"Hindi mo ba gusto ang pagkain?"
Angielyn immediately shook her head. An awkward smile is visible on her lips although she tried her hardest to hide it.
"Hindi mo kasi nagalaw ang pagkain mo. Wala ka pang naisubo kahit isang kutsara," muli ay puna nito.
Hindi niya alam na binabantayan pala nito ang kilos niya. Kung bakit ba naman kasi pinaunlakan pa niya ang paanyaya nito eh alam naman niya na malaki ang posibilidad na ito ang mangyayari. She's not comfortable when he's around. May tensyon siyang nararamdaman sa tuwing nasa malapit si Atty. Finn Alcantara.
Pasimple niyang itinikhim ang tila namuong bikig sa kanyang lalamunan bago sinagot ang mausisang lalaki.
"Kumain na kasi ako ng agahan kanina bago ako pumunta dito." Itinabi niya ang hawak na kutsara at tinidor matapos magpaliwanag. Nakita niyang tumango-tango ito pero taliwas ang sinasabi ng mukha nito. Klarong-klaro sa nagpang-abot na mga kilay nito na hindi ito kumbinsido sa k
"Oh ano? Matabang pa ba? Gusto mo dagdagan pa natin?" Halos takbuhin na ni Angielyn ang lababo nang bumara sa kanyang lalamunan ang labis na alat na umukopa roon. Bumaliktad yata ang sikmura niya sa magkahalong lasa ng gatas at iodized salt. "Nasaan ba kasing planeta ang isip mo at nang masundo ko? Kalahating oras ka ng malalim na nag-iisip. Ni hindi mo nga ako pinapansin kahit ilang beses ko ng tinatadyak ang mga paa ko sa sahig," usisa ni Air habang nakapamewang sa kanyang gilid. Puno ng curiousity at pagtataka ang makikita sa mukha nito pero iniwas niya ang tingin. Mayamaya ay binalingan niya ito ng masamang tingin. "Tinatawag mo pang future ninang ang sarili mo pero hindi mo man lang ako inawat nang itimpla ko ang asin imbes na asukal." "Hoy maghunos-dili ka, Binibining birhen! 'Wag mong isisi sa iba ang bagay na ikaw mismo ang may gawa. 'Yan ang itinuro ni Papa sa akin no'ng bata pa ako. Kaya ngayon, dapat matutunan mo rin 'yon. Tanggapin mo na l
Agad na naglaho ang ngiting nakapaskil sa mukha ni Angielyn nang mabungaran niya ang bulto ng babaeng prenteng nakaupo patalikod sa kanyang direksyon. She can literally feel how her blood boil. Ito pa talaga ang maabutan niya pagkatapos niyang mag-unwind."Hoy! Ano na? Bakit natigilan ka d'yan? Nakakita ka ba ng multo?" Tumatawa si Air nang pabiro siya nitong kalabitin."Hindi. Demonyo ang nakita ko!"Sinundan nito ng tingin ang direksyon ng kanyang mga mata. Dinig pa niya na napabuntong-hininga ito saka nito marahang pinisil ang kanyang kamay. Nagpatianod siya sa kaibigan nang humakbang si Air papasok sa bahay niya. Dito na kasi sila dumiretso para mai-arrange daw nito ang mga nabili nila. May pagkamakakalimutin kasi siya kaya hindi ito convinced nang sabihan niyang siya na ang bahala.Sabay na napatingin ang mga unwanted visitor sa gawi nila nang walang pasintabi silang dumaan sa pwesto ng mga ito."Angie," mahina pero madiin na tawag ng Do
"Malinis ang pagkakamanipula nila sa sitwasyon. Ayon sa sinabi ng source na nasagap ko, lahat ng ebidensya ay nakaturo na ngayon kay Rizel Reyes. 'Yong mga statement rin ng mga taong involve at may alam sa nangyari ay nagsibago na rin."Hindi mapigilan ni Finn na mamangha. Napakalakas talaga ng impluwensya ng taong kinakalaban niya. Kaya nitong gawing katawa-tawa ang mga ebidensyang ihaharap niya kung sakali sa husgado. The solid evidence is gone and snatched out from his own hands kaya malaki ang magiging role niya kung sakaling kaladkarin ng gano'n lang kadali ng mga ito ang kaso. Pero kailangan na muna niyang isantabi ang self blaming. It won't help him solve the case he's facing anyway. Maybe some other time. Maybe after all this chaos!"Naniniwala akong walang perpektong krimen." He took a glimpse on Emerson's side. Abala ito sa paglalaba ng mga medyas nito na pang isang linggohan yata dahil sa dami. "Kung umabot man sa point na wala akong maipapakitang ebidensya at m
"Maaga ka yata. Dinagdagan mo ba ng isang oras ang 1 hour advance set mo sa relo? Mas maaga pa ang pagdating mo kaysa sa ini-expect ko ah'!"Inihagis lang ni Angielyn sa dumadadang kaibigan ang dalang backpack. Mabuti na lang at madalian nito iyong nasalo."Hindi ako nagbukas ng shop ngayon. Pina-day off ko si Merna. Wala rin akong gana na makipaghalubilo ng maraming tao ngayon kaya napagdesisyunan ko na magpahinga na lang sa bahay. Kaso nga lang, every second na dumaan, nabo-bored ako. Wala naman akong ginawa pero nanlalata ang katawan ko," mahabang salaysay niya kay Air. "Teka muna. May gamot ka ba d'yan para sa pananakit ng dede? Sumsakit kasi itong dede ko. Kanina pa."Dala ang stethoscope na nakasampay sa leeg nito, nilapitan siya ni Air. Akala niya ay ilalapat iyon ng kaibigan sa kanyang dibdib pero lumihis ng direksyon ang kamay nito. Imbes na sa tapat ng dibdib ay inilapat ni Air ang stethoscope sa kanyang noo. Litong tiningnan niya ang nakapikit n
It's a trap! Nakulong siya sa isang patibong. Patibong na kung saan, puso niya ang nasa delikadong posisyon. Walang malalim na pagbubungkal na ginawa. Walang mga lambat na ginamit. Itong lalaki mismo na nasa kanyang harap ang buhay na bitag.May kakayahan itong pagkaitan siya ng hininga. Gawing doble o triple ang pagdagundong ng kanyang puso. Inaalisto ang bawat himaymay ng kanyang kamalayan. A dangerous trap that makes her feel dangered yet excites her resting adrenaline. Finn Alcantara, the unexpected sperm donor and the father of her future child."Hoy! Binibiro lang kita. Ito naman."Malawak ang pagkakangisi nito pero hindi niya iyon magawang suklian. Sa halip ay nilapitan niya ito at sa isang iglap lang, nakayoko na ito sa sahig habang ang dalawang kamay ay nakasapo sa nasaktan nitong pang-ibabang ulo. Tantiyado ang ginawa niyang pagsipa kaya sigurado siyang sapol na sapol talaga ang ari nito lalo at hindi nito inaasahan ang kanyang ginawa."Ba
"Congratulations!" Halos mapalundag sa gulat si Finn pagkalabas na pagkalabas niya mula sa banyo. Tanging tuwalya lang na itinapi niya sa kanyang baywang ang kanyang suot na saplot. Mabuti na lang at mahigpit ang ginawa niyang pagkakatali niyon kung nagkataon ay baka nalantad na ngayon sa mata ng pangahas ang kanyang hubo't hubad na kabuoan. "Paano ka nakapasok?" Iritadong tanong niya kay Emerson nang makitang nagkalat sa sahig ng kanyang kwarto ang pinaputok nitong confetti. "Dumaan ako sa pinto," sarkastikong tugon nito sa kanya kaya pinalo niya ito ng . Pampunas niya lang sana iyon para tuyuin ang basang buhok pero ngayon ay ginamit na lang din niya para alisin ang mga confetti na dumapo at dumikit sa medyo basa pa niyang dibdib. "Pinatuloy ako ni Isabel. Akala niya kasi ay nagmumukmok ka na naman dito sa loob ng kwarto." Hablot ang mga nakatuping damit na inihanda niya kanina, nagdesisyon si Finn na bumalik na lan
Kumakalam na sikmura ang tuluyang nagpagising sa inaantok pang diwa ni Angielyn. Tila nagrarambulan ang mga alaga niya sa loob. Wala na yatang sinasanto ang mga ito at balak pa yatang gawin na umagahan ang nananahimik niyang bituka.Nang tingnan ni Angie ang banda ng bintana, para siyang kinikiliti sa nakikitang pagpupumilit ng sinag ng araw na pumasok para lang batiin siya. Rinig niya ang pagpapalitan ng pagtilaok ng mga manok sa bakuran. Noong una niyang pagtungtong sa lugar na ito, nagdalawang-isip talaga siya kung makakayanan ba niyang mamalagi at magtagal sa ganito kaliit na bayan. Hindi ganoon kalakas ang signal ng cellphone at bihira lang na may taga siyudad na mapapadpad dito. Limited lang din ang mga kainan at pasyalan hindi tulad sa nakagawiang siyudad. Naiirita siya sa tuwing sasapit ang umaga dahil walang kuryente at maaga pa siyang nagigising dahil sa maiingay na tilaok ng mga manok pero ngayon ay tila musika na sa kanyang pandinig ang natural na alarma ng mga 'y
Ikaanim na ng umaga. Tumitilaok na naman ang mga manok. Tanda na isang panibagong pagsibol na naman ng araw ang dumating pero ang mata ni Angielyn ay nanatili pa ring mulat magmula pa kagabi. Hindi siya pinatulog nang nangyari kahapon. Sinalakay siya ng kaba nang lumaginit ang pinto pabukas. Sa isang kisap-mata lang ay naipikit na niya agad ang mga mata.Emerson is here! Naging alerto ang utak at katawan ni Angie. Napigil pa niya ang paghinga nang maramdamang inayos nito ang hibla ng kanyang buhok na tumabon sa ilang bahagi ng kanyang mukha. As much as possible, ayaw niyang makahalata ang kaibigan na gising siiya.Hakbang na patungo sa pinto ang nagpakalma sa kanya ulit. Tuluyan niyang binitiwan ang pinipigilang hininga nang lumangitngit ulit ang pinto. Indikasyon na umalis na ang taong pumasok. Malakas ang kanyang naging paghabol ng paghinga only to be shocked when she opened her eyes and found the grinning Aristotle Buenaventura beside the door."Hindi m
"Nag-away ba kayong dalawa? Hindi kasi tumugon ang asawa mo nang tanungin ko kung nasa'n ka. Mano-mano tuloy ang ginawa kong paghahanap para lang makita ka."Napabuntong-hininga si Finn sa sinabi ni Emerson."May topak na naman kasi — " May idadagdag pa sana siya pero biglang may sumulpot sa pintuan at nakapamewang."Ituloy mo lang, Hon. Makikinig ako."Matamis ang pagkakangiti ni Angielyn sa kanya pero para iyong red alert na nagpatikom sa kanyang bibig. Tumawa tuloy ang gago niyang kaibigan na nasa gilid nang makita ang kanyang naging reaksyon. At may balak pa talaga itong dagdagan ang pag-aaway nila ni Angielyn."Bakit? Ano ba ang pinag-awayan ninyong dalawa?" tanong nito na ang mata ay nasa babaeng tila nakakita ng bagong kakampi."Ganito kasi 'yon. Dahil nga naging abala ako kanina dahil umiiyak si David, siya ang inutusan ko na mag-order ng Carnation dahil iyon ang hinahanap ng isa kong kliyente. Napaka-importante ng task n
Isang linggo na mula nang inihiga siya sa hospital bed na ito. Isang linggo na rin nang makadama siya ng napakalaking puwang sa dibdib. Dalawang araw pa lang ang lumipas nang malaman niya ang lahat ng nangyari pagkatapos siyang mawalan ng malay. Ikinalungkot niya ng sobra ang balitang namatay si Merna pero ang mas dumurog sa kanya ay ang katotohanang namatay ito para lang ipagtanggol siya mula sa kamay ng nakatatandang kapatid na itinuring niyang matalik na kaibigan.Tunog ng binuksang pintuan ang nakaagaw sa kanyang malalim na pag-iisip. While her eyes is fixed on her big belly, she diverted it to the man who's wearing a white doctor's gown, accompanied by a nurse."Miss Angeline Jarina, how are you feeling today?"She genuinely smiled as she opened her mouth for a reply, "I'm perfectly fine, Doc."Sinuklian rin siya nito pabalik ng maamong ngiti. Like what he always do, the doctor checked her condition. Fortunately, tinanggal na ang mga aparatong ikinab
Buhat ng matinding pangangatog ng kamay, nabitawan ng nagwawalang binata ang kutsilyong ngayon ay madiing nakatusok sa tagiliran ng dalagitang humarang. Malalim ang sugat niyon lalo na at malakas ang pwersang naggamit. "A-Alexa..." Ang pangalan lang ng nakababatang kapatid ang tanging naisambit ni Aristotle. Masyadong mabilis ang pangyayari. Wala siyang alam. Hindi niya alam! He's clueless that the little sister he's been searching for is just one tap away from him. Sa naghihirap at duguang estado, sa harap mismo ng kanyang mga mata, isa-isang inalis ng dalaga ang mga inilagay nitong disguise sa katawan. Lumitaw ang nunal nito malapit sa ilong. Ang nunal na kinagigiliwan niya sa tuwing pinagmamasdan ito kapag nakakatulog ito sa kanyang bisig noon. Ilang sandali lang din, bumagsak ang buhok nitong hanggang bewang yata ang haba. Bago sa kanya iyon lalo na't nasanay siya na tingnan ito sa maikling buhok nang si Merna pa ang pagkakakilala niya rito.
Madilim. Kalat ang itim na kulay sa buong paligid. Wala siyang kahit katiting man lang na liwanag na makita. Kahit anong gawin niyang paggalaw para lang makawala mula sa mahigpit na pagkakagapos sa kanyang mga kamay, wala pa ring epekto iyon. Sa halip na lumuwag ay parang mas lalo pang nakadagdag iyon sa higpit ng pagkakatali. She's unsure on how many hours she's been at that dark and gloomy place. Basta ang alam lang ni Angielyn, matagal na siya roon. Sinikap niyang alalahanin ang lahat ng nangyari bago siya napunta sa ganitong sitwasyon pero gaya nang una niyang mga ginawang pagsubok, muli ay ibinabalik lang siya sa kasalukuyang sitwasyon. The piece of cloth used to blindfold her is too wet para dagdagan pa niya iyon ng marami pang luha. Hindi makakatulong sa kanya ang pag-iyak. Mas lalo na sa batang nasa loob ng kanyang sinapupunan. She's dying for someone to find her so she can ask for help. To make her safety so nothing bad will happen to her baby. She b
"Ate..." Paulit-ulit na sigaw ni Merna habang nasa garden. Bigla ang pagdagsa ng kaba sa d****b ni Merna. Gabing-gabi na kasi pero wala pa rin siyang balita sa dalagang amo. Hapon pa no'ng nagsabi ito na may lalakarin na muna sandali. Nag-commute lang ito dahil takot na itong mag-drive mag-isa dahil nga lumulubo na ng husto ang tiyan nito. Ilang beses niya itong tinawagan sa numero nito pero ilang missed calls na ang ginawa niya ay hindi pa rin sinasagot ni Angielyn ang kanyang tawag. Kung hindi pa niya naisipang magligpit-ligpit na muna habang hinihintay ang amo na dumating ay saka pa lang niya napansin ang cellphone nito na natabunan ng notebook. Nang pindutin niya ang gilid niyon ay nakita niyang naka-silent mode. Kaya pala hindi niya napansin na naroon lang iyon. Ilang pagsigaw pa ang ginawa niya bago siya nagdesisyon na pumasok na sa bahay ng amo. Hindi iyon naka-lock. Mukhang nakalimutan na naman nitong mag-lock sa kamamadali. Sinuyod niya ng tingin ang bawat p
"D-dugo..."Sapo ang nanabakit na tiyan naitaas ni Angielyn ang dalawang kamay na basang-basa nang pula at malagkit na likido. Ngatal ang labing napatingin siya sa daloy ng dugong umuukopa sa kanyang magkabilang hita.Pilit na itinatanggi sa sarili ang kasalukuyang nangyayari."No. Hindi pwede..." Pumiyok pa ang boses niya habang pailing-iling. "Hindi maaari. H-hindi...""Angie, brace yourself. Wala na siya!"Nalingon niya ang gawi ng nagsasalita. Si Aristotle. Hilam rin ito ng luha. Kagaya niya, nasasaktan rin ito sa nangyayari. Pumiksi siya sa mahigpit na pagkakayakap ni Air pero nagmatigas ito. Doon lang niya nakita na parang meron itong hinahawakan sa kanyang may bandang tiyan. Kung hindi pa ito medyo nawalan ng balanse dahil sa kanyang pagpupumiglas ay hindi na iyon mapapansin dahil sa unti-unting pagbalot ng manhid sa kanyang sistema."D-Diyos ko po. Ang baby ko..."Para siyang pinagkaitan ng boses. Nagbuka-sara ang
Hindi niya alam kung gaano na siya katagal na nakatayo lang roon pero base sa pangangawit ng kanyang paa nang ibalik siya ng magkakakasunod na katok sa reyalidad, alam niyang matagal-tagal talaga siyang doon lang nakatunganga."Finn, gising ka pa?"Bahagya siyang lumayo sa pinto. He cleared the lump on his throat before responding to his mom. "Yes po, Ma.""Pwede ba akong pumasok?"Nakadama bigla si Finn ng pagkataranta. Magaan ang pagyapak na ginawa niya para hindi marinig ng ginang ang kanyang mga yabag pero sapat ang bilis niyon para marating niya ang sariling kama at humiga roon para magkunwaring kanina pa niya ipinahinga ang sarili."Bukas po 'yan. Pasok po kayo."Pagkabukas ng pintuan at tanaw na niya ang ina ay saka siya bumangon at naupo sa kama."Hijo..." paunang ani ng butihing ina sa kanya. "May dapat ba akong malaman? Napansin ko kasi kanina sa telepono no'ng inimbitahan ko si Angielyn na nagdadalawang-isip siya na paunlak
Magtatanghali na. Pero mula nang pumasok si Finn sa study room ng alas syete ng umaga, hindi pa siya tumatayo mula sa tinatrabaho. Dinalhan na nga lang siya ni Isabel ng agahan."Hindi ka pa ba napapagod?"Biglaan ang pagsulpot ni Emerson sa kanyang tabi. Kasalukuyan niyang nire-review ngayon ang panibagong kaso. Katatapos niya lang mai-close ang kaso patungkol sa rape case nang anak ng Congressman.Iniliko niya ang swivel chair paharap sa bagong dating. Hindi na niya kinailangang yayain ito na maupo since feel at home naman ito. Kumuha ito ng sariling upuan para sa sarili. Mas komportable pa nga ang posisyon nito ngayon kaysa sa kanya."Let's have fun. Ito naman, parang wala man lang nangyari na pagkapanalo ng kaso. Kalat na kalat ang mukha mo sa lahat ng balita pero heto ka at ibang kaso na naman ang pinagkakaabalahan imbes na mag-celebrate.""E' kasi nga marami pang dapat asikasuhin. Marami pa akong dapat pag-aralan para sa susunod n
For the first time in months after that hotel incident, natagpuan ni Angielyn ang sariling nakangiti. Iyong tipo ng ngiti na bukal sa kalooban at hindi dahil kailangan niyang ngumiti. Habang hinihimas niya kasi ang tiyan ay naramdaman niya ang pagsipa ng bata sa kanyang sinapupunan. Alam na niya ang kasarian ng kanyang anak dahil naisagawa na niya ang second ultrasound. She got a he! Malakas ang kanyang kutob dati pa na lalaki ang kanyang dinadala kaya mostly, panglalaki na gamit ang binibili niya bago pa nakita ang resulta. Thankful siya kasi sa kabila ng sakit na nakaukit pa rin hanggang ngayon sa kanyang puso, hindi nito naapektuhan ang kalusugan ng kanyang pinagbubuntis. She's hardly coping up but she did her best anyway for her baby. Basta ang ginawa niya sa lang sa mga nagdaang buwan, itinuloy niya lang ang nakagawian. Magbantay sa flower shop, mag-deliver ng mga bulaklak sa mga social gatherings. Pero unlike dati na kahit sa malayo, naghahatid siya. Ngayon ay pinagbab