Alas singko pa lamang ng umaga ay gising na si Cassie bagamat puyat pa siya kagabi dahil anong oras na siya natulog ay pinilit pa rin niya ang gumising ng maaga. Ngayong araw kase na ito ay uumpisahan na niyang maghanap ng mga pwedeng makakatulong sa kanyang paghahanap sa target niya.
Napatitig siya sa umuusok niyang kape na nakapatong sa lamesa. Saan nga ba siya magsisimula? Saan nga ba siya dapat unang pumunta upang makakalap ng impormasyon na makakatulong sa kanya? Ilang saglit muna siyang napatitig sa kanyang kape bago napabuga ng isang malalim na buntung hininga.Pagkatapos ay naisipan niyang manuod ng balita sa mga oras na iyon kaya binitbit niya ang kanyang kape patungo sa kanyang sala at ibinaba ito sa maliit na mesa na nasa gitna ng sala. Inabot niya ang remote ng telebisyon at binuhay ito at pagkatapos ay mabilis niyang inilipat ang channel sa balita.Nakatutok lamang ang kanyang paningin sa tv screen habang humihigop ng kanyang kape nang may mahagip ang kanyang mga mata sa headline ng mga balita na nasa baba.'Isang dalagita na naman ang naitalang nawawala.'Iyon ang nakasaad sa balita na ikinakuyom ng kanyang mga kamay. Ibig sabihin ay patuloy pa rin ang grupo sa pambibiktima at hindi pa rin tumitigil sa mga kahayupan nila.Umahon ang galit sa dibdib niya. Sa pagbabasa niya ng mga artikulo tungkol sa mga dalagang nawawala kagabi ay halos nasa dalawampu na ang naitalang nawawala at wala pa kahit isa ang natagpuan sa kanila. Ayon sa pulisya ay wala pa rin silang mahanap na impormasyon na makakapagturo kung nasaan ang mga ito o kung saan dinadala ang mga ito.Kasama sa artikulong binasa niya ay ang mga cctv footage na nagpapakita ng mga modus nila kung paano nila kinukuha ang mga biktima nila.Sa isang video ay tahimik na naglalakad ang isang dalagita sa daan nang may humintong kulay puting van sa tabi nito at mabilis na lumabas ang limang kalalakihan at isinakay siya ng pilit sa van. Walang nagawa ang dalagita dahil kahit nanlaban siya ay nakaya pa rin siyang isakay ng mga ito sa loob ng van.Ano naman sana ang lakas ng isang dalagita kumpara sa limang kalalakihan na may malalaking katawan? Wala. Walang laban kaya mabilis siyang naisakay ng mga ito.May ilan- ilang dumaraan sa daan na iyon dahil nga gabi na, ngunit nang mga oras na iyon ay halos walang nagdaraan at walang saksi sa naganap na pandurukot sa dalaga. Ang tanging ebidensiya lamang na hawak ng mga pulis ay ang kuha ng cctv, ngunit mahirap rin namang makuha ang pagkakakilanlan ng mga ito dahil naka maskara ang mga ito at mata lamang ang kita.Dis- oras na iyon ng gabi kaya halos madilim at malabo na rin ang kuha ng cctv kaya kahit siya ay mahihirapan ding makita ang mukha ng mga ito.Napahigpit pa lalo ang hawak niya sa tasa ng kanyang kape. Mukhang mahihirapan talaga siya sa kanyang misyon ngayon. Ngunit ganun pa man ay hindi niya hahayaang hindi niya magawa ang kanyang misyon. Alam niyang hindi siya bibigyan ng ganung klaseng misyon kung hindi niya iyon kakayanin.Muli siyang napatitig sa screen ng kanyang telebisyon habang humihigop ng kanyang kape. Hanggang sa tumunog ang kanyang cellphone kung saan umilaw ito at isang mensahe ang nag- pop up sa screen ng kanyang cellphone.Dali- dali niyang dinampot ang kanyang cellphone at nakita niya ang isang message na galing kay Stacey. Ayon sa text message nito ay inaaya siya nitong mamasyal sa isang mall. Bagot na bagot daw ito kaya kailangan nitong mag - unwind at mag- relax ngunit sa araw na iyon ay kailangan na niyang umpisahan ang kanyang misyon kaya nireplayan niya ito na hindi siya pwede at may gagawin siya.Gustuhin niya mang samahan ito sa mga oras na iyon ay hindi niya pwedeng ipagpalit ang misyon niya. Kailangang kailangan na niyang umpisahan ang paghahanap ng magiging lead niya para mahanap o mapalapit man lang siya sa target niya.Agad naman itong nagreply sa kanya at sinabing naiintindihan niya ito. Nasisiguro niyang may problema na naman ito kaya nanaman ito nag- aayang lumabas. Ganun naman talaga ito e lalo na kapag may problema ito, nag- aaya itong gumala o kaya ay mag- unwind sa kung saang lugar nito maisip.Ngayon pa lamang siya tumanggi dito dahil hindi talaga siya pwede. Nang mabasa ang reply nito ay hindi na lamang siya nagreply pa at ibinaba muli ang kanyang cellphone sa lamesa.Ilang minuto muna siyang nanatiling nakatulala sa harap ng telibisyon bago tuluyang tumayo na at umalis doon at pumasok sa kanyang silid upang tuluyan nang maghanda sa kanyang gagawin na misyon.KASALUKUYAN siyang nakaupo sa isang café sa tabi ng police station. Hinihintay niya ang isang kakilala niya upang magbigay ng mga impormasyon sa kanya. Isa itong pulis at isa ito sa mga kasalukuyang may hawak ng kaso ng mga dalagitang nawawala.Nakailang sulyap na siya sa kanyang relo at halos paubos na rin ang kanyang inorder na kape ngunit wala pa din ito sa mga oras na iyon. Naiinip na siya at halos maubos na din ang pasensiya niya sa paghihintay. Wala pa naman siyang tyaga sa paghihintay dahil nga para sa kanya ay ang bawat segundo ay napakahalaga para masayang lamang.Hanggang sa nilagok na niya ng tuluyan ang natitira niyang kape sa kanyang tasa. Siguro ay hindi na ito pupunta dahil kung may balak talaga itong magpunta ay hindi na siya nito kailangang paghintayin pa ng ganun katagal.Niligpit na niya ang kanyang mga gamit, ang kanyang cellphone ay isinilid na niya sa kanyang bulsa at pagkatapos ay tumayo na. Aalis na siya. Kung hindi nito magawang makipagkita sa kanya ay siya na lamang mismo ang pupunta rito. Wala naman itong abiso na hindi ito makakapunta sa mga oras na iyon at iyon ang unang beses na hindi ito sumipot sa kanya dahil ilang beses na rin naman niya itong naging katrabaho kaya labis ang kanyang pagtataka dahil dito.Tumayo na siya pagkatapos niyang maubos ang kanyang kape at handa ng umalis mula doon nang mapalingon siya sa pinto ng café papasok na doon ang taong inaantay niya. Pawisan ito at halata sa mukha nito ang pagmamadali kaya naudlot ang kanyang paglabas mula rito.Muli siyang naupo sa kanyang pwesto at inantay ito kung ano ang gagawin nito. Mabilis itong luminga- linga ito na tila may hinahanap hanggang sa tuluyan nang magtama ang kanilang mga mata. Agad naman sumilay ang isang ngiti sa labi nito at pagkatapos ay naglakad na ito papunta sa kanya.Pinanuod niya lamang ito na maglakad palapit sa kanya hanggang sa makarating na ito sa harapan niya at naghila ito ng upuan sa harap niya. Inilapag nito ang ilang folders na hawak nito sa lamesa na nasa harap nila at pagkatapos ay umupo. Nagpakawala muna ito ng isang malalim na buntung- hininga pagkaupo at mababakas sa mukha nito ang pagkapagod dahil medyo naghahabol ito ng kanyang hininga.Hinayaan niya na lamang ito muna dahil mukhang pagod na pagod ito bago niya ito tanungin ng ilang mahahalagang impormasyon tungkol sa misyon niya.Sumandal ito sa inuupan nito at pumikit ng ilang saglit. Napahilot din ito sa kanyang sentido dahil sa hindi niya malamang dahilan habang nakapikit."Anong gusto mong inumin? Coffee or juice?" Tanong niya sa nakapikit na dalaga. Nakita niyang humugot muli ito ng isang malalim na buntung- hininga bago tuluyang nagmulat ng mga mata at sinagot ang tanong niya."Coffee na lang." Sagot nito at pagkatapos ay nginitian siya nito. "Brewed coffee." Pahabol nito sa kanya. Pagkatapos ay isang tango lamang ang naging sagot niya rito at pagkatapos ay tumawag na ng waiter upang umorder ng kanilang mga kape.ILANG minuto na ang nakalipas nang dumating sa kanilang lamesa ang kanilang mga kape. Parehas silang tahimik at hindi nagsasalita at nakatitig lamang sa umuusok na kape sa kanilang mga harapan.Hinihintay niyang ito ang magbukas ng usapan, ayaiw niyang mag- insist na magsalita na ito kaagad dahil mukhang pagod ito at hindi niya alam kung saan ito nanggaling ng mga oras na iyon. Sa tantiya niya ay hindi ito galing sa kanilang opisina dahil hindi naman ito naka uniform. Simpleng jeans at kulay abong t- shirt lang ang suot nito na napatungan ng isang black na jacket. Ilang sandali pa ay narinig niya ang pagtanggal nito ng bara sa lalamunan kaya napaangat ang kanyang tingin dito. Dinampot nito ang tasa ng kape at pagkatapos ay humigop. Nanatiling hawak nito ang tasa at nakalapat sa labi nito at nasa labas ang tingin. Dinampot niya rin ang tasa ng kape niya at humigop. Gumuhit sa kanyang lalamunan ang mapait na lasa ng kape dahil barakong kape ang inorder niya para sa kanya. Napapikit si
NANATILI siyang nakatingin lamang sa kaharap niya habang nakikinig din sa mga susunod na sasabihin nito. Aalis na sana siya ngunit nagbago ang kanyang plano nang marinig ang pangalan na binanggit nito.Hindi siya pwedeng magkamali sa narinig niya. Kahit pa sabihin na napakalaki ng syudad na iyon at baka kapangalan lamang iyon ng kaibigan niya ma si Stacey ay hindi pa rin niya magawang hindi kabahan.Agad niyang dinampot ang kanyang cellphone upang tawagan ito at masiguro na hindi ito iyon. Nag-ri-ring ang cellphone nito kaya napahinga siya ng maluwag. Siguro ay kapangalan niya lamang iyon.Ang kanyang kamay ay patapik- tapik sa lamesa habang hinihintay itong sumagot sa kanyang tawag ngunit walang sumagot. Muli na naman niya itong tinawagan ngunit hindi pa rin ito sumasagot ng mga oras na iyon."Saan siya huling nakita?" Rinig niyang tanong ni Ashley sa kausap nito sa kabilang linya. Hindi pa rin maipinta ang mukha nito sa mga oras na iyon at mababakas ang galit sa mukha nito."Sa mall
Hanggang sa makarating sila sa presinto ay wala pa rin silang imik parehas. Hindi niya alam pero ang daming gumugulo sa kanyang isipan. Hanggang kase sa mga oras na iyon ay iniisip niya pa rin ang nangyari kay Stacey. Parang napaka imposible naman ang nangyari na nawala nalang siya bigla, baka nagtampo lamang iyon at iniwan ang kanyang cellphone sa dressing room ng mall.Mabilis siyang bumaba, ang kaninang plano niya na pagtatanong kay Ashley ng mga impormasyon na makakatulong sa paghahanap niya sa kanyang target ay naudlot dahil sa nangyari kay Stacey.Dali- dali silang pumasok sa presinto, nakasunod siya rito dahil nauuna ito at isa pa ay ito naman ang kilala doon hindi naman tama kung siya ang mauunang pumasok doon kaya hinayaan niya lamang ito na mauna.Hindi niya na inalintana pa ang mga tingin ng mga taong nandoon. Alam niya ay halo- halong tingin ang tingin ng mga taong naroon, may iba sigurong humahanga at ang iba naman ay nagtataka kung ano ang ginagawa niya sa presinto na iyo
Nagkatinginan ang dalawa at sabay na umiling.Pabagsak na umupo ang babaeng nasa gitna nila at pagkatapos ay nagpakawala ng isang mahabang buntung- hininga. Napasandal ito sa kanyang kinauupuan at pinagalaw ang kinauupuan nitong swivel chair.Ilang sandali muna itong natahimik, maging sila ay tahimik lang din at hinihintay itong magsalita."Nandito lang yun kanina Ashley bago ako umalis at kumain, kaso ngayon wala na." Inis na sambit nito at pagkatapos ay muli na namang lumapit sa computer nito at sa isa pang pagkakataon ay muli na naman niya itong hinanap sa mga files na nasa desktop nito ngunit wala talaga hanggang sa inis nitong itinulak ang keyboard at muling sumandal sa upuan."Ibig sabihin ay may bumura sa files mo sa kuha ng cctv?" Tanong ni Ashley rito at iyon ang nagtulak sa kanya upang mapalingon dito.Isang tango ang ginawa nito. "Sa ilang taon ko ng nagtatrabaho rito ay ngayon pa lamang nangyari ang ganito na nabura ang files sa desktop ko. Nataon pa talaga sa kasong katul
Nagmamadali niyang binuksan ang pinto at bumungad sa kanyang paningin ang magulong sala. Ang mga gamit ay nagkalat na tila may nagwala, tila may taong sadyang ginulo talaga ang mga bagay na naroon. May mga basag ding mga flower base na nagkalat sa loob ng bahay kaya siya ay nag- ingat na naglakad para hindi niya matapakan ang mga bubog at para na rin hindi siya masugatan.Unti- unti siyang naglakad papasok mula sa sala patungo sa silid ng kanyang Tito. Nakita niyang bukas ito ngunit maliit lamang ang pagkakabukas nito. Mula doon ay umaabot sa kanyang pandinig ang tunog ng telebisyon, napahinga siya ng maluwag marahil ay nagwala lamang ang kanyang Tito dahil hindi nito matanggap ang mga pangyayari. Nanunuod marahil ito upang kahit papano man lang ay maibsan ang sakit na nararamdaman nito ng mga oras na iyon. Sino naman sana ang magulang na hindi mamomroblema dahil sa pagkawala ng anak niya lalo pa at kilalang kilala niya ito at alam na alam niya kung gaano nito kamahal ang anak nito.
Hindi na sila pa nag- aksaya ng oras at nagtungo sa head security ng subdivision upang i- check ang mga kuha ng cctv footage upang malaman nila kung sino nga ba ang mga dumukot sa kanyang Tito."Ano po iyon ma'am?" Salubong na tanong sa kanya ng isa sa mga security guard pagkarating nila doon. Ni hindi na niya nagawang lingunin pa si Ashley na halos magdikit na ang mga kilay dahil labis na itong naguguluhan sa kanya.Hindi na siya nagpaligoy- ligoy pa tiningnan niya ito at pagkatapos ay nagsalita."Pwede ba namin i- check ang mga cctv footage dito sa subdivision kaninang umaga lang?" Tanong niya sa guard at halatang nagulat naman ito. Awtomatikong napataas ang kilay nito at sinuyod siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Maging ang nasa likod niya ay ganun din ang ginawa nito.Sa puntong iyon ay saka naman may lumapit sa kanila na isa pang security guard at tinanong niya ang kasama nito."Ano daw ang problema?" Tanong nito sa kabaro nito. Nilingon naman nito ito at may malosyong ngiti s
She bit her lip as she closed her eyes. Awtomatikong napakapit at napapulupot ang kanyang mga kamay sa balikat nito nang maramdaman niya ang init ng labi nito sa kanyang leeg. Hindi niya alam kung pang ilang beses na nilang nagniig nang gabing iyon ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay nananatili pa rin ang kakaibang init na gumagapang sa kanyang katawan kapag dumikit na sa kanyang balat ang labi nito.Unti- unting gumalaw ang mga labi nito pataas sa kanyang mukha, papunta sa kanyang mga labi. Awtomatikong naghiwalay ang kanyang mga labi upang bigyan ng daan ang tila nitong pilit na pumapasok sa kanyang bibig. Buong puso niyang tinaggap at sinalubong ang bawat halik nito at walang alinlangang sinagot ang bawat pagkibot ng labi nito. Sa panlasa niya ay napakatamis ng halik nito at tila siya tinatangay sa bawat galaw ng labi nito ng mga oras na iyon.Hindi niya alam kung kailan nag- umpisa ang lahat at kung kailan niya hinaluan ng init ng katawan ang kanyang trabaho. Ni minsan sa kan
Walang anumang bakas na pagkatakot ang makikita sa kanyang mukha ng mga oras na iyon. Nasa harap siya ng kanilang commander na nasa pinakamataas na palapag sa building na iyon. Ipinatawag kase siya nito dahil muli ay meron na naman siyang misyon.Isang itim na envelope ang nasa ibabaw ng mesa ng mga oras na iyon. Ang ibig sabihin lamang nito ay isang napakadelikadong misyon ang muling iniatas sa kanya.Nasa sampung taon na siya sa serbisyo at ilang beses na rin naman siyang nabigyan ng ganitong klaseng misyon na halos itaya pa niya ang kanyang sariling buhay para lamang matapos at maisagawa niya ng maayos ang kanyang misyon."This is not like others before Cassie." Saad nito sa seryosong tinig. Sa sampung taon niya sa serbisyo ay ni minsan ay hindi niya pa nakita ang mukha nito. Ni kahit isang anggulo lamang ng mukha nito ay hindi niya pa rin nakikita hanggang sa mga oras na iyon dahil ang silid kung nasaan ang opisina nito ay napakadilim na halos wala ka ng makita. Ang tanging liwan
Hindi na sila pa nag- aksaya ng oras at nagtungo sa head security ng subdivision upang i- check ang mga kuha ng cctv footage upang malaman nila kung sino nga ba ang mga dumukot sa kanyang Tito."Ano po iyon ma'am?" Salubong na tanong sa kanya ng isa sa mga security guard pagkarating nila doon. Ni hindi na niya nagawang lingunin pa si Ashley na halos magdikit na ang mga kilay dahil labis na itong naguguluhan sa kanya.Hindi na siya nagpaligoy- ligoy pa tiningnan niya ito at pagkatapos ay nagsalita."Pwede ba namin i- check ang mga cctv footage dito sa subdivision kaninang umaga lang?" Tanong niya sa guard at halatang nagulat naman ito. Awtomatikong napataas ang kilay nito at sinuyod siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Maging ang nasa likod niya ay ganun din ang ginawa nito.Sa puntong iyon ay saka naman may lumapit sa kanila na isa pang security guard at tinanong niya ang kasama nito."Ano daw ang problema?" Tanong nito sa kabaro nito. Nilingon naman nito ito at may malosyong ngiti s
Nagmamadali niyang binuksan ang pinto at bumungad sa kanyang paningin ang magulong sala. Ang mga gamit ay nagkalat na tila may nagwala, tila may taong sadyang ginulo talaga ang mga bagay na naroon. May mga basag ding mga flower base na nagkalat sa loob ng bahay kaya siya ay nag- ingat na naglakad para hindi niya matapakan ang mga bubog at para na rin hindi siya masugatan.Unti- unti siyang naglakad papasok mula sa sala patungo sa silid ng kanyang Tito. Nakita niyang bukas ito ngunit maliit lamang ang pagkakabukas nito. Mula doon ay umaabot sa kanyang pandinig ang tunog ng telebisyon, napahinga siya ng maluwag marahil ay nagwala lamang ang kanyang Tito dahil hindi nito matanggap ang mga pangyayari. Nanunuod marahil ito upang kahit papano man lang ay maibsan ang sakit na nararamdaman nito ng mga oras na iyon. Sino naman sana ang magulang na hindi mamomroblema dahil sa pagkawala ng anak niya lalo pa at kilalang kilala niya ito at alam na alam niya kung gaano nito kamahal ang anak nito.
Nagkatinginan ang dalawa at sabay na umiling.Pabagsak na umupo ang babaeng nasa gitna nila at pagkatapos ay nagpakawala ng isang mahabang buntung- hininga. Napasandal ito sa kanyang kinauupuan at pinagalaw ang kinauupuan nitong swivel chair.Ilang sandali muna itong natahimik, maging sila ay tahimik lang din at hinihintay itong magsalita."Nandito lang yun kanina Ashley bago ako umalis at kumain, kaso ngayon wala na." Inis na sambit nito at pagkatapos ay muli na namang lumapit sa computer nito at sa isa pang pagkakataon ay muli na naman niya itong hinanap sa mga files na nasa desktop nito ngunit wala talaga hanggang sa inis nitong itinulak ang keyboard at muling sumandal sa upuan."Ibig sabihin ay may bumura sa files mo sa kuha ng cctv?" Tanong ni Ashley rito at iyon ang nagtulak sa kanya upang mapalingon dito.Isang tango ang ginawa nito. "Sa ilang taon ko ng nagtatrabaho rito ay ngayon pa lamang nangyari ang ganito na nabura ang files sa desktop ko. Nataon pa talaga sa kasong katul
Hanggang sa makarating sila sa presinto ay wala pa rin silang imik parehas. Hindi niya alam pero ang daming gumugulo sa kanyang isipan. Hanggang kase sa mga oras na iyon ay iniisip niya pa rin ang nangyari kay Stacey. Parang napaka imposible naman ang nangyari na nawala nalang siya bigla, baka nagtampo lamang iyon at iniwan ang kanyang cellphone sa dressing room ng mall.Mabilis siyang bumaba, ang kaninang plano niya na pagtatanong kay Ashley ng mga impormasyon na makakatulong sa paghahanap niya sa kanyang target ay naudlot dahil sa nangyari kay Stacey.Dali- dali silang pumasok sa presinto, nakasunod siya rito dahil nauuna ito at isa pa ay ito naman ang kilala doon hindi naman tama kung siya ang mauunang pumasok doon kaya hinayaan niya lamang ito na mauna.Hindi niya na inalintana pa ang mga tingin ng mga taong nandoon. Alam niya ay halo- halong tingin ang tingin ng mga taong naroon, may iba sigurong humahanga at ang iba naman ay nagtataka kung ano ang ginagawa niya sa presinto na iyo
NANATILI siyang nakatingin lamang sa kaharap niya habang nakikinig din sa mga susunod na sasabihin nito. Aalis na sana siya ngunit nagbago ang kanyang plano nang marinig ang pangalan na binanggit nito.Hindi siya pwedeng magkamali sa narinig niya. Kahit pa sabihin na napakalaki ng syudad na iyon at baka kapangalan lamang iyon ng kaibigan niya ma si Stacey ay hindi pa rin niya magawang hindi kabahan.Agad niyang dinampot ang kanyang cellphone upang tawagan ito at masiguro na hindi ito iyon. Nag-ri-ring ang cellphone nito kaya napahinga siya ng maluwag. Siguro ay kapangalan niya lamang iyon.Ang kanyang kamay ay patapik- tapik sa lamesa habang hinihintay itong sumagot sa kanyang tawag ngunit walang sumagot. Muli na naman niya itong tinawagan ngunit hindi pa rin ito sumasagot ng mga oras na iyon."Saan siya huling nakita?" Rinig niyang tanong ni Ashley sa kausap nito sa kabilang linya. Hindi pa rin maipinta ang mukha nito sa mga oras na iyon at mababakas ang galit sa mukha nito."Sa mall
ILANG minuto na ang nakalipas nang dumating sa kanilang lamesa ang kanilang mga kape. Parehas silang tahimik at hindi nagsasalita at nakatitig lamang sa umuusok na kape sa kanilang mga harapan.Hinihintay niyang ito ang magbukas ng usapan, ayaiw niyang mag- insist na magsalita na ito kaagad dahil mukhang pagod ito at hindi niya alam kung saan ito nanggaling ng mga oras na iyon. Sa tantiya niya ay hindi ito galing sa kanilang opisina dahil hindi naman ito naka uniform. Simpleng jeans at kulay abong t- shirt lang ang suot nito na napatungan ng isang black na jacket. Ilang sandali pa ay narinig niya ang pagtanggal nito ng bara sa lalamunan kaya napaangat ang kanyang tingin dito. Dinampot nito ang tasa ng kape at pagkatapos ay humigop. Nanatiling hawak nito ang tasa at nakalapat sa labi nito at nasa labas ang tingin. Dinampot niya rin ang tasa ng kape niya at humigop. Gumuhit sa kanyang lalamunan ang mapait na lasa ng kape dahil barakong kape ang inorder niya para sa kanya. Napapikit si
Alas singko pa lamang ng umaga ay gising na si Cassie bagamat puyat pa siya kagabi dahil anong oras na siya natulog ay pinilit pa rin niya ang gumising ng maaga. Ngayong araw kase na ito ay uumpisahan na niyang maghanap ng mga pwedeng makakatulong sa kanyang paghahanap sa target niya.Napatitig siya sa umuusok niyang kape na nakapatong sa lamesa. Saan nga ba siya magsisimula? Saan nga ba siya dapat unang pumunta upang makakalap ng impormasyon na makakatulong sa kanya? Ilang saglit muna siyang napatitig sa kanyang kape bago napabuga ng isang malalim na buntung hininga.Pagkatapos ay naisipan niyang manuod ng balita sa mga oras na iyon kaya binitbit niya ang kanyang kape patungo sa kanyang sala at ibinaba ito sa maliit na mesa na nasa gitna ng sala. Inabot niya ang remote ng telebisyon at binuhay ito at pagkatapos ay mabilis niyang inilipat ang channel sa balita.Nakatutok lamang ang kanyang paningin sa tv screen habang humihigop ng kanyang kape nang may mahagip ang kanyang mga mata sa
Unti- unti niyang iminulat ang kanyang mga mata, ramdam na pa rin niya ang panghihina ng katawan niya. Puting kisame ang sumalubong sa kanyang mga mata pagkamulat ng mga ito.Inilibot niya ang kanyang mga mata sa paligid, hindi iyon ang kwarto nila ng mga kapatid niya hanggang sa itaas niya ang kanyang kamay kung saan may nakatusok doong swero, at tyaka lamang niya napagtanto na nasa ospital pala siya dahil nang yukuin niya ang kanyang sarili ay nakasuot na siya ng hospital gown.Gusto niyang bumangon ng mga oras na iyon ngunit nanghihina pa rin ang katawan niya. Walang- wala pa rin itong lakas. Gusto niyang hanapin ang mga magulang at kapatid niya, gusto niyang itanong sa mga tao kung nasaan sila. Pakiramdam niya ay panaginip lang ang lahat at nasisiguro niya iyon, siguro sa sobrang lagnat niya ay iyon na ang naging epekto nito sa kanya.Napalingon siya sa pinto nang may pumasok. Si Stacey ang pumasok sa loob ng silid kung nasaan siya ng mga oras na iyon. Malungkot ang ekspresyon ng
Napahawak si Cassie sa suot niyang salamin at napatitig sa oras na nasa ibabang bahagi ng kanyang laptop, alas onse na pala ng gabi at hindi niya namalayan ang pagdaan ng oras. Hanggang sa mga oras kase na iyon ay naghahanap pa rin siya ng magiging lead niya kung saan niya pwedeng mahanap ang kanyang target.Humigop siya ng kanyang kape na nasa tabi ng laptop niya at wala sa sariling napatitig sa screen ng laptop niya. Binabasa niya kase ang isang artikulo na inilabas ng isang dyaryo tungkol sa isang lalaking lumabas at isiniwalat ang pinakamalaking prostitusyon na nagaganap sa buong bansa.Ayon dito ay laganap ito sa buong bansa at hindi lamang sa iisang lugar meron ito, ayon din sa lumabas na tao na nagsiwalat ng lahat ng ito ay napakalaking pera ang kinikita ng mga taong nasa likod nito. Dagdag pa nito ay halos mga menor de edad ang kabilang sa prostitusyon na sinasabi nito kung saan ang iba ang naghuhubad sa harap ng mga camera habang may mga banyagang nanunuod sa kanila at binaba