Share

Chapter 4: I Want You To... Touch Me

PRESENT...

Dumating ang ikatlong araw, ang takdang araw ng pagbabalik nina Sebastian at Alexa mula sa kanilang honeymoon.

Sinundo sila ng itim na SUV sa hotel at resort, parehong sasakyan na naghatid sa kanila ng nakaraang araw sa ilalim ng utos ng nanay ni Sebastian. Pero bago pa sila sumakay ng sasakyan ay hindi nalimutan ipaalala ni Sebastian kay Alexa na kontrata lang ang kasal nila. He also reminded her to act as a proper and modest wife, daughter-in-law, and stepmother. Most importantly, to never disobey him, her now one and only husband!

Matapos marinig ang mga salitang ito, mga salitang paulit-ulit nagdadala ng kirot sa puso ni Alexa ay hindi na sila muling nag-usap pa. Naging sobrang tahimik ang nagdaang oras hanggang tumigil ang sasakyan sa Forbes Makati sa harap ng mansyon ng mga Dior.

Mula sa loob ng sasakyan ay hindi maiwasan lumuwa ang mga mata ni Alexa. Kita kasi sa tatlong palapag na mansyon ang agwat ng pamumuhay nila. Mistula kasing hotel ang mansyon ng mga Dior. Bukod sa malaking paradahan ay mayroon din balkonahe ang bawat silid sa ikalawa at ikatlong palapag at sa labas ng pangunahing pinto ay nakalinya ang mga katulong na nag-aabang sa kanila.

Gano'n pa man, kahit gaano ito karangya at kaganda ay hindi magawa ni Alexa na manabik.

Bumukas ang pinto ng sasakyan at bumungad sa paningin niya ang nakangiting mukha ng asawa, nakamuwestra ang palad nito sa kanya. Alam niya na palabas lang ito, kaya sa halip tanggapin ay nilagpasan lang niya ito na halata naman kinainis nito. Mabilis kasi siya nitong hinabol at hinablot ang mga palad niya. Madiin at may pisil ang hawak ni Sebastian kay Alexa. Sa inis nila sa isa't isa ay hindi na nila nabigyan pansin ang malugod na pagbati ng mga katulong. Sinubukan agawin ni Alexa ang palad sa asawa, pero siyang dating naman ng pamilya Dior.

"Welcome home, hija!" Masayang turan ni Madam Antoinette, ang lola ni Sebastian, niyakap nito ng mahigpit si Alexa.

"Thank you, Madam."

"Granny, hija. "Mula ngayon Granny na ang itawag mo sa akin, dahil apo na kita."

Ilang na ngiti lang ang sinagot ni Alexa sa matanda.

"Pasensya kana kung hindi sa ibang bansa ginanap ang honeymoon niyo, sobrang busy kasi ng schedule ni Sebastian." Walang tigil sa paghimas sa palad ni Alexa ang matanda.

"Did you enjoy your honeymoon, Son?" Tanong ni Madam Mikaela, ang nanay ni Sebastian.

Nagpakawala ng pilyong ngiti si Sebastian bilang tugon at maagap na inakbayan si Alexa at masayang sumagot. "Of course, Mama, and it's all thanks to my kind wife. Hindi kayo nagkamali ng pagpili sa kanya."

Kita ang galak sa lola habang yabang naman ang sa nanay ni Sebastian. Sa kabilang banda, di maiwasan mamuo ang luha sa mga mata ni Alexa.

Paano'ng hindi gayong para sa kanya ang honeymoon nila ang pangalawa sa pinakapanget na nangyari sa buhay niya. Sa loob ng dalawang araw ay hindi lang siya iniwan ni Sebastian mag-isa, nag-liwaliw pa ito sa hotel at resort kasama ang kabit nito. Dahilan para mawalan ng mukhang iharap si Alexa sa mga tauhan ng hotel at resort. Kahit ano'ng yuko ay dama pa rin niya ang mga mata na puno ng awa para sa kanya. Rinig pa rin niya ang mga bulungan tungkol sa gawa ng asawa. Sa unang pagkakataon sa buhay niya, ay nalaman niya ang pakiramdam ng kaawa-awa. Dinaig pa niya ang pulubi na binigyan limos niya noon. Siya ang youngest madam ng isa sa pinaka-mayaman at pinaka-prominenteng pamilya sa bansa, pero siya ay kaawa-awa.

Tuluyan pumatak ang luha ni Alexa sa maputla niyang mukha, na hindi naman nakaligtas sa paningin ng biyenan.

"Umiiyak kaba, Alexa?" Tanong nito, habang nakataas ang kilay. Tumuon ang paningin ng lahat kay Alexa.

Dumapo ang mga palad ni Sebastian sa mukha ni Alexa, pero bago pa niya mapunasan ang luha nito ay mabilis nitong iniwas ang mukha.

"Okay lang po ako..." sagot ni Alexa habang pinunasan ng sariling palad ang luhaan na mukha. Mauulinagan ang lungkot sa boses niya.

Kahit diskumpyado ang lola at nanay ni Sebastian ay pinili nilang hindi na usisain pa si Alexa. Inaya na silang lahat ni Madam Antoinette na pumasok ng mansyon dahil nakahanda na ang hapag-kainan.

Kung nanlaki ang mga mata ni Alexa dahil sa exterior design ng mansyon ay nalaglag naman ang panga niya sa interior design nito. Animo'y palasyo sa gara sa gold at cream white na motif. Ang liwanag ng modern gold chandeliers ang lalong nagpakinang sa makintab na mabled tiles na sahig. Luxurious and spacious. Expensive and intimidating.

Mula sa eleganteng hagdan ay agaw pansin ang dalawang batang nag-uunahan bumaba na sinusundan ng mga katulong.

"Daddy!" Sigaw ng batang babae na mistulang prinsesa sa suot na bestida, patakbo itong yumakap kay Sebastian.

Agad naman itong binuhat ni Sebastian sa mga bisig at pinaulanan ng mga munting halik na nagpahagikgik nang tawa dito.

"How's my princess? And how about you, my prince?" Magkasunod na tanong ni Sebastian sa mga anak.

Magalang na lumapit at humalik sa mga matatanda ang batang lalaki, maliban kay Alexa.

"Wait. Where are your manners, kids?" Tanong ni Madam Mikaela.

"Sevie, Sav, greet your father's wife, Alexandra. The newest addition to our family, the youngest Madam Dior," turan ni Madam Antoinette.

Mabilis naman sumunod ang dalawang bata. Bumaba ang batang babae mula sa pagkakakarga ng tatay at namumulang lumapit kay Alexa.

Magkatabi ang dalawang bata, nilalaro ang kani-kaniyang kamay habang nakatayo sa harapan ni Alexa. Halos sabay silang yumuko at nagsalita, "Welcome home, Young Madam Dior."

"Thank you. It's nice seeing you again, Savannah and Sevier." Nakangiting sagot ni Alexa habang magkasunod na pinisil ang matambok na pisngi ng mga bata. Ang kinilos niyang ito ang bumura sa hiya ng dalawang bata, ngumiti ang mga ito at yumakap sa kanya.

Sa ilang taon na pagtuturo ni Alexa sa mga elementarya ay sanay na siyang makibagay sa mga bata. Mabilis din niyang makapalagayan-loob ang mga ito.

Kunot-noo at nakanguso naman si Sebastian na pinanood ang mabilis na nagkapalagayan-loob na mga anak at bagong asawa.

"EHEM! "Kumain na tayo." Seryoso niyang sabi habang lumapit at hinawakan ang kamay ng mga anak.

Gano'n pa man, wala siyang nagawa nang kapitan ng bunsong si Savanna ang kamay ni Alexa. Sa huli ay nagmukha silang kumpleto at masayang pamilyang tumungo sa magarang hapag-kainan.

Tila pista, puno kasi ng iba't ibang putahe ng pagkain ang mahabang lamesa.

Tahimik na kumakain ang pamilya ng biglang umere ang boses ni Savannah. Ang tinuran nito ang nagpahinto sa pagkain sa mga tao sa lamesa.

"Daddy, I'm just thinking..." ngatngat nito ang labi. "What shall we call young madam? "Should we call her mommy?"

Naningkit ang mga mata ni Sebastian sa tinuran ng bunsong anak.

Bumulalas naman ang malutong na tawa ng lola pagkarinig sa pinakabatang miyembro ng pamilya. "Magandang tanong iyan, Sav. Syempre naman—"

"SHE IS MY WIFE, BUT SHE IS NEVER YOUR MOTHER! So you don't need to call her that," putol ni Sebastian sa lola.

"You can call her Alexa," habol pa nito tsaka bumalik sa pagkain. Kita naman ang dismaya ng lola at ng mga bata.

"Your daddy is right, Sav. But in the future, once you're close enough with Alexa, you and your brother can call her mommy." Pagtama ni Madam Mikaela, matalim na tiningnan ang anak at madiin na nagsalita, "Because that's the right thing to do. RIGHT, SON?"

Huminga ng malalim si Sebastian. "Only IF Alexa wants to."

Dahil sa sinabi ni Sebastian ay napuno ng katahimikan ang hapag at pumukol ang lahat ng nagtatanong na mga mata kay Alexa. Hanggang sa binasag ito nang tanong ni Madam Antoinette.

"Ayos lang ba iyon sa'yo, Alexa, apo?"

Nang pumayag si Alexa na magpakasal kay Sebastian ay pinaalalahanan siyang mabuti ng kanyang nanay na sa pagpapakasal dito ay kasama ang mga anak nito sa pakakasalan niya. Pinaalalahanan din siya nito na iba ang pagiging pangalawang ina sa mga estudyante kumpara sa pagiging madrasta lalo na para sa tulad niyang dalaga.

Pero pinili niya ito. Sa kabila ng lahat ng pagtutol ng nanay niya, pinili niya maging isang batang madrasta. At kung meron man siyang aral na dala mula pagkabata, iyon ay ang panagutan ang bawat desisyon.

Ano man ang sabihin ni Sebastian, nakapag desisyon na si Alexa. Magiging pinaka-mabuti siyang madrasta, mamahalin siya ng mga anak ng asawa higit sa kahit na sinong babae. At darating ang panahon na si Sebastian mismo ang pupunit sa kontrata na ginawa nito!

Tumigil si Alexa sa pagkain at hinarap ang matanda. "Syempre ayos lang po sa akin at ikakasaya ko po yon, Granny."

Tapos ay nakangiti niyang nilingon ang mga bata na nakaupo sa harapan nila ni Sebastian. "Maghihintay ako Sevier, Savannah, kung kailan handa na kayong tawagin akong mommy. And I promise to give everything to become a mommy worthy of the both of you."

Saglit kumirot ang puso ni Sebastian, mataman na tiningnan ang asawa. Kinurot ng mga salitang ito ni Alexa ang puso niya. Pilit pinapainit ang malamig niyang puso.

Sa matrimonial room ay tahimik na naghintay si Alexa na matapos sa pagligo si Sebastian. Nag-ikot ikot siya sa malaking silid. Sa kama na tila kasya ang ilang tao sa laki, sa study table na naka-puwesto sa tabi ng higanteng bintana. Nang mapagod ay naupo siya sa malaking sopa, sopa na sobra pa sa kanya. Lahat ng bagay sa loob ng mansyon ay sadyang kay laki.

Bumukas ang pinto ng ensuite bathroom at iniluwa ang asawang walang saplot pang-itaas tanging sweatpants lang. Tulad nang una ay tarantang yumuko si Alexa, pilit tinago ang namumula niyang mukha. Pero huli na dahil nakita na ito ni Sebastian.

Sa totoo lang ay mula pa nang una ay naakit na si Sebastian sa kainosentehan ni Alexa. Kainosentehan na bihira na makita sa panahon ngayon.

"Maligo kana para makatulog na tayo," untag nito habang napapangiti.

"S - Sige..." sagot ni Alexa na hindi makatingin sa asawa.

"Ah, Sebastian, dito na lang ako sa sopa matutulog." Habol pa nito at bago pa makasagot si Sebastian ay kumaripas na ito nang takbo patungong banyo.

Pagkatarangka ng pinto ng banyo ay sinandal ni Alexa ang katawan dito. Marahang ngumiti habang ang palad ay nasa dibdib.

Hindi ako nagmamadali, Sebastian. Sincerity, ang gagamitin ko para kunin ang loob mo.

Pero paglabas ng banyo ay nagulat siya nang makita ang asawa na prenteng nakaupo sa sopa, nag-aantay sa kanya. Sebastian tapped the spot beside him, and Alexa timidly walked near and sat beside him.

Gamit ang brush at blower ay tinuyo ni Sebastian ang lagpas balikat na itim na buhok ni Alexa.

"Hindi mo'to kailangan gawin para sa akin." Angal ni Alexa, pero sa halip na sundin ay lalong inilapit ni Sebastian ang hubad na katawan sa kanya.

Nang matapos, mula sa likuran ay niyakap ni Sebastian si Alexa at sinandal ang baba sa balikat nito.

"Alexa, totoo ba ang sinabi mo kanina sa mga bata o sinabi mo lang yon dahil nasa harap ka ng pamilya ko?"

"Alam ko, hindi natin lubos na kilala ang isa't isa, pero Sebastian maniwala ka, hindi ako sinungaling." Pagkasabi nito ay lakas loob na umikot si Alexa, hinarap ang asawa. Nag-iinit ang mukha na ginagap ng mga palad ang makinis na mukha ni Sebastian.

"Granny will live long, so I still have a chance to make you fall in love with me. "Mamahalin mo ako at ikaw mismo ang pupunit ng kontrata na ginawa mo."

Ginawaran ni Alexa ng inosenteng halik ang asawa, then she spoke in full confidence, "Pangako ko yan sayo, Sebastian."

Umiiling na tumawa si Sebastian.

Ito ang unang beses na narinig ni Alexa na tumawa ng malakas ang asawa. Nagdulot ito ng saya, init, at kakuntentohan sa puso niya.

"How can you make me fall in love with you when you don't even know how to kiss?" Nang-aasar ang boses ni Sebastian.

"Teach me then," turan ni Alexa.

Nginitian lang siya ng pilyo ni Sebastian.

"I'm a fast learner," turan pa ni Alexa, parang bata na pinipilit ang asawa.

"Nakalimutan mo ba ang promise ko ng honeymoon natin? While we're married, I won't touch another woman, but I also won't touch you again, lest you want me too."

"You're my husband, so I want you to..." muling namula si Alexa. "Touch me."

"Fine. "Kiss me," utos ni Sebastian habang natatawa na nakatitig sa asawa.

Agad sumunod sa utos si Alexa, hinalikan ang asawa na agad naman nitong tinugunan. Sa una marahan, ninanamnam ang lambot at tamis ng labi ng isa't isa. Unti-unti ay naging mapangahas, maalab nang biglang tumunog ang cellphone ni Sebastian na nasa lamesita.

Rumihistro sa screen ang pangalang nagdadala ng panginginig sa laman-loob ni Alexa.

Katelyn...

Sa unang pagkakataon sa buhay niya ay nalaman niya ang pakiramdam ng may kinamumuhian.

Bumitaw si Sebastian sa halik ni Alexa at dinampot ang cellphone. Pero mabilis hinapit ng mga braso ni Alexa ang batok nito at muli itong ginawaran ng inosenteng halik na ngayon ay mas mapusok.

Tumulo ang luha ni Alexa, luha na umaagos sa mukha niya hanggang sa mga labi nila. Animo'y nagmamakaawa sa asawa na tugunan ang halik niya. Na sana sa round na ito ay piliin siya ng asawa kaysa sa kabit nito.

.

.

.

Bumagsak ang cellphone sa naka-carpet na sahig. Siyang higpit naman nang yakap ni Sebastian kay Alexa. Marahan gumalaw ang labi nito at sinimulan laruin ng dila ang loob ng bibig ng asawa...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status