SIERRA
"YOU'RE HIRED." Aniya kaya napatigil ako sa pagkalikot ng kamay ko at napatingin sa kaniya.
"Totoo?" Hindi ko na mapigilang tanong kaya kumunot naman ang noo niya habang ako naman ay napakagat labi.
Ang engot mo naman, Sierra. Unang araw, gagalitin mo agad ang Mayor natin. Baka gusto mong tanggalin ka kaagad niyan?
"Yes, gusto mo bang bawiin ko ulit?" May pananakot sa boses niya kaya tumayo ako at umiling.
"Hindi na po, Mayor. Sabi ko nga, hired na ako." Natatawa ngunit kinakabahan kong saad kaya nakita ko ang pag-ngisi niya at itinuro ang pwesto ko na nasa tabi niya lamang.
"That's your assigned workplace, Ms Madrigal." Aniya kaya tumango naman ako at lumapit doon. Lihim naman akong napangiti dahil ang linis tingnan ng lamesa ko.
Mas malinis pa yata 'tong si Mayor kaysa sa akin, eh.
"Kailan po ako magsisimula, Mayor?"
"Ngayon na." Tipid niyang sagot kaya mabilis naman akong napatingin sa kaniya. Akala ko ay nagbibiro siya pero nakatingin na siya sa laptop at may inaayos.
"Ngayon na agad?" Naibulong ko na lamang at napakamot na lang sa ilong. Akmang uupo na sana ako pero bigla akong napatayo nang magsalita muli si Mayor.
"Are you saying something, Ms Madrigal?"
"Ha?" Saglit akong napatanga at napaisip. Narinig ba niya ang sinabi ko? Kaya nang mabalik ako sa wisyo ay peke akong ngumiti sa kaniya.
"Wala po, sabi ko po magsisimula na po ako." Matapos kong sabihin 'yon ay muli siyang bumalik sa ginagawa niya at napairap naman ako.
Ang talas pala ng pandinig nito.
"Schedule and organize my meeting for one week, Ms Madrigal. Look at all the mails that you have received today and organize them all. Understand?" Seryoso niyang sambit kaya tumango naman ako na hindi tumingin sa kanya.
"Okay po," nasagot ko na lamang at binukan ang email. Halos mapanganga ako sa dami ng email na natanggap niya ngayong araw at kahapon. Kaya iniisa-isa ko ito.
Meeting nilang dalawa ni Mayor Damon, meeting ng Governor ng Laguna, Aattend sa graduation ceremony ng mga high school students. Speech para sa graduation ng College Students, charity para sa home of the ages at bahay ampunan.
Habang inoorganize ko ang mga events at kailangan gawin ni Mayor ay nakailang kurap pa ako bago tingnan kung tama ba 'tong nabasa ko.
"D-dinner date?" Pabulong kong saad at palihim na tiningnan si Mayor Caleb kung narinig naman niya ang sinabi ko.
Kaya nang tingnan ko kung sino ang nagsend ay nanlaki ang mata ko. Ang Mayora ng Cavite, si Mayora Kristal. 'Diba ito yung Mayora na may gusto kay Mayor Damon?
Hala, two timer siya? Charot.
"Ayos ka lang ba diyan, Ms Madrigal?" Mabilis naman akong napatingin kay Mayor ng marinig ang boses niya.
"Po? Ah, okay lang po." Nag-aalinlangan pa ako sa una kung isasama at itatanong ko ba itong dinner date pero naglakas loob na rin ako.
"Ahm, Mayor…" Pagtawag ko sa kanya at halos mahigit ko naman ang hininga ko ng tumitig siya sa mga mata ko. "Isasama ko po ba 'tong dinner date?"
Nang marinig niya iyon ay kumunot ang noo niya at tumayo, napaangat naman ako ng ulo dahil matangkad nga talaga siyang tao. Pero halos maupos naman ako sa kinauupuan ko ng lumapit siya sa akin at sinilip ang monitor dahilan para maamoy ko ang pabango niya.
Mas mabango pa ang pabango niya kaysa sa akin.
Binasa niya ito kaya tiningnan ko na lang ang ginagawa niya pero ang puso ko naman ay sobrang bilis ng tibok dahil ang lapit pala ng mukha niya sa mukha ko.
"Decline it." Utos niya kaya tumango naman ako kahit hindi niya nakikita, nang akmang lalayo na sana ako ay nanlaki na lamang ang mata ko ng lumingon siya.
Kaunting espasyo na lamang ay magkadikit na ang ilong naming dalawa kaya mabilis akong lumayo at umiwas ng tingin sa kanya.
"Decline it, marami pa akong importanteng gagawin kaysa dyan."
"O-okay po," kandautal kong sagot at nakahinga na lamang ng maluwag ng mawala na siya sa harapan ko at bumalik sa pwesto niya.
Lumipas ang ilang oras ay puro tunog ng keyboard at telephone ang naririnig dito sa opisina. Kapag may natawag ay ako ang nasagot at kapag hindi ko naman alam ang sagot ay inililipat ko ito kay Mayor Caleb.
Sa ilang oras na 'yon ay puro sa monitor lang ang harap naming dalawa kaya ng mag-lunch break na ay napahawak naman ako sa noo ko at nakailang kurap dahil sumakit ang ulo ko.
Habang hinihilot ko ang ulo ko ay napatingin naman ako sa sterilize at pagkain na inilagay sa harapan ko. Pagtingin ko kung sino ito ay si Ms Reina pala, ang taga-asikaso ng ibang gawain ni Mayor Caleb.
"Lunch time na, kumain ka na." Yaya niya kaya napalingon naman ako sa katabi ko at ng tingnan kong wala ito ay napailing na lamang ako.
"Suplado talaga," naiinis kong saad kaya natawa naman si Ms Reina at naupo sa harapan ko. Katulad ko ay may dala rin siyang pagkain. Mukhang sasabayan yata ako.
"Pagpasensyahan mo na ang ugali ng Mayor natin. Unang araw pa lang 'yan, kaya maghanda ka sa susunod." Aniya niya kaya napailing naman ako.
"Matatakot na ba ako, te? Mukhang pagbabanta na 'yan?" Pagbibiro ko pa kaya pareho na kaming natawa na dalawa. Pero naputol na lang ito ng bumalik si Mayor Caleb sa pwesto niya kaya mabilis naman na tumayo si Ms Reina at nagpaalam na sa akin.
"Sige na, doon na ako kakain sa labas." Paalam niya kaya wala na akong nagawa kundi ang tumango.
"Ang bilis bumalik ni Mayor, hindi pa ako nakakakain," naibulong ko na lamang at itatabi ko na sana ang pagkain ko para mamaya ko na lang kakainin pero nabitin ang kamay ko sa ere ng magsalita siya.
"Continue eating, Ms Madrigal. Lunch time na." Aniya kaya napatango na lamang ako at tahimik na kumain. Nang mapansin kong parang hindi nakain si Mayor ay lakas loob akong nagsalita.
"Kayo po, Mayor? Hindi ka po ba kakain?"
"Hindi pa ako gutom," tipid niyang sagot kaya napanguso na lamang ako dahil ang tipid niya talagang sumagot. Kada isang tanong ko ay isang sagot lang din ang isasagot niya.
Hayaan na, mukhang mapagtitiisan ko naman ang ugali ni Mayor Caleb, mahabang pasensya lang talaga ang kailangan ko.
MATAPOS ang ilang oras na trabaho ay sa wakas ay uwian na rin. Nang mapatay ko na ang monitor ay tahimik kong kinuha ang bag ko.
Nang makatayo na ako ay nakita ko na rin ang pagtayo ni Mayor Caleb kaya sa tingin ko ay mukhang sasabay na rin siya sa paglabas.
Nang makita kong ayos na ang lahat ay sinukbit ko na ang bag ko at humarap kay Mayor na ngayon ay nag-aayos na rin ng bag niya.
"Aalis na po ako, Mayor. Thank you po," saad ko at tumango na lamang siya ng hindi tumitingin sa akin. Paglabas ko ng opisina ay katahimikan ang bumalot sa akin.
Mukhang nagsiuwian na ang lahat, kaming dalawa na lang yata ni Mayor ang naiwan. Kaya habang papunta ako sa elevator ay napaisip ako kung ano ang oorderin ko ngayong araw.
"Jollibee o McDo?" Pagtatanong ko sa sarili ko at pinag-krus ko pa ang braso ko. "Ang hirap mamili kapag parehong gusto," nasabi ko na lamang at napapadyak na lamang dahil ang tagal yatang magbukas nitong elevator.
"Ang tagal mo yatang magbukas? May problema ka ba?" Napatanong na ako at ng akmang pipindutin ko na sana ang isang button ay napasigaw ako dahil may nagsalita sa likod ko.
"Ay kabayo!"
"Hindi talaga magbubukas 'yan dahil may hindi ka napindot." Boses ni Mayor Caleb ang narinig ko kaya nahihiya akong tumawa at siya na mismo ang pumindot kaya nagbukas ito.
"Oo nga 'no? Pasensya na po, Mayor." Paghingi ko ng paumanhin at pumasok na sa loob nito.
Nang pumasok na ako ay parang ang sikip at walang hangin dahil kaming dalawa lang ni Mayor ang nasa loob. Ang kaninang mainit kong kamay, ngayon ay nanlamig na. Para akong mauubusan ng hangin sa mga oras na'to.
Nakakaintimidate si Mayor Caleb.
Palihim na lamang akong napahawak sa dibdib ko ng bumukas na ang elevator at nakalanghap na ako ng sariwang hangin. Akmang lalabas na sana ako pero napatigil ako ng maramdaman ko ang kamay ni Mayor na humawak sa palapulsuhan ko.
"Bakit po, Mayor?" Nabigla kong tanong ng nilingon ko siya.
"Give me your F******k account."
SIERRA"BAKIT ko po ibibigay, Mayor?" Pagtatanong ko pa kaya sumandal naman siya sa pader ng makalabas kaming dalawa sa elevator. "For the updates, doon na lang kita ime-message kapag may nabago sa schedule ko," aniya kaya napatango naman ako at mabilis na kinuha ang cellphone sa bulsa. Binigay ko naman sa kanya ang account ko at tumango na lamang siya. Nang ayos na ang lahat ay yumuko ako ng kaunti at nagpaalam na. "Sige po, Mayor. Alis na po ako, ingat po sa biyahe." Paalam ko pa at akala ko ay hindi niya ako sasagutin pero palihim na lang akong napasinghap ng tumalikod na ako sa kanya. "Take care too, Ms Madrigal." Ayun na lamang ang huling narinig ko bago mawala ang yabag ng paa niya, kaya lumingon ako saglit kung si Mayor Caleb ba talaga ang narinig ko. Nang mawala na siya sa paningin ko ay mahina kong sinampal ang sarili ko. "Pagod lang 'yan, Sierra. Hindi 'yan sasabihin ni Mayor." Pagbaba ko ng tricycle ay sumalubong sa akin si Papa na ngayon ay nasa tapat ng pintuan kay
SIERRA"Sige po," nasabi ko na lamang at kinuha ang sling bag ko. Nang makita kong tumayo na siya ay lumapit ako sa kaniya at napatingin sa bag na inilipag niya sa lamesa. Mukhang ito yata ang dadalhin ko. "Ito lang po ba ang dadalhin ko, Mayor?" Paninigurado ko at ng akmang hahawakan ko na sana ay nabigla na lang ako ng hawakan niya ang kamay ko kaya napatigil ako sa pagkuha ng bag na dadalhin ko sana. "Ako na dyan," nakakatitig siya sa mga mata ko habang hawak ang kamay ko dahilan para makaramdam ako ng kakaiba sa tiyan ko. Nang maramdaman niyang pilit kong kumawala sa hawak niya ay nakita ko ang munting pagngisi niya bago ako talikuran. "Let's go." Pagyayakag niya at hinampas ko muna ng mahina ang pisngi ko kung tama ba ang nakita ko kanina. Nginisian ako ni Mayor Caleb o baka naman trip niya ako? Baka mamaya ay magbuga na naman ng apoy 'yon.Paglabas namin ay sumalubong sa akin ang mga empleyado na nakatayo at binabati si Mayor Caleb pero ang isang 'to ay dire-diretso lamang n
SIERRAMAHIGPIT akong niyakap ni Kuya Eros kahit nasa harapan lang kami ng dalawang lalaki na ngayon ay pinapanood lang kami. Mahina kong tinapik si Eros sa likod dahil nakita kong kunot na ang noo ni Mayor Caleb.Bakas na kasi rito ang iritasyon sa mata nito na para bang hindi nagustuhan ang nakikita ngayon."Excuse me but can I borrow my secretary," puno ng diin ni Mayor Caleb at sa wakas ay binitawan na ako ni Eros at tumawa."Grabe ka naman, pre. Pagbigyan mo na ako, ngayon ko lang ulit nakasama ang pinsan ko." Paliwanag ni Eros kaya kitang-kita ko ang saglit na pagkagulat sa mga mata ni Mayor Caleb na mabilis namang nawala."She's your cousin?" Paninigurado ng dalawa kaya tumango naman itong katabi ko habang ako naman ay naiilang na dahil nakatitig pa rin sa akin si Mayor Caleb."Aba oo, siya ang kinekwento ko sa inyo. Bakit ano bang akala niyo sa amin?""Akala ko ay magkasintahan kayo," sabat ni Governor Laxon na ikinatawa naman ni Eros habang ako ay napangiwi."Gago! Incest 'ya
SIERRA"HA?" Parang lumipad ang utak ko sa naging tanong ni Mayor Caleb. Pakiramdam ko ay halata yata ang pamumula ng ilong at mata ko kaya napahawak ako sa pisngi ko at natatawang nagsinungaling. "H-hindi po, Mayor. May pumasok lang po sa mata ko na alikabok kaya namula po," pagsisinungaling ko pa kaya tumaas ang kilay niya at mas lalong lumalim pa ang pagkakatitig niya sa akin."I see." Tipid niyang sagot at kinuha na rin ang bag niya, siguro ay uuwi na rin siya katulad ko. Himala at naghintay si Mayor. Paglabas namin ng opisina ay nilock ko nang maigi ang pinto at nang ayos na ay nagsimula na rin akong maglakad papunta sa elevator. Iilan na lang kaming natitirang nandito sa opisina. Katulad namin ay naghihintay rin sila ng elevator. Pagbukas nito ay isa-isa kaming pumasok at tahimik lamang lalo na ang kasabayan namin na empleyado dahil nandito rin si Mayor Caleb sa loob. Hindi ko alam kung nakauwi na ba o nauna na si Ate Reina dahil hindi ko na siya nakita. Paglapag namin sa gr
SIERRA"ANAK, akala ko ba ay magbo-board exam ka na pagkatapos mong gumraduate? Bakit magtatrabaho ka?" 'Yan agad ang bumungad sa akin sa lamesa ng makita ako ni Mama at Papa na naka-uniform na pang-7/11. Kaya nginitian ko muna sila at nagsandok muna ng kanin bago sila sagutin. "Magpapahinga po muna ako sa pag-aaral, Ma. Napagod ang utak ko," pagbibiro ko na lamang kaya mabilis akong umiwas ng makita kong hahampasin niya ako sa braso. "Ikaw talagang bata ka, matripan mo. Sabagay, para na rin makapaghanda ka. Basta anak, kapag handa ka ng magboard exam bilang Psychologist ay sabihan mo lang kami, susuportahan ka namin." Nakangiting saad ni Mama kaya napangiti naman ako at tumango. "Opo, sa ngayon ay magpart time muna ako sa 7/11. Huwag kayong mag-alala, Ma. Baka pumasok din akong sekretarya ni Mayor Caleb since naghahanap naman ulit sila." Paalam ko kaya napangisi naman si Papa sa narinig. "Mukhang tatlong buwan yata ang natiis ng dating secretary ni Mayor. Kapag ikaw kaya ang naka

SIERRA"YOU'RE HIRED." Aniya kaya napatigil ako sa pagkalikot ng kamay ko at napatingin sa kaniya. "Totoo?" Hindi ko na mapigilang tanong kaya kumunot naman ang noo niya habang ako naman ay napakagat labi. Ang engot mo naman, Sierra. Unang araw, gagalitin mo agad ang Mayor natin. Baka gusto mong tanggalin ka kaagad niyan? "Yes, gusto mo bang bawiin ko ulit?" May pananakot sa boses niya kaya tumayo ako at umiling. "Hindi na po, Mayor. Sabi ko nga, hired na ako." Natatawa ngunit kinakabahan kong saad kaya nakita ko ang pag-ngisi niya at itinuro ang pwesto ko na nasa tabi niya lamang."That's your assigned workplace, Ms Madrigal." Aniya kaya tumango naman ako at lumapit doon. Lihim naman akong napangiti dahil ang linis tingnan ng lamesa ko. Mas malinis pa yata 'tong si Mayor kaysa sa akin, eh. "Kailan po ako magsisimula, Mayor?" "Ngayon na." Tipid niyang sagot kaya mabilis naman akong napatingin sa kaniya. Akala ko ay nagbibiro siya pero nakatingin na siya sa laptop at may inaayos