Share

CHAPTER 137.2

Author: Phoenix
last update Huling Na-update: 2025-02-23 23:00:31

“Sinabi ni Francis na hindi kayo mapapahamak dito. Pero sino ang makapagsasabi kung ano ang maaaring mangyari sa iyo at sa anak mo? Baka may ibang tao na hindi ka gusto. Baka may taong may gustong gawin sa inyo at walang makakapigil sa kanila,” sagot ni Sophia kay Johnny.

“Tulad na lamang ng ilang tao na payapang naglalakad sa kalsada at bigla na lang matatamaan ng nahulog na bagay o di kaya naman ay bigla na lang mababangga at doon matatapos ang kanyang buhay. Johnny ang mga sakuna likas man iyan o gawa ng tao ay hindi natin iyan kayang kotrolin. Dahil sa huli si Francis ay hindi naman isang Diyos at hindi ka niya kayang protektahan sa lahat ng oras. Hindi ba?” pagpapatuloy pa ni Sophia.

Wala namang direktang sinabi si Sophia na mangyayari pero sa bawat salitang binitawan niya ay parang sinasabi niya na may mangyayari nga.

Bigla ngang nanlamig si Johnny at ramdam nga niya ang unti unting paggapang ng takot sa kanyang katawan.

“Sinungaling ka. Niloloko mo lang ako,” sigaw ni Johnn
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 1

    CHAPTER 1Habang umiinom ng gamot si Sophia ay bigla namang tumunog ang kanyang phone kaya naman dali dali na nya iyong kinuha at nakita nga nya na ang kanyang matalik na kaibigan na si Karylle ang nagmessage sa kanya kaya naman agad na nga nya iyong binuksan.“Girl, Bumalik na pala ang asawa mo,” basa ni Sophia sa mensahe ng kanyang kaibigan. Kaya naman bigla syang natigilan dahil doon. Higit isang buwan din kasi silang walang komunikasyon ng kanyang asawa matapos itong ipadala ng ama nito sa ibang bansa para pamahalaan ang kumpanya ng pamilya nito roon.“Hindi ko alam na bumalik na pala siya ng bansa,” sagot ni Sophia sa kanyang kaibiganBigla namang tumunog muli ang kanyang phone kaya agad na nga nya itong binuksan muli.“Bumalik na sya at alam mo ba na mayroon syang kasamang babae na mukhang mas bata pa sa kanya at kilalang kilala mo rin,” sagot pa ni Karylle sa kanyang kaibigan at kalakip pa ng kanyang mensahe ay isang larawan at nakita nga roon ni Sophia ang kanyang asawa na

    Huling Na-update : 2024-12-05
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 2

    CHAPTER 2Matapos ang isang linggong sick leave ni Sophia ay muli na nga syang pumasok sa opisina.Pagkapasok nga nya sa loob ng kumpanya ay napansin nya ang ilang mga empleyado na nagbubulungan.“Manager Sophia hindi nyo pa po ba alam? May bago na pong sekretarya si sir Francis at ang apelyido rin po nito ay Marquez kagaya nyo,” daldal naman ng isang empleyada kay Sophia.Nagulat naman si Sophia sa sinabi ng isang empleyada nila. Bigla tuloy syang napaisip na talaga palang ipinalit ni Francis si Bianca sa kanya bilang sekretarya nito.Pagkalipas ng ilang sandali ay pinatawag nga si Sophia sa opisina ni presidente kaya naman agad na syang pumunta roon.Agad naman na napatingin si Francis sa bagong dating na si Sophia.“Dahil gusto mong manatili rito sa kumpanya ang pagiging personal na sekretarya ko ay hindi na nababagay pa sa’yo. Sakto naman na may bakanteng posisyon sa isang department dito kaya naman inilipat na kita roon bilang manager,” agad na sabi ni Francis kay Sophia.Dahil n

    Huling Na-update : 2024-12-05
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 3

    CHAPTER 3Kahit na nasasaktan sa sinabi ni Francis ay pinilit ni Sophia na magpakahinahon. Napabuntong hininga na nga lamang sya para pakalmahin ang kanyang sarili.“Mr. Bustamante pinaalalahanan ko si ms. Bianca tungkol sa bagay na yan. May surveillance camera ang ating kumpanya kung hindi ka naniniwala sa sinasabi ko. Maaari natin itong paimbestigahan at i-verify kung gusto mo,” sagot ni Sophia kay Francis dahil parang gusto nitong isisi sa kanya ang pagkakamali ni Bianca.Bigla namang namutla si Bianca dahil sa sinabi ni Sophia.“A-ate Sophia siguro ay nadistract lamang ako kaya hindi ko masyado narinig ang mga sinabi mo kaya nagkamali ako. P-pasensya na,” pagdadahilan na lamang ni Bianca kay Sophia dahil alam naman nya na sya ang mali at yun na lamang ang naisip ni Bianca na idahilan.Hindi naman sya pinansin pa ni Sophia at sinamaan lamang nya ito ng tingin.“Sa dami ng produkto na yun. Imposibleng palampasin lamang ng mga Villamayor iyon. Ako na muna ang hahawak sa mga produkto

    Huling Na-update : 2024-12-05
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 4

    CHAPTER 4“Hindi ko pa alam,” sagot ni Sophia sa kaibigan habang mahigpit nyang hawak ang pregnancy test kit na iniabot sa kanya ni Karylle.Hindi kasi dinaratnan ng buwanang dalaw si Sophia ngayon at parang may kakaiba rin kasi syang nararamdaman nitong mga nakaraang araw kaya napagpasyahan nga nya na gumamit na ng pregnancy test kit.“Kung buntis ka nga. Anong gagawin mo? Sasabihin mo ba ito kay Francis?” tanong pa ni Karylle sa kanyang kaibigan.Bigla namang natigilan si Sophia. Naalala nya kasi na ayaw ni Francis na magkaanak sa kanya. Ito na lang sana din ang pag asa nya para kay Francis pero natatakot sya na baka magalit ito sa kanya.“Hindi. Hindi ko sasabihin sa kanya kung sakali ngang buntis ako. Ayaw kong ipilit sa kanya ito dahil alam ko na ayaw nya. Mas mabuti pa na ilihim ko ito kung sakali,” malungkot na sagot ni Sophia sa kanyang kaibigan.Tatlong taon na rin talaga syang naghihintay na magkaroon ng anak pero ngayon na dumating na nga ito ay mukhang huli na nga ang laha

    Huling Na-update : 2024-12-05
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 5

    CHAPTER 5 “Hindi ako kailanman nagkautang kay Bianca at hindi rin ako nagkautang sa’yo Francis. Maaaring sa trabaho ay senior nya lamang ako. Pero sa personal naming buhay ay wala kaming utang na loob sa kanya,” seryoso pa na sabi ni Sophia kay Francis. Napadako naman ang tingin ni Francis kay Sophia at napabuntong hininga na lamang sya rito. Nakasuot lamang kasi si Sophia ngayon ng simpleng damit at simpleng mahabang palda at balingkinitan pa ang baywang nito. Maganda rin ang mata at kilay ni Sophia. Si Sophia kasi ay may pagkamatigas at malamig ang ugali. Napakatalino rin nito at talaga naman na hinahangaan din ang kagandanhan nito. “Pasensya na. Alam kong kasalanan ko ito,” seryoso naman na sabi ni Francis kay Sophia. Hindi naman na nagsalita pa si Sophia at napabuntong hininga na lamang sya dahil doon. Katahimikan naman ang namayani sa kanilang dalawa at hindi nga maiwasan ni Francis na mapasulyap sa magandang mukha ni Sophia. KINABUKASAN…… May lumabas naman na balita tun

    Huling Na-update : 2024-12-06
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 6

    CHAPTER 6Hindi naman na nakatiis pa si Sophia at itinulak na nga nya ang pinto ng opisina ni Francis at kaagad na pumasok doon. Blangko lamang ang ekspresyon ng kanyang mukha at sandali pa nga nyang tiningnan ang kanyang kapatid na si Bianca na parang natuod na sa kinupuan nito at hindi magawang tumingin sa kanya.Agad naman na iniabot ni Sophia ang dala dala nyang mga dokumento kay Francis. Mga bagong kontrata iyon sa bagong kooperasyon na iminungkahi nila Marvin at Raymond Villamayor.Si Raymond Villamayor ay isang tao na may malalim na pag iisip ngunit sa pagkakataon na ito ay basta basta na lamang nito iminungkahi ang tungkol sa bagong kooperasyon na para bang nagustuhan nito ang isang bagay na para bang tiyak sya na mananalo.“Mr. Francis ito na ang mga bagong impormasyon tungkol sa bagong kooperasyon mula sa mga Villamayor,” seryosong sabi ni Sophia kay Francis.Napasimangot naman si Francis at saka nya pinasadahan ng tingin si Sophia. Sa trabaho kasi ay madalas nga na nakasuo

    Huling Na-update : 2024-12-06
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 7

    CHAPTER 7Bigla namang natigilan ang security guard dahil sa sinabi ni Sophia at bigla pa nga siyang kinabahan dahil baka maparusahan pa sya. Akmang lalapitan na nga sana ng guard si Bianca upang palabasin ng conference room ng bigla nga itong tumakbo papunta kay Sophia.Nang makalapit si Bianca kay Sophia ay agad nya nga itong hinawakan sa kamay at saka nya ito matalim na tinitigan.“Ate hindi mo ito pwedeng gawin sa akin,” sabi pa ni Bianca kay Sophia.Bigla namang natigilan si Sophia dahil sa ginawa at sinabi ni Bianca. Ate? Tinawag sya nitong ate. Nagtitimpi naman si Sophia na matawa dahil paano sya natatawag ng ganito ni Bianca. Nagpapasalamat na lamang din sya sa ginawa ni Bianca na pagtawag na ate dahil magagawa nyang magmumukha inosente at tawagin syang ate na nakakaawa.“Bianca nag iisa lamang ako na anak ng aking ina. Kaya hindi ako karapat dapat na tawaging ate,” sagot naman ni Sophia habang may nakakaawang ekspresyon ng mukha.“Ms. Bianca kung anoman yang pinag uusapan

    Huling Na-update : 2024-12-08
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 8

    CHAPTER 8Pagkaalis naman ni Sophia sa conference room ay may nakita naman sya na delivery boy. Nang makita nga sya nito ay agad nga itong lumapit sa kanya habang nakangiti.“Ikaw po ba si Ms. Sophia Marquez? Pinapabigay nga po pala ni Mr. Raymond Villamayor itong isang Blue Enchantress,” sabi ng delivery boy kay Sophia.Agad naman na napatingin sa gawi ni Sophia ang mga naroon ng marinig ang sinabi ng delivery boy.Ang Blue Enchantress kasi ay isang malaking bungkos ng blue roses at tila nagniningning ito sa malambot na liwanag.Sa kabilang kamay naman ng delivery boy ay may hawak pa siyang jewelry box na yari sa kahoy at may nakaukit pa nga roon na phoenix pattern.Sa loob ng kahon ay may laman itong isang Red Agate Neclace. Ang kulay nitong dugong pula ay sobrang kumikinang at nakakasilaw at hindi mo maiwasang tumitig dito kapag nakita mo na.Mayroong maliit na card sa loob ng kahonnna may nakasulat sa isang magarbo eleganteng estilo.‘May you be as bright and radiant as the risin

    Huling Na-update : 2024-12-09

Pinakabagong kabanata

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 137.2

    “Sinabi ni Francis na hindi kayo mapapahamak dito. Pero sino ang makapagsasabi kung ano ang maaaring mangyari sa iyo at sa anak mo? Baka may ibang tao na hindi ka gusto. Baka may taong may gustong gawin sa inyo at walang makakapigil sa kanila,” sagot ni Sophia kay Johnny. “Tulad na lamang ng ilang tao na payapang naglalakad sa kalsada at bigla na lang matatamaan ng nahulog na bagay o di kaya naman ay bigla na lang mababangga at doon matatapos ang kanyang buhay. Johnny ang mga sakuna likas man iyan o gawa ng tao ay hindi natin iyan kayang kotrolin. Dahil sa huli si Francis ay hindi naman isang Diyos at hindi ka niya kayang protektahan sa lahat ng oras. Hindi ba?” pagpapatuloy pa ni Sophia.Wala namang direktang sinabi si Sophia na mangyayari pero sa bawat salitang binitawan niya ay parang sinasabi niya na may mangyayari nga. Bigla ngang nanlamig si Johnny at ramdam nga niya ang unti unting paggapang ng takot sa kanyang katawan.“Sinungaling ka. Niloloko mo lang ako,” sigaw ni Johnn

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 137.1

    CHAPTER 137“Sino ba kasi sa tingin mo ang inaasahan ko?” sabi ni Sophia kay Johnny at ang kanyang boses ang may halong panunuya habang binibigkas ang mga iyon. “Binanggit mo si Francis sinusubukan mo ba siyang gamitin para idiin ako?” dagdag pa ni Sophia.Mapakla naman nga na tumawa si Johnny ngunit halata sa ekspresyon ng kanyang mukha ang pang iinsulto.“Ms. Sophia si Mr. Francis ba ang sandalan mo?” deretsahan ng tanong ni Johnny kay Sophia.Gusto sanag matawa ni Sophia dahil sa sinabi na iyon ni Johnny. Ilang araw na rin kasi na hindi maganda ang kanyang pakiramdam lalo na at nitong mga nakaraang araw ay abala si Raymond sa kanya at hindi niya pinagtuunan ng pansin ang mga tsismis tungkol sa kanya lalo na ang usapin tungkol sa nandaya siya sa pagsusulit. At nang dahil nga doon ay nagkaroon nga ng pagkakataon ang isang tulad ni Johnny upang itulak siya sa alanganin. Pero kailan pa niya naging sandalan si Francis? O mas tamang sabihin na kailan ba talaga siya pinrotektahan ni Fra

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 136.2

    Masyado namang minahal ni Nelson si Theresa kaya naman kahit na ano pang baho ang sabihin sa kanya ay tinanggap na lamang niya ito at binalewala. Alam kasi niya na isa lamang iyong palabas pero hinayaan niyang siya nga ang masisi. Tinawag pa nga si Nelson na traydor, walang kwentang lalaki at isang hamak na kabit ng isang babae. Pero wala nga siyang pakialam doon.At sa huli nga tulad ng plano ni Theresa ay nakatakas siya papuntang ibang bansa. Dinala niya si Emmerson sa isang maliit na isla at doon nga niya ito itinago.Bagama’t mahina na nga ang katawan noon ni Emmerson at halos wala na nga itong pag asa pa na magising ay hindi nga sumuko si Theresa. Iba’t ibang paraan nga ang sinubukan niya upang magamot ito.Noon nga ay pinag aaralan ni Theresa ang holography dahil gusto niyang mamatay kasama si Emmerson sa isang virtual na mundo. Pero ngayon nga ay iba na dahil buhay pa nga si Emmerson. At dahil nga buhay pa nga ito ay may dahilan na siya ngayon para mabuhay.Ngayon nga ay pinag

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 136.1

    CHAPTER 136“Si sir hindi pa rin po ba siya nagigising?” tanong ng bodyguard.Bahagya naman na ibinaba ni Theresa ang kanyang tingin at saka sya dahan dahan na tumango.“Halos magaling na ang kanyang katawan pero ang pagsabog ng research noon ay nagdulot ng matinding pinsala sa kanyang katawan. Bukod pa nga roon ay ang mga lantaran at lihim na alitan sa kanilang pamilya ay nagpatagal sa tamang oras ng paggamot. At ngayon nga ang tanging paraan para magiding siya ay ang pasiglahin ang kanyang utak,” mabagal at malumanay na sagot ni Theresa. At napapangiti pa nga siya sa tuwing nababanggit niya ang lalaki dahil umaasa pa rin siya na magigising na nga ito.Napatingin naman ang bodyguard niya sa orasan at agad nga rin nitong naunawaan kung ano ang dapat niyang gawin at saka nga ito lumabas ng silid na iyon.Samantala naman pinidot nga ni Theresa ang isang button sa loob ng kwarto dahilan upang lumitaw ang isang lihim na lagusan. Tahimik nga na naglakad at pumasok doon si Theresa hanggang

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 135.2

    Bigla ngang lumakas ang ingay ng makina. Unti unti ngang nanginig ang kanyang mga kamay at bigla ngang bumukas ang kanyang mga mata. Isang matinding kuryente ang bumalot sa katawan ng babae at hinatak nga siya mula sa ilusyon pabalik sa realidad.Bahagya ngang nakadilat ang kanyang magagandang mga mata habang marahang humihinga.Kahawig nga nito si Sophia at halos magkapareho ang kanilang mukha. Ngunit sa pagitan ng kanyang mga kilay ay may bahid ng lamig at lungkot. Magkatulad man ang kanilang anyo ay siya naman ay banayad at maringal na animo’y isang babae na lumabas mula sa isang sinaunang pintura. Samantalang si Sophia naman ay mas matingkad, mas may buhay at may malamig ngunit matapang na presensya.Siya ay walang iba kundi si Theresa ang babaeng natagal nang hinahanap ng lahat ngunit matagal nang nagtatago sa isla na ito.“Madam nabigo kayong muli.”Bahagya naman na nag angat ng tingin ang babae at marahan nga itong tumango. Dahan dahan pa nga diyang bumangon mula sa holographic

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 135.1

    CHAPTER 135Matapos nga na umalis ni Sophia sa bahay nila Nelson ay ramdam pa rin nga niya ang matinding kaba.Pakiramdam kasi niya ay para bang ang isang matagal na niyang pinanghahawakan na paniniwala ay tuluyan na nga na gumuho at para bang nabura na lamang ito ng basta na lang.Matagal ng kinamumuhian ni Sophia si Nelson dahil sa nangyari sa kanyang ina na si Theresa ngunit ngayon nga ay nalaman niyang si Nelson pala talaga ang tunay na biktima sa relasyong iyon. Napakalaking kasinungalingan pala ang lahat ng iyon.“Buhay pa kaya talaga ang aking ina?” mahinang tanong ni Sophia at tila ba hindi sya sigurado sa kanyang sariling iniisip.Napatingin naman si Raymond sa gawi ni Sophia at ang kanyang mga mata ay nanatili pa rin nga na madilim.“Phia sa tingin mo bakit kaya niya gustong pag aralan ang holography? Bakit matapos niyang mapakinggan ang usang kecture mahigit sampung taon na ang nakakaraan ay biglang gusto na niyang pag aralan ito?” tanong ni Raymond kay Sophia.Bigla tuloy

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 134.2

    [Kapag umiihip ang hangin sa ilalim ng mga bituin ang gabi ay parang sinasabi na miss na kita, Jayson. Miss mo rin ba ako sa kabilang mundo?][Masarap ang mamatay dahil sa pag ibig pero para sa’yo kaya kong mabuhay para sa pag ibig.][Jayson puntahan mo naman sana ako sa panaginip ko.]Habang binabasa nga ni Nelson ang mga ito ay hindi nga niya maiwasan na bumagsak ang kanyang mga luha.Sino nga ba si Jayson? Sino nga ba ang lalaking matagal ng iniisip, minamahal at hindi makalimutan ni Theresa? Sino nga ba siya?Siya ay si Nelson at hindi si Jayson. At kung siya nga iyon ay hindi magiging malupit sa kanya si Theresa.Ang binabasa kasi na iyon ni Nelson ay hindi isang personal diary kundi mga tala sa kalat kalat na journal ni Theresa. Hindi kasi niya nagawang hawakan ang orihinal nito kaya palihim na lamang nga niya iyon na kinopya.Noong una ang buong akala nya ay siya ang tinutukoy ni Theresa sa mga tala at ang akala nya ay nagkamali nga lamang ito dahil halos magkatunog lamang nga

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 134.1

    CHAPTER 134Alam naman ni Biqnca kung ano ba nag dapat niyang unahin at hindi. Tumango pa nga siya habang iniisip niya kung paano ba niya hihilingin kay Francis na tulungan siya nito na lutasin ang kanyang problema.Agad na rin nga na umalis doon si Bianca at tanging si Nelson na lamang nga ang naiwan na mag isa sa kanilang sala.Nanatili pa nga rin na nakaupo sa sahig si Nelson at tila ba nawawala na nga siya sa sarili nya at para bang naguguluhan nga ito. Hindi naman na siya bata ngunit patuloy diyang nag eehersisyo sa loob ng maraming taon. Bihira lamang din siyang manigarilyo o uminom ng alak maliban na lamang nga kung may mga okasyon. Kahit pa nga lampas limampung taong gulang na siya ay nanatili pa rin nga ang kanyang kakisigan at elegante pa rin nga diyang tingnan.Dahan dahan nga na tumayo si Nelson mula sa sahig gamit ang isang kamay na sumusuporta sa kanya. Nanginginig ang kanyang mg ahakbang habang hawak ang handrail ng kanilang hagdan. Dahan dahan pa nga siyang umakyat sa

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 133.2

    Matagal naman na tinitigan ni Sophia si Nelson at malalim nga ang tingin niya rito at puno ng pagkamuhi. Hindi narin naman siya nagtagal pa roon at tinalikuran na nga si Nelson at naglakad palayo.Habang naglalakad nga si Sophia papalabas doon ay nadaanan nga niya si Bianca na nakatayo roon na parang wala na rin sa ulirat. At isang malamig na ngiti nga ang gumuhit sa labi ni Sophia.“Narinig mo ba ang lahat ng iyon Bianca? Ang nanay mo qy laruqn lamang ng nanay ko,” nakangisi pa na sabi ni Sophia kay Bianca. “Ang lahat ng iniisip mo ay palabas lamang talaga ni Nelson. Si Theresa ay namatay sa mismong kaarawan niya para lamang mag biro —isang madugong biro. Ano sa tingin mo ang ibig sabihin ni Nelson sa masamang kapalaran? Minahal niya ang aking ina hanggang sa mabaliw siya,” dagdag pa niya.Halos manginig naman ang buong katawan ni Bianca dahil sa galit. At nanatili nga na masama ang tingin niya kay Sophia.Hindi naman na rin pinandinnoa ni Sophia ang galit ni Bianca at iniwanan na r

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status