Share

CHAPTER 136.1

Penulis: Phoenix
last update Terakhir Diperbarui: 2025-02-23 14:58:06

CHAPTER 136

“Si sir hindi pa rin po ba siya nagigising?” tanong ng bodyguard.

Bahagya naman na ibinaba ni Theresa ang kanyang tingin at saka sya dahan dahan na tumango.

“Halos magaling na ang kanyang katawan pero ang pagsabog ng research noon ay nagdulot ng matinding pinsala sa kanyang katawan. Bukod pa nga roon ay ang mga lantaran at lihim na alitan sa kanilang pamilya ay nagpatagal sa tamang oras ng paggamot. At ngayon nga ang tanging paraan para magiding siya ay ang pasiglahin ang kanyang utak,” mabagal at malumanay na sagot ni Theresa. At napapangiti pa nga siya sa tuwing nababanggit niya ang lalaki dahil umaasa pa rin siya na magigising na nga ito.

Napatingin naman ang bodyguard niya sa orasan at agad nga rin nitong naunawaan kung ano ang dapat niyang gawin at saka nga ito lumabas ng silid na iyon.

Samantala naman pinidot nga ni Theresa ang isang button sa loob ng kwarto dahilan upang lumitaw ang isang lihim na lagusan.

Tahimik nga na naglakad at pumasok doon si Theresa hanggang
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terkait

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 136.2

    Masyado namang minahal ni Nelson si Theresa kaya naman kahit na ano pang baho ang sabihin sa kanya ay tinanggap na lamang niya ito at binalewala. Alam kasi niya na isa lamang iyong palabas pero hinayaan niyang siya nga ang masisi. Tinawag pa nga si Nelson na traydor, walang kwentang lalaki at isang hamak na kabit ng isang babae. Pero wala nga siyang pakialam doon.At sa huli nga tulad ng plano ni Theresa ay nakatakas siya papuntang ibang bansa. Dinala niya si Emmerson sa isang maliit na isla at doon nga niya ito itinago.Bagama’t mahina na nga ang katawan noon ni Emmerson at halos wala na nga itong pag asa pa na magising ay hindi nga sumuko si Theresa. Iba’t ibang paraan nga ang sinubukan niya upang magamot ito.Noon nga ay pinag aaralan ni Theresa ang holography dahil gusto niyang mamatay kasama si Emmerson sa isang virtual na mundo. Pero ngayon nga ay iba na dahil buhay pa nga si Emmerson. At dahil nga buhay pa nga ito ay may dahilan na siya ngayon para mabuhay.Ngayon nga ay pinag

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-23
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 137.1

    CHAPTER 137“Sino ba kasi sa tingin mo ang inaasahan ko?” sabi ni Sophia kay Johnny at ang kanyang boses ang may halong panunuya habang binibigkas ang mga iyon. “Binanggit mo si Francis sinusubukan mo ba siyang gamitin para idiin ako?” dagdag pa ni Sophia.Mapakla naman nga na tumawa si Johnny ngunit halata sa ekspresyon ng kanyang mukha ang pang iinsulto.“Ms. Sophia si Mr. Francis ba ang sandalan mo?” deretsahan ng tanong ni Johnny kay Sophia.Gusto sanag matawa ni Sophia dahil sa sinabi na iyon ni Johnny. Ilang araw na rin kasi na hindi maganda ang kanyang pakiramdam lalo na at nitong mga nakaraang araw ay abala si Raymond sa kanya at hindi niya pinagtuunan ng pansin ang mga tsismis tungkol sa kanya lalo na ang usapin tungkol sa nandaya siya sa pagsusulit. At nang dahil nga doon ay nagkaroon nga ng pagkakataon ang isang tulad ni Johnny upang itulak siya sa alanganin. Pero kailan pa niya naging sandalan si Francis? O mas tamang sabihin na kailan ba talaga siya pinrotektahan ni Fra

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-23
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 137.2

    “Sinabi ni Francis na hindi kayo mapapahamak dito. Pero sino ang makapagsasabi kung ano ang maaaring mangyari sa iyo at sa anak mo? Baka may ibang tao na hindi ka gusto. Baka may taong may gustong gawin sa inyo at walang makakapigil sa kanila,” sagot ni Sophia kay Johnny. “Tulad na lamang ng ilang tao na payapang naglalakad sa kalsada at bigla na lang matatamaan ng nahulog na bagay o di kaya naman ay bigla na lang mababangga at doon matatapos ang kanyang buhay. Johnny ang mga sakuna likas man iyan o gawa ng tao ay hindi natin iyan kayang kotrolin. Dahil sa huli si Francis ay hindi naman isang Diyos at hindi ka niya kayang protektahan sa lahat ng oras. Hindi ba?” pagpapatuloy pa ni Sophia.Wala namang direktang sinabi si Sophia na mangyayari pero sa bawat salitang binitawan niya ay parang sinasabi niya na may mangyayari nga. Bigla ngang nanlamig si Johnny at ramdam nga niya ang unti unting paggapang ng takot sa kanyang katawan.“Sinungaling ka. Niloloko mo lang ako,” sigaw ni Johnn

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-23
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 138.1

    CHAPTER 138Bigla naman na ngang nagbukas ang pintuan ng conference room.Nasa unahan nga si Francis at nang nag angat nga siya ng kanyang tingin ay agad nga niyang nakita ang isang eksena. Isang lalaki at isang babae ang bahagyang nakasandal sa isa’t isa. At kitang kita nga niya na napakalambing nga ng dalawa. At walang iba iyon kundi sila Raymond at Sophia.Dahil sa nakita na iyon ni Francis ay parang may kung anong bumara sa kanyang lalamunan.Tatlong taon din na nagsama bilang mag asawa sila Francis at Sophia. Pero kahit minsan ay ni hindi man lang nga yata ngumiti ng ganyan si Sophia sa piling ni Francis. O mas madaling sabihin na nang dahil kay Francis kaya hindi kailanman ngumiti ng ganoon si Sophia noong nagsasama pa sila.Ang lahat nga ng mga nasa conference room ay mga senior executive ng Bustamante Corporation. At karamihan nga sa kanila ay palaging sumusuporta kay Sophia ngunit may ilan din naman na hindi siya gusto dahil sa isa siyang babae na may mataas na posisyon sa k

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-24
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 138.2

    “Francis pagod na pagod na ako,” sabi ni Sophia.Hindi naman nga tumigil si Francis sa kanyang paglalakad.“Talaga bang hindi mo alam ang dahilan ko kung bakit gusto ko ng mag resign?” sabi pa ni Sophia.Nanatili lamang nga si Sophia sa kanyang kinatatayuan at nanatili pa nga rin siyang nakatitig kay Francis na hindi man lang nga lumingon sa kanya.“Ang pagkamatay ni Emman ay may kinalaman sa’yo,” dahan dahan pa na sabi ni Sophia at malinaw nga niyang binigkas ang bawat kataga no’n.Dahil nga sa sinabi na iyon ni Sophia ay napahinto nga si Francis sa kanyang paglalakad.“Ikaw ang namagitan kila Bianca at Yoba,” sabi pa ni Sophia.Dahan dahan nga na humarap si Francis. Aat ang madili, niyang mga mata ay punong puno ng lalim ngunit sa mga sandali nga na iyon ay halata ang pag aalinlangan niya. At hindi nga niya kayang titigan ng malinaw ang mga mata ni Sophia.Ngunit hindi nga siya tinantanan ni Sophia.“Si Nelson ay may plano na ipakuha ang pagsusulit sa iba at ikaw ang nagtakip ng ebi

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-24
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 139.1

    CHAPTER 139Nanatili lamang naman na nakatayo si Sophia roon at nasa likuran nga lamang niya si Raymond. Halos magkadikit na nga silang dalawa ngunit nanatili pa rin nga ang ngiti sa labi ni Raymond.Nang mga sandaling iyon ay tinitigan nga ni Raymond si Francis gamit ang madilim niyang mga mata na may bahid nga ng panunuya na tila isang hamon.“Mr. Francis sa pagkakataon na ito ay siguro naman pwede mo ng pakawalan si Sophia,” sabi ni Raymond at saka nga niya nginisian si Francis. “Matagal mo na rin naman siyang hindi pinayagan na makaalis hindi ba? Napakalayo na rin naman ng narating mo Mr. Francis at pinilit mo na manatili rito ang dati mong asawa kahit na divorce na kayong dalawa,” dagdag pa ni Raymond at ang tono pa nga ng kanyang pananalita ay punong puno ng panunulsol at pang aasar.Hindi naman nga ito pinansin ni Sophia. Hindi man lang nga siya tumingin kay Francis. Para bang napagod na nga siya at nagyuko na lamang siya ng ulo at inabala na lamang nga niya ang kanyang sarili

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-25
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 139.2

    “Secretary James sa tingin mo ba ay hindi ko kayang ibigay kay Sophia ang anumang bagay na kayang ibigay ni Francis?” sabat na ni Raymond at ang kanya ngang mga mata ay madilim at ang kanya ngang boses ay halata mo na galit na nga ito.“Kung gugustuhin niya na maging asawa ako na presidente ng Villamayor Group at maging Madam Sophia ay ibibigay ko sa kanya. At handa ko ring ibigay ang posisyon ko bilang presidente sa kanya. Ibibigay ko ang lahat ng meron ako. Kaya kong gawin ang lahat ng iyon pero ang presidente ng ninyo? Kaya ba niyang gawin yun?” sabi pa ni Raymond habang nakangisi pa nga ito na puno ng panunuya."Huwag mong sabihin sa akin na baka magsawa lang ako sa kanya at iwan siya balang araw. Hindi ko siya iiwan. At kahit may hindi inaasahang mangyari sa hinaharap ay ang lahat ng ibibigay ko sa kanya ay sapat na upang sirain ako kung gugustuhin niya. Ang salapi, kapangyarihan at katayuang inaalok ko ngayon ay sumasalamin sa aking katapatan. At walang sinuman ang magiging mas

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-25
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 140.1

    CHAPTER 140Kung si Sophia ay nanatili pa rin sa pamilya Bustamante ay malamang na siya ang naging dahilan kung bakit ang mga Bustamante ang magiging panalo sa financial summit.Ang kasabihang si Sophia ng Pamilya Bustamante ay kayang buhatin ang kalahati ng mundo ng negosyo sa Lungsod ay isang pananalitang umiikot sa industriya ngunit hindi ito gaanong kilala sa pangkalahatan. Gayunpaman kung mismong ang mga tao na nasa loob ng mundo ng negosyo ang nagsasabi nito ay hindi ba’t patunay lamang ito ng kakayahan ni Sophia.Ngunit ano nga ba ang magagawa ng isang babae na mag isang nakakuha ng multinational orders na nagkakahalaga ng bilyong piso kapag siya ay tuluyang nakawala sa mga gapos na pumipigil sa kanya? Sa ngayon nga ay walang nakakaalam.Ang tanging hiling nga lang talaga ng lahat ay kapag tuluyan nang umalis si Sophia sa pamilya Bustamante ay huwag sana niyang piliin na maging kaaway ang mga ito.*********“Ang ganda naman pakinggan niyan. Talaga bang ibinibigay mo sa akin ang

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-26

Bab terbaru

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 215.2

    “Francis, ikaw mismo ang pumatay sa anak mo. Ikaw mismo ang nagplano para patayin ang tagapagmana mo,” sabi ni Sophia at patuloy pa rin nga sa pag agos ang kanyang luha habang sinasabi nga niya iyon.At talagang napakasakit nga nitong isipin. Siya ang nasaktan pero tila si Francis ay wala ngang pakialam. Paanong nagawa niyang patayin ang sarili niyang anak na para bang wala lang?“Bakit Francis? Bakit mo nagawa ito? Ikaw ang salarin dito. At iaw ang ugat sa lahat ng kasamaan na ito. Kaya dapat lang na magdusa ka rin kasama ko,” sabi pa ni Sophia.Nanatili naman nga na nakatayo lang si Francis at nakaatulala. Paa bang pakiramdam nga niya ay bigla ngang nawalan ng saysay ang lahat. At para bang wala siyang ibang naririnig kundi ang isang pangungusap na paulit-ulit nga sa kanyang isip.“Francis, ikaw mismo ang pumatay sa anak mo.’Napakurap kurap pa nga si Francis habang nakatingin nga siya kay Sophia at tila ba naguguluhan nga siya. Hindi nya alam kung anong ibig sabihin no’n? Paanong s

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 215.1

    CHAPTER 215Sa mga sandali nga na iyon ay para bang tuluyan nang nakalimutan ni Francis ang lahat ng hindi nila pagkakaunawaan ni Sophia.Para bang hindi kailanman nangyari ang diborsyo, ang aksidente o ang lahat ng sakit sa pagitan nila. At para bang mag-asawa pa rin nga sila. At talaga namang nakakatawa nga iyon. KKung noon siguro ito ay maaaring natuwa pa nga si Sophia pero ngayon nga ay tila ba isa na itong katawa-tawang biro na lamang.“Francis, mukhang nakalimutan mo na ang lahat ng pader sa pagitan nating dalawa. Kailangan pa ba kitang paalalahanan ngayon?” sabi ni Sophia at saka nga siya napatingin sa red wine na nasa harapa nga niya at sa loob-loob nga niya ang may bahid nga ng pangungutya.“At saka kelan lang ako nakunan. Masyado pang mahina ang katawan ko. Hindi pa ako pwedeng uminom ng ganyan,” dagdag pa nga ni Sophia.Sa pagbanggit nga ni Sophia ng salitang ‘nakunan’ ay bigla ngang nagdilim ang mata ni Francis.“Huwag mo nang banggitin ang bagay na iyan sa harapan ko,” m

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 214.3

    Dahan-dahan naman nga na tumayo si Sophia at muli nga siyang tumingin sa buong paligid at talaga ngang walang nagbago roon.Nandoon pa rin nga ang mga stuffed toys sa sofa na siya nga mismo ang naglagay. Ang mga couple mugs na siya rin nga ang pumili ay nakapwesto rin nga sa mesa. Ang mga upuan ay ganoon pa rin nga ang disenyo. Ang rystal chandelier na siya rin nga mismo ang nagdisenyo ay nandoon pa rin. At ang mga mural sa pader na isa-isa nga niyang pinintahan ng buong pagmamahal noon para sana salubungin ang isang bagong buhay ay naroon pa rin. At halos sa lahat nga ng sulok ng bahay na iyon ay may bakas pa rin nga ng kanyang presensya.“Bakit hindi mo ito pinapalitan? Bakit nandito pa ang lahat ng ito? Iniisip mo ba na babalik pa ako?” mga tanong sa isipan ni Sophia habang inililibot nga niya ang kanyang tingin.Marahil nga sa sobrang liwanag ng ilaw ay itinaasnga ni Sophia ang kanyang mga kamay at saka nga niya tinakpan ang kanyang mga mata. At pakiramdam nga niya ay para bang ma

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 214.2

    “Pwede kang bumalik sa bahay natin,” sabi ni Francis at may bahid nga ng hinanakit ang kanyang boses. Matagal na kasing hinihintay ni Francis ito ang pagbabalik ni Sophia sa kanilang tahanan— sa tahanang itinuring nila na tahanan nilang mag-asawa.Ibinaling nga ni Sophia ang kanyang tingin at saka nga siya mahinang sumagot dito. At sa totoo lang ay wala nga siyang pakialam kung saan sila magkikita ngayon.“Sige, pupunta ako,” sagot nga ni Sophia.Pagkababa nga ng tawag ay nanatili pa nga rin na nakaupo si Sophia sa kanyang hospital bed habang hawak nga niya ang kanyang cellphone. At tila ba hindi pa rin nga siya nakakabalik sa kanyang sarili.Maya maya nga ay dahan-dahan na nga siyang tumingin kay Harold.“Dalhin mo ako roon,” mahina ang boses na sabi ni Sophia kay Harold. Alam kasi niyang narinig ni Harold ang buong pag uusap nila ni Francis.Hindi naman din kasi kalayuan ang bahay nila dati ni Francis noon sa ospital kung nasaan siya ngayon. At mga sampung minuto lang naman ang bya

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 214.1

    CHAPTER 214Pero ano nga ba ang papel ni Bianca sa lahat ng ito?Mahal na mahal nga ni Bianca si Francis at sa sobrang pagmamahal nga niya rito ay hindi nga niya matanggap na may ibang babae sa paligid ni Francis. Lalong lalo namang hindi niya matatanggap na si Sophia pa ang magdadala ng magiging anak ni Francis.Kaya naman hindi na nga kailangang kumilos ni Francis. Sapat na nga ang ibalita niya ang pagbubuntis ni Sophia at si Bianca na nga ang bahalang gumawa ng paraan para tapusin ito.Ang pagkalaglag nga ng bata na nasa sinapupunan ni Sophia ay dahil nga sa iniinom niyang gamot.Matapos nga na maisakatuparan ni Bianca ang una niyang plano ay mas lalo nga itong naging mapangahas. At unti-unti nga siyang tumapang. Lahat nga ng bagay tungkol kay Sophia ay kinamumuhian niya. At gusto nga niya na tuluyan na nga na mabaliw si Sophia hanggang sa manghina nga ito at sa huli ay mamamatay na lang na parang isang tuyong bulaklak.Sa puso nga ni Bianca ay pareho lang silang anak ni Nelson per

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 213.3

    Nanatili naman nga na tahimik si Louie at pinagmamasdan nga niya ang lahat sa harap niya. Ni hindi nga ito ngumingiti at hindi rin nga niya pinipigil ang galit ni Harold. Pero sa totoo lang ay pareho nga sila ng iniisip.Maya maya nga ay lumapit na nga siya kay Dr. Gerome.“Dr. Gerome wala na dapat tayong inaaksaya pa na oras. Kailangan na nating madaliin ito,” mahina ngunit deretsahan na sabi ni Louie.Pero sino nga ba ang maaaring gumawa nito kay Sophia? Wala nga silang kaide-ideya kung sino. At sa totoo lang ay iniisip nila na baka nadiskubre na ang totoong pagkatao ni Sophia na siya pala ang tunay na utak sa likod ng Prudence.Iniisip nila na baka gusto ng mga ito na pigilan ang pagdalo ni Sophia sa paparating na financial summit kaya gumamit sila ng ganito karuming paraan.Kung iyon nga talaga ang dahilan ay napakarami nga ng posible nilang kalaban kagaya na lamang nga pamilya Villamayor, pamilya ng mga Marquez, mga dating kasosyo at pati na rin ang mga tao na galing pa sa malal

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 213.2

    Pero kailan nga ba nagsimula na palitan ang gamot na iyon? Bago ba o pagkatapos ng pagkakalaglag ng batang nasa sinapupunan ni Sophia?Tahimik nga na tiningnan ni Dr. Gerome ang report na iyon. At lalo lamang ngang bumigat ang pakiramdam niya.Akala niya ang Shawn Hospital ay isang ligtas na tahanan at isang lugar na kontrolado niya. Pero hindi nga niya inaasahan na may ibang kamay na pala ang humahawak sa loob nito.Napansin naman nga nina Harold at Louie ang biglang pag-iiba ng ekspresyon ng mukha ni Dr. Gerome. Pareho pa nga silang napatingin sa kanya na puno ng kaba.“May problema ba sa mga gamot mo?” hindi na nga napigilan na tanong ni Harold ay Dr. Gerome.Alam kasi niya na para bang may kakaiba nga roon. At ramdam na ramdam nga niya ito noon pa dahil hindi nga ganito si Sophia.Hindi kasi kailanman naging ganito kabaliw si Sophia. Siya kasi ang klase ng tao na paagi ngang kalmado at kontrolado ang kanyang sarili. Kahit noon pa man na napilitan nga itong lumagda sa kontrata na k

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 213.1

    CHAPTER 213Kinabukasan nga ay maaga nga na isinalang ni Dr. Gerome si Sophia sa iba’t ibang klase ng test para malaman nga niya kung bakit hindi pa rin nga gumagaling si Sophia.At nang lumabas na nga ang resulta ng lahat ng ginawang test kay Sophia ay napakunot na lamang nga ang noo ni Dr. Gerome habang tinitingnan nga niya ito.Bagamat nagreseta nga siya ng mga gamot na pampalakas ng dugo para kay Sophia ay kitang kita naman nga na lalo nga na nanghihina ang katawan nito. At para bang may sintomas nga ito ng matinding pagkawala ng dugo at higit pa nga roon ay tila ba naapektuhan na rin nga ang kanyang utak.Isang maling galaw nga lang at maaari nga na tuluyan na itong mauwi sa bipolar disorder. Sa mga nakalipas kasi na mga araw ay napapansin nga ni Dr. Gerome na lalo ngang nagiging magulo at hindi na makatwiran ang mga kilos ni Sophia. Kaya nagtataka nga siya kung bakit nga ba ito humantong sa ganito.“Ano ba ang mga kinakain niya nitong mga nakaraang mga araw? unot noo nga na tan

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 212.3

    Ang tanging laman ng puso ni Sophia ngayon ay si Raymond lang at wala ng iba pa.Tinitigan nga ni Sophia si Francis at nagtagpo nga ang malamig nilang mga mata at si Sophia na nga rin ang dahan-dahan na umiwas dito. Wala nga ni isang salita ang lumabas sa kanyang bibig. At wala na talaga siyang pakialam ngayon kay Francis.Dapat nga ay noon pa ito nangyari sa mismong araw ng kanilang paghihiwalay. At wala na ring dahilan pa par sa matinding damdamin sa pagitan ng isang dating mag-asawa.“Francis,” mahinang sabi ni Sophia. “Ang dami mong naging malasakit sa butihin mong tiyo. Pero tingnan na lang natin kung kaya mong protektahan ang mga binti niya,” malamig pa na sabi ni Sophia.Pagasabi nga ni Sophia no’n ay unti-unti na nga na umangat ang bintana ng kotse at tuluyan na nga na isinarado ang pagitan nila.Tuluyan na nga na umalis ang sasakyan kung saan nakasakay si Sophia. At naiwan nga si Francis na nakatayo lang doon at tahimik na pinapanood ang papalayong anyo ni Sophia. At sa ilali

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status