Chapter 3
"Kapag sinabihan mo kami na mag-aasawa ka na, magpapapiyesta ako sa buong baranggay."Lihim siyang umirap sa sinabi ng kanyang Lola Melinda. Hindi na niya pinansin kung gaano ito kasigla sa pag-anunsyo ng ideya sa kanya."Iimbitahan ko pa ang mayor, kapitan at mga kagawad sa kasal mo. Sila ang mga ninong at ninang."Umiiling na lang siya sa narinig mula sa Lolo Juanico niya. Katulad ng kanyang lola, sobrang saya rin nito habang sinasabi sa apo."At dahil yumao na ang mga magulang ninyo, kami na ang maglalakad sa iyo papunta sa altar."Tuluyan na niyang tinakpan ang mukha dahil sa kahihiyan. Hindi niya kayang pantayan ang enerhiya ng dalawa.Hindi naman napapansin ng mga ito ang naging reaksyon niya sa mga inilahad nila dahil nakatutok ang camera ng laptop sa alagang pusa. Pinakikinggan lang niya ang mga ito habang hinahalo ang creamer sa itinimplang kape."Maganda 'yan," malamig niyang sagot sa dalawa."Ayan ka na naman, Maria," suway ng lola habang gamit ang pangalan ng yumao niyang ina. "Sana maintindihan mo ang pangarap namin para sa iyo. Apat na lalaki ang naging anak namin. Sa kasal pa ng mga kuya mo, palagi na lang kami ang naghihintay sa mga bride nila. Ni hindi man lang kami nakaranas na mailakad ang bride papunta sa groom niya."Palagi na kaming nangungulit sa mga tiyuhin at tiyahin mo na bigyan naman kami ng apong babae. Si Maria lang ang pinalad sa mga asawa ng anak namin at ikaw iyon."Napakamot siya sa anit. Mukhang mahabang paliwanagan na naman ito. Kinuha niya si Manok, ang kanyang pusa, at inilagay sa hita niya. Itinutok na rin niya ang camera sa kanya. Inihahanda pa niya ang sarili dahil uulitin na naman niya ang dating mga sinabi rito."Lola Mel, Lolo Nics, wala po talaga akong plano mag-asawa. Alam niyo naman po ang nangyari kay Juday, anak ni Toto Tato, puno ng mga pasa ang katawan nang magpakita sa inyo. Tapos ang kababata ko na si Ninay, palagi na lang naloloko ng mga nakaka-live in niya. Atsaka gusto niyo ba na makatagpo ako ng lalaki na tulad ni Kuya Momoy at Rixto? Kung magpalit ng babae, parang nagpapalit lang ng brief!" paliwanag niya sa mga ito na diretso ang tingin sa camera. Eksaktong-eksakto ito sa mga sinabi niya noong nakaraang buwan at sa mga nakalipas na taon.Ngumisi naman si Lolo Juanico. "Matagal nang maayos ang buhay ni Juday, apo, nakapag-abroad na nga at may asawa pang kano. Si Ninay naman ay ikinasal na rin noong nakaraang taon. Ang mga pinsan mo naman ay may asawa't anak na rin. Hindi ko na nga naririnig na nag-uusap pa tungkol sa mga model ang mga iyon eh."Outdated na yata ang script mo, apo," pang-aasar pa sa kanya."Eh, 'lo, ayoko talaga. Masaya naman ako na mag-isa," pagpapaalam niya sa dalawang kausap."Paano kapag tumanda ka? Sinong mag-aalaga sa 'yo?" tanong ni Lola Melinda.Sumagot naman siya kaagad. "Pwede naman po ako sa mga geriatric facilities."Kunot ang noo na tumutol si Juanico aa kanya. "Hindi mo kaya roon! Wala ka man lang bang balak na mag-anak? Napakaganda pa naman ng lahi natin.""Gastos lang po 'yan."Nakasimangot lang ang dalawa sa kabilang linya. Halatang hindi nagustuhan ang patutsada ng apo."Mallory," seryosong tawag sa kanya ng Lola Melinda. "Sana maisip mo kung gaano kayaman ang pagkakaroon ng sariling pamilya. Siguro, 'yan ang naiisip mo dahil hindi naman naging mabuting ehemplo ang mga nasa paligid mo. Tandaan mo, apo ko, na ang pagmamahal ang siyang magbibigay buhay sa 'yo, at matatanggap mo ang mga iyon mula sa asawa't magiging anak ninyo.""Lola," kalmadong saad ni Mallory. "Kailangan ko pong maging praktikal. May buhay po ako na binubuhay at sarili ko po 'yon. Ayoko naman po na hilain sa hirap ang magiging mga anak ko kung sakali.""Wala namang problema roon, Mallory," pagsingit ng kanyang Lolo Juanico. "Pwede ka namang mag-asawa ng mayaman."Napapalo sa mesa si Mallory dahil sa gulat. "Lolo, hindi ko na po kailangan ng lalaki. Kuntento na ako sa sarili ko ngayon.""Ay, basta, Maria! Ang asawa mo at kasintahan ha."Sa huli, hindi na naman sila nakinig sa kanya. Hindi lang naman kasi ang takot ang umiibabaw sa nararamdaman ni Mallory. May mas malalim pa.Sa gitna na maliit na tensyon nila, nabuo ang isang ideya sa mga magulang biya."Paano kung rumenta na lang ako ng lalaki?" pabirong tanong ni Mallory. Kusot naman ang mga mukha ng lolo't lola niya habang tutol na tutol sa tinuran ng apo.Natapos ang pag-uusap nila sa panenermon. Hindi na bago iyon kay Mallory Madrigal. Bawat tawag ng mga ito sa kanya, palaging nitong pinapatutsada ang mga kagustuhan. Kahit pa noong bata pa siya. Magmula nang mapunta siya sa pangangalaga ng mga ito matapos mawala ang kanilang ina dahil sa sakit, ang mga ito na ang halos kumontrol sa buhay niya.Kaya noong naipetisyon ng kanyang Tito Andrew ang mga magulang nito papuntang Virginia, agad na ring humanap ng malilipatan si Mallory.Mababait naman ang mga kamag-anak niya. Maalaga ito sa kanya at sa kanilang bunso. Subalit, ang yakap na pagmamahal ng mga ito ay nakakasakal. Kaya kinailangan niyang makawala nang bahagya pero hindi naman niya kinakalimutan na kamustahin ang mga ito.Pagsubok kay Mallory ang pagiging tanging apo na babae at nag-iisa pang babae sa family tree ng mga Madrigal. Sa apat na mga anak ni Juanico at Melinda, puro lalaki pa ang mga naging apo nila. Kwento pa nga ng yumaong ina, nang mabuntis ito kay Mallory, halos ikutin nila ang mga simbahan sa Maynila para ipagnobena na magkaroon ng babaeng anak. Ngayong buhay na siya, mukhang magkakaroon ulit ng "church hopping" ang lolo at lola niya para naman maikasal siya.Nakakapagod. Makailang ulit na siyang nagpapaliwanag sa mga ito kung bakit tinatanggihan niya ang pag-aasawa, pero kahit sa isang punto man lang niya, hindi siya magawang intindihin ng mga ito.Naalala ni Mallory ang biro niya kanina. "Rumenta ng lalaki. Seryoso kayang may ganoon?" bulong niya sa sarili.Sino namang papayag na bayaran siya para maging asawa ng isang babae?Sinampal niya ang sarili. Hindi siya gagastos para sa kagustuhan ng iba para sa kanya.Napayakap siya sa sarili. Magiging single siya habambuhay. Tanggap niya iyon at pinagmamalaki pa.Walang dapat ikalungkot o ikabahala sa gusto niyang mangyari sa buhay niya.Agad siyang napatayo nang makarinig ng sunod-sunod na pagkatok. Halos bumagsak na nga ang pinto dahil sa lakas ng mga iyon. Rinig na rinig mula sa kwarto niyang nasa second floor ang mga pagkabog nito. Nagmamadali siyang tumungo sa pintuan. Baka dumating na ang order niya sa isang online shopping platform.Nagtataka nga lang siya dahil dapat may text o tawag man lang mula sa delivery rider pero wala man lang siyang natanggap.Binuksan niyang bigla ang pinto at tumambad sa kanya ang dibdib ng isang lalaking naka-blue na collar shirt. Itinaas niya ang tingin rito at napamaang na lang dahil sa itsura ng binata.Nahuli ng mga mata niya ang mapupungay na tingin ng lalaki. Pati na rin ang matangos na ilong at wavy curl na buhok. Mas lalong napako ang paningin niya sa clef chin nito.Ang gwapo.Pakiramdam niya nanlalambot ang mga tuhod niya habang nakikipaglaban ng pagtitig rito."Ito na ang wedding photos natin." Pati ang boses nito halatang matipuno. Husky at malalim. Lalaking-lalaki.Malapit na sanang maglaway si Mallory sa harap ng binata nang ulitin niya sa isip ang sinabi nito.Wedding photos? Natin?Iniabot ng lalaki ang isang storage box na may lulan na mga picture frames at A5 size na photos. Kumuha siya ng isa at tiningnang mabuti. Siya ang nasa litrato kasama ang lalaking kaharap."Ako ang binayaran mo para maging asawa mo," sabi nito. "I am Nigel Laxamana and I am your premium husband."–"I am your premium husband, whether you like it or not," pakantang pakilala ni Nigel sa babaeng kaharap.Nakatulala lang ito sa kanya at nakaawang pa ang labi. Medyo cute siya, ha, at maliit, bulong ni Nigel sa isip.Pinasadahan ni Nigel ng tingin ang dalaga. Sa taas niya na 5'10, hanggang balikat lang niya ang kaharap. May kaputian ito at singkit. Mabilog ang labi na may maliit na nunal sa itaas nito. Ang buhok naman ay mistula nang afro at itim na itim pa.Maganda naman. Mabuti na lang, hindi ito ang tipo ni Nigel. Malamang naman, makakatagal siya sa bahay ng babae."Ano ulit?" tanong nito sa kanya. Gusto rin pala niyang idagdag na may pagka-bingi pala ang isang ito."Ang ang premium husband mo. Sa madaling salita, asawa," malumanay na pagpapaliwanag niya."Kailan pa?" nakakunot na ang noo ng babae.Tiningnan ni Nigel ang box na hawak niya. May waybill iyon sa ibabaw. So, Mallory pala ang pangalan nitong si kulot."Kahapon mo ako in-order sa website. Ngayon naman ang delivery. Ganoon ang serbisyo namin sa Lovefinity!" buong-puso na may pagmamalaki na sagot ni Nigel rito.Nangiwi lang ang babae at parang nag-iisip pa ng susunod na sasabihin."Hindi kaya, wrong address ka?"Palihim na nanlumo si Nigel. Sa tinagal-tagal niyang naglakad sa initan, maro-wrong address pa siya? Pero tama naman ang pagkakabasa niya sa location ng client: Blk 123 Lot 45, Cupid St., Infini Homes.Napapunas tuloy siya ng tumulong pawis sa sintido. Kung may sticker lang ang van ng Lovefinity sa Infini Homes, hindi na tuloy siya mapapalakad sa pinakasulok na block. Dala-dala pa tuloy niya ang isang backpack para sa personal na gamit at isang box na naglalaman ng package para sa kliyente nila."Pero ikaw naman si Mallory Reynolds, 'di ba?" Pinipigilan na lang ni Nigel na hingalin nang husto sa tapat ng dalaga. Nagtataka namang tumango ang kausap. "Eh, 'di, ikaw nga ang bumili sa akin kahapon!"Paulit-ulit na lang si Nigel sa pagpapaliwanag. Bakit ba hindi iyon maintindihan ni Mallory?"Wala akong maalala na may binili ako kahapon? " wala sa sariling wika nito. Maya-maya ay nanlaki ang mga mata nito. "Bogus ka 'no? O kaya, ano, papatayin mo 'ko?!""Mukha pa ba akong kriminal sa 'yo?" Hindi na napigilan ni Nigel na mainis. Sa init at pagod niya, bubungad pa ang ganitong mga bintang? Sa gandang lalaki niya, talagang may gana pa ito na pag-isipan siya ng masama?"Aba, syempre! Mahirap nang magtiwala sa panahon ngayon."Pinigilan ni Nigel ang nagbadyang pagsasara ng pinto ni Mallory. "Let me explain. I can show you legitimate identification about me and our company, Lovefinity. Lahat ng documents namin, ipapakita ko sa 'yo. Hindi ako bogus, mas lalong hindi murderer."Unless patay na patay ito sa kanya. Napangisi na lang si Nigel sa naisip."Oh my goodness. Ikaw 'yong kasama ko sa wedding photos?!""Exactly."GUSTO NANG umirap ni Nigel. Nagsisimula na naman siyang mainis. Paano ba naman ay hindi man lang siya pinapasok. Talagang nasa bakuran pa sila nagbabasa ng mga papel. Ito pa, sa ilalim ng pagpapasikat ng haring araw."See? You bought me?" as-a-matter-of-fact na saad ni Nigel."Hindi ko talaga maalala," ani Mallory. Hawak-hawak nito ang customer's receipt at hindi makapaniwalang gumastos siya ng sobra pa sa 7,000 para sa isang lalami."Naniniwala ka na?" tanong ni Nigel rito."Oo, pero wala pa rin akong tiwala sa 'yo," sagot nito sa kanya. "Look. Respectable naman ang company ninyo, but I am not at ease na magpapapasok lang ako basta-basta ng isang tao."Napakamot si Nigel sa ulo. "Ilang IDs pa ba ang dapat kong ipakita sa 'yo?""Sapat na yon. But, if you really have a good intention inside my house, you will stay here for 24 hours," seryosong sagot nito sa kanya."Paano kung tinawagan ako ng kalikasan?" tanong na naman niya."Ikaw na ang bahala kung paano mo sasagutin 'yan." Nagsimula nang naglakad si Mallory papunta sa pinto ng bahay. Kumaway pa ito nang hindi humaharap at iniwan si Nigel na nakatulala. Namumula pa ito dahil sa magkahalong inis at init galing sa sikat ng araw.Sana pala ay pina-cancel na lang niya ang pagbili nito sa kanya noong may tsansa pa. Hindi man lang niya naisip na ganito pala kalupit ang dalaga sa kanya.Hindi man lang ito nag-iwan ng kumot o unan man lang. Maswerte na siyang may sofa siyang mahihigaan. Malamang ay pinapatuyo ito ng dalaga. Ito na lang muna siguro ang gagamitin niya mamayang gabi.Gusto niyang tawagan si Blee para ipaayos na agad ang sitwasyon niya habang hindi pa pumipirma si Mallory. Subalit, baka isipin lang nito na talunan siya. O di kaya, ipamukha pa ang pagkakataon na sinayang niya. Madali lang naman kung ika-cancel ito.Pero mas nauna ang emosyon niya at ego. Gusto niya munang makahinga mula sa opisina. Malayo sa tsismisan at mas lalong malawak ang distansya nila ni Jillian at siya.Tatlong buwan lang naman siya rito. Makakaya naman niya ata 'yon.Chapter 4MULA SA bintana, nakatanaw si Mallory sa nakahigang binata. Unan nito ang backpack at wala pang kumot. Naaaliw ito na pagmasdan ang langit. Puno naman kasi ito ng mga bituin. Nakaturo pa at parang nagbibilang. Para namang makukuha nito ang eksaktong bilang ng mga kumukutitap sa langit, pero makukuha kaya nito ang tiwala niya? Sinubukan niya kanina na i-verify ang identidad ng lalaki mula sa website ng Lovefinity na sinasabi nito. Walang kahit na isang record. Nakakapagtaka lang na nabili niya ito kahapon katulad ng sinasabi nito. Paano niya nakuha ang lalaking ito kung hindi naman nabibilang sa Lovefinity Guys?Sunod niyang tiningnan ang mga text messages. Mayroong isa mula sa sender na may name na "Lovefinity". Ang sabi rito:Please confirm if you received Nigel Laxamana as your premium husband. Please reply your name and location. Ginawa naman ni Mallory na ibigay ang detalye niya. Agad naman na naka-tanggap siya ng reply:"Welcome to Lovefinity, Mallory Reynolds.Your
Chapter 5"Hindi ba talaga tayo parehas ng kwarto?" Tatlong araw nang nangungulit si Nigel kay Mallory. Tatlong araw na rin niyang tinatanggihan ang lalaki.Sa unang gabi, sa sala lang nakatulog si Nigel. Sa pangalawa, ganoon pa rin pero may kumot na. Sa pangatlong pagkakataon, nabigyan na rin siya ng unan. Ngayon, ang demand naman ng Premium Husband ay magkaroon ng kwarto. Napupusuan pa nga nito ang sariling kwarto ni Mallory."Alam mo ba ang 'personal space'?" masungit na tanong ni Mallory. "Gusto ko lang naman makatabi sa bawat gabi ang asawa ko," sagot ni Nigel habang pinagtatapat ang dalawang hintuturo niya.Nangiwi na lang ang babae sa nakita niya kay Nigel. "Sana may personal space rin ako dito," malungkot na wika ni Nigel. "Sana maramdaman ko na welcome at belong ako sa bahay ng asawa ko. Ang gusto ko lang naman ay masulit namin ang tatlong buwan na pagsasama.""Ang kulit mo.""Please." Nagtipi pa ng labi si Nigel at mistulang ginaya ang puppy eyes. Gusto nang batuhin ni M
Chapter 6"May plano ka pa ba na makita kami?" tanong ng kanyang Kuya Erick. Kasama ito ni Enzo sa kabilang linya. Ito na ang kumausap kay Mallory nang tanggihan ng dalaga ang pagpunta sa family reunion nila."Meron," sagot ni Mallory. "Pero di pa sa ngayon. Kuya, sobrang busy kong tao. Alam mo naman 'yon diba?" "Sana naman kaya mo kaming isingit sa oras mo," sabi nito."Kinaya ko nga na makipag-usap sa 'yo, eh," pabalang na sagot niya sa kuya."Wag mo ko pilosopohin, Mallory. Ilang taon ka nang hindi nagpapakita sa amin. Inaasahan mo ba na hindi kami magagalit sa ginagawa mo?""Kuya Mannerick naman.""Magpupunta ka sa reunion. Sa ayaw at sa gusto mo." "Saan ba kasi 'yung reunion?""Hindi naman kasi tuloy ngayon." "Ano?! Tapos nagagalit ka sa akin ngayon?""Miss lang kasi kita, Mallory," naging malumanay ang boses nito. "Magpakita ka naman sa amin. Palagi ka na lang kasi nagtatago, eh.""Miss na rin naman kita, kuya. Ba't pala hindi tuloy?""Nakalimutan nina lola na flight pala nila
Chapter 7 NeejelNatatawa si Nigel habang inaalala ang nangyari kanina. Sobrang obvious naman kung paano banggitin ang pangalan niya, pero si Mallory kanina, nagkamali pa."Ano nga ulit pangalan non?" tanong niya sa sarili. "Malyori," sagot rin niya.Kinuha ni Nigel ang blue na folder sa coffee table. Binasa niya ang buong pangalan mula sa information tungkol sa kliyente.Mallory Reynolds"Ang ganda ng pangalan mo, ah," bulong niya.Dis oras ng gabi. Nasa sala pa rin siya pinatulog ng tinuturing na asawa. Pangako kasi nito na aayusin ang katabing kwarto pero ilang araw na, hindi pa nagagawa.Palagi kasing tulog sa araw si Mallory. Hindi naman makuha ni Nigel ang susi rito para kahit siya na lang sana ang mag-ayos. Ilang araw pa lang siya rito, ramdam na niya ang pagiging komportable. Hindi man ganoon kainit ang pagtanggap ng nakatira rito, maayos naman ang pagpapatuloy sa kanya ng bahay na ito. Hindi rin akalain ni Nigel na ganito pala kaasenso ang asawang kliyente. Binabasa niya sa
Chapter 8Ngayon sana ang araw ng kasal nina Mallory at Nigel pero hindi natuloy.November 19. Markado na ang sana ang petsa para sa isang okasyon pero nagpumilit si Mallory na i-postpone iyon. Mabuti na lang, nagreklamo si Blee kay Nigel tungkol sa mga nai-contact nitong mga organizers. May mga hectic schedules kasi ang mga ito at hindi kakayanin ang overnight preparations.Lumuwag ang pakiramdam ni Mallory sa nalaman. Mabuti na lang. Ayaw naman niyang magturo ng zumba habang may mga nag-aayos sa bahay niya.Napili kasi niyang sa bahay na lang niya ang venue. Bukod sa mahal ang renta sa space, ayaw naman niyang lumabas. Ayaw na ayaw talaga niya itapak ang mga paa pagkalampas sa bakuran niya.Maligawin kasi si Mallory. Kaya naman lubos na rin ang pasasalamat niya na wala namang nagrereklamo sa mga natuturuan niya na dumalaw sa mismong bahay. Atsaka, sagot naman niya ang mga pamasahe nito.Kagigising niya lang magmula pa noong alas-diyez. Apat na oras lang ang naitulog niya dahil kakai
Chapter 9That's why I'm talking to the girl in the mirror, oh-oh," kanta ni Rebeka habang hinihintay si Mallory na hanapin ang tugtog sa YouTube Music. Parang kundiman pa ang version nito habang lumayo naman sa kanya si Dolores. Nakadungaw lang sa bintana si Nigel habang ngumingisi sa likuran ni Mallory. Kaso ay nailang na siyang ngumiti nang mahuli si Rebeka na nag-flying kiss sa kanya. Sinalo niya iyon sabay tapon sa labas."Siya talaga ang magiging dahilan ng pagkabuhay ng pagkababae ko!" rinig niyang bulong ni Rebeka kay Conchita. "Anong sayo?" reklamo ni Conchita. "Baka yung pagkababae ko rin!" Sabay silang impit na tumili habang nangingisay-ngisay pa.Napangiwi na lang si Nigel at nagpunta na lamang sa kusina. Hinanda na niya ang cheese whiz at gardenia sliced bread. Nagtimpla na rin siya ng orange juice. Siya ang nakatoka sa merienda at maya-maya naman ay magsasalo-salo sila sa hapunan.Magluluto na sana si Nigel ng adobong manok nang mapangiti siya. Ngayon lang siya nakaramd
This is it, pansit— ang pangunahing handa sa kasal ni Mallory at Nigel. Wala nang prenuptial photoshoot o kung ano pa mang keme pero bumawi naman sa sahog ang paboritong pagkain ni Mallory. Mayaman sa gulay kahit ang venue ay may mga pink na garden roses, gypsophila at eden roses sa aisle kadikit ang simpleng mga bentwood thonet chairs na kinabitan ng mga ribbon. Sa dulo ay nakaporma ang pabilog na floral installations na sinamahan pa ng mga kandila.Ang pinakabonggga sa araw na ito, ay ang pansit na talagang pinaghandaan. May atay ng manok, laman ng baboy, repolyo, Baguio beans at carrots. May canton din na gustong-gusto nang kurutin ng ilang bisita. Inaayos pa lang ni Mallory ang puff sleeve white dress nang sumilip si Blee sa kanyang kwarto. Panay hingi ng pasensya. Sobrang simple lang talaga ng magiging kasal. Garden wedding ang peg. Subalit, hindi niya malaman kung bakit sorry nang sorry ang babae. Maganda naman sa mga mata niya ang ayos ng bakuran. Malinis at maayos. Kapayapaa
Chapter 11Sabi ng isang quote, "don't make promises when you're happy and don't make decisions when you're sad." Sa kalagayan ni Mallory, "don't purchase anything when you're sleepy."Dalawampu't apat na oras na ang nakalipas matapos ang "kasal" ni Mallory at Nigel. Subalit, hindi pa man nakakadalawang araw magmula noon ay parang "sakal" na siya. "Good night, asawa ko," saad ni Nigel sa likuran ni Mallory. Nangilabot siya nang bahagya. "Matulog ka na lang.""Wala ba akong good night kiss?""Ikiskis mo na lang 'yang nguso mo sa pader.""Ang rough mo naman.""Siraulo, itulog mo na lang 'yan.""Wala ba tayong honeymoon?""Ipapakagat na lang kita sa mga bubuyog sa ilalim ng buwan!" iritableng wika niya. Kahit kailan talaga, napakakulit ng lalaking 'to, saad niya sa isip. Nangulit pa nang nangulit si Nigel at hindi na lang siya pinansin ni Mallory. Tanging tunog na lang ng orasan ang nag-ingay sa buong kwarto. Mabuti na lang mahina ang hilik ni Nigel, kung hindi, baka nasipa na ito pa
Chapter 12Did Mallory believe in love? Iyan ang tanong na tumambay sa isipan niya. Matagal niyang tiningnan si Nigel. Gusto niya sanang magsalita pero nauubusan siya ng sasabihin. Hindi niya mahanap ang mga tamang bagay tungkol sa pag-ibig.Ang tumatak lang ay ang alaala ng kahapon. Noong bata pa siya, lalo na nang nasa elementarya, paborito niya ang slambook. Ito iyong notebook na pinapasulatan sa kaibigan man o kaklase. Dapat naka-fill up doon ang name, age, nickname, favorites, likes, dislikes at may philosophical questions pa. Kahit sa murang edad, natatagalan si Mallory sa pagsagot ng "What is Love?" Hindi niya mawari kung ano ang dapat maisulat. Nang tingnan naman niya ang mga dating pahina puro:Love is blindLove is a rosary. It's full of mystery.Love moves in a mysterious way.Love is when my crush is beside me.At kung ano-ano pa. Ang naisip niya nang mabasa ang mga iyon, "Ang daming alam."Pero nang itapat niya ang ballpen sa papel, inisip ang taong pinakamamahal niya,
Chapter 11Sabi ng isang quote, "don't make promises when you're happy and don't make decisions when you're sad." Sa kalagayan ni Mallory, "don't purchase anything when you're sleepy."Dalawampu't apat na oras na ang nakalipas matapos ang "kasal" ni Mallory at Nigel. Subalit, hindi pa man nakakadalawang araw magmula noon ay parang "sakal" na siya. "Good night, asawa ko," saad ni Nigel sa likuran ni Mallory. Nangilabot siya nang bahagya. "Matulog ka na lang.""Wala ba akong good night kiss?""Ikiskis mo na lang 'yang nguso mo sa pader.""Ang rough mo naman.""Siraulo, itulog mo na lang 'yan.""Wala ba tayong honeymoon?""Ipapakagat na lang kita sa mga bubuyog sa ilalim ng buwan!" iritableng wika niya. Kahit kailan talaga, napakakulit ng lalaking 'to, saad niya sa isip. Nangulit pa nang nangulit si Nigel at hindi na lang siya pinansin ni Mallory. Tanging tunog na lang ng orasan ang nag-ingay sa buong kwarto. Mabuti na lang mahina ang hilik ni Nigel, kung hindi, baka nasipa na ito pa
This is it, pansit— ang pangunahing handa sa kasal ni Mallory at Nigel. Wala nang prenuptial photoshoot o kung ano pa mang keme pero bumawi naman sa sahog ang paboritong pagkain ni Mallory. Mayaman sa gulay kahit ang venue ay may mga pink na garden roses, gypsophila at eden roses sa aisle kadikit ang simpleng mga bentwood thonet chairs na kinabitan ng mga ribbon. Sa dulo ay nakaporma ang pabilog na floral installations na sinamahan pa ng mga kandila.Ang pinakabonggga sa araw na ito, ay ang pansit na talagang pinaghandaan. May atay ng manok, laman ng baboy, repolyo, Baguio beans at carrots. May canton din na gustong-gusto nang kurutin ng ilang bisita. Inaayos pa lang ni Mallory ang puff sleeve white dress nang sumilip si Blee sa kanyang kwarto. Panay hingi ng pasensya. Sobrang simple lang talaga ng magiging kasal. Garden wedding ang peg. Subalit, hindi niya malaman kung bakit sorry nang sorry ang babae. Maganda naman sa mga mata niya ang ayos ng bakuran. Malinis at maayos. Kapayapaa
Chapter 9That's why I'm talking to the girl in the mirror, oh-oh," kanta ni Rebeka habang hinihintay si Mallory na hanapin ang tugtog sa YouTube Music. Parang kundiman pa ang version nito habang lumayo naman sa kanya si Dolores. Nakadungaw lang sa bintana si Nigel habang ngumingisi sa likuran ni Mallory. Kaso ay nailang na siyang ngumiti nang mahuli si Rebeka na nag-flying kiss sa kanya. Sinalo niya iyon sabay tapon sa labas."Siya talaga ang magiging dahilan ng pagkabuhay ng pagkababae ko!" rinig niyang bulong ni Rebeka kay Conchita. "Anong sayo?" reklamo ni Conchita. "Baka yung pagkababae ko rin!" Sabay silang impit na tumili habang nangingisay-ngisay pa.Napangiwi na lang si Nigel at nagpunta na lamang sa kusina. Hinanda na niya ang cheese whiz at gardenia sliced bread. Nagtimpla na rin siya ng orange juice. Siya ang nakatoka sa merienda at maya-maya naman ay magsasalo-salo sila sa hapunan.Magluluto na sana si Nigel ng adobong manok nang mapangiti siya. Ngayon lang siya nakaramd
Chapter 8Ngayon sana ang araw ng kasal nina Mallory at Nigel pero hindi natuloy.November 19. Markado na ang sana ang petsa para sa isang okasyon pero nagpumilit si Mallory na i-postpone iyon. Mabuti na lang, nagreklamo si Blee kay Nigel tungkol sa mga nai-contact nitong mga organizers. May mga hectic schedules kasi ang mga ito at hindi kakayanin ang overnight preparations.Lumuwag ang pakiramdam ni Mallory sa nalaman. Mabuti na lang. Ayaw naman niyang magturo ng zumba habang may mga nag-aayos sa bahay niya.Napili kasi niyang sa bahay na lang niya ang venue. Bukod sa mahal ang renta sa space, ayaw naman niyang lumabas. Ayaw na ayaw talaga niya itapak ang mga paa pagkalampas sa bakuran niya.Maligawin kasi si Mallory. Kaya naman lubos na rin ang pasasalamat niya na wala namang nagrereklamo sa mga natuturuan niya na dumalaw sa mismong bahay. Atsaka, sagot naman niya ang mga pamasahe nito.Kagigising niya lang magmula pa noong alas-diyez. Apat na oras lang ang naitulog niya dahil kakai
Chapter 7 NeejelNatatawa si Nigel habang inaalala ang nangyari kanina. Sobrang obvious naman kung paano banggitin ang pangalan niya, pero si Mallory kanina, nagkamali pa."Ano nga ulit pangalan non?" tanong niya sa sarili. "Malyori," sagot rin niya.Kinuha ni Nigel ang blue na folder sa coffee table. Binasa niya ang buong pangalan mula sa information tungkol sa kliyente.Mallory Reynolds"Ang ganda ng pangalan mo, ah," bulong niya.Dis oras ng gabi. Nasa sala pa rin siya pinatulog ng tinuturing na asawa. Pangako kasi nito na aayusin ang katabing kwarto pero ilang araw na, hindi pa nagagawa.Palagi kasing tulog sa araw si Mallory. Hindi naman makuha ni Nigel ang susi rito para kahit siya na lang sana ang mag-ayos. Ilang araw pa lang siya rito, ramdam na niya ang pagiging komportable. Hindi man ganoon kainit ang pagtanggap ng nakatira rito, maayos naman ang pagpapatuloy sa kanya ng bahay na ito. Hindi rin akalain ni Nigel na ganito pala kaasenso ang asawang kliyente. Binabasa niya sa
Chapter 6"May plano ka pa ba na makita kami?" tanong ng kanyang Kuya Erick. Kasama ito ni Enzo sa kabilang linya. Ito na ang kumausap kay Mallory nang tanggihan ng dalaga ang pagpunta sa family reunion nila."Meron," sagot ni Mallory. "Pero di pa sa ngayon. Kuya, sobrang busy kong tao. Alam mo naman 'yon diba?" "Sana naman kaya mo kaming isingit sa oras mo," sabi nito."Kinaya ko nga na makipag-usap sa 'yo, eh," pabalang na sagot niya sa kuya."Wag mo ko pilosopohin, Mallory. Ilang taon ka nang hindi nagpapakita sa amin. Inaasahan mo ba na hindi kami magagalit sa ginagawa mo?""Kuya Mannerick naman.""Magpupunta ka sa reunion. Sa ayaw at sa gusto mo." "Saan ba kasi 'yung reunion?""Hindi naman kasi tuloy ngayon." "Ano?! Tapos nagagalit ka sa akin ngayon?""Miss lang kasi kita, Mallory," naging malumanay ang boses nito. "Magpakita ka naman sa amin. Palagi ka na lang kasi nagtatago, eh.""Miss na rin naman kita, kuya. Ba't pala hindi tuloy?""Nakalimutan nina lola na flight pala nila
Chapter 5"Hindi ba talaga tayo parehas ng kwarto?" Tatlong araw nang nangungulit si Nigel kay Mallory. Tatlong araw na rin niyang tinatanggihan ang lalaki.Sa unang gabi, sa sala lang nakatulog si Nigel. Sa pangalawa, ganoon pa rin pero may kumot na. Sa pangatlong pagkakataon, nabigyan na rin siya ng unan. Ngayon, ang demand naman ng Premium Husband ay magkaroon ng kwarto. Napupusuan pa nga nito ang sariling kwarto ni Mallory."Alam mo ba ang 'personal space'?" masungit na tanong ni Mallory. "Gusto ko lang naman makatabi sa bawat gabi ang asawa ko," sagot ni Nigel habang pinagtatapat ang dalawang hintuturo niya.Nangiwi na lang ang babae sa nakita niya kay Nigel. "Sana may personal space rin ako dito," malungkot na wika ni Nigel. "Sana maramdaman ko na welcome at belong ako sa bahay ng asawa ko. Ang gusto ko lang naman ay masulit namin ang tatlong buwan na pagsasama.""Ang kulit mo.""Please." Nagtipi pa ng labi si Nigel at mistulang ginaya ang puppy eyes. Gusto nang batuhin ni M
Chapter 4MULA SA bintana, nakatanaw si Mallory sa nakahigang binata. Unan nito ang backpack at wala pang kumot. Naaaliw ito na pagmasdan ang langit. Puno naman kasi ito ng mga bituin. Nakaturo pa at parang nagbibilang. Para namang makukuha nito ang eksaktong bilang ng mga kumukutitap sa langit, pero makukuha kaya nito ang tiwala niya? Sinubukan niya kanina na i-verify ang identidad ng lalaki mula sa website ng Lovefinity na sinasabi nito. Walang kahit na isang record. Nakakapagtaka lang na nabili niya ito kahapon katulad ng sinasabi nito. Paano niya nakuha ang lalaking ito kung hindi naman nabibilang sa Lovefinity Guys?Sunod niyang tiningnan ang mga text messages. Mayroong isa mula sa sender na may name na "Lovefinity". Ang sabi rito:Please confirm if you received Nigel Laxamana as your premium husband. Please reply your name and location. Ginawa naman ni Mallory na ibigay ang detalye niya. Agad naman na naka-tanggap siya ng reply:"Welcome to Lovefinity, Mallory Reynolds.Your