Chapter 12Did Mallory believe in love? Iyan ang tanong na tumambay sa isipan niya. Matagal niyang tiningnan si Nigel. Gusto niya sanang magsalita pero nauubusan siya ng sasabihin. Hindi niya mahanap ang mga tamang bagay tungkol sa pag-ibig.Ang tumatak lang ay ang alaala ng kahapon. Noong bata pa siya, lalo na nang nasa elementarya, paborito niya ang slambook. Ito iyong notebook na pinapasulatan sa kaibigan man o kaklase. Dapat naka-fill up doon ang name, age, nickname, favorites, likes, dislikes at may philosophical questions pa. Kahit sa murang edad, natatagalan si Mallory sa pagsagot ng "What is Love?" Hindi niya mawari kung ano ang dapat maisulat. Nang tingnan naman niya ang mga dating pahina puro:Love is blindLove is a rosary. It's full of mystery.Love moves in a mysterious way.Love is when my crush is beside me.At kung ano-ano pa. Ang naisip niya nang mabasa ang mga iyon, "Ang daming alam."Pero nang itapat niya ang ballpen sa papel, inisip ang taong pinakamamahal niya,
Chapter 1"Ang mahal naman ng lalaki," bulong ni Mallory sa isip niya.Sumisingit na ang sikat ng araw sa manipis na kurtina ng bintana. Humihikab si Mallory habang minamaniobra ang mouse at tutok sa maliwanag na screen ng laptop. Panaka-naka rin ang paghigop sa ice coffee mula sa transparent mug na may print na "orie". Kanina pang ala-una ng madaling araw gising ang diwa ng dalaga. Nakakatatlong kape na rin siya ngayong oras. Subalit, sa tapang ng inumin na iyon, mas malakas pa rin ang antok na gusto nang sumuntok sa mga mata niya."Just one more scroll, Orie," sabi niya sa sarili. Isinuklay niya ang natural na kulot niyang buhok. Medyo nagsisi pa siya dahil mas lalo iyong nagdulot ng pagkabuhaghag. Kinamot na lang niya ang maliit na ilong at pinunasan ang maliit ring noo. Sabay ayos na rin ng anti-radiation glass niya na bumagay sa singkit niyang mga mata. Kanina pang alas-singko natapos ang shift niya sa kliyenteng tumanggap sa kanya sa freelanceworld, website para sa mga freela
Chapter 2"Huwag niyong i-cancel," paalala ng binata sa kapwa manager. Nakaturo siya sa monitor habang nanlalaki ang mga mata ng kasama."No. Ikansela n'yo," utos ni Blee, ang kasama niyang product manager rin. "Don't," he said.Nagpabalik-balik ang tingin ng apat na kasama sa dalawang senior officers nila. Mga litong-lito kung sino ang susundin sa kanilang dalawa. Ang babaeng nakahalukipkip sa tapat nila o ang lalaki na pinapanuod ang ginagawa ng kasama nila sa desktop computer. "That's definitely unethical!" histera ng babae. "Bawal na bawal tayong mga empleyado na maging guys o girls ng Lovefinity. Alam na alam mo 'yan, Nigel!" Halos kalahating oras na silang nagsasalitan ng sagot kung ikakansela ba ang order ng kanilang bagong customer. Mag-iisang oras namang namumula sa inis si Blee dahil sa mga katrabaho. Ang mas lalo pang nagpainit sa ulo niya ay ang lalaking kapareha niya sa posisyong Product Manager.Ipinunas ni Blee ang hawak na panyo sa noo kahit hindi naman siya pinagpa
Chapter 3"Kapag sinabihan mo kami na mag-aasawa ka na, magpapapiyesta ako sa buong baranggay."Lihim siyang umirap sa sinabi ng kanyang Lola Melinda. Hindi na niya pinansin kung gaano ito kasigla sa pag-anunsyo ng ideya sa kanya."Iimbitahan ko pa ang mayor, kapitan at mga kagawad sa kasal mo. Sila ang mga ninong at ninang." Umiiling na lang siya sa narinig mula sa Lolo Juanico niya. Katulad ng kanyang lola, sobrang saya rin nito habang sinasabi sa apo."At dahil yumao na ang mga magulang ninyo, kami na ang maglalakad sa iyo papunta sa altar." Tuluyan na niyang tinakpan ang mukha dahil sa kahihiyan. Hindi niya kayang pantayan ang enerhiya ng dalawa.Hindi naman napapansin ng mga ito ang naging reaksyon niya sa mga inilahad nila dahil nakatutok ang camera ng laptop sa alagang pusa. Pinakikinggan lang niya ang mga ito habang hinahalo ang creamer sa itinimplang kape."Maganda 'yan," malamig niyang sagot sa dalawa."Ayan ka na naman, Maria," suway ng lola habang gamit ang pangalan ng y
Chapter 4MULA SA bintana, nakatanaw si Mallory sa nakahigang binata. Unan nito ang backpack at wala pang kumot. Naaaliw ito na pagmasdan ang langit. Puno naman kasi ito ng mga bituin. Nakaturo pa at parang nagbibilang. Para namang makukuha nito ang eksaktong bilang ng mga kumukutitap sa langit, pero makukuha kaya nito ang tiwala niya? Sinubukan niya kanina na i-verify ang identidad ng lalaki mula sa website ng Lovefinity na sinasabi nito. Walang kahit na isang record. Nakakapagtaka lang na nabili niya ito kahapon katulad ng sinasabi nito. Paano niya nakuha ang lalaking ito kung hindi naman nabibilang sa Lovefinity Guys?Sunod niyang tiningnan ang mga text messages. Mayroong isa mula sa sender na may name na "Lovefinity". Ang sabi rito:Please confirm if you received Nigel Laxamana as your premium husband. Please reply your name and location. Ginawa naman ni Mallory na ibigay ang detalye niya. Agad naman na naka-tanggap siya ng reply:"Welcome to Lovefinity, Mallory Reynolds.Your
Chapter 5"Hindi ba talaga tayo parehas ng kwarto?" Tatlong araw nang nangungulit si Nigel kay Mallory. Tatlong araw na rin niyang tinatanggihan ang lalaki.Sa unang gabi, sa sala lang nakatulog si Nigel. Sa pangalawa, ganoon pa rin pero may kumot na. Sa pangatlong pagkakataon, nabigyan na rin siya ng unan. Ngayon, ang demand naman ng Premium Husband ay magkaroon ng kwarto. Napupusuan pa nga nito ang sariling kwarto ni Mallory."Alam mo ba ang 'personal space'?" masungit na tanong ni Mallory. "Gusto ko lang naman makatabi sa bawat gabi ang asawa ko," sagot ni Nigel habang pinagtatapat ang dalawang hintuturo niya.Nangiwi na lang ang babae sa nakita niya kay Nigel. "Sana may personal space rin ako dito," malungkot na wika ni Nigel. "Sana maramdaman ko na welcome at belong ako sa bahay ng asawa ko. Ang gusto ko lang naman ay masulit namin ang tatlong buwan na pagsasama.""Ang kulit mo.""Please." Nagtipi pa ng labi si Nigel at mistulang ginaya ang puppy eyes. Gusto nang batuhin ni M
Chapter 6"May plano ka pa ba na makita kami?" tanong ng kanyang Kuya Erick. Kasama ito ni Enzo sa kabilang linya. Ito na ang kumausap kay Mallory nang tanggihan ng dalaga ang pagpunta sa family reunion nila."Meron," sagot ni Mallory. "Pero di pa sa ngayon. Kuya, sobrang busy kong tao. Alam mo naman 'yon diba?" "Sana naman kaya mo kaming isingit sa oras mo," sabi nito."Kinaya ko nga na makipag-usap sa 'yo, eh," pabalang na sagot niya sa kuya."Wag mo ko pilosopohin, Mallory. Ilang taon ka nang hindi nagpapakita sa amin. Inaasahan mo ba na hindi kami magagalit sa ginagawa mo?""Kuya Mannerick naman.""Magpupunta ka sa reunion. Sa ayaw at sa gusto mo." "Saan ba kasi 'yung reunion?""Hindi naman kasi tuloy ngayon." "Ano?! Tapos nagagalit ka sa akin ngayon?""Miss lang kasi kita, Mallory," naging malumanay ang boses nito. "Magpakita ka naman sa amin. Palagi ka na lang kasi nagtatago, eh.""Miss na rin naman kita, kuya. Ba't pala hindi tuloy?""Nakalimutan nina lola na flight pala nila
Chapter 7 NeejelNatatawa si Nigel habang inaalala ang nangyari kanina. Sobrang obvious naman kung paano banggitin ang pangalan niya, pero si Mallory kanina, nagkamali pa."Ano nga ulit pangalan non?" tanong niya sa sarili. "Malyori," sagot rin niya.Kinuha ni Nigel ang blue na folder sa coffee table. Binasa niya ang buong pangalan mula sa information tungkol sa kliyente.Mallory Reynolds"Ang ganda ng pangalan mo, ah," bulong niya.Dis oras ng gabi. Nasa sala pa rin siya pinatulog ng tinuturing na asawa. Pangako kasi nito na aayusin ang katabing kwarto pero ilang araw na, hindi pa nagagawa.Palagi kasing tulog sa araw si Mallory. Hindi naman makuha ni Nigel ang susi rito para kahit siya na lang sana ang mag-ayos. Ilang araw pa lang siya rito, ramdam na niya ang pagiging komportable. Hindi man ganoon kainit ang pagtanggap ng nakatira rito, maayos naman ang pagpapatuloy sa kanya ng bahay na ito. Hindi rin akalain ni Nigel na ganito pala kaasenso ang asawang kliyente. Binabasa niya sa
Chapter 12Did Mallory believe in love? Iyan ang tanong na tumambay sa isipan niya. Matagal niyang tiningnan si Nigel. Gusto niya sanang magsalita pero nauubusan siya ng sasabihin. Hindi niya mahanap ang mga tamang bagay tungkol sa pag-ibig.Ang tumatak lang ay ang alaala ng kahapon. Noong bata pa siya, lalo na nang nasa elementarya, paborito niya ang slambook. Ito iyong notebook na pinapasulatan sa kaibigan man o kaklase. Dapat naka-fill up doon ang name, age, nickname, favorites, likes, dislikes at may philosophical questions pa. Kahit sa murang edad, natatagalan si Mallory sa pagsagot ng "What is Love?" Hindi niya mawari kung ano ang dapat maisulat. Nang tingnan naman niya ang mga dating pahina puro:Love is blindLove is a rosary. It's full of mystery.Love moves in a mysterious way.Love is when my crush is beside me.At kung ano-ano pa. Ang naisip niya nang mabasa ang mga iyon, "Ang daming alam."Pero nang itapat niya ang ballpen sa papel, inisip ang taong pinakamamahal niya,
Chapter 11Sabi ng isang quote, "don't make promises when you're happy and don't make decisions when you're sad." Sa kalagayan ni Mallory, "don't purchase anything when you're sleepy."Dalawampu't apat na oras na ang nakalipas matapos ang "kasal" ni Mallory at Nigel. Subalit, hindi pa man nakakadalawang araw magmula noon ay parang "sakal" na siya. "Good night, asawa ko," saad ni Nigel sa likuran ni Mallory. Nangilabot siya nang bahagya. "Matulog ka na lang.""Wala ba akong good night kiss?""Ikiskis mo na lang 'yang nguso mo sa pader.""Ang rough mo naman.""Siraulo, itulog mo na lang 'yan.""Wala ba tayong honeymoon?""Ipapakagat na lang kita sa mga bubuyog sa ilalim ng buwan!" iritableng wika niya. Kahit kailan talaga, napakakulit ng lalaking 'to, saad niya sa isip. Nangulit pa nang nangulit si Nigel at hindi na lang siya pinansin ni Mallory. Tanging tunog na lang ng orasan ang nag-ingay sa buong kwarto. Mabuti na lang mahina ang hilik ni Nigel, kung hindi, baka nasipa na ito pa
This is it, pansit— ang pangunahing handa sa kasal ni Mallory at Nigel. Wala nang prenuptial photoshoot o kung ano pa mang keme pero bumawi naman sa sahog ang paboritong pagkain ni Mallory. Mayaman sa gulay kahit ang venue ay may mga pink na garden roses, gypsophila at eden roses sa aisle kadikit ang simpleng mga bentwood thonet chairs na kinabitan ng mga ribbon. Sa dulo ay nakaporma ang pabilog na floral installations na sinamahan pa ng mga kandila.Ang pinakabonggga sa araw na ito, ay ang pansit na talagang pinaghandaan. May atay ng manok, laman ng baboy, repolyo, Baguio beans at carrots. May canton din na gustong-gusto nang kurutin ng ilang bisita. Inaayos pa lang ni Mallory ang puff sleeve white dress nang sumilip si Blee sa kanyang kwarto. Panay hingi ng pasensya. Sobrang simple lang talaga ng magiging kasal. Garden wedding ang peg. Subalit, hindi niya malaman kung bakit sorry nang sorry ang babae. Maganda naman sa mga mata niya ang ayos ng bakuran. Malinis at maayos. Kapayapaa
Chapter 9That's why I'm talking to the girl in the mirror, oh-oh," kanta ni Rebeka habang hinihintay si Mallory na hanapin ang tugtog sa YouTube Music. Parang kundiman pa ang version nito habang lumayo naman sa kanya si Dolores. Nakadungaw lang sa bintana si Nigel habang ngumingisi sa likuran ni Mallory. Kaso ay nailang na siyang ngumiti nang mahuli si Rebeka na nag-flying kiss sa kanya. Sinalo niya iyon sabay tapon sa labas."Siya talaga ang magiging dahilan ng pagkabuhay ng pagkababae ko!" rinig niyang bulong ni Rebeka kay Conchita. "Anong sayo?" reklamo ni Conchita. "Baka yung pagkababae ko rin!" Sabay silang impit na tumili habang nangingisay-ngisay pa.Napangiwi na lang si Nigel at nagpunta na lamang sa kusina. Hinanda na niya ang cheese whiz at gardenia sliced bread. Nagtimpla na rin siya ng orange juice. Siya ang nakatoka sa merienda at maya-maya naman ay magsasalo-salo sila sa hapunan.Magluluto na sana si Nigel ng adobong manok nang mapangiti siya. Ngayon lang siya nakaramd
Chapter 8Ngayon sana ang araw ng kasal nina Mallory at Nigel pero hindi natuloy.November 19. Markado na ang sana ang petsa para sa isang okasyon pero nagpumilit si Mallory na i-postpone iyon. Mabuti na lang, nagreklamo si Blee kay Nigel tungkol sa mga nai-contact nitong mga organizers. May mga hectic schedules kasi ang mga ito at hindi kakayanin ang overnight preparations.Lumuwag ang pakiramdam ni Mallory sa nalaman. Mabuti na lang. Ayaw naman niyang magturo ng zumba habang may mga nag-aayos sa bahay niya.Napili kasi niyang sa bahay na lang niya ang venue. Bukod sa mahal ang renta sa space, ayaw naman niyang lumabas. Ayaw na ayaw talaga niya itapak ang mga paa pagkalampas sa bakuran niya.Maligawin kasi si Mallory. Kaya naman lubos na rin ang pasasalamat niya na wala namang nagrereklamo sa mga natuturuan niya na dumalaw sa mismong bahay. Atsaka, sagot naman niya ang mga pamasahe nito.Kagigising niya lang magmula pa noong alas-diyez. Apat na oras lang ang naitulog niya dahil kakai