Chapter 1
"Ang mahal naman ng lalaki," bulong ni Mallory sa isip niya.Sumisingit na ang sikat ng araw sa manipis na kurtina ng bintana. Humihikab si Mallory habang minamaniobra ang mouse at tutok sa maliwanag na screen ng laptop. Panaka-naka rin ang paghigop sa ice coffee mula sa transparent mug na may print na "orie".Kanina pang ala-una ng madaling araw gising ang diwa ng dalaga. Nakakatatlong kape na rin siya ngayong oras. Subalit, sa tapang ng inumin na iyon, mas malakas pa rin ang antok na gusto nang sumuntok sa mga mata niya."Just one more scroll, Orie," sabi niya sa sarili.Isinuklay niya ang natural na kulot niyang buhok. Medyo nagsisi pa siya dahil mas lalo iyong nagdulot ng pagkabuhaghag. Kinamot na lang niya ang maliit na ilong at pinunasan ang maliit ring noo. Sabay ayos na rin ng anti-radiation glass niya na bumagay sa singkit niyang mga mata.Kanina pang alas-singko natapos ang shift niya sa kliyenteng tumanggap sa kanya sa freelanceworld, website para sa mga freelancers na tulad niya. Dapat pagkalipas ng isang oras, humihilik na siya pero naisipan pa niyang mag-browse sa internet. Inabot tuloy siya ngayon ng alas-nuebe ng umaga.Napag-isipan ng dalaga na magpalipas muna ng oras sa social media hanggang sa nahuli ng mga mata niya ang isang ad ng Lovefinity sa F******k. May katawang hubad ang pang-itaas at telang pula naman ang takip ng ibaba nito. May nakasulat pang nagpalaki ng interes niya rito, "Premium Husband for at least 1,999Php".Alam ni Mallory na ang lalaki sa ad na 'yon ay swak na swak sa budget niya. Hindi naman siya susubo sa ganitong kalakaran kung hindi siya desperada ngayon.Dalawang oras na ang nakakalipas, wala pa rin siyang mahanap na "premium husband". Wala siyang matipuhan. Kung meron man, hindi naman pasok sa budget niya.Naaakit na ang likod niyang humiga sa kama pero ginigising siya ng isip niya. Tatlong araw na lang, family reunion na nila. Ito na ang pang-apat na reunion na dadaluhan niya. Hindi na niya pwedeng tanggihan ang imbitasyon. Lalo na't darating ang lolo't lola niya mula sa ibang bansa. Malamang, ang unang hahanapin ng mga 'yon ay siya at ang dalawa niyang kapatid.Hindi siya bunso sa pamilya ng mga Madrigal. Bagkus, siya ang nag-iisang babae sa mga magpipinsan. Kaya halos lahat rin ng mga mata mula sa unang tiyuhin hanggang sa kahuli-hulihang tiyahin ay nakatutok sa kanya. Sa edad niyang 32, nag-aabang na ang mga iyon kung sino ang lalaking sasalubungin nila sa pamilya.Nakailang tanong na sila kung 'sino', nakailang sagot na rin si Mallory na 'wala'. Doon siya sa gawaing iyon lubos na nagsasawa.Sa totoo lang, napipressure siya. Hindi niya maiwasan. Kahit anong paliwanag niya na ayaw niyang mag-asawa, ayaw maniwala ng mga ito. Para sa mga iyon, ang pagbuo ng pamilya ay sobra pa sa mahalaga. Kaya dapat ang bawat anak nila ay nagkaroon na ng sariling asawa't anak bago magsipag-unahan sa langit ang mga nakatatanda nilang kamag-anak.Napapakamot na sa tuktok ng ulo si Mallory. Wala pa talaga siyang makita. Hindi naman siya magtiyatiyaga sa website na iyon kung wala siyang nakita na "for wedding photos". Kahit iyon lang, sapat na siguro na ipagmalaki iyon sa mga kamag-anak niya. Bibili na lang siya ng mumurahing singsing at kung hanapin man ang magiging kasama niya sa picture, gagawa na lang siya ng kwento.Ini-refresh niya ang site at tumingin muli sa mga hanay ng litrato ng mga lalaking nasa 1,999Php. Mukha lang mahal ang presyo pero package na iyon. Bukod sa wedding photos, mayroon pang video at pictures na naka-set. AI-powered naman kaya makakaya nitong pagmukhain na matagal nang magkakilala ang lalaking mahahanap ni Mallory at siya.Ang problema, wala pa talaga siyang makita.Gusto niya sana ng gwapo para masulit naman ang pagsisinungaling niya sa sariling pamilya. At least sa picture, nagkaroon siya ng nobyong ubod ng ganda sa mga mata. Kung makita iyon ng Tiya Lorna niya, hindi na siya nito ookrayin tungkol sa mga lalaki. Baka maglaway pa nga ito sa inggit.Pero wala pa rin siyang mahanap.Paglalaruan na lang sana niya nang biglang hingin ng site ang email at password niya. Kailangan pa pala ng account rito. Kaya nag-register siya gamit ang pangalan na Mallory Reynolds. Hindi niya sinama ang totoong apelido sa halip, ginamit niya ang pangalan na gamit ng ina. Mabuti na rin na iyon na lang dahil kahit maganda ang user interface, parang hindi pa rin safe na mag-explore rito.Ayaw niya ring ibigay ang buong personal information niya dahil sa kabi-kabilang balita ng leaked data o di kaya'y mga hacked accounts. Noong nakaraang linggo lang may isang bangko na naging biktima ng hackers at maraming mga tumatangkilik sa kanila ang nabawasan ng savings.Mabuti na lang bago pa man iyon ay nailipat na niya lahat ng pera sa Unionbank.Inubos na ni Mallory ang kape. Ngayong may account na siya kailangan niyang pag-igihan ang paghahanap ng lalaki. Susulitin niya ang serbisyo ng website. May ilan namang sobra sa mga ipon niya.Labis na lang ang kislap ng mga mata niya nang may matanawan itong ubod ng ganda. Presyong 2,399 pesos. Matipuno, mukhang afam at gwapo. Kahit mahal ang presyo para sa wedding photos, sulit naman dahil ipapakita niya lang ang mga ito, wala nang maghahasik na paulanan siya ng maraming tanong."Nigel Laxamana, akin ka na," bulong ni Mallory habang hinahanap ang purchase button. Nang mai-tap niya iyon, may isang tab na lumabas. Pinapa-fill up sa kanya ang iba niyang impormasyon para sa delivery.Kamot niya ang mga mata habang binabasa ang laman ng tab na iyon. May pinilian pa siya kung gaano katagal ang shipmentng wedding photos. May dalawang taon, isa’t kalahating taon, anim na buwan at tatlong buwan. Doon siya nagpunta sa pinakamaikling oras ng paghihintay.Hindi na niya lubusang maintindihan ang nabasang: Nigel Laxamana will be your Premium Husband for Three Months. Ipinindot na niya ang submit sabay hilata sa kama.Excited na siyang matanggap ang wedding photos nila ng napiling asawa.---"Good morning, Sir Nigel."Taliwas sa pagbati ang araw ng lalaking nakaupo sa sarili nitong opisina. Sakto lang ang espasyo para sa mesa, maliit na cabinet at upuan. Wala ng mga bookshelf dahil lahat ng mga librong binabasa niya ay one click away na lang sa kindle. Nangangati na ang mga mata niya na magbasa pero hectic ang trabaho nila ngayon lalo na't November. Maraming mga kliyente na gustong magkaroon ng mainit na pasko.Nakakunot na hinarap ni Nigel ang bagong pasok na empleyado. Abala siya sa pagre-review ng mga written reports nang pumasok ang trainee na si Mackenzie. Ayaw pa sana niyang tumanggap ng inquiries subalit sa tikas pa lang ng lalaki, halatang urgent na.Nangangamoy masamang balita pa.Umiikot ang tingin nito at mukhang ayaw pang salubungin ang mga mata niya. Ito pa naman ang ayaw niya sa lahat kapag nasa loob ng opisina. Sa tingin niya kasi, kawalan ng professionalism kung ang isang empleyado ay hindi marunong tumingin ng diretso.Inaabangan rin ni Nigel na magsalita ito kahit halata na mistulang nawawalan na ng dila. Mahalaga ang bawat oras nila, dapat walang kahit isa na nagsasayang nito. Kahit na anong balita pa man yan, dapat sinasabi na nang walang paligoy-ligoy."M-may nag-avail po sa inyo," nauutal na saad pa nito. Sa wakas ay nakagawi na sa kanya ang mukha ni Mackenzie, ngunit, lumalampas naman ang paningin nito."Anong avail?" tanong niya sabay balik ng mga mata sa papel. Sabi na nga ba, masamang balita."A-aksidente po kasi naming nai-post ang litrato ninyo sa website," mahinang pagpapaalam nito. Nangingiwi pa ito pagkatapos magsalita. Nagpapadyak rin nang mahina ang mga paa at parang atat nang matapos ang pinag-uusapan nilang dalawa.Kumunot ang noo niya. "What again?" masungit na tanong ni Nigel. Gusto niyang kumpirmahin kung tama ba ang pagkakaintindi niya sa kausap. Anong avail? Kailangan ba siya naibenta? Ang alam niya ay isa siya sa mga nirerespetong product manager sa kumpanya. Kailangan pa siya naging produkto?"May bumili po sa inyo, Sir," mahinang wika ni Mackenzie. Halatang hiyang-hiya sa ibinabalita. Napayuko na lang siya at parang nabato na sa kinatatayuan. "Ngayon po, kailangan niyo nang maihanda para sa delivery bukas.""Anong delivery? Ipaliwanag mo nga itong kalokohan na ito?!" malakas na tanong ni Nigel. Hindi naman siya masungit o mahigpit sa mga kasama pero ayaw na ayaw niyang nagbibiruan sa oras ng trabaho. Ngayong toxic ang hours nila, wala na siyang panahon na pumatol pa sa pranks ng mga kasama."Isa ka po sa Premium Husband, Sir Nigel..." malumanay nitong sagot kahit sasabog na ang dibdib sa lakas ng pagkabog."Kailan pa?!""Ngayon lang po. Pasensya na po talaga, Sir. Saktong-sakto po kasi ang litrato ninyo sa listing. Nalito na po kami kung manager po namin kayo o hindi."Sinamaan ni Nigel ng tingin ang katapat. Nahuli niya ang pagiging maputla nito at ang panginginig ng labi."Anong nangyayari sa 'yo, Mackenzie?""Ang nakabili po kasi sa inyo ay si Mallory Reynolds," nauutal na tugon nito."Sino naman siya?" kalmadong tanong ni Nigel."Ate ko po."Chapter 2"Huwag niyong i-cancel," paalala ng binata sa kapwa manager. Nakaturo siya sa monitor habang nanlalaki ang mga mata ng kasama."No. Ikansela n'yo," utos ni Blee, ang kasama niyang product manager rin. "Don't," he said.Nagpabalik-balik ang tingin ng apat na kasama sa dalawang senior officers nila. Mga litong-lito kung sino ang susundin sa kanilang dalawa. Ang babaeng nakahalukipkip sa tapat nila o ang lalaki na pinapanuod ang ginagawa ng kasama nila sa desktop computer. "That's definitely unethical!" histera ng babae. "Bawal na bawal tayong mga empleyado na maging guys o girls ng Lovefinity. Alam na alam mo 'yan, Nigel!" Halos kalahating oras na silang nagsasalitan ng sagot kung ikakansela ba ang order ng kanilang bagong customer. Mag-iisang oras namang namumula sa inis si Blee dahil sa mga katrabaho. Ang mas lalo pang nagpainit sa ulo niya ay ang lalaking kapareha niya sa posisyong Product Manager.Ipinunas ni Blee ang hawak na panyo sa noo kahit hindi naman siya pinagpa
Chapter 3"Kapag sinabihan mo kami na mag-aasawa ka na, magpapapiyesta ako sa buong baranggay."Lihim siyang umirap sa sinabi ng kanyang Lola Melinda. Hindi na niya pinansin kung gaano ito kasigla sa pag-anunsyo ng ideya sa kanya."Iimbitahan ko pa ang mayor, kapitan at mga kagawad sa kasal mo. Sila ang mga ninong at ninang." Umiiling na lang siya sa narinig mula sa Lolo Juanico niya. Katulad ng kanyang lola, sobrang saya rin nito habang sinasabi sa apo."At dahil yumao na ang mga magulang ninyo, kami na ang maglalakad sa iyo papunta sa altar." Tuluyan na niyang tinakpan ang mukha dahil sa kahihiyan. Hindi niya kayang pantayan ang enerhiya ng dalawa.Hindi naman napapansin ng mga ito ang naging reaksyon niya sa mga inilahad nila dahil nakatutok ang camera ng laptop sa alagang pusa. Pinakikinggan lang niya ang mga ito habang hinahalo ang creamer sa itinimplang kape."Maganda 'yan," malamig niyang sagot sa dalawa."Ayan ka na naman, Maria," suway ng lola habang gamit ang pangalan ng y
Chapter 4MULA SA bintana, nakatanaw si Mallory sa nakahigang binata. Unan nito ang backpack at wala pang kumot. Naaaliw ito na pagmasdan ang langit. Puno naman kasi ito ng mga bituin. Nakaturo pa at parang nagbibilang. Para namang makukuha nito ang eksaktong bilang ng mga kumukutitap sa langit, pero makukuha kaya nito ang tiwala niya? Sinubukan niya kanina na i-verify ang identidad ng lalaki mula sa website ng Lovefinity na sinasabi nito. Walang kahit na isang record. Nakakapagtaka lang na nabili niya ito kahapon katulad ng sinasabi nito. Paano niya nakuha ang lalaking ito kung hindi naman nabibilang sa Lovefinity Guys?Sunod niyang tiningnan ang mga text messages. Mayroong isa mula sa sender na may name na "Lovefinity". Ang sabi rito:Please confirm if you received Nigel Laxamana as your premium husband. Please reply your name and location. Ginawa naman ni Mallory na ibigay ang detalye niya. Agad naman na naka-tanggap siya ng reply:"Welcome to Lovefinity, Mallory Reynolds.Your
Chapter 5"Hindi ba talaga tayo parehas ng kwarto?" Tatlong araw nang nangungulit si Nigel kay Mallory. Tatlong araw na rin niyang tinatanggihan ang lalaki.Sa unang gabi, sa sala lang nakatulog si Nigel. Sa pangalawa, ganoon pa rin pero may kumot na. Sa pangatlong pagkakataon, nabigyan na rin siya ng unan. Ngayon, ang demand naman ng Premium Husband ay magkaroon ng kwarto. Napupusuan pa nga nito ang sariling kwarto ni Mallory."Alam mo ba ang 'personal space'?" masungit na tanong ni Mallory. "Gusto ko lang naman makatabi sa bawat gabi ang asawa ko," sagot ni Nigel habang pinagtatapat ang dalawang hintuturo niya.Nangiwi na lang ang babae sa nakita niya kay Nigel. "Sana may personal space rin ako dito," malungkot na wika ni Nigel. "Sana maramdaman ko na welcome at belong ako sa bahay ng asawa ko. Ang gusto ko lang naman ay masulit namin ang tatlong buwan na pagsasama.""Ang kulit mo.""Please." Nagtipi pa ng labi si Nigel at mistulang ginaya ang puppy eyes. Gusto nang batuhin ni M
Chapter 6"May plano ka pa ba na makita kami?" tanong ng kanyang Kuya Erick. Kasama ito ni Enzo sa kabilang linya. Ito na ang kumausap kay Mallory nang tanggihan ng dalaga ang pagpunta sa family reunion nila."Meron," sagot ni Mallory. "Pero di pa sa ngayon. Kuya, sobrang busy kong tao. Alam mo naman 'yon diba?" "Sana naman kaya mo kaming isingit sa oras mo," sabi nito."Kinaya ko nga na makipag-usap sa 'yo, eh," pabalang na sagot niya sa kuya."Wag mo ko pilosopohin, Mallory. Ilang taon ka nang hindi nagpapakita sa amin. Inaasahan mo ba na hindi kami magagalit sa ginagawa mo?""Kuya Mannerick naman.""Magpupunta ka sa reunion. Sa ayaw at sa gusto mo." "Saan ba kasi 'yung reunion?""Hindi naman kasi tuloy ngayon." "Ano?! Tapos nagagalit ka sa akin ngayon?""Miss lang kasi kita, Mallory," naging malumanay ang boses nito. "Magpakita ka naman sa amin. Palagi ka na lang kasi nagtatago, eh.""Miss na rin naman kita, kuya. Ba't pala hindi tuloy?""Nakalimutan nina lola na flight pala nila
Chapter 7 NeejelNatatawa si Nigel habang inaalala ang nangyari kanina. Sobrang obvious naman kung paano banggitin ang pangalan niya, pero si Mallory kanina, nagkamali pa."Ano nga ulit pangalan non?" tanong niya sa sarili. "Malyori," sagot rin niya.Kinuha ni Nigel ang blue na folder sa coffee table. Binasa niya ang buong pangalan mula sa information tungkol sa kliyente.Mallory Reynolds"Ang ganda ng pangalan mo, ah," bulong niya.Dis oras ng gabi. Nasa sala pa rin siya pinatulog ng tinuturing na asawa. Pangako kasi nito na aayusin ang katabing kwarto pero ilang araw na, hindi pa nagagawa.Palagi kasing tulog sa araw si Mallory. Hindi naman makuha ni Nigel ang susi rito para kahit siya na lang sana ang mag-ayos. Ilang araw pa lang siya rito, ramdam na niya ang pagiging komportable. Hindi man ganoon kainit ang pagtanggap ng nakatira rito, maayos naman ang pagpapatuloy sa kanya ng bahay na ito. Hindi rin akalain ni Nigel na ganito pala kaasenso ang asawang kliyente. Binabasa niya sa
Chapter 8Ngayon sana ang araw ng kasal nina Mallory at Nigel pero hindi natuloy.November 19. Markado na ang sana ang petsa para sa isang okasyon pero nagpumilit si Mallory na i-postpone iyon. Mabuti na lang, nagreklamo si Blee kay Nigel tungkol sa mga nai-contact nitong mga organizers. May mga hectic schedules kasi ang mga ito at hindi kakayanin ang overnight preparations.Lumuwag ang pakiramdam ni Mallory sa nalaman. Mabuti na lang. Ayaw naman niyang magturo ng zumba habang may mga nag-aayos sa bahay niya.Napili kasi niyang sa bahay na lang niya ang venue. Bukod sa mahal ang renta sa space, ayaw naman niyang lumabas. Ayaw na ayaw talaga niya itapak ang mga paa pagkalampas sa bakuran niya.Maligawin kasi si Mallory. Kaya naman lubos na rin ang pasasalamat niya na wala namang nagrereklamo sa mga natuturuan niya na dumalaw sa mismong bahay. Atsaka, sagot naman niya ang mga pamasahe nito.Kagigising niya lang magmula pa noong alas-diyez. Apat na oras lang ang naitulog niya dahil kakai
Chapter 9That's why I'm talking to the girl in the mirror, oh-oh," kanta ni Rebeka habang hinihintay si Mallory na hanapin ang tugtog sa YouTube Music. Parang kundiman pa ang version nito habang lumayo naman sa kanya si Dolores. Nakadungaw lang sa bintana si Nigel habang ngumingisi sa likuran ni Mallory. Kaso ay nailang na siyang ngumiti nang mahuli si Rebeka na nag-flying kiss sa kanya. Sinalo niya iyon sabay tapon sa labas."Siya talaga ang magiging dahilan ng pagkabuhay ng pagkababae ko!" rinig niyang bulong ni Rebeka kay Conchita. "Anong sayo?" reklamo ni Conchita. "Baka yung pagkababae ko rin!" Sabay silang impit na tumili habang nangingisay-ngisay pa.Napangiwi na lang si Nigel at nagpunta na lamang sa kusina. Hinanda na niya ang cheese whiz at gardenia sliced bread. Nagtimpla na rin siya ng orange juice. Siya ang nakatoka sa merienda at maya-maya naman ay magsasalo-salo sila sa hapunan.Magluluto na sana si Nigel ng adobong manok nang mapangiti siya. Ngayon lang siya nakaramd
Chapter 12Did Mallory believe in love? Iyan ang tanong na tumambay sa isipan niya. Matagal niyang tiningnan si Nigel. Gusto niya sanang magsalita pero nauubusan siya ng sasabihin. Hindi niya mahanap ang mga tamang bagay tungkol sa pag-ibig.Ang tumatak lang ay ang alaala ng kahapon. Noong bata pa siya, lalo na nang nasa elementarya, paborito niya ang slambook. Ito iyong notebook na pinapasulatan sa kaibigan man o kaklase. Dapat naka-fill up doon ang name, age, nickname, favorites, likes, dislikes at may philosophical questions pa. Kahit sa murang edad, natatagalan si Mallory sa pagsagot ng "What is Love?" Hindi niya mawari kung ano ang dapat maisulat. Nang tingnan naman niya ang mga dating pahina puro:Love is blindLove is a rosary. It's full of mystery.Love moves in a mysterious way.Love is when my crush is beside me.At kung ano-ano pa. Ang naisip niya nang mabasa ang mga iyon, "Ang daming alam."Pero nang itapat niya ang ballpen sa papel, inisip ang taong pinakamamahal niya,
Chapter 11Sabi ng isang quote, "don't make promises when you're happy and don't make decisions when you're sad." Sa kalagayan ni Mallory, "don't purchase anything when you're sleepy."Dalawampu't apat na oras na ang nakalipas matapos ang "kasal" ni Mallory at Nigel. Subalit, hindi pa man nakakadalawang araw magmula noon ay parang "sakal" na siya. "Good night, asawa ko," saad ni Nigel sa likuran ni Mallory. Nangilabot siya nang bahagya. "Matulog ka na lang.""Wala ba akong good night kiss?""Ikiskis mo na lang 'yang nguso mo sa pader.""Ang rough mo naman.""Siraulo, itulog mo na lang 'yan.""Wala ba tayong honeymoon?""Ipapakagat na lang kita sa mga bubuyog sa ilalim ng buwan!" iritableng wika niya. Kahit kailan talaga, napakakulit ng lalaking 'to, saad niya sa isip. Nangulit pa nang nangulit si Nigel at hindi na lang siya pinansin ni Mallory. Tanging tunog na lang ng orasan ang nag-ingay sa buong kwarto. Mabuti na lang mahina ang hilik ni Nigel, kung hindi, baka nasipa na ito pa
This is it, pansit— ang pangunahing handa sa kasal ni Mallory at Nigel. Wala nang prenuptial photoshoot o kung ano pa mang keme pero bumawi naman sa sahog ang paboritong pagkain ni Mallory. Mayaman sa gulay kahit ang venue ay may mga pink na garden roses, gypsophila at eden roses sa aisle kadikit ang simpleng mga bentwood thonet chairs na kinabitan ng mga ribbon. Sa dulo ay nakaporma ang pabilog na floral installations na sinamahan pa ng mga kandila.Ang pinakabonggga sa araw na ito, ay ang pansit na talagang pinaghandaan. May atay ng manok, laman ng baboy, repolyo, Baguio beans at carrots. May canton din na gustong-gusto nang kurutin ng ilang bisita. Inaayos pa lang ni Mallory ang puff sleeve white dress nang sumilip si Blee sa kanyang kwarto. Panay hingi ng pasensya. Sobrang simple lang talaga ng magiging kasal. Garden wedding ang peg. Subalit, hindi niya malaman kung bakit sorry nang sorry ang babae. Maganda naman sa mga mata niya ang ayos ng bakuran. Malinis at maayos. Kapayapaa