Share

Kabanata 3

Author: Hope
last update Last Updated: 2022-11-27 08:48:29

SIERRA

"BAKIT ko po ibibigay, Mayor?" Pagtatanong ko pa kaya sumandal naman siya sa pader ng makalabas kaming dalawa sa elevator. 

"For the updates, doon na lang kita ime-message kapag may nabago sa schedule ko," aniya kaya napatango naman ako at mabilis na kinuha ang cellphone sa bulsa. 

Binigay ko naman sa kanya ang account ko at tumango na lamang siya. Nang ayos na ang lahat ay yumuko ako ng kaunti at nagpaalam na. 

"Sige po, Mayor. Alis na po ako, ingat po sa biyahe." Paalam ko pa at akala ko ay hindi niya ako sasagutin pero palihim na lang akong napasinghap ng tumalikod na ako sa kanya. 

"Take care too, Ms Madrigal." 

Ayun na lamang ang huling narinig ko bago mawala ang yabag ng paa niya, kaya lumingon ako saglit kung si Mayor Caleb ba talaga ang narinig ko. Nang mawala na siya sa paningin ko ay mahina kong sinampal ang sarili ko. 

"Pagod lang 'yan, Sierra. Hindi 'yan sasabihin ni Mayor." 

Pagbaba ko ng tricycle ay sumalubong sa akin si Papa na ngayon ay nasa tapat ng pintuan kaya kumaway ako sa kanya at pinakita ang supot ng Jollibee na ikinailing naman niya.

"Bakit nag-uwi ka pa, Sierra? Sana ay inipon mo na lang 'yan," aniya kaya napanguso naman ako at kumapit sa braso niya. 

"Treat ko sa inyo ni Mama, Pa. Since unang araw ko kay Mayor Caleb. Hayaan niyo kapag nakasahod ako ay gagala naman tayo," nakangiting saad ko kaya bumitaw ako kay Papa para magmano naman kay Mama. 

"Nag-uwi ka pang bata ka. Ikaw talaga, minsan ay isipin mo rin ang sarili mo." Isa pa si Mama kaya napaismid na lamang ako at hindi na lang sila pinansin. Inilabas ko na ang nasa supot at nagsalo-salo na kami. 

Habang nginunguya ko ang fries ang nagtanong naman ang dalawang kaharap ko kaya uminom muna ako ng coke bago sila pakinggan. 

"Kumusta naman ang unang araw mo kay Mayor Caleb, nasungitan ka ba?" Natatawa ngunit may pag-aalala sa boses ni Mama kaya peke akong huminga ng malalim na akala mo ay may malaking nangyari na hindi maganda sa akin. 

Kaya ang kaninang seryosong mukha ni Papa ay mas naging seryoso pa kaya natawa na ako nang malakas. Mukhang sineryoso nila ang reaksyon ko. 

"Joke lang po. Okay naman po, Ma. Ang suplado lang ni Mayor, hindi man lang akong inaya na magla-lunch na." Pagkukwento ko kaya napailing naman sila. 

"Masanay ka na, Sierra. Ganyan ang magiging routine mo araw-araw, may araw na malala ang init ng ulo ng Mayor natin kaya pagpasensyahan mo." Pangaral ni Mama kaya tumango naman ako. 

"Opo, Ma. Ganun na nga po ang gagawin ko para makapag-ipon na rin. Kapag sobrang init na ng ulo ni Mayor ay maihagis na lang siya sa loob ng ref para lumamig." Pagbibiro ko na lamang kaya mahina akong kinurot ni Mama. 

"Nagbibiro lang!"

"Oh siya, ikaw ay magpapahinga na. Ako na ang bahala dito, alam kong maghapon kang nakatingin sa monitor. Maaga na rin ang pasok mo bukas." 

"Sige po, good night po." Paalam ko na at umakyat na sa kwarto ko para magpalit na ng damit. 

Pagpasok ay kumuha na ako ng damit at tuwalya para maglinis ng katawan. Naghihilamos at sipilyo lang ako kaya madali na ito. Pagkatapos ng paglilinis ay deretso kama na ako at humiga na. 

"Ang sakit ng katawan ko," pagrereklamo ko at saglit na napapikit ng maramdaman ng katawan ko ang malambot na kama. 

Pero mabilis rin akong napamulat ng may nagnotif sa cellphone ko. Pagtingin ko ay sa F******k ko pala ito kaya binuksan ko ito at may nakita akong friend request.

Caleb Raixon Montemayor sent you a friend request.

Nang mabasa ko ito ay hindi na ako nagdalawang isip na inaccept, nang okay na ay nakita ko ang mga post niya na related sa opisina o kaya ay achievements niya bilang Mayor. Limited lang ang comment sa post niya. 

"Miski sa F******k ay suplado ka rin, Mayor." Naiusal ko na lamang at napapikit na dahil sa sobrang pagod.

"ILANG beses kong sinabi sa inyo na kailangan may schedule ang pagpunta ng mga media dito sa Munisipyo?" Ayan agaf ang narinig ko pagpasok ng opisina ni Mayor Caleb. 

Kaya tahimik akong umupo sa kinauupuan ko at inayos ang mga gamit kahit ayos na. Hindi na agad ako nakabati dahil sa masamang awra kay Mayor Caleb. Puno ng iritasyon ang boses nito kaya kinabahan na rin ako. 

Baka mamaya ay madamay ako.

Nang tingnan ko ang pinapagalitan niya ay tatlong babae ito at pare-parehong nakayuko kaya hindi ko maiwasang maawa. Agang-aga ay galit na Mayor Caleb ang sumalubong sa kanila. 

"Pasensya na  po, Mayor. Kami rin po ay hindi namin alam na may ilang reporter na po ang nasa labas. Hindi na po mauulit." Aniya ng isa kaya lahat kami ay nag-aabang ng isasagot ni Mayor Caleb pero isang malakas na buntong hininga niya ang narinig namin. 

Patay, mukhang magbubuga na ng apoy ang dragon. 

"Get out," mariin ngunit seryosong utos niya kaya nagkukumahog na lumabas ang tatlo at kaming dalawa na lang ang naiwan. Kaya ang ending ay ako na ang kinabahan. 

Tahimik ko lang pinapakiramdaman si Mayor Caleb, mukhang mainit pa rin ang ulo base sa paghinga at galaw niya. Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko ng malakas niyang binagsak ang stapler sa lamesa niya at umupo. 

"Damn those reporter," bulong niya kaya palihim na akong napalunok dahil personal ko ng narinig ang pagmumura ni Mayor Caleb. 

"Sierra." 

Kinilabutan at the same time ay napatayo ako sa kinauupuan ko ng tawagin niya ang pangalan ko kaya napatingin ako sa kanya. 

"Bakit po, Mayor? May kailangan ka po?" 

"Makikisuyo ako, pakikanaw ako ng kape," aniya kaya tumango naman ako at mabilis na kumilos. 

Nang matapos na ang ginawa ko ay dahan-dahan ko itong nilapag sa harapan niya kaya tumigil siya sa pagsusulat at tinikman ito. Nakadalawang beses pa siya bago seryosong tumingin sa akin. 

May problema ba sa ginawa ko? 

"Masyadong matamis ang kape mo." Deretsahang saad niya kaya saglit akong nabingi at napakamot sa ilong. Akmang kukunin ko na sana pero nilayo niya ito. 

"Uulitin ko na lang po ang timpla, Mayor Caleb." Natatakot kong saad kaya mas lalo pa niya itong nilayo sa akin. 

"I guess Reina didn't inform you what I like and I don't like. This coffee is okay now, you can continue what you are doing," aniya kaya kagat labi akong tumango at imbis na bumalik sa pwesto ay lumabas ako para hanapin si Ate Reina.  

Nang makita ko siya sa kinauupuan niya ay lumapit ako na ikinagulat naman niya. 

"Ate Reina, sabi ni Mayor ang tamis raw ng kape ko. Ano bang tamang timpla niyon at saka ano yung mga bagay na gusto at 'di niya gusto?" Pagtatanong ko pa kaya napatango naman siya. 

"Hindi nga pala kita nainform kahapon. Pasensya ka na, tinapon ba ni Mayor ang kape na ginawa mo?" Pagtatanong niya kaya umiling ako bilang sagot dahilan para magtaka siya.

"Imposible? Eh nagtatapon ng kape 'yon kapag sobrang tamis at hindi niya nagustuhan ang lasa. Anyway, ito na nga. Tatlong kutsara ng creamier, isa't kalahating kutsara ng asukal at isang kutsara ng itim na kape. Dapat sakto lang ang init." Saad niya kaya sinulat ko naman. 

Marami pa siyang sinabi pero lahat ng 'yon ay sinulat ko para hindi na muling magreklamo si Mayor. Katulad na lamang ng ayaw niya sa kamatis, allergy siya sa sibuyas. Ayaw niya ng sobrang lamig na pagkain at hindi medyo mahilig sa matamis si Mayor. 

Nang ayos na ang lahat ay nagpasalamat ako kay Ate Reina dahil baka mamaya ay hinahanap na ako ni Mayor Caleb. Mabuti nga raw at hindi ako nasigawan sa ginawa ko. Pagbalik ko sa opisina niya ay  may kausap siya sa telepono at ibinababa ito.

"Sierra," pagtawag niya sa pangalan ko kaya napatingin ako sa kanya. 

"Sumama ka sa akin, may kakausapin lang ako." 

Related chapters

  • The Ruthless Mayor   Kabanata 4

    SIERRA"Sige po," nasabi ko na lamang at kinuha ang sling bag ko. Nang makita kong tumayo na siya ay lumapit ako sa kaniya at napatingin sa bag na inilipag niya sa lamesa. Mukhang ito yata ang dadalhin ko. "Ito lang po ba ang dadalhin ko, Mayor?" Paninigurado ko at ng akmang hahawakan ko na sana ay nabigla na lang ako ng hawakan niya ang kamay ko kaya napatigil ako sa pagkuha ng bag na dadalhin ko sana. "Ako na dyan," nakakatitig siya sa mga mata ko habang hawak ang kamay ko dahilan para makaramdam ako ng kakaiba sa tiyan ko. Nang maramdaman niyang pilit kong kumawala sa hawak niya ay nakita ko ang munting pagngisi niya bago ako talikuran. "Let's go." Pagyayakag niya at hinampas ko muna ng mahina ang pisngi ko kung tama ba ang nakita ko kanina. Nginisian ako ni Mayor Caleb o baka naman trip niya ako? Baka mamaya ay magbuga na naman ng apoy 'yon.Paglabas namin ay sumalubong sa akin ang mga empleyado na nakatayo at binabati si Mayor Caleb pero ang isang 'to ay dire-diretso lamang n

    Last Updated : 2022-11-27
  • The Ruthless Mayor   Kabanata 5

    SIERRAMAHIGPIT akong niyakap ni Kuya Eros kahit nasa harapan lang kami ng dalawang lalaki na ngayon ay pinapanood lang kami. Mahina kong tinapik si Eros sa likod dahil nakita kong kunot na ang noo ni Mayor Caleb.Bakas na kasi rito ang iritasyon sa mata nito na para bang hindi nagustuhan ang nakikita ngayon."Excuse me but can I borrow my secretary," puno ng diin ni Mayor Caleb at sa wakas ay binitawan na ako ni Eros at tumawa."Grabe ka naman, pre. Pagbigyan mo na ako, ngayon ko lang ulit nakasama ang pinsan ko." Paliwanag ni Eros kaya kitang-kita ko ang saglit na pagkagulat sa mga mata ni Mayor Caleb na mabilis namang nawala."She's your cousin?" Paninigurado ng dalawa kaya tumango naman itong katabi ko habang ako naman ay naiilang na dahil nakatitig pa rin sa akin si Mayor Caleb."Aba oo, siya ang kinekwento ko sa inyo. Bakit ano bang akala niyo sa amin?""Akala ko ay magkasintahan kayo," sabat ni Governor Laxon na ikinatawa naman ni Eros habang ako ay napangiwi."Gago! Incest 'ya

    Last Updated : 2022-12-06
  • The Ruthless Mayor   Kabanata 6

    SIERRA"HA?" Parang lumipad ang utak ko sa naging tanong ni Mayor Caleb. Pakiramdam ko ay halata yata ang pamumula ng ilong at mata ko kaya napahawak ako sa pisngi ko at natatawang nagsinungaling. "H-hindi po, Mayor. May pumasok lang po sa mata ko na alikabok kaya namula po," pagsisinungaling ko pa kaya tumaas ang kilay niya at mas lalong lumalim pa ang pagkakatitig niya sa akin."I see." Tipid niyang sagot at kinuha na rin ang bag niya, siguro ay uuwi na rin siya katulad ko. Himala at naghintay si Mayor. Paglabas namin ng opisina ay nilock ko nang maigi ang pinto at nang ayos na ay nagsimula na rin akong maglakad papunta sa elevator. Iilan na lang kaming natitirang nandito sa opisina. Katulad namin ay naghihintay rin sila ng elevator. Pagbukas nito ay isa-isa kaming pumasok at tahimik lamang lalo na ang kasabayan namin na empleyado dahil nandito rin si Mayor Caleb sa loob. Hindi ko alam kung nakauwi na ba o nauna na si Ate Reina dahil hindi ko na siya nakita. Paglapag namin sa gr

    Last Updated : 2023-01-12
  • The Ruthless Mayor   Kabanata 1

    SIERRA"ANAK, akala ko ba ay magbo-board exam ka na pagkatapos mong gumraduate? Bakit magtatrabaho ka?" 'Yan agad ang bumungad sa akin sa lamesa ng makita ako ni Mama at Papa na naka-uniform na pang-7/11. Kaya nginitian ko muna sila at nagsandok muna ng kanin bago sila sagutin. "Magpapahinga po muna ako sa pag-aaral, Ma. Napagod ang utak ko," pagbibiro ko na lamang kaya mabilis akong umiwas ng makita kong hahampasin niya ako sa braso. "Ikaw talagang bata ka, matripan mo. Sabagay, para na rin makapaghanda ka. Basta anak, kapag handa ka ng magboard exam bilang Psychologist ay sabihan mo lang kami, susuportahan ka namin." Nakangiting saad ni Mama kaya napangiti naman ako at tumango. "Opo, sa ngayon ay magpart time muna ako sa 7/11. Huwag kayong mag-alala, Ma. Baka pumasok din akong sekretarya ni Mayor Caleb since naghahanap naman ulit sila." Paalam ko kaya napangisi naman si Papa sa narinig. "Mukhang tatlong buwan yata ang natiis ng dating secretary ni Mayor. Kapag ikaw kaya ang naka

    Last Updated : 2022-11-27
  • The Ruthless Mayor   Kabanata 2

    SIERRA"YOU'RE HIRED." Aniya kaya napatigil ako sa pagkalikot ng kamay ko at napatingin sa kaniya. "Totoo?" Hindi ko na mapigilang tanong kaya kumunot naman ang noo niya habang ako naman ay napakagat labi. Ang engot mo naman, Sierra. Unang araw, gagalitin mo agad ang Mayor natin. Baka gusto mong tanggalin ka kaagad niyan? "Yes, gusto mo bang bawiin ko ulit?" May pananakot sa boses niya kaya tumayo ako at umiling. "Hindi na po, Mayor. Sabi ko nga, hired na ako." Natatawa ngunit kinakabahan kong saad kaya nakita ko ang pag-ngisi niya at itinuro ang pwesto ko na nasa tabi niya lamang."That's your assigned workplace, Ms Madrigal." Aniya kaya tumango naman ako at lumapit doon. Lihim naman akong napangiti dahil ang linis tingnan ng lamesa ko. Mas malinis pa yata 'tong si Mayor kaysa sa akin, eh. "Kailan po ako magsisimula, Mayor?" "Ngayon na." Tipid niyang sagot kaya mabilis naman akong napatingin sa kaniya. Akala ko ay nagbibiro siya pero nakatingin na siya sa laptop at may inaayos

    Last Updated : 2022-11-27

Latest chapter

  • The Ruthless Mayor   Kabanata 3

    SIERRA"BAKIT ko po ibibigay, Mayor?" Pagtatanong ko pa kaya sumandal naman siya sa pader ng makalabas kaming dalawa sa elevator. "For the updates, doon na lang kita ime-message kapag may nabago sa schedule ko," aniya kaya napatango naman ako at mabilis na kinuha ang cellphone sa bulsa. Binigay ko naman sa kanya ang account ko at tumango na lamang siya. Nang ayos na ang lahat ay yumuko ako ng kaunti at nagpaalam na. "Sige po, Mayor. Alis na po ako, ingat po sa biyahe." Paalam ko pa at akala ko ay hindi niya ako sasagutin pero palihim na lang akong napasinghap ng tumalikod na ako sa kanya. "Take care too, Ms Madrigal." Ayun na lamang ang huling narinig ko bago mawala ang yabag ng paa niya, kaya lumingon ako saglit kung si Mayor Caleb ba talaga ang narinig ko. Nang mawala na siya sa paningin ko ay mahina kong sinampal ang sarili ko. "Pagod lang 'yan, Sierra. Hindi 'yan sasabihin ni Mayor." Pagbaba ko ng tricycle ay sumalubong sa akin si Papa na ngayon ay nasa tapat ng pintuan kay

  • The Ruthless Mayor   Kabanata 2

    SIERRA"YOU'RE HIRED." Aniya kaya napatigil ako sa pagkalikot ng kamay ko at napatingin sa kaniya. "Totoo?" Hindi ko na mapigilang tanong kaya kumunot naman ang noo niya habang ako naman ay napakagat labi. Ang engot mo naman, Sierra. Unang araw, gagalitin mo agad ang Mayor natin. Baka gusto mong tanggalin ka kaagad niyan? "Yes, gusto mo bang bawiin ko ulit?" May pananakot sa boses niya kaya tumayo ako at umiling. "Hindi na po, Mayor. Sabi ko nga, hired na ako." Natatawa ngunit kinakabahan kong saad kaya nakita ko ang pag-ngisi niya at itinuro ang pwesto ko na nasa tabi niya lamang."That's your assigned workplace, Ms Madrigal." Aniya kaya tumango naman ako at lumapit doon. Lihim naman akong napangiti dahil ang linis tingnan ng lamesa ko. Mas malinis pa yata 'tong si Mayor kaysa sa akin, eh. "Kailan po ako magsisimula, Mayor?" "Ngayon na." Tipid niyang sagot kaya mabilis naman akong napatingin sa kaniya. Akala ko ay nagbibiro siya pero nakatingin na siya sa laptop at may inaayos

  • The Ruthless Mayor   Kabanata 1

    SIERRA"ANAK, akala ko ba ay magbo-board exam ka na pagkatapos mong gumraduate? Bakit magtatrabaho ka?" 'Yan agad ang bumungad sa akin sa lamesa ng makita ako ni Mama at Papa na naka-uniform na pang-7/11. Kaya nginitian ko muna sila at nagsandok muna ng kanin bago sila sagutin. "Magpapahinga po muna ako sa pag-aaral, Ma. Napagod ang utak ko," pagbibiro ko na lamang kaya mabilis akong umiwas ng makita kong hahampasin niya ako sa braso. "Ikaw talagang bata ka, matripan mo. Sabagay, para na rin makapaghanda ka. Basta anak, kapag handa ka ng magboard exam bilang Psychologist ay sabihan mo lang kami, susuportahan ka namin." Nakangiting saad ni Mama kaya napangiti naman ako at tumango. "Opo, sa ngayon ay magpart time muna ako sa 7/11. Huwag kayong mag-alala, Ma. Baka pumasok din akong sekretarya ni Mayor Caleb since naghahanap naman ulit sila." Paalam ko kaya napangisi naman si Papa sa narinig. "Mukhang tatlong buwan yata ang natiis ng dating secretary ni Mayor. Kapag ikaw kaya ang naka

DMCA.com Protection Status