"Congratulations!"
Halos mapalundag sa gulat si Finn pagkalabas na pagkalabas niya mula sa banyo. Tanging tuwalya lang na itinapi niya sa kanyang baywang ang kanyang suot na saplot. Mabuti na lang at mahigpit ang ginawa niyang pagkakatali niyon kung nagkataon ay baka nalantad na ngayon sa mata ng pangahas ang kanyang hubo't hubad na kabuoan.
"Paano ka nakapasok?" Iritadong tanong niya kay Emerson nang makitang nagkalat sa sahig ng kanyang kwarto ang pinaputok nitong confetti.
"Dumaan ako sa pinto," sarkastikong tugon nito sa kanya kaya pinalo niya ito ng . Pampunas niya lang sana iyon para tuyuin ang basang buhok pero ngayon ay ginamit na lang din niya para alisin ang mga confetti na dumapo at dumikit sa medyo basa pa niyang dibdib.
"Pinatuloy ako ni Isabel. Akala niya kasi ay nagmumukmok ka na naman dito sa loob ng kwarto."
Hablot ang mga nakatuping damit na inihanda niya kanina, nagdesisyon si Finn na bumalik na lan
Kumakalam na sikmura ang tuluyang nagpagising sa inaantok pang diwa ni Angielyn. Tila nagrarambulan ang mga alaga niya sa loob. Wala na yatang sinasanto ang mga ito at balak pa yatang gawin na umagahan ang nananahimik niyang bituka.Nang tingnan ni Angie ang banda ng bintana, para siyang kinikiliti sa nakikitang pagpupumilit ng sinag ng araw na pumasok para lang batiin siya. Rinig niya ang pagpapalitan ng pagtilaok ng mga manok sa bakuran. Noong una niyang pagtungtong sa lugar na ito, nagdalawang-isip talaga siya kung makakayanan ba niyang mamalagi at magtagal sa ganito kaliit na bayan. Hindi ganoon kalakas ang signal ng cellphone at bihira lang na may taga siyudad na mapapadpad dito. Limited lang din ang mga kainan at pasyalan hindi tulad sa nakagawiang siyudad. Naiirita siya sa tuwing sasapit ang umaga dahil walang kuryente at maaga pa siyang nagigising dahil sa maiingay na tilaok ng mga manok pero ngayon ay tila musika na sa kanyang pandinig ang natural na alarma ng mga 'y
Ikaanim na ng umaga. Tumitilaok na naman ang mga manok. Tanda na isang panibagong pagsibol na naman ng araw ang dumating pero ang mata ni Angielyn ay nanatili pa ring mulat magmula pa kagabi. Hindi siya pinatulog nang nangyari kahapon. Sinalakay siya ng kaba nang lumaginit ang pinto pabukas. Sa isang kisap-mata lang ay naipikit na niya agad ang mga mata.Emerson is here! Naging alerto ang utak at katawan ni Angie. Napigil pa niya ang paghinga nang maramdamang inayos nito ang hibla ng kanyang buhok na tumabon sa ilang bahagi ng kanyang mukha. As much as possible, ayaw niyang makahalata ang kaibigan na gising siiya.Hakbang na patungo sa pinto ang nagpakalma sa kanya ulit. Tuluyan niyang binitiwan ang pinipigilang hininga nang lumangitngit ulit ang pinto. Indikasyon na umalis na ang taong pumasok. Malakas ang kanyang naging paghabol ng paghinga only to be shocked when she opened her eyes and found the grinning Aristotle Buenaventura beside the door."Hindi m
Wala pa siyang tulog. Ilang gabi na rin niyang palaging napapanaginipan ang mukha ng dalagang wala na yatang plano na umalis sa pagkakaukopa nito sa kanyang isip. Bahagyang kinusot ni Finn ang puyat na mga mata. Ilang buwan na rin siyang ganito simula nang umalis si Angielyn. Abala siya sa kinakaharap at inaasikaso na kaso pero lumilitaw pa rin sa kanyang balintataw ang imahe ng dalagang lumisan ng walang paalam. "I should have known that she's the poison that I must avoid the moment I started to look for her presence after that precinct incident," he sighed. Hinilot niya ang sentido matapos bitawan ang bolpen na siguradong pagod din sa magdamagang paglalakad sa kanyang kaharap na mga papeles. Ipinahinga niya ang likod sa swivel chair saka bahagyang umikot-ikot. Natigil lang siya sa ginagawa nang tatlong magkakasunod na katok ang umalingawngaw sa tahimik na study room. Hindi na niya kailangang magtanong kung sino ito kasi agad bumukas ang pintuan pagkatapos ng mga ka
"Ano ba? May balak ka bang sirain ang phone ko? Kanina ka pa tawag nang tawag. Naririndi na pati ang mga tutuli ko sa tainga."Nababanas na siya. Kanina pa niya tinatabunan ng unan ang kanyang tainga pero lumalampas pa rin talaga sa kanyang pandinig ang pag-iingay mula sa tawag ni Emerson.Humihingal ang naririnig niya sa kabilang linya. Akala niya ay may kahalayan na naman itong ginagawa kasama ng bago na naman nitong babae laya akma na sana niyang papatayin ang tawag."Bro! Bakit ang tagal mong sumagot? Magmadali ka. Kinaladkad si Angielyn ng mga pulis."Nawala bigla ang nararamdamang hilo ni Finn sa ulo. Halos umiikot na kasi ang kanyang paningin dahil naisipan niyang maghapong magpakalasing na lang sa kwarto. Pagkaalis ni Venice kanina, diretso na siyang tumungo sa kanyang silid dala ang limang bote ng alak. Hindi ganoon kalakas ang alcohol tolerance niya kaya sa pang-ikatlong bote na lang ay para na siyang idinuduyan."Emerson, ilugar mo
Pinagsawa ni Angielyn ang sarili sa panonood mula sa bintana ng sasakyan. Hinayaan niyang liparin ng hangin ang ilang hibla ng kanyang buhok na tumakas mula sa pagkakapusod. Feeling the wind's breeze brings comfort and calmness to her. Kanina pa niyang inaaninag ang mga bituing pumupuno ngayon sa kalmado ring kalawakan. Mahigit kalahating oras na siyang nakatingala habang ang kanyang ulo ay nakasandig malapit sa bintana pero hindi niya maramdaman ang pangangawit. The view is extremely beautiful. Ramdam niya ang panaka-panakang pagtingin ng lalaking siyang nasa harap ng manibela ngayon. Hindi niya alam kung siya lang ba o pati rin ito ay wala ring maisip at maapuhap na sabihin. She can clearly see his lips trying to utter a word pero hindi nito iyon kayang isatinig. Tila tulad niya ang namanhid rin ang labi nito at nakapagdesisyon na magpahinga. Ilang malalabong na kahoy na ang nadaanan ng kanilang sinasakyan. Dinig na dinig na rin mula sa tahimik na paligid ang tunog
"Looks like the one who made a ruckus last night is still in cloud nine." Natigil ang pagtaghoy-taghoy ni Finn saka napahawak siya sa dibdib dahil sa pagkagulat. Nabitawan pa niya ang susi ng kotse na sinasalo-salo niya sa kanyang kamay. The voice came from the sala. Sobrang tahimik ng buong bahay nang pumasok siya. Pasado alas kwatro pa lang ng umaga. He really thought na tulog pa ang mga ito but it turns out na mulat na mulat na pala ang mata ng kanyang Mama Stephy. An awkward smile crept from his lips while approaching the woman in her all red silky pajama. "Good morning, Ma. You're early." Hinalikan niya ang pisngi ng ina saka ang noo. Mapaghinalang mga mata ang nabungaran niya pagkatapos humiwalay sa ginang. Alam niya na wala siyang takas rito. Excuses doesn't exist in her mother's dictionary. Malalaman at malalaman nito ang lahat ng nangyayari kaya walang kwenta kung magbibigay siya ng mga rason. Magiging invalid ang lahat ng 'yon dito. "Magtata
Angielyn thought before that sweating bullets is just an exaggerated expression but right at this very moment, iyon ang pinakamalapit na posibilidad na mangyayari sa kanya. Parang anumang oras mula ngayon ay malulunod siya sa pawis dahil sa nadaramang kaba. Nasa clinic siya ngayon for her monthly check-up dahil nga sa hindi inaasahang pangyayari no'ng nagdaang araw kaya ngayon lang ito magaganap. She will also take the prenatal ultrasound test para makita niya sa kauna-unahang pagkakaon ang batang kanyang dinadala. As what the procedure needed, uminom siya ng maraming tubig dahil napag-alaman niya na kailangan iyon para maaninaw ng maigi ang bata kapag sinagawa na ang test pero nagsisisi siya ngayon. Napasobra yata ang na consume niya na tubig dahil malayo pa siya sa pila pero ihing-ihi na siya. Parang gusto nang magwala ng kanyang pantog. Todo ang kanyang ginagawang pagpipigil dahil sobrang nakakahiya naman kung sa pantalon siya maihi. Napangiwi si Air nang humigpit
Masarap sa pandinig ang bawat mabining hampas ng alon na nakikipag-agawan ng pwesto sa nananahimik na pinong buhangin. Angielyn can't help but to soak her feet and let the soft waves tickle it. Umupo siya sa buhanginan matapos magsawa sa pamumulot ng mga ligaw na kabebe. Sa sobrang aliw niya kasi sa pamumulot ay hindi niya namalayan na dahan-dahan nang nagtatago ang haring araw. Nagsisimula nang maging kulay abo ang paligid. Apat na bahay lang ang pagitan ng baybayin at ng bahay ni Lola Beth kaya hindi siya nag-aalala na gabihin na siya umuwi. This small place is safe. Kahit pa nga siguro dito na siya abutan ng umaga sa dalampasigan ay walang gagawa sa kanya ng masama. Magkakilala lahat ang mga tao rito. Alam ng lahat ang pagkatao ng bawat isa. Tanging sila nga lang ni Aristotle ang malihim. Sa mga sandaling ganito, na siya lang mag-isa, hindi niya maiwasang mag-isip ng mga bagay-bagay. Tulad ng kung hindi lang sana namatay ang mga magulang niya, maiisip niya kaya na
"Nag-away ba kayong dalawa? Hindi kasi tumugon ang asawa mo nang tanungin ko kung nasa'n ka. Mano-mano tuloy ang ginawa kong paghahanap para lang makita ka."Napabuntong-hininga si Finn sa sinabi ni Emerson."May topak na naman kasi — " May idadagdag pa sana siya pero biglang may sumulpot sa pintuan at nakapamewang."Ituloy mo lang, Hon. Makikinig ako."Matamis ang pagkakangiti ni Angielyn sa kanya pero para iyong red alert na nagpatikom sa kanyang bibig. Tumawa tuloy ang gago niyang kaibigan na nasa gilid nang makita ang kanyang naging reaksyon. At may balak pa talaga itong dagdagan ang pag-aaway nila ni Angielyn."Bakit? Ano ba ang pinag-awayan ninyong dalawa?" tanong nito na ang mata ay nasa babaeng tila nakakita ng bagong kakampi."Ganito kasi 'yon. Dahil nga naging abala ako kanina dahil umiiyak si David, siya ang inutusan ko na mag-order ng Carnation dahil iyon ang hinahanap ng isa kong kliyente. Napaka-importante ng task n
Isang linggo na mula nang inihiga siya sa hospital bed na ito. Isang linggo na rin nang makadama siya ng napakalaking puwang sa dibdib. Dalawang araw pa lang ang lumipas nang malaman niya ang lahat ng nangyari pagkatapos siyang mawalan ng malay. Ikinalungkot niya ng sobra ang balitang namatay si Merna pero ang mas dumurog sa kanya ay ang katotohanang namatay ito para lang ipagtanggol siya mula sa kamay ng nakatatandang kapatid na itinuring niyang matalik na kaibigan.Tunog ng binuksang pintuan ang nakaagaw sa kanyang malalim na pag-iisip. While her eyes is fixed on her big belly, she diverted it to the man who's wearing a white doctor's gown, accompanied by a nurse."Miss Angeline Jarina, how are you feeling today?"She genuinely smiled as she opened her mouth for a reply, "I'm perfectly fine, Doc."Sinuklian rin siya nito pabalik ng maamong ngiti. Like what he always do, the doctor checked her condition. Fortunately, tinanggal na ang mga aparatong ikinab
Buhat ng matinding pangangatog ng kamay, nabitawan ng nagwawalang binata ang kutsilyong ngayon ay madiing nakatusok sa tagiliran ng dalagitang humarang. Malalim ang sugat niyon lalo na at malakas ang pwersang naggamit. "A-Alexa..." Ang pangalan lang ng nakababatang kapatid ang tanging naisambit ni Aristotle. Masyadong mabilis ang pangyayari. Wala siyang alam. Hindi niya alam! He's clueless that the little sister he's been searching for is just one tap away from him. Sa naghihirap at duguang estado, sa harap mismo ng kanyang mga mata, isa-isang inalis ng dalaga ang mga inilagay nitong disguise sa katawan. Lumitaw ang nunal nito malapit sa ilong. Ang nunal na kinagigiliwan niya sa tuwing pinagmamasdan ito kapag nakakatulog ito sa kanyang bisig noon. Ilang sandali lang din, bumagsak ang buhok nitong hanggang bewang yata ang haba. Bago sa kanya iyon lalo na't nasanay siya na tingnan ito sa maikling buhok nang si Merna pa ang pagkakakilala niya rito.
Madilim. Kalat ang itim na kulay sa buong paligid. Wala siyang kahit katiting man lang na liwanag na makita. Kahit anong gawin niyang paggalaw para lang makawala mula sa mahigpit na pagkakagapos sa kanyang mga kamay, wala pa ring epekto iyon. Sa halip na lumuwag ay parang mas lalo pang nakadagdag iyon sa higpit ng pagkakatali. She's unsure on how many hours she's been at that dark and gloomy place. Basta ang alam lang ni Angielyn, matagal na siya roon. Sinikap niyang alalahanin ang lahat ng nangyari bago siya napunta sa ganitong sitwasyon pero gaya nang una niyang mga ginawang pagsubok, muli ay ibinabalik lang siya sa kasalukuyang sitwasyon. The piece of cloth used to blindfold her is too wet para dagdagan pa niya iyon ng marami pang luha. Hindi makakatulong sa kanya ang pag-iyak. Mas lalo na sa batang nasa loob ng kanyang sinapupunan. She's dying for someone to find her so she can ask for help. To make her safety so nothing bad will happen to her baby. She b
"Ate..." Paulit-ulit na sigaw ni Merna habang nasa garden. Bigla ang pagdagsa ng kaba sa d****b ni Merna. Gabing-gabi na kasi pero wala pa rin siyang balita sa dalagang amo. Hapon pa no'ng nagsabi ito na may lalakarin na muna sandali. Nag-commute lang ito dahil takot na itong mag-drive mag-isa dahil nga lumulubo na ng husto ang tiyan nito. Ilang beses niya itong tinawagan sa numero nito pero ilang missed calls na ang ginawa niya ay hindi pa rin sinasagot ni Angielyn ang kanyang tawag. Kung hindi pa niya naisipang magligpit-ligpit na muna habang hinihintay ang amo na dumating ay saka pa lang niya napansin ang cellphone nito na natabunan ng notebook. Nang pindutin niya ang gilid niyon ay nakita niyang naka-silent mode. Kaya pala hindi niya napansin na naroon lang iyon. Ilang pagsigaw pa ang ginawa niya bago siya nagdesisyon na pumasok na sa bahay ng amo. Hindi iyon naka-lock. Mukhang nakalimutan na naman nitong mag-lock sa kamamadali. Sinuyod niya ng tingin ang bawat p
"D-dugo..."Sapo ang nanabakit na tiyan naitaas ni Angielyn ang dalawang kamay na basang-basa nang pula at malagkit na likido. Ngatal ang labing napatingin siya sa daloy ng dugong umuukopa sa kanyang magkabilang hita.Pilit na itinatanggi sa sarili ang kasalukuyang nangyayari."No. Hindi pwede..." Pumiyok pa ang boses niya habang pailing-iling. "Hindi maaari. H-hindi...""Angie, brace yourself. Wala na siya!"Nalingon niya ang gawi ng nagsasalita. Si Aristotle. Hilam rin ito ng luha. Kagaya niya, nasasaktan rin ito sa nangyayari. Pumiksi siya sa mahigpit na pagkakayakap ni Air pero nagmatigas ito. Doon lang niya nakita na parang meron itong hinahawakan sa kanyang may bandang tiyan. Kung hindi pa ito medyo nawalan ng balanse dahil sa kanyang pagpupumiglas ay hindi na iyon mapapansin dahil sa unti-unting pagbalot ng manhid sa kanyang sistema."D-Diyos ko po. Ang baby ko..."Para siyang pinagkaitan ng boses. Nagbuka-sara ang
Hindi niya alam kung gaano na siya katagal na nakatayo lang roon pero base sa pangangawit ng kanyang paa nang ibalik siya ng magkakakasunod na katok sa reyalidad, alam niyang matagal-tagal talaga siyang doon lang nakatunganga."Finn, gising ka pa?"Bahagya siyang lumayo sa pinto. He cleared the lump on his throat before responding to his mom. "Yes po, Ma.""Pwede ba akong pumasok?"Nakadama bigla si Finn ng pagkataranta. Magaan ang pagyapak na ginawa niya para hindi marinig ng ginang ang kanyang mga yabag pero sapat ang bilis niyon para marating niya ang sariling kama at humiga roon para magkunwaring kanina pa niya ipinahinga ang sarili."Bukas po 'yan. Pasok po kayo."Pagkabukas ng pintuan at tanaw na niya ang ina ay saka siya bumangon at naupo sa kama."Hijo..." paunang ani ng butihing ina sa kanya. "May dapat ba akong malaman? Napansin ko kasi kanina sa telepono no'ng inimbitahan ko si Angielyn na nagdadalawang-isip siya na paunlak
Magtatanghali na. Pero mula nang pumasok si Finn sa study room ng alas syete ng umaga, hindi pa siya tumatayo mula sa tinatrabaho. Dinalhan na nga lang siya ni Isabel ng agahan."Hindi ka pa ba napapagod?"Biglaan ang pagsulpot ni Emerson sa kanyang tabi. Kasalukuyan niyang nire-review ngayon ang panibagong kaso. Katatapos niya lang mai-close ang kaso patungkol sa rape case nang anak ng Congressman.Iniliko niya ang swivel chair paharap sa bagong dating. Hindi na niya kinailangang yayain ito na maupo since feel at home naman ito. Kumuha ito ng sariling upuan para sa sarili. Mas komportable pa nga ang posisyon nito ngayon kaysa sa kanya."Let's have fun. Ito naman, parang wala man lang nangyari na pagkapanalo ng kaso. Kalat na kalat ang mukha mo sa lahat ng balita pero heto ka at ibang kaso na naman ang pinagkakaabalahan imbes na mag-celebrate.""E' kasi nga marami pang dapat asikasuhin. Marami pa akong dapat pag-aralan para sa susunod n
For the first time in months after that hotel incident, natagpuan ni Angielyn ang sariling nakangiti. Iyong tipo ng ngiti na bukal sa kalooban at hindi dahil kailangan niyang ngumiti. Habang hinihimas niya kasi ang tiyan ay naramdaman niya ang pagsipa ng bata sa kanyang sinapupunan. Alam na niya ang kasarian ng kanyang anak dahil naisagawa na niya ang second ultrasound. She got a he! Malakas ang kanyang kutob dati pa na lalaki ang kanyang dinadala kaya mostly, panglalaki na gamit ang binibili niya bago pa nakita ang resulta. Thankful siya kasi sa kabila ng sakit na nakaukit pa rin hanggang ngayon sa kanyang puso, hindi nito naapektuhan ang kalusugan ng kanyang pinagbubuntis. She's hardly coping up but she did her best anyway for her baby. Basta ang ginawa niya sa lang sa mga nagdaang buwan, itinuloy niya lang ang nakagawian. Magbantay sa flower shop, mag-deliver ng mga bulaklak sa mga social gatherings. Pero unlike dati na kahit sa malayo, naghahatid siya. Ngayon ay pinagbab