Chapter: KABANATA 182Binanggit niya ang isang mahabang numero, saka nagpatuloy, “ipinapahayag ko gamit ang tunay kong pangalan na ang anak ni Zon Reyes na si Shan Reyes ay inaabuso ang kapangyarihan ng pamilyang Reyes para gipitin ang ibang tao. Ilang beses niya rin akong tinangkang piliting sipingin at sinubukang pwersahin sa pamamagitan ng mga pekeng utang. Hinihiling ko sa mga kaugnay na ahensya na mahigpit na imbestigahan si Shan Reyes at ang buong pamilyang Reyes.”Halos magdilim ang mukha ng matandang Reyes sa narinig niya sa prerecorded video. Kaya agad na inabot ni Chen ang cellphone ni Eys at dinelete ang video. Pero nanatiling kalmado lang si Eys habang tinitingnan ang ginawang pagdelete ni Chon. "May backup ako sa laptop at email. Alam ko kung ga'no kalaki ang impluwensya ni Mr. Reyes, pero kapag kumalat ito, siguradong magkakaroon 'to ng malaking epekto sa negosyo niyo man o sa personal na buhay."Tahimik lang si Mason habang pinapakinggan ang sinasabi ni Eys. Kalmado ang boses nito, pati na
Huling Na-update: 2024-12-16
Chapter: KABANATA 181Hinila ni Reyes ang lubid sa bintana at nasugat ang mga palad niya dahil sa pagkiskis nito dahil sa pag-anagat niya kay Eys.Hindi alintana ni Mason si Reyes na nahihirapan at agad na lumapit siya sa bintana at inilabas ang kanyang kalahating pang-itaas na katawan at dahan-dahang hinila ang lubid din pataas.Walang suot na kahit anong tela si Eys para makahawak ang kahit na sino na hihila sa babae pataas. Mahigpit na hinawakan ni Mason ang bintana gamit ang isang kamay at habang ang kabila naman ay nakayakap sa baywang ng babae para maiangat ito.Ang katawan ni Eys ay sobrang lamig na parang niyayakap ang isang bloke ng yelo si Mason ng mahawakan niya ang katawan nito. May mga yabag sa labas ng pinto pero hindi niya iyon pinansin at inasikaso ang babae. Inilagay ni Mason si Eys sa kama at mabilis na kinuha ang kumot para ibalot ito sa kanya.Bang!Mabilis na sumara ang pinto ng kwarto at pumasok ang matandang Reyes at ang kanyang stepson.Nakatayo lang si Shan malapit sa bintana at na
Huling Na-update: 2024-12-16
Chapter: KABANATA 180"Tinalian mo na nga ako, anong silbi ng pagsigaw? P'wede mo namang takpan ang bibig ko, o 'di kaya’y higpitan mo pa ng todo."Nang maisip iyon ni Shan, pumayag siya.Kahit pa sigaw siya nang sigaw, sino bang tutulong sa babae?Tinali ni Shan nang mahigpit si Eys at siniguro ang buhol. Nang matapos, ngumiti ito nang may kasiyahan."Hintayin mo ako."Pero 'di na ito makapaghintay.Pumasok si Shan sa banyo para maligo. Ayaw niyang gumamit ng bathrobe sa lugar na 'yon sa isipang madumi ito kaya lumabas siyang naka-shorts lang.Hindi mapakali si Eys. Alas-dos na.Tiningnan niya si Shan habang papalapit ito. Medyo kinakabahan siya. "Mr. Reyes, p'wede mo na bang ibigay ang IOU ngayon?""Mamaya na pagkatapos natin.""Dinala mo ba? Ipakita mo nga sa ’kin."Gustong yakapin ni Reyes si Eys pero mabilis itong umakyat sa kama. Maliit lang ang kwarto at halos katabi ng kama ang bintana.Napapaatras si Eys papunta sa gitna ng higaan, halatang kinakabahan. Pero hinila siya ni Shan gamit ang lubid par
Huling Na-update: 2024-12-12
Chapter: KABANATA 179Mabilis siyang hinila ni Eys papasok at isinara ang pinto. "Mr. Reyes, hindi mo ba naiisip na mas masaya dito? Lagi ka na sigurong nasa mga five-star hotel. Eh, pa'no kung medyo wild ang mangyari? Ayaw mo namang mapahiya, 'di ba?" Rason ni Eys.Tinitigan lang siya ni Shan. Sa bawat salitang binibitawan ng babae, halatang may halong panunukso rito.At nadala siya.Hinila niya si Eys papunta sa kanya at sinubukang halikan ang babae. "Eh, bakit nakatayo ka pa?"Sinubukan siyang itulak ni Eys pero dumampi na ang labi niya sa pisngi nito.Ang bango ni Eys—para itong natural na pamapalibog. Tuluyan nang nawala sa kontrol si Shan."Mr. Reyes, sandali lang!""Hindi ko na kayang maghintay!"Nagpumiglas si Eys mula sa mga bisig nito. "May inihanda ako para sa 'yo.""Ano 'yon?" tanong ni Shan habang bahagyang lumuwag ang pagkakahawak niya sa babae.Naglakad si Eys papunta sa kama at binuksan ang dala niyang bag. Mula rito, inilabas niya ang makapal na lubid.Tumaas ang kilay ni Shan. "Itatali mo
Huling Na-update: 2024-12-12
Chapter: KABANATA 178Sa ganitong bagay, mataas ang pamantayan ni Mason. Bukod sa magandang mukha, gusto niya ng malalambot na kamay at balingkinitang katawan—katulad ng kay Astrid.Nawala ang init na nararamdaman ni Cassie, kaya hindi na niya itinuloy ang ginagawa.Samantala, ang mga marka sa katawan ni Eys na gawa ni Mason ay hindi pa rin nawawala kahit ilang araw na ang lumipas, kaya napilitan siyang magsuot ng mga turtle neck na mga damit araw-araw kahit sobrang init sa Pinas.Mainit sa opisina, kaya tumutulo ang pawis sa noo ni Eys habang nagta-type sa laptop niya. Habang abala at naiinis sa nararamdamang init, biglang may narinig siyang papalapit na mga yabag."Sa wakas, nahanap rin kitang bruha ka," sabi ni Vincent nang tumigil ito sa tabi niya.Tumigil si Eys sa ginagawa at tumingin sa kaibigan. "Sabihin mo na agad."Nagmasid si Vincent sa paligid bago bumulong kay Eys.Mahinang pinisil ni Eys ang kanyang palad. "Sigurado ba 'yang balita mo?""Oo naman! Ginamit ko lahat ng koneksyon ko para dito,"
Huling Na-update: 2024-12-12
Chapter: KABANATA 177"Alam mo kung bakit ginawa ni Mason ang mga bagay na 'yon sa 'yo? Para kanino? Para sa 'kin! Para ipakita sa 'kin na kaya ka niyang kunin sa isang pitik niya lang ng daliri!"Narinig ni Eys bawat salita ni Shan, pero hindi niya maintindihan kung bakit galit na galit ito."Hindi naman ako umaasa sa kanya at hindi na ako nangangarap ng isang Mason Hunter Sy na luluhod sa 'kin para damputin ako sa lupa gaya ng pagpulit niya kay Miss Lopez," sagot ni Eys, kalmadong tumatawa nang sarkastiko. "Nakakatawa 'yang mga salitang 'hindi makalimutan' at 'hindi kayang bitawan' kung gagamitin sa 'kin."Alam niyang ang tanging hindi kayang bitawan ni Mason ay si Cassie."Kita mo naman kung ga'no kahalaga si Miss Lopez para sa kanya, 'di ba? Iniwan niya ako rito nang hindi man lang iniisip kung anong kahihiyan ang haharapin ko. Kahit mag-iwan ng isang damit para takpan ang sarili ko, wala siyang binigay sa 'kin. Kulang pa ba ang pagaparamdam niya na madumi ako at kaladkarin para hindi pa manuot sa kala
Huling Na-update: 2024-12-12