Share

Chapter 49

Mabagal kong idinilat ang aking nanlalabong mga mata habang nakahiga ako sa isang matigas na papag. Madilim ang paligid at hindi ko alam kung nasaan nga ba ako sa mga oras na ito.

Akma na sana akong uupo ngunit naramdaman ko ang pag-sakit ng aking tiyan. Kagat labi akong mabagal na umupo mula sa pagkakahiga.

Napahawak pa ako sa aking ulo dahil bigla na lamang itong nanakit. At nang pakiramdam ko ay okay na ako, mabagal ko nang inilibot ang aking paningin sa paligid.

Madilim dito at halos puno na ng alikabok. Ni-hindi ko rin maaninag ng maayos ang paligid dahil hanggang ngayon ay nanlalabo pa rin ang aking mga mata.

"Nasaan ba ako?" tanong ko sa aking sarili bago ako huminga ng malalim upang habulin ang napupugto kong hininga dahil sa sakit ng aking tiyan.

Hindi ko alam kung nasaan ako. Basta alam ko, uuwi ako sa bahay ngayon ni Michael para makausap siya. Basta alam ko kailangan ko siyang makita.

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata habang nag-iisip kung bakit ako napunta rito
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status