Walang anumang bakas na pagkatakot ang makikita sa kanyang mukha ng mga oras na iyon. Nasa harap siya ng kanilang commander na nasa pinakamataas na palapag sa building na iyon. Ipinatawag kase siya nito dahil muli ay meron na naman siyang misyon.
Isang itim na envelope ang nasa ibabaw ng mesa ng mga oras na iyon. Ang ibig sabihin lamang nito ay isang napakadelikadong misyon ang muling iniatas sa kanya.Nasa sampung taon na siya sa serbisyo at ilang beses na rin naman siyang nabigyan ng ganitong klaseng misyon na halos itaya pa niya ang kanyang sariling buhay para lamang matapos at maisagawa niya ng maayos ang kanyang misyon."This is not like others before Cassie." Saad nito sa seryosong tinig. Sa sampung taon niya sa serbisyo ay ni minsan ay hindi niya pa nakita ang mukha nito. Ni kahit isang anggulo lamang ng mukha nito ay hindi niya pa rin nakikita hanggang sa mga oras na iyon dahil ang silid kung nasaan ang opisina nito ay napakadilim na halos wala ka ng makita.Ang tanging liwanag na nagsisilibing ilaw ay isang tila night lamp sa ibabaw ng lamesa nito. Hindi niya alam kung ano ang malalim na dahilan kung bakit ayaw nitong ipakita ang mukha nito. Ayon sa kanyang mga katrabaho ay maging sila man ay hindi pa rin nila nakikita ang mukha nito kaya maging ang mga ito ay walang anumang ideya kung ano ang itsura nito.Ang kanilang organisasyon ay binubuo ng tatlong pangkat, ang Alpha Squad kung saan siya kabilang, ang Beta Squad at ang Omega Squad. Pare- parehas lamang sila ng trabaho ngunit ang may mga nasa Alpha Squad ay mas may mga hindi pangkaraniwang mga misyon na hindi katulad nang dalawa pang Squad.Kapag may mga malalaking personalidad na kailangan nilang arestuhin o kailangan nilang manmanan ay ang mga nasa Alpha Squad ang kanilang tinatawagan.Sa pagkakaalam niya ay ang organisasyon kung saan siya kabilang ay konektado sa gobyerno. Ilang matataas na opisyal na nasa panunungkulan sa gobyerno ang nag- uutos ng mga misyon nila ngunit hindi niya alam o hindi niya nasisiguro kung sino ang utak sa bawat misyon na ibinibigay sa kanila.Sa kanyang tantiya ay ang Presidente ang may utos ng lahat, ngunit nasisiguro niya na bukod dito ay may mga taong kasama pa ito na nagdedesiyon ng mga bagay bagay dahil hindi naman nito pwedeng iutos iyon ng basta - basta.Wala siyang sagot sa sinabi nito. Nang pasukin niya ang kanyang trabaho sa kasalukuyan ay tinanong muna sila kung handa ba talaga silang pumasok sa ganoong klase ng trabaho. Una pa lang ay ipinaliwanag na sakanila kung ano ang klase ng mga trabaho nila. Sa kanilang bawat misyon ay wala dapat ni isa man ang makaalam na nasa misyon sila. Wala kahit isa.Walang emosyon niyang dinampot ang kulay itim na envelope na nasa lamesa. Dahan- dahan niya itong binuksan upang makita niya kung ano ang nasa loob nito at kung sino a ng susunod na magiging target niya.Sa kanyang pagtataka ay walang litrato sa loob ng envelope kung hindi papel lamang na may nakasulat. Napakunot ang kanyang noo habang nakatitig sa nakasulat sa maliit na papel.Ethan Phoenix Dios ang nakasulat sa papel. Nanatili siyang nakatitig sa papel at pilit na inaalala kung saan niya nakita ang pangalang nakasulat sa papel. Alam niyang nabasa na niya ito at narinig na niya ang pangalang ito ngunit hindi niya maalala kung saan na nga ba niya narinig ito.Naipikit niya ang kanyang mga mata. Alam niya sa sarili niya na narinig na niya iyon, kilala niya ang taong nakasulat sa papel na iyon. Ilang saglit pa ay narinig niya ang boses ng commander niya na nagpabalik sa kanya sa kanyang sistema at nagpamulat ng kanyang mga mata."Will you take the mission Cassie?" Seryosong tanong nito na tila nanantiya. Nakita niya ang pagkislap ng mga mata nito habang ang kamay nito ay nasa mga labi nito.Ilang sandali siyang hindi nakaimik dahil unang - una ay hindi siya makahagilap ng salita upang maisagot dito.Ngayon ay naalala niya na kung sino ang taong nakasulat doon. Ito ang nabalitaan niya noong pangalan ng Mafia King na nagmamay ari ng pinakamalaking bentahan ng shabu sa bansa. Ito din ang napapabalitang supplier ng mga armas ng mga rebelde kaya patuloy pa ring lumalaganap at dumadami ang mga rebelde sa bansa."Again, I am asking you will you take the mission?" Muling tanong nito sa kanya. Napatitig siya sa papel na hawak niya. Nasisiguro niya na hindi magiging ganuon kadali ang iniaatang na misyon sa kanya. Hindi ganun kadali at hindi basta bastang tao ang kailangan niyang patumbahin.Kaya ba niya? Isa lamang siyang babae. Nasisiguro niya na ilang daan ang mga tauhan nito na kailangan niyang lampasan bago niya makaharap ito. Isa pa ay halos walang ganun kadaming impormasyon na nakasulat doon kaya nasisiguro niyang mahihirapan siya."Kung hindi mo kaya ay pwede ko namang ipasa sa iba-----""No sir. I will take the mission." Matatag at taas noo niyang sagot dito. Hindi siya basta basta umaayaw at sumusuko sa kanyang mga misyon.Nakita niya ang pagtaas ng sulok ng labi nito sa mga oras na iyon. Kitang- kita niya rin sa mga mata nito ang kakaibang kislap ng mga ito ngunit hindi na lamang niya iyon pinansin pa."You know how dangerous that man is so be careful. Hindi natin alam kung ano ang kaya niyang gawin, he could kill you if he found out the truth so you need to be very careful with your actions." Mahabang lintaya nito sa kanya. Isang tango lamang ang naging sagot niya rito dahil alam niya naman sa sarili niya na talagang dapat lang siyang mag - ingat."So that's all for today good luck for your mission." Sabi nito at pagkatapos ay iniikot na nito ang swivel chair nito paharap sa likod nito.Siya man ay tumalikod na rin habang dala ang envelope, pagkatalikod ay mabilis niyang isinilid sa loob ng envelope ang maliit na papel at pagkatapos ay isinilid niya din sa kanyang suot na black coat ang kulay itim na envelope. Hindi maaaring ipagsabi kahit kanino kung ano ang kulay ng envelope ang natanggap mo kaya mabilis niya itong itinago sa kanyang bulsa.Ngunit bago pa man siya makarating sa pinto at bago pa niya mahawakan ang seradura ng pinto upang tuluyan ng makalabas ay napatigil siya ng marinig ang tinig ng kanyang commander."Always remember our only rule Cassie, no matter what happens do not utter any word when you were caught." Seryosong sabi nito. Siya ay nanatili lamang na nakatayo habang nasa tapat ng pinto. Bilang isang miyembro ng Alpha Squad ay alam na alam na niya iyon. Nakailang misyon na rin naman siya at ni isa sa mga iyon ay hindi pa siya nahuhuli kahit minsan sa buhay niya, ngunit sa misyon niyang iyon ngayon ay alam niyang hindi magiging ganun kadali ang lahat."I know Sir." Magalang niyang sagot dito. Wala na siyang narinig na sagot pa rito kaya tuluyan na siyang lumabas mula sa silid nito. Pagkalabas niya ng opisina nito ay napabuga siya ng hangin. At pagkatapos ay tinanong niya ang kanyang sarili kung kaya nga ba niya ang ibinigay na misyon sa kanya.Alam niya kung ano ang kapasidad niya, at hindi sa nawawalan siya ng kumpyansa sa kanyang sarili ngunit ibang- iba ito sa mga nakaraang mga misyon niya.Hindi niya namalayan na lumilipad na pala ang isip niya at tyaka lamang bumalik ang kanyang pag - iisip ay noong may nakabanggaan siya mula sa kanyang paglalakad.Napapikit siya at napamura ng mahina dahil sa malakas na pagbangga niya mula sa matigas na dibdib ng kung sino man. Awtomatikong napatingala siya sa kanyang nabangga at nasalubong ng kanyang mga mata ang nakangising si Ayden na nasa Alpha Aquad din kasama niya.Halos tumirik ang kanyang mga mata dahil sa pag- irap. Hindi niya alam ngunit napaka init ng dugo niya dito dahil habang nakikita niya ito na nakangiti ay mas lalo lamang kumukulo ang kanyang dugo.Palibhasa ay napakayabang nito sa pananalita at sa mga gawa. Hindi niya naman masisisi ito lalo na at may itsura naman ito kaya may ipagmamayabang talaga ngunit sa kanya ay wala man lang ka appeal appeal ito.Hindi na siya nagsalita pa at umiwas na lamang rito. Ayaw niyang sayangin ang oras niya para lamang sa taong ito dahil kailangan na niyang maghanda para sa kanyang misyon dahil bukas na bukas ay kailangan na niyang gumawa ng kanyang hakbang upang matunton ang kanyang target. .Kailangan niya ng matinding pananaliksik para malaman ang mga lugar kung saan ito pwedeng matagpuan at kung sino ang mga taong kasabwat nito.Nilampasan niya ito at hindi pinansin, wala siyang pakialam kung ano ang mga sinabi nito at tila wala nalang siyang naririnig. Nagtuloy- tuloy siya sa elevator upang makababa na sa ground floor kung saan matatagpuan ang parking area. Pagbukas ng elevator sa ground floor ay mabilis siyang naglakad papunta sa parking area kung saan matatagpuan ang kanyang kotse.Mabilis siyang sumakay dito at mabilis na inalis ang kanyang suot na coat at maging ang envelop na nasa bulsa nito ay inilabas niya at ibinababa sa tabi niya at mabilis na pinasibad ang kanyang kotse paalis doon.Napahawak si Cassie sa suot niyang salamin at napatitig sa oras na nasa ibabang bahagi ng kanyang laptop, alas onse na pala ng gabi at hindi niya namalayan ang pagdaan ng oras. Hanggang sa mga oras kase na iyon ay naghahanap pa rin siya ng magiging lead niya kung saan niya pwedeng mahanap ang kanyang target.Humigop siya ng kanyang kape na nasa tabi ng laptop niya at wala sa sariling napatitig sa screen ng laptop niya. Binabasa niya kase ang isang artikulo na inilabas ng isang dyaryo tungkol sa isang lalaking lumabas at isiniwalat ang pinakamalaking prostitusyon na nagaganap sa buong bansa.Ayon dito ay laganap ito sa buong bansa at hindi lamang sa iisang lugar meron ito, ayon din sa lumabas na tao na nagsiwalat ng lahat ng ito ay napakalaking pera ang kinikita ng mga taong nasa likod nito. Dagdag pa nito ay halos mga menor de edad ang kabilang sa prostitusyon na sinasabi nito kung saan ang iba ang naghuhubad sa harap ng mga camera habang may mga banyagang nanunuod sa kanila at binaba
Unti- unti niyang iminulat ang kanyang mga mata, ramdam na pa rin niya ang panghihina ng katawan niya. Puting kisame ang sumalubong sa kanyang mga mata pagkamulat ng mga ito.Inilibot niya ang kanyang mga mata sa paligid, hindi iyon ang kwarto nila ng mga kapatid niya hanggang sa itaas niya ang kanyang kamay kung saan may nakatusok doong swero, at tyaka lamang niya napagtanto na nasa ospital pala siya dahil nang yukuin niya ang kanyang sarili ay nakasuot na siya ng hospital gown.Gusto niyang bumangon ng mga oras na iyon ngunit nanghihina pa rin ang katawan niya. Walang- wala pa rin itong lakas. Gusto niyang hanapin ang mga magulang at kapatid niya, gusto niyang itanong sa mga tao kung nasaan sila. Pakiramdam niya ay panaginip lang ang lahat at nasisiguro niya iyon, siguro sa sobrang lagnat niya ay iyon na ang naging epekto nito sa kanya.Napalingon siya sa pinto nang may pumasok. Si Stacey ang pumasok sa loob ng silid kung nasaan siya ng mga oras na iyon. Malungkot ang ekspresyon ng
Alas singko pa lamang ng umaga ay gising na si Cassie bagamat puyat pa siya kagabi dahil anong oras na siya natulog ay pinilit pa rin niya ang gumising ng maaga. Ngayong araw kase na ito ay uumpisahan na niyang maghanap ng mga pwedeng makakatulong sa kanyang paghahanap sa target niya.Napatitig siya sa umuusok niyang kape na nakapatong sa lamesa. Saan nga ba siya magsisimula? Saan nga ba siya dapat unang pumunta upang makakalap ng impormasyon na makakatulong sa kanya? Ilang saglit muna siyang napatitig sa kanyang kape bago napabuga ng isang malalim na buntung hininga.Pagkatapos ay naisipan niyang manuod ng balita sa mga oras na iyon kaya binitbit niya ang kanyang kape patungo sa kanyang sala at ibinaba ito sa maliit na mesa na nasa gitna ng sala. Inabot niya ang remote ng telebisyon at binuhay ito at pagkatapos ay mabilis niyang inilipat ang channel sa balita.Nakatutok lamang ang kanyang paningin sa tv screen habang humihigop ng kanyang kape nang may mahagip ang kanyang mga mata sa
ILANG minuto na ang nakalipas nang dumating sa kanilang lamesa ang kanilang mga kape. Parehas silang tahimik at hindi nagsasalita at nakatitig lamang sa umuusok na kape sa kanilang mga harapan.Hinihintay niyang ito ang magbukas ng usapan, ayaiw niyang mag- insist na magsalita na ito kaagad dahil mukhang pagod ito at hindi niya alam kung saan ito nanggaling ng mga oras na iyon. Sa tantiya niya ay hindi ito galing sa kanilang opisina dahil hindi naman ito naka uniform. Simpleng jeans at kulay abong t- shirt lang ang suot nito na napatungan ng isang black na jacket. Ilang sandali pa ay narinig niya ang pagtanggal nito ng bara sa lalamunan kaya napaangat ang kanyang tingin dito. Dinampot nito ang tasa ng kape at pagkatapos ay humigop. Nanatiling hawak nito ang tasa at nakalapat sa labi nito at nasa labas ang tingin. Dinampot niya rin ang tasa ng kape niya at humigop. Gumuhit sa kanyang lalamunan ang mapait na lasa ng kape dahil barakong kape ang inorder niya para sa kanya. Napapikit si
NANATILI siyang nakatingin lamang sa kaharap niya habang nakikinig din sa mga susunod na sasabihin nito. Aalis na sana siya ngunit nagbago ang kanyang plano nang marinig ang pangalan na binanggit nito.Hindi siya pwedeng magkamali sa narinig niya. Kahit pa sabihin na napakalaki ng syudad na iyon at baka kapangalan lamang iyon ng kaibigan niya ma si Stacey ay hindi pa rin niya magawang hindi kabahan.Agad niyang dinampot ang kanyang cellphone upang tawagan ito at masiguro na hindi ito iyon. Nag-ri-ring ang cellphone nito kaya napahinga siya ng maluwag. Siguro ay kapangalan niya lamang iyon.Ang kanyang kamay ay patapik- tapik sa lamesa habang hinihintay itong sumagot sa kanyang tawag ngunit walang sumagot. Muli na naman niya itong tinawagan ngunit hindi pa rin ito sumasagot ng mga oras na iyon."Saan siya huling nakita?" Rinig niyang tanong ni Ashley sa kausap nito sa kabilang linya. Hindi pa rin maipinta ang mukha nito sa mga oras na iyon at mababakas ang galit sa mukha nito."Sa mall
Hanggang sa makarating sila sa presinto ay wala pa rin silang imik parehas. Hindi niya alam pero ang daming gumugulo sa kanyang isipan. Hanggang kase sa mga oras na iyon ay iniisip niya pa rin ang nangyari kay Stacey. Parang napaka imposible naman ang nangyari na nawala nalang siya bigla, baka nagtampo lamang iyon at iniwan ang kanyang cellphone sa dressing room ng mall.Mabilis siyang bumaba, ang kaninang plano niya na pagtatanong kay Ashley ng mga impormasyon na makakatulong sa paghahanap niya sa kanyang target ay naudlot dahil sa nangyari kay Stacey.Dali- dali silang pumasok sa presinto, nakasunod siya rito dahil nauuna ito at isa pa ay ito naman ang kilala doon hindi naman tama kung siya ang mauunang pumasok doon kaya hinayaan niya lamang ito na mauna.Hindi niya na inalintana pa ang mga tingin ng mga taong nandoon. Alam niya ay halo- halong tingin ang tingin ng mga taong naroon, may iba sigurong humahanga at ang iba naman ay nagtataka kung ano ang ginagawa niya sa presinto na iyo
Nagkatinginan ang dalawa at sabay na umiling.Pabagsak na umupo ang babaeng nasa gitna nila at pagkatapos ay nagpakawala ng isang mahabang buntung- hininga. Napasandal ito sa kanyang kinauupuan at pinagalaw ang kinauupuan nitong swivel chair.Ilang sandali muna itong natahimik, maging sila ay tahimik lang din at hinihintay itong magsalita."Nandito lang yun kanina Ashley bago ako umalis at kumain, kaso ngayon wala na." Inis na sambit nito at pagkatapos ay muli na namang lumapit sa computer nito at sa isa pang pagkakataon ay muli na naman niya itong hinanap sa mga files na nasa desktop nito ngunit wala talaga hanggang sa inis nitong itinulak ang keyboard at muling sumandal sa upuan."Ibig sabihin ay may bumura sa files mo sa kuha ng cctv?" Tanong ni Ashley rito at iyon ang nagtulak sa kanya upang mapalingon dito.Isang tango ang ginawa nito. "Sa ilang taon ko ng nagtatrabaho rito ay ngayon pa lamang nangyari ang ganito na nabura ang files sa desktop ko. Nataon pa talaga sa kasong katul
Nagmamadali niyang binuksan ang pinto at bumungad sa kanyang paningin ang magulong sala. Ang mga gamit ay nagkalat na tila may nagwala, tila may taong sadyang ginulo talaga ang mga bagay na naroon. May mga basag ding mga flower base na nagkalat sa loob ng bahay kaya siya ay nag- ingat na naglakad para hindi niya matapakan ang mga bubog at para na rin hindi siya masugatan.Unti- unti siyang naglakad papasok mula sa sala patungo sa silid ng kanyang Tito. Nakita niyang bukas ito ngunit maliit lamang ang pagkakabukas nito. Mula doon ay umaabot sa kanyang pandinig ang tunog ng telebisyon, napahinga siya ng maluwag marahil ay nagwala lamang ang kanyang Tito dahil hindi nito matanggap ang mga pangyayari. Nanunuod marahil ito upang kahit papano man lang ay maibsan ang sakit na nararamdaman nito ng mga oras na iyon. Sino naman sana ang magulang na hindi mamomroblema dahil sa pagkawala ng anak niya lalo pa at kilalang kilala niya ito at alam na alam niya kung gaano nito kamahal ang anak nito.
Hindi na sila pa nag- aksaya ng oras at nagtungo sa head security ng subdivision upang i- check ang mga kuha ng cctv footage upang malaman nila kung sino nga ba ang mga dumukot sa kanyang Tito."Ano po iyon ma'am?" Salubong na tanong sa kanya ng isa sa mga security guard pagkarating nila doon. Ni hindi na niya nagawang lingunin pa si Ashley na halos magdikit na ang mga kilay dahil labis na itong naguguluhan sa kanya.Hindi na siya nagpaligoy- ligoy pa tiningnan niya ito at pagkatapos ay nagsalita."Pwede ba namin i- check ang mga cctv footage dito sa subdivision kaninang umaga lang?" Tanong niya sa guard at halatang nagulat naman ito. Awtomatikong napataas ang kilay nito at sinuyod siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Maging ang nasa likod niya ay ganun din ang ginawa nito.Sa puntong iyon ay saka naman may lumapit sa kanila na isa pang security guard at tinanong niya ang kasama nito."Ano daw ang problema?" Tanong nito sa kabaro nito. Nilingon naman nito ito at may malosyong ngiti s
Nagmamadali niyang binuksan ang pinto at bumungad sa kanyang paningin ang magulong sala. Ang mga gamit ay nagkalat na tila may nagwala, tila may taong sadyang ginulo talaga ang mga bagay na naroon. May mga basag ding mga flower base na nagkalat sa loob ng bahay kaya siya ay nag- ingat na naglakad para hindi niya matapakan ang mga bubog at para na rin hindi siya masugatan.Unti- unti siyang naglakad papasok mula sa sala patungo sa silid ng kanyang Tito. Nakita niyang bukas ito ngunit maliit lamang ang pagkakabukas nito. Mula doon ay umaabot sa kanyang pandinig ang tunog ng telebisyon, napahinga siya ng maluwag marahil ay nagwala lamang ang kanyang Tito dahil hindi nito matanggap ang mga pangyayari. Nanunuod marahil ito upang kahit papano man lang ay maibsan ang sakit na nararamdaman nito ng mga oras na iyon. Sino naman sana ang magulang na hindi mamomroblema dahil sa pagkawala ng anak niya lalo pa at kilalang kilala niya ito at alam na alam niya kung gaano nito kamahal ang anak nito.
Nagkatinginan ang dalawa at sabay na umiling.Pabagsak na umupo ang babaeng nasa gitna nila at pagkatapos ay nagpakawala ng isang mahabang buntung- hininga. Napasandal ito sa kanyang kinauupuan at pinagalaw ang kinauupuan nitong swivel chair.Ilang sandali muna itong natahimik, maging sila ay tahimik lang din at hinihintay itong magsalita."Nandito lang yun kanina Ashley bago ako umalis at kumain, kaso ngayon wala na." Inis na sambit nito at pagkatapos ay muli na namang lumapit sa computer nito at sa isa pang pagkakataon ay muli na naman niya itong hinanap sa mga files na nasa desktop nito ngunit wala talaga hanggang sa inis nitong itinulak ang keyboard at muling sumandal sa upuan."Ibig sabihin ay may bumura sa files mo sa kuha ng cctv?" Tanong ni Ashley rito at iyon ang nagtulak sa kanya upang mapalingon dito.Isang tango ang ginawa nito. "Sa ilang taon ko ng nagtatrabaho rito ay ngayon pa lamang nangyari ang ganito na nabura ang files sa desktop ko. Nataon pa talaga sa kasong katul
Hanggang sa makarating sila sa presinto ay wala pa rin silang imik parehas. Hindi niya alam pero ang daming gumugulo sa kanyang isipan. Hanggang kase sa mga oras na iyon ay iniisip niya pa rin ang nangyari kay Stacey. Parang napaka imposible naman ang nangyari na nawala nalang siya bigla, baka nagtampo lamang iyon at iniwan ang kanyang cellphone sa dressing room ng mall.Mabilis siyang bumaba, ang kaninang plano niya na pagtatanong kay Ashley ng mga impormasyon na makakatulong sa paghahanap niya sa kanyang target ay naudlot dahil sa nangyari kay Stacey.Dali- dali silang pumasok sa presinto, nakasunod siya rito dahil nauuna ito at isa pa ay ito naman ang kilala doon hindi naman tama kung siya ang mauunang pumasok doon kaya hinayaan niya lamang ito na mauna.Hindi niya na inalintana pa ang mga tingin ng mga taong nandoon. Alam niya ay halo- halong tingin ang tingin ng mga taong naroon, may iba sigurong humahanga at ang iba naman ay nagtataka kung ano ang ginagawa niya sa presinto na iyo
NANATILI siyang nakatingin lamang sa kaharap niya habang nakikinig din sa mga susunod na sasabihin nito. Aalis na sana siya ngunit nagbago ang kanyang plano nang marinig ang pangalan na binanggit nito.Hindi siya pwedeng magkamali sa narinig niya. Kahit pa sabihin na napakalaki ng syudad na iyon at baka kapangalan lamang iyon ng kaibigan niya ma si Stacey ay hindi pa rin niya magawang hindi kabahan.Agad niyang dinampot ang kanyang cellphone upang tawagan ito at masiguro na hindi ito iyon. Nag-ri-ring ang cellphone nito kaya napahinga siya ng maluwag. Siguro ay kapangalan niya lamang iyon.Ang kanyang kamay ay patapik- tapik sa lamesa habang hinihintay itong sumagot sa kanyang tawag ngunit walang sumagot. Muli na naman niya itong tinawagan ngunit hindi pa rin ito sumasagot ng mga oras na iyon."Saan siya huling nakita?" Rinig niyang tanong ni Ashley sa kausap nito sa kabilang linya. Hindi pa rin maipinta ang mukha nito sa mga oras na iyon at mababakas ang galit sa mukha nito."Sa mall
ILANG minuto na ang nakalipas nang dumating sa kanilang lamesa ang kanilang mga kape. Parehas silang tahimik at hindi nagsasalita at nakatitig lamang sa umuusok na kape sa kanilang mga harapan.Hinihintay niyang ito ang magbukas ng usapan, ayaiw niyang mag- insist na magsalita na ito kaagad dahil mukhang pagod ito at hindi niya alam kung saan ito nanggaling ng mga oras na iyon. Sa tantiya niya ay hindi ito galing sa kanilang opisina dahil hindi naman ito naka uniform. Simpleng jeans at kulay abong t- shirt lang ang suot nito na napatungan ng isang black na jacket. Ilang sandali pa ay narinig niya ang pagtanggal nito ng bara sa lalamunan kaya napaangat ang kanyang tingin dito. Dinampot nito ang tasa ng kape at pagkatapos ay humigop. Nanatiling hawak nito ang tasa at nakalapat sa labi nito at nasa labas ang tingin. Dinampot niya rin ang tasa ng kape niya at humigop. Gumuhit sa kanyang lalamunan ang mapait na lasa ng kape dahil barakong kape ang inorder niya para sa kanya. Napapikit si
Alas singko pa lamang ng umaga ay gising na si Cassie bagamat puyat pa siya kagabi dahil anong oras na siya natulog ay pinilit pa rin niya ang gumising ng maaga. Ngayong araw kase na ito ay uumpisahan na niyang maghanap ng mga pwedeng makakatulong sa kanyang paghahanap sa target niya.Napatitig siya sa umuusok niyang kape na nakapatong sa lamesa. Saan nga ba siya magsisimula? Saan nga ba siya dapat unang pumunta upang makakalap ng impormasyon na makakatulong sa kanya? Ilang saglit muna siyang napatitig sa kanyang kape bago napabuga ng isang malalim na buntung hininga.Pagkatapos ay naisipan niyang manuod ng balita sa mga oras na iyon kaya binitbit niya ang kanyang kape patungo sa kanyang sala at ibinaba ito sa maliit na mesa na nasa gitna ng sala. Inabot niya ang remote ng telebisyon at binuhay ito at pagkatapos ay mabilis niyang inilipat ang channel sa balita.Nakatutok lamang ang kanyang paningin sa tv screen habang humihigop ng kanyang kape nang may mahagip ang kanyang mga mata sa
Unti- unti niyang iminulat ang kanyang mga mata, ramdam na pa rin niya ang panghihina ng katawan niya. Puting kisame ang sumalubong sa kanyang mga mata pagkamulat ng mga ito.Inilibot niya ang kanyang mga mata sa paligid, hindi iyon ang kwarto nila ng mga kapatid niya hanggang sa itaas niya ang kanyang kamay kung saan may nakatusok doong swero, at tyaka lamang niya napagtanto na nasa ospital pala siya dahil nang yukuin niya ang kanyang sarili ay nakasuot na siya ng hospital gown.Gusto niyang bumangon ng mga oras na iyon ngunit nanghihina pa rin ang katawan niya. Walang- wala pa rin itong lakas. Gusto niyang hanapin ang mga magulang at kapatid niya, gusto niyang itanong sa mga tao kung nasaan sila. Pakiramdam niya ay panaginip lang ang lahat at nasisiguro niya iyon, siguro sa sobrang lagnat niya ay iyon na ang naging epekto nito sa kanya.Napalingon siya sa pinto nang may pumasok. Si Stacey ang pumasok sa loob ng silid kung nasaan siya ng mga oras na iyon. Malungkot ang ekspresyon ng
Napahawak si Cassie sa suot niyang salamin at napatitig sa oras na nasa ibabang bahagi ng kanyang laptop, alas onse na pala ng gabi at hindi niya namalayan ang pagdaan ng oras. Hanggang sa mga oras kase na iyon ay naghahanap pa rin siya ng magiging lead niya kung saan niya pwedeng mahanap ang kanyang target.Humigop siya ng kanyang kape na nasa tabi ng laptop niya at wala sa sariling napatitig sa screen ng laptop niya. Binabasa niya kase ang isang artikulo na inilabas ng isang dyaryo tungkol sa isang lalaking lumabas at isiniwalat ang pinakamalaking prostitusyon na nagaganap sa buong bansa.Ayon dito ay laganap ito sa buong bansa at hindi lamang sa iisang lugar meron ito, ayon din sa lumabas na tao na nagsiwalat ng lahat ng ito ay napakalaking pera ang kinikita ng mga taong nasa likod nito. Dagdag pa nito ay halos mga menor de edad ang kabilang sa prostitusyon na sinasabi nito kung saan ang iba ang naghuhubad sa harap ng mga camera habang may mga banyagang nanunuod sa kanila at binaba