Share

KABANATA 112: Sulyap ng Realidad

Emily

Nagpasalamat ako na nasa tabi ko si Evelyn.

Panay ang iyak ko at inasikaso ko na kaagad ang burial ng aking ina.

Alam ko na malaki ang katanungan ni Evelyn kung bakit hindi niya nakikita si Bronn sa paligid, ngunit mas pinili niya na maging kaibigan ko at mag-stay sa tabi ko.

Nagpadala ng mensahe sa akin si Mr. Thompson para tanungin ako kung nasaan ako sa kasalukuyan. Mabuti pa siya, nag-aalala sa lagay ko. Si Evelyn ang sumagot na naroon ako sa Los Angeles dahil para akong walang buhay.

Inabot kami ng dalawang araw pa bago tuluyang maiburol ang nanay ko. Si Evelyn lang ang tanging kasama ko sa kabuuan ng mga araw na naroon ako.

"Gusto mo bang sumama na muna sa akin?" tanong ni Evelyn nang ihatid ko siya sa isang hotel.

Tumango ako dahil sa totoo lang ay wala na akong lakas na makabalik na muna sa villa. Kailangan ko ng kakampi, at sa villa ay siguradong mag-isa ako.

Nagkaroon ng tiyansa si Evelyn na ibahagi sa akin ang gumugulo sa isipan niya habang nakahiga kami
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status