The Pregnant Virgin

The Pregnant Virgin

last updateLast Updated : 2021-11-28
By:  LilacCurl  Completed
Language: English_tagalog
goodnovel16goodnovel
9.9
33 ratings. 33 reviews
41Chapters
104.9Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Angielyn Jarina is supposed to be the sole heiress of her deceased parents inheritance kung hindi lang sana sumingit sa eksena ang bruhang step sister ng kanyang ama na siyang umangkin sa lahat ng mana na dapat ay nakapangalan sa kanyang papa. They're living just fine pero nayanig ang kanyang buhay sa biglaang pagkamatay ng kanyang mga magulang. Ang insidenteng ito ang nagtulak sa kanya para bawiin ang dapat ay pag-aari nila. Nag-iisa na lang siya! She got no parents now to wipe her tears when she feels so down. Kailangan niyang makuha ang gusto! Pero may malaking pero sa sitwasyon. Magiging posible lang ang nais niyang mangyari sa isang kundisyon — within a year, she must get pregnant! But she didn't want to take the risk of being a stranger's rush hour bride so she planned everything thoroughly. Her actions and decisions were calculated flawlessly. Everything is settled... That's what she thought! Pero nagkamali siya. Kung kailan akala niya ay umaayon na sa kanyang plano ang lahat ay saka naman siya biniro ng tadhana. Naihanda na ang lahat. Naisagawa na ang mga dapat gawin sa proseso. Tapos na sana... ang lahat. Not until she found out that she mistakenly used someone's sperm. Mabuti sana kung galing sa isang ordinaryong tao ang kanyang nagamit pero sa dami ba naman ng tao sa mundo, bakit pagmamay-ari pa iyon ng isang kilalang abogado? What will Angielyn do when it's already too late for a plan B?

View More

Latest chapter

Free Preview

Prologue

"Ano na ang gagawin mo n'yan? E' mukhang mas mautak nga yata talaga ang matandang bruhang 'yon kaysa sa'yo." Tinapunan niya ito ng masamang tingin saka hinablot ang dokumentong hawak nito. Kahit kailan talaga, hindi ito marunong makiramdam. Kita na nga at matinding pagpipigil ang ginagawa niya ngayon para hindi sugurin ang bruhang tiyahin niya.Ano bang karapatan nito para gawin sa kanya ang bagay na 'yon? Malaking sampal para sa kanya ang kundisyong inilagay nito sa will of testament nito. Kung tutuosin, ang ama niya ang may malaking karapatan sa ari-ariang inihabilin ng mga magulang nito pero dahil mas pinili ng Papa niya na pakasalan ang kanyang ina, na-obliga itong talikuran ang kayamanang dapat sana para rito kaya napunta sa bruhang 'yon ang lahat. Huli na ng malaman ng Papa niya ang ginawa nitong panunulsol sa kanyang Lolo.Mamamatay na nga't lahat-lahat pero heto at gumagawa na naman ito ng panibagong hakbang! Kaligayahan yata nito ang makaperwisyo n

Interesting books of the same period

Comments

user avatar
Dimple
interesting story why now ko lang ito nakita...
2023-08-19 09:16:43
1
user avatar
Judy Weber Harris
NOT English
2023-08-17 13:27:45
3
user avatar
Jared Altez
Interesting sino kaya ang abogado na yun haha ang kilala ko kasing sikat na abogado ay si cloud hahaha
2023-06-22 12:41:52
0
user avatar
LilacCurl
Most Searched oemjie
2022-03-17 23:04:05
5
user avatar
LilacCurl
Ayy si Miss Lilac din pala author nito? Anggaling waaah
2022-03-15 10:55:31
1
user avatar
LilacCurl
Nasa Top Romance pa rin sina Angielyn Jarina at Finn Alcantara! Waaaaaah
2022-03-13 20:52:54
1
user avatar
CarLyric
mind blowing ang mga kaganapan sa story na ito. hahaha!! galing mo talaga writernim.
2022-02-26 00:41:37
1
user avatar
talesofher
another amazing story from lilac! you go, girl! can't wait for your next stories!
2021-12-11 21:14:20
1
user avatar
Archeraye
HAHAHAHA naloka ako sa nagkamali siya sa paggamit ng sperm...
2021-12-10 20:48:15
1
user avatar
acronuxx
goodluck, angielyn. jusko Keri mo 'yan. anyways, nagsisimula ako rito, te. I ain't finished KBTB yet but surely will soon.
2021-12-08 12:43:56
2
user avatar
SweetDevilishAngel
OMGGGG! I am really going to read you soon ...
2021-12-04 17:57:29
1
user avatar
talesofher
definitely in love with this story! ...
2021-11-19 09:46:30
4
user avatar
SGirl
Great story. I love it!
2021-11-19 03:47:39
3
user avatar
CarLyric
Parang gusto ko na din ng isang attorney ......... Anakan mo din ako attorney Finn.. Chaaar ......... I love the story...........
2021-11-18 23:52:20
2
user avatar
C. Creeps
keep writing author, the story is good
2021-11-18 23:13:34
1
  • 1
  • 2
  • 3
41 Chapters

Prologue

"Ano na ang gagawin mo n'yan? E' mukhang mas mautak nga yata talaga ang matandang bruhang 'yon kaysa sa'yo." Tinapunan niya ito ng masamang tingin saka hinablot ang dokumentong hawak nito. Kahit kailan talaga, hindi ito marunong makiramdam. Kita na nga at matinding pagpipigil ang ginagawa niya ngayon para hindi sugurin ang bruhang tiyahin niya. Ano bang karapatan nito para gawin sa kanya ang bagay na 'yon? Malaking sampal para sa kanya ang kundisyong inilagay nito sa will of testament nito. Kung tutuosin, ang ama niya ang may malaking karapatan sa ari-ariang inihabilin ng mga magulang nito pero dahil mas pinili ng Papa niya na pakasalan ang kanyang ina, na-obliga itong talikuran ang kayamanang dapat sana para rito kaya napunta sa bruhang 'yon ang lahat. Huli na ng malaman ng Papa niya ang ginawa nitong panunulsol sa kanyang Lolo. Mamamatay na nga't lahat-lahat pero heto at gumagawa na naman ito ng panibagong hakbang! Kaligayahan yata nito ang makaperwisyo n
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 1

"Good noon, Ma'am. Welcome to —""May I have the room key on the second floor's first room at the —""Here it is, Ma'am," putol ng receptionist na pinagtanungan niya sa front desk nitong hotel na pinasukan. Pinutol niya ang pagbati nito kaya para siyang tuta na umurong ang dila nang putulin din nito ang dapat niya sanang sasabihin. She deserve it though. Oo nga at hindi tama ang ginawa nitong pag-ganti pero kahit saang anggulo tingnan, siya ang unang nagkamali. E' kasi naman, may hinahabol siyang oras kaya wala siyang panahon para sa mahahabang eksplenasyon. Pero ang ipinagtaka niya ay tila inaasahan na talaga ng receptionist ang kanyang pagsulpot para kunin doon ang room key. Marahil ay binilinan ito ng lalaking kausap niya sa phone kanina. Sabi kasi nito na nagmamadali ito dahil may emergency na nangyari at kailangang makabalik agad ito sa Australia. She didn't expect that he did spare a time to give instructions before leaving. Sa
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 2

"Kung bakit mo ba naman kasi nakalimutang i-check ang bag bago ka umalis 'di ba?" panenermon ng ama sa mababa na tono.Kasalukuyan kasi na nagwawalis ang mama niya sa sala habang nasa terrace naman silang dalawa ng kanyang ama, nagkakape. Kaya ayaw nito na marinig ng mama niya ang kapabayaang nagawa. Alam niyang disappointed ito dahil naiwala niya ang USB na naglalaman ng solidong ebidensya na makapagdidiin sa ginawang panggagahasa ng anak ng congressman sa isang menor de edad. Pinaghirapan niyang makuha ang ebidensyang iyon pero tila naisahan yata siya ng kabilang panig.Naipilig niya ang ulo. Muli kasi siyang bumalik sa hotel room na inokupa kahapon pero naibalik na sa ayos ang mga gamit doon, partikular na ang kama. Napalitan na iyon ng panibagong bed sheets. Nasa tamang pwesto na rin ang mga unan na iniwan niyang nakakalat. Wala na ang nalukot na kumot. Inilibot niya ang paningin sa loob ng kwarto pero alam niyang wala na talaga siyang mahihita roon kaya agad siyan
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 3

Nagpalitan sila ng tingin ng kanyang ama habang tinatanaw nila ang mama niya na aligaga sa paggawa ng brownies. Aksidente kasi nitong narinig ang pag-uusap nilang mag-ama tungkol sa nangyari kahapon sa presinto. Nalingunan na lang nila ito kanina na buka ang bibig at hindi makapaniwala sa kanyang pagkakamaling nagawa doon sa babae. Hindi na niya magawang magpalusot dahil mukhang kanina pa ito nakikinig at hindi lang nila namalayan. "Finn, halika dito. Tulungan mo ako." Tinapik siya ng ama sa balikat nang patayo na siya para tunguhin ang gawi ng ina. Napakamot na lang tuloy siya sa ulo dahil sa nakitang pang-aalaskang tingin ng papa niya. "Ma, kailangan pa ba talaga nating gawin 'to? Ni hindi ko nga kilala ang babaeng 'yon. Saka wala lang naman iyong nangyari kahapon. Normal lang na tanungin siya tungkol sa mga detalye kasi nandoon siya sa lugar na pinangyarihan," paliwanag niya sa ina. Sinamaan siya nito ng tingin. Kung hindi lang siguro nito dala nga
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 4

Aliw na aliw si Angie habang tinitingnan ang mga bulaklak na idi-deliver niya ngayong araw. Naipikit niya ang mga mata nang kanyang samyuhin ang preskong halimuyak ng mga bagong pitas na bulaklak. She's fond of flowers since her childhood days. Ang pagkagiliw na iyon ay hindi nawala at nadala niya hanggang sa paglaki kaya nang tanungin siya ng kanyang ina kung ano ang kukunin niyang kurso ay awtomatikong lumabas sa kanyang labi ang Floriculture na sagot. Hindi naman siya nabigo na makakuha ng moral support mula sa mga magulang lalo na't florist din ang mama n'ya."Naku! Buti na lang talaga at physically fit ako noh? Kung hindi, baka nagkalasog-lasog na ang mga katawan n'yo at sa sahig na kayo nakaratay," aniya sa mga bulaklak habang mahinhing hinahaplos ang mga petals ng mga ito."Kung maririnig ka ng ibang tao, baka akalain nila na tao 'yang kinakausap mo."Napaigtad siya sa gulat. "Hoy jusko! Palakang tinubuan ng sampung pangil." Naitapat niya ang kanyang kama
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 5

"Oh." Agad na iniabot ni Finn ang dalang brownies sa kaibigan pagkabukas na pagkabukas nito ng pinto. Dito siya sa inuupahan nitong apartment dumiretso pagkagaling sa shop ni Angielyn.Nakaupo lang naman siya doon mula nang pinatuloy siya no'ng babaeng nagngangalang Merna. Maka-ilang ulit niyang sinusulyapan ang pagtakbo ng kamay ng relo habang hinihintay ang babaeng sadya. Halos mabalian na nga yata siya ng litid sa leeg kakalingon sa taong nagbubukas at pumapasok sa shop pero wala talaga ni anino man lang ni Angielyn ang dumating. Kung hindi pa n'ya naisipan na makipagkwentuhan kay Merna ay hindi niya malalaman na nakatanggap ito ng text mula sa amo na bukas na pala ito uuwi. Ramdam niya ang pagod kahit wala naman siyang ibang ginawa maghapon. Matapos makapagpaalam na aalis na siya dahil may appointment siyang dapat puntahan ay diretso na niyang tinungo ang ipinaradang kotse. Pauwi na sana siya sa bahay nang maalala niya ang bilin ng ina na dapat ay matanggap ng babaeng
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 6

"Namumutla ka a'! Okay ka lang ba?" Bakas ang pag-aalala sa boses ni Air nang makita siyang nanghihina galing sa banyo. Ewan ba n'ya! Wala naman siyang napansin na nakakain siya ng panis na pagkain pero parang hinahalukay ang kanyang tiyan. Ilang araw na rin siyang ganito. Hindi nga niya ginalaw ang niluto ni Air na ulam kanina kasi para siyang maduduwal na naman sa baho ng bawang na inilagay nito. "Ano ba kasi ang sinasahog mo sa mga niluluto mo lately? 'Di ko bet ang lasa. Nangangalawang na yata 'yang cooking skills mo, Aristotle!" Pinagdiinan niya ang pagkakabigkas ng totoong pangalan nito kaya pabiro siya nitong kinurot sa tagiliran. "Bruha ka talaga! Ikaw na nga itong ipinagluluto ng agahan tapos ikaw pa itong mareklamo." "Ito naman, nagtampo agad. Sige ka! Maaga kang mangungulubot n'yan." Inikutan lang siya nito ng mata saka marahang hinihilot ang noo nito. Akto na sana niya itong yayakapin nang muli siyang napaatras. Sumiksik kasi sa ilong niya
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 7

Nabitin sa ere ang tangka niyang paghikab pagkapanaog niya sa minamanehong van. Pa'no ba naman kasi ay nakasalubong ng kanyang tingin ang isang magandang babae na siyang nagbukas ng gate. Sa tantiya niya ay nasa early thirties pa ang naturang babae kung ang pagbabasehan ay ang bata pa nitong mukha at ang pino ng kutis nito. It looks like she's staring straight on a living doll! Hindi niya mapigilang makadama ng paghanga rito. "Napaaga ba ang pagpaparito ko sa'yo, Hija? Mukha yatang nabulahaw ko ang dapat sana oras pa ng pagtulog mo," hinging paumanhin nito sa kanya habang iginigiya siya nito na pumasok na sa loob. Hindi niya maiwasang makadama ng kakaibang emosyon sa kanyang puso kaya lang ay hindi niya ito mapangalanan. Napaka-estranghero nito at masyadong bago sa kanya. "Naku! Hindi naman po. Early bird naman po talaga akong tao kaya lang lately, nag-iba na ang routine ng katawan ko kaya kahit alas syete na ngayon ay parang inaantok pa ako."
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 8

"Hindi mo ba gusto ang pagkain?"  Angielyn immediately shook her head. An awkward smile is visible on her lips although she tried her hardest to hide it. "Hindi mo kasi nagalaw ang pagkain mo. Wala ka pang naisubo kahit isang kutsara," muli ay puna nito. Hindi niya alam na binabantayan pala nito ang kilos niya. Kung bakit ba naman kasi pinaunlakan pa niya ang paanyaya nito eh alam naman niya na malaki ang posibilidad na ito ang mangyayari. She's not comfortable when he's around. May tensyon siyang nararamdaman sa tuwing nasa malapit si Atty. Finn Alcantara. Pasimple niyang itinikhim ang tila namuong bikig sa kanyang lalamunan bago sinagot ang mausisang lalaki.  "Kumain na kasi ako ng agahan kanina bago ako pumunta dito." Itinabi niya ang hawak na kutsara at tinidor matapos magpaliwanag. Nakita niyang tumango-tango ito pero taliwas ang sinasabi ng mukha nito. Klarong-klaro sa nagpang-abot na mga kilay nito na hindi ito kumbinsido sa k
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 9

"Oh ano? Matabang pa ba? Gusto mo dagdagan pa natin?" Halos takbuhin na ni Angielyn ang lababo nang bumara sa kanyang lalamunan ang labis na alat na umukopa roon. Bumaliktad yata ang sikmura niya sa magkahalong lasa ng gatas at iodized salt. "Nasaan ba kasing planeta ang isip mo at nang masundo ko? Kalahating oras ka ng malalim na nag-iisip. Ni hindi mo nga ako pinapansin kahit ilang beses ko ng tinatadyak ang mga paa ko sa sahig," usisa ni Air habang nakapamewang sa kanyang gilid. Puno ng curiousity at pagtataka ang makikita sa mukha nito pero iniwas niya ang tingin. Mayamaya ay binalingan niya ito ng masamang tingin. "Tinatawag mo pang future ninang ang sarili mo pero hindi mo man lang ako inawat nang itimpla ko ang asin imbes na asukal." "Hoy maghunos-dili ka, Binibining birhen! 'Wag mong isisi sa iba ang bagay na ikaw mismo ang may gawa. 'Yan ang itinuro ni Papa sa akin no'ng bata pa ako. Kaya ngayon, dapat matutunan mo rin 'yon. Tanggapin mo na l
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more
DMCA.com Protection Status