Napayuko ako’t nag iwas ng tingin sa lalaking ito. Mabilis kong pinunasan ng kamay ko ang noo ko at napanganga ako nang makita nga ang dugo roon.
“Uh… P-pasensya na. Akala ko ay wala pang tao rito…” Nauutal kong sabi at hindi pinansin ang sinabi niya kanina.
Hindi ako sigurado sa kung sino siya dahil ito ang unang beses na nakita ko siya, pero sa tingin ko ay ito ang importanteng bisita ni Flyn—at malaki itong tao. Ibig sabihin ay mas makapangyarihan ito kaysa kay Flyn pagdating sa estado ng buhay. Ramdam na ramdam ko iyon.
“Come here,” utos niya bigla kaya muli akong napapitlag. “Let me see you clearly.”
Sa halip na tumanggi ay tila may sariling buhay ang mga paa ko at nilapitan siya. Ramdam ko ang pamumuong bara sa lalamunan ko at mariing pumikit.
“What happened to your forehead?” tanong niya na tila ba dapat kong sagutin iyon nang totoo.
Umiling na lamang ako at nanatiling nakatingin sa mga paa ko. Ang mga kamay ko ay itinago ko sa likuran ko.
Sigurado akong malalagot ako kapag naabutan ako ni Flyn o kaya ni mama rito at nakikipag usap sa taong ito.
“You talked earlier, can’t you do that now?” He demanded. “You’re Flyn’s wife, right?”
“O-oo…” Bulong ko. Paano ko sasabihin sa kanya na gawa ito ng ina ng asawa ko? Magiging kahihiyan lamang ako.
“What happened to your forehead? Was that from a beating?”
“H-hindi…” Muli kong bulong at saglit na pumikit upang humingi ng tawad sa pagsisinungaling ko.
“P-pasensya na. Tatawagin ko na si Flyn at—”
“You should chin up and look at the person you’re talking to. It’s rude to be like that. Natatakot ka ba?”
Agad na kumalabog nang husto ang dibdib ko dahil sa tanong na iyon. Maisip ko pa lamang ang mga senaryo ng pambubugbog na maaaring gawin sa akin ni mama Amora lalo na ni Flyn sa oras na maabutan nila ako rito ay hindi ko na kaya.
Umiling ako’t dahan-dahang nagtaas ng tingin sa kanya. Hindi ko pa rin matagalang tingnan ang mga mata niya kaya muli akong tumingin sa ibang direksyon—sa likuran niya.
“Tatawagin ko na si Flyn para sabihing dumating ka na, sir,” tuwid kong sabi at tinalikuran na siya.
Ngunit bago pa ako humakbang ay mabilis niyang hinuli ang kamay ko. Huli na para pigilan ko pa siya nang bigla niyang iangat ang sleeve ng jacket ko.
“What the hell…” He muttered firmly, looking at the bruises on my arms. Dumaan ang galit sa mga mata niya. “Sinasaktan ka ba ni Flyn?”
“H-hindi! Bakit ba ang dami mong tanong…?” Nauutal kong sagot at binawi ang kamay ko sa kanya at mabilis na kinubli ng sleeve ang mga pasa ko sa braso.
“Tell me the truth or I’ll have him confess to me,” banta niya na para bang mahalagang malaman niya ito.
Muli ko siyang tiningnan. Bakas ang labis na galit sa mga mata niya. Nang tuluyan na siyang tumayo ay mas napatunayan ko kung gaano siya kalaking lalaki. Bumukha ang bibig ko ngunit walang salitang lumabas doon.
Kasabay non ay ang pagbukas ng pintuan kaya naalarma ako.
“Aeris, what the fuck are you doing here?” Bulalas ni Flyn at agad na bumaling ng tingin sa lalaking nasa harapan ko. “I’m so sorry, uncle, that my wife is bothering you.”
Uncle? Tiyuhin ni Flyn ang lalaking ito? Pero parang ang bata pa niyang tingnan…
Mabilis na bumaling sa akin si Flyn at akmang hahablutin na naman ako gaya ng palagi niyang ginagawa kaya mariin akong napapikit at umiwas.
“I wouldn’t do that if I were you, Flyn.” His uncle’s voice thundered around the room.
Bahagya kong minulat ang mga mata ko at doon ko nakitang hawak na ng uncle niya ang kamay ni Flyn. Matigas ang ekspresyon ni Flyn habang nakatingin sa akin at binawi ang kanyang kamay.
“Go and get mom here. Sabihin mong nandito na si Uncle Lucien,” matigas na utos niya sa akin. Bakas ang pagbabanta sa mga mata niya na parang sinasabi na mamaya niya ako haharapin.
Agad na lumabas ako ng silid at pinuntahan si mama. Natagpuan ko siya sa sala kasama ang isang napakagandang babae. Nakuha agad ang atensyon ko ng malaking dibdib niya na halos lumuwa na. Halatang balingkinitan ito. Maliit ang mukha at mukha pang anghel.
“Ma…” tawag ko.
Lumingon silang dalawa sa akin. “Nasa taas na po si… U-Uncle Lucien.”
Inirapan lamang niya ako at bumaling sa babaeng ito na nakangisi habang nakatingin sa akin.
“Let’s go, hija. My son would be so happy to see you again.”
Hindi ko mapigilang habulin sila ng tingin nang umakyat sila sa ikalawang palapag. Bakit magiging masaya si Flyn na makitang muli ang babaeng iyon? Sino ba siya?
Inabala ko na lamang ang sarili ko sa kusina upang magkaroon ng kapayapaan ang utak ko na hindi mag isip ng kung anu-ano tungkol sa babaeng iyon at sa kung ano ang gagawin sa akin ni Flyn mamaya bilang kaparusahan. Hindi rin nagtagal iyon nang utusan niya akong magdala ng wine at tatlong wine glass sa opisina.
Habang nagsasalin ng wine sa baso nilang tatlo ay ramdam kong may nakamasid sa bawat galaw ko. Nang sasalinan ko na ng wine ang baso ng babaeng ito ay pasimple niyang tinabig ang baso at agad na nabasag ito nang malaglag sa sahig.
“What the hell, Aeris! Ano bang ginagawa mo? Nakakahiya sa mga bisita!” Bulalas ni mama Amora, napatayo pa siya.
“I’m sorry, tita. It was my fault,” ani ng babaeng ito.
“Hurry up and just clean it, Aeris,” mando sa akin ni Flyn kaya naalarm ako at agad na lumuhod.
“Don’t you have maids here? Bakit asawa mo ang inuutusan mong magligpit sa kalat ng iba, Flyn?” tanong ng uncle niya, ramdam na ramdam ko ang bigat ng mga titig niya sa akin.
“Let her do her job, uncle. That’s what she deserves for being a useless mother and wife,” sagot ni Flyn.
“And why is that?” Uncle Lucien asked him again. Halos naisin kong maglaho na lamang doon dahil ayokong marinig ang usapan na iyon.
“She killed our child," Flyn said, full of hatred.
Bumagal ang tibok ng puso ko. Ang mga basag na baso sa paanan ko ay tila nais kong pulutin at ibaon na lamang sa aking leeg nang sa ganon ay mapagbayaran ko na sa harapan niya ang kasalanang hindi ko naman sinadya. Pakiramdam ko kasi ay iyon lang ang nais niyang kabayaran.
Ang buhay ko. Na parang hindi siya nangako sa harap ng altar na mamahalin niya ako kahit sa pinakamahirap na sitwasyon ng buhay namin.
Natahimik ang lahat. Sa takot na baka kung ano pa ang gawin ni Flyn ay walang-malay na pinulot ko isa-isa ang bubog ng baso. Patapos na ako saka ko lang napansin ang dugo sa kamay ko na umaagos. Bago pa iyon mapansin ng lahat ay lumabas na ako.
Itinapat ko ang sugat ko sa kamay sa umaagos na gripo para matigil hugasan at matigil ang pagdurugo non, ngunit habang tumatagal ay magkasabay nang umaagos ang dugo ko at ang tubig. Kagat-kagat ko ang labi ko habang unti-unting bumabalik sa alaala ko ang lahat ng nangyari.Bukod kay Flyn at sa magulang niya ay sinisisi ko rin ang sarili ko sa pagkamatay ng anak namin, ngunit hindi ko iyon ginusto. Hindi ko alam na buntis ako nang mahulog ako sa hagdan at hindi alam ni Flyn na kagagawan iyon ng mismong ina niya nang itulak ako nito.Tatlong araw akong walang malay non at nang magising ako ay ang galit at poot ni Flyn ang sumalubong sa akin. Sinubukan kong ipaliwanag sa kanya ang totoong nangyari, ngunit binantaan ako ni Mama Amora at binugbog nang gabing makauwi ako mula sa ospital.Lahat ng ito, ang sitwasyong ito ay kaparusahan dahil naniwala si Flyn sa sulsol ng kanyang ina na ginusto kong malaglagan ako dahil ayoko ng responsibilidad—gaya ng alam nila tungkol sa mga magulang ko. Ka
"Anong oras ka uuwi? Puwede ba tayong mag usap, Flyn?”Ni hindi man lang nabaling ang atensyon niya sa akin kahit saglit at patuloy ang pag-aayos ng kanyang tie. Tila nahihirapan siya roon kaya agad na tumayo ako't lalapitan na sana siya upang tulungan siya roon ngunit agad siyang umiwas sa akin.Napaawang ang bibig ko ngunit hindi ko na iyon masyadong pinansin pa. Baka pagod lang siya. Gaya nitong mga nakaraang gabi ay late na rin siyang nakauwi kagabi. Palagi siyang over time. Naiintindihan ko naman dahil CEO siya at marami talagang ginagawa ang mga katulad niya."Huwag na. Late ako makakauwi mamaya," malamig niyang sagot sa akin at naglakad patungo sa aming walk-in closet kaya sinundan ko siya."Overtime ka ulit? Hindi ba masyado ka nang lunod sa trabaho? Kailangan mo rin ng pahinga, Flyn," untag ko sa kanya at sinilip ang kanyang mukha.He's pissed, I can tell. Kunot na kunot ang kanyang noo."Just you do you, Aeris. Mas makakapagpahinga ako kapag hindi mo ako pinapakialaman," ani
Aeris“Aeris! Nasaan ka ba?! Kanina pa kita tinatawag ah!”Lakad-takbo ang ginawa ko makapunta lang nang mabilis sa sala nang marinig ko ang galit na boses ng byenan ko. Muntik pa akong bumangga sa dulo ng kitchen island dahil nanggaling ako sa dirty kitchen sa likod ng bahay.“Bakit po, ‘ma? May problema po ba?” Tanong ko nang madatnan ko siya roon habang prenteng nakaupo.Agad na tumutok ang matalim niyang tingin sa akin. “Hindi ba’t sabi ko ay maghanda ka ng hapunan dahil darating ang mga amiga ko? Bakit hanggang ngayon ay wala pa ring pagkain?”“Uh… Wala naman po kayong sinabi na—”“At gagawin mo pa kong sinungaling ngayon? Ano ngayon ang kakainin namin ng mga amiga ko? Ilang minuto na lang ay darating na sila! Wala ka talagang kwentang babae ka!” Galit na galit na sigaw niya.Hindi pa man ako nakakasagot ay bigla na lang siyang tumayo at agad na lumipad ang palad niya sa pisngi ko.“Halika rito. Tuturuan kita ng leksyon para magtanda ka!” Sigaw niya at bigla na lang hinablot ang

Napayuko ako’t nag iwas ng tingin sa lalaking ito. Mabilis kong pinunasan ng kamay ko ang noo ko at napanganga ako nang makita nga ang dugo roon.“Uh… P-pasensya na. Akala ko ay wala pang tao rito…” Nauutal kong sabi at hindi pinansin ang sinabi niya kanina.Hindi ako sigurado sa kung sino siya dahil ito ang unang beses na nakita ko siya, pero sa tingin ko ay ito ang importanteng bisita ni Flyn—at malaki itong tao. Ibig sabihin ay mas makapangyarihan ito kaysa kay Flyn pagdating sa estado ng buhay. Ramdam na ramdam ko iyon.“Come here,” utos niya bigla kaya muli akong napapitlag. “Let me see you clearly.”Sa halip na tumanggi ay tila may sariling buhay ang mga paa ko at nilapitan siya. Ramdam ko ang pamumuong bara sa lalamunan ko at mariing pumikit.“What happened to your forehead?” tanong niya na tila ba dapat kong sagutin iyon nang totoo.Umiling na lamang ako at nanatiling nakatingin sa mga paa ko. Ang mga kamay ko ay itinago ko sa likuran ko.Sigurado akong malalagot ako kapag naa