Share

Chapter 5: On Your Knees

Siyang dilat ng mga mata ni Alexa ay siyang kabog ng dibdib niya. Sinalubong kasi ng abo na mga mata ni Sebastian ang tsokolate niyang mga mata habang abala ito sa pagsibasib sa labi niya.

Ilang segundo ang lumipas na tanging ang tunog lang ng halikan nila ang maririnig sa malaking silid. Segundo na para kay Alexa ay kay tagal.

Nagbitiw ang mga labi nila at sumunod ang malakas na tunog ng paghinga nila. Inihilig ni Sebastian ang noo sa noo niya. Hinawakan ang mukha niya.

Sa sulok ng mga mata ay nakita niya ang cellphone ni Sebastian. Kumislap ang mga mata niya. Pinili siya ni Sebastian? Pinili siya ng asawa kaysa sa kabit nito?

"Sebastian, thank you—"

"No feelings attached, Alexa." Putol nito sa kanya. "This is just me consummating our marriage and you... doing your proper role as my wife—my good wife." Dumampi ang palad nito sa mukha niya, pinunas ang luha niya habang tinititigan ng mapungay nitong mga mata.

... She was wrong—so wrong.

Iniwas niya ang tingin, pero humigpit ang hawak nito sa mukha niya. Binuka niya ang bibig, pero sinara nito ang bibig niya gamit ang mahaba nitong daliri. "So be a good girl, Alexa, baby." Turan pa nito tapos nakangising tumayo.

Nakagat niya ang ibabang labi ng hubarin nito ang suot na sweatpants na sinundan ng underwear. Tulad ng unang gabi nila ay binati siya ng matigas nitong pagkalalake.

"Now, baby, I want you on your knees..."

***

Tinag na ang haring araw pero di tulad nang dati na mistulang alarm clock siya, laging on time, ngayon ay nakasubsob padin siya sa malambot na unan. Pagod siya, kaya kahit ano'ng tunog ng alarm ay di siya nakabangon. Paano'ng hindi eh tumatak kay Sebastian ang sinabi niyang "Teach me," kaya magdamag nga siya nitong tinuruan—kung paano nito gustong halinahin ng inosenteng asawa! Gano'n pa man para kay Alexa, kung ito ang paraan para maangkin ng buo ang asawa, so be it!

Bumalikwas siya ng bangon pag alala na bibisitahin niya ang pamilya ngayong araw.

SA WALK-IN CLOSET...

Salubong ang kilay niya na nilinga-linga ang paningin. Bukod sa ilan niyang pantulog ay ang mga regalo lang na damit, sapatos, at alahas ng granny at biyenan ang nakasalansan sa closet.

Wala ang gamit at maleta niya.

Hinalughog niya ang bawat sulok ng closet. Paghila sa huling hanay ng mga damit ay napahinga siya ng malalim. Sa wakas natagpuan niya ang maleta—sa sulok ng closet natatakpan ng magagarang bestida. "Baka hindi lang nasama sa nasalansan ng mga katulong?" Anas niya pero ang totoo natakot siya sa isipin na ipinatapon ito ng biyenan dahil mumurahin ang mga ito.

Sinuot niya ang paboritong jeans at blouse tapos tinernohan ng heels. Pero nang nasa paanan na ng hagdan ay natigilan—nakatingin kasi ang lahat sa kanya. Yong tingin na para bang "Alien" siya.

"Pasensya na po kung nahuli akong magising." Inisip niya na ang pagiging huli ang dahilan ng pagtingin ng lahat sa kanya.

"Hija, bakit ganyan ang suot mo?" Tanong ng biyenan sa mapanghusgang tinig.

Realization hit her—she's right, the Dior family finds her outfits "cheap." She even saw her husband shake his head disapprovingly.

But if there's one trait she got from her mama is that she's shy but defiant. "Mama, saglit lang naman po ako sa bahay ng mga magulang ko, ito na lang po ang susuotin ko."

Tumigil sa pagkain ang biyenan at pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. "I already asked my shopper to bring stuff here for you. So for now, wear the dress and shoe I gifted you."

"Pero po..."

"Wear it, Alexa."

"Wear. It. Now!"

Madiin at demanding ang boses ng biyenan. Yong boses na di ka bibigyan dahilan mangatwiran. "Women of the Dior family never walk around wearing "cheap" outfits. You're a woman in this family now, so you should dress accordingly and with class. Now, go upstairs and change before you eat."

***

Minutes later Alexa was in a blue fit and double flare knee-length dress—blue as her feelings now. She finished with pearl white stilettos. The four-inch heels are perfect for her height, pero aminado siyang nahihirapan siyang ilakad ito. Mula kasi ng unang beses siyang mag-heels ay three inches lang ang pinakamataas niyang nasuot. Hinayaan niyang nakalugay ang itim na buhok na sinuotan niya ng rhinestone and pearl headband—one of the many luxury accessories gifted to her.

Nakasalubong niya ang mga bata at si Sebastian; humalik lang ang mga ito sa kanya tapos ay umalis na. Tanging ang biyenan na lang at ang isang lalaki na ngayon lang niya nakita ang nasa dining area.

"Alexa, this is Gavin Santillan. Sebastian hired him to be your driver, bodyguard, and assistant. From now on, he will assist you with everything you need." Pakilala ng biyenan sa maputi at malaking lalaki.

"Magandang araw ho, Young Madam Dior." Bati nito ng may kasuwal na ngiti at puno ng paggalang.

Pero wala sa mood si Alexa na tinango lang ang ulo bilang tugon tapos ay umupo na sa hapag. Ayaw na sana niyang kumain, nawalan na siya ng gana pagkatapos ng nangyari kanina. Pero napilitan siya nang mapansin hindi pa rin tapos kumain ang biyenan, halatang hinintay siya nitong makabalik.

Hindi pa nangangalahati ang laman ng pinggan ni Alexa nang muling magsalita ang biyenan.

"Dahil kikitain mo naman ang mga magulang mo, ibigay mo na rin ang resignation letter mo sa kanila para hindi mo na kailangan pumunta sa school. After all, besides your father being the school principal, isn't your mother the head teacher in your school too?"

Sa nadinig ay nahigit ni Alexa ang hininga, nabilaukan siya. Taranta niyang hinagilap ang tubig, pero naunahan siya ni Gavin.

"Thank you, Gavin." Mahina niyang turan pag-inom ng tubig na iniabot sa kanya ng lalaki.

Hinarap niya ang biyenan na ngayon ay kunot-noo na. "Mama, ang totoo po niyan, plano kong mag-stay as teacher, kaya nag-file lang po ako ng leave."

Sa pangalawang pagkakataon ay tumigil sa pagkain ang biyenan. Kitang-kita ang galit sa mga mata nito dahilan para magtaasan ang mga balahibo sa katawan niya.

Sabi nila bukod sa mga lawyer at law enforcer ay ang mga educator ang pinaka-nakakatakot kausap. Pero napagtanto niyang pinaka-nakakatakot ang biyenan niya sa lahat!

"Alexa, do you know what your role is here?"

Role. Sa sandaling pananatili ni Alexa sa mga Dior, ay maraming ulit na niyang nadinig ang salitang ito. Nalaman niya na para sa pamilyang ito, ang pinakamahalaga bukod sa reputation ay ang role.

"Iyon ay ang makuha ng buo ang puso ng asawa mo, and the only way to do that is for you to get pregnant!" Habang nagsasalita ay walang tigil ang pagduro ni Mikaela sa manugang. "Resign and focus on being a perfect wife to Sebastian!"

The mother and son were the same. The more angelic their faces are, the worse their personalities are!

Habang lulan ng pulang Maserati ay tahimik na humikbi si Alexa.

Oo, hindi niya pangarap maging teacher at ang pagkagusto sa propesyong ito ay nakuha niya lang sa kuya at mga magulang niya. Gano'n pa man, masaya siya sa propesyon at alam niyang para ito sa kanya.

Sa nagdaang oras nang pagmamaneho, ay wala naman tigil si Gavin sa pagsilip sa amo mula sa rear view mirror. Paghinto niya ng kotse sa tapat ng bahay ng amo ay mabilis niyang hinagilap ang tissue at iniabot dito.

Pinunasan ni Alexa ang luha at pilit naglagay ng ngiti sa mga labi habang pinanood mula sa tinted window ng kotse ang masayang mukha ng nanay at tatay niya.

Sa saglit na panahon ay na-miss niya ng labis ang pamilya. Siguro dahil mula pagkabata ay ito palang ang unang beses na nawalay siya sa mga ito o siguro dahil malungkot siya ngayon.

Masayang nagkamustahan ang pamilya. Pansin ang galak kay Alison, ang nanay ni Alexa pagkita sa pustura ng anak. Yong pusturang madalas sa TV lang nakikita. Mamahaling damit, sapatos, at alahas. Idagdag pa na may kotse at driver na ito ngayon gayong noon ay ni wala itong kotse. Nagkakasya ang pamilya nila sa motorsiklo at lumang kotse ng padre de pamilya. Hindi materialistic ang pamilya nila, ordinaryo pero hindi kinakapos. Ang three-bedroom bungalow nilang bahay ay nasa loob din naman ng subdivision. Malayo ang buhay nila kumpara sa mga Dior gano'n pa man ay kuntento at masaya sila. Magalang, edukada, at may delikadesa ang anak kaya naniniwala siyang karapat dapat ito mahalin at tratuhin tulad ng dyamante tulad kung paano nila ito pinalaki. Kaya ngayong nasilayan niya ito na animo'y buhay prinsesa ay sobrang pasalamat at saya niya.

Nakausap din ni Alexa ang tatay na si Xandro ng sarilinan. Dito nalaman niya na tinakbuhan ng construction firm ang proyekto ng tatay para sa school, matapos makuha ang pera na milyon-milyon ang halaga. Donasyon ito mula sa kompanya ng pamilya Dior.

Ayon din kay Xandro ay malaki ang utang na loob niya sa manugang sa pagtulong nito sa kanya.

Everything is planned, and shit!

How can she tell her father that his son-in-law, whom they all praise as an angel, was actually the monster who trapped him alive? To be a tool to use in manipulating her, his only daughter!

Bago umalis ay malungkot na iniabot ni Alexa ang resignation letter niya sa mga magulang.

"Sigurado kaba na ayaw mo nang magturo? Pero masaya ka sa pagtuturo, hindi ba?" Malungkot na tanong ng tatay niya.

Si Xandro, tulad ng asawa ay simple lang manamit. Pareho silang naka-salamin kahit kita na bata pa sa itim pang mga buhok. Hindi uso sa pamilya nila ang luxury brands, kaya halos atakihin ito sa puso sa dami at puro's luxury items na regalo ng pamilya Dior nang mamanhikan.

"Papa, hindi sa ayaw ko nang magturo, gusto ko, gustung-gusto ko. Pero gusto kasi ng biyenan ko na mag-focus muna ako on becoming a perfect wife for Sebastian."

"Pero masaya kaba, anak?" Hindi maiwasan matigilan ni Alexa sa tanong ng nanay. Sa tanda niya ay ikatlong beses na itong tinanong ng nanay sa kanya.

Nang una ang sagot niya ay, "Ang kasal na ito ang kukumpleto sa kaligayahan ko." Pangalawa ay, "Opo, masayang-masaya po ako." Pero ngayon hindi niya alam ang isasagot, pero kung meron man sigurado ay...

"Don't worry, Mama, Papa. Pinili ko to at pangako ko sa inyo na magiging masaya ako. Because I deserved to have my happy ending, like you guys did!"

Gabi na nang makauwi ng mansyon sila Alexa. Bago bumaba ng kotse ay matiim niyang tinitigan si Gavin, bukas-bukas nito ang pintuan ng sasakyan para sa kanya. Kahit may kadiliman ay kita pa rin ang features ng mukha ng lalaki. Nalaman niya na sing-edaran niya lang ito sa edad na twenty-six habang twenty-four naman siya. Tulad ng ibang bodyguards sa mansyon ay malaking lalaki ito, six footer. Siguro nga ay hindi ito sing-guwapo ng asawa, pero ang hitsura nito ay hindi nakakasawa tingnan. May talim ang features ng mukha nito na iisipin mong snob kung hindi siya nakangiti.

"Gavin, does Katelyn send you? What is your role here?"

Inosente, pero hindi tanga si Alexa.

Kitang natigilan ang lalaki. Saglit itong tumingin sa mata ni Alexa, tapos ay yumuko.

Tumawa ng pagak si Alexa. Rinig ang pait sa tawa niya. "I envy Katelyn; she has my husband on her side and even you. You worked for me, but you aren't my person."

Tahimik na tinahak ng mga paa ni Alexa ang daan papunta sa pangunahing pinto. Pinili niyang bumaba pagpasok ng sasakyan sa vicinity ng pamilya Dior. Medyo malayo pa ito sa mismong mansyon, pero nais niya kasing maglakad-lakad tulad ng kinasanayan niya noon.

Ninamnam niya ang lamig ng hangin ng gabi, habang naaamoy ang halimuyak ng mga bulaklak. Ang kabilaan kasi ng daan ay napapaligiran ng mababang hardin ng mga bulaklak.

Ilang hakbang pa ang layo mula sa pangunahing pinto ay natanaw na niya ang nagbabagang apoy. Malapit dun ay nakatayo ang biyenan kasama ang ilang katulong. May mga bagay silang sinusunog. Mga bagay...

Nagimbal si Alexa nang makita kung ano ang sinunog ng biyenan ng dis-oras ng gabi. Ang maleta niya! Ang mga gamit niya!

"Mama! Mama!" Sigaw niya habang humahangos nang takbo malapit sa biyenan. Pero pagharap ng biyenan sa kanya...

PAK!!

Isang malutong na sampal ang iginawad nito sa kanya. Sa sobrang lakas ng sampal ay bumagsak si Alexa mabuti na lang ay nasa likuran na niya si Gavin.

Gulat

Lito

Takot

Halo-halong emosyon naramdaman ni Alexa. Sa unang pagkakataon sa buhay niya ay nasampal siya, sinaktan siya hindi ng magulang, kundi ng biyenan!

Hindi niya alam kung iiyak siya dahil sa sobrang sakit ng sampal o iiyak dahil nakikita niya ngayon ang pagka-abo ng mga gamit na binili niya gamit ang sariling pera na pinagpaguran.

"How could you lie to us like your husband, Alexa? "Did you think I wouldn't find out what really happened on your honeymoon?"

Animo'y nagliliyab ang mga mata ng biyenan sa puyos ng galit.

"Sorry po, Mama. Nawalan lang po ako ng choice. I didn't mean to lie." Sunod-sunod ang pagpatak ng luha ni Alexa habang nakasalampak sa sahig.

Yumukod si Mikaela, pantay sa mga mata ng manugang, madiin na hinawakan ang baba nito.

"Alexa, put this in your mind. In this family, I am the person who will be on your side, so you should always listen to me, and you should NEVER make a fool out of me!"

"I'm sorry, Mama. I'm sorry..." Naliligo na ng luha si Alexa. Mga luha na bumasa na rin sa taas na parte ng damit niya.

"So never forget your role, Alexa. Ang role mo ay nakawin ang asawa mo sa MALANDING ULUPONG NA YON!"

Realization hit her—they know everything, and that's why they married him to her!

Nakawin?

Sa narinig ay di naalis manginig ang kaloob-looban ni Alexa.

"Pero bakit? "Bakit ko kailangan nakawin ang dapat akin?"

Ginalaw ni Mikaela ang mukha ng manugang papunta sa direksyon ng hardin niya. "Nakikita mo ba kung gaano kaganda ang hardin kong yan?"

"Kung gaano yan kaganda, doble-doble ang dami ng putik na kinailangan kong hugasin sa palad ko!"

"Ito ang mundo ng Dior, Alexa. Pinili mo'to, so you should live with it!"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status