Chapter 4
MULA SA bintana, nakatanaw si Mallory sa nakahigang binata. Unan nito ang backpack at wala pang kumot. Naaaliw ito na pagmasdan ang langit. Puno naman kasi ito ng mga bituin. Nakaturo pa at parang nagbibilang.Para namang makukuha nito ang eksaktong bilang ng mga kumukutitap sa langit, pero makukuha kaya nito ang tiwala niya?Sinubukan niya kanina na i-verify ang identidad ng lalaki mula sa website ng Lovefinity na sinasabi nito. Walang kahit na isang record. Nakakapagtaka lang na nabili niya ito kahapon katulad ng sinasabi nito. Paano niya nakuha ang lalaking ito kung hindi naman nabibilang sa Lovefinity Guys?Sunod niyang tiningnan ang mga text messages. Mayroong isa mula sa sender na may name na "Lovefinity". Ang sabi rito:Please confirm if you received Nigel Laxamana as your premium husband. Please reply your name and location.Ginawa naman ni Mallory na ibigay ang detalye niya.Agad naman na naka-tanggap siya ng reply:"Welcome to Lovefinity, Mallory Reynolds.Your premium husband for three months is, Nigel Laxamana of Lovefinity Guys. Mr. Laxamana offers physical intimacy and act of service as its love language.If you have any concerns, you can reply to us and find your assigned customer service operator, CS Beverly. Love and Kisses, Lovefinity."Napabuga ng malakas na hangin si Mallory. Totoo nga na bumili siya ng lalaki online. Totoo rin ang mga sinabi ng lalaki sa kanya kanina pati na rin ang kasasabi lang niya sa Lolo Nics at Lola Mel na pag-renta ng lalaki.Tadhana nga naman kung makipaglaro.Bago magsimula ang shift ni Mallory, naghanda siya ng kumot para sa lalaki. Lumabas sita at ipinatong na ito sa tulog na katawan.Ang tanong ni Mallory sa sarili, handa na kaya siyang papasukin ito sa bahay niya? Kung pati na rin kaya sa buhay niya?Simple lang naman ang buhay ni Mallory.Pagkatapos ng shift niya, tuwing alas-singko, ay maghahanda na siya ng almusal. Pahinga lang sandali, sabay matutulog na. Madalas ay nagigising na siya ng alas-kuwatro. Sunod naman niya na gagawin ay tingnan kung may email ang sekretarya niya mula sa Tagaytay. Aasikasuhin niya iyon hanggang alas-sais ng gabi. Sunod na paglalaanan niya ng oras ay ang hapunan at ang shift niya na magsisimula sa pagpatak ng alas-diez ng gabi.Simple at planado. Naiiba lang ito tuwing martes at weekends. Hindi nagsasawa si Mallory sa paulit-ulit na ginagawa. Hindi na rin siya naghanap pa ng thrill. Sakto na sa kanya ang saya na dulot ng ginagawa. Ang prosesong iyon kasi ay ang thrill na mismo para sa kanya.Subalit, ngayon, mukhang maiiba na ang daloy ng schedule at magigiba nang kaunti ang mga nakasanayan na niyang gawin. May kasama na kasi siya sa bahay. Malayo sa nakaraan at nakasanayan na pag-iisa.Walang mapagsidlan ng ngiti si Nigel. Bukod sa nagising ito na may kumot, bumungad pa ang mabuting balita na pwede na siyang makapasok sa bahay. Kung paano naman pumasok sa buhay ng babae, hindi pa nito alam.Kakatapos lang ng shift ni Mallory at naghihintay na siya na maluto ang sunny side-up na niluluto ng bagong kasama. Kasalukuyan siyang nakatingin sa mga wedding photos kuno nila at namamangha sa ganda ng pagkakaedit. Parang mag-asawa na mag-asawa talaga silang dalawa sa bawat litrato."AI ba gumagawa nito o may mga editors kayo?" tanong ni Mallory rito.."Editors. Sinisikap pa namin na mag-program ng AI para di na mahirapan ang mga assigned editors na 'yon kaso nade-delay 'yon dahil baka maubusan kami ng manpowers. Mahirap naman na mag-rely solely sa technology."Tumango na lang si Mallory.Natapos nang magluto si Nigel. Sa itsura ng itlog, imbes na matakam si Mallory, parang gusto na lang niyang maawa. Basag na ang egg yolk at humalo na sa egg white. Parang semi scrambled eggs na tuloy ang nangyari. O kaya ay naging stormy side up na. Para naman kasing binagyo ang itsura.Nang matapos sila..."Sa ngayon, ang gagawin natin ay inspection."Kinuha ni Nigel ang box at nilabas mula sa envelope ang mga papel. Iniabot niya ang mga iyon kay Mallory. Nagtatakang binabasa nito ang mga nakasulat doon.Everything about Nigel Laxamana"Buong talambuhay mo ba 'to?" tanong ni Mallory. "O diary? Napakakapal. Nakakatamad namang basahin.""Sira. Dadalawang pages lang naman ang tungkol sa akin. Yung iba, kontrata na 'yan," sagot naman ni Nigel.Magtatanghali na nang matapos sa pagbabasa ng kontrata si Mallory. Skim reading lang ang ginawa niya kaya wala siyang maintindihan. Ngayon lang niya nalaman na marami pa palang ka-ek ekan ang dapat niyang gawin ngayong kliyente siya ng Lovefinity.Kailangan may sarili siyang property, employed at willing mag-cargo ng isang premium husband na unemployed.Dumagdag na naman ang rason ni Mallory kung bakit ayaw niya magkaroon ng asawa.Isang malaking issue para sa kanya ang employment, dahil na rin sa kailangan talaga ng malaking pinansyal ang pag-aasawa. Kung wala pang trabaho ang lalaking masungkit niya, baka sungkitin na lang niya ito papaalis sa buhay niya.Ayaw niyang kumayod para bumuhay ng lalaki. Mas maiging magpapaalila siya para sa sariling buhay kesa ialay ang oras niya sa isang lalaking tamad magbanat ng buto.Tuloy-tuloy ang pagtaas ng mga bilihin, pati na rin ang mga bills na lumilipad papunta sa bahay niya kaya bawal na bawal kay Mallory ang tatamad-tamad.At ngayon namang tatlong buwan na unemployed ang kanyang premium husband, wala na siyang choice kundi ang tanggapin iyon. Nakasaad naman sa kontrata na susuporta ang kumpanya sa loob ng mga buwan na nasa subscription ng premium husband. Maayos rin naman sa kanya ang matatanggap na 8 thousand kada buwan. At least, may budget ang kumpanya para sa kanilang mga Lovefinity Guys at mga kliyente.Kung sa property naman, mayroon siyang isang commercial space sa palengke na pinaparentahan at may mini private resort din sa Tagaytay. Isama pa ang bahay na tinutuluyan dito sa Bulacan. Walang magiging problema sa mga properties niya dahil lahat naman ng mga iyon ay assets.Employed rin naman siya. Halos araw-araw ay may nagha-hire sa kanya bilang freelance graphic designer. Isama pa na may side hustle rin siyang art commissions."So, isa ka ring zumba instructor?" tanong ni Nigel. Kanina pa siya lihim na naiimpress sa kausap. Mula sa naging achievements nito noong 25 years old hanggang sa mga kinukwento nitong pinagkakakitaan.Maswerte siyang masipag ang kliyente niya sa pagtatrabaho at halatang-halata ang pagiging independent nito, usapang pera man o mismong buhay.Ayaw na ayaw niya kasi ang ugaling Jilian. Kahit pa na mahal niya ito. Si Nigel kasi ang palaging gumagastos sa luho ng dalaga. May isa pang araw na siya rin ang nagbayad sa mga utang nito. May isa ring beses na nagalaw niya ang emergency fund para magpa-impress sa dating kasintahan.Kinailangan pa niyang mag-book sa isang mamahaling hotel para matupad ang intagrammable dream ni Jilian. Tuloy, halos mai-generalize na niya na ang lahat ng babae ay tulad nito.Ngayon lang rin siya nakakilala ng katulad ni Mallory."Yes," sagot ng dalaga. "Tuwing weekends.""Saan naman ang palagi ninyong venue?""Nagpupunta sila rito kapag sabado. Online naman tuwing linggo.""Nice. How much is your fee for instructing an aerobic class?""More or less 3 thousand each head.""Impressive."Hindi maiwasan ni Nigel na mapangiti. Humahanga siya sa pagiging propesyonal ng dalaga. Tila naglaho tuluyan ang parehas na aura nilang nagtatalo lang kanina."Okay na ba 'yon? Ha?!"Nagkamali pala si Nigel. Bumalik na naman sa pagiging mataray si Mallory."Oo, maayos na!" pagpatol rin ng binata."Ikaw naman ang magpakilala sa sarili mo," sabi sa kanya ni Mallory.Sumagot naman kaagad si Nigel. "Akala ko binasa mo na sa papel.""Ayoko non." Pagtatanggi ni Mallory. "Mas gusto kong marinig mula sa' yo."Huminga nang malalim si Nigel. Wala siyang naging ibang choice kundi kunin ang dalawang pages tungkol sa buhay niya."Since alam mo na ang name ko, 'di ko na 'yon sasabihin," saad niya."Kahit middle name?""Rosales," sagot ni Nigel. "Dapat kasi binasa mo na lang 'to, eh!""Mababasa ko ba nang maayos 'yan kung inaantok ako?!""Kasalanan ko ba na pupuyat-puyat ka kagabi?!""Aba! Sira ka pala, eh! Graveyard ang oras ng trabaho ko!""Hindi ko naman alam!""Babasahin mo 'yan o sisipain kita paalis dito?!"Malakas na pinagpag ni Nigel ang mga papel na hawak. Mas pumula tuloy sa inis ang kausap niya."Nagdadabog ka?!""Hindi!" malakas niyang sagot. "Teka nga! Wala pang isang araw, ina-under mo na 'ko. Ang unfair naman!""Kung nagsabi ka na lang kasi tungkol sa buhay mo, kanina pa tayo tapos.""Ito na nga, eh. Ito na nga."Huminga ulit nang malalim si Nigel at muling ikinulong ang mga mata sa papel."Isa akong Capricorn. December 28 ang birthday ko. Ang tinatanggap ko lang na regalo ay cash na nakalagay sa pulang ampao para swerte," wika ni Nigel. "Panganay sana ako ng nanay ko kung hindi niya ako pinaampon kaya tuloy, panganay na ako ng ibang nanay."Nagtapos ako sa kursong Bachelor of Business Administration Major in Marketing. May latin honors ako na summa— sumakabilang program kasi ako mula sa engineering."Napataas na lang ang kilay ni Mallory nang humalakhak ang lalaki. Siraulo talaga 'to, ani sa isip."Pwera biro, summa cum laude ako— kung ako ang naturo ng prof namin. Kaso yung katabi ko 'yon, eh.""Wala ka na bang sasabihing matino?" sarkastikong tanong ni Mallory."Ito na nga. Cum laude ako noong college. Consecutive honor student mula kinder– na nag-skip nung grade 4 kasi naadik ako sa paglalaro sa labas. Pero second honorable mention ako noong nag-graduate. Pagkatapos, salutatorian noong high school."Isa rin akong hardworking na tao. Sa sobrang sipag ko, pagod na 'ko sa buhay." Tumawa na naman si Nigel nang pagkalakas-lakas.Kumunot ang noo ni Mallory. "Ano ang pinakamasakit na nangyari sa buhay mo?""Noong nadapa ako?" hindi siguradong sagot ni Nigel."Yung mas masakit pa d'yan?""Noong nadapa ako at nagpagulong-gulong?"Suko na si Mallory sa lalaki. Wala siyang makuhang maayos na sagot mula rito. Ang totoo lang yata na sinabi nito ay ang birthday, kurso at pangalan. Naiinis na sapo niya ang mukha dahil dumagdag pa ang fact checking sa magiging trabaho niya ngayong araw."Hindi ka na matinong kausap. Gutom ka na yata," ani Mallory.Napapalakpak si Nigel dahil sa wakas, makakapag-almusal na rin siya."Buti naman nakaramdam ka. Anong ulam?""Wala. Kaya magluto ka na muna.""Ayoko!""Ayaw mo o hindi ko pipirmahan ang kontrata?!""Ito na nga, kikilos na." Hindi pa ako nakaka-24 na oras dito pero under de saya na ako ng babaeng 'to. Gusto na lang maiyak ni Nigel dahil nakikita na niya ang sasapitin sa loob ng tatlong buwan na makakasama si Mallory.Chapter 5"Hindi ba talaga tayo parehas ng kwarto?" Tatlong araw nang nangungulit si Nigel kay Mallory. Tatlong araw na rin niyang tinatanggihan ang lalaki.Sa unang gabi, sa sala lang nakatulog si Nigel. Sa pangalawa, ganoon pa rin pero may kumot na. Sa pangatlong pagkakataon, nabigyan na rin siya ng unan. Ngayon, ang demand naman ng Premium Husband ay magkaroon ng kwarto. Napupusuan pa nga nito ang sariling kwarto ni Mallory."Alam mo ba ang 'personal space'?" masungit na tanong ni Mallory. "Gusto ko lang naman makatabi sa bawat gabi ang asawa ko," sagot ni Nigel habang pinagtatapat ang dalawang hintuturo niya.Nangiwi na lang ang babae sa nakita niya kay Nigel. "Sana may personal space rin ako dito," malungkot na wika ni Nigel. "Sana maramdaman ko na welcome at belong ako sa bahay ng asawa ko. Ang gusto ko lang naman ay masulit namin ang tatlong buwan na pagsasama.""Ang kulit mo.""Please." Nagtipi pa ng labi si Nigel at mistulang ginaya ang puppy eyes. Gusto nang batuhin ni M
Chapter 6"May plano ka pa ba na makita kami?" tanong ng kanyang Kuya Erick. Kasama ito ni Enzo sa kabilang linya. Ito na ang kumausap kay Mallory nang tanggihan ng dalaga ang pagpunta sa family reunion nila."Meron," sagot ni Mallory. "Pero di pa sa ngayon. Kuya, sobrang busy kong tao. Alam mo naman 'yon diba?" "Sana naman kaya mo kaming isingit sa oras mo," sabi nito."Kinaya ko nga na makipag-usap sa 'yo, eh," pabalang na sagot niya sa kuya."Wag mo ko pilosopohin, Mallory. Ilang taon ka nang hindi nagpapakita sa amin. Inaasahan mo ba na hindi kami magagalit sa ginagawa mo?""Kuya Mannerick naman.""Magpupunta ka sa reunion. Sa ayaw at sa gusto mo." "Saan ba kasi 'yung reunion?""Hindi naman kasi tuloy ngayon." "Ano?! Tapos nagagalit ka sa akin ngayon?""Miss lang kasi kita, Mallory," naging malumanay ang boses nito. "Magpakita ka naman sa amin. Palagi ka na lang kasi nagtatago, eh.""Miss na rin naman kita, kuya. Ba't pala hindi tuloy?""Nakalimutan nina lola na flight pala nila
Chapter 7 NeejelNatatawa si Nigel habang inaalala ang nangyari kanina. Sobrang obvious naman kung paano banggitin ang pangalan niya, pero si Mallory kanina, nagkamali pa."Ano nga ulit pangalan non?" tanong niya sa sarili. "Malyori," sagot rin niya.Kinuha ni Nigel ang blue na folder sa coffee table. Binasa niya ang buong pangalan mula sa information tungkol sa kliyente.Mallory Reynolds"Ang ganda ng pangalan mo, ah," bulong niya.Dis oras ng gabi. Nasa sala pa rin siya pinatulog ng tinuturing na asawa. Pangako kasi nito na aayusin ang katabing kwarto pero ilang araw na, hindi pa nagagawa.Palagi kasing tulog sa araw si Mallory. Hindi naman makuha ni Nigel ang susi rito para kahit siya na lang sana ang mag-ayos. Ilang araw pa lang siya rito, ramdam na niya ang pagiging komportable. Hindi man ganoon kainit ang pagtanggap ng nakatira rito, maayos naman ang pagpapatuloy sa kanya ng bahay na ito. Hindi rin akalain ni Nigel na ganito pala kaasenso ang asawang kliyente. Binabasa niya sa
Chapter 8Ngayon sana ang araw ng kasal nina Mallory at Nigel pero hindi natuloy.November 19. Markado na ang sana ang petsa para sa isang okasyon pero nagpumilit si Mallory na i-postpone iyon. Mabuti na lang, nagreklamo si Blee kay Nigel tungkol sa mga nai-contact nitong mga organizers. May mga hectic schedules kasi ang mga ito at hindi kakayanin ang overnight preparations.Lumuwag ang pakiramdam ni Mallory sa nalaman. Mabuti na lang. Ayaw naman niyang magturo ng zumba habang may mga nag-aayos sa bahay niya.Napili kasi niyang sa bahay na lang niya ang venue. Bukod sa mahal ang renta sa space, ayaw naman niyang lumabas. Ayaw na ayaw talaga niya itapak ang mga paa pagkalampas sa bakuran niya.Maligawin kasi si Mallory. Kaya naman lubos na rin ang pasasalamat niya na wala namang nagrereklamo sa mga natuturuan niya na dumalaw sa mismong bahay. Atsaka, sagot naman niya ang mga pamasahe nito.Kagigising niya lang magmula pa noong alas-diyez. Apat na oras lang ang naitulog niya dahil kakai
Chapter 9That's why I'm talking to the girl in the mirror, oh-oh," kanta ni Rebeka habang hinihintay si Mallory na hanapin ang tugtog sa YouTube Music. Parang kundiman pa ang version nito habang lumayo naman sa kanya si Dolores. Nakadungaw lang sa bintana si Nigel habang ngumingisi sa likuran ni Mallory. Kaso ay nailang na siyang ngumiti nang mahuli si Rebeka na nag-flying kiss sa kanya. Sinalo niya iyon sabay tapon sa labas."Siya talaga ang magiging dahilan ng pagkabuhay ng pagkababae ko!" rinig niyang bulong ni Rebeka kay Conchita. "Anong sayo?" reklamo ni Conchita. "Baka yung pagkababae ko rin!" Sabay silang impit na tumili habang nangingisay-ngisay pa.Napangiwi na lang si Nigel at nagpunta na lamang sa kusina. Hinanda na niya ang cheese whiz at gardenia sliced bread. Nagtimpla na rin siya ng orange juice. Siya ang nakatoka sa merienda at maya-maya naman ay magsasalo-salo sila sa hapunan.Magluluto na sana si Nigel ng adobong manok nang mapangiti siya. Ngayon lang siya nakaramd
This is it, pansit— ang pangunahing handa sa kasal ni Mallory at Nigel. Wala nang prenuptial photoshoot o kung ano pa mang keme pero bumawi naman sa sahog ang paboritong pagkain ni Mallory. Mayaman sa gulay kahit ang venue ay may mga pink na garden roses, gypsophila at eden roses sa aisle kadikit ang simpleng mga bentwood thonet chairs na kinabitan ng mga ribbon. Sa dulo ay nakaporma ang pabilog na floral installations na sinamahan pa ng mga kandila.Ang pinakabonggga sa araw na ito, ay ang pansit na talagang pinaghandaan. May atay ng manok, laman ng baboy, repolyo, Baguio beans at carrots. May canton din na gustong-gusto nang kurutin ng ilang bisita. Inaayos pa lang ni Mallory ang puff sleeve white dress nang sumilip si Blee sa kanyang kwarto. Panay hingi ng pasensya. Sobrang simple lang talaga ng magiging kasal. Garden wedding ang peg. Subalit, hindi niya malaman kung bakit sorry nang sorry ang babae. Maganda naman sa mga mata niya ang ayos ng bakuran. Malinis at maayos. Kapayapaa
Chapter 11Sabi ng isang quote, "don't make promises when you're happy and don't make decisions when you're sad." Sa kalagayan ni Mallory, "don't purchase anything when you're sleepy."Dalawampu't apat na oras na ang nakalipas matapos ang "kasal" ni Mallory at Nigel. Subalit, hindi pa man nakakadalawang araw magmula noon ay parang "sakal" na siya. "Good night, asawa ko," saad ni Nigel sa likuran ni Mallory. Nangilabot siya nang bahagya. "Matulog ka na lang.""Wala ba akong good night kiss?""Ikiskis mo na lang 'yang nguso mo sa pader.""Ang rough mo naman.""Siraulo, itulog mo na lang 'yan.""Wala ba tayong honeymoon?""Ipapakagat na lang kita sa mga bubuyog sa ilalim ng buwan!" iritableng wika niya. Kahit kailan talaga, napakakulit ng lalaking 'to, saad niya sa isip. Nangulit pa nang nangulit si Nigel at hindi na lang siya pinansin ni Mallory. Tanging tunog na lang ng orasan ang nag-ingay sa buong kwarto. Mabuti na lang mahina ang hilik ni Nigel, kung hindi, baka nasipa na ito pa
Chapter 12Did Mallory believe in love? Iyan ang tanong na tumambay sa isipan niya. Matagal niyang tiningnan si Nigel. Gusto niya sanang magsalita pero nauubusan siya ng sasabihin. Hindi niya mahanap ang mga tamang bagay tungkol sa pag-ibig.Ang tumatak lang ay ang alaala ng kahapon. Noong bata pa siya, lalo na nang nasa elementarya, paborito niya ang slambook. Ito iyong notebook na pinapasulatan sa kaibigan man o kaklase. Dapat naka-fill up doon ang name, age, nickname, favorites, likes, dislikes at may philosophical questions pa. Kahit sa murang edad, natatagalan si Mallory sa pagsagot ng "What is Love?" Hindi niya mawari kung ano ang dapat maisulat. Nang tingnan naman niya ang mga dating pahina puro:Love is blindLove is a rosary. It's full of mystery.Love moves in a mysterious way.Love is when my crush is beside me.At kung ano-ano pa. Ang naisip niya nang mabasa ang mga iyon, "Ang daming alam."Pero nang itapat niya ang ballpen sa papel, inisip ang taong pinakamamahal niya,

Chapter 5"Hindi ba talaga tayo parehas ng kwarto?" Tatlong araw nang nangungulit si Nigel kay Mallory. Tatlong araw na rin niyang tinatanggihan ang lalaki.Sa unang gabi, sa sala lang nakatulog si Nigel. Sa pangalawa, ganoon pa rin pero may kumot na. Sa pangatlong pagkakataon, nabigyan na rin siya ng unan. Ngayon, ang demand naman ng Premium Husband ay magkaroon ng kwarto. Napupusuan pa nga nito ang sariling kwarto ni Mallory."Alam mo ba ang 'personal space'?" masungit na tanong ni Mallory. "Gusto ko lang naman makatabi sa bawat gabi ang asawa ko," sagot ni Nigel habang pinagtatapat ang dalawang hintuturo niya.Nangiwi na lang ang babae sa nakita niya kay Nigel. "Sana may personal space rin ako dito," malungkot na wika ni Nigel. "Sana maramdaman ko na welcome at belong ako sa bahay ng asawa ko. Ang gusto ko lang naman ay masulit namin ang tatlong buwan na pagsasama.""Ang kulit mo.""Please." Nagtipi pa ng labi si Nigel at mistulang ginaya ang puppy eyes. Gusto nang batuhin ni M
Chapter 4MULA SA bintana, nakatanaw si Mallory sa nakahigang binata. Unan nito ang backpack at wala pang kumot. Naaaliw ito na pagmasdan ang langit. Puno naman kasi ito ng mga bituin. Nakaturo pa at parang nagbibilang. Para namang makukuha nito ang eksaktong bilang ng mga kumukutitap sa langit, pero makukuha kaya nito ang tiwala niya? Sinubukan niya kanina na i-verify ang identidad ng lalaki mula sa website ng Lovefinity na sinasabi nito. Walang kahit na isang record. Nakakapagtaka lang na nabili niya ito kahapon katulad ng sinasabi nito. Paano niya nakuha ang lalaking ito kung hindi naman nabibilang sa Lovefinity Guys?Sunod niyang tiningnan ang mga text messages. Mayroong isa mula sa sender na may name na "Lovefinity". Ang sabi rito:Please confirm if you received Nigel Laxamana as your premium husband. Please reply your name and location. Ginawa naman ni Mallory na ibigay ang detalye niya. Agad naman na naka-tanggap siya ng reply:"Welcome to Lovefinity, Mallory Reynolds.Your