Share

Chapter 4

Author: LilacCurl
last update Last Updated: 2021-10-18 16:39:29

Aliw na aliw si Angie habang tinitingnan ang mga bulaklak na idi-deliver niya ngayong araw. Naipikit niya ang mga mata nang kanyang samyuhin ang preskong halimuyak ng mga bagong pitas na bulaklak. She's fond of flowers since her childhood days. Ang pagkagiliw na iyon ay hindi nawala at nadala niya hanggang sa paglaki kaya nang tanungin siya ng kanyang ina kung ano ang kukunin niyang kurso ay awtomatikong lumabas sa kanyang labi ang Floriculture na sagot. Hindi naman siya nabigo na makakuha ng moral support mula sa mga magulang lalo na't florist din ang mama n'ya.

"Naku! Buti na lang talaga at physically fit ako noh? Kung hindi, baka nagkalasog-lasog na ang mga katawan n'yo at sa sahig na kayo nakaratay," aniya sa mga bulaklak habang mahinhing hinahaplos ang mga petals ng mga ito.

"Kung maririnig ka ng ibang tao, baka akalain nila na tao 'yang kinakausap mo."

Napaigtad siya sa gulat. "Hoy jusko! Palakang tinubuan ng sampung pangil." Naitapat niya ang kanyang kamay sa dibdib dahil sa pagkagulat. Magsalita ba naman ito bigla.

Nilingon niya ang pangahas na taong bukod sa ginulat siya ay may gana pa yatang mang-asar dahil rinig na rinig niya mula sa likuran ang pinipigilan nitong pagtawa. Buti na lang talaga at napigilan niya ang sarili na 'wag mapanganga nang mapagsino ang pangahas. Dinadaya ba siya ng paningin niya?

Bakit nandito ang lalaking 'to dito? Kilala n'ya kaya ako? Imposible naman na namumukhaan n'ya pa ako eh sa dami ba naman ng mga taong nakakasalamuha niya sa araw-araw 'di ba? Isa pa, isang beses lang naman ang encounter namin na 'yon. Ni hindi nga iyon umabot ng isang oras. Maliban nalang kung... 'Di nga? Nalaman n'ya kaya na ninakaw ko ang tamod niya? Naku naman... 

She tried to gather her senses back. Ayaw n'yang ipahalata sa kaharap ang matinding kaba na nananahan ngayon sa kanyang dibdib. Mas matindi pa ito sa kaba ng pagkagulat na naramdaman niya kanina.

"Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo? Kung magtatanong po kayo ng direksyon, do'n sa babaeng naka-on duty sa loob po kayo magtanong. Nagmamadali po kasi ako, Manong." Madalian siyang dumistansya sa lalaki saka pasimpleng dumaan sa puwang na nasa may gilid nito.

"Miss, teka lang. Ano kasi —"

"Merna, halika nga dito sandali." Sinadya niyang lakihan ang boses nang tawagin ang empleyado niya. Kinabahan kasi siya na baka kung ano ang sasabihin ng lalaki. Kung totoo man na alam na nito na walang pahintulot na basta-basta niya lang ginamit ang tamod nito, baka pagtawanan siya ng lalaki at insultuhin. 

Nagmamadaling lumabas mula sa pinto ng kanyang flower shop si Merna. "Ano po 'yon, Ate?" 

"Puwede bang paki-assist mo na muna siya? Naligaw yata siya eh. Pakitulungan na lang ha? Aalis na ako. Nga pala, ikaw na muna ang bahala dito. Paki-check mo na rin ang in-order ko kahapon na abuno kung kailan nila mai-deliver dito," sunod-sunod niyang utos sa babae. Binalingan niya ng tingin ang lalaking ngayon ay nakamasid sa kanyang mukha. 

Kanina niya pa ba ako minamasdan? Bakit ganyan siya makatingin sa akin? Nangangapa siya sa loob-loob niya. Iwinasiwas niya ang kamay sa tapat ng mukha ng lalaki para  matigil ang mariin nitong pagtitig sa kanya. Naaasiwa kasi siya. "Manong, s'ya na po ang bahala sa inyo."

Napanganga ito. Sino ba namang hindi eh pangalawang beses na niya itong tinawag na Manong gayong halata namang bata pa ito. E' anong magagawa niya? Mas mabuti nang maingat. Hindi pa nga siya nakaka-move on sa nangyari kahapon. Nanghinayang talaga siya sa perang naibayad na niya do'n sa lalaking dapat sana ay ang magpo-provide ng sperm sa kanya pero hayon at sa lalaki pala na kaharap niya ngayon ang kanyang nagamit. 

Unaware, her eyes roamed the guy's entire feature. Hindi na bago sa kanya ang makapal nitong kilay lalo na at ito ang pinakauna niyang napansin sa lalaki mula doon sa diyaryong nabasa dati. Staring up close, she wondered how he got those naturally waved eyelashes. Hindi lang 'yon. Mahahaba rin ang pilik-mata nito na bumagay sa medyo bilogan nitong pares ng mga mata. Maganda ang hubog ng ilong nito. Iyong parang tulad sa isang nililok na iskulptura na ilang beses yata hinubog para magresulta sa gano'n ka perpekto. Sunod na nakaagaw sa kanyang atensyon ay ang kulay ng mata nito. Kung sa malayoan ay parang normal lang tingnan pero ngayong malapit siya sa lalaki ay klarong-klaro sa paningin niya ang kulay kape nitong mata. 

"Gwapo ba?"

Napaigtad siya sa biglaan nitong pagsasalita. Halos mapigil pa n'ya ang hininga nang ma-realize na nakatingin pa rin siya sa mga mata nito na ngayon ay sinasalubong ang intensidad ng atensyon na ibinigay niya rito.

"Ganyan ka ba talaga tumingin sa mga Manong, Miss?" May multo ng mapaglarong ngiti sa labi nito.

Inirapan niya ito. "Pasensya na po talaga, Manong. Iniisip ko lang po kasi at ini-estima ko rin sa utak ko kung ilang minuto nang nakatambay 'yang muta sa mata mo po. Base kasi sa ginawa kong pag-aanalisa, kung pagbabasehan kung gaano ito ka-moist, mga higit kumulang tatlong segundo na 'yan namamahay d'yan." Turo niya sa mata nito.

Pagak siyang natawa nang madalian nitong kinapa ang gilid ng mga mata. Mamula-mula ang mukha nito na ikinangisi niya.

Aba't nahiya yata ang gunggong! She mentally grinned. Hindi naman kasi totoong may muta ang lalaki. Nasabi niya lang iyon para ilihis ang usapan kaysa naman mabuko siya na sinusuyod niya ng tingin ang bawat detalye ng mukha nito 'di ba?

"Ito naman, hindi mabiro." Tinapik niya ang braso nito saka pasimpleng kinurot. Napalagok siya ng laway. In fairness sa lalaking 'to, mukhang alaga talaga sa ehersisyo ang katawan!

Biglang tumunog ang alarm ng relo niya. Awtomatikong tiningnan niya ang oras. She set the alarm an hour earlier the scheduled delivery time. 

"Naku, Mister! Kailangan ko na talagang umalis. Baka malanta na itong mga bulaklak. Kakailanganin pa naman ito para sa reception venue ng kasal. D'yan ka na ha? Si Merna na ang bahala sa'yo."

Walang lingon-likod na madalian siyang sumakay sa sasakyan at binuhay ang makina nito. Nasulyapan pa niya sa rear view mirror ang nakaawang na bibig ng lalaki nang makabig niya na paliko ang sasakyan. Sandali ring nahagip ng kanyang tingin ang dala nitong tupperware na may ribbon. Ngayon niya lang iyon napansin. 

Sinikap niyang pagtuonan na lang ng pansin ang pagmamaneho at iwaksi na muna sa isip ang lalaking abogado. Hinahabol niya ang oras dahil baka hindi siya makaabot on time. Mabuti na lang talaga at hindi rush hour kaya ilang minuto lang ay tanaw na niya ang reception area. 

Natanaw agad siya ng kaibigan ng anak ng kanyang ninang. Nilapitan siya nito agad nang mapatay na niya ang makina at naiparada na niya ang sasakyan sa garahe.

"Late na ba ako?"

Tinawanan siya nito bago sumagot, "Ikaw? Mali-late?"

Sinabayan na rin niya ang tawa nito. Lumabas na siya sa sasakyan saka tumungo sa likod para buksan ang likuran ng van at nang mailabas na ang nga bulaklak. Akto na sana siyang pupulot ng mga bungkos ng bulaklak pero pinigilan siya ng babae. Saka lang niya napansin na may mga dumating pala na mga lalaki. 

"Pabayaan mo nang sila ang maglabas ng lahat ng 'yan, Angie. Nga pala, naibigay na ba ni Tita ang karagdagang bayad?"

"Oo, Jane. Ipinadala niya kahapon sa account ko."

"Mag-snacks ka na muna bago ka umalis," pahabol na ani nito nang makitang naghahanda na siya para lumulan sa van. Nailabas na kasi ang lahat ng bulaklak. Hindi siya sanay na nag-aaksaya ng oras kaya plano niya na magpaalam na para umalis.

She genuinely smiled to Jane. "Sa susunod na lang. Kailangan ko na ring umalis kasi si Merna lang ang naroon sa shop. Umuwi pa kasi sa probinsya ang kasama nito."

Hindi na nag-insist ang babae. Aware naman kasi ito na hindi siya nito mapipilit na mag-stay. Ayaw n'ya rin kasi na makaabala lalo pa at ang pinaghahandaan nito ay ang kasal ng nakatatandang kapatid nitong lalaki. Usually, mga tauhan na ng inuupahang mag-aayos sa decorations ng venue ang bahala pero gusto talaga nito na may personal touch ito sa gagawing selebrasyon kaya imbes na dapat ay nagpapahinga ito ngayon sa hotel at maghihintay na lang sa magmi-make up, nandito ito at tumutulong sa pag-aayos.

"Mag-iingat ka sa biyahe. Punta ka bukas ha? May gagawing after party bukas. Tayo-tayo lang do'n sa bahay kaya dapat sumulpot ka."

Tinanguan na lang niya ito. Panigurado kasing kukulitin siya nito hanggang sa pumayag siya. Mas lalo lang itong maaantala kung hindi niya ito pagbibigyan sa sinabi nito.

"Alis na ako," huling sabi niya bago pinaandar ang van. 

Nasa kalagitnaan na siya sa biyahe nang sumulpot sa kanyang balintataw ang imahe ng lalaking 'di niya inaasahang makikita kanina.

Nando'n pa kaya siya sa shop? Ano kaya ang ginagawa niya sa lugar namin? Natatandaan niya kaya talaga ang mukha ko? Imposible naman na ako talaga ang sadya niya doon kasi wala akong matandaan na binanggit ko sa kanya sa presinto kung sino ako at saan ako nakatira. Maliban na lang kung...

"Angie, ano ka ba? Napaka-imposible ng iniisip mo na 'yan! Ang attorney na 'yon? Babalik sa presinto para lang itanong ang mga detalye tungkol sa'yo? Alam kong maganda ka pero Angie, maghunos-dili ka!" saway ng kabilang utak niya.

Ilang establisyemento na lang ang madadaanan at makakarating na siya sa shop nang itigil niya ang van sa gilid. Hindi pa rin siya mapakali. Kumakabog ng sobra ang dibdib niya. Daig pa niya ang hinahabol ng asong ulol sa kalsada. Bearing the thought in mind that the man might still be at her place, she took her phone inside the van's glove compartment. Diretsong tinungo ng kanyang kamay ang numero ni Merna sa call history ng kanyang cellphone.

Kabadong hinintay niya na sagutin ng empleyado ang kanyang tawag. Naka-ilang misscalls pa ang dumaan nang sa wakas ay narinig niya ang humahangos na si Merna.

"Hello, Ate Angie. Pasensya na po. Hindi ko po agad napansin ang tawag ninyo kasi naka-silent mode po ang phone ko tapos may mga customer din pong nakapila kanina." 

"Okay lang. Nga pala, kumain ka na?" tanong niya rito. This may seem weird na aakalain nito na tumawag lang siya para tanungin kung nananghalian na ba ito pero mas mabuti na 'yon kaysa tuksuhin siya nito kung diretso niya itong tatanungin patungkol sa lalaking abogado.

"Tapos na po ate." 

Tumango-tango siya na parang magkaharap silang dalawa at nakikita nito ang gesture n'ya. 

"Mabuti naman kung gano'n." Akto na sana niyang papatayin ang tawag dahil bigla ay parang nahihiya siyang magtanong kung nandoon pa ba ang lalaki pero kinampihan yata siya ng pagkakataon nang ang babae na mismo ang nagbukas ng topic tungkol dito.

"Ate, 'yong lalaki na pinapa-assist mo sa akin kanina, nandito pa po sa shop. Sabi niya na may hinihintay siya kaya pinaupo ko na lang po muna. Matagal pa yata ang hinihintay nito o na Indian ito ng kakatagpuin kasi kanina pa siya rito mula pa no'ng umalis ka."

Nakagat niya ang pang-ibabang labi sa narinig. 

May limitasyon dapat ang kumpyansa sa sarili pero Angie, baka ikaw yata talaga ang sinadya ng lalaking 'yon!

Triple ang kabang namahay ngayon sa kanyang dibdib. Biglaang namawis ang palad niya. Naiyuko niya ang noo palapat sa manibela at naipikit niya ang mga mata.

"Ate... Ate, nandiyan ka pa ba? Hello, Ate Angie."

"Oh Merna, ikaw na muna ang bahala diyan sa shop ha? May urgent matter kasing dumating na dapat kong asikasuhin. Kaya mo naman diyan 'di ba? Ikaw na rin ang magsara ha? Kasi baka gabihin ako."

"Oo naman po. Ako na po ang bahala dito sa shop. Sige po, papatayin ko na po ang tawag kasi may customers pong dumating."

Ilang minuto na niyang napindot ang end button pero ang mata niya ay nakatutok pa rin sa screen ng cellphone. Naglalakbay ang kanyang diwa sa imahe ng lalaking prenteng nakaupo ngayon sa may hardin. Wala naman kasi itong mauupuan doon sa loob ng shop kaya paniguradong pinatuloy ito ni Merna doon sa pahingahan niya sa likod.

Nag-iba siya ng pwesto. Komportable niyang isinandig ang kanyang likod sa upuan saka tumingala. Ilang minuto pa siyang nagmuni-muni hanggang sa narinig niyang may tumatawag sa kanyang numero. Napangiti siya nang makita ang pangalang nakarehistro sa screen.

"Aristotle..."

"Bruha ka!"

 Natawa siya sa naging sagot ng kaibigan. "Pupunta ako d'yan sa condo mo. D'yan na rin ako matutulog kasi pagod ako galing biyahe. See ya'!" Hindi na niya hinintay na magreklamo ito at madalian nang pinatay ang tawag.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Eyeoftheaple Calvadores
pa unlock Naman..
goodnovel comment avatar
Genelyn Martinez
interesting story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The Pregnant Virgin   Chapter 5

    "Oh." Agad na iniabot ni Finn ang dalang brownies sa kaibigan pagkabukas na pagkabukas nito ng pinto. Dito siya sa inuupahan nitong apartment dumiretso pagkagaling sa shop ni Angielyn.Nakaupo lang naman siya doon mula nang pinatuloy siya no'ng babaeng nagngangalang Merna. Maka-ilang ulit niyang sinusulyapan ang pagtakbo ng kamay ng relo habang hinihintay ang babaeng sadya. Halos mabalian na nga yata siya ng litid sa leeg kakalingon sa taong nagbubukas at pumapasok sa shop pero wala talaga ni anino man lang ni Angielyn ang dumating. Kung hindi pa n'ya naisipan na makipagkwentuhan kay Merna ay hindi niya malalaman na nakatanggap ito ng text mula sa amo na bukas na pala ito uuwi. Ramdam niya ang pagod kahit wala naman siyang ibang ginawa maghapon. Matapos makapagpaalam na aalis na siya dahil may appointment siyang dapat puntahan ay diretso na niyang tinungo ang ipinaradang kotse. Pauwi na sana siya sa bahay nang maalala niya ang bilin ng ina na dapat ay matanggap ng babaeng

    Last Updated : 2021-10-19
  • The Pregnant Virgin   Chapter 6

    "Namumutla ka a'! Okay ka lang ba?" Bakas ang pag-aalala sa boses ni Air nang makita siyang nanghihina galing sa banyo. Ewan ba n'ya! Wala naman siyang napansin na nakakain siya ng panis na pagkain pero parang hinahalukay ang kanyang tiyan. Ilang araw na rin siyang ganito. Hindi nga niya ginalaw ang niluto ni Air na ulam kanina kasi para siyang maduduwal na naman sa baho ng bawang na inilagay nito. "Ano ba kasi ang sinasahog mo sa mga niluluto mo lately? 'Di ko bet ang lasa. Nangangalawang na yata 'yang cooking skills mo, Aristotle!" Pinagdiinan niya ang pagkakabigkas ng totoong pangalan nito kaya pabiro siya nitong kinurot sa tagiliran. "Bruha ka talaga! Ikaw na nga itong ipinagluluto ng agahan tapos ikaw pa itong mareklamo." "Ito naman, nagtampo agad. Sige ka! Maaga kang mangungulubot n'yan." Inikutan lang siya nito ng mata saka marahang hinihilot ang noo nito. Akto na sana niya itong yayakapin nang muli siyang napaatras. Sumiksik kasi sa ilong niya

    Last Updated : 2021-10-20
  • The Pregnant Virgin   Chapter 7

    Nabitin sa ere ang tangka niyang paghikab pagkapanaog niya sa minamanehong van. Pa'no ba naman kasi ay nakasalubong ng kanyang tingin ang isang magandang babae na siyang nagbukas ng gate. Sa tantiya niya ay nasa early thirties pa ang naturang babae kung ang pagbabasehan ay ang bata pa nitong mukha at ang pino ng kutis nito. It looks like she's staring straight on a living doll! Hindi niya mapigilang makadama ng paghanga rito. "Napaaga ba ang pagpaparito ko sa'yo, Hija? Mukha yatang nabulahaw ko ang dapat sana oras pa ng pagtulog mo," hinging paumanhin nito sa kanya habang iginigiya siya nito na pumasok na sa loob. Hindi niya maiwasang makadama ng kakaibang emosyon sa kanyang puso kaya lang ay hindi niya ito mapangalanan. Napaka-estranghero nito at masyadong bago sa kanya. "Naku! Hindi naman po. Early bird naman po talaga akong tao kaya lang lately, nag-iba na ang routine ng katawan ko kaya kahit alas syete na ngayon ay parang inaantok pa ako."

    Last Updated : 2021-10-21
  • The Pregnant Virgin   Chapter 8

    "Hindi mo ba gusto ang pagkain?" Angielyn immediately shook her head. An awkward smile is visible on her lips although she tried her hardest to hide it. "Hindi mo kasi nagalaw ang pagkain mo. Wala ka pang naisubo kahit isang kutsara," muli ay puna nito. Hindi niya alam na binabantayan pala nito ang kilos niya. Kung bakit ba naman kasi pinaunlakan pa niya ang paanyaya nito eh alam naman niya na malaki ang posibilidad na ito ang mangyayari. She's not comfortable when he's around. May tensyon siyang nararamdaman sa tuwing nasa malapit si Atty. Finn Alcantara. Pasimple niyang itinikhim ang tila namuong bikig sa kanyang lalamunan bago sinagot ang mausisang lalaki. "Kumain na kasi ako ng agahan kanina bago ako pumunta dito." Itinabi niya ang hawak na kutsara at tinidor matapos magpaliwanag. Nakita niyang tumango-tango ito pero taliwas ang sinasabi ng mukha nito. Klarong-klaro sa nagpang-abot na mga kilay nito na hindi ito kumbinsido sa k

    Last Updated : 2021-10-22
  • The Pregnant Virgin   Chapter 9

    "Oh ano? Matabang pa ba? Gusto mo dagdagan pa natin?" Halos takbuhin na ni Angielyn ang lababo nang bumara sa kanyang lalamunan ang labis na alat na umukopa roon. Bumaliktad yata ang sikmura niya sa magkahalong lasa ng gatas at iodized salt. "Nasaan ba kasing planeta ang isip mo at nang masundo ko? Kalahating oras ka ng malalim na nag-iisip. Ni hindi mo nga ako pinapansin kahit ilang beses ko ng tinatadyak ang mga paa ko sa sahig," usisa ni Air habang nakapamewang sa kanyang gilid. Puno ng curiousity at pagtataka ang makikita sa mukha nito pero iniwas niya ang tingin. Mayamaya ay binalingan niya ito ng masamang tingin. "Tinatawag mo pang future ninang ang sarili mo pero hindi mo man lang ako inawat nang itimpla ko ang asin imbes na asukal." "Hoy maghunos-dili ka, Binibining birhen! 'Wag mong isisi sa iba ang bagay na ikaw mismo ang may gawa. 'Yan ang itinuro ni Papa sa akin no'ng bata pa ako. Kaya ngayon, dapat matutunan mo rin 'yon. Tanggapin mo na l

    Last Updated : 2021-10-24
  • The Pregnant Virgin   Chapter 10

    Agad na naglaho ang ngiting nakapaskil sa mukha ni Angielyn nang mabungaran niya ang bulto ng babaeng prenteng nakaupo patalikod sa kanyang direksyon. She can literally feel how her blood boil. Ito pa talaga ang maabutan niya pagkatapos niyang mag-unwind."Hoy! Ano na? Bakit natigilan ka d'yan? Nakakita ka ba ng multo?" Tumatawa si Air nang pabiro siya nitong kalabitin."Hindi. Demonyo ang nakita ko!"Sinundan nito ng tingin ang direksyon ng kanyang mga mata. Dinig pa niya na napabuntong-hininga ito saka nito marahang pinisil ang kanyang kamay. Nagpatianod siya sa kaibigan nang humakbang si Air papasok sa bahay niya. Dito na kasi sila dumiretso para mai-arrange daw nito ang mga nabili nila. May pagkamakakalimutin kasi siya kaya hindi ito convinced nang sabihan niyang siya na ang bahala.Sabay na napatingin ang mga unwanted visitor sa gawi nila nang walang pasintabi silang dumaan sa pwesto ng mga ito."Angie," mahina pero madiin na tawag ng Do

    Last Updated : 2021-10-26
  • The Pregnant Virgin   Chapter 11

    "Malinis ang pagkakamanipula nila sa sitwasyon. Ayon sa sinabi ng source na nasagap ko, lahat ng ebidensya ay nakaturo na ngayon kay Rizel Reyes. 'Yong mga statement rin ng mga taong involve at may alam sa nangyari ay nagsibago na rin."Hindi mapigilan ni Finn na mamangha. Napakalakas talaga ng impluwensya ng taong kinakalaban niya. Kaya nitong gawing katawa-tawa ang mga ebidensyang ihaharap niya kung sakali sa husgado. The solid evidence is gone and snatched out from his own hands kaya malaki ang magiging role niya kung sakaling kaladkarin ng gano'n lang kadali ng mga ito ang kaso. Pero kailangan na muna niyang isantabi ang self blaming. It won't help him solve the case he's facing anyway. Maybe some other time. Maybe after all this chaos!"Naniniwala akong walang perpektong krimen." He took a glimpse on Emerson's side. Abala ito sa paglalaba ng mga medyas nito na pang isang linggohan yata dahil sa dami. "Kung umabot man sa point na wala akong maipapakitang ebidensya at m

    Last Updated : 2021-10-29
  • The Pregnant Virgin   Chapter 12

    "Maaga ka yata. Dinagdagan mo ba ng isang oras ang 1 hour advance set mo sa relo? Mas maaga pa ang pagdating mo kaysa sa ini-expect ko ah'!"Inihagis lang ni Angielyn sa dumadadang kaibigan ang dalang backpack. Mabuti na lang at madalian nito iyong nasalo."Hindi ako nagbukas ng shop ngayon. Pina-day off ko si Merna. Wala rin akong gana na makipaghalubilo ng maraming tao ngayon kaya napagdesisyunan ko na magpahinga na lang sa bahay. Kaso nga lang, every second na dumaan, nabo-bored ako. Wala naman akong ginawa pero nanlalata ang katawan ko," mahabang salaysay niya kay Air. "Teka muna. May gamot ka ba d'yan para sa pananakit ng dede? Sumsakit kasi itong dede ko. Kanina pa."Dala ang stethoscope na nakasampay sa leeg nito, nilapitan siya ni Air. Akala niya ay ilalapat iyon ng kaibigan sa kanyang dibdib pero lumihis ng direksyon ang kamay nito. Imbes na sa tapat ng dibdib ay inilapat ni Air ang stethoscope sa kanyang noo. Litong tiningnan niya ang nakapikit n

    Last Updated : 2021-10-30

Latest chapter

  • The Pregnant Virgin   Special Chapter

    "Nag-away ba kayong dalawa? Hindi kasi tumugon ang asawa mo nang tanungin ko kung nasa'n ka. Mano-mano tuloy ang ginawa kong paghahanap para lang makita ka."Napabuntong-hininga si Finn sa sinabi ni Emerson."May topak na naman kasi — " May idadagdag pa sana siya pero biglang may sumulpot sa pintuan at nakapamewang."Ituloy mo lang, Hon. Makikinig ako."Matamis ang pagkakangiti ni Angielyn sa kanya pero para iyong red alert na nagpatikom sa kanyang bibig. Tumawa tuloy ang gago niyang kaibigan na nasa gilid nang makita ang kanyang naging reaksyon. At may balak pa talaga itong dagdagan ang pag-aaway nila ni Angielyn."Bakit? Ano ba ang pinag-awayan ninyong dalawa?" tanong nito na ang mata ay nasa babaeng tila nakakita ng bagong kakampi."Ganito kasi 'yon. Dahil nga naging abala ako kanina dahil umiiyak si David, siya ang inutusan ko na mag-order ng Carnation dahil iyon ang hinahanap ng isa kong kliyente. Napaka-importante ng task n

  • The Pregnant Virgin   Chapter 39

    Isang linggo na mula nang inihiga siya sa hospital bed na ito. Isang linggo na rin nang makadama siya ng napakalaking puwang sa dibdib. Dalawang araw pa lang ang lumipas nang malaman niya ang lahat ng nangyari pagkatapos siyang mawalan ng malay. Ikinalungkot niya ng sobra ang balitang namatay si Merna pero ang mas dumurog sa kanya ay ang katotohanang namatay ito para lang ipagtanggol siya mula sa kamay ng nakatatandang kapatid na itinuring niyang matalik na kaibigan.Tunog ng binuksang pintuan ang nakaagaw sa kanyang malalim na pag-iisip. While her eyes is fixed on her big belly, she diverted it to the man who's wearing a white doctor's gown, accompanied by a nurse."Miss Angeline Jarina, how are you feeling today?"She genuinely smiled as she opened her mouth for a reply, "I'm perfectly fine, Doc."Sinuklian rin siya nito pabalik ng maamong ngiti. Like what he always do, the doctor checked her condition. Fortunately, tinanggal na ang mga aparatong ikinab

  • The Pregnant Virgin   Chapter 38

    Buhat ng matinding pangangatog ng kamay, nabitawan ng nagwawalang binata ang kutsilyong ngayon ay madiing nakatusok sa tagiliran ng dalagitang humarang. Malalim ang sugat niyon lalo na at malakas ang pwersang naggamit. "A-Alexa..." Ang pangalan lang ng nakababatang kapatid ang tanging naisambit ni Aristotle. Masyadong mabilis ang pangyayari. Wala siyang alam. Hindi niya alam! He's clueless that the little sister he's been searching for is just one tap away from him. Sa naghihirap at duguang estado, sa harap mismo ng kanyang mga mata, isa-isang inalis ng dalaga ang mga inilagay nitong disguise sa katawan. Lumitaw ang nunal nito malapit sa ilong. Ang nunal na kinagigiliwan niya sa tuwing pinagmamasdan ito kapag nakakatulog ito sa kanyang bisig noon. Ilang sandali lang din, bumagsak ang buhok nitong hanggang bewang yata ang haba. Bago sa kanya iyon lalo na't nasanay siya na tingnan ito sa maikling buhok nang si Merna pa ang pagkakakilala niya rito.

  • The Pregnant Virgin   Chapter 37

    Madilim. Kalat ang itim na kulay sa buong paligid. Wala siyang kahit katiting man lang na liwanag na makita. Kahit anong gawin niyang paggalaw para lang makawala mula sa mahigpit na pagkakagapos sa kanyang mga kamay, wala pa ring epekto iyon. Sa halip na lumuwag ay parang mas lalo pang nakadagdag iyon sa higpit ng pagkakatali. She's unsure on how many hours she's been at that dark and gloomy place. Basta ang alam lang ni Angielyn, matagal na siya roon. Sinikap niyang alalahanin ang lahat ng nangyari bago siya napunta sa ganitong sitwasyon pero gaya nang una niyang mga ginawang pagsubok, muli ay ibinabalik lang siya sa kasalukuyang sitwasyon. The piece of cloth used to blindfold her is too wet para dagdagan pa niya iyon ng marami pang luha. Hindi makakatulong sa kanya ang pag-iyak. Mas lalo na sa batang nasa loob ng kanyang sinapupunan. She's dying for someone to find her so she can ask for help. To make her safety so nothing bad will happen to her baby. She b

  • The Pregnant Virgin   Chapter 36

    "Ate..." Paulit-ulit na sigaw ni Merna habang nasa garden. Bigla ang pagdagsa ng kaba sa d****b ni Merna. Gabing-gabi na kasi pero wala pa rin siyang balita sa dalagang amo. Hapon pa no'ng nagsabi ito na may lalakarin na muna sandali. Nag-commute lang ito dahil takot na itong mag-drive mag-isa dahil nga lumulubo na ng husto ang tiyan nito. Ilang beses niya itong tinawagan sa numero nito pero ilang missed calls na ang ginawa niya ay hindi pa rin sinasagot ni Angielyn ang kanyang tawag. Kung hindi pa niya naisipang magligpit-ligpit na muna habang hinihintay ang amo na dumating ay saka pa lang niya napansin ang cellphone nito na natabunan ng notebook. Nang pindutin niya ang gilid niyon ay nakita niyang naka-silent mode. Kaya pala hindi niya napansin na naroon lang iyon. Ilang pagsigaw pa ang ginawa niya bago siya nagdesisyon na pumasok na sa bahay ng amo. Hindi iyon naka-lock. Mukhang nakalimutan na naman nitong mag-lock sa kamamadali. Sinuyod niya ng tingin ang bawat p

  • The Pregnant Virgin   Chapter 35

    "D-dugo..."Sapo ang nanabakit na tiyan naitaas ni Angielyn ang dalawang kamay na basang-basa nang pula at malagkit na likido. Ngatal ang labing napatingin siya sa daloy ng dugong umuukopa sa kanyang magkabilang hita.Pilit na itinatanggi sa sarili ang kasalukuyang nangyayari."No. Hindi pwede..." Pumiyok pa ang boses niya habang pailing-iling. "Hindi maaari. H-hindi...""Angie, brace yourself. Wala na siya!"Nalingon niya ang gawi ng nagsasalita. Si Aristotle. Hilam rin ito ng luha. Kagaya niya, nasasaktan rin ito sa nangyayari. Pumiksi siya sa mahigpit na pagkakayakap ni Air pero nagmatigas ito. Doon lang niya nakita na parang meron itong hinahawakan sa kanyang may bandang tiyan. Kung hindi pa ito medyo nawalan ng balanse dahil sa kanyang pagpupumiglas ay hindi na iyon mapapansin dahil sa unti-unting pagbalot ng manhid sa kanyang sistema."D-Diyos ko po. Ang baby ko..."Para siyang pinagkaitan ng boses. Nagbuka-sara ang

  • The Pregnant Virgin   Chapter 34

    Hindi niya alam kung gaano na siya katagal na nakatayo lang roon pero base sa pangangawit ng kanyang paa nang ibalik siya ng magkakakasunod na katok sa reyalidad, alam niyang matagal-tagal talaga siyang doon lang nakatunganga."Finn, gising ka pa?"Bahagya siyang lumayo sa pinto. He cleared the lump on his throat before responding to his mom. "Yes po, Ma.""Pwede ba akong pumasok?"Nakadama bigla si Finn ng pagkataranta. Magaan ang pagyapak na ginawa niya para hindi marinig ng ginang ang kanyang mga yabag pero sapat ang bilis niyon para marating niya ang sariling kama at humiga roon para magkunwaring kanina pa niya ipinahinga ang sarili."Bukas po 'yan. Pasok po kayo."Pagkabukas ng pintuan at tanaw na niya ang ina ay saka siya bumangon at naupo sa kama."Hijo..." paunang ani ng butihing ina sa kanya. "May dapat ba akong malaman? Napansin ko kasi kanina sa telepono no'ng inimbitahan ko si Angielyn na nagdadalawang-isip siya na paunlak

  • The Pregnant Virgin   Chapter 33

    Magtatanghali na. Pero mula nang pumasok si Finn sa study room ng alas syete ng umaga, hindi pa siya tumatayo mula sa tinatrabaho. Dinalhan na nga lang siya ni Isabel ng agahan."Hindi ka pa ba napapagod?"Biglaan ang pagsulpot ni Emerson sa kanyang tabi. Kasalukuyan niyang nire-review ngayon ang panibagong kaso. Katatapos niya lang mai-close ang kaso patungkol sa rape case nang anak ng Congressman.Iniliko niya ang swivel chair paharap sa bagong dating. Hindi na niya kinailangang yayain ito na maupo since feel at home naman ito. Kumuha ito ng sariling upuan para sa sarili. Mas komportable pa nga ang posisyon nito ngayon kaysa sa kanya."Let's have fun. Ito naman, parang wala man lang nangyari na pagkapanalo ng kaso. Kalat na kalat ang mukha mo sa lahat ng balita pero heto ka at ibang kaso na naman ang pinagkakaabalahan imbes na mag-celebrate.""E' kasi nga marami pang dapat asikasuhin. Marami pa akong dapat pag-aralan para sa susunod n

  • The Pregnant Virgin   Chapter 32

    For the first time in months after that hotel incident, natagpuan ni Angielyn ang sariling nakangiti. Iyong tipo ng ngiti na bukal sa kalooban at hindi dahil kailangan niyang ngumiti. Habang hinihimas niya kasi ang tiyan ay naramdaman niya ang pagsipa ng bata sa kanyang sinapupunan. Alam na niya ang kasarian ng kanyang anak dahil naisagawa na niya ang second ultrasound. She got a he! Malakas ang kanyang kutob dati pa na lalaki ang kanyang dinadala kaya mostly, panglalaki na gamit ang binibili niya bago pa nakita ang resulta. Thankful siya kasi sa kabila ng sakit na nakaukit pa rin hanggang ngayon sa kanyang puso, hindi nito naapektuhan ang kalusugan ng kanyang pinagbubuntis. She's hardly coping up but she did her best anyway for her baby. Basta ang ginawa niya sa lang sa mga nagdaang buwan, itinuloy niya lang ang nakagawian. Magbantay sa flower shop, mag-deliver ng mga bulaklak sa mga social gatherings. Pero unlike dati na kahit sa malayo, naghahatid siya. Ngayon ay pinagbab

DMCA.com Protection Status