"'Wag ka ng bumili ng ulam mamaya, Jane, anak ha? Magluluto ako ng gulay ngayon. Kailangan muna nating magtipid at malapit na ang bayaran ng kuryente, baka maputulan nanaman ulit tayo."
Bago tuluyang lumabas ng bahay ay ngumiti ako. "Opo, ma." Malapad lang akong nakangti, bago tuluyang nagpaalam. "Sige po, alis na ako."Hinalikan ko sa noo at nginitian si mama bago tuluyang umalis ng bahay. Hindi na ako nakapagpaalam pa sa kapatid ko dahil mahimbing pa itong natutulog.May ngiti sa labi akong naglakad papunta sa pinagtatrabahuan kong kainan. Kahit mahirap ang buhay namin, at araw-araw naming problema ang pera para makaraos sa hirap ng buhay, hindi ko parin nakalilimutang ngumiti. Dahil na rin siguro sa itinuro ito sa amin ni mama. Kahit anong hirap, 'wag na 'wag kalilimutang ngumiti.Ilang minuto lang din at nakarating na ako sa pinagtatrabahuan kong kainan, ilang kanto lang ito malapit sa amin. Inaamin ko na nakakapagod itong trabaho ko. Pero hindi ko kailangang maramdaman 'yon araw-araw dahil ako lang ang nagtatrabaho at bumubuhay sa pamilya ko. Ngayon nga, binilin na ako ni mama na magbabayaran nanaman ng kuryente, para hindi kami maputulan ay kailangan kong kumayod ng doble at mag-over time dahil hindi sapat ang sinusweldo ko bilang tagaserve ng pagkain at kailangan ko pang magsideline bilang tagahugas ng pinggan."Pwede ka ng umuwi, Jane pagkatapos mo diyan. Heto ang sweldo mo para sa araw na ito." Matapos ang buong araw na pagtatrabaho, sa wakas makauuwi na rin ako nang may perang iaaabot kay mama. Inabot sa akin ni aling Fe ang limang daang peso. Mabilis ko munang pinunas ang kamay ko na may bahid pa ng sabon sa maong na pantalong suot bago inabot ang bayad."Salamat po. Malapit na rin po akong matapos rito, pagkatapos ay uuwi na rin ako. Salamat po ng marami," nakangiting pasalamat ko. Hindi na mamomroblema si mama, may pambayad na kami ng kuryente. Tamang-tama na ito para mabawasan ang isipin niya.Matapos ng trabaho ko ay kinuha ko ang bag ko bago muling nagpaalam kay aling Fe. Nang makalabas ay agad na gumuhit ang ngiti sa aking labi nang makita ang sundo ko."Mahal!" Kahit mahirap ang buhay, basta masaya lang ako, kontento na ako. Makita ko lang ang lalaking ito, nawawala ang pagod ko."Mahal!" bati ko pabalik bago tumatakbong lumapit sa kaniya."Dahan-dahan, baka madapa ka. Ikaw naman, hindi mo na kailangang tumakbo." Hindi ko mapigilang mapangiti at marahan siyang hampasin sa braso niya. Kahit kailan, napaka-alaga niya talaga. Kaya mahal ko siya eh."Hindi ka pa nasanay," pabiro kong sagot sa kaniya. Natawa naman siya bago kinuha ang dala kong bag at isang maliit na supot ng ulam. Natira ito sa tinda ni aling Fe. Pinadala nalang sa akin para raw may ulam kami ngayong gabi. Total libre naman, kinuha ko na.Nagsimula na kaming maglakad pauwi sa bahay namin. Magkahawak kamay, habang isa-isang tinitingnan ang nadaraanan at palitang nagsasabi ng pangarap namin sa isa't isa."Basta gusto ko ikaw ang maging asawa ko." Nabaling ang paningin niya sa akin dahil sa sinabi ko. Mas lalo ko namang nilawakan ang ngiti ko habang tinitigan niya ako. "Bakit? Ayaw mo?" Nagbago ang timpla ng mukha ko nang walang matanggap na sagot mula sa kaniya."Gusto, syempre." Ilang segundo pa ang lumipas bago ko natanggap ang sagot niya."Oh, bakit ganyan ka kung makatingin sa akin?" Bumalik ang ngiti sa labi ko."Wala lang. Ang swerte ko lang sa 'yo. Ang ganda-ganda mo kasi, ang sipag-sipag, napakaswerte ng nanay mo sa 'yo. At mas lalong swerte ako sa 'yo kapag napangasawa kita," mahaba niyang linya. Ang tamis niya, ha. Ang dami niya pang nasasabi eh, hindi nalang sabihin na gusto niya rin akong maging asawa."Alam mo, mas swerte ako sa 'yo. Dahil may boyfriend akong sobrang sweet at caring." Hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kaniya.Pareho nalang kaming natatawa sa pinagsasabi namin. Nasa ganun kaming sitwasyon hanggang sa makarating kami sa bahay. Naabutan ko si Alex na naglalaro sa labas ng bahay. Tumakbo ito palapit sa akin nang makita ako. Sinalubong ko ito ng mahigpit na yakap bago hinalikan sa noo.Nang makapasok kami sa loob ay agad akong nagmano kay mama, ganun din ang ginawa ni Dave sa kaniya. Inabot niya rin sa kaniya ang dala kong ulam, ngunit napansin kong malungkot ang mukha niya. Sasabihin ko sana na hindi galing sa pera ko ang pinambili sa ulam pero iba ang lumabas sa bibig ko."Ma, bakit po?" nag-aalala kong tanong sa kaniya.Bumaling siya sa bandang sala ng bahay bago ako hinarap. "Anak, may pumunta rito sa bahay..."Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita. Patakbo akong lumapit sa sala dahilan para makita ko ang mga sako ng bigas, maging ang napakaraming groceries na nagpalaki sa mata ko."May pumuntang tao rito anak. Hindi ko kilala, pero kilala nila tayo. Dala nila lahat ng 'yan, ayukong tanggapin pero nagpumilit sila. Ito..." May dinukot siya mula sa bulsa niya. Isang envelop na sigurado akong ang laman ay pera. "Inabot nila sa akin ito.""Ano pong kailangan nila, ma? May ginawa ba sila sa 'yo. Si Alex, sinaktan ba nila?"Napalingon ako kay Alex na tumatakbong lumapit sa akin. May dala na itong mga truck truck at kotse-kotsehang laruan. Nakaguhit ang saya at malawak na ngiti sa mukha ng kapatid ko habang nilalaro iyon. Ito ang unang beses na nakita ko ang mukha niya sa ganoong ekspresyon."Ma?" Binalik ko ang paningin kay mama. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kaba. Ang sikip ng dibdib ko.Namuo ang luha sa kaniyang mga mata. Mas lalo akong nag-alala para sa kaniya."Ikaw ang hinahanap, Jane. Kapalit ng lahat ng binibigay at ibibigay pa nila, ikaw."Napahawak ako kay Dave nang bigla akong makaramdam ng hilo. Nanlambot ang mga tuhod ko. Anong ako? Bakit may ako?"Bakit nga ba pinipilit niyo ang gusto niyo? I said no, can't you understand it? I said I don't love her, si Shane ang mahal ko, si Shane, hindi si Jane! Ni hindi ko nga siya kilala o kung sino man sa pamilya nila eh, why are you guys forcing me?" "Well, wala ka ng magagawa pa, Gian. Kasal na kayo. You like it or not, you are now living in one roof, together!" Halos mag-igting ako sa galit while hearing those words from my parents. Halos itakwil na nila ako bilang anak nila just for this freaking marriage.Wala akong choice. I have nothing to do but sign that damn contract para lang maging masaya sila. This is what they wanted? Edi magsawa sila. They've been telling me hundred times that it is for the company, for the company, for the freaking company! They didn't even care about their son! About their only son to be tied by marriage with a stranger."Both of you will benefit from this, anak. Please, don't get mad, magtiwala ka lang sa amin ng daddy mo," sabi ni mom habang marahang hi
Lumipas na ang gabi, pero hindi pa umuuwi si Gian. Kahit hindi ako mahal ng lalaking 'yon, ay nag-aalala parin ako sa kaniya. Hindi siya umuwi noong umaga, at hindi rin umuwi kagabi.Sa tuwing naiisip ko na baka kasama nito ang girlfriend niya ay hindi ko maiwasang masaktan. Nang ikasal ako sa kaniya, kahit mahirap at masakit ay nakipaghiwalay ako sa boyfriend ko. Kung ano ang sinabi ng mga magulang niya sa akin ay siyang ginawa ko. Kaya naman nasasaktan ako kapag naiisip na nagawa kong magsakripisyo pero siya ay hindi. Madalas ko parin siyang marinig na kausap ang girlfriend niya. At ang madalas na 'yon, halatang sweet sila. Bagay na hindi niya magawa sa akin, hindi ko na rin naman inaasahan na maging sweet siya sa akin eh.Nang lumipas ang oras at wala paring dumating na Gian ay napagpasyahan kong tawagan nalang si mama para kamustahin. Ilang minuto rin ang tinagal ng pag-uusap namin hanggang sa nagpaalam na siya.Kahit mahirap at napakalaki ng sakripisyo ko, masaya naman ako dahil a
Hindi ko na maiwasang kabahan dahil dalawang gabi nang hindi umuuwi si Gian. Lumipas na ang araw, ngunit wala akong nakita ni anino niya rito sa bahay.Ganun niya na ba ako inaayawan? Ni bumisita sa bahay niya ay hindi niya magawa?Dahil wala naman siya ay hindi ko na napag-desisyunan na magluto. Nagsaing lang ako at bumili ng delatang ulam. Halos katatapos ko lang kumain at kasalukuyang nakaupo sa sala, nag-aalala parin kay Gian nang bumukas ang pinto. Wala namang ibang tao ang maaaring pumasok dito kun'di si Gian lang, kaya dali-dali akong lumapit dito para salubungin siya.Ngunit nagulat nalang ako nang bumungad siya sa aking lasing na lasing. Halos pumikit na ang mga mata nito at kapit na kapit sa pinto para hindi matumba at mawalan ng balanse. Mabilis akong lumapit sa kaniya para alalayan, ngunit hindi ko pa siya tuluyang nahahawakan nang iwasan niya ako. Kahit hirap ay pinilit niyang tumayo at maglakad papasok. Nakasimangot kong sinara ang pinto habang nakasunod ang paningin sa k
Kinabukasan, maaga akong gumising para magluto ng almusal ni Gian. Habang nagluluto ay hindi ko parin maiwasang hindi maalala ang mga narinig at nakita ko kagabi, pero hindi ko nalang hinayaan ang sarili ko na maapektuhan ng nangyari.Even it hurts me, kinakaya kong umarte na parang walang nangyari, na parang wala akong nakita. I acted like it was just a normal day.Saktong-sakto na natapos akong maghain sa mesa nang bumaba si Gian. Nakabihis na ito at ready na ready nang pumasok sa trabaho. Agad ko siyang yinaya para mag-almusal."Gian! Kain ka muna o. Nagluto ako ng almusal!" Masigla akong nagsalita, kahit na walang emosyon ang mukha niya nang bumungad sa akin.I thought he will just ignore me, gaya ng lagi niyang ginagawa kapag niyayaya ko siyang kumain, pero hindi ganun ang nangyari ngayon. Naglakad ito palapit sa mesa at umupo sa paboritong pwesto niya. Hindi ko expected na hindi niya ako dededmahin ngayon. Mabilis ko siyang nilapitan at pinagsilbihan. Nilagyan ko ng sinangag at
Matapos ang nangyari kahapon, nag-aalinlangan ako kung ano bang lulutuin ko para sa almusal ni Gian ngayong araw. Kung ipagluluto ko siya ng sausage at itlog nanaman, siguradong magrereklamo nanaman 'yon, at siguradong mapupunta nanaman 'yon sa pananakit niya sa akin. Hindi pa humihilom ang natamo ko sa kaniya kahapon, kung maaari kailangan kong umiwas para hindi na madagdagan ang mga sugat at pasa ko."I won't be eating breakfast here. I invited someone to join me eat breakfast outside. Hindi mo na kailangan mag-effort pa, Jane." Hindi pa siya tuluyang nakakababa pero iyon agad ang binungad niya sa akin. Nanginginig ang kamay ko habang hawak ang tasa ng kape na inihanda ko para sa kaniya.Kahit mainit na kape man lang sa umaga, okay na. 'Yon ay kung tatanggapin niya.Hindi ko rin maiwasang makaramdam ng kaunting kirot sa puso ko dahil sa sinabi niya. Sumagi lang sa isip ko kung sino ang maaaring inimbita niya para mag-almusal sa labas, kumikirot na agad ang puso ko. She was the only
Gian's POVI am on the middle of my meeting with Mr. Alonzo when a familiar girl entered the restaurant where we are currently at. Halos balot ito ng suot niyang long sleeves na dress na lampas tuhod. Noong una ay hindi ko na lang siya pinansin, she wasn't restricted naman na lumabas. She has the rights to go wherever she wants to. But what makes me feel the anger ay nang maglakad ito palapit sa mesa ng isang lalaki. Kitang-kita ko ang ngiti nito sa lalaki, maging ang ngiti ng lalaki sa kaniya. So she's really cheating! At first, akala ko ako lang itong sobrang nag-iisip, but I was actually true!Nasa kalagitnaan ako ng meeting nang inis akong tumayo. Kitang-kita ko kung paano silang magbiruan. I never knew na may iba pa palang kilalang lalaki ang babaeng 'yon. Halos nasa loob lang siya ng bahay at talagang nakakagulat na malamang nakikipagkita siya sa ibang lalaki.Narinig ko pang tinawag ako ng mga kasama ko pero hindi ko sila pinansin. Tuloy-tuloy akong naglakad palapit sa mesa ni

"Bakit nga ba pinipilit niyo ang gusto niyo? I said no, can't you understand it? I said I don't love her, si Shane ang mahal ko, si Shane, hindi si Jane! Ni hindi ko nga siya kilala o kung sino man sa pamilya nila eh, why are you guys forcing me?" "Well, wala ka ng magagawa pa, Gian. Kasal na kayo. You like it or not, you are now living in one roof, together!" Halos mag-igting ako sa galit while hearing those words from my parents. Halos itakwil na nila ako bilang anak nila just for this freaking marriage.Wala akong choice. I have nothing to do but sign that damn contract para lang maging masaya sila. This is what they wanted? Edi magsawa sila. They've been telling me hundred times that it is for the company, for the company, for the freaking company! They didn't even care about their son! About their only son to be tied by marriage with a stranger."Both of you will benefit from this, anak. Please, don't get mad, magtiwala ka lang sa amin ng daddy mo," sabi ni mom habang marahang hi
"'Wag ka ng bumili ng ulam mamaya, Jane, anak ha? Magluluto ako ng gulay ngayon. Kailangan muna nating magtipid at malapit na ang bayaran ng kuryente, baka maputulan nanaman ulit tayo."Bago tuluyang lumabas ng bahay ay ngumiti ako. "Opo, ma." Malapad lang akong nakangti, bago tuluyang nagpaalam. "Sige po, alis na ako."Hinalikan ko sa noo at nginitian si mama bago tuluyang umalis ng bahay. Hindi na ako nakapagpaalam pa sa kapatid ko dahil mahimbing pa itong natutulog.May ngiti sa labi akong naglakad papunta sa pinagtatrabahuan kong kainan. Kahit mahirap ang buhay namin, at araw-araw naming problema ang pera para makaraos sa hirap ng buhay, hindi ko parin nakalilimutang ngumiti. Dahil na rin siguro sa itinuro ito sa amin ni mama. Kahit anong hirap, 'wag na 'wag kalilimutang ngumiti.Ilang minuto lang din at nakarating na ako sa pinagtatrabahuan kong kainan, ilang kanto lang ito malapit sa amin. Inaamin ko na nakakapagod itong trabaho ko. Pero hindi ko kailangang maramdaman 'yon araw-a