Masarap sa pandinig ang bawat mabining hampas ng alon na nakikipag-agawan ng pwesto sa nananahimik na pinong buhangin. Angielyn can't help but to soak her feet and let the soft waves tickle it. Umupo siya sa buhanginan matapos magsawa sa pamumulot ng mga ligaw na kabebe. Sa sobrang aliw niya kasi sa pamumulot ay hindi niya namalayan na dahan-dahan nang nagtatago ang haring araw. Nagsisimula nang maging kulay abo ang paligid.
Apat na bahay lang ang pagitan ng baybayin at ng bahay ni Lola Beth kaya hindi siya nag-aalala na gabihin na siya umuwi. This small place is safe. Kahit pa nga siguro dito na siya abutan ng umaga sa dalampasigan ay walang gagawa sa kanya ng masama. Magkakilala lahat ang mga tao rito. Alam ng lahat ang pagkatao ng bawat isa. Tanging sila nga lang ni Aristotle ang malihim.
Sa mga sandaling ganito, na siya lang mag-isa, hindi niya maiwasang mag-isip ng mga bagay-bagay. Tulad ng kung hindi lang sana namatay ang mga magulang niya, maiisip niya kaya na
"Hala ate..." Hindi mapigilan ni Angielyn na humagikhik nang salubungin siya ng yakap ni Merna. Hindi nito natapos ang gustong sabihin dahil napalitan na iyon ng iyak. Tangan pa niya sa kabilang kamay ang bagaheng dala niya mula sa bayan. Nasa labas pa sila ng gate. Naabutan kasi nila ito na abala sa pagwawalis kaya kinalabit niya ito sa likod. Nagsisisi tuloy siya dahil ngumangawa na ito at napapatingin sa kanilang direksyon ang mga tao na dumadaan. "Oo na. Na-miss mo na ako. Pero pwede ba na doon natin ituloy sa loob ang drama?" bulong niya sa babaeng trabahante. Agad naman itong humiwalay saka awkward na tumawa. Napakamot pa talaga ito sa batok. Ngayon lang yata na realize ang ginawa. "Ako na po ang magdadala niyan sa loob, Ate Angie." Mabilis siyang umiling rito. Malaki na nga ang naitulong nito sa pagmi-maintain ng bahay niya habang wala siya, pati pa ba naman sa pagbalik niya ay ito pa rin ang kikilos. "Hindi na kailangan, Merna. M
"Miss Angielyn Jarina?" "Yes?" Awtomatiko ang ginawang pagsagot ni Angie pagkarinig niya sa kanyang pangalan. She's designing a bouquet of flowers today kaya medyo abala siya. Saglit lang sana ang sulyap na kanyang gagawin dahil may hinahabol siyang oras pero natigil ang kamay niya sa ginagawa nang makitang may dalang isang paso ng Nutmeg Geranium ang lalaking sa tantiya niya ay ang tumawag sa kanyang pangalan. "Ikaw po ba si Miss Angielyn, Mam? Pakipirmahan lang po itong slip." Tango lang ang kanyang naging sagot dahil parang napaka-funny lang talaga ng sitwasyon. May sarili siyang flower shop yet bulaklak pa rin ang ipinadala ng kung sino mang nakaisip nito. Out of curiosity, she faced the delivery guy to ask, "Sinong nagpadala? May I know who the sender is?" "Naku! Pasensya na po mam. Sabi po kasi ng nagpadala na ayaw niya pong ipasabi kung sino siya. Basta makikilala mo daw po siya kapag nabasa mo na 'yang card na nakaipit." Tiningna
"Hijo, tulog ka pa?" Naimulat ni Finn nang bahagya ang mga mata pagkarinig sa malamyos na boses ng ina. Maikling ungol lang ang kanyang naging tugon saka muling pumikit. Para kasing may bara pa ang kanyang lalamunan mula sa matagal-tagal na pagkakatikom. "Mag-ayos ka ha? 'Wag kang bumaba sa sala na boxer lang ang suot. I invited someone over for dinner kaya dapat ay presentable kang tingnan." Pagkatapos nito iyong sabihin ay papalayo na mga yabag na ng kanyang butihing ina ang kasunod niyang narinig. Malaki pa sana ang kagustuhan ni Finn na magmukmok pa muna sa silid at sulitin pa ang oras na naipahinga niya ang buong katawan lalong-lalo na ang kanyang mga mata. Maghapon na naman kasi siyang nakatutok sa screen ng kanyang laptop pero kailangan niyang bumangon. Nakakahiya naman kung hindi siya makasalimuha sa hapunan gayong may ibang tao silang makakasama. Kaya kahit na parang isang trak ng garaba sa bigat ang kanyang katawan ngayon, pinilit niya pa rin na bum
Awareness of improper plastic disposal has spread nationwide yet Angielyn didn't expect na sa lahat pa talaga ng lugar, dito pa napadpad ang pinakamakapal na plastic. Natatawa siya na ewan! At first, hindi talaga siya naniniwala sa kasabihang first impression lasts pero ngayon, malulunok niya yata ang sariling paniniwala. Her first impression for the girl beside Attorney Finn will last for sure. Walang duda! "Hija, hindi mo ba kakainin 'yan?" Litong nilingon niya si Mrs. Stephy. Napakurap-kurap pa siya nang ilang beses dahil lahat ng mata ay nakatingin na sa kanya ngayon. Naituro niya ang sarili. "Po? Ako po?" "Sinong kakainin? I mean, ano?" naitanong ni Angie sa sarili. Masyado yatang na focus ang atensyon niya sa pagmamasid sa kaplastikan ni Venice kaya ito at hindi niya agad naintindihan kung ano ang tinutukoy ng ginang. Bumungisngis ang ginang saka ito sumagot at may itinuturo. "Kanina pa kasi nasa ere lang 'yang pusit na itinusok mo
Ginising si Angielyn ng pag-alburuto ng kanyang tiyan. Hating-gabi na yata. Given the silence that enveloped the entire room, she checked the alarm clock beside the lampshade. Hindi nga siya nagkamali. Madaling-araw na nga pero heto at hindi siya mapakali sa higaan. She need to let the digested foods out. Taeng-tae na siya! Madalian ang ginawa niyang pagbangon sa kama at maging ang pag-upo sa inidoro matapos mabuksan ang pintuan ng banyo. Hindi na niya kailangang maghintay ng ilang minuto para lumabas ang dapat lumabas dahil nag-log-out agad ang mga ito pagkalapat ng kanyang pang-upo. Exaggerated pero success ang naging operasyon. She cleaned herself thouroughly before she exit the CR. Okay na sana ang lahat at handa na sana siya para muling mahiga at ipagpatuloy ang naantalang pagtulog pero tumunog na naman bigla ang kanyang tiyan. This time, hindi na dahil kailangan niyang magbawas kundi dahil, kailangan na naman niyang sidlan ang sikmura niya. After a coup
"Good morning, Attorney!" Masiglang bati ni Venice ang sumalubong kay Finn pagkarating niya sa sala. Dumiretso na siya rito kahit hindi pa siya nakapaghilamos man lang. May hinahanap kasi ang mga mata niya. Nang hindi niya ito nabungaran pagkagising kanina ay madalian ang ginawa niyang paglabas sa study room. Oo nga at naroon pa ang higaang inihanda niya kagabi pero parang walang indikasyon na hinigaan iyon ng kung sino. Walang kagusot-gusot ang bed sheet ng kama. Pati ang kumot ay maayos na nakatupi. Nakadama tuloy siya ng panghihinayang kasi na picture out niya sa isip kagabi na parang dinaanan ng bagyo ang magiging ayos ng kumot kinabukasan. Sa klase ba naman ng kalikutan matulog ni Angielyn, hindi na 'yon nakapagtataka. "Good morning!" tugon ni Finn sa pagbati ni Venice. Malawak ang pagkakangiti ng babae. Napansin niya na may suot itong apron. Kapansin-pansin kasi mas mataas pa ang tela ng apron kaysa sa suot nitong nasapawan. Litaw an
"Where did you sleep last night?" Natigil si Angielyn sa kapipili ng mga gamit pambata. Naisipan niya kasi na mamili. Hindi pa niya alam ang gender ng batang dinadala niya kasi hindi pa makita sa ultrasound kaya plano niya na parehong panglalaki at pangbabae ang bibilhin niya na gamit. Total naman, day off ni Air ngayon kaya pinilit niya talaga na sumama ito. Oo na! Siya na itong walang konsensya. Alam naman niya na kulang ito sa tulog pero kinaladkad pa rin niya ito papunta rito sa mall. "Masyado bang magaspang ang tela nito? Do you think magiging komportable si baby na suotin ito? Ano sa tingin mo?" Kunwari ay tanong niya para ibahin ang usapan. Para matakasan na sagutin ang tinatanong ng kaibigan. Sa dami ba naman ng mga inilihim niya sa kaibigan, nakokonsensya na siya. Pero mukha yatang wala talaga itong plano na hayaan siyang makalusot sa pagkakataong 'to. Inilapit pa nito ang mukha sa mukha niya habang nakataas ang isang kilay. Parang isang kontra
"Ate..." Ungol lang ang naging sagot ni Angie sa pagtawag ni Merna. Kanina pa kasi ito parang wala sa sarili at medyo balisa. Tatanungin niya sana ito kanina kung bakit kaya lang nawala sa isip niya. Naging abala kasi siya sa pagharap sa kinakalkula na earnings sa mga nagdaang buwan bago siya umalis. In other words, natambakan siya. Hinintay niya na dugtungan ni Merna ang gustong sabihin sa kanya pero nahalata niya na nag-aalangan ito. Sa huli ay ibinaba niya ang hawak na bolpen saka hinarap ang dalaga. "Spill it out. Makikinig ako," pang-e-engganyo niya rito sa malumanay na tono para hindi na ito mag-alangan. Buka-sara ang labi nito. May gusto itong sabihin pero umaatras ito kalaunan. Nadagdagan tuloy ang curiousity niya. Dahil sa tingin niya ay hindi ito makapagsalita kung nakatitig siya rito, nagkunwari siyang tinitingnan muli ang book of earnings. Mata niya lang ang naroon pero ang tainga niya, bukas para sa nais sabihin ni Merna. Pati nga malalim
"Nag-away ba kayong dalawa? Hindi kasi tumugon ang asawa mo nang tanungin ko kung nasa'n ka. Mano-mano tuloy ang ginawa kong paghahanap para lang makita ka."Napabuntong-hininga si Finn sa sinabi ni Emerson."May topak na naman kasi — " May idadagdag pa sana siya pero biglang may sumulpot sa pintuan at nakapamewang."Ituloy mo lang, Hon. Makikinig ako."Matamis ang pagkakangiti ni Angielyn sa kanya pero para iyong red alert na nagpatikom sa kanyang bibig. Tumawa tuloy ang gago niyang kaibigan na nasa gilid nang makita ang kanyang naging reaksyon. At may balak pa talaga itong dagdagan ang pag-aaway nila ni Angielyn."Bakit? Ano ba ang pinag-awayan ninyong dalawa?" tanong nito na ang mata ay nasa babaeng tila nakakita ng bagong kakampi."Ganito kasi 'yon. Dahil nga naging abala ako kanina dahil umiiyak si David, siya ang inutusan ko na mag-order ng Carnation dahil iyon ang hinahanap ng isa kong kliyente. Napaka-importante ng task n
Isang linggo na mula nang inihiga siya sa hospital bed na ito. Isang linggo na rin nang makadama siya ng napakalaking puwang sa dibdib. Dalawang araw pa lang ang lumipas nang malaman niya ang lahat ng nangyari pagkatapos siyang mawalan ng malay. Ikinalungkot niya ng sobra ang balitang namatay si Merna pero ang mas dumurog sa kanya ay ang katotohanang namatay ito para lang ipagtanggol siya mula sa kamay ng nakatatandang kapatid na itinuring niyang matalik na kaibigan.Tunog ng binuksang pintuan ang nakaagaw sa kanyang malalim na pag-iisip. While her eyes is fixed on her big belly, she diverted it to the man who's wearing a white doctor's gown, accompanied by a nurse."Miss Angeline Jarina, how are you feeling today?"She genuinely smiled as she opened her mouth for a reply, "I'm perfectly fine, Doc."Sinuklian rin siya nito pabalik ng maamong ngiti. Like what he always do, the doctor checked her condition. Fortunately, tinanggal na ang mga aparatong ikinab
Buhat ng matinding pangangatog ng kamay, nabitawan ng nagwawalang binata ang kutsilyong ngayon ay madiing nakatusok sa tagiliran ng dalagitang humarang. Malalim ang sugat niyon lalo na at malakas ang pwersang naggamit. "A-Alexa..." Ang pangalan lang ng nakababatang kapatid ang tanging naisambit ni Aristotle. Masyadong mabilis ang pangyayari. Wala siyang alam. Hindi niya alam! He's clueless that the little sister he's been searching for is just one tap away from him. Sa naghihirap at duguang estado, sa harap mismo ng kanyang mga mata, isa-isang inalis ng dalaga ang mga inilagay nitong disguise sa katawan. Lumitaw ang nunal nito malapit sa ilong. Ang nunal na kinagigiliwan niya sa tuwing pinagmamasdan ito kapag nakakatulog ito sa kanyang bisig noon. Ilang sandali lang din, bumagsak ang buhok nitong hanggang bewang yata ang haba. Bago sa kanya iyon lalo na't nasanay siya na tingnan ito sa maikling buhok nang si Merna pa ang pagkakakilala niya rito.
Madilim. Kalat ang itim na kulay sa buong paligid. Wala siyang kahit katiting man lang na liwanag na makita. Kahit anong gawin niyang paggalaw para lang makawala mula sa mahigpit na pagkakagapos sa kanyang mga kamay, wala pa ring epekto iyon. Sa halip na lumuwag ay parang mas lalo pang nakadagdag iyon sa higpit ng pagkakatali. She's unsure on how many hours she's been at that dark and gloomy place. Basta ang alam lang ni Angielyn, matagal na siya roon. Sinikap niyang alalahanin ang lahat ng nangyari bago siya napunta sa ganitong sitwasyon pero gaya nang una niyang mga ginawang pagsubok, muli ay ibinabalik lang siya sa kasalukuyang sitwasyon. The piece of cloth used to blindfold her is too wet para dagdagan pa niya iyon ng marami pang luha. Hindi makakatulong sa kanya ang pag-iyak. Mas lalo na sa batang nasa loob ng kanyang sinapupunan. She's dying for someone to find her so she can ask for help. To make her safety so nothing bad will happen to her baby. She b
"Ate..." Paulit-ulit na sigaw ni Merna habang nasa garden. Bigla ang pagdagsa ng kaba sa d****b ni Merna. Gabing-gabi na kasi pero wala pa rin siyang balita sa dalagang amo. Hapon pa no'ng nagsabi ito na may lalakarin na muna sandali. Nag-commute lang ito dahil takot na itong mag-drive mag-isa dahil nga lumulubo na ng husto ang tiyan nito. Ilang beses niya itong tinawagan sa numero nito pero ilang missed calls na ang ginawa niya ay hindi pa rin sinasagot ni Angielyn ang kanyang tawag. Kung hindi pa niya naisipang magligpit-ligpit na muna habang hinihintay ang amo na dumating ay saka pa lang niya napansin ang cellphone nito na natabunan ng notebook. Nang pindutin niya ang gilid niyon ay nakita niyang naka-silent mode. Kaya pala hindi niya napansin na naroon lang iyon. Ilang pagsigaw pa ang ginawa niya bago siya nagdesisyon na pumasok na sa bahay ng amo. Hindi iyon naka-lock. Mukhang nakalimutan na naman nitong mag-lock sa kamamadali. Sinuyod niya ng tingin ang bawat p
"D-dugo..."Sapo ang nanabakit na tiyan naitaas ni Angielyn ang dalawang kamay na basang-basa nang pula at malagkit na likido. Ngatal ang labing napatingin siya sa daloy ng dugong umuukopa sa kanyang magkabilang hita.Pilit na itinatanggi sa sarili ang kasalukuyang nangyayari."No. Hindi pwede..." Pumiyok pa ang boses niya habang pailing-iling. "Hindi maaari. H-hindi...""Angie, brace yourself. Wala na siya!"Nalingon niya ang gawi ng nagsasalita. Si Aristotle. Hilam rin ito ng luha. Kagaya niya, nasasaktan rin ito sa nangyayari. Pumiksi siya sa mahigpit na pagkakayakap ni Air pero nagmatigas ito. Doon lang niya nakita na parang meron itong hinahawakan sa kanyang may bandang tiyan. Kung hindi pa ito medyo nawalan ng balanse dahil sa kanyang pagpupumiglas ay hindi na iyon mapapansin dahil sa unti-unting pagbalot ng manhid sa kanyang sistema."D-Diyos ko po. Ang baby ko..."Para siyang pinagkaitan ng boses. Nagbuka-sara ang
Hindi niya alam kung gaano na siya katagal na nakatayo lang roon pero base sa pangangawit ng kanyang paa nang ibalik siya ng magkakakasunod na katok sa reyalidad, alam niyang matagal-tagal talaga siyang doon lang nakatunganga."Finn, gising ka pa?"Bahagya siyang lumayo sa pinto. He cleared the lump on his throat before responding to his mom. "Yes po, Ma.""Pwede ba akong pumasok?"Nakadama bigla si Finn ng pagkataranta. Magaan ang pagyapak na ginawa niya para hindi marinig ng ginang ang kanyang mga yabag pero sapat ang bilis niyon para marating niya ang sariling kama at humiga roon para magkunwaring kanina pa niya ipinahinga ang sarili."Bukas po 'yan. Pasok po kayo."Pagkabukas ng pintuan at tanaw na niya ang ina ay saka siya bumangon at naupo sa kama."Hijo..." paunang ani ng butihing ina sa kanya. "May dapat ba akong malaman? Napansin ko kasi kanina sa telepono no'ng inimbitahan ko si Angielyn na nagdadalawang-isip siya na paunlak
Magtatanghali na. Pero mula nang pumasok si Finn sa study room ng alas syete ng umaga, hindi pa siya tumatayo mula sa tinatrabaho. Dinalhan na nga lang siya ni Isabel ng agahan."Hindi ka pa ba napapagod?"Biglaan ang pagsulpot ni Emerson sa kanyang tabi. Kasalukuyan niyang nire-review ngayon ang panibagong kaso. Katatapos niya lang mai-close ang kaso patungkol sa rape case nang anak ng Congressman.Iniliko niya ang swivel chair paharap sa bagong dating. Hindi na niya kinailangang yayain ito na maupo since feel at home naman ito. Kumuha ito ng sariling upuan para sa sarili. Mas komportable pa nga ang posisyon nito ngayon kaysa sa kanya."Let's have fun. Ito naman, parang wala man lang nangyari na pagkapanalo ng kaso. Kalat na kalat ang mukha mo sa lahat ng balita pero heto ka at ibang kaso na naman ang pinagkakaabalahan imbes na mag-celebrate.""E' kasi nga marami pang dapat asikasuhin. Marami pa akong dapat pag-aralan para sa susunod n
For the first time in months after that hotel incident, natagpuan ni Angielyn ang sariling nakangiti. Iyong tipo ng ngiti na bukal sa kalooban at hindi dahil kailangan niyang ngumiti. Habang hinihimas niya kasi ang tiyan ay naramdaman niya ang pagsipa ng bata sa kanyang sinapupunan. Alam na niya ang kasarian ng kanyang anak dahil naisagawa na niya ang second ultrasound. She got a he! Malakas ang kanyang kutob dati pa na lalaki ang kanyang dinadala kaya mostly, panglalaki na gamit ang binibili niya bago pa nakita ang resulta. Thankful siya kasi sa kabila ng sakit na nakaukit pa rin hanggang ngayon sa kanyang puso, hindi nito naapektuhan ang kalusugan ng kanyang pinagbubuntis. She's hardly coping up but she did her best anyway for her baby. Basta ang ginawa niya sa lang sa mga nagdaang buwan, itinuloy niya lang ang nakagawian. Magbantay sa flower shop, mag-deliver ng mga bulaklak sa mga social gatherings. Pero unlike dati na kahit sa malayo, naghahatid siya. Ngayon ay pinagbab