bahay, may kung anong pangungulila ang bumabalot dito. Ngunit ngayong gabi, hindi na iyon mahalaga.Dahan-dahang naupo si Zarraeah sa sofa, habang si Azriel ay tumayo sa harapan niya, pinagmamasdan siya nang hindi matukoy kung ano ang tumatakbo sa kanyang isipan. Hinubad niya ang kanyang coat at inalis ang top button ng kanyang damit, saka bahagyang yumuko upang ipatong ang kanyang kamay sa sandalan ng sofa."You said you wanted to stay," bulong ni Azriel, ang kanyang tinig ay mababa ngunit puno ng damdamin. "So tell me, what do you really want, Zarraeah?"Napatingin si Zarraeah sa kanya, ang kanyang dibdib ay mabilis na bumibilis sa kaba at excitement na hindi niya maipaliwanag. Ito na ang huling gabing makakasama niya si Azriel bilang siya. Alam niyang pagdating ng
Maagang dumating si Zarraeah sa opisina ni Azriel. Suot niya ang isang itim na blazer at puting blusa, simple ngunit pormal—isang kasuotan na nagtatago ng bigat sa kanyang dibdib. Sa loob-loob niya, pinipilit niyang panindigan ang desisyong ginawa niya kagabi. Hindi madali, ngunit alam niyang ito ang tamang gawin.Huminga siya nang malalim bago siya pumasok sa loob ng main building ng Dela Vega Corporation. Agad siyang sinalubong ng mga empleyado na tila nagulat sa kanyang presensya. Ilang araw rin siyang hindi nagpakita, at ngayon, heto siya, tahimik ngunit determinadong tapusin ang lahat.Nang marating niya ang opisina ni Azriel, sinalubong siya ng kanyang secretary. "Ms. Rivera, good morning po. Hindi po kayo naka-schedule ngayon, pero—""Kailangan ko siyang makausap," malamig niyang tugon.Agad namang tumango ang secretary at tinawagan si Azriel sa intercom. Ilang segundo lang ang lumipas bago nito ibinaba ang telepono at sinenyasan siyang pumasok. "Pinapapasok na po kayo, Ma'am."