Share

The Ruthless Mayor
The Ruthless Mayor
Author: Hope

Kabanata 1

Author: Hope
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

SIERRA

"ANAK, akala ko ba ay magbo-board exam ka na pagkatapos mong gumraduate? Bakit magtatrabaho ka?" 'Yan agad ang bumungad sa akin sa lamesa ng makita ako ni Mama at Papa na naka-uniform na pang-7/11. 

Kaya nginitian ko muna sila at nagsandok muna ng kanin bago sila sagutin. "Magpapahinga po muna ako sa pag-aaral, Ma. Napagod ang utak ko," pagbibiro ko na lamang kaya mabilis akong umiwas ng makita kong hahampasin niya ako sa braso. 

"Ikaw talagang bata ka, matripan mo. Sabagay, para na rin makapaghanda ka. Basta anak, kapag handa ka ng magboard exam bilang Psychologist ay sabihan mo lang kami, susuportahan ka namin." Nakangiting saad ni Mama kaya napangiti naman ako at tumango. 

"Opo, sa ngayon ay magpart time muna ako sa 7/11. Huwag kayong mag-alala, Ma. Baka pumasok din akong sekretarya ni Mayor Caleb since naghahanap naman ulit sila." Paalam ko kaya napangisi naman si Papa sa narinig. 

"Mukhang tatlong buwan yata ang natiis ng dating secretary ni Mayor. Kapag ikaw kaya ang nakapasok doon Sierra, makakatagal ka kaya?" Pagtatanong ni Papa kaya lakas loob naman akong tumango na ikinatawa nila. 

"Oo naman, Pa. Ako pa ba? Si Mayor lang 'yan, baka siya ang gawin kong pasyente pa." Saad ko na lamang at nagpatuloy na kami sa pagkain. 

Since graduate na ako ng BS Psychology ay napagdesisyunan ko munang magtrabaho para makapag-ipon sa board exam ko. Ayoko na rin naman kasing gamitin ang pera ng mga magulang ko. Ang gusto ko ay sariling pera ko ang magamit. 

Hindi naman kami gaanong mayaman, kumbaga middle class ang pamilya namin pero kahit ganun ay kailangan ko rin magsikap dahil may sarili na rin akong buhay. 

At saka naniniwala naman ako na may tamang oras sa lahat ng bagay, ako kasi yung tipo ng tao na naghihintay muna ng tamang pagkakataon para gawin ang mga bagay na kailangan kong matamasa. 

Kaya napag-isipan ko munang magtrabaho at magpahinga, siguro sa isang taon na ako magte-take ng board exam at paniguradong may sapat na ipon na ako niyan. 

Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako sa kwarto ko para magpalit na ng uniporme. Nang maayos na ang lahat ay sinuklay ko na ang buhok ko at kinuha ang bag. 

Umaga hanggang gabi lang naman ang shift ko kaya hindi ako mahirapan, pag-uwi ko naman ay mga dokumento naman sa pagaapply ko sa pagiging secretary ni Mayor Caleb ang aasikasuhin ko. 

Sana ay matanggap ako dahil medyo malaki raw ang pasahod kaso nga lang ay ang ugali ni Mayor Caleb ang magiging problema. Siguro naman ay matitiis ko hangga't maging ayos na ang lahat. 

"Good morning, Sierra." Bungad sa akin ni Manager kaya nginitian ko siya at nagpunta na sa counter. 

"Good morning po, Manager. Last day ko na ngayon kaya maaga ako," nakangiti kong tugon kaya mahina naman siyang natawa at tinapik ako sa balikat. 

"Kaya pala, sige pagbutihin mo lang. May iche-check lang ako." Paalam niya kaya tumango lang ako at sinuot na ang apron. 

Habang inaayos ko ang mga item at pera dito sa cashier ay napatingin naman ako sa mga pumasok na tatlong kabataan na ngayon ay nagkukwentuhan.

"'Diba taga-sainyo ang napaalis na secretary ni Mayor Caleb? Ano bang nangyari? Balita ko ay sobra ang galit ni Mayor sa secretary na napaalis." Ani ng isa kaya saglit akong napatigil dahil nacurious ako sa nangyari. 

Ayun din ang pagkakarinig ko sa mga kapitbahay ko, sobra raw ang galit ni Mayor Caleb sa dating secretary nito kaya mabilis itong napaalis at ngayon ay nagha-hire na naman. 

"Ay oo, nagkagusto raw kasi 'yon kay Mayor Caleb. Eh 'diba kilala naman natin ang Mayor natin at sa kanya pa mismo nanggaling na pagdating sa trabaho ay ihiwalay ang personal na nararamdaman. Tapos parang hindi na yata napigilan, nag-alok ng you know what  I mean kay Mayor Caleb. Ang ending napaalis dahil hindi ito nagustuhan." Mahabang litanya niya kaya sabay ng pagngiwi nila ay napangiwi naman ako.

Valid din naman ang galit ni Mayor, dapat ngang isinantabi ng babaeng yon ang nararamdaman niya at hindi niya dapat sinabi dito ang ganoong bagay. Kung ako ‘yon ay magagalit din ako dahil professional ako sa trabaho tapos ang kasama ko ay hindi.

“Ayun naman pala, dapat ay hindi na lang sinabi ‘yon. Napag-uusapan tuloy siya,” sambit ng isa at tipid naman akong ngumiti nang ibigay nila sa akin ang order nila at napakamot na lamang sa tungki ng ilong ko ng mawala na sila sa paningin ko.

Aminin ko man o hindi ay hindi ay kinakabahan na ako para bukas, pakiramdam ko ay kay Mayor Caleb magsisimula ang delubyo ko once na ipinasa niya ako bilang secretary. Kailangan ko lang talaga ng pasensya at lakas ng loob kapag nagtrabaho na ako sa kanya.

NANG matapos na ang shift ko ay nagpaalam na ako kay Manager at hinubad na ang apron na suot ko, nakita kong kumuha siya ng sobre at nakangiting ibinigay sa akin na masaya ko namang kinuha.

“Nalulungkot ako dahil umalis ka na pero nagpapasalamat ako sa sipag at tiyaga mo sa trabaho, Sierra. Sana ay magtagal ka sa ating Mayor sa kabila ng ugali niya,” habilin ngunit natatawang saad ni Manager kaya mahina naman akong natawa.

“Salamat din, Manager. Sige po, alis na po ako.” Paalam ko na at malungkot na kumaway sa kanya. Paglabas ko ng store ay napatigil ako sa pagtawid ng makitang red light ang lumabas. Kaya pinagkrus ko muna ang braso ko para maghintay.

Habang nililibot ko ang paningin ko ay napatigil ito sa katapat na kotse sa harapan ko. Saglit ko lang itong pinagmasdan at muling bumalik ang paningin ko sa traffic lights at ng makita kong green light na ay mabilis akong tumawid. 

Habang naglalakad ako ay naramdaman kong nagring ang cellphone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa at sinagot ng makita kong si Mama ang tumatawag. 

"Hello Ma, bakit?" Sagot ko habang namimili ng pasalubong sa kanila. 

"Pauwi ka na ba, nak?" Pagtatanong nito kaya nagpasalamat muna ako sa Ale bago sagutin si Mama na ngayon ay bakas ang pag-aalala sa boses kaya natawa naman ako. 

"Pauwi na ako, Ma. Bakit po ba?" 

"Wala lang, nag-aalala lang kasi ang Papa mo na may aksidenteng nangyari dyan malapit sa pinagta-trabahuhan mo kaya napatawag siya," aniya kaya napatango naman ako dahil 'yun pala ang dahilan ng pag-aalala niya. 

"Ah ganon po ba? 'Wag kayong mag-alala, pauwi na rin ako. Nakasakay na ako sa tricycle."

"Sige, ingat sa paguwi." Pagkatapos niyon ay pinatay niya na ang tawag at napsandal naman ako sa kinauupuan ko. 

Malakas akong bumuntong hininga dahil ramdam ko ang pananakit ng likod at katawan ko sa maghapon na pagtayo. 

Makalipas ang 30 minutes ay nandito na ako sa amin kaya nang makapagbayad na ako ay binuksan ko na ang gate at sumalubong sa akin si Papa na nakangiti kaya niyakap ko siya.

"Pasalubong ko sa inyo, Pa." Saad ko at kinuha naman niya ito. Nang makita ko si Mama sa kusina ay kinulbit ko siya at binigyan ng limang libo mula sa sahod ko. 

"Ma dagdag gastos sa bahay natin," saad ko ng makaupo sa lamesa kaya tiningnan niya muna ito bago magsalita. 

'Huwag na, Sierra. Pandagdag mo na lang yan sa ipon mo." 

"Ma, huwag mo ng tanggihan. Sige ka, baka wala ng dumating na pera sa'yo," pananakot ko pa kaya napailing na lamang siya at sa wakas ay kinuha na rin ito. 

"Bukas ang interview mo kay Mayor Caleb, nak?" 

"Opo Pa. Nakaayos na po lahat." 

KINABUKASAN ay maaga akong nagising at nagpasalamat dahil hindi traffic papuntang munisipyo. Lunes ngayon at alam kong rush hour, akala ko nga ay male-late ako pero sakto lang pala ang dating ko para sa interview. 

Habang inaayos ko naman ang mga dokumento dito sa kinauupuan ko ay napatingin naman ako sa babaeng tumigil sa tapat ko. Nang iangat ko ang mukha ko ay nakangiting mukha niya ang bumungad sa akin. 

"Ikaw na," tipid niyang ani kaya nagulat naman ako at napaturo sa sarili ko. Teka, nasaan yung nauna sa akin? Bakit ang bilis naman? 

"A-ako agad?" 

"Oo, hindi agad tinanggap ni Mayor ang nauna sa'yo dahil sa suot niya. Hindi formal attire." Aniya kaya tumayo na ako at sumunod sa kanya. 

Nakita ko naman na pumasok siya kaya hindi na ako nakasilip dahil mabilis rin niya itong sinaraduhan. Grabe, suspense lang? Charot. 

Maya-maya lamang ay lumabas na rin ito at ako na ang pinapasok. Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang itim na itim na  mata ni Mayor Caleb at ang malamig na aircon sa opisina niya. 

"Have a seat, Ms Madrigal." Malalim ang boses na utos niya na mabilis ko namang sinunod. Nakita kong tiningnan niya ang resume ko habang ako naman ay pinagmasdan siya. 

Mas gwapo nga si Mayor ng malapitan. Medyo makapal ang kilay, katamtaman ang tangos ng ilong at wala man lang pimples sa mukha. Bakit hindi na lang kaya siya nagmodel at pinili niya ang maging Mayor? 

Ang chismosa mo naman, Sierra.

"Graduated ka ng BS Psychology, why did you apply to me?" Una niyang tanong kaya mabilis kong iniwas ang paningin sa mukha niya at tumingin sa mga mata niya. 

"To sustain my needs when I get a chance to have a board exam in Psychology, aside from that it helps me to be familiar in the near future if my job will be like this. This will be one of my experiences." Agap kong sagot at napatango siya na para bang nagustuhan niya ang sinagot ko. 

"Can you handle my attitude?" 

Ang sumunod niyang tanong ay nakapagpatigil sa akin. Kitang-kita so mga mata niya na hinihintay niya ang sagot ko. Kaya napahinga ako ng malalim at tumango. 

"I will try my best to handle you, Mayor." 

Related chapters

  • The Ruthless Mayor   Kabanata 2

    SIERRA"YOU'RE HIRED." Aniya kaya napatigil ako sa pagkalikot ng kamay ko at napatingin sa kaniya. "Totoo?" Hindi ko na mapigilang tanong kaya kumunot naman ang noo niya habang ako naman ay napakagat labi. Ang engot mo naman, Sierra. Unang araw, gagalitin mo agad ang Mayor natin. Baka gusto mong tanggalin ka kaagad niyan? "Yes, gusto mo bang bawiin ko ulit?" May pananakot sa boses niya kaya tumayo ako at umiling. "Hindi na po, Mayor. Sabi ko nga, hired na ako." Natatawa ngunit kinakabahan kong saad kaya nakita ko ang pag-ngisi niya at itinuro ang pwesto ko na nasa tabi niya lamang."That's your assigned workplace, Ms Madrigal." Aniya kaya tumango naman ako at lumapit doon. Lihim naman akong napangiti dahil ang linis tingnan ng lamesa ko. Mas malinis pa yata 'tong si Mayor kaysa sa akin, eh. "Kailan po ako magsisimula, Mayor?" "Ngayon na." Tipid niyang sagot kaya mabilis naman akong napatingin sa kaniya. Akala ko ay nagbibiro siya pero nakatingin na siya sa laptop at may inaayos

    Last Updated : 2024-10-29
  • The Ruthless Mayor   Kabanata 3

    SIERRA"BAKIT ko po ibibigay, Mayor?" Pagtatanong ko pa kaya sumandal naman siya sa pader ng makalabas kaming dalawa sa elevator. "For the updates, doon na lang kita ime-message kapag may nabago sa schedule ko," aniya kaya napatango naman ako at mabilis na kinuha ang cellphone sa bulsa. Binigay ko naman sa kanya ang account ko at tumango na lamang siya. Nang ayos na ang lahat ay yumuko ako ng kaunti at nagpaalam na. "Sige po, Mayor. Alis na po ako, ingat po sa biyahe." Paalam ko pa at akala ko ay hindi niya ako sasagutin pero palihim na lang akong napasinghap ng tumalikod na ako sa kanya. "Take care too, Ms Madrigal." Ayun na lamang ang huling narinig ko bago mawala ang yabag ng paa niya, kaya lumingon ako saglit kung si Mayor Caleb ba talaga ang narinig ko. Nang mawala na siya sa paningin ko ay mahina kong sinampal ang sarili ko. "Pagod lang 'yan, Sierra. Hindi 'yan sasabihin ni Mayor." Pagbaba ko ng tricycle ay sumalubong sa akin si Papa na ngayon ay nasa tapat ng pintuan kay

    Last Updated : 2024-10-29
  • The Ruthless Mayor   Kabanata 4

    SIERRA"Sige po," nasabi ko na lamang at kinuha ang sling bag ko. Nang makita kong tumayo na siya ay lumapit ako sa kaniya at napatingin sa bag na inilipag niya sa lamesa. Mukhang ito yata ang dadalhin ko. "Ito lang po ba ang dadalhin ko, Mayor?" Paninigurado ko at ng akmang hahawakan ko na sana ay nabigla na lang ako ng hawakan niya ang kamay ko kaya napatigil ako sa pagkuha ng bag na dadalhin ko sana. "Ako na dyan," nakakatitig siya sa mga mata ko habang hawak ang kamay ko dahilan para makaramdam ako ng kakaiba sa tiyan ko. Nang maramdaman niyang pilit kong kumawala sa hawak niya ay nakita ko ang munting pagngisi niya bago ako talikuran. "Let's go." Pagyayakag niya at hinampas ko muna ng mahina ang pisngi ko kung tama ba ang nakita ko kanina. Nginisian ako ni Mayor Caleb o baka naman trip niya ako? Baka mamaya ay magbuga na naman ng apoy 'yon.Paglabas namin ay sumalubong sa akin ang mga empleyado na nakatayo at binabati si Mayor Caleb pero ang isang 'to ay dire-diretso lamang n

    Last Updated : 2024-10-29
  • The Ruthless Mayor   Kabanata 5

    SIERRAMAHIGPIT akong niyakap ni Kuya Eros kahit nasa harapan lang kami ng dalawang lalaki na ngayon ay pinapanood lang kami. Mahina kong tinapik si Eros sa likod dahil nakita kong kunot na ang noo ni Mayor Caleb.Bakas na kasi rito ang iritasyon sa mata nito na para bang hindi nagustuhan ang nakikita ngayon."Excuse me but can I borrow my secretary," puno ng diin ni Mayor Caleb at sa wakas ay binitawan na ako ni Eros at tumawa."Grabe ka naman, pre. Pagbigyan mo na ako, ngayon ko lang ulit nakasama ang pinsan ko." Paliwanag ni Eros kaya kitang-kita ko ang saglit na pagkagulat sa mga mata ni Mayor Caleb na mabilis namang nawala."She's your cousin?" Paninigurado ng dalawa kaya tumango naman itong katabi ko habang ako naman ay naiilang na dahil nakatitig pa rin sa akin si Mayor Caleb."Aba oo, siya ang kinekwento ko sa inyo. Bakit ano bang akala niyo sa amin?""Akala ko ay magkasintahan kayo," sabat ni Governor Laxon na ikinatawa naman ni Eros habang ako ay napangiwi."Gago! Incest 'ya

    Last Updated : 2024-10-29
  • The Ruthless Mayor   Kabanata 6

    SIERRA"HA?" Parang lumipad ang utak ko sa naging tanong ni Mayor Caleb. Pakiramdam ko ay halata yata ang pamumula ng ilong at mata ko kaya napahawak ako sa pisngi ko at natatawang nagsinungaling. "H-hindi po, Mayor. May pumasok lang po sa mata ko na alikabok kaya namula po," pagsisinungaling ko pa kaya tumaas ang kilay niya at mas lalong lumalim pa ang pagkakatitig niya sa akin."I see." Tipid niyang sagot at kinuha na rin ang bag niya, siguro ay uuwi na rin siya katulad ko. Himala at naghintay si Mayor. Paglabas namin ng opisina ay nilock ko nang maigi ang pinto at nang ayos na ay nagsimula na rin akong maglakad papunta sa elevator. Iilan na lang kaming natitirang nandito sa opisina. Katulad namin ay naghihintay rin sila ng elevator. Pagbukas nito ay isa-isa kaming pumasok at tahimik lamang lalo na ang kasabayan namin na empleyado dahil nandito rin si Mayor Caleb sa loob. Hindi ko alam kung nakauwi na ba o nauna na si Ate Reina dahil hindi ko na siya nakita. Paglapag namin sa gr

    Last Updated : 2024-10-29

Latest chapter

  • The Ruthless Mayor   Kabanata 1

    SIERRA"ANAK, akala ko ba ay magbo-board exam ka na pagkatapos mong gumraduate? Bakit magtatrabaho ka?" 'Yan agad ang bumungad sa akin sa lamesa ng makita ako ni Mama at Papa na naka-uniform na pang-7/11. Kaya nginitian ko muna sila at nagsandok muna ng kanin bago sila sagutin. "Magpapahinga po muna ako sa pag-aaral, Ma. Napagod ang utak ko," pagbibiro ko na lamang kaya mabilis akong umiwas ng makita kong hahampasin niya ako sa braso. "Ikaw talagang bata ka, matripan mo. Sabagay, para na rin makapaghanda ka. Basta anak, kapag handa ka ng magboard exam bilang Psychologist ay sabihan mo lang kami, susuportahan ka namin." Nakangiting saad ni Mama kaya napangiti naman ako at tumango. "Opo, sa ngayon ay magpart time muna ako sa 7/11. Huwag kayong mag-alala, Ma. Baka pumasok din akong sekretarya ni Mayor Caleb since naghahanap naman ulit sila." Paalam ko kaya napangisi naman si Papa sa narinig. "Mukhang tatlong buwan yata ang natiis ng dating secretary ni Mayor. Kapag ikaw kaya ang naka

DMCA.com Protection Status