Share

CHAPTER 139.1

Author: Phoenix
last update Last Updated: 2025-02-25 23:09:22

CHAPTER 139

Nanatili lamang naman na nakatayo si Sophia roon at nasa likuran nga lamang niya si Raymond. Halos magkadikit na nga silang dalawa ngunit nanatili pa rin nga ang ngiti sa labi ni Raymond.

Nang mga sandaling iyon ay tinitigan nga ni Raymond si Francis gamit ang madilim niyang mga mata na may bahid nga ng panunuya na tila isang hamon.

“Mr. Francis sa pagkakataon na ito ay siguro naman pwede mo ng pakawalan si Sophia,” sabi ni Raymond at saka nga niya nginisian si Francis. “Matagal mo na rin naman siyang hindi pinayagan na makaalis hindi ba? Napakalayo na rin naman ng narating mo Mr. Francis at pinilit mo na manatili rito ang dati mong asawa kahit na divorce na kayong dalawa,” dagdag pa ni Raymond at ang tono pa nga ng kanyang pananalita ay punong puno ng panunulsol at pang aasar.

Hindi naman nga ito pinansin ni Sophia. Hindi man lang nga siya tumingin kay Francis. Para bang napagod na nga siya at nagyuko na lamang siya ng ulo at inabala na lamang nga niya ang kanyang sarili
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 139.2

    “Secretary James sa tingin mo ba ay hindi ko kayang ibigay kay Sophia ang anumang bagay na kayang ibigay ni Francis?” sabat na ni Raymond at ang kanya ngang mga mata ay madilim at ang kanya ngang boses ay halata mo na galit na nga ito.“Kung gugustuhin niya na maging asawa ako na presidente ng Villamayor Group at maging Madam Sophia ay ibibigay ko sa kanya. At handa ko ring ibigay ang posisyon ko bilang presidente sa kanya. Ibibigay ko ang lahat ng meron ako. Kaya kong gawin ang lahat ng iyon pero ang presidente ng ninyo? Kaya ba niyang gawin yun?” sabi pa ni Raymond habang nakangisi pa nga ito na puno ng panunuya."Huwag mong sabihin sa akin na baka magsawa lang ako sa kanya at iwan siya balang araw. Hindi ko siya iiwan. At kahit may hindi inaasahang mangyari sa hinaharap ay ang lahat ng ibibigay ko sa kanya ay sapat na upang sirain ako kung gugustuhin niya. Ang salapi, kapangyarihan at katayuang inaalok ko ngayon ay sumasalamin sa aking katapatan. At walang sinuman ang magiging mas

    Last Updated : 2025-02-25
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 140.1

    CHAPTER 140Kung si Sophia ay nanatili pa rin sa pamilya Bustamante ay malamang na siya ang naging dahilan kung bakit ang mga Bustamante ang magiging panalo sa financial summit.Ang kasabihang si Sophia ng Pamilya Bustamante ay kayang buhatin ang kalahati ng mundo ng negosyo sa Lungsod ay isang pananalitang umiikot sa industriya ngunit hindi ito gaanong kilala sa pangkalahatan. Gayunpaman kung mismong ang mga tao na nasa loob ng mundo ng negosyo ang nagsasabi nito ay hindi ba’t patunay lamang ito ng kakayahan ni Sophia.Ngunit ano nga ba ang magagawa ng isang babae na mag isang nakakuha ng multinational orders na nagkakahalaga ng bilyong piso kapag siya ay tuluyang nakawala sa mga gapos na pumipigil sa kanya? Sa ngayon nga ay walang nakakaalam.Ang tanging hiling nga lang talaga ng lahat ay kapag tuluyan nang umalis si Sophia sa pamilya Bustamante ay huwag sana niyang piliin na maging kaaway ang mga ito.*********“Ang ganda naman pakinggan niyan. Talaga bang ibinibigay mo sa akin ang

    Last Updated : 2025-02-26
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 140.2

    Sa mga sandali nga na iyon ay pakiramdam nga ni Raymond ay kaya niyang gawin ang kahit na ano para sa kanya. Isang bagay na sa paningin ng iba ay ginagawa lamang ng isang hangal. Pero sa sandali nga na iyon ay tila ba pinili niya na maging isang hangal.Inaamin naman niya na hinahangaan niya si Sophia at hindi lang basta paghanga. Marahil ay hindi pa ito umabot sa tunay na pag ibig pero tiyak na nakaukit na siya sa kanyang puso. At ibinaba na nga niya ang kanyang sarili.Kung mahal pa nga rin talaga ni Sophia ang lalaki na iyon o hindi pa niya ito kayang pakawalan ay maaari siyang maging anino nito. At handa nga na gawin ni Raymond ang ganoong klaseng kabaliwan na isang sakripisyo na walang kwenta para sa munting pag ibig na ito.“Sophia,” sabi ni Raymond at saka nga niya hinaplos ang punong tainga ni Sophia gamit ang kanyang daliri at ang boses nga niya ay mas banayad. “Iaalay ko sa’yo ang puso ko. Tatanggapin mo ba ito?” dagdag pa niya.Ito na yata ang pinaka mapusok pero pinaka tao

    Last Updated : 2025-02-26
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 141.1

    CHAPTER 141Tahimik naman nga na nakamasid si Francis mula sa malayo. Ang kanyang pusong sugatan ay tila ba binudburan pa ng asin. At ang hapdi sa kanyang dibdib ay hindi na kayang magamot pa. At wala na nga siyang magawa pa ngayon kundi ang titigan na lamang nga sila Raymond at Sophia.Pero ano nga ba ang ginagawa ni Francis doon? Para ba magdala ng proposal? Ito ba talaga ang dapat niyang gawin?May iba naman na pwedeng pumunta kay Sophia gaya nila James at Khate o kahit pa ang ilan niyang mga tauhan. O kahit na dino pa maliban na lamang nga sa kanya. Pero siya pa rin nga ang pumunta roon dahil gusto nga niyang makita muki si Sophia.Ngunit may silbi pa ba ang makita niyang muli si Sophia? Hindi ba’t parang lalo lamang siyang masasaktan?Dahan dahan naman nga na nagbaba ng tingin si Francis at tiningnan nga niya ang mga dokumento na hawak niya. Ang dati nga na mahalagang plano ngayon ay parang wala ng silbi. Nanatili pa rin nga si Francis sa kanyang kinatatayuan at hindi nga siya na

    Last Updated : 2025-02-27
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 141.2

    Pero isang babae nga ang namumukod tangi sa kanilang lahat. May maharlika nga itong dating sa suot nitong mahabang palda ngunit kapag nakasuot nga ito ng business suit ay nagiging malaya at kapita pitagan nga ito. At kahit saan ngang anggulo ay nakakapagpabilis nga ng tibok ng puso ang sinumang makakakita sa kanya.Marami ngang mga netizens ang unang sinubukang lampasan lamang ang post na ito ngunit tila natigilan lang din sila ng makita nila ang kagandahan nito. Napapatulala na nga lamang din ang karamihan at hindi agad nakapag react. Sa paglipas nga ng oras ay dumami na nga ng dumami ang nakapansin sa post at bumaha nga ng diskusyon tungkol kay Sophia.“May makapagsasabi ba sa akin kung tunay ba na may ganito kaganda sa mundo?”“Grabe! Hindi ko ito kinakaya. Ang alam ko lang ay may tinatawag na ‘iron triangle’ ang pamilya Bustamante pero bakit walang nagsabi sa akin na ganito pala kaganda si Secretary Sophia? Ang lakas naman niya ang akala ko talaga ay nerdy ang itsura niya na para

    Last Updated : 2025-02-27
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 142.1

    CHAPTER 142 Ang kagandahan nga ni Sophia ay hindi na dapat pang pag usapan dahil ang talino at husay pa nga lang niya ay tunay ng dahilan kung bakit siya naging kahanga hanga at iginagalang ng nakararami. Maging ang mga estudyante nga ng Finance Department sa University na para bang napakalayo nga ng agwat sa pagitan nila at ni Sophia. Para sa kanila si Sophia kasi ay isang nilalang na may malasakit sa lahat at isang tunay na mabuting tao na hindi mapagkunwari. Ang charitable foundation na itinatag ni Sophia ay patuloy pa rin nga na tumatakbo hanggang ngayon. At sa tulong nga rin ng brand na nilikha niya ay naging self sufficient ito at patuloy pang nakatutulong sa maraming tao. Sa mga nakaraan ngang mga taon sa ilang charity dinner ay madalas na makita ang foundation na itinayo ni Sophia na nagbibigay ng malaking donasyon. At maging ang mga pangunahing media outlets ay kapag nababanggit ang foundation ay palaging ini-uugnay ito sa University at sa Finance Department. Dahil nga d

    Last Updated : 2025-02-27
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 142.2

    Ngayon nga lang talaga nila napagtanto ang tunay na halaga ni Sophia at hindi lang nga diya basta magandang babae lamang. Siya ang naging dahilan kung bakit nananatiling matatag ang Bustamante Group. Sa kabilang banda naman ay tahimik lang na nakaupo si Francis sa pinaka-gitnang upuan. Walang emosyon nga niyang pinapanood ang pagbagsak ng presyo ng kanilang stock. At hindi na nga namamalayan pa ni Francis na napapahigpit na pala ang pagkakahawak niya sa kanyang gintong panulat. Awtomatiko nga na napalingon siya sa kanyang kanan at yun nga ang lugar kung saan nga madalas na nakaupo si Sophia noon. Dati kasi ang taong palaging nasa posisyong iyon ay ang siyang nagpapalakas ng Bustamante Group. Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Francis at ang kanyang mga mata nga ay nanatiling madilim. “Sa tingin ko ay dapat nang paalisin si Bianca. Simula kasi ng pumasok siya sa Bustamante Group ay nagsimula na ang lahat ng problema.” “Si Secretary Sophia lamang ang secretary

    Last Updated : 2025-02-28
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 143.1

    CHAPTER 143SOPHIA: Sana ay hindi ka lang sumunod sa karamihan. Magpapatuloy ang Villamayor Group sa pakikipagtulungan sa Bustamante Group sa hinaharap. Maraming salamat sa inyong pang unawa at suporta.Malinaw nga ang pahayag na inilabas ni Sophia sa kanyang blog post na walang silang alitan ni Francis. May ugnayan pa rin naman siya sa pamilya Bustamante ngunit hindi ito pagkamuhi gaya ng mga kumakalat na sabi sabi.Dahil nga dito ay agad nga na naging hot topic na naman ang sagot ni Sophia na iyon.Matapos mga na magsalita ng mga taong sangkot doon ay muli ngang tumaas ang presyo ng stock ng mga Bustamante at patuloy pa nga itong umangat hanggang sa ito ay maging matatag na muli.Sa katunayan pa nga niyan ay lalo pa nga na tumaas ang presyo ng stock dahil sa anunsyo ng pakikipagtulungan na binanggit ni Sophia. Makatotohanan talaga ang istilo ng negosyo ni Sophia na palaging patas at hayagan.Bigla ngang natahimik muli ang loob ng conference room.Nanatili naman nga na nakasandal la

    Last Updated : 2025-03-01

Latest chapter

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 164.2

    “Kung hindi ka pa rin naniniwala ay bumalik ka at tanungin mo sila Khate at James para malaman mo kung nagbibiro lamang ako hindi. At para rin malaman mo na isa ka lang malaking biro,” dagdag pa ni Sophia at saka nga siya bahagyang lumapit pa kay Bianca.“At isa pa nga pala ay alamin mong mabuti na iniwan ko na talaga si Francis. At simula pa noong una hanggang ngayon ay ni minsan ay hindi ko siya ginulo. Kaya naman sana ay makontrol mo ang lalaki mo at huwag mo siyang hayaan na manggulo pa sa akin. Nakakabigat lang sya sa buhay ko,” sabi pa ni Sophia.Hindi naman nga nakaimik si Bianca atnanatili nga siyang nakatulala na lang kay Sophia.Akmang lalampasan na nga sana ni Sophia si Bianca pero saglit nga siyang natigilan at muli nga ay humarap sya rito.“Imbes na ako ang haeapin mo ay bakit hindi mo pigilan ang lalaki mo at siguraduhin na hindi diya naghahanap ng iba? Kung kahapon ay ikaw ang pinili niyang punatahan ay maaaring bukad ay iba naman. Sa dami ba naman ng babae sa mundo ay

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 164.1

    CHAPTER 164Ilang araw na rin kasi na hindi nakikita ni Bianca si Sophia. At sa totoo lang sa nakalipas nga na mga araw ay galit na galit nga si Bianca dahil sa litrato na ipinost ni Francis sa social media nito kaya naman halos mawala nga siya sa katinuan dahil sa sobrang galit. Kaya naman ngayong gabi nga nang makita nga ni Bianca si Sophia ay agad nga niya itong sinundan dahil hindi na nga niya kayang pigilan pa ang kanyang sarili.Iniisip kadi ni Bianca na kung umalis na nga si Sophia sa poder ni Francis pero patuloy pa rin nga itong iniisip ni Francis ay ibig sabihin non para sa kanya ay sinadya nga ni Sophia na akitin ito. Sa madaling salita para kay Bianca ay si Sophia nga ang may kasalanan at hindi si Francis.“Bianca mag dahan dahan ka sa mga sinasabi mo. Simula noong gabi na nakita kita ay ni minsan ay hindi na ako nakipag ugnayan pa kay Francis. Wala akong interes na maging kabit sa katawa tawa nyong relasyon na dalawa lalo na sa isang lalaki na katulad niya. Huwag mo ako

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 163.2

    Pagkalabas nga ng screenshot na iyon na nagpapaliwanag ang customer service ay agad nga na sumabog ang mga reaksyon sa social media.“Grabe kung hindi iyon si Mr. Raymond ay ewan ko na lang talaga. Malinaw naman na nagpapakita ito ng pagiging possessive nito.”“Ibig bang sabihin nito ay pareho na may gusto kay Ms. Sophia sika Mr. Francis at Mr. Raymond? Ang hirap naman paniwalaan na si Mr. Francis nga ang talo rito.”“Tama! Parang hindi talaga kapani paniwala na ang isang playboy na kagaya ni Mr. Raymond ang siyang magwawagi rito.”“Parang nahuhulaan ko na kung bakit umalis si Ms. Sophia sa Bustamante Group.”Maagang maaga pa nga lang ay sunod sunod na nga ang matitinding hakbang na ginawa ni Raymond dahilan upang sila nga ni Francis at Sophia ang maging trending sa social media.At nang makita nga nito ni Sophia ay natawa na lamang talaga siya dahil sa inis.gad naman na nagsorry si Raymond kay Sophia pero wala nga ni katiting na pagsisisi sa mukha nito at sa halip nga ay tila ba ipi

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 163.1

    CHAPTER 163Nanatili nga na nakatingin si Francis sa mga damit na yun ni Sophia at hindi nga niya magawang itapon ang mga ito. Ang mga gamit kasi na iyon ay minsan na nga na ginamit ni Sophia at naiwan lamang. At kung sakali nga na bumalik si Sophia roon balang araw at makita nga ang mga iyon ay tiyak na mararamdaman nito na pamilyar ang mga iyon sa kanya.Bigla ngang nagdilim ang mga mata ni Francis. Naisip niya na babalik nga si Sophia. At walang duda na isang araw ay babalik nga ito roon.***********Bibihira nga na magpost si Francis sa kanyang social media kaya naman ng mag upload nga ito ng larawan ng usang plush doll ay agad nga itong naging usap usapan.Una kasi ay nag post nga si Sophia ng isang larawan kung san ipinakita nga niya ang pagmamahal niya kay Raymond. At pagkatapos naman nga ay si Francis naman ang nag upload ng isang hindi karaniwang larawan para sa kanyang istilo dahilan upang mapunta nga siya sa trending search sa social media.Maaga naman ngang nakita ni Raymo

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 162.2

    Hindi na nga pinapansin ni Bianca kung mahal pa ba sya o hindi ni Francis. Dahil kung hindi nga niya makukuha ang pagmamahal ng binata ay makukuha naman nga niya ang kapangyarihan at posisyon. At kailangan nga niyang makuha ang isang bagay bilang kapalit ng lahat ng kanyang ginawa.“Syempre poprotektahan naman kita,” malamig na sabi ni Francis.Nag angat nga ng tingin niya si Francis at sa kauna unahan nga na pagkakataon ay isang mapait nga na ngiti ang lumitaw sa labi ng binata at isang ngiti nga iyon na tila ba hindi na nga niya namalayan na kanya palang ginawa.Bigla ngang natahimik si Bianca at bigla nga niyang naisip kung nailigtas ba siya noon? Bakit parang habang buhay na siyang nakakulong sa insidente na iyon? Bakit pakiramdam nga niya ay tila ba hindi nga siya kailanman tuluyang nakatakas?Naisip din nga niya na para bang habambuhay na lang siya na mabubuhay sa pagkakautang at pagkakasala.“Tara na. Umuwi na tayo,” sabi ni Francis kay Bianca at pilit nga niyang isinasantabi a

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 162.1

    CHAPTER 162Naisip kasi ni Bianca na kailangan nga niyang makumbinsi si Francis na tuparin nito ang pangako nito sa kanya dahil kailangan nga niyang makuha ang lahat ng nais niya.Sandali naman ngang natulala si Francis at tila ba bumalik nga sa kanyang isipan ang isang alaala mula sa nakaraan.Bigla niyang naalala na noong mga panahon na iyon ay masyado ngang naging mabilis ang pag unlad ng Bustamante Group at bilang tagapagmana nga nito ay naging target nga siya ng isang kalaban na kumpanya. At sa murang edad nga ay nasangkot siya sa isang aksidente sa sasakyan at dinukot nga siya at dinala sa isang liblib na bayan. At ang lugar nga na iyon ay pugad ng mga human traffickers. Palno nga ng mga ito na ipagbili siya sa malayong probinsya o kaya naman ay dalhin nga siya sa ibang bansa.Ngunit nang mga panahon din nga na iyon ay may isang batang babae nga ang naroon at isa rin nga itong biktima ng mga ito at ito nga ang nangunguna sa iba pang mga bata na anroon para malinlang ang mga kumu

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 161.2

    “Sir Francis may kailangan po ba kayo?” nag aalala na tanong ng kasambahay kay Francis.Napatingin naman si Francis sa gawi ng kasambahay. Sa mga sandali nga na iyon ay tila ba may ibang anyo nga siyang nakikita at isang anino iyon na hindi dapat naroon. Payat at mukhang marupok ngunit may kakaibang lakas.Mahigpit naman nga na naikuyom ni Francis ang kanyang kamao at nanatili nga ang malamig na ekspresyon ng mukha nito.“Wala. Bumalik ka na sa ginagawa mo,” malamig na sagot ni Francis sa kasambahay.Napabuntong hininga naman nga ang kasambahay. Gusto pa sana niyang magtanong sa kanyang amo ngunit nang makita nga niya na wala ng sasabihin si Francis ay tumalikod na nga rin siya.Sakto naman nga na tumunog ang doorbell kaya naman agad na nga na binuksan ng kasambahay ang pinto at agad nga na bumungad sa kanya si Bianca. Dali dali pa nga itong pumasok at halos itulak pa nga nito ang kasambahay sa gilid.“Ali masyadong marami ang nainom mo ngayong gabi. Ayos ka lang ba? Masama ba ang pak

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 161.1

    CHAPTER 161Marami na nga ang lumabas na ulat tungkol kay Raymond noon na madalas nga siyang makita na kasama ng iba’t ibang babae. Ngunit sa larawan nga na ito ay ibang iba nga ang kanyang dating. Mukha kasi siyang maamo at malambing na malayong malayo sa dati niyang imahe na may bahid nga ng kasamaan at tikas. Parang nawala nga bigla ang kanyang mga tinik at ang natira na nga lang ay puro lambing.Pagkatapos nga na maipost ni Sophia ang larawan na iyon ni Raymond ay agad nga iyong naging trending sa internet.Noon nga ay marami pa rin nga ang hindi naniniwala sa relasyon nila Sophia at Raymond. Pero ngayon nga na nakita nila ang larawan na ipinost ni Sophia ay tila ba bigla ngang nagbago ang ihip ng hangin.“Sino ba kasi ang nagsabi na hindi sila bagay na dalawa? Sige nga lumabas ka ngayon at ngayon mo nga sabihin na hindi sila bagay na dalawa.”“Marahil ito na nga ang eksakto na kwento ng isang lalaki na gala na bumalik para sa kanyang minamahal. Perpekto talaga ang kombinasyon nil

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 160.2

    Napangiti na lang nga ang mga tao na naroon at pilit na nililibang ang kanilang mga sarili at kunwari nga ay hindi sila naroon upang manood. Mabilis nga nilang ibinaling ang kanilang atensyon sa iba pang mga naroon kahit pa hindi nga sila magkakakilala at saka sila tuluyang nag alisan.Sakto naman na lumabas nga mula sa kabilang elevator sila Sophia at Raymond at nakita nga nila ang eksena na iyon.“Mukha ba siyang salot?” bulong ni Sophia at bahagya pa nga na nakataas ang kanyang kilay.Mahina naman nga natawa si Raymond at saka nga ito tumikhim.“Mukha nga,” mahina rin naman na sagot nito.Kahit nga sa mga ganitong sitwasyon ay hindi pa rin nga pinalampas nito ang pagkakataon na manudyo. At talaga ngang malakas mang udyok si Sophia na gumanti.Ngayon nga ay kakaunti na lamang ang natitirang tao sa lugar at ang mga matatapang na lamang nga ang hindi agad umalis. Nanatili pa rin nga na nakatayo si Sophia ngunit hindi man lang nga siya tumitingin kay Francis, mula sa umpisa hanggang s

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status