Mariing napapikit na lang si Astrid Elaine Javier o mas kilala sa pangalang Eys nang makapares na kamay ang tumulak sa kaniya, dahilan nang paglapat ng kaniyang likod sa malamig na pader.
“Let me see if the things that should grow have grown?” Mapanganib ang boses ng lalaking akala niya ay natakasan niya na isang taon na ang nakakalipas— si Mason Hunter Sy.
Ang mapapayat niyang balikat ay saktong-sakto sa hulma ng palad nito. Sinubukan niyang tumakas subalit dahil sa kaniyang manipis na pangangatawan ay patuloy pa rin siyang nakakulong sa madilim nitong awra.
Napapikit na lamang si Eys. Ang akala niyang isang taon na hindi pagkikita ay sapat na para makalimutan siya nito ngunit nagkakamali siya. Ang magagawa niya na lang ngayon ay magmaang-maangan.
“Nag… nagkakamali ka yata, mister?”
Nanatiling blangko at malalamig na tingin lamang ang ibinibigay si Mason sa kaniya at dahan-dahang bumigkas, “sa ibabaw ng kamang iyon— isang taon na ang nakakalilipas, tandang-tanda ko pa kung ilang beses mo isinigaw ang pangalan ko.”
Nanginig si Eys dahil sa masarap este masamang alaala na rumagasa sa kaniya.
“Some were in unberable pain, ang iba naman ay dahil gusto mo pang idiin ko at bilisan.”
Parang natanggalan siya ng balat dahil sa pagpapaalala nito. Ang kahihiyang lumukob sa kaniya sa gabing iyon ay tuluyan nang bumuhos na parang mainit na tubig sa kaniyang diwa na dahilan ng kaniyang pamumula.
Lumapit pa si Mason sa kaniya. Naaamoy na ni Eys ang mabagong hininga ng lalaki na tumatama sa mukha niya at ang mapanganib nitong mga mata ay nakatutok sa kaniya na parang pinag-aaralan ang bawat sulok ng kaniyang pagmumukha.
Sinlamig ng gabi ang mga titig nito at walang ni-isang emosyon ang mababasa rito.
“Kung gayon, nagkamali pala ako?” Mababa ang tono nito at nag-uumapaw ang kagaspangan sa boses.
Tumango siya dahil sa panghihina ngunit hindi niya ito ipinahalata sa lalaki, “oo,” sagot niya.
Ang kamay nitong nasa balikat niya ay unti-unting gumapang sa kaniyang bewang at pumisil dito. Napatalon pa si Eys sa gulat at parang nakuryente ngunit hindi siya hinayaan na makaalis ng lalaki nang ang dalawang daliri nito ay kumapit sa kaniyang saluwal.
Isang marahas na paghinga ang naramdaman niya sa kaniyang tenga at pinalid pa ang ilang hibla ng kaniyang buhok at saka pa lamang siya nito pinakawalan.
Sa takot ni Eys sa kung ano pa ang gawin sa kaniya ni Mason ay agad siyang bumalik sa pwesto nila sa bar at hindi nagtagal ay sumunod din sa kaniya ang lalaki.
Agad siyang sinalubong ng kaniyang kaibigan na si Kai Rylan Cruz. Agad pumulupot ang braso nito sa kaniyang bewang at sinabing, “let me introduce you, my lovely girlfriend, Eys.”
Umupo si Mason sa sofa at itinanday ang isang mahabang biyas sa isa at nakita niya kung pa'no tanggalin ng babae ang kamay ng nobyo raw nito.
“‘Wag ka ngang fake news,” sita ni Eys kay Kai.
Pinagsawalang bahala lang naman ito ng lalaki at nilipat ang kamay sa balikat ni Eys at saka siya hinila sa lalaking nakaupo na ngayon at mariin silang tinitingnan.
“This is the young master that I told you about. Nasa kaniya ang gamot na makakaligtas sa buhay ng kapatid mo.”
Kung kanina ay parang binuhusan ng mainit na tubig si Eys dahil sa pamumula at pagkahiya, ngayon naman ay para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa gulat.
Literal na hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya. Punong-puno siya ng gulat na tumingin kay Mason na may dumaang kakaibang emosyon sa mata na agad ring nawala.
Kalmado nitong itinaas ang kamay na may hawak na sigarilyo at ipinatong sa sandalan ng sofa. Para itong hari na nakaupo. Ang panga nito ay perpektong-perpekto kahit nakatagilid ito sa kaniya.
Agad namang may lumapit sa lalaki para sindihan ang hawak nitong sigarilyo pero ipinatong nito ang kamay sa hita nito.
Nang makita ito ng kasamang lalaki ay agad siyang binigyan ni Kai ng lighter at itinulak para siya ang pagsindihin ng hawak nitong yosi.
“What are you doing? Light a cigarette for me,” mapanganib na utos nito sa kaniya at saka pa lamang siya nakagalaw para sindihan ang hawak nito, pero bago pa lumapat ang lighter sa pwet ng sigarilyo ay ipinasak ni Mason ang yosi sa bibig.
Sisindihan na sana ito ni Eys nang magtanong ang lalaki, “anong gamot ang kailangan mo?”
Muntik pang masunog ang kamay niya sa gulat kaya agad siyang napasagot.
“Nitroglycerin,” agad na sagot niya.
Nilagpasan lang siya nito ng tingin at napunta sa lalaking nasa likod niya.
“Kai, hindi pa lumalabas sa merkado ang gamot na ‘to. I can't give it to you.”
Kinindatan naman ni Kai si Mason at pabirong nagsalita, “I brought my girlfriend to see you today, give me some face, man.”
Nanantiling nakayuko si Eys, bumalik naman sa pagkakasandal sa sofa si Mason at nahaharangan ang paningin niya ng babaeng nasa harapan.
Malamig pa rin ang mukha niya nang tingnan niya si Eys, “hindi ko siya kamag-anak o kaibigan, hindi ko nga rin siya kakilala. Why should I help her?” He asks Kai Rylan but his vision remains on Eys.
“Just think of it as helping me! Kapag matapos na ‘to ngayon, papayag na siyang maging girlfriend ko.”
Napatingin si Eys kay Mason ng walang pag-aalinlangan ngunit inilingan siya ng lalaki.
Wala na siyang ibang paraan na maisip. Ang kalagayan ng kapatid niyang babae ay palala na ng palala. Nasabihan na rin siya ng mga doktor nito na kaunti na lang at mawawala na sa kaniya ang kapatid!
Ang gamot na hinihiling niya ay nasa kamay lang ni Mason at hindi pa opisyal na nailalabas. Kaya susugal siya sa kahit anong p’wedeng gawin para lang makuha ito at maligtas ang kapatid.
“Master Mason, magkano ang gamot? Bibilhin ko na lang ‘to sa ‘yo.”
Mas lumapit siya sa lalaki, ang mga tuhod niya ay nakadikit na sa sofa na kinauupuan nito at saka niya sinindihan ang hawak nitong yosi.
Yumupyop naman ang lalaki at saka siya binugahan ng usok sa mukha. Imbes na mainis ay iba ang naramdaman niya… parang nakakainit ng kaibutruan, nakakagising ng himaymay na natutulog.
Gaya ng mainit na gabi na kanilang pinagsaluhan ni Eys, ang mukha at katawan ni Mason ay puno ng pagnanasa para sa babae kahit itinanggi nito na siya ang nakasiping niya noong gabing isang taon na ang lumilipas.“That medicine is not for sale.” His tone was more or less indifferent pero matigas rin ang ulo ng babae at hindi gusto magpatalo.“Ayos lang kahit magkano, bibilhin ko,” matatag nitong ani.Mason brushed away the corner of his mouth. “Not much half million per box will be fine. Deal?” Ang pagputla ng mukha ni Eys ay naghatid ng saya sa kaniya. Kanina pa nag-eenjoy si Mason sa panonood ng pagpapalit-palit ng emosyon ng babae na kita sa mukha nito.Alam niya na masyadong mataas ang presyo nito para sa babae at alam niyang hindi nito kaya ang gano'ng halaga.“I'll give it! Pero hindi ba, hindi naman kalahating milyon ang halaga no’n?” Agad na pagpepresinta ni Kai sa kaniya.Si Eys naman ay puno ng pagkahiya. Kanina pa namumuro ang kahihiyan sa katawan niya. Hindi siya makapani
Lulan ng itim na Bentley ay walang palitan ng salita ang naganap kay Eys at Mason. Kapwa sila tahimik at ramdam na ramdam ang tensyon sa pagitan nila— si Mason ay pang-iinit habang si Eys naman ay sa pagkakaba.Maya-maya pa ay huminto ang sinasakyan nila sa isang garden hotel sa may BGC. Pamilyar ang lugar kay Eys. Matataas na mga gusali at parang ipinagsisigawan ang ‘bawal ang gusgusin’ sa lugar. In short, bawal siya.Kinakabahan man ay pinilit niyang pinatapang ang sarili at nagtanong sa katabi, “Young master Mason, kailan magiging available sa merkado ang gamot?”Hindi siya nito sinagot at patuloy lang na naglakad hanggang sa makarating sila sa isang high-end hotel bedroom. May kinuha itong paper bag sa loob ng closet at saka initsa sa kaniya“Take a shower and change.”Inilagay niya ang nasalong paper bag sa likod niya, “hindi gano'n…”“It's not what?” Mason saw through her at one glance, “you and Kai are doing well?”“Hindi pa nga kami nagsisimula.”“That's a pity,” turan nito pe
Gustong-gusto lumuhod at magmakaawa ni Eys sa harapan ni Mason pero alam niya na sa mga ganitong tipong tao ay mabilis ito mainis lalo sa kaniya.Kaya wala siyang lakas na lumabas sa hotel at dahan-dahang lumakad papalayo.“Astrid,” pagtawag sa kaniya ng lalaki kaya nilingon niya itong may namumuong pag-asa sa puso niya.“You decide for yourself,” sabi nito at itinaas ang bintana ng sasakyan saka humarurot paalis. Walang pananakot sa boses nito pero parang binibigyan siya nito ng ultimatum.Sa takot ay agad siyang tumakbo at sinalubog ng hangin ng gabi. Medyo nanginig pa siya dahil sa suot pero tuloy-tuloy lang siyang tumakbo.‘Meron pa namang ibang paraan hindi ba? Hindi ba at sabi naman ni Kai na magkaibigan ang mga ito?’ Punong-puno na siya ng katanungan. Tila ang isip niya ay hindi napapagod na gumawa ng paraan para lang makatakas sa sitwasyon niya ngayon.Hindi naman niya madadaya ang sarili pero hindi niya na talaga maibibigay ang gusto ng lalaki!Pagkarating niya sa kanilang b
Agad na lumuhod si Eys sa tabi ni Freya. Nagpapanic na siya at ang tanging naiisip na lang niya ay buhatin ang kapatid.“Frey, ‘wag mo naman takutin si ate, oh,” pagkausap niya rito.Ang buong katawan ni Freya ay nanginginig at ang ibang mga kumakain sa restaurant na ‘yon ay nagisimula na ring matakot.Niyakap niya ang kapatid para pigilan ang panginginig nito. “A-ate, tu...lungan m-mo… ako. H-huwag m-mo… ha…hayaan na… na m-makita n-nila… akong g-ganito.” Hirap at hindi klarong sabi ni Freya.Hinding-hindi pa nag-seizure ang kapatid niya noon kaya hindi niya alam ang gagawin!Tiningala niya ang waiter na nabato na lang sa isang tabi. “Tumawag ka ng ambulansya, bilis!” Utos niya rito.Mas lalo pang nanginig ang kapatid niya nang may dumaang mga tao sa gilid nito. Tumirik ang mga mata at halos puti na lang ang nakikita dito. Bumubula na rin ang bibig ng kapatid.Ang babaeng dumaan sa gilid nila ay nagtakip ng bibig at ilong nito, “kadiri naman! Ba’t pa kasi pinayagang pumasok!” Rinig n
Halos isang oras nakatayo si Eys sa harap ng gate ng bahay ni Mason at ang guard na nakabantay doon ay hindi lang dalawang beses siyang tiningnan na parang nawawalan na siya ng bait pero hindi naman siya nito pinagtatabuyan paalis.Ang assistant naman ni Mason na si Leonardo ay nakatanaw sa babaeng tila hindi nangangalay sa pagtayo, nakaramdam ng kaunting awa ay tiningnan niya si Mason at tinanong, “hindi mo ba siya papapasukin, master?”“Wala ba siyang paa?” Sarkastikong tanong ni Mason at bumaling sa bintana.Nakita naman nila na nagkalakas loob na rin ang babae at unti-unti nang humakbang papasok.Eys crushed the tender grass under her feet as she slowly traversed the way to the demon's lair. Hindi niya na pinansin kung pa'no bumalik ang mga damo sa pagkakatayo kahit tinapakan niya na kasi ganito rin siya, kahit ilang beses na siyang ipagtabuyan ng lalaki ay hindi siya susuko at patuloy pa ring gagawa ng paraan para makuha ang gamot para sa kapatid— kahit kumapit pa siya sa patalim
“Are you afraid of me now, kitty?”Bago niya ito maitulak palayo ay lumagapak ang likod niya sa billiard table dahil sa lakas ng pagkakahagis nito sa kaniya.“Aray! A-aray masakit, master Mason, huwag po kayong magalit sa ‘kin parang awa mo na!”Tinitigan ni Mason ang namimilipit na babae sa ilalim niya, “are you trying to scam me?”His eyes gradually fell into her body and Eys were squeezed between Mason's legs, pressing down, he reached out to take her phone.Pero mahigpit itong hawak ng babae sa mga kamay nito.“May iba pa akong file na nakatabi kahit saan. Walang kwenta lang din kung ide-delete ko lang ‘to.”Mason sneered at tuluyan na ngang hinablot ang cellphone ng dalaga. Tiningnan niya kung ilang piraso nga ba ang meron ang babae para takutin siya nito gamit ang kaniyang kapatid at nakitang dalawa lang ang litrato nito kaya napailing siya, malakas talaga ang loob ng babae.Mason keep in swiping the photos and saw a young girl. Her face is so thin na halos buto at balat na lang
Tinitigan ni Mason ang mata ni Eys at wala na siyag makapang liwanag sa ilalim nito.Umupo si Mason sa billiard table at pinagkrus ang paa. Pinulot niya ang isang billiard ball na nasa malapit sa kaniya at pinaglaruan ito sa kaniyang palad.The man has slender fingers spread and clenched the ball one by one. Paulit-ulit nito iyong ginawa at nanggigigil na piniga ito sa kaniyang palad.Sa nakita ni Eys ay parang may isang bangungot na unti-unting gumigising sa kaniyang himaymay, sa isip naman ni Mason ay kung ang babae ang hawak niya ngayon, ito na ang piniga niya.Nagpakawala ng malalim na hininga si Mason, “it's a bit hard.”Pagkatapos himasin ang bola ay initsa ito ng lalaki pabalik sa mesa pero bago pa lumabas ang salitang “higa” sa labi ni Mason ay humahangos na pumasok ang kaniyang butler na hindi niya na namalayang lumabas pala.Mukhang may inasikaso itong importante na hindi na nagawang makapagpaalam sa kaniya at tama nga ang hinala ni Mason.“Young master! Nagpupumilit pong pu
Sa gulat ni Eys ay hindi siya nakapaghanda sa paghinga at halos malunod pa sa dami ng tubig na pumasok sa bunganga niya at ilong.Akmang sisigawan niya ang lalaki sa pag-angal sa ginawa nito nang takpan ni Mason ang bibig niya gamit ang malalaki nitong kamay at bumulong sa kaniya, “huwag kang sisigaw. Gusto mo bang makita tayo ng manliligaw mo sa ganitong ayos?”His words were a little itchy. Ang tubig na galing sa shower head ay binasa ang damit ng habae at sa paningin naman ni Mason ay parang bulaklak ito na kakabukadkad pa lamang pagkatapos diligan at literal na dilig nga ang binigay niya sa dalaga.Sa galit ni Eys ay pinigilan na lang niya ang sariling paghinga para kalimutan ang umuusbong na nararamdamang galit sa lalaki.Ang maliit na singhap ng dalaga ay hindi nakalagpas sa matatalas na pandinig ni Kai Rylan.“Mason, hindi ka naman nagtatago ng babae, eh ‘no?”Bumalatay ang isang nakakatakot na ngisi sa mukha ni Mason na parang may kapilyuhang iniisip, “Ano kung nagtatago ako n
Binanggit niya ang isang mahabang numero, saka nagpatuloy, “ipinapahayag ko gamit ang tunay kong pangalan na ang anak ni Zon Reyes na si Shan Reyes ay inaabuso ang kapangyarihan ng pamilyang Reyes para gipitin ang ibang tao. Ilang beses niya rin akong tinangkang piliting sipingin at sinubukang pwersahin sa pamamagitan ng mga pekeng utang. Hinihiling ko sa mga kaugnay na ahensya na mahigpit na imbestigahan si Shan Reyes at ang buong pamilyang Reyes.”Halos magdilim ang mukha ng matandang Reyes sa narinig niya sa prerecorded video. Kaya agad na inabot ni Chen ang cellphone ni Eys at dinelete ang video. Pero nanatiling kalmado lang si Eys habang tinitingnan ang ginawang pagdelete ni Chon. "May backup ako sa laptop at email. Alam ko kung ga'no kalaki ang impluwensya ni Mr. Reyes, pero kapag kumalat ito, siguradong magkakaroon 'to ng malaking epekto sa negosyo niyo man o sa personal na buhay."Tahimik lang si Mason habang pinapakinggan ang sinasabi ni Eys. Kalmado ang boses nito, pati na
Hinila ni Reyes ang lubid sa bintana at nasugat ang mga palad niya dahil sa pagkiskis nito dahil sa pag-anagat niya kay Eys.Hindi alintana ni Mason si Reyes na nahihirapan at agad na lumapit siya sa bintana at inilabas ang kanyang kalahating pang-itaas na katawan at dahan-dahang hinila ang lubid din pataas.Walang suot na kahit anong tela si Eys para makahawak ang kahit na sino na hihila sa babae pataas. Mahigpit na hinawakan ni Mason ang bintana gamit ang isang kamay at habang ang kabila naman ay nakayakap sa baywang ng babae para maiangat ito.Ang katawan ni Eys ay sobrang lamig na parang niyayakap ang isang bloke ng yelo si Mason ng mahawakan niya ang katawan nito. May mga yabag sa labas ng pinto pero hindi niya iyon pinansin at inasikaso ang babae. Inilagay ni Mason si Eys sa kama at mabilis na kinuha ang kumot para ibalot ito sa kanya.Bang!Mabilis na sumara ang pinto ng kwarto at pumasok ang matandang Reyes at ang kanyang stepson.Nakatayo lang si Shan malapit sa bintana at na
"Tinalian mo na nga ako, anong silbi ng pagsigaw? P'wede mo namang takpan ang bibig ko, o 'di kaya’y higpitan mo pa ng todo."Nang maisip iyon ni Shan, pumayag siya.Kahit pa sigaw siya nang sigaw, sino bang tutulong sa babae?Tinali ni Shan nang mahigpit si Eys at siniguro ang buhol. Nang matapos, ngumiti ito nang may kasiyahan."Hintayin mo ako."Pero 'di na ito makapaghintay.Pumasok si Shan sa banyo para maligo. Ayaw niyang gumamit ng bathrobe sa lugar na 'yon sa isipang madumi ito kaya lumabas siyang naka-shorts lang.Hindi mapakali si Eys. Alas-dos na.Tiningnan niya si Shan habang papalapit ito. Medyo kinakabahan siya. "Mr. Reyes, p'wede mo na bang ibigay ang IOU ngayon?""Mamaya na pagkatapos natin.""Dinala mo ba? Ipakita mo nga sa ’kin."Gustong yakapin ni Reyes si Eys pero mabilis itong umakyat sa kama. Maliit lang ang kwarto at halos katabi ng kama ang bintana.Napapaatras si Eys papunta sa gitna ng higaan, halatang kinakabahan. Pero hinila siya ni Shan gamit ang lubid par
Mabilis siyang hinila ni Eys papasok at isinara ang pinto. "Mr. Reyes, hindi mo ba naiisip na mas masaya dito? Lagi ka na sigurong nasa mga five-star hotel. Eh, pa'no kung medyo wild ang mangyari? Ayaw mo namang mapahiya, 'di ba?" Rason ni Eys.Tinitigan lang siya ni Shan. Sa bawat salitang binibitawan ng babae, halatang may halong panunukso rito.At nadala siya.Hinila niya si Eys papunta sa kanya at sinubukang halikan ang babae. "Eh, bakit nakatayo ka pa?"Sinubukan siyang itulak ni Eys pero dumampi na ang labi niya sa pisngi nito.Ang bango ni Eys—para itong natural na pamapalibog. Tuluyan nang nawala sa kontrol si Shan."Mr. Reyes, sandali lang!""Hindi ko na kayang maghintay!"Nagpumiglas si Eys mula sa mga bisig nito. "May inihanda ako para sa 'yo.""Ano 'yon?" tanong ni Shan habang bahagyang lumuwag ang pagkakahawak niya sa babae.Naglakad si Eys papunta sa kama at binuksan ang dala niyang bag. Mula rito, inilabas niya ang makapal na lubid.Tumaas ang kilay ni Shan. "Itatali mo
Sa ganitong bagay, mataas ang pamantayan ni Mason. Bukod sa magandang mukha, gusto niya ng malalambot na kamay at balingkinitang katawan—katulad ng kay Astrid.Nawala ang init na nararamdaman ni Cassie, kaya hindi na niya itinuloy ang ginagawa.Samantala, ang mga marka sa katawan ni Eys na gawa ni Mason ay hindi pa rin nawawala kahit ilang araw na ang lumipas, kaya napilitan siyang magsuot ng mga turtle neck na mga damit araw-araw kahit sobrang init sa Pinas.Mainit sa opisina, kaya tumutulo ang pawis sa noo ni Eys habang nagta-type sa laptop niya. Habang abala at naiinis sa nararamdamang init, biglang may narinig siyang papalapit na mga yabag."Sa wakas, nahanap rin kitang bruha ka," sabi ni Vincent nang tumigil ito sa tabi niya.Tumigil si Eys sa ginagawa at tumingin sa kaibigan. "Sabihin mo na agad."Nagmasid si Vincent sa paligid bago bumulong kay Eys.Mahinang pinisil ni Eys ang kanyang palad. "Sigurado ba 'yang balita mo?""Oo naman! Ginamit ko lahat ng koneksyon ko para dito,"
"Alam mo kung bakit ginawa ni Mason ang mga bagay na 'yon sa 'yo? Para kanino? Para sa 'kin! Para ipakita sa 'kin na kaya ka niyang kunin sa isang pitik niya lang ng daliri!"Narinig ni Eys bawat salita ni Shan, pero hindi niya maintindihan kung bakit galit na galit ito."Hindi naman ako umaasa sa kanya at hindi na ako nangangarap ng isang Mason Hunter Sy na luluhod sa 'kin para damputin ako sa lupa gaya ng pagpulit niya kay Miss Lopez," sagot ni Eys, kalmadong tumatawa nang sarkastiko. "Nakakatawa 'yang mga salitang 'hindi makalimutan' at 'hindi kayang bitawan' kung gagamitin sa 'kin."Alam niyang ang tanging hindi kayang bitawan ni Mason ay si Cassie."Kita mo naman kung ga'no kahalaga si Miss Lopez para sa kanya, 'di ba? Iniwan niya ako rito nang hindi man lang iniisip kung anong kahihiyan ang haharapin ko. Kahit mag-iwan ng isang damit para takpan ang sarili ko, wala siyang binigay sa 'kin. Kulang pa ba ang pagaparamdam niya na madumi ako at kaladkarin para hindi pa manuot sa kala
"Young Master," sabi ni Shan na may bahid ng hilaw na ngiti, "lumabas ka rin sa wakas."Dumaan lang si Mason sa tabi nito at sinabihan si Leonardo ng isang salita. "Go."Hindi na kailangang magtaboy ng tao. Nagmamadali na siyang umalis.Naiwan si Eys sa kwarto. Nang sipain ni Shan ang pinto pabukas, nakita niya ang likod ni Eys na nagmamadaling papasok sa loob."Ang tapang mo palang gawin ang ganyan, pero wala kang mukhang maiharap para lumabas?"Ang mabigat nitong boses ay narinig ni Mason kahit ilang hakbang na siyang lumayo. Sandali huminto ang mga paa ng lalaki pero hindi na siya lumingon.Kalahati na ng mga tao ang napaalis ni Leonardo, pero may ilan pa rin ang nasa labas at nakikiusyuso."Master, hahanapan ko ng paraan para palabasin si Miss Javier.""Cassie is here, right at the door."Tumango si Mason at tuluyang lumabas.Si Eys naman ay takot na baka pumasok ang grupo ni Reyes, kaya tumakbo siya sa bintana at nagtago sa likod ng kurtina.Dalawang lalaking kasunod ni Shan ang
"If you asked me to save you, I might agree if my heart softens. But if it's someone else, bakit ko naman gagawin?"Parang gumuho ang mundo ni Eys. Bago pa makapag-isip si Mason kung bakit niya nasabi 'yon, nakita niyang pilit ngumiti ang babae at umiwas ng tingin."I just asked casually, I'm afraid that one day it will really happen.""Eh 'di hayaan mo siyang mamatay."Nanlamig si Eys sa sinabi ni Mason. Parang tumigil ang pagdaloy ng dugo sa katawan niya.Dapat nga siguro nagpapasalamat siya na hindi niya ibinuhos lahat kay Reyes o naglagay ng malaking tiwala kay Mason. Hirap na nga itong tumulong sa kanya, paa'no pa kaya kay Fiona?Nagpatuloy ang ingay sa labas, kaya napatingin si Eys kay Mason. "P'wede bang gumawa ka ng paraan para paalisin 'yong mga tao?"Naiiritang tumayo si Mason. He didn't want to be blocked like this, so annoying and ridiculous.Kinuha niya ang cellphone niya at tatawagan sana si Leonardo para ayusin ito, pero naunahan siya ng tawag ni Cassie.Tinitigan niya
Biglang malakas na pinukpok ni Shan ang pinto. “Eys, lumabas ka diyan!”Ang kanyang malalaking galaw ay nagsimulang makaakit ng pansin mula sa mga taong naroroon.May mga tao nang lumalapit. “Mr. Shan, anong nangyayari?”Hinithit ni Shan ang sigarilyo. “May nakakita sa kasama kong babae na kinaladkad papasok dito. Ngayon, sabihin niyo nga, nakita niyo ba ako?”Nagtinginan ang lahat sa isa’t isa. “Wala kaming nakita.”Itinapat ni Shan ang camera sa sarili. “Cassie, pupunta ka ba o hindi? Kapag nagtagal ka pa, baka tapos na ang ginagawa nila sa loob, at baka ulitin pa nila. Do you believe it?”Sa loob, binitiwan ni Eys ang kanyang mga kamay habang nakatitig sa mukha ni Mason.Ang mga mata nito ay malalim, puno ng kadiliman na parang isang demonyo.Nakakatakot talagang tingnan ang lalaki sa ganitong estado.Inangat ni Eys ang pilak na kwintas na dumulas mula sa kanyang balikat habang nakikita niyang magbubukas ng pinto si Mason.Agad niyang hinawakan ang braso nito at bahagyang umiling.