Home / Romance / The Power of Love and Blood / Kabanata 2: Kamalasan

Share

Kabanata 2: Kamalasan

Author: Nielle
last update Last Updated: 2022-02-13 20:19:24

SA tanang buhay ni Reina, ngayon lamang niya tatawaging swerte ang kaniyang sarili. Matapos ang aksidente noong nakaraang buwan at buhay pa rin siya, sapat na iyon para matawag siya na swerte.

"Ms. Reina," mabilis pa sa alas kwatrong nahiga si Reina sa kama niya at nagpanggap na tulog.

"Ms. alam ko po na gising kayo, nakapalit na kayo ng damit at may make-up na po kayo sa mukha," anang nurse na pumasok sa kaniyang silid.

"Umalis ka muna, iwan mo na ako masakit ang ulo ko," katuwiran niya sa nurse, hindi man lang ito tinapunan ng tingin. 

"Pinapauwi na po kayo ni Doc. Ilagan," halos araw-araw na niya iyong naririnig sa lahat ng nurse at doktor na tumitingin sa kaniya. 

"Masakit nga ang ulo ko kailangan ko magpa CT-scan," palihim na irap niya, wala namang nagawa ang nurse at iniwan na lamang ang makulit na pasyenteng wala namang kahit na anong kumplikasyon.

"Reina San Agustin!" umalingawngaw ang sigaw ni Camille mula sa pasilyo ng ospital at sinisigaw ang pangalan ng kaniyang matalik na kaibigan. 

𝘪𝘴𝘢... 𝘥𝘢𝘭𝘢𝘸𝘢... 𝘵𝘢𝘵𝘭𝘰...

And that's my cue!

Natapos ang pagbibilang ni Reina gamit ang kaniyang isip, kasabay noon ay ang malakas na pagbukas ng pintuan sa kaniyang silid. Napapikit na lamang siya ng mariin dahil sa lakas ng pagkakabalibag ni Camille sa pintuan, halos pakiramdam niya ay yumanig ang parteng iyon ng silid.

"Hindi ba sabi ko sa'yo, umuwi ka na at doon ka na lamang sa bahay mo magpahinga kung gusto mo! hindi 'yang dito ka sa ospital nag kakampo at nagsasaya——" napahinto si Camille sa pagsesermon sa kaibigan nang makita nito na nakatakip ng unan ang tainga nito.

"Hoyy Reina! Nakikinig ka ba ha?!" marahas niyang binaklas ang unan na nakatakip sa tainga ng kaibigan. Hindi naman nito pinansin ang pagsesermon niya at nag kunwaring abala sa pagtingin sa labas ng bintana.

"Rei naman, nasasayang ang pera dito sa ospital eh. Umuwi ka na lang, maayos ka nanaman diba?" nilambingan ni Camille ang kan'yang boses upang kumbinsihin ang kaniyang kaibigan,kahit pa ang totoo ay gusto na niya itong sabunutan sa katigasan ng ulo.

"Ayoko! hindi pa ako magaling," maktol ng pasaway na si Reina. Napahawak sa kaniyang sentido si Camille dahil wala talaga siyang panama sa katigasan ng ulo ng kaniyang kaibigan.

"Cams, isang buwan pa lang ako dito," paalala nito sa kaniya na parang bang nagkaroon siya ng sakit sa limot.

"Iyon na nga Rei, isang buwan ka na dito kaya tara na uwi ka na!" hinila pa ni Camille ang kamay ni Reina, ngunit hindi niya ito madala dahil sa higpit ng pagkaka kapit nito sa kama.

"Haysttt, Rei! sumasakit ang ulo ko sayo!" pagsuko ni Camille at hinang-hinang naupo sa kama.

"Bakit ba ayaw mo pang umuwi?" usisa niya dito. "Maayos na naman ang katawan mo, pati yang puso at lamang loob mo tsaka yang ulo——argghh nevermind! Matagal ng may sira 'yang ulo mo."

"Nakikita mo ba iyong mga tao sa labas ng ospital?" tanong ni Reina na ikinatango naman ng kaharap. "Iyong mga chismoso at chismosang nagkampo sa labas ay hinihintay lang ang paglabas ko!"

"Ano naman ngayon? Ayos ka na kaya dapat ka ng lumabas dito!" giit ni Camille.

"Nakita mo naman iyong litrato ng aksidente diba? Sobrang malala ang lagay ng sasakyan ko, at ang dami din ng dugong nawala sa sakin Cams!" paiyak nang paliwanag ni Reina.

"What do you mean?" nalilitong tanong pa nito, gulong-gulo sa desisyon sa buhay ng kaibigan.

"Kung litrato ang pagbabasehan, dapat pa akong manatili sa ospital ng apat na buwan. Dapat nga ngayon comatose pa ako dahil sa tindi ng banggaan eh. Pero dahil swerte ako, maski bali sa katawan wala!" hindi na napigilan ni Reina na mapasigaw dahil hindi siya maunawaan ng kaibigan.

"Eh ano naman? Bakit kailangan pang hintayin ang apat na buwan, you're okay and safe so tara uuwi na tayo!" muling hinila ni Camille ang kamay ni Reina ngunit ayaw talaga patinag ng dalaga. Sa huli ay sumuko din si Camille.

"Pag lumabas ako dito ng wala pang apat na buwan. Iisipin ng publiko na pineke ko ang aksidente para makuha ang atensyon ng mga tao," bulong ni Reina na nakakuha ng atensyon ni Camille. "Sasabihan nanaman nila ako na papansin dahil do'n."

Napabuga ng hangin si Camille sa narinig. Ayos lang naman sa kanila at sa pamilya ni Reina na umuwi na ito. Ipinag-papasalamat pa nga nila na wala itong kumplikasyon buhat sa aksidente. Pero dahil artista sila lahat ng ginagawa nila ay hindi nakakaligtas sa camera at chismis ng netizens.

"Pero Rei, ubos na ang pera mo kakabayad sa pamamalagi mo dito. Daig mo pa ang nag-hohotel!" katuwiran niya, umaasa na makumbinsi pa ang kaibigan.

"HUWAAAT?!" halos umusok ang ang ilong ni Reina sa narinig. "Akala ko ba sagot ng kumpanya ang pag-papagamot ko dito?!" 

Mula sa pagkakahiga sa kama ay napatayo si Reina habang nagtatatalak.

"Rei, sagot lang ng kumpanya ang mga gamot at iba pang kailangan sa pag-papagamot mo,pero hindi kasama ang pagkakampo mo dito dzuh," may halong pang-iinis na ani Camille. "Tsaka hindi ka naman star artist para sagutin nila lahat ng gastusin mo dito eh."

"Hindi star artist?" pag-uulit ni Reina sa sinabi ng kaibigan sa tono na may kasarkastikuhan. Tumango ito at nag puppy eyes pa sa kaniya. "Edi ikaw na ang star artist!" 

"Talaga!" irap ni Camille at sabay silang natawa matapos niya itong sabunutan ng peke.

"Aalis na ako may tatapusin pa kaming shooting sa pelikula. Alam mo naman pag 'star artist'," pinagdiinan pa talaga nito ang ang nahuling dalawang salita bago siya kinindatan. "Bye best friend mwa!"  

Maarteng tumayo si Camille at tinungo na ang daan palabas ng silid matapos siya nitong halikan sa pisngi.

Nakahinga ng maluwag si Reina nang maka-alis ang kaniyang kaibigan.

"Sa wakas... kapayapaan!" natatawang usal niya bago muling nahiga. Hindi pa man nag-iinit ang kaniyang likod sa kama ay bumukas na muli ang pintuan ng silid niya.

"Rei,"

"Binabawi ko na, hayst delubyo," lantaran ang naging pag-irap ni Reina nang makita si Lazaro.

"Anong kailangan mo?!" mataray na tanong niya sa dating kasintahan.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong nito, hindi nakaligtas sa paningin ni Reina ang punpon ng bulaklak na dala nito. Kung sa ibang pagkakataon ay baka abot langit na ang kilig na nararamdaman niya dahil tulip ang dala nitong bulaklak. Pero hindi ngayon. Matapos siya nitong i-reject!

Lamunin nya ang tulip n'ya hmp!

"Eto, wasak ni reject mo diba?" may halong pait ang kaniyang pang-aasar.

" Rei, seryoso ako. Let's not talk about that thing," malumanay na paki-usap nito. " Kumusta ka na?"

"Kita mo naman buhay pa," walang kabuhay-buhay na sagot niya habang inaabot ang bulaklak. "Ano to? Suhol sa pagtanggi mo sa akin?" 

Narinig niya ang pagpapakawala ni Lazaro isang malalim na buntong hininga.

"Rei, maniwala ka hindi ko gustong saktan ka," mahinahong anito na ikinatawa niya.

"Tss, hindi mo sinasadyang sabihin na hindi ako ang tamang tao para sayo," panggagaya niya sa linya nito noong gabing inalok niya ito ng kasal.

"Rei naman wag mo naman akong tratuhin ng gan—" 

"Reina!!!!" 

Padarag na bumukas ang pintuan ng silid ni Reina. Iniluwa noon si Leo na nakasuot pa ng 𝘓𝘢𝘣 𝘤𝘰𝘢𝘵 at humahangos.

"Oh buhay ka pa palang lintres ka? Wala dito si Camille, makakalayas ka na!" hindi itinago ni Reina ang inis na nararamdaman niya kay Leo. Ang ika siyam niyang ex. Ngunit tila bingi ito at nagawa pang isara ang pintuan saka naglakad patungo sa direksyon niya.

"Bingi ka? Wala dito ang kaibigan ko, kung iyon ang pakay mo," muli, hindi siya pinansin ni Leo. Tumango ito kay Lazaro bago naupo sa upuang malapit sa kama niya.

"Bakit ka napadpad dito Leo?" kaswal na tanong ni Lazaro at naupo sa sofa malapit sa bintana.

"Ano to? Reunion of exes?" sarkastikong tanong ni Reina sa kanilang dalawa. Nailing na lamang si Leo at Lazaro dahil sa kagaspangang pinapakita sa kanila ni Reina.

"Rei, may kailangan ako sayo," malambing na ani Leo habang may malapad na ngiti. 

Sinamaan agad ni Reina ng tingin ang kaharap, ngunit mas lalo lamang nitong nilakihan ngiti sa labi.

"Anong akala mo sa akin uto-uto? Bakit ko naman ibibigay ang kailangan mo aber?" nanghahamon na tanong ni Reina. Agad na tumayo si Leo at inabot sa kan'ya ang larawan na galing sa 

Lab coat nito.

"Nakikita mo 'yan diba, iyan ang litrato ng naganap na aksidente noong nakaraang buwan kung saan ikaw ang bikti—" 

"Nakikita ko I'm not blind?!" pagputol ni Reina sa mga sinasabi pa ni Leo. "Deretsuhin mo na ko kung anong kailangan mo pwede ba?!"

"Sige! Iyong truck na nakabangga sa'yo ay naglalaman ng isang bangkay——no a dormant body I mean at iyon ang main subject ng research namin ni Professor Alejandro," huminto ito sandali at iniabot kay Reina ang litrato ng isang kulay itim na ataol at isang litrato ng lalaking matangkad pero hindi niya maaninag ng maayos ang mukha ng lalaki dahil sa may kalumaan na rin ng naturang litrato. 

"Ano to?" nagtatakang tanong ni Lazaro kay Leo, habang sinisipat ang hawak ni Reina.

"A picture duhh," pambabara ni Reina kay Lazaro.

"Yan ang dormant body na nasa loob ng kabaong," itinuro nito ang litrato ng lalaki. Sunod ay ang picture ng kaniyang sasakyan at ng truck na nakabangga sa kaniya nang gabing iyon.

"At yan ang truck na sinasakyan ng kabaong. Noong magkabanggaan, tumalsik ang kabaong at nawasak. Kasabay noon ay ang pagkawala ng dormant body na naroon," seryosong paliwanag ni Leo. 

Nagsalubong ang kilay ni Reina at naguguluhang tiningnan si Leo.

"Anong koneksyon ng pagkawala ng bangkay——dormant body kay Reina?" bago pa man maitanong ni Reina ang nilalaman ng isip ay naunahan na siya ni Lazaro. 

Kumumpas si Leo sa hangin sabay agaw kay Reina ng mga litrato. May nakapaskil na ngisi sa kaniyang labi na para bang sinasabi noon na 'nagwagi siya at nakuha ang nais kay Reina'  

"Kung titingnan natin ang anggulo ng litrato at ang aktwal na pangyayari noon sa aksidente, malamang ay imposibleng mabuhay ka pa Reina," tugon nito, agad namang nagpantig ang tenga ni Reina sa narinig.

"Walanghiya ka! Anong gusto mong iparating na dapat patay na ako ha?!" hesterikal na tanong ni Reina kay Leo at pinaghahampas dito ang bulakalak na ibinigay sa kaniya ni Lazaro, panay naman ang salag ni Leo sa bawat atake ni Reina.

"Teka! Sandali lang, kumalma ka nga Rei!" singhal ni Leo at inayos ang nagulong buhok. "Pakalmahin mo nga 'yan Laz!"

"Bitawan mo nga ako, siraulong lalaki yan gusto pa akong patayin!" gigil na nagpumiglas si Reina sa pagkakayakap sa kaniya ni Lazaro.

"Kalma muna Rei, pakinggan mo muna si Leo," kalmado at puno ng awtoridad na ani Laz, kaya naman kahit nagpupuyos pa ng galit si Reina ay nanahimik na ito at naupo.

"Nasan na nga ulit ako?" tanong ni Leo. "Ahh iyon sa aksidente! Matagal ng gustong pag-aralan ni Professor Alejandro ang bangkay na iyon na halos isang daang taon ng nakatago sa museum. At noong nakaraang buwan sana ang chance namin na mag perform ng experiment, kaso nga ay nawala naman ang subject namin. Ayon kay Professor Alejandro maaring hindi talaga patay ang bangkay na iyon at natutulog lamang." 

"Oh tapos?" bagot na bagot na tanong ni Reina.

"Imposibleng mawala ang bangkay na iyon sa mismong oras ng aksidente," naupo muli si Leo sa pwesto nito kanina at tumingin kay Reina.

"Bago ka nawalan ng malay Rei, may napansin ka bang kakaiba o kahina-hinala sa paligid mo noong mga oras na iyon?" saglit na nag-isip si Reina at binalikan ang pangyayari noong gabing iyon ngunit wala naman siyang maalalang kakaiba.

"Wala naman, bukod sa sobrang sakit ng buong katawan ko ay wala na," sagot niya para matapos na ang kaka-usisa sa kaniya ni Leo na sa tingin niya ay nababaliw na. 

"Rei, baka naman may maalala ka oh baka kasi napansin mo 'yong katawan, sabi kasi ni Prof. baka daw nabuhay iyong dormant body at nagtatago lang kung saan." napangiwi si Reina sa sinabi ni Leo.

"Baliw ka ba? Or maybe na hook ka sa mga pinapanood mong fantasy movies?!" hindi maka-paniwalang tanong ni Reina sa lalaki.

"Seryosong usapan to, Rei. Maaring ang dugo mo ang pumalit sa nawalang dugo ng natutulog na bangkay kung kaya ito nagising," giit ni Leo, na siyang ikina-iling ni Laz at Reina.

"Tol, huwag mo ng idamay si Reina sa mga kabaliwan n'yo ni Prof. Alejandro," tinapik ni Lazaro ang balikat ni Leo na agad din namang tinampal ng huli palayo.

"Seryoso ako Rei, it's either the dormant body was kidnapped... or it disappeared by himself," pilit na pangungumbinsi ni Leo kay Reina. Napahawak na lamang siya sa kan'yang noo dahil sa labis na kunsumisyon kay Leo.

"That's crazy!" sabay nilang komento ni Laz na sinamahan pa ng matinding pag-iling.

"Leo, alam mo umalis ka na, nababaliw ako sa mga pinagsasabi mo eh," itinuro niya ang pinto. Naiiling naman na lumabas doon si Leo.

"Rei..." si Lazaro naman ang nagsalita. Mabilis na itinaas ni Reina ang kan'yang kamay. 

"Labas!" mahinahon ngunit puno ng awtoridad na utos niya kay Lazaro. 

Walang nagawa si Lazaro kundi sundin ang pikon na si Reina. Naglakad siya papunta sa pintuang nilabasan ni Leo

"Lazaro sandali!" bumalik si Lazaro at nagtatakang tiningnan si Reina.

"Bakit?"

"Make sure to take Leo at the mental facility, malala na ang isang 'yon," naiiling na anito saka nagtalukbong ng kumot.

'𝘐𝘵'𝘴 𝘦𝘪𝘵𝘩𝘦𝘳 𝘵𝘩𝘦 𝘥𝘰𝘳𝘮𝘢𝘯𝘵 𝘣𝘰𝘥𝘺 𝘸𝘢𝘴 𝘬𝘪𝘥𝘯𝘢𝘱𝘱𝘦𝘥' that's crazy!

'𝘰𝘳 𝘥𝘪𝘴𝘢𝘱𝘱𝘦𝘢𝘳𝘦𝘥 𝘣𝘺 𝘩𝘪𝘮𝘴𝘦𝘭𝘧.' and that's crazier!

"Ahhhhh!!! Baliww!!!" inis na pinagsisipa ni Reina ang mga unan na nasa kan'yang kama. Napahinto lamang siya nang mamataan ang isang lalaking nakatingin sa direksyon ng silid na kaniyang inuukupa. Kahit pa nasa malayo ang lalaki ang ramdam ni Reina ang tingin nito mula sa labas. Mas lalo siyang kinilabutan nang maalala ang sinabi ni Leo.

Could it be the dormant body? He's finally awake and he's after me?

"No! Hindi dapat ako nagpapaniwala sa baliw na Leong iyon. Kulang ako sa tulog. Tama! tutulog na lang ako. " kumbinsi niya sa sarili at pinilit na lamang na matulog, at pilit inaalis ang mga imagination sa kaniyang isip.

Related chapters

  • The Power of Love and Blood   Kabanata 3: Swerte

    "WAG kang umuwi, don't leave me here Cams please," nag puppy eyes si Reina sa kaibigan habang hinihila ang laylayan ng damit nito. Dinalaw ulit siya ni Camille sa ospital at gaya noon ay kinukulit siya nitong umuwi.Pero dahil mas matigas pa sa hallow blocks ang kaniyang ulo ay hindi nanaman nanalo si Camille sa kaniya. Nungkang umuwi siya at pag piyestahan ng mga reporter."Rei, kailangan kong mag beauty rest dahil may photoshoot ako bukas!" pilit nitong tinatanggal ang pagkakahawak niya sa laylayan ng dress na suot."Cams wag kang umuwi ngayong gabi," paki-usap niya sa kaibigan. "Natatakot akong mag-isa dito.""At ngayon ka pa natakot kung kailan halos gawin mo na itong tirahan?" sarcastic na anito."Pakiramdam ko kasi may multo dito," nahihiya niyang tugon, ngunit hindi pa rin niya binibitawan ang pagkakahawak sa laylayan ng dress ng kaniyang best friend.

    Last Updated : 2022-02-13
  • The Power of Love and Blood   Kabanata 4: Koneksyon

    A/N: This chapter is unedited. Beware of typos. Enjoy and thank you in advance 🥰HANGGANG ngayon ay hindi pa rin mahanap ng binata ang dahilan kung bakit bumibilis ang tibok ng puso niya sa tuwing malapit siya sa babaeng nagligtas sa kaniya sa tiyak na kamatayan. Sigurado siya na hindi siya inlove sa babae, maganda ito, maputi, matangkad, ang kulay mais at natural na kulot na buhok nito ay nakadagdag lamang sa gandang taglay ng dalaga. Maging ang malalim at kulay itim na mga mata nito na tila palaging nang-aakit ay sadyang nakakahipnotismo. Kung sa iba-ibang lalaki ay tiyak na mahuhumaling na ang mga ito, unang pagkikita pa lamang. Effortless ang ganda ng babaeng iyon. Ngunit hindi siya ibang lalaki lamang. Alam niya ang pakiramdam ng umiibig, at wala namang senyales na nagsasabing inlove siya sa dalaga, ang mabilis na pagtibok ng puso niya lamang, hindi naman siya nagiging mapusok, wala siyang nararamdamang pagkasabik sa dalaga ni y

    Last Updated : 2022-04-14
  • The Power of Love and Blood   Kabanata 5: KATAUHAN

    SHE was still standing at the stage, waiting for the right timing. Ngayon ang araw ng kaniyang pag popropose kay Lazaro; her boyfriend, and best friend. Some may think that her idea was absurd, pero wala siyang paki-alam, she loves Laz and she want him to be her husband. Kaya sa harap ng mga script writer, producer, director, camera man and PA's, she asked."Laz, you know how much I love you and I know that you feel the same way. I just want to ask you," huminga siya ng malalim bago lumuhod sa harap ni Lazaro. Kita sa mukha ng binata ang gulat.He must be surprised! sa isip-isip ni Reina."Will you marry me?" Malawak ang ngiting tanong niya rito.Halos mahulog si Laz sa kaniyang kinatatayuan nang marinig ang katagang iyon mula sa bibig ni Reina. Nang natauhan ay agad itong lumapit sa kaniya."Stand up Rei," saway nito. Nakangiti siyang tumayo."Ar

    Last Updated : 2022-04-19
  • The Power of Love and Blood   Kabanata 6: RASON

    DALAWANG beses kumurap si Reina nang matauhan siya sa sinabi ni Art. Mabilis siyang tumakbo at sumunod kay Art na ngayon ay prenteng nakaupo sa mahabang sofa."Y-You... I-Ikaw?" hindi mahanap ni Reina ang tamang salita na nais niyang sabihin sa binata kung kaya dali-dali siyang pumunta sa study table na nasa sala at kinuha ang litratong binigay sa kaniya ni Leo noon sa ospital. Si Art naman ay nanatiling nakatuon ang tingin sa news paper na hawak nito."I-Ikaw 'to?!" ipinakita ni Reina ang lumang litrato ng lalaki halos hindi na makilala ang nasa larawan dahil sa kalumaan nito. Bahagyang napangiwi si Art nang makita ang ayos ng larawan."That's ugly," he commented. Tumawa si Reina at muling tiningnan ang larawan. Panget nga."Is this you? Ibinigay ni Leo iyan sa akin sa ospital, sabi n'ya iyan daw ang dormant body na hinahanap n'ya at subject ng experimental research nila ni Prof. A

    Last Updated : 2022-04-19
  • The Power of Love and Blood   Kabanata 7: Only Girl

    As promised Reina woke up early the other day dahil sasamahan niya si Art na mag-apply sa martial arts center ng tito niya. Sabay silang nag-almusal, si Reina ang naghanda ng kanilang pagkain habang si Art naman ang naglinis ng kanilang pinagkainan."Don't squeeze the toothpaste at the middle Reina. Tingnan mo ang pangit tuloy tingnan," inayos nito ang toothpaste na pinisil ni Reina kanina."Kapag gagamit ka ng toothpaste, squeeze it here at the end then push it upward," pinakita nito ang toothpaste na binawasan. "See maayos tingnan hindi kagaya kanina na parang na dislocate at na massacre ng walang awang tulad mo iyong toothpaste," anito bago muling sinarhan ang toothpaste. Naiiling na lamang na lumabas si Reina ng banyo matapos magsipilyo."You drive," ibinigay niya ang susi ng kotse na bigay sa kaniya ni Lazaro, his break-up gift."Cool," pumasok ito sa driver seat ng hindi

    Last Updated : 2022-04-21
  • The Power of Love and Blood   Kabanata 8: Mga Aksidente

    PAGKATAPOS ng commercial shoot ni Reina the other day ay tinawagan ulit siya ni Camille kinabukasan at sinabing simula na ng shooting nila para sa 16 episodes series nila na siya ulit ang supporting actress, kaya naman maaga siyang gumising at tinawagan na rin si Alexis na magkita na lang sila sa set."Aalis ka rin?" tanong ni Reina kay Art na ngayon ay kumakain sa dining."May pasok ako sa martial arts center remember?" sagot nito ng hindi man lang siya nililingon."I'll use the car," aniya at akmang kukunin ang susi sa tabi ng vase, but Art was faster than her kaya mas nauna pa ito sa kaniya."I'll use the car," desisyon nito. Sinamaan niya ng tingin ang lalaki saka namewang sa harap nito."That's my car Art, in case you've forgot?" sarcastic na sabi niya."You need a car?" tumango si Reina. "I need a car too, then let's play it fair

    Last Updated : 2022-04-22
  • The Power of Love and Blood   Kabanata 9: Boyfriend

    "What are you doing?" tanong ni Reina kay Art nang maabutan niya ito sa kusina."I'm cooking," sagot nito at itinuro ang kaserola na may lamang soup."You know how to cook?" manghang tanong ni Reina."Tinuruan ako ng nanay ko noong nabubuhay pa s'ya," kwento nito habang hinahalo ang niluluto.Kinuha ni Reina ang bowl na nasa lalagyan at ini-abot kay Art."Tikman ko," nakangiting tinanggap ni Art ang lalagyan na inabot niya."Ang totoo I'm not sure if this taste good, pero baka naman edible," pinanood lamang ni Reina si Art habang nagsasalin ng soup sa kaniyang lalagyan. Wala sa sarili siyang napangiti, whatever is Art doing, palagi itong gwapo sa paningin niya."Hindi ka papasok sa trabaho mo? Baka pagalitan ka ni Tito," tanong niya sa lalaki."Nope, nagpaalam ako sa Tito mo. Sabi ko I'll

    Last Updated : 2022-04-25
  • The Power of Love and Blood   PROLOGO.

    (𝙽𝚊𝚗𝚊𝚒𝚜𝚒𝚗 𝚖𝚘 𝚋𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚐𝚒𝚗𝚐 𝚒𝚖𝚖𝚘𝚛𝚝𝚊𝚕 𝚊𝚝 𝚖𝚊𝚛𝚊𝚗𝚊𝚜𝚊𝚗 𝚊𝚗𝚐 𝚋𝚞𝚑𝚊𝚢 𝚗𝚊 𝚠𝚊𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚔𝚊𝚝𝚊𝚙𝚞𝚜𝚊𝚗?)Sa loob ng apat na raan at apat na pu't pitong taon ko nang nabubuhay sa mundong ito, nasaksihan ko ang iba't ibang uri ng pagbabago hindi lamang sa Pilipinas pati na rin sa buong mundo. Nasaksihan ko kung paano pinaglaban ni Ama ang kan'yang nasasakupan sa mahabang panahon laban sa mga dahuyang mananakop.Nasaksihan ko ang pagpanaw ng mga mahal ko sa buhay. Gayon din ang pagpanaw ng mga taong aking kinagisnan sa naturang panahong iyon.Nasaksihan ko ang pagbabago ng bansang Pilipinas. Mula sa pagsulat ng baybayin ay napalitan ng alpabeto. Hanggang sa tuluyan ng nakalimutan ang makalumang sistemang ito sapagkat hindi hamak na mas madaling isulat ang alpabeto, dagdag pa dito ang mas kumpletong letra kung kaya't mas naging maayos ang pagkakasulat ng bawat salita kumpara sa bay

    Last Updated : 2022-02-13

Latest chapter

  • The Power of Love and Blood   Kabanata 9: Boyfriend

    "What are you doing?" tanong ni Reina kay Art nang maabutan niya ito sa kusina."I'm cooking," sagot nito at itinuro ang kaserola na may lamang soup."You know how to cook?" manghang tanong ni Reina."Tinuruan ako ng nanay ko noong nabubuhay pa s'ya," kwento nito habang hinahalo ang niluluto.Kinuha ni Reina ang bowl na nasa lalagyan at ini-abot kay Art."Tikman ko," nakangiting tinanggap ni Art ang lalagyan na inabot niya."Ang totoo I'm not sure if this taste good, pero baka naman edible," pinanood lamang ni Reina si Art habang nagsasalin ng soup sa kaniyang lalagyan. Wala sa sarili siyang napangiti, whatever is Art doing, palagi itong gwapo sa paningin niya."Hindi ka papasok sa trabaho mo? Baka pagalitan ka ni Tito," tanong niya sa lalaki."Nope, nagpaalam ako sa Tito mo. Sabi ko I'll

  • The Power of Love and Blood   Kabanata 8: Mga Aksidente

    PAGKATAPOS ng commercial shoot ni Reina the other day ay tinawagan ulit siya ni Camille kinabukasan at sinabing simula na ng shooting nila para sa 16 episodes series nila na siya ulit ang supporting actress, kaya naman maaga siyang gumising at tinawagan na rin si Alexis na magkita na lang sila sa set."Aalis ka rin?" tanong ni Reina kay Art na ngayon ay kumakain sa dining."May pasok ako sa martial arts center remember?" sagot nito ng hindi man lang siya nililingon."I'll use the car," aniya at akmang kukunin ang susi sa tabi ng vase, but Art was faster than her kaya mas nauna pa ito sa kaniya."I'll use the car," desisyon nito. Sinamaan niya ng tingin ang lalaki saka namewang sa harap nito."That's my car Art, in case you've forgot?" sarcastic na sabi niya."You need a car?" tumango si Reina. "I need a car too, then let's play it fair

  • The Power of Love and Blood   Kabanata 7: Only Girl

    As promised Reina woke up early the other day dahil sasamahan niya si Art na mag-apply sa martial arts center ng tito niya. Sabay silang nag-almusal, si Reina ang naghanda ng kanilang pagkain habang si Art naman ang naglinis ng kanilang pinagkainan."Don't squeeze the toothpaste at the middle Reina. Tingnan mo ang pangit tuloy tingnan," inayos nito ang toothpaste na pinisil ni Reina kanina."Kapag gagamit ka ng toothpaste, squeeze it here at the end then push it upward," pinakita nito ang toothpaste na binawasan. "See maayos tingnan hindi kagaya kanina na parang na dislocate at na massacre ng walang awang tulad mo iyong toothpaste," anito bago muling sinarhan ang toothpaste. Naiiling na lamang na lumabas si Reina ng banyo matapos magsipilyo."You drive," ibinigay niya ang susi ng kotse na bigay sa kaniya ni Lazaro, his break-up gift."Cool," pumasok ito sa driver seat ng hindi

  • The Power of Love and Blood   Kabanata 6: RASON

    DALAWANG beses kumurap si Reina nang matauhan siya sa sinabi ni Art. Mabilis siyang tumakbo at sumunod kay Art na ngayon ay prenteng nakaupo sa mahabang sofa."Y-You... I-Ikaw?" hindi mahanap ni Reina ang tamang salita na nais niyang sabihin sa binata kung kaya dali-dali siyang pumunta sa study table na nasa sala at kinuha ang litratong binigay sa kaniya ni Leo noon sa ospital. Si Art naman ay nanatiling nakatuon ang tingin sa news paper na hawak nito."I-Ikaw 'to?!" ipinakita ni Reina ang lumang litrato ng lalaki halos hindi na makilala ang nasa larawan dahil sa kalumaan nito. Bahagyang napangiwi si Art nang makita ang ayos ng larawan."That's ugly," he commented. Tumawa si Reina at muling tiningnan ang larawan. Panget nga."Is this you? Ibinigay ni Leo iyan sa akin sa ospital, sabi n'ya iyan daw ang dormant body na hinahanap n'ya at subject ng experimental research nila ni Prof. A

  • The Power of Love and Blood   Kabanata 5: KATAUHAN

    SHE was still standing at the stage, waiting for the right timing. Ngayon ang araw ng kaniyang pag popropose kay Lazaro; her boyfriend, and best friend. Some may think that her idea was absurd, pero wala siyang paki-alam, she loves Laz and she want him to be her husband. Kaya sa harap ng mga script writer, producer, director, camera man and PA's, she asked."Laz, you know how much I love you and I know that you feel the same way. I just want to ask you," huminga siya ng malalim bago lumuhod sa harap ni Lazaro. Kita sa mukha ng binata ang gulat.He must be surprised! sa isip-isip ni Reina."Will you marry me?" Malawak ang ngiting tanong niya rito.Halos mahulog si Laz sa kaniyang kinatatayuan nang marinig ang katagang iyon mula sa bibig ni Reina. Nang natauhan ay agad itong lumapit sa kaniya."Stand up Rei," saway nito. Nakangiti siyang tumayo."Ar

  • The Power of Love and Blood   Kabanata 4: Koneksyon

    A/N: This chapter is unedited. Beware of typos. Enjoy and thank you in advance 🥰HANGGANG ngayon ay hindi pa rin mahanap ng binata ang dahilan kung bakit bumibilis ang tibok ng puso niya sa tuwing malapit siya sa babaeng nagligtas sa kaniya sa tiyak na kamatayan. Sigurado siya na hindi siya inlove sa babae, maganda ito, maputi, matangkad, ang kulay mais at natural na kulot na buhok nito ay nakadagdag lamang sa gandang taglay ng dalaga. Maging ang malalim at kulay itim na mga mata nito na tila palaging nang-aakit ay sadyang nakakahipnotismo. Kung sa iba-ibang lalaki ay tiyak na mahuhumaling na ang mga ito, unang pagkikita pa lamang. Effortless ang ganda ng babaeng iyon. Ngunit hindi siya ibang lalaki lamang. Alam niya ang pakiramdam ng umiibig, at wala namang senyales na nagsasabing inlove siya sa dalaga, ang mabilis na pagtibok ng puso niya lamang, hindi naman siya nagiging mapusok, wala siyang nararamdamang pagkasabik sa dalaga ni y

  • The Power of Love and Blood   Kabanata 3: Swerte

    "WAG kang umuwi, don't leave me here Cams please," nag puppy eyes si Reina sa kaibigan habang hinihila ang laylayan ng damit nito. Dinalaw ulit siya ni Camille sa ospital at gaya noon ay kinukulit siya nitong umuwi.Pero dahil mas matigas pa sa hallow blocks ang kaniyang ulo ay hindi nanaman nanalo si Camille sa kaniya. Nungkang umuwi siya at pag piyestahan ng mga reporter."Rei, kailangan kong mag beauty rest dahil may photoshoot ako bukas!" pilit nitong tinatanggal ang pagkakahawak niya sa laylayan ng dress na suot."Cams wag kang umuwi ngayong gabi," paki-usap niya sa kaibigan. "Natatakot akong mag-isa dito.""At ngayon ka pa natakot kung kailan halos gawin mo na itong tirahan?" sarcastic na anito."Pakiramdam ko kasi may multo dito," nahihiya niyang tugon, ngunit hindi pa rin niya binibitawan ang pagkakahawak sa laylayan ng dress ng kaniyang best friend.

  • The Power of Love and Blood   Kabanata 2: Kamalasan

    SA tanang buhay ni Reina, ngayon lamang niya tatawaging swerte ang kaniyang sarili. Matapos ang aksidente noong nakaraang buwan at buhay pa rin siya, sapat na iyon para matawag siya na swerte."Ms. Reina," mabilis pa sa alas kwatrong nahiga si Reina sa kama niya at nagpanggap na tulog."Ms. alam ko po na gising kayo, nakapalit na kayo ng damit at may make-up na po kayo sa mukha," anang nurse na pumasok sa kaniyang silid."Umalis ka muna, iwan mo na ako masakit ang ulo ko," katuwiran niya sa nurse, hindi man lang ito tinapunan ng tingin."Pinapauwi na po kayo ni Doc. Ilagan," halos araw-araw na niya iyong naririnig sa lahat ng nurse at doktor na tumitingin sa kaniya."Masakit nga ang ulo ko kailangan ko magpa CT-scan," palihim na irap niya, wala namang nagawa ang nurse at iniwan na lamang ang makulit na pasyenteng wala namang kahit na anong kumplikasyon.

  • The Power of Love and Blood   Kabanata 1: Reina Kamalasan.

    KUNG mayroong hari ng sablay, malamang sa malamang ay si Reina San Agustin ang reyna nito. Mula sa trabaho at sa pag-ibig tila sinusundan siya ng kamalasan. Nagtataka na nga rin siya sa sariling apelyido. Mas maganda at angkop siguro kung 'Reina Kamalasan' ang kan'yang pangalan."Ayoko na talaga!" nagsisigaw siya sa pinakatuktok ng gusaling pagmamay-ari ng kaniyang mga magulang.Kalat-kalat na ang eyeliner niya at nagmimistula na siyang aswang na nakasuot ng kulay puting bestida."Magpapakamatay na talaga ako!" buong pusong sigaw ng dalaga habang lumuluha.Humakbang siya ng isa papunta sa pinaka-dulong bahagi ng gusali."Ms. Reina!" nanigas si Reina sa kan'yang kinatatayuan dahil sa gulat nang marinig ang boses na sumigaw sa di kalayuan.MULA sa tinitigilan niyang maliit na himpilan ay natanaw ni Obet ang anak ng amo na si Reina, ila

DMCA.com Protection Status