Share

Chapter 3

Author: LilacCurl
last update Last Updated: 2021-10-17 07:12:26

Nagpalitan sila ng tingin ng kanyang ama habang tinatanaw nila ang mama niya na aligaga sa paggawa ng brownies. Aksidente kasi nitong narinig ang pag-uusap nilang mag-ama tungkol sa nangyari kahapon sa presinto. Nalingunan na lang nila ito kanina na buka ang bibig at hindi makapaniwala sa kanyang pagkakamaling nagawa doon sa babae. Hindi na niya magawang magpalusot dahil mukhang kanina pa ito nakikinig at hindi lang nila namalayan.

"Finn, halika dito. Tulungan mo ako."

Tinapik siya ng ama sa balikat nang patayo na siya para tunguhin ang gawi ng ina. Napakamot na lang tuloy siya sa ulo dahil sa nakitang pang-aalaskang tingin ng papa niya.

"Ma, kailangan pa ba talaga nating gawin 'to? Ni hindi ko nga kilala ang babaeng 'yon. Saka wala lang naman iyong nangyari kahapon. Normal lang na tanungin siya tungkol sa mga detalye kasi nandoon siya sa lugar na pinangyarihan," paliwanag niya sa ina.

Sinamaan siya nito ng tingin. Kung hindi lang siguro nito dala ngayon ang brownies na kakalabas lang galing sa oven, baka inulan na siya nito ng hampas.

"Matatawag lang na questioning 'yon kung walang halong bias ang pagtatanong. Sa kinalabasan ng nangyari kahapon, paniguradong interrogation ang ginawa mo do'n sa babae. Hindi normal ang ginawa mong pamamahiya. Mabuti nga at hindi ka kinasuhan no'n."

Itinaas niya ang mga kamay bilang pagsuko. Inabutan siya ng ina ng apron. Dinig na dinig niya ang pagtawa ng kanyang papa sa sala kaya nilingon niya ito. Kunwari pang natatawa ito sa pinapanood e' alam na alam niya na siya ang inaasar nito. Ang lakas talaga mang-asar pero tiklop pagdating sa Mrs. Alcantara nito.

"Ako na nga ang maglagay ng apron sa'yo. Kita mo na nga kung anong oras na tapos nag-aaksaya ka pang tumayo lang diyan."

Hindi na siya nagreklamo nang isinuot na nito sa kaniya ang apron. Bahagya pa itong ngumiti matapos sipatin ang ayos niya.

"Kahit ano talagang isuot sa iyo, babagay talaga." Pinisil pa nito ang pisngi niya pero natawa na lang siya. Sanay na siya sa gesture ng ina. Siya lang kasi ang nag-iisang anak nito mula no'ng nagkaproblema sa matres nito at nagresulta sa hindi na nito pwedeng magkaanak ulit. Kaya hanggang ngayon, baby pa rin daw siya nito. Kahit maging balbas-sarado pa siya, wala pa rin daw magbabago sa trato nito sa kanya. He will still be her little boy.

May kinuha ang mama niya sa may cabinet at nang bumalik ay may dala na itong peanut butter chips saka inabot sa kanya. Nagtaka siya kung ano ang gagawin niya do'n pero naunahan na siya ng ina bago pa siya makapagtanong dito.

"Ilagay mo 'yan sa ibabaw ng cookies saka pagkatapos, kita mo ba 'yang chopped nuts na inihanda ko? I-mix mo rin 'yan.  Gawin mo na. May tatawagan na muna ako sandali."

Hindi naman bago sa kanya ang maglagay ng ganito pero bakit tila kinakabahan siya na baka hindi maging maayos ang pagkakalagay niya? Nasundan niya ng tingin ang ina. May tinawagan nga ito sa phone. Hindi niya masyadong marinig ang sinasabi nito pero ilang beses niya itong nakita na tumango-tango saka may isinusulat sa sticky note bago ibinaba ang phone. Nalingunan siya nito. Akala niya ay iirapan siya ng ina pero malaki ang pagkakangiti nito habang papunta pabalik sa kanyang pwesto. Ano man ang naging pag-uusap ng mama niya at ng kausap nito sa phone, paniguradong magandang balita 'yon kung pagbabasehan ang lawak ng pagkakangiti ng kanyang ina.

"Sino po ba 'yon, Ma?" tanong niya habang pinagkakaabalahang lagyan ng peanut butterchips at chopped nuts ang ibabaw ng brownies.

"Here."

Tiningnan niya ang inilapag na sticky note na sinulatan nito. Napamaang siya nang makita at mabasa ang nakalagay doon. Hindi makapaniwalang tiningnan niya ang ina na ngayon ay abala na sa paglalagay ng frosting.

"Ma, naman e'. Hindi mo naman kailangang gaw—"

"Tama ka d'yan, Finn. Mama mo ako kaya kinakailangan kong gawin ito." Pinagdiinan nito ang pagbanggit ng salitang kong. Nagpakawala na lamang siya ng malalim na buntong-hininga bilang pagsuko. "Puntahan mo ang address na 'yan at humingi ka ng tawad. Magbihis ka na roon dahil patapos na rin ako dito."

"Oo nga naman, Anak. Magbihis ka na roon para mapuntahan mo na 'yong babae at nang makahingi ka na ng tawad." Seryoso ang tono ng boses ng ama pero nang tingnan niya ang gawi nito, hindi pa rin maampat ang malaki nitong ngisi. Alaskador talaga kahit kailan.

"Sige po, Ma. Bibilisan ko na rin kasi may iba akong lalakarin ngayon."

Nagmamadaling tinungo niya ang kwarto. Nang makapasok ay basta na lamang hinubad ang damit at saka naghablot ng panibagong masusuot mula sa wardrobe. Kadalasan, 'pag nagmamadali siya ay damit pambahay lang talaga ang dinidiretso ng kanyang kamay pero sa pagkakataong ito ay tila nagdesisyong mag-isa ang kamay niya. Hinablot nito ang plain shirt na gray ang kulay. Tiningnan niya ang sariling repleksyon sa salamin. Dinaanan pa niya ng kamay ang buhok bago nagdesisyong kunin ang perfume para magpabango. Huli na nang ma-realize niya na para siyang teenager na aakyat ng ligaw. Ginulo niya ang buhok saka lumabas na sa kwarto. Naabutan niya ang ina na inilalagay na sa loob ng trasparent tupperware na may foil ang brownies. Pagkatakip ay tinalian ito ng ginang ng red na ribbon bilang dekorasyon. 

"Tapos ka na ba? Heto oh. Ibigay mo 'yan sa kaniya ha? Siguraduhin mong matatanggap niya iyan at pati na rin ang paghingi mo ng tawad." 

Hindi na niya sinalungat ang ina kahit pa against siya sa gusto nitong mangyari. Kinuha na lang niya ang tupperware ng brownies na inabot nito saka niya ito hinalikan sa pisngi. Tinapik nito ang kanyang balikat bago siya dumistansya rito.

"Aalis na po ako. Ma. Pa..." Nilingon niya ang ang ama na ngayon ay seryoso na sa pinapanood na palabas sa telebisyon. Lumingon ito nang marinig ang kanyang pagtawag. "Alis na po ako."

"Sige mag-iingat ka sa daan."

Pagkalabas na pagkalabas niya sa pinto ay inilabas niya mula sa bulsa ng pantalon ang papel na isinilid kanina. Ngayon lang niya napansin na may nakasulat din palang pangalan doon kalakip ng address na nakasulat sa itaas. Siguro ay hindi niya agad iyon namataan kanina kasi ang pagkakasulat ng pangalan ay halos marka nalang ng bolpen na hindi klaro ang tinta.

"So Angielyn pala ang pangalan ng bungangerang babaeng 'yon." Hindi niya napigilang matawa dahil sa naisip. Hindi lang kasi siya makapaniwala na sa pagiging palengkera ng bibig ng babaeng iyon ay taliwas ang dating ng pangalan nito. Kung pagbabasehan kasi ang pangalan nito, para itong isang mahinhin na dilag na hindi halos makabasag pinggan. Pero kung ugali ang pag-uusapan, naku! Paniguradong mag-uunahan ang mga pinggan na mabasag ng kusa at bukal sa kanilang loob.

Natigil siya sa aktong pagbukas ng kotse nang tumunog ang cellphone niya. Si Emerson Aeschylus ang nasa kabilang linya. Sandali siyang nag-alangan kung sasagutin ba ang tawag o hindi pero sa huli, binuksan niya ang kotse saka lumulan. Inilagay na muna niya ang tupperware na bitbit sa katabing upuan bago tinahak ng kanyang kamay ang glove compartment kung saan nakalagay ang bluetooth earphone saka inilapat iyon sa tainga nang maikonekta na niya ang tawag. He decided to take his seat at the front of the steering wheel.

Binuhay na niya ang makina ng sasakyan saka iniliko ang kotse para tahakin ang daan patungo sa address ng babae.

"Nasaan ka na ba ngayon? Akala ko ba gusto mong malaman kung sino iyong babaeng nakasama mo sa hotel at s'yang kumuha ng USB? May lead na kami."

Natapakan n'ya ng wala sa oras ang break ng sasakyan sa pagkagulat ng mga tutuli niya sa tainga. Buti na lang talaga at wala pa siya sa main road. Kung nagkataon ay baka nayupi na ng kasunod na sasakyang nasa likuran ang kotse niya. Madalian niyang tinanggal ang suot na earphone pagka-park niya sa gilid.

"Bwesit ka talaga kahit kailan. Bibingihin mo ba ako? Ang aga mo naman yatang nagsisisigaw!"

Malutong na tawa lang ang isinagot ng nasa kabilang linya. Gustuhin man niya na mainis pero wala din namang kwenta dahil mas lalo lang siya nitong aasarin. Ewan ba n'ya at sa dami ng taong pwede ibigay ng nasa Taas ay ito pang ugok na 'to ang napadpad sa kanya.

Bahagyang kumunot ang kanyang noo nang makita sa screen na nakipag-video call pa ang bruho sa kanya. Ngali-ngaling iignorahin niya sana ang tawag pero sa huli ay sinagot niya rin ang video call request nito. Bumungad sa kanya ang malawak nitong ngisi. Halatang bago lang ito nagising dahil sabog pa ang buhok nito.

"Sabi na nga ba't nagpang-abot na naman ang kilay mo eh. Ang aga mong na badtrip, darling a'." 

Umalpas ang tawa sa labi niya dahil sa nakikitang itsura ng kaibigan. Mukha kasi itong nakakain ng tira ng daga. Paulit-ulit nitong ibinubuka-sara ang mata para magpa-cute kahit hindi naman bagay dito. Dagdagan pa na nag boses-babae ito sa pagsasalita.

"Ewan ko sa'yo."

Nagdesisyon siya na ilagay na muna sa stand ang cellphone at muli nang nag-earphone para buhayin na ulit ang makina ng sasakyan.  Kinakabig na niya ang manibela papunta sa main road para tunguhin na ang address na pupuntahan nang mapansin niya na masyadong tahimik ang kaibigan. Akala niya ay pinatay na nito ang video call pero nang sulyapan niya ang gawi ng cellphone ay nakita niyang prente itong nakaupo ngayon sa terrace nito at nagkakape pero ang mas kumuha sa interes niya ay ang mapanukso nitong ngiti. Sinundan niya ang direksyong tinitingnan nito. Tumikhim siya nang ma-realize kung ano ang umagaw ng atensyon ng kaibigan.

"Mukha yatang may maswerte nang babae na pag-aalayan ni Mr. Attorney ng specially baked brownies ni Tita ah. Sino kaya si Ms. Lucky girl na 'yan?" 

"Alam ba ng girlfriend mo na ganyan ka ka-childish?" Sinubukan niyang tumawa para pagtakpan ang tila biglaang pag-init ng pisngi niya dahil sa sinabi ng kaibigan. Awtomatiko kasing naglaro ang imahe ng babaeng bungangerang iyon sa kanyang balintataw nang asarin siya ni Emerson.

Nabungaran niyang tila nag-iisip pa ang kanyang kausap bago nito ibinuka ang bibig para magsalita. "Girlfriend? Sino sa kanilang lima ang tinutukoy mo?"

Napailing siya sa kakulitan ng kaibigan. Magsasalita na sana siya para barahin ito pero naiwan sa ere ang mga salitang nais niyang sabihan at tila nawala rin ang mga 'yon. Naisabay ng hangin sa paglipad. Nakita niya kasi mula sa di kalayuan ang babaeng sadya. Likod pa lang nito ay kilala na niya kung sino ang may-ari. Ewan pero tila nakabisado na niya agad ang postura nito kahit isang beses pa lang naman sila nagkaharap ng personal.

Itinabi niya ang sasakyan sa may gilid. He's unaware that fondness is written all over his face while watching the woman loading bouquets of different types of flowers in the back of the car. May delivery yata ang babae ngayong araw.

"Oh mag-ingat ka!" Awtomatikong nailahad niya ang magkabilang kamay sa posisyong sasaluhin niya ang babae nang makitang medyo natikluhod ito. Mabuti na lang at naka-balance ito bago pa man nito na meet and greet ang sahig. He heaved a sigh of relief. Hindi naman siya galing sa pagtakbo pero todo ang biglaang pagrigudon ng puso niya dahil sa kamuntikang pagkatumba ng tinatanaw na babae.

Madalian siyang yumuko nang magpalinga-linga sa paligid ang babae. Medyo natawa siya dahil parang alam na niya ang iniisip nito. Nakumpirma niya ang hinala nang tingalain na niya ang gawi nito at nakitang nakapaskil ang ngiti sa manipis nitong labi. 

Kung alam lang siguro nito na may nakakita sa kamuntikan na nitong pagkatumba sa sahig at sa kamalas-malasan ay siya pa na ang lalaking nag-akusa rito na nagnakaw sa USB, paniguradong nakayuko na siguro ito sa pagkapahiya sa mga oras na 'to.

"Hoy! Hinay-hinay sa pagngiti. Baka mapunit na 'yang labi mo." Napahawak si Finn sa dibdib dahil sa pagkagulat sa biglaang pagsasalita ng sinumang Poncio Pilato sa earphone na kanyang suot. Kung nandito lang siguro ang damuhong Emerson ngayon sa tabi niya ay baka nakutusan na niya ito. Gulatin ba naman siya eh nagtatago nga siya para di siya makita ng babaeng sadya niya rito. Inulan siya nito ng tawa. Sa inis ay walang babalang pinatayan niya ito ng tawag.

Nga pala! Bakit nga pala ako magtatago eh siya nga ang sinadya ko dito? 

Natampal niya ang noo habang binabalingan ng sulyap ang tupperware ng brownies na ginawa ng ina.

"Bahala na!" nai-usal niya sa sarili bago inabot ang dalang regalo saka umibis sa kotse. Inayos pa niya ng kaunti ang buhok bago marahang tinungo ang pwesto ni Angielyn.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Emerson Aeschylus
Hehehehe...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The Pregnant Virgin   Chapter 4

    Aliw na aliw si Angie habang tinitingnan ang mga bulaklak na idi-deliver niya ngayong araw. Naipikit niya ang mga mata nang kanyang samyuhin ang preskong halimuyak ng mga bagong pitas na bulaklak. She's fond of flowers since her childhood days. Ang pagkagiliw na iyon ay hindi nawala at nadala niya hanggang sa paglaki kaya nang tanungin siya ng kanyang ina kung ano ang kukunin niyang kurso ay awtomatikong lumabas sa kanyang labi ang Floriculture na sagot. Hindi naman siya nabigo na makakuha ng moral support mula sa mga magulang lalo na't florist din ang mama n'ya."Naku! Buti na lang talaga at physically fit ako noh? Kung hindi, baka nagkalasog-lasog na ang mga katawan n'yo at sa sahig na kayo nakaratay," aniya sa mga bulaklak habang mahinhing hinahaplos ang mga petals ng mga ito."Kung maririnig ka ng ibang tao, baka akalain nila na tao 'yang kinakausap mo."Napaigtad siya sa gulat. "Hoy jusko! Palakang tinubuan ng sampung pangil." Naitapat niya ang kanyang kama

    Last Updated : 2021-10-18
  • The Pregnant Virgin   Chapter 5

    "Oh." Agad na iniabot ni Finn ang dalang brownies sa kaibigan pagkabukas na pagkabukas nito ng pinto. Dito siya sa inuupahan nitong apartment dumiretso pagkagaling sa shop ni Angielyn.Nakaupo lang naman siya doon mula nang pinatuloy siya no'ng babaeng nagngangalang Merna. Maka-ilang ulit niyang sinusulyapan ang pagtakbo ng kamay ng relo habang hinihintay ang babaeng sadya. Halos mabalian na nga yata siya ng litid sa leeg kakalingon sa taong nagbubukas at pumapasok sa shop pero wala talaga ni anino man lang ni Angielyn ang dumating. Kung hindi pa n'ya naisipan na makipagkwentuhan kay Merna ay hindi niya malalaman na nakatanggap ito ng text mula sa amo na bukas na pala ito uuwi. Ramdam niya ang pagod kahit wala naman siyang ibang ginawa maghapon. Matapos makapagpaalam na aalis na siya dahil may appointment siyang dapat puntahan ay diretso na niyang tinungo ang ipinaradang kotse. Pauwi na sana siya sa bahay nang maalala niya ang bilin ng ina na dapat ay matanggap ng babaeng

    Last Updated : 2021-10-19
  • The Pregnant Virgin   Chapter 6

    "Namumutla ka a'! Okay ka lang ba?" Bakas ang pag-aalala sa boses ni Air nang makita siyang nanghihina galing sa banyo. Ewan ba n'ya! Wala naman siyang napansin na nakakain siya ng panis na pagkain pero parang hinahalukay ang kanyang tiyan. Ilang araw na rin siyang ganito. Hindi nga niya ginalaw ang niluto ni Air na ulam kanina kasi para siyang maduduwal na naman sa baho ng bawang na inilagay nito. "Ano ba kasi ang sinasahog mo sa mga niluluto mo lately? 'Di ko bet ang lasa. Nangangalawang na yata 'yang cooking skills mo, Aristotle!" Pinagdiinan niya ang pagkakabigkas ng totoong pangalan nito kaya pabiro siya nitong kinurot sa tagiliran. "Bruha ka talaga! Ikaw na nga itong ipinagluluto ng agahan tapos ikaw pa itong mareklamo." "Ito naman, nagtampo agad. Sige ka! Maaga kang mangungulubot n'yan." Inikutan lang siya nito ng mata saka marahang hinihilot ang noo nito. Akto na sana niya itong yayakapin nang muli siyang napaatras. Sumiksik kasi sa ilong niya

    Last Updated : 2021-10-20
  • The Pregnant Virgin   Chapter 7

    Nabitin sa ere ang tangka niyang paghikab pagkapanaog niya sa minamanehong van. Pa'no ba naman kasi ay nakasalubong ng kanyang tingin ang isang magandang babae na siyang nagbukas ng gate. Sa tantiya niya ay nasa early thirties pa ang naturang babae kung ang pagbabasehan ay ang bata pa nitong mukha at ang pino ng kutis nito. It looks like she's staring straight on a living doll! Hindi niya mapigilang makadama ng paghanga rito. "Napaaga ba ang pagpaparito ko sa'yo, Hija? Mukha yatang nabulahaw ko ang dapat sana oras pa ng pagtulog mo," hinging paumanhin nito sa kanya habang iginigiya siya nito na pumasok na sa loob. Hindi niya maiwasang makadama ng kakaibang emosyon sa kanyang puso kaya lang ay hindi niya ito mapangalanan. Napaka-estranghero nito at masyadong bago sa kanya. "Naku! Hindi naman po. Early bird naman po talaga akong tao kaya lang lately, nag-iba na ang routine ng katawan ko kaya kahit alas syete na ngayon ay parang inaantok pa ako."

    Last Updated : 2021-10-21
  • The Pregnant Virgin   Chapter 8

    "Hindi mo ba gusto ang pagkain?" Angielyn immediately shook her head. An awkward smile is visible on her lips although she tried her hardest to hide it. "Hindi mo kasi nagalaw ang pagkain mo. Wala ka pang naisubo kahit isang kutsara," muli ay puna nito. Hindi niya alam na binabantayan pala nito ang kilos niya. Kung bakit ba naman kasi pinaunlakan pa niya ang paanyaya nito eh alam naman niya na malaki ang posibilidad na ito ang mangyayari. She's not comfortable when he's around. May tensyon siyang nararamdaman sa tuwing nasa malapit si Atty. Finn Alcantara. Pasimple niyang itinikhim ang tila namuong bikig sa kanyang lalamunan bago sinagot ang mausisang lalaki. "Kumain na kasi ako ng agahan kanina bago ako pumunta dito." Itinabi niya ang hawak na kutsara at tinidor matapos magpaliwanag. Nakita niyang tumango-tango ito pero taliwas ang sinasabi ng mukha nito. Klarong-klaro sa nagpang-abot na mga kilay nito na hindi ito kumbinsido sa k

    Last Updated : 2021-10-22
  • The Pregnant Virgin   Chapter 9

    "Oh ano? Matabang pa ba? Gusto mo dagdagan pa natin?" Halos takbuhin na ni Angielyn ang lababo nang bumara sa kanyang lalamunan ang labis na alat na umukopa roon. Bumaliktad yata ang sikmura niya sa magkahalong lasa ng gatas at iodized salt. "Nasaan ba kasing planeta ang isip mo at nang masundo ko? Kalahating oras ka ng malalim na nag-iisip. Ni hindi mo nga ako pinapansin kahit ilang beses ko ng tinatadyak ang mga paa ko sa sahig," usisa ni Air habang nakapamewang sa kanyang gilid. Puno ng curiousity at pagtataka ang makikita sa mukha nito pero iniwas niya ang tingin. Mayamaya ay binalingan niya ito ng masamang tingin. "Tinatawag mo pang future ninang ang sarili mo pero hindi mo man lang ako inawat nang itimpla ko ang asin imbes na asukal." "Hoy maghunos-dili ka, Binibining birhen! 'Wag mong isisi sa iba ang bagay na ikaw mismo ang may gawa. 'Yan ang itinuro ni Papa sa akin no'ng bata pa ako. Kaya ngayon, dapat matutunan mo rin 'yon. Tanggapin mo na l

    Last Updated : 2021-10-24
  • The Pregnant Virgin   Chapter 10

    Agad na naglaho ang ngiting nakapaskil sa mukha ni Angielyn nang mabungaran niya ang bulto ng babaeng prenteng nakaupo patalikod sa kanyang direksyon. She can literally feel how her blood boil. Ito pa talaga ang maabutan niya pagkatapos niyang mag-unwind."Hoy! Ano na? Bakit natigilan ka d'yan? Nakakita ka ba ng multo?" Tumatawa si Air nang pabiro siya nitong kalabitin."Hindi. Demonyo ang nakita ko!"Sinundan nito ng tingin ang direksyon ng kanyang mga mata. Dinig pa niya na napabuntong-hininga ito saka nito marahang pinisil ang kanyang kamay. Nagpatianod siya sa kaibigan nang humakbang si Air papasok sa bahay niya. Dito na kasi sila dumiretso para mai-arrange daw nito ang mga nabili nila. May pagkamakakalimutin kasi siya kaya hindi ito convinced nang sabihan niyang siya na ang bahala.Sabay na napatingin ang mga unwanted visitor sa gawi nila nang walang pasintabi silang dumaan sa pwesto ng mga ito."Angie," mahina pero madiin na tawag ng Do

    Last Updated : 2021-10-26
  • The Pregnant Virgin   Chapter 11

    "Malinis ang pagkakamanipula nila sa sitwasyon. Ayon sa sinabi ng source na nasagap ko, lahat ng ebidensya ay nakaturo na ngayon kay Rizel Reyes. 'Yong mga statement rin ng mga taong involve at may alam sa nangyari ay nagsibago na rin."Hindi mapigilan ni Finn na mamangha. Napakalakas talaga ng impluwensya ng taong kinakalaban niya. Kaya nitong gawing katawa-tawa ang mga ebidensyang ihaharap niya kung sakali sa husgado. The solid evidence is gone and snatched out from his own hands kaya malaki ang magiging role niya kung sakaling kaladkarin ng gano'n lang kadali ng mga ito ang kaso. Pero kailangan na muna niyang isantabi ang self blaming. It won't help him solve the case he's facing anyway. Maybe some other time. Maybe after all this chaos!"Naniniwala akong walang perpektong krimen." He took a glimpse on Emerson's side. Abala ito sa paglalaba ng mga medyas nito na pang isang linggohan yata dahil sa dami. "Kung umabot man sa point na wala akong maipapakitang ebidensya at m

    Last Updated : 2021-10-29

Latest chapter

  • The Pregnant Virgin   Special Chapter

    "Nag-away ba kayong dalawa? Hindi kasi tumugon ang asawa mo nang tanungin ko kung nasa'n ka. Mano-mano tuloy ang ginawa kong paghahanap para lang makita ka."Napabuntong-hininga si Finn sa sinabi ni Emerson."May topak na naman kasi — " May idadagdag pa sana siya pero biglang may sumulpot sa pintuan at nakapamewang."Ituloy mo lang, Hon. Makikinig ako."Matamis ang pagkakangiti ni Angielyn sa kanya pero para iyong red alert na nagpatikom sa kanyang bibig. Tumawa tuloy ang gago niyang kaibigan na nasa gilid nang makita ang kanyang naging reaksyon. At may balak pa talaga itong dagdagan ang pag-aaway nila ni Angielyn."Bakit? Ano ba ang pinag-awayan ninyong dalawa?" tanong nito na ang mata ay nasa babaeng tila nakakita ng bagong kakampi."Ganito kasi 'yon. Dahil nga naging abala ako kanina dahil umiiyak si David, siya ang inutusan ko na mag-order ng Carnation dahil iyon ang hinahanap ng isa kong kliyente. Napaka-importante ng task n

  • The Pregnant Virgin   Chapter 39

    Isang linggo na mula nang inihiga siya sa hospital bed na ito. Isang linggo na rin nang makadama siya ng napakalaking puwang sa dibdib. Dalawang araw pa lang ang lumipas nang malaman niya ang lahat ng nangyari pagkatapos siyang mawalan ng malay. Ikinalungkot niya ng sobra ang balitang namatay si Merna pero ang mas dumurog sa kanya ay ang katotohanang namatay ito para lang ipagtanggol siya mula sa kamay ng nakatatandang kapatid na itinuring niyang matalik na kaibigan.Tunog ng binuksang pintuan ang nakaagaw sa kanyang malalim na pag-iisip. While her eyes is fixed on her big belly, she diverted it to the man who's wearing a white doctor's gown, accompanied by a nurse."Miss Angeline Jarina, how are you feeling today?"She genuinely smiled as she opened her mouth for a reply, "I'm perfectly fine, Doc."Sinuklian rin siya nito pabalik ng maamong ngiti. Like what he always do, the doctor checked her condition. Fortunately, tinanggal na ang mga aparatong ikinab

  • The Pregnant Virgin   Chapter 38

    Buhat ng matinding pangangatog ng kamay, nabitawan ng nagwawalang binata ang kutsilyong ngayon ay madiing nakatusok sa tagiliran ng dalagitang humarang. Malalim ang sugat niyon lalo na at malakas ang pwersang naggamit. "A-Alexa..." Ang pangalan lang ng nakababatang kapatid ang tanging naisambit ni Aristotle. Masyadong mabilis ang pangyayari. Wala siyang alam. Hindi niya alam! He's clueless that the little sister he's been searching for is just one tap away from him. Sa naghihirap at duguang estado, sa harap mismo ng kanyang mga mata, isa-isang inalis ng dalaga ang mga inilagay nitong disguise sa katawan. Lumitaw ang nunal nito malapit sa ilong. Ang nunal na kinagigiliwan niya sa tuwing pinagmamasdan ito kapag nakakatulog ito sa kanyang bisig noon. Ilang sandali lang din, bumagsak ang buhok nitong hanggang bewang yata ang haba. Bago sa kanya iyon lalo na't nasanay siya na tingnan ito sa maikling buhok nang si Merna pa ang pagkakakilala niya rito.

  • The Pregnant Virgin   Chapter 37

    Madilim. Kalat ang itim na kulay sa buong paligid. Wala siyang kahit katiting man lang na liwanag na makita. Kahit anong gawin niyang paggalaw para lang makawala mula sa mahigpit na pagkakagapos sa kanyang mga kamay, wala pa ring epekto iyon. Sa halip na lumuwag ay parang mas lalo pang nakadagdag iyon sa higpit ng pagkakatali. She's unsure on how many hours she's been at that dark and gloomy place. Basta ang alam lang ni Angielyn, matagal na siya roon. Sinikap niyang alalahanin ang lahat ng nangyari bago siya napunta sa ganitong sitwasyon pero gaya nang una niyang mga ginawang pagsubok, muli ay ibinabalik lang siya sa kasalukuyang sitwasyon. The piece of cloth used to blindfold her is too wet para dagdagan pa niya iyon ng marami pang luha. Hindi makakatulong sa kanya ang pag-iyak. Mas lalo na sa batang nasa loob ng kanyang sinapupunan. She's dying for someone to find her so she can ask for help. To make her safety so nothing bad will happen to her baby. She b

  • The Pregnant Virgin   Chapter 36

    "Ate..." Paulit-ulit na sigaw ni Merna habang nasa garden. Bigla ang pagdagsa ng kaba sa d****b ni Merna. Gabing-gabi na kasi pero wala pa rin siyang balita sa dalagang amo. Hapon pa no'ng nagsabi ito na may lalakarin na muna sandali. Nag-commute lang ito dahil takot na itong mag-drive mag-isa dahil nga lumulubo na ng husto ang tiyan nito. Ilang beses niya itong tinawagan sa numero nito pero ilang missed calls na ang ginawa niya ay hindi pa rin sinasagot ni Angielyn ang kanyang tawag. Kung hindi pa niya naisipang magligpit-ligpit na muna habang hinihintay ang amo na dumating ay saka pa lang niya napansin ang cellphone nito na natabunan ng notebook. Nang pindutin niya ang gilid niyon ay nakita niyang naka-silent mode. Kaya pala hindi niya napansin na naroon lang iyon. Ilang pagsigaw pa ang ginawa niya bago siya nagdesisyon na pumasok na sa bahay ng amo. Hindi iyon naka-lock. Mukhang nakalimutan na naman nitong mag-lock sa kamamadali. Sinuyod niya ng tingin ang bawat p

  • The Pregnant Virgin   Chapter 35

    "D-dugo..."Sapo ang nanabakit na tiyan naitaas ni Angielyn ang dalawang kamay na basang-basa nang pula at malagkit na likido. Ngatal ang labing napatingin siya sa daloy ng dugong umuukopa sa kanyang magkabilang hita.Pilit na itinatanggi sa sarili ang kasalukuyang nangyayari."No. Hindi pwede..." Pumiyok pa ang boses niya habang pailing-iling. "Hindi maaari. H-hindi...""Angie, brace yourself. Wala na siya!"Nalingon niya ang gawi ng nagsasalita. Si Aristotle. Hilam rin ito ng luha. Kagaya niya, nasasaktan rin ito sa nangyayari. Pumiksi siya sa mahigpit na pagkakayakap ni Air pero nagmatigas ito. Doon lang niya nakita na parang meron itong hinahawakan sa kanyang may bandang tiyan. Kung hindi pa ito medyo nawalan ng balanse dahil sa kanyang pagpupumiglas ay hindi na iyon mapapansin dahil sa unti-unting pagbalot ng manhid sa kanyang sistema."D-Diyos ko po. Ang baby ko..."Para siyang pinagkaitan ng boses. Nagbuka-sara ang

  • The Pregnant Virgin   Chapter 34

    Hindi niya alam kung gaano na siya katagal na nakatayo lang roon pero base sa pangangawit ng kanyang paa nang ibalik siya ng magkakakasunod na katok sa reyalidad, alam niyang matagal-tagal talaga siyang doon lang nakatunganga."Finn, gising ka pa?"Bahagya siyang lumayo sa pinto. He cleared the lump on his throat before responding to his mom. "Yes po, Ma.""Pwede ba akong pumasok?"Nakadama bigla si Finn ng pagkataranta. Magaan ang pagyapak na ginawa niya para hindi marinig ng ginang ang kanyang mga yabag pero sapat ang bilis niyon para marating niya ang sariling kama at humiga roon para magkunwaring kanina pa niya ipinahinga ang sarili."Bukas po 'yan. Pasok po kayo."Pagkabukas ng pintuan at tanaw na niya ang ina ay saka siya bumangon at naupo sa kama."Hijo..." paunang ani ng butihing ina sa kanya. "May dapat ba akong malaman? Napansin ko kasi kanina sa telepono no'ng inimbitahan ko si Angielyn na nagdadalawang-isip siya na paunlak

  • The Pregnant Virgin   Chapter 33

    Magtatanghali na. Pero mula nang pumasok si Finn sa study room ng alas syete ng umaga, hindi pa siya tumatayo mula sa tinatrabaho. Dinalhan na nga lang siya ni Isabel ng agahan."Hindi ka pa ba napapagod?"Biglaan ang pagsulpot ni Emerson sa kanyang tabi. Kasalukuyan niyang nire-review ngayon ang panibagong kaso. Katatapos niya lang mai-close ang kaso patungkol sa rape case nang anak ng Congressman.Iniliko niya ang swivel chair paharap sa bagong dating. Hindi na niya kinailangang yayain ito na maupo since feel at home naman ito. Kumuha ito ng sariling upuan para sa sarili. Mas komportable pa nga ang posisyon nito ngayon kaysa sa kanya."Let's have fun. Ito naman, parang wala man lang nangyari na pagkapanalo ng kaso. Kalat na kalat ang mukha mo sa lahat ng balita pero heto ka at ibang kaso na naman ang pinagkakaabalahan imbes na mag-celebrate.""E' kasi nga marami pang dapat asikasuhin. Marami pa akong dapat pag-aralan para sa susunod n

  • The Pregnant Virgin   Chapter 32

    For the first time in months after that hotel incident, natagpuan ni Angielyn ang sariling nakangiti. Iyong tipo ng ngiti na bukal sa kalooban at hindi dahil kailangan niyang ngumiti. Habang hinihimas niya kasi ang tiyan ay naramdaman niya ang pagsipa ng bata sa kanyang sinapupunan. Alam na niya ang kasarian ng kanyang anak dahil naisagawa na niya ang second ultrasound. She got a he! Malakas ang kanyang kutob dati pa na lalaki ang kanyang dinadala kaya mostly, panglalaki na gamit ang binibili niya bago pa nakita ang resulta. Thankful siya kasi sa kabila ng sakit na nakaukit pa rin hanggang ngayon sa kanyang puso, hindi nito naapektuhan ang kalusugan ng kanyang pinagbubuntis. She's hardly coping up but she did her best anyway for her baby. Basta ang ginawa niya sa lang sa mga nagdaang buwan, itinuloy niya lang ang nakagawian. Magbantay sa flower shop, mag-deliver ng mga bulaklak sa mga social gatherings. Pero unlike dati na kahit sa malayo, naghahatid siya. Ngayon ay pinagbab

DMCA.com Protection Status