"Ano na ang gagawin mo n'yan? E' mukhang mas mautak nga yata talaga ang matandang bruhang 'yon kaysa sa'yo." Tinapunan niya ito ng masamang tingin saka hinablot ang dokumentong hawak nito. Kahit kailan talaga, hindi ito marunong makiramdam. Kita na nga at matinding pagpipigil ang ginagawa niya ngayon para hindi sugurin ang bruhang tiyahin niya.
Ano bang karapatan nito para gawin sa kanya ang bagay na 'yon? Malaking sampal para sa kanya ang kundisyong inilagay nito sa will of testament nito. Kung tutuosin, ang ama niya ang may malaking karapatan sa ari-ariang inihabilin ng mga magulang nito pero dahil mas pinili ng Papa niya na pakasalan ang kanyang ina, na-obliga itong talikuran ang kayamanang dapat sana para rito kaya napunta sa bruhang 'yon ang lahat. Huli na ng malaman ng Papa niya ang ginawa nitong panunulsol sa kanyang Lolo.
Mamamatay na nga't lahat-lahat pero heto at gumagawa na naman ito ng panibagong hakbang! Kaligayahan yata nito ang makaperwisyo ng buhay ng may buhay.
Muli niyang binasa ang sinasaad ng dokumento. Parang bawat segundo ay isang boltahe ng galit ang lumulukob sa kanya dahil sa mga salitang nakasaad roon. Sa dami ng mga nakalagay roon, isa lang ang malinaw nitong gustong mangyari. Makukuha niya lang mula rito ang lahat ng mana kung magkakaroon siya ng anak sa taong ito. Kung hindi, lahat ng ari-arian nito ay mapupunta sa foundations.
Mapakla siyang natawa sa sinabi ng kanyang utak, "Palibhasa, matandang dalaga. Aabutan na ng taning nito pero wala pa rin ni isang anak."
The witch is at the verge of losing her life. Ayon kasi sa diagnosis na in-announce ng doctor na nag-asikaso rito, hindi ordinaryong hilo lang ang nangyari kaya ito natumba at nawalan ng malay no'ng nagdaang araw. Nakita sa CT Scan result nito ang nabuong tumor sa utak na may kalakihan na. All in all, ang ibig lang sabihin ay bilang na lang ang mga araw at buwan na ilalagi nito sa mundo. Sino ba namang mag-aakala na may iniinda pala itong sakit gayong napakabruha nito? Ika nga, malakas pa ito sa kalabaw tingnan. Buong akala niya na ang masamang damo, matagal mamatay. May exemption yata sa kasabihang 'yon.
"Hoy gaga! Ano na nga? Lalabanan mo pa rin ba iyang tiyahin mong 'yan e' alam naman nating napaka-imposible ng hinihingi niyang kundisyon!" pukaw ni Air sa kanyang pag-iisip.
Sandali niya itong nilingon para irapan bago inangat ang tasa ng kape sa mesa para makahigop. Mabuti at hindi pa ito ganoon kalamig . Maaga niya kasi na binulabog ang kaibigan nang dumating ang Attorney ng bruha kanina para ibigay sa kanya ang mga dokumento. Nag-init ang kanyang bunbunan sa nabasa kaya kahit alam niyang oras pa ng tulog nito dahil night shift ito sa hospital kagabi, heto at dinadamayan siya sa kanyang himutok sa buhay.
Nailapag niya ang tasa ng kape nang biglang nag-sink in sa kanyang isip ang sinabi ng kaharap. "Hoy Aristotle Buenaventura, anong ibig mong sabihin sa sinabi mong napaka-imposible? Sa dami ba naman ng mga lalaking na-encounter ko, paano naging imposible iyon? Sa isang tawag ko lang, magkakandarapa ang mga 'yon na anakan ako," buong lakas na sigaw niya rito.
Paniguradong pati sa labas at maging sa kapitbahay ay umabot ang kanyang boses kaya madaliang lumapit sa kanya ang kaibigan para hampasin siya ng throw pillow mula sa kinahihigaan nitong couch.
"Bwesit ka talaga! Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na Air ang itawag mo sa akin. Isinaksak mo sana ang microphone bago ka nagsalita kanina total naka-on na 'yon. Nahiya ka pa!"
Nakabungisngis na iniilagan niya ang bawat hampas nito. Ayaw na ayaw talaga nito na pinaglalandakan ang pangalan. Ang lakas daw kasi makasira sa beauty e' samantalang 'di naman ito makapagreklamo nang tunay na pangalan nito ang inilagay sa doctor's gown ng hospital na pinagtatrabahuan.
"Magdesisyon ka na, Angielyn Jarina. 'Wag mo akong idaan sa pagmamayabang mo tungkol sa dami ng lalaking dumaan sa buhay mo. 'Di mo ako maloloko. Kahit marami ang mga 'yon, alam na alam kong wala kang hinahayaang gumalaw sa alaga mo. Kaya paano mo kakalabanin ang tiyahin mong 'yon kung takot kang mapasukan? Alangan namang walang pasukan ng etits na mangyayari pero mabubuntis ka!" mahabang litanya nito pero saglit din itong natigilan saka mayamaya ay tumikhim bago pinaypayan ang sarili.
Prinoseso niya sa isip ang lahat ng sinabi nito. Tama ito. Totoong maraming lalaki ang dumaan sa buhay niya pero hanggang first base lang ang nagagawa ng mga ito. Sa tuwing umaabot na kasi sa punto na mararamdaman niyang nadadala na sa init ng tawag ng laman ang partner niya ay pinapatigil niya agad. Ewan pero hindi niya talaga gustong lumampas sila patungo sa puntong 'yon. Hindi na birhen ang utak niya patungkol sa bagay na 'yon pero ang gawin iyon ng actual? Ay naku! Malabo. Nasa proseso pa siya sa pagbabalik-tanaw sa mga nangyaring 'yon pero umalingawngaw sa kanyang utak ang huling sinabi ng kaibigan.
Walang pasukan ng etits na mangyayari pero mabubuntis siya? Nilingon niya ang kaharap na halatang iniiwas ang tingin sa kanya. Hindi pagdodoktor ang kinuha niyang kurso pero may kaunting knowledge siya sa medisina. At alam ng kaharap niya ang katotohanang 'yon kaya natahimik ito matapos ng pagsisisigaw nito kanina.
"Gawin natin 'yon!" sabi niya kay Air na ikinalaki ng mga mata nito. Hindi man niya direktang sinabi pero alam nito ang kanyang tinutukoy.
Bahagyang bumuka ang bibig nito. Halatang hindi makapaniwala sa kanyang sinabi. "Nababaliw ka na ba?" Disbelief is written on his face, in bold letters. Hinarap niya ang kaibigan saka ginagap ang kamay nito.
"Sa tingin mo ba, kabaliwan 'to? Nanganganib na mawala sa kamay ko ang pamana ng grandparents ko para sana kay Papa dahil sa bruhang 'yon. And I will never let it to happen. Isa sa mga ari-ariang mawawala kung hindi ko magagawa ang nakasaad sa dokumento ay ang bahay namin. Alam mo namang nandoon lahat ng masasayang memories ko kina Mama at Papa. Doon ko nabuo ang mga pangarap ko kasama sila. Ngayong biglaan ang kanilang pagkawala dahil sa sunog, pati ba naman ang bahay... mawawala rin sa akin?" Medyo pumiyok siya sa panghuling sinabi kaya agad siyang dinaluhan ng kaibigan para yakapin.
Lumandas ang masaganang luha sa kanyang mga pisngi. Kahinaan niya talaga ang mga magulang. Sa tuwing nababanggit niya ang mga ito ay hindi niya mapigilang maluha. Mahigit isang buwan na rin ang lumipas ng sabay ang mga itong nawala dahil sa sunog. Nagkataon kasing nasunog ang ikatlong palapag ng mall na pinuntahan ng mga ito. Huli na ng malaman ng mga magulang na may nangyayari pa lang sunog sa palapag ng building na 'yon. Nagkataon kasing nasa loob sila ng elevator na pababa mula sa fourth floor. Labis na pagdadalamhati ang naramdaman niya sa panahong 'yon lalo pa't nakita niyang nag-iwan pa ang mga ito ng mensahe pagkatapos ng misscalls. She regretted turning her phone off that day. Ni hindi man lang niya narinig ng panghuling beses ang boses ng mga ito. Nasa phone pa rin niya ang mensaheng iniwan ng mga ito at wala siyang planong burahin iyon.
Hindi niya namalayang sa kakaiyak niya, unti-unti ring naninikip ang kanyang dibdib kaya bigla ay pinangapusan siya ng hininga. Napahigpit ang hawak niya sa balikat ng kaibigan na kasalukuyang hinahagod ang kanyang likod pero nang maramdaman nito ang nangyayari sa kanya, natatarantang diretso nitong tinungo ang cabinet kung saan nakalagay ang itinatago nitong nebulizer. Nakakatawang isipin na siya itong hikain pero siya itong walang dalang pang-emergency.
Ilang beses siyang humugot roon ng paghinga hanggang sa maging stable ang kanyang pakiramdam. Tumayo naman si Air at ikinuha siya ng isang basong tubig. She mouthed a thank you na sinuklian naman nito ng ngiti.
"Ang gagawin natin, do a physical check up on me para masigurado natin na walang magiging kumplikasyon sa gagawing proseso. Tungkol naman sa semen na kakailanganin, maghahanap ako ng lalaking fit sa standard ko."
Hindi nakaligtas sa paningin niya ang pasimpleng pag-ikot ng mata ng kaharap. Ngali-ngaling kukurotin niya sana ito sa singit kaso napigilan agad nito ang kanyang kamay. May pang-aasar pa sa klase ng tingin nito kaya kahit ayaw niyang magpaliwanag, ginawa na rin niya. "Hindi naman kasi pwedeng basta-basta na lang tayo kukuha ng semen. Natural lang na maging mapili kasi magiging unang anak ko 'yon 'pag nagkataon. Gets mo girl?"
"Kung sa bagay, may punto ka d'yan. Unang inaanak ko rin 'yan kaya dapat maging katulad siya sa kanyang flawless and pretty Ninang." Natatawa siya sa maarteng pagkaka-pronounce nito.
"Since sabi mo nga na Ninang ka ng future anak ko, libre na ang lahat ng serbisyong gagawin mo ha? Hatian tayo. Ako naman ang magbabayad sa semen ng lalaking magugustuhan kong perfect pagmanahan ng genes ng anak ko."
Alam niyang magrereklamo ito kasi sa laki ba naman ng magagastos para sa prosesong pinaplano niya, paniguradong aarte na naman ito na siya ang dahilan ng maaga nitong pamumulubi. Handa na sana siyang bumunghalit ng tawa at sabihin rito na nagbibiro lang siya pero sa hindi inaasahan ay tumango ito. Napisil niya tuloy ang hita para kumpirmahin na hindi siya nagha-hallucinate pero napa-aray siya ng wala sa oras kasi medyo napalakas ang kanyang pagkakapisil. Totoo nga ang nakita niya. Pumayag ito. The Aristotle Buenaventura, also known as, Binibining Kuripot ay handang gumastos ng malaki para sa kanya."'Di nga? Seryoso?" Nanglalaki ang mga matang niyugyog niya ang balikat ng kaibigan. "Libre ba talaga ang serbisyo mong gagawin? 'Di mo ako sisingilin?" pangungulit niya kay Air para makurpirma ang sagot nito.
"Hindi mo naman maiisip na gawin ang kagagahang 'to kung hindi ka talaga desperada. Saka baka siguro itinadhana ako na maging gynecologist out of all those field ng medicine ay para matulungan ka sa panahong 'to."
Akto na sana siyang magpapasalamat dito pero sinenyasan siya nito na 'wag na. Niyakap niya ito ng mahigpit nang kahit sa ganoong paraan man lang ay maipadama niya ang labis na pasasalamat.
"Tama na 'yan. Nasasakal na ako e'."
Natatawang hinampas niya ito ng throw pillow. Panira kasi ng moment. Papatak na sana ang luha niya e' kaso umurong.
"Nag-almusal ka na ba?" tanong nito.
Mabilis siyang umiling sa tanong ng kaibigan. Kung hindi pa ito nagtanong sa kanya ay saka pa lamang niya naramdaman ang pagkalam ng sikmura. Hindi na niya kasi naisipang mag-agahan dahil sa pagmamadali kanina. Lihim siyang napangiti nang tumayo ang kaharap para tunguhin ang kusina. Wala pa nga itong inilalapag na ingredients para sa lulutuing pagkain pero nagtutubig na ang kanyang bagang sa pagkatakam. Masarap kasi itong magluto. Madalas siya nitong i-spoil 'pag day off nito.
Humilata siya sa sofa saka hinablot ang diyaryo na nasa ilalim ng mini table. Panaka-naka ang ginagawa niyang pagsulyap sa ginagawa ng kaibigan lalo na't amoy na amoy niya ang mabangong aroma ng recipe na niluluto nito. Para tuloy ang sarap maghain ng kanin tapos habang inaamoy ang niluluto nitong ulam ay sasabayan niya ng pagsubo ng kanin. Napahagikhik siya sa naisip habang pinapakli ang bawat pahina ng diyaryo.
Nakapaskil pa sa labi niya ang ngiti nang ibinalik niya sa nalampasang pahina ang nakakuha ng kanyang atensyon. Matikas ang tindig ng lalaking naka-feature doon. May kung ano sa uri ng titig nito na nakaka-intimidate. Siguro dumagdag din doon ang fully, heavily structured nitong kilay kaya para itong tipo ng tao na 'di mo madadaan sa biro.
Pinasadahan niya ng basa ang nakalagay sa diyaryo tungkol dito. Nalaman niyang Finn Alcantara ang pangalan ng lalaki. Ayon sa nakasaad doon, isa itong abogado at s'yang humahawak ngayon sa kaso ng panggagahasa ng anak ng isang congressman sa isang menor de edad na dalagita. Napailing-iling siya pagkatapos mabasa 'yon. Sa mga ganitong kaso kasi kadalasan, matunog lang ito sa umpisa pero 'pag patuloy na ang pagtakbo ng kaso, tatahimik na agad ang kabilang panig at ipapalabas na inosente ang salarin. Walang hustisyang mangyayari.
"Halika na. Mag-breakfast na tayo."
Napalingon siya sa gawi ng kaibigan. Nai-set na nito ang pagkain sa mesa pati na rin ang mga plato at kubyertos. Awtomatiko ang ngiting pumaskil sa kanyang labi. Aristotle is the only friend who stayed after she lost her parents. 'Yong ibang mga itinuring niyang kaibigan noon na inakala niyang magtatagal ay parang mga bula na nagsilaho.
Madalian niyang tinuyo ang luhang umalpas sa kanyang mata bago pa ito makita ng kaibigan. Nagiging emosyonal na naman siya. Paniguradong aalaskahin siya nito 'pag nalaman nito ang rason kung bakit siya naiyak. Nang tiningnan siya ng kaibigan ay binigyan niya ito ng nakabusangot na mukha.
"Kumain ka na kasi. Punta ka na rito para mamaya, sabay na tayong pumunta sa hospital para ma-check up kita. Gawin natin 'yang binabalak mo kung 'yan ang makakapagpagaan ng kalooban mo," sermon ni Air sa kanya pero ramdam niya ang sinseridad nito sa binitawang salita.
Tinanguan niya ang kaibigan saka tumayo na sa kinauupuang sofa. Tutungo na sana siya sa mesa nang makitang hawak pa niya ang diyaryong binabasa. May kung anong nag-udyok sa kanya para tingnan muli ang lalaking nasa litrato. Out of impulse, pinitik niya ang mukha nito bago nagdesisyong ilagay muli ang diyaryo sa kinalalagyan nito kanina. Satisfied of what she did, nakangiti siyang pumunta na sa mesa para saluhan ang kaibigan sa pagkain.
"Good noon, Ma'am. Welcome to —""May I have the room key on the second floor's first room at the —""Here it is, Ma'am," putol ng receptionist na pinagtanungan niya sa front desk nitong hotel na pinasukan.Pinutol niya ang pagbati nito kaya para siyang tuta na umurong ang dila nang putulin din nito ang dapat niya sanang sasabihin. She deserve it though. Oo nga at hindi tama ang ginawa nitong pag-ganti pero kahit saang anggulo tingnan, siya ang unang nagkamali. E' kasi naman, may hinahabol siyang oras kaya wala siyang panahon para sa mahahabang eksplenasyon. Pero ang ipinagtaka niya ay tila inaasahan na talaga ng receptionist ang kanyang pagsulpot para kunin doon ang room key. Marahil ay binilinan ito ng lalaking kausap niya sa phone kanina. Sabi kasi nito na nagmamadali ito dahil may emergency na nangyari at kailangang makabalik agad ito sa Australia. She didn't expect that he did spare a time to give instructions before leaving. Sa
"Kung bakit mo ba naman kasi nakalimutang i-check ang bag bago ka umalis 'di ba?" panenermon ng ama sa mababa na tono.Kasalukuyan kasi na nagwawalis ang mama niya sa sala habang nasa terrace naman silang dalawa ng kanyang ama, nagkakape. Kaya ayaw nito na marinig ng mama niya ang kapabayaang nagawa. Alam niyang disappointed ito dahil naiwala niya ang USB na naglalaman ng solidong ebidensya na makapagdidiin sa ginawang panggagahasa ng anak ng congressman sa isang menor de edad. Pinaghirapan niyang makuha ang ebidensyang iyon pero tila naisahan yata siya ng kabilang panig.Naipilig niya ang ulo. Muli kasi siyang bumalik sa hotel room na inokupa kahapon pero naibalik na sa ayos ang mga gamit doon, partikular na ang kama. Napalitan na iyon ng panibagong bed sheets. Nasa tamang pwesto na rin ang mga unan na iniwan niyang nakakalat. Wala na ang nalukot na kumot. Inilibot niya ang paningin sa loob ng kwarto pero alam niyang wala na talaga siyang mahihita roon kaya agad siyan
Nagpalitan sila ng tingin ng kanyang ama habang tinatanaw nila ang mama niya na aligaga sa paggawa ng brownies. Aksidente kasi nitong narinig ang pag-uusap nilang mag-ama tungkol sa nangyari kahapon sa presinto. Nalingunan na lang nila ito kanina na buka ang bibig at hindi makapaniwala sa kanyang pagkakamaling nagawa doon sa babae. Hindi na niya magawang magpalusot dahil mukhang kanina pa ito nakikinig at hindi lang nila namalayan. "Finn, halika dito. Tulungan mo ako." Tinapik siya ng ama sa balikat nang patayo na siya para tunguhin ang gawi ng ina. Napakamot na lang tuloy siya sa ulo dahil sa nakitang pang-aalaskang tingin ng papa niya. "Ma, kailangan pa ba talaga nating gawin 'to? Ni hindi ko nga kilala ang babaeng 'yon. Saka wala lang naman iyong nangyari kahapon. Normal lang na tanungin siya tungkol sa mga detalye kasi nandoon siya sa lugar na pinangyarihan," paliwanag niya sa ina. Sinamaan siya nito ng tingin. Kung hindi lang siguro nito dala nga
Aliw na aliw si Angie habang tinitingnan ang mga bulaklak na idi-deliver niya ngayong araw. Naipikit niya ang mga mata nang kanyang samyuhin ang preskong halimuyak ng mga bagong pitas na bulaklak. She's fond of flowers since her childhood days. Ang pagkagiliw na iyon ay hindi nawala at nadala niya hanggang sa paglaki kaya nang tanungin siya ng kanyang ina kung ano ang kukunin niyang kurso ay awtomatikong lumabas sa kanyang labi ang Floriculture na sagot. Hindi naman siya nabigo na makakuha ng moral support mula sa mga magulang lalo na't florist din ang mama n'ya."Naku! Buti na lang talaga at physically fit ako noh? Kung hindi, baka nagkalasog-lasog na ang mga katawan n'yo at sa sahig na kayo nakaratay," aniya sa mga bulaklak habang mahinhing hinahaplos ang mga petals ng mga ito."Kung maririnig ka ng ibang tao, baka akalain nila na tao 'yang kinakausap mo."Napaigtad siya sa gulat. "Hoy jusko! Palakang tinubuan ng sampung pangil." Naitapat niya ang kanyang kama
"Oh." Agad na iniabot ni Finn ang dalang brownies sa kaibigan pagkabukas na pagkabukas nito ng pinto. Dito siya sa inuupahan nitong apartment dumiretso pagkagaling sa shop ni Angielyn.Nakaupo lang naman siya doon mula nang pinatuloy siya no'ng babaeng nagngangalang Merna. Maka-ilang ulit niyang sinusulyapan ang pagtakbo ng kamay ng relo habang hinihintay ang babaeng sadya. Halos mabalian na nga yata siya ng litid sa leeg kakalingon sa taong nagbubukas at pumapasok sa shop pero wala talaga ni anino man lang ni Angielyn ang dumating. Kung hindi pa n'ya naisipan na makipagkwentuhan kay Merna ay hindi niya malalaman na nakatanggap ito ng text mula sa amo na bukas na pala ito uuwi. Ramdam niya ang pagod kahit wala naman siyang ibang ginawa maghapon. Matapos makapagpaalam na aalis na siya dahil may appointment siyang dapat puntahan ay diretso na niyang tinungo ang ipinaradang kotse. Pauwi na sana siya sa bahay nang maalala niya ang bilin ng ina na dapat ay matanggap ng babaeng
"Namumutla ka a'! Okay ka lang ba?" Bakas ang pag-aalala sa boses ni Air nang makita siyang nanghihina galing sa banyo. Ewan ba n'ya! Wala naman siyang napansin na nakakain siya ng panis na pagkain pero parang hinahalukay ang kanyang tiyan. Ilang araw na rin siyang ganito. Hindi nga niya ginalaw ang niluto ni Air na ulam kanina kasi para siyang maduduwal na naman sa baho ng bawang na inilagay nito. "Ano ba kasi ang sinasahog mo sa mga niluluto mo lately? 'Di ko bet ang lasa. Nangangalawang na yata 'yang cooking skills mo, Aristotle!" Pinagdiinan niya ang pagkakabigkas ng totoong pangalan nito kaya pabiro siya nitong kinurot sa tagiliran. "Bruha ka talaga! Ikaw na nga itong ipinagluluto ng agahan tapos ikaw pa itong mareklamo." "Ito naman, nagtampo agad. Sige ka! Maaga kang mangungulubot n'yan." Inikutan lang siya nito ng mata saka marahang hinihilot ang noo nito. Akto na sana niya itong yayakapin nang muli siyang napaatras. Sumiksik kasi sa ilong niya
Nabitin sa ere ang tangka niyang paghikab pagkapanaog niya sa minamanehong van. Pa'no ba naman kasi ay nakasalubong ng kanyang tingin ang isang magandang babae na siyang nagbukas ng gate. Sa tantiya niya ay nasa early thirties pa ang naturang babae kung ang pagbabasehan ay ang bata pa nitong mukha at ang pino ng kutis nito. It looks like she's staring straight on a living doll! Hindi niya mapigilang makadama ng paghanga rito. "Napaaga ba ang pagpaparito ko sa'yo, Hija? Mukha yatang nabulahaw ko ang dapat sana oras pa ng pagtulog mo," hinging paumanhin nito sa kanya habang iginigiya siya nito na pumasok na sa loob. Hindi niya maiwasang makadama ng kakaibang emosyon sa kanyang puso kaya lang ay hindi niya ito mapangalanan. Napaka-estranghero nito at masyadong bago sa kanya. "Naku! Hindi naman po. Early bird naman po talaga akong tao kaya lang lately, nag-iba na ang routine ng katawan ko kaya kahit alas syete na ngayon ay parang inaantok pa ako."
"Hindi mo ba gusto ang pagkain?" Angielyn immediately shook her head. An awkward smile is visible on her lips although she tried her hardest to hide it. "Hindi mo kasi nagalaw ang pagkain mo. Wala ka pang naisubo kahit isang kutsara," muli ay puna nito. Hindi niya alam na binabantayan pala nito ang kilos niya. Kung bakit ba naman kasi pinaunlakan pa niya ang paanyaya nito eh alam naman niya na malaki ang posibilidad na ito ang mangyayari. She's not comfortable when he's around. May tensyon siyang nararamdaman sa tuwing nasa malapit si Atty. Finn Alcantara. Pasimple niyang itinikhim ang tila namuong bikig sa kanyang lalamunan bago sinagot ang mausisang lalaki. "Kumain na kasi ako ng agahan kanina bago ako pumunta dito." Itinabi niya ang hawak na kutsara at tinidor matapos magpaliwanag. Nakita niyang tumango-tango ito pero taliwas ang sinasabi ng mukha nito. Klarong-klaro sa nagpang-abot na mga kilay nito na hindi ito kumbinsido sa k
"Nag-away ba kayong dalawa? Hindi kasi tumugon ang asawa mo nang tanungin ko kung nasa'n ka. Mano-mano tuloy ang ginawa kong paghahanap para lang makita ka."Napabuntong-hininga si Finn sa sinabi ni Emerson."May topak na naman kasi — " May idadagdag pa sana siya pero biglang may sumulpot sa pintuan at nakapamewang."Ituloy mo lang, Hon. Makikinig ako."Matamis ang pagkakangiti ni Angielyn sa kanya pero para iyong red alert na nagpatikom sa kanyang bibig. Tumawa tuloy ang gago niyang kaibigan na nasa gilid nang makita ang kanyang naging reaksyon. At may balak pa talaga itong dagdagan ang pag-aaway nila ni Angielyn."Bakit? Ano ba ang pinag-awayan ninyong dalawa?" tanong nito na ang mata ay nasa babaeng tila nakakita ng bagong kakampi."Ganito kasi 'yon. Dahil nga naging abala ako kanina dahil umiiyak si David, siya ang inutusan ko na mag-order ng Carnation dahil iyon ang hinahanap ng isa kong kliyente. Napaka-importante ng task n
Isang linggo na mula nang inihiga siya sa hospital bed na ito. Isang linggo na rin nang makadama siya ng napakalaking puwang sa dibdib. Dalawang araw pa lang ang lumipas nang malaman niya ang lahat ng nangyari pagkatapos siyang mawalan ng malay. Ikinalungkot niya ng sobra ang balitang namatay si Merna pero ang mas dumurog sa kanya ay ang katotohanang namatay ito para lang ipagtanggol siya mula sa kamay ng nakatatandang kapatid na itinuring niyang matalik na kaibigan.Tunog ng binuksang pintuan ang nakaagaw sa kanyang malalim na pag-iisip. While her eyes is fixed on her big belly, she diverted it to the man who's wearing a white doctor's gown, accompanied by a nurse."Miss Angeline Jarina, how are you feeling today?"She genuinely smiled as she opened her mouth for a reply, "I'm perfectly fine, Doc."Sinuklian rin siya nito pabalik ng maamong ngiti. Like what he always do, the doctor checked her condition. Fortunately, tinanggal na ang mga aparatong ikinab
Buhat ng matinding pangangatog ng kamay, nabitawan ng nagwawalang binata ang kutsilyong ngayon ay madiing nakatusok sa tagiliran ng dalagitang humarang. Malalim ang sugat niyon lalo na at malakas ang pwersang naggamit. "A-Alexa..." Ang pangalan lang ng nakababatang kapatid ang tanging naisambit ni Aristotle. Masyadong mabilis ang pangyayari. Wala siyang alam. Hindi niya alam! He's clueless that the little sister he's been searching for is just one tap away from him. Sa naghihirap at duguang estado, sa harap mismo ng kanyang mga mata, isa-isang inalis ng dalaga ang mga inilagay nitong disguise sa katawan. Lumitaw ang nunal nito malapit sa ilong. Ang nunal na kinagigiliwan niya sa tuwing pinagmamasdan ito kapag nakakatulog ito sa kanyang bisig noon. Ilang sandali lang din, bumagsak ang buhok nitong hanggang bewang yata ang haba. Bago sa kanya iyon lalo na't nasanay siya na tingnan ito sa maikling buhok nang si Merna pa ang pagkakakilala niya rito.
Madilim. Kalat ang itim na kulay sa buong paligid. Wala siyang kahit katiting man lang na liwanag na makita. Kahit anong gawin niyang paggalaw para lang makawala mula sa mahigpit na pagkakagapos sa kanyang mga kamay, wala pa ring epekto iyon. Sa halip na lumuwag ay parang mas lalo pang nakadagdag iyon sa higpit ng pagkakatali. She's unsure on how many hours she's been at that dark and gloomy place. Basta ang alam lang ni Angielyn, matagal na siya roon. Sinikap niyang alalahanin ang lahat ng nangyari bago siya napunta sa ganitong sitwasyon pero gaya nang una niyang mga ginawang pagsubok, muli ay ibinabalik lang siya sa kasalukuyang sitwasyon. The piece of cloth used to blindfold her is too wet para dagdagan pa niya iyon ng marami pang luha. Hindi makakatulong sa kanya ang pag-iyak. Mas lalo na sa batang nasa loob ng kanyang sinapupunan. She's dying for someone to find her so she can ask for help. To make her safety so nothing bad will happen to her baby. She b
"Ate..." Paulit-ulit na sigaw ni Merna habang nasa garden. Bigla ang pagdagsa ng kaba sa d****b ni Merna. Gabing-gabi na kasi pero wala pa rin siyang balita sa dalagang amo. Hapon pa no'ng nagsabi ito na may lalakarin na muna sandali. Nag-commute lang ito dahil takot na itong mag-drive mag-isa dahil nga lumulubo na ng husto ang tiyan nito. Ilang beses niya itong tinawagan sa numero nito pero ilang missed calls na ang ginawa niya ay hindi pa rin sinasagot ni Angielyn ang kanyang tawag. Kung hindi pa niya naisipang magligpit-ligpit na muna habang hinihintay ang amo na dumating ay saka pa lang niya napansin ang cellphone nito na natabunan ng notebook. Nang pindutin niya ang gilid niyon ay nakita niyang naka-silent mode. Kaya pala hindi niya napansin na naroon lang iyon. Ilang pagsigaw pa ang ginawa niya bago siya nagdesisyon na pumasok na sa bahay ng amo. Hindi iyon naka-lock. Mukhang nakalimutan na naman nitong mag-lock sa kamamadali. Sinuyod niya ng tingin ang bawat p
"D-dugo..."Sapo ang nanabakit na tiyan naitaas ni Angielyn ang dalawang kamay na basang-basa nang pula at malagkit na likido. Ngatal ang labing napatingin siya sa daloy ng dugong umuukopa sa kanyang magkabilang hita.Pilit na itinatanggi sa sarili ang kasalukuyang nangyayari."No. Hindi pwede..." Pumiyok pa ang boses niya habang pailing-iling. "Hindi maaari. H-hindi...""Angie, brace yourself. Wala na siya!"Nalingon niya ang gawi ng nagsasalita. Si Aristotle. Hilam rin ito ng luha. Kagaya niya, nasasaktan rin ito sa nangyayari. Pumiksi siya sa mahigpit na pagkakayakap ni Air pero nagmatigas ito. Doon lang niya nakita na parang meron itong hinahawakan sa kanyang may bandang tiyan. Kung hindi pa ito medyo nawalan ng balanse dahil sa kanyang pagpupumiglas ay hindi na iyon mapapansin dahil sa unti-unting pagbalot ng manhid sa kanyang sistema."D-Diyos ko po. Ang baby ko..."Para siyang pinagkaitan ng boses. Nagbuka-sara ang
Hindi niya alam kung gaano na siya katagal na nakatayo lang roon pero base sa pangangawit ng kanyang paa nang ibalik siya ng magkakakasunod na katok sa reyalidad, alam niyang matagal-tagal talaga siyang doon lang nakatunganga."Finn, gising ka pa?"Bahagya siyang lumayo sa pinto. He cleared the lump on his throat before responding to his mom. "Yes po, Ma.""Pwede ba akong pumasok?"Nakadama bigla si Finn ng pagkataranta. Magaan ang pagyapak na ginawa niya para hindi marinig ng ginang ang kanyang mga yabag pero sapat ang bilis niyon para marating niya ang sariling kama at humiga roon para magkunwaring kanina pa niya ipinahinga ang sarili."Bukas po 'yan. Pasok po kayo."Pagkabukas ng pintuan at tanaw na niya ang ina ay saka siya bumangon at naupo sa kama."Hijo..." paunang ani ng butihing ina sa kanya. "May dapat ba akong malaman? Napansin ko kasi kanina sa telepono no'ng inimbitahan ko si Angielyn na nagdadalawang-isip siya na paunlak
Magtatanghali na. Pero mula nang pumasok si Finn sa study room ng alas syete ng umaga, hindi pa siya tumatayo mula sa tinatrabaho. Dinalhan na nga lang siya ni Isabel ng agahan."Hindi ka pa ba napapagod?"Biglaan ang pagsulpot ni Emerson sa kanyang tabi. Kasalukuyan niyang nire-review ngayon ang panibagong kaso. Katatapos niya lang mai-close ang kaso patungkol sa rape case nang anak ng Congressman.Iniliko niya ang swivel chair paharap sa bagong dating. Hindi na niya kinailangang yayain ito na maupo since feel at home naman ito. Kumuha ito ng sariling upuan para sa sarili. Mas komportable pa nga ang posisyon nito ngayon kaysa sa kanya."Let's have fun. Ito naman, parang wala man lang nangyari na pagkapanalo ng kaso. Kalat na kalat ang mukha mo sa lahat ng balita pero heto ka at ibang kaso na naman ang pinagkakaabalahan imbes na mag-celebrate.""E' kasi nga marami pang dapat asikasuhin. Marami pa akong dapat pag-aralan para sa susunod n
For the first time in months after that hotel incident, natagpuan ni Angielyn ang sariling nakangiti. Iyong tipo ng ngiti na bukal sa kalooban at hindi dahil kailangan niyang ngumiti. Habang hinihimas niya kasi ang tiyan ay naramdaman niya ang pagsipa ng bata sa kanyang sinapupunan. Alam na niya ang kasarian ng kanyang anak dahil naisagawa na niya ang second ultrasound. She got a he! Malakas ang kanyang kutob dati pa na lalaki ang kanyang dinadala kaya mostly, panglalaki na gamit ang binibili niya bago pa nakita ang resulta. Thankful siya kasi sa kabila ng sakit na nakaukit pa rin hanggang ngayon sa kanyang puso, hindi nito naapektuhan ang kalusugan ng kanyang pinagbubuntis. She's hardly coping up but she did her best anyway for her baby. Basta ang ginawa niya sa lang sa mga nagdaang buwan, itinuloy niya lang ang nakagawian. Magbantay sa flower shop, mag-deliver ng mga bulaklak sa mga social gatherings. Pero unlike dati na kahit sa malayo, naghahatid siya. Ngayon ay pinagbab