Share

Chapter 3.2

Author: eleb_heart
last update Last Updated: 2022-09-13 05:16:54

ILANG minuto na ang nakalipas nang dumating sa kanilang lamesa ang kanilang mga kape. Parehas silang tahimik at hindi nagsasalita at nakatitig lamang sa umuusok na kape sa kanilang mga harapan.

Hinihintay niyang ito ang magbukas ng usapan, ayaiw niyang mag- insist na magsalita na ito kaagad dahil mukhang pagod ito at hindi niya alam kung saan ito nanggaling ng mga oras na iyon. Sa tantiya niya ay hindi ito galing sa kanilang opisina dahil hindi naman ito naka uniform. Simpleng jeans at kulay abong t- shirt lang ang suot nito na napatungan ng isang black na jacket.

Ilang sandali pa ay narinig niya ang pagtanggal nito ng bara sa lalamunan kaya napaangat ang kanyang tingin dito. Dinampot nito ang tasa ng kape at pagkatapos ay humigop. Nanatiling hawak nito ang tasa at nakalapat sa labi nito at nasa labas ang tingin.

Dinampot niya rin ang tasa ng kape niya at humigop. Gumuhit sa kanyang lalamunan ang mapait na lasa ng kape dahil barakong kape ang inorder niya para sa kanya. Napapikit siya at pagkatapos ay tumingin din sa labas ng shop. Isang ordinaryong araw lang iyon at makikita sa labas ng shop na napakadaming nagdaraan upang pumunta sa kani- kanilang mga destinasyon.

Hanggang sa marinig na niya itong magsalita na nagpalingon sa kanya rito.

"This case is absurd." Bakas sa tono nito ang naguguluhan at parang nagtataka.

Napataas naman ang kilay niya dahil dito. Sa tagal na nito sa serbisyo ay hindi niya pa ito nakakitaan ng ganitong klaseng mukha at reaksyon sa mga kasong hinahawakan nito. Magaling itong pulis at hindi ito tumitigil hanggat hindi nito nalulutas ang isang kaso kaya bilib siya rito dahil napakasigasig sa kanyang sinumpaang trabaho at talagang may paninindigan na tumulong sa mga naagrabyadong mga tao na mabigyan ng hustisya ang dapat mabigyan.

Wala itong sinasanto pagdating sa mga kasong hawak nito kahit sino. Wala itong inaatrasan o kinakatakutan man lang kahit malalaki pang tao ang banggain nito ay hindi ito natatakot. Balita niya nga ay may sumubok daw minsan na suhulan ito dahil isang kilala at tanyag na tao ang sangkot sa kasong hinahawakan nito ngunit hindi ito nagpatinag at hindi nasilaw sa alok nitong napakalaking halaga.

Sa klase nito ay nasisiguro niyang napakaswerte ng mga taong ito ang may hawak ng kaso dahil paniguradong makakamit ng mga ito ang hustisyang kailangan nila.

"What do you mean?" Nakataas ang kilay niya pa ring tanong dito. Nakita niyang humugot ito ng isang napakalalim na buntung hininga pagkatapos ay ibinababa ang tasa na hawak nito. Dahan- dahan itong lumingon sa kanya at pagkatapos ay tinitigan lamang siya ng ilang saglit bago ito tuluyang nagsalita.

"Napakahirap humanap ng lead." Panimula nito at pagkatapos ay napahawak sa sentido at napapikit. "Hindi ko alam pero parang may mali," saad nito at tuluyan ng napahilamos sa mukha. Itinukod nito ang dalawang siko sa lamesa at pagkatapos ay napahawak ang dalawang kamay nito sa sentido.

Nakatitig ito sa lamesa. "Hindi ko alam pero iba ang kutob ko sa mga kasong ito Cassie." Seryosong saad nito at tuluyan nang magtagpo ang kanilang mga mata. Kitang- kita sa mga mata nito na naguguluhan ito at halos ngayon niya lang din natitigan ang mukha nito na halos mangitim na ang ilalim ng mga mata nito dahil sa kapupuyat siguro.

"Wala ni kahit isang bakas ka na makukuha para malaman o magbigay man lang sana ng kaunting lead para alam mo kung saan ka maghahanap pero wala. Wala kahit katiting na bakas Cassie." Iiling- iling na sabi nito at napasandal sa upuan. "Napakalinis nilang gumawa." Dagdag pa nito.

Hindi niya alam kung ano at paano siya magrereact sa sinabi nito ngunit maging siya ay alam niyang mahihirapan talaga siya lalo pa at tantiya niya ay may kinalaman ang taong hinahanap niya sa mga taong nasa likod ng mga pagkawala ng ilang mga dalagita sa lungsod na iyon.

"Wala pang biktima ang natagpuan kahit isa man lang. Walang nakakaalam kung buhay pa ba sila o patay na dahil walang lead na makapagturo sa kung saan sila idinala ng mga taong kumuha sa kanila."

Tahimik lamang siyang nakikinig rito. Hindi siya nagsasalita at hinahayaan lamang itong magsalita ng magsalita. Mamaya na siya magtatanong ng mga bagay- bagay kapag nailabas na nito lahat ng saloobin nito.

"Sasabihin ko sayo ito but sana ay saatin lang ito," seryosong sabi nito at nakatitig sa mga mata niya. Isang tango ang isinagot niya rito.

"Sa tingin ko ay may kinalaman ang padrino dito." Naningkit ang mga mata nito.

Natahimik siya. Alam din pala nito ang tungkol sa taong hinahanap niya. Ang akala niya ay ang mga secret agents lamang na katulad nila ang may alam sa terminong iyon ngunit nakakapagtaka lang na alam din pala nito iyon.

"Padrino? Where did you heard that?" Nagtatakang tanong niya rito.

Isang ngiti ang sumilay sa mga labi nito pagkatapos niyang magtanong at pagkatapos ay inilagay ang mga ilang hibla ng buhok nito tenga at iniipit ito roon.

"We are both searching for that person." Ipinagdiinan nito ang salitang that na ikinataas ng kilay niya.

"I know kaya ka interesado sa kasong hawak ko hindi ba? Dahil you are looking for a lead na makakapagturo sayo kung nasaan siya." Nakangiting sabi nito sa kanya.

Well, she's right. Pero ang isang katulad niyang agent ay hindi pwedeng sabihin ang tunay niyang misyon kahit pa rito. Hindi niya magagawang ipagkatiwala ang bagay na iyon rito dahil hindi basta basta ang taong hinahanap niya at isa pa ay paano kung traydorin pala siya nito kaya hindi pwedeng malaman nito ang totoo niyang misyon.

Agad siyang nag- iwas ng tingin at pinulot muli ang tasa sa harap niya at humigop dito. Pagkatapos ay muli siyang tumingin dito.

"Anong sinasabi mo?" Nakataas ang kilay niyang tanong rito. Kailangan niyang magpatay malisya sa sinasabi nito.

Bigla itong napatawa ng pagak. "Oh come on, Cassie Mendoza." Banggit nito sa buong pangalan niya at pagkatapos ay tumingin muli sa kanyang mga mata.

Napataaas ang kilay niya sa pagbanggit nito sa kanyang pangalan. Matagal na silang magkakilala ngunit ni minsan ay hindi siya nag open ng kahit na anong bagay tungkol sa kanya rito. Isa pa ay hindi Mendoza ang ginagamit niyang apilyido kapag nagtatrabaho siya kaya napakalaking tanong sa isip niya kung paano nito nalaman ang totoong pangalan at apilyido niya.

"The most trusted agent on the Alpha Squad." Ngising sabi nito. Napalaki ang kanyang mata dahil sa sinabi nito. Paano? Paano nitong nalaman ang tungkol sa organisasyong kinabibilangan niya? Hindi bat ang lahat ng impormasyon at detalye ng mga taong nagtatrabaho doon ay nakatago? Kaya paano nitong nalaman ang lahat tungkol sa kanya at sa organisasyon?

"Easy." Nakangising sabi nito habang nakatawa ang matang nakatingin sa kanya. Itinaas pa nito ang dalawang kamay.

"What are you talking about?" She composed herself pagkatapos niyang magulat sa mga sinasabi nito sa mga oras na iyon.

Huminga muna ito ng malalim at pagkatapos ay nakita niyang nagkibit- balikat dahil sa tanong at pagkatapos ay napahawak sa folder na dala nito kani- kanina lang at itinuon ang tingin nito rito.

"Don't worry, I won't meddle with your investigation but I want to help you–––"

"I don't need your help." She cut her up. Biglang taas nito ng tingin sa kanya habang nakataas ang kilay.

Biglang lumabas ang isang mapang- unawang ngiti sa labi nito.

"As they say." Saad nito at muling ibinaling ang mga mata nito sa folder na hawak nito. "They contacted me to help you because they know na mahirap hanapin ang taong ipinapahanap sayo––––"

"What?!" She exclaimed in misery. Anong nagtulak sa mga ito na mag- utos ng isang tao na tulungan siya sa misyon niya? Ganun ba kababa ang tingin nila sa kanya at kailangan pa na tulungan siya? Wala na ba silang tiwala sa kakayahan niya?

Napakuyom ang kamay niya ng wala sa oras. Hindi siya papayag na tulungan siya nito lalo pa ngayon at ganun ang tingin nila sa kanya. Mababa at mahina.

"Its not you are thinking na–––" ibinaba nito ang hawak nitong folder sa lamesa at napatingin sa kanya pero hindi niya ito hinayaang makapagsalita o makapagpaliwanag man lang.

"Stop." She said in a low voice. Galit siya. Galit siya dahil pakiramdam niya ay napakahina niya dahil binigyan pa talaga siya ng makakatulong sa misyon niya. All her life ay ginugol niya para lang sa kanyang trabaho tapos ay ganito. Hindi niya kailangan ang tulong nito never in her life.

Aalis na siya. Wala ng silbi na narito pa siya. Tatayo na sana siya ngunit napatigil siya ng mag- ring ang cellphone nito na nasa bulsa nito. Dali- dali nitong kinuha iyon at sinagot pagkatapos ay kunot ang noong napatingin sa kanya.

"What?!" Inis na tanong nito sa kausap at pagkatapos ay nakita niya ang pagkuyom nito ng kamay.

"Stacey Perez?"

Napalaki ang kanyang mata ng marinig ang pangalang iyon. Nanlamig siya sa kanyang kinuupuan at umahon ang kaba sa dibdib niya ng mga oras na iyon.

Related chapters

  • The Secret Agent and The Mafia King   Chapter 3.3

    NANATILI siyang nakatingin lamang sa kaharap niya habang nakikinig din sa mga susunod na sasabihin nito. Aalis na sana siya ngunit nagbago ang kanyang plano nang marinig ang pangalan na binanggit nito.Hindi siya pwedeng magkamali sa narinig niya. Kahit pa sabihin na napakalaki ng syudad na iyon at baka kapangalan lamang iyon ng kaibigan niya ma si Stacey ay hindi pa rin niya magawang hindi kabahan.Agad niyang dinampot ang kanyang cellphone upang tawagan ito at masiguro na hindi ito iyon. Nag-ri-ring ang cellphone nito kaya napahinga siya ng maluwag. Siguro ay kapangalan niya lamang iyon.Ang kanyang kamay ay patapik- tapik sa lamesa habang hinihintay itong sumagot sa kanyang tawag ngunit walang sumagot. Muli na naman niya itong tinawagan ngunit hindi pa rin ito sumasagot ng mga oras na iyon."Saan siya huling nakita?" Rinig niyang tanong ni Ashley sa kausap nito sa kabilang linya. Hindi pa rin maipinta ang mukha nito sa mga oras na iyon at mababakas ang galit sa mukha nito."Sa mall

    Last Updated : 2022-09-15
  • The Secret Agent and The Mafia King   Chapter 3.4

    Hanggang sa makarating sila sa presinto ay wala pa rin silang imik parehas. Hindi niya alam pero ang daming gumugulo sa kanyang isipan. Hanggang kase sa mga oras na iyon ay iniisip niya pa rin ang nangyari kay Stacey. Parang napaka imposible naman ang nangyari na nawala nalang siya bigla, baka nagtampo lamang iyon at iniwan ang kanyang cellphone sa dressing room ng mall.Mabilis siyang bumaba, ang kaninang plano niya na pagtatanong kay Ashley ng mga impormasyon na makakatulong sa paghahanap niya sa kanyang target ay naudlot dahil sa nangyari kay Stacey.Dali- dali silang pumasok sa presinto, nakasunod siya rito dahil nauuna ito at isa pa ay ito naman ang kilala doon hindi naman tama kung siya ang mauunang pumasok doon kaya hinayaan niya lamang ito na mauna.Hindi niya na inalintana pa ang mga tingin ng mga taong nandoon. Alam niya ay halo- halong tingin ang tingin ng mga taong naroon, may iba sigurong humahanga at ang iba naman ay nagtataka kung ano ang ginagawa niya sa presinto na iyo

    Last Updated : 2022-09-17
  • The Secret Agent and The Mafia King   Chapter 3.5

    Nagkatinginan ang dalawa at sabay na umiling.Pabagsak na umupo ang babaeng nasa gitna nila at pagkatapos ay nagpakawala ng isang mahabang buntung- hininga. Napasandal ito sa kanyang kinauupuan at pinagalaw ang kinauupuan nitong swivel chair.Ilang sandali muna itong natahimik, maging sila ay tahimik lang din at hinihintay itong magsalita."Nandito lang yun kanina Ashley bago ako umalis at kumain, kaso ngayon wala na." Inis na sambit nito at pagkatapos ay muli na namang lumapit sa computer nito at sa isa pang pagkakataon ay muli na naman niya itong hinanap sa mga files na nasa desktop nito ngunit wala talaga hanggang sa inis nitong itinulak ang keyboard at muling sumandal sa upuan."Ibig sabihin ay may bumura sa files mo sa kuha ng cctv?" Tanong ni Ashley rito at iyon ang nagtulak sa kanya upang mapalingon dito.Isang tango ang ginawa nito. "Sa ilang taon ko ng nagtatrabaho rito ay ngayon pa lamang nangyari ang ganito na nabura ang files sa desktop ko. Nataon pa talaga sa kasong katul

    Last Updated : 2022-10-24
  • The Secret Agent and The Mafia King   Chapter 3.6

    Nagmamadali niyang binuksan ang pinto at bumungad sa kanyang paningin ang magulong sala. Ang mga gamit ay nagkalat na tila may nagwala, tila may taong sadyang ginulo talaga ang mga bagay na naroon. May mga basag ding mga flower base na nagkalat sa loob ng bahay kaya siya ay nag- ingat na naglakad para hindi niya matapakan ang mga bubog at para na rin hindi siya masugatan.Unti- unti siyang naglakad papasok mula sa sala patungo sa silid ng kanyang Tito. Nakita niyang bukas ito ngunit maliit lamang ang pagkakabukas nito. Mula doon ay umaabot sa kanyang pandinig ang tunog ng telebisyon, napahinga siya ng maluwag marahil ay nagwala lamang ang kanyang Tito dahil hindi nito matanggap ang mga pangyayari. Nanunuod marahil ito upang kahit papano man lang ay maibsan ang sakit na nararamdaman nito ng mga oras na iyon. Sino naman sana ang magulang na hindi mamomroblema dahil sa pagkawala ng anak niya lalo pa at kilalang kilala niya ito at alam na alam niya kung gaano nito kamahal ang anak nito.

    Last Updated : 2022-11-08
  • The Secret Agent and The Mafia King   Chapter 3.7

    Hindi na sila pa nag- aksaya ng oras at nagtungo sa head security ng subdivision upang i- check ang mga kuha ng cctv footage upang malaman nila kung sino nga ba ang mga dumukot sa kanyang Tito."Ano po iyon ma'am?" Salubong na tanong sa kanya ng isa sa mga security guard pagkarating nila doon. Ni hindi na niya nagawang lingunin pa si Ashley na halos magdikit na ang mga kilay dahil labis na itong naguguluhan sa kanya.Hindi na siya nagpaligoy- ligoy pa tiningnan niya ito at pagkatapos ay nagsalita."Pwede ba namin i- check ang mga cctv footage dito sa subdivision kaninang umaga lang?" Tanong niya sa guard at halatang nagulat naman ito. Awtomatikong napataas ang kilay nito at sinuyod siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Maging ang nasa likod niya ay ganun din ang ginawa nito.Sa puntong iyon ay saka naman may lumapit sa kanila na isa pang security guard at tinanong niya ang kasama nito."Ano daw ang problema?" Tanong nito sa kabaro nito. Nilingon naman nito ito at may malosyong ngiti s

    Last Updated : 2022-12-13
  • The Secret Agent and The Mafia King   Prologue

    She bit her lip as she closed her eyes. Awtomatikong napakapit at napapulupot ang kanyang mga kamay sa balikat nito nang maramdaman niya ang init ng labi nito sa kanyang leeg. Hindi niya alam kung pang ilang beses na nilang nagniig nang gabing iyon ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay nananatili pa rin ang kakaibang init na gumagapang sa kanyang katawan kapag dumikit na sa kanyang balat ang labi nito.Unti- unting gumalaw ang mga labi nito pataas sa kanyang mukha, papunta sa kanyang mga labi. Awtomatikong naghiwalay ang kanyang mga labi upang bigyan ng daan ang tila nitong pilit na pumapasok sa kanyang bibig. Buong puso niyang tinaggap at sinalubong ang bawat halik nito at walang alinlangang sinagot ang bawat pagkibot ng labi nito. Sa panlasa niya ay napakatamis ng halik nito at tila siya tinatangay sa bawat galaw ng labi nito ng mga oras na iyon.Hindi niya alam kung kailan nag- umpisa ang lahat at kung kailan niya hinaluan ng init ng katawan ang kanyang trabaho. Ni minsan sa kan

    Last Updated : 2022-08-02
  • The Secret Agent and The Mafia King   Chapter 1

    Walang anumang bakas na pagkatakot ang makikita sa kanyang mukha ng mga oras na iyon. Nasa harap siya ng kanilang commander na nasa pinakamataas na palapag sa building na iyon. Ipinatawag kase siya nito dahil muli ay meron na naman siyang misyon.Isang itim na envelope ang nasa ibabaw ng mesa ng mga oras na iyon. Ang ibig sabihin lamang nito ay isang napakadelikadong misyon ang muling iniatas sa kanya.Nasa sampung taon na siya sa serbisyo at ilang beses na rin naman siyang nabigyan ng ganitong klaseng misyon na halos itaya pa niya ang kanyang sariling buhay para lamang matapos at maisagawa niya ng maayos ang kanyang misyon."This is not like others before Cassie." Saad nito sa seryosong tinig. Sa sampung taon niya sa serbisyo ay ni minsan ay hindi niya pa nakita ang mukha nito. Ni kahit isang anggulo lamang ng mukha nito ay hindi niya pa rin nakikita hanggang sa mga oras na iyon dahil ang silid kung nasaan ang opisina nito ay napakadilim na halos wala ka ng makita. Ang tanging liwan

    Last Updated : 2022-08-03
  • The Secret Agent and The Mafia King   Chapter 2.1

    Napahawak si Cassie sa suot niyang salamin at napatitig sa oras na nasa ibabang bahagi ng kanyang laptop, alas onse na pala ng gabi at hindi niya namalayan ang pagdaan ng oras. Hanggang sa mga oras kase na iyon ay naghahanap pa rin siya ng magiging lead niya kung saan niya pwedeng mahanap ang kanyang target.Humigop siya ng kanyang kape na nasa tabi ng laptop niya at wala sa sariling napatitig sa screen ng laptop niya. Binabasa niya kase ang isang artikulo na inilabas ng isang dyaryo tungkol sa isang lalaking lumabas at isiniwalat ang pinakamalaking prostitusyon na nagaganap sa buong bansa.Ayon dito ay laganap ito sa buong bansa at hindi lamang sa iisang lugar meron ito, ayon din sa lumabas na tao na nagsiwalat ng lahat ng ito ay napakalaking pera ang kinikita ng mga taong nasa likod nito. Dagdag pa nito ay halos mga menor de edad ang kabilang sa prostitusyon na sinasabi nito kung saan ang iba ang naghuhubad sa harap ng mga camera habang may mga banyagang nanunuod sa kanila at binaba

    Last Updated : 2022-08-03

Latest chapter

  • The Secret Agent and The Mafia King   Chapter 3.7

    Hindi na sila pa nag- aksaya ng oras at nagtungo sa head security ng subdivision upang i- check ang mga kuha ng cctv footage upang malaman nila kung sino nga ba ang mga dumukot sa kanyang Tito."Ano po iyon ma'am?" Salubong na tanong sa kanya ng isa sa mga security guard pagkarating nila doon. Ni hindi na niya nagawang lingunin pa si Ashley na halos magdikit na ang mga kilay dahil labis na itong naguguluhan sa kanya.Hindi na siya nagpaligoy- ligoy pa tiningnan niya ito at pagkatapos ay nagsalita."Pwede ba namin i- check ang mga cctv footage dito sa subdivision kaninang umaga lang?" Tanong niya sa guard at halatang nagulat naman ito. Awtomatikong napataas ang kilay nito at sinuyod siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Maging ang nasa likod niya ay ganun din ang ginawa nito.Sa puntong iyon ay saka naman may lumapit sa kanila na isa pang security guard at tinanong niya ang kasama nito."Ano daw ang problema?" Tanong nito sa kabaro nito. Nilingon naman nito ito at may malosyong ngiti s

  • The Secret Agent and The Mafia King   Chapter 3.6

    Nagmamadali niyang binuksan ang pinto at bumungad sa kanyang paningin ang magulong sala. Ang mga gamit ay nagkalat na tila may nagwala, tila may taong sadyang ginulo talaga ang mga bagay na naroon. May mga basag ding mga flower base na nagkalat sa loob ng bahay kaya siya ay nag- ingat na naglakad para hindi niya matapakan ang mga bubog at para na rin hindi siya masugatan.Unti- unti siyang naglakad papasok mula sa sala patungo sa silid ng kanyang Tito. Nakita niyang bukas ito ngunit maliit lamang ang pagkakabukas nito. Mula doon ay umaabot sa kanyang pandinig ang tunog ng telebisyon, napahinga siya ng maluwag marahil ay nagwala lamang ang kanyang Tito dahil hindi nito matanggap ang mga pangyayari. Nanunuod marahil ito upang kahit papano man lang ay maibsan ang sakit na nararamdaman nito ng mga oras na iyon. Sino naman sana ang magulang na hindi mamomroblema dahil sa pagkawala ng anak niya lalo pa at kilalang kilala niya ito at alam na alam niya kung gaano nito kamahal ang anak nito.

  • The Secret Agent and The Mafia King   Chapter 3.5

    Nagkatinginan ang dalawa at sabay na umiling.Pabagsak na umupo ang babaeng nasa gitna nila at pagkatapos ay nagpakawala ng isang mahabang buntung- hininga. Napasandal ito sa kanyang kinauupuan at pinagalaw ang kinauupuan nitong swivel chair.Ilang sandali muna itong natahimik, maging sila ay tahimik lang din at hinihintay itong magsalita."Nandito lang yun kanina Ashley bago ako umalis at kumain, kaso ngayon wala na." Inis na sambit nito at pagkatapos ay muli na namang lumapit sa computer nito at sa isa pang pagkakataon ay muli na naman niya itong hinanap sa mga files na nasa desktop nito ngunit wala talaga hanggang sa inis nitong itinulak ang keyboard at muling sumandal sa upuan."Ibig sabihin ay may bumura sa files mo sa kuha ng cctv?" Tanong ni Ashley rito at iyon ang nagtulak sa kanya upang mapalingon dito.Isang tango ang ginawa nito. "Sa ilang taon ko ng nagtatrabaho rito ay ngayon pa lamang nangyari ang ganito na nabura ang files sa desktop ko. Nataon pa talaga sa kasong katul

  • The Secret Agent and The Mafia King   Chapter 3.4

    Hanggang sa makarating sila sa presinto ay wala pa rin silang imik parehas. Hindi niya alam pero ang daming gumugulo sa kanyang isipan. Hanggang kase sa mga oras na iyon ay iniisip niya pa rin ang nangyari kay Stacey. Parang napaka imposible naman ang nangyari na nawala nalang siya bigla, baka nagtampo lamang iyon at iniwan ang kanyang cellphone sa dressing room ng mall.Mabilis siyang bumaba, ang kaninang plano niya na pagtatanong kay Ashley ng mga impormasyon na makakatulong sa paghahanap niya sa kanyang target ay naudlot dahil sa nangyari kay Stacey.Dali- dali silang pumasok sa presinto, nakasunod siya rito dahil nauuna ito at isa pa ay ito naman ang kilala doon hindi naman tama kung siya ang mauunang pumasok doon kaya hinayaan niya lamang ito na mauna.Hindi niya na inalintana pa ang mga tingin ng mga taong nandoon. Alam niya ay halo- halong tingin ang tingin ng mga taong naroon, may iba sigurong humahanga at ang iba naman ay nagtataka kung ano ang ginagawa niya sa presinto na iyo

  • The Secret Agent and The Mafia King   Chapter 3.3

    NANATILI siyang nakatingin lamang sa kaharap niya habang nakikinig din sa mga susunod na sasabihin nito. Aalis na sana siya ngunit nagbago ang kanyang plano nang marinig ang pangalan na binanggit nito.Hindi siya pwedeng magkamali sa narinig niya. Kahit pa sabihin na napakalaki ng syudad na iyon at baka kapangalan lamang iyon ng kaibigan niya ma si Stacey ay hindi pa rin niya magawang hindi kabahan.Agad niyang dinampot ang kanyang cellphone upang tawagan ito at masiguro na hindi ito iyon. Nag-ri-ring ang cellphone nito kaya napahinga siya ng maluwag. Siguro ay kapangalan niya lamang iyon.Ang kanyang kamay ay patapik- tapik sa lamesa habang hinihintay itong sumagot sa kanyang tawag ngunit walang sumagot. Muli na naman niya itong tinawagan ngunit hindi pa rin ito sumasagot ng mga oras na iyon."Saan siya huling nakita?" Rinig niyang tanong ni Ashley sa kausap nito sa kabilang linya. Hindi pa rin maipinta ang mukha nito sa mga oras na iyon at mababakas ang galit sa mukha nito."Sa mall

  • The Secret Agent and The Mafia King   Chapter 3.2

    ILANG minuto na ang nakalipas nang dumating sa kanilang lamesa ang kanilang mga kape. Parehas silang tahimik at hindi nagsasalita at nakatitig lamang sa umuusok na kape sa kanilang mga harapan.Hinihintay niyang ito ang magbukas ng usapan, ayaiw niyang mag- insist na magsalita na ito kaagad dahil mukhang pagod ito at hindi niya alam kung saan ito nanggaling ng mga oras na iyon. Sa tantiya niya ay hindi ito galing sa kanilang opisina dahil hindi naman ito naka uniform. Simpleng jeans at kulay abong t- shirt lang ang suot nito na napatungan ng isang black na jacket. Ilang sandali pa ay narinig niya ang pagtanggal nito ng bara sa lalamunan kaya napaangat ang kanyang tingin dito. Dinampot nito ang tasa ng kape at pagkatapos ay humigop. Nanatiling hawak nito ang tasa at nakalapat sa labi nito at nasa labas ang tingin. Dinampot niya rin ang tasa ng kape niya at humigop. Gumuhit sa kanyang lalamunan ang mapait na lasa ng kape dahil barakong kape ang inorder niya para sa kanya. Napapikit si

  • The Secret Agent and The Mafia King   Chapter 3.1

    Alas singko pa lamang ng umaga ay gising na si Cassie bagamat puyat pa siya kagabi dahil anong oras na siya natulog ay pinilit pa rin niya ang gumising ng maaga. Ngayong araw kase na ito ay uumpisahan na niyang maghanap ng mga pwedeng makakatulong sa kanyang paghahanap sa target niya.Napatitig siya sa umuusok niyang kape na nakapatong sa lamesa. Saan nga ba siya magsisimula? Saan nga ba siya dapat unang pumunta upang makakalap ng impormasyon na makakatulong sa kanya? Ilang saglit muna siyang napatitig sa kanyang kape bago napabuga ng isang malalim na buntung hininga.Pagkatapos ay naisipan niyang manuod ng balita sa mga oras na iyon kaya binitbit niya ang kanyang kape patungo sa kanyang sala at ibinaba ito sa maliit na mesa na nasa gitna ng sala. Inabot niya ang remote ng telebisyon at binuhay ito at pagkatapos ay mabilis niyang inilipat ang channel sa balita.Nakatutok lamang ang kanyang paningin sa tv screen habang humihigop ng kanyang kape nang may mahagip ang kanyang mga mata sa

  • The Secret Agent and The Mafia King   Chapter 2.2

    Unti- unti niyang iminulat ang kanyang mga mata, ramdam na pa rin niya ang panghihina ng katawan niya. Puting kisame ang sumalubong sa kanyang mga mata pagkamulat ng mga ito.Inilibot niya ang kanyang mga mata sa paligid, hindi iyon ang kwarto nila ng mga kapatid niya hanggang sa itaas niya ang kanyang kamay kung saan may nakatusok doong swero, at tyaka lamang niya napagtanto na nasa ospital pala siya dahil nang yukuin niya ang kanyang sarili ay nakasuot na siya ng hospital gown.Gusto niyang bumangon ng mga oras na iyon ngunit nanghihina pa rin ang katawan niya. Walang- wala pa rin itong lakas. Gusto niyang hanapin ang mga magulang at kapatid niya, gusto niyang itanong sa mga tao kung nasaan sila. Pakiramdam niya ay panaginip lang ang lahat at nasisiguro niya iyon, siguro sa sobrang lagnat niya ay iyon na ang naging epekto nito sa kanya.Napalingon siya sa pinto nang may pumasok. Si Stacey ang pumasok sa loob ng silid kung nasaan siya ng mga oras na iyon. Malungkot ang ekspresyon ng

  • The Secret Agent and The Mafia King   Chapter 2.1

    Napahawak si Cassie sa suot niyang salamin at napatitig sa oras na nasa ibabang bahagi ng kanyang laptop, alas onse na pala ng gabi at hindi niya namalayan ang pagdaan ng oras. Hanggang sa mga oras kase na iyon ay naghahanap pa rin siya ng magiging lead niya kung saan niya pwedeng mahanap ang kanyang target.Humigop siya ng kanyang kape na nasa tabi ng laptop niya at wala sa sariling napatitig sa screen ng laptop niya. Binabasa niya kase ang isang artikulo na inilabas ng isang dyaryo tungkol sa isang lalaking lumabas at isiniwalat ang pinakamalaking prostitusyon na nagaganap sa buong bansa.Ayon dito ay laganap ito sa buong bansa at hindi lamang sa iisang lugar meron ito, ayon din sa lumabas na tao na nagsiwalat ng lahat ng ito ay napakalaking pera ang kinikita ng mga taong nasa likod nito. Dagdag pa nito ay halos mga menor de edad ang kabilang sa prostitusyon na sinasabi nito kung saan ang iba ang naghuhubad sa harap ng mga camera habang may mga banyagang nanunuod sa kanila at binaba

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status