Home / Romance / The Power of Love and Blood / Kabanata 1: Reina Kamalasan.

Share

Kabanata 1: Reina Kamalasan.

Author: Nielle
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

KUNG mayroong hari ng sablay, malamang sa malamang ay si Reina San Agustin ang reyna nito. Mula sa trabaho at sa pag-ibig tila sinusundan siya ng kamalasan. Nagtataka na nga rin siya sa sariling apelyido. Mas maganda at angkop siguro kung 'Reina Kamalasan' ang kan'yang pangalan.

"Ayoko na talaga!" nagsisigaw siya sa pinakatuktok ng gusaling pagmamay-ari ng kaniyang mga magulang. 

Kalat-kalat na ang eyeliner niya at nagmimistula na siyang aswang na nakasuot ng kulay puting bestida. 

"Magpapakamatay na talaga ako!" buong pusong sigaw ng dalaga habang lumuluha.

Humakbang siya ng isa papunta sa pinaka-dulong bahagi ng gusali.

"Ms. Reina!" nanigas si Reina sa kan'yang kinatatayuan dahil sa gulat nang marinig ang boses na sumigaw sa di kalayuan.

MULA sa tinitigilan niyang maliit na himpilan ay natanaw ni Obet ang anak ng amo na si Reina, ilang beses na itong nagtatakbo sa pinaktuktok na iyon ng gusali tuwing nasasaktan ito at hindi nakukuha ang gusto. At paulit-ulit na magsisigaw ng magpapakamatay.

"Ano?! Bakit ka ba nang gugulat ha?!" bakas ang pagkairita sa boses ni Reina.

"Itatanong ko lang ho kung sigurado na kayo sa desisyon n'yo?" pasigaw na tanong ng gwardiyang bansot na mukhang unanong butete sa paningin ni Reina.

"Ano bang paki-alam mo ha?!" nagpapadyak si Reina dahil sa inis. Ilang beses nang naudlot ang pagpapakamatay niya ng dahil sa bansot na gwardiyang iyon.

'๐˜๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ด๐˜ต๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ '๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ต๐˜ถ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜บ' natatawang bulong ni Obet sa kanyang sarili habang tinatanaw ang ang amo na ngayon ay nakapikit at dahan-dahang humahakbang sa bukana ng rooftop at sa tuwing iaapak nito ang paa ay bubuksan din ang mga mata bago muling uurong dahil takot ito sa matataas na lugar.

"Ma'am Reina!" hinawakan ni Obet ang dalaga sa braso nito.

"Anak ng tupa!" sapo-sapo ni Reina ang kaniyang dibdib at nanlilisik ang mga matang hinarap ang epal na gwardiya na ngayon ay nasa tabi na niya.

"Bakit ka ba bigla-biglang sumusulpot ha?" walang pag-aalinlangan niyang hinampas ang kalbo at makinis na ulo ng lalaki. "Paano kung mahulog ako d'yan at mamatay ha?!"

Napakamot sa kan'yang ulo si Obet. 

"Iyon naman ang plano mo diba Mam? Tinutulungan lang kita," katwiran nito sabay ngiti na parang aso.

Akmang uulitin pa ni Reina ang paghampas sa bunbunan ng nakakaimbyernang gwardiya ngunit agad nitong tinakpan ang kanyang ulo. 

Humakbang si Reina ng dalawang hakbang palayo sa bukana ng rooftop, at naupo sa malamig na semento.

"Bakit ka ba palaging sumusulpot sa tuwing plano kong magpakamatay ha?" sigaw niya sa gwardiyang hanggang ngayon ay nakahawak sa kan'yang ulo.

"Kapag magpapakamatay ka kasi Mam, natatapat na ako ang naka-duty dito," naupo din ito sa semento na may isang dipa ang layo sa kan'ya. 

"Maganda ba ako?" tanong ni Reina. Humarap naman si Obet sa mukha ng kan'yang amo at sinuri ito. Ilang beses pa itong lumabi, tumango, at napailing.

"Subukan mong sabihing hindi ilalaglag kita d'yan sa ibaba!" banta ni Reina dahil sa tagal sumagot ng kausap.

"Maganda ka naman Mam, mukha ka lang tikbalang dahil d'yan sa itim sa mata mo," itinuro pa nito ang eyeliner niya na nagkalat sa mukha niya. 

Gamit ang likod ng kanyang palad ay pinahiran ni Reina ang kanyang eyeliner na mas lalo pang nagpakalat dito.

"Tinanggihan ng boyfriend ko, ang pag-aalok ko ng kasal sa kan'ya kanina lang," hinubad ni Reina ang kanyang takong at ibinato sa ibaba ng gusali. 

"Owww, ang tanga n'ya kung ganon!" komento ni Obet habang pinagmamasdan ang mga maliliit na guyam sa semento. 

"Alam mo ba na ika-sampu ko na siyang ex na iniwan ako at tinanggihan ha?" biglang sigaw ni Reina na siyang nakapag pagulat sa kausap.

"Ika-sampu? Ang dami mo namang lalaki Mam!" nanlalaki ang butas ng ilong na ani Obet.

"Palagi na lang si Camille ang nagugustuhan nila! Tapos ngayon si Lazaro, tinanggihan ang kasal na inaalok ko!" sinubsob ni Reina ang kanyang mukha sa parehong palad at doon humagulhol.

"Sino si Camille Mam?" usisa ni Obet.

"Bestfriend ko si Camille artista rin s'ya gaya ko pero palagi siyang main lead at ako ang second lead," sagot ni Reina. "Alam mo ba na iyong pang siyam kong ex kaya nakipag-hiwalay sa akin ay dahil si Camille ang gusto nila?!" 

Hindi alam ni Reina kumg bakit siya nagkukwento sa lalaking estranghero sa kaniya. Siguro ay ganoon talaga kapag sobrang mabigat na ang iyong nararamdaman. Ano mang oras ay hahanap at hahanap ka ng mahihingahan kahit pa hindi mo ito masyadong kilala. 

"Ahh, siguro mas maganda sa'yo 'yong Camille Mam," inosenteng komento ni Obet habang tumatango-tango pa.

Agad namang umusok ang bunbunan ni Reina dahil sa tinuran ng gwardiya.

"Wala kang kwentang kausap!" tumayo si Reina at binatukan ng malakas ang gwardiya bago nagpatikad papunta ng elevator.

Nakapaa niyang tinungo ang kan'yang sasakyan. Sinikap niyang huwag umiyak habang nagmamaneho sapagkat delikado iyon. 

Nang makita na umilaw ang pula sa ilaw trapiko ay inihinto niya ang kanyang sasakyan para maghintay na matapos ang bilang at maging berde iyon.

"Bwiset ka Lazaro! Sinayang mo lang lahat ng ginawa ko para sa'yo iiwan mo rin pala ako!" inihagis niya ang kahon ng pulang rosas na pinamitas niya sa garden ng kaibigan na si Camille.

"Malas na rosas! Malas!!" hindi pa siya nakuntento at pinaghahampas pa niya ang kahon na kinalalagyan ng rosas sa backseat ng kan'yang kotse.

Isang eskandalosong busina ang naka-agaw ng atensyon ni Reina. Nanlamig ang kan'yang talampakan at nanigas siya sa kan'yang kinauupuan. Hindi niya alam ang gagawin kung kakabigin ba niya ang manebela, iaatras ang sasakyan o iaabante ito. 

Sa huli ay napatulala na lamang ang dalaga habang mabilis na tumitibok ang kan'yang puso nang mamataan ang papalapit na truck at tinutumbok ang kan'yang sasakyan.

"Aaaaahhhhh" pinagkrus niya ang braso sa ibabaw ng kan'yang ulo upang ma protektahan ito. Maya-maya pa ay naramdaman niya ang matinding sakit na tumama sa kan'yang katawan kasabay ng pagtama ng truck sa kan'yang sasakyan.

Sa lakas ng pagkakatama ng truck ay lumipad ang kaniyang sasakyan at bumukas ang kabilang pintuan nito. Para siyang isang bagay na inihagis, dahil walang suot na seatbelt ay tumalsik siya palabas ng sasakyan at tumama sa semento.

Walang ibang naramdaman ang katawan ni Reina kundi ang sobrang sakit habang may mainit at malapot na likidong dumadaloy na nagmumula sa iba't ibang parte ng kan'yang katawan.

"Jusko iha, buhay ka pa ba?"nanginginig na tanong ng matanda habang tinatapik ang pisngi ni Reina. Nang walang makuhang sagot ay dali-dali itong bumalik sa padyak na minamaneho at tumawag sa himpilan ng pulisya.

"Pulis? May sasakyan na nagkabanggan, duguan ang babaeng sakay sa kotse," natatarantang anang saksi.

"Salamat... binibini..."

"Hoyyy anong ginagawa mo? Manyakis!"

Mga boses iyon na naririnig ni Reina, ngunit pagod na ang kan'yang katawan at nais na nito ng kapahingahan.Kaya naman ipinikit niya ang namimigat niyang mga mata. 

"REINA , s-sorry nahuli ako. Patawad." paulit-ulit na usal ni Lazaro nang makita ang kalagayan ng kan'yang kasintahan na naliligo sa sarili nitong dugo.

Samantalang payapa at pagod nang hinayaan ni Reina na lamunin siya ng antok at kadiliman.

"Utang ko ang lahat saiyo," mula sa itaas ng puno ay tinanaw ng matangkad na lalaki ang duguang katawang ng malas at kaawa-awang babaeng sangkot sa aksidente at halos maubusan na ng dugo.

Isinakay ito sa isang puting sasakyan at mabilis pa sa kidlat na ito'y pinaharurot paalis ng lugar na iyon. 

SI Lazaro naman ay naiwan sa lugar ng banggaan at nakatulala sa nakayuping sasakyan ni Reina. Lihim niyang ipinagpasalamat na hindi nagsuot ng seatbelt ang dalaga kung kaya ito napatalsik palabas ng sasakyan. 

"Sir, lasing daw ho ang drayber kaya nakatulog at hindi napansin ang kotse ng nobya n'yo," hinarap ni Lazaro ang kapwa niya pulis at tumango.

"Dalhin mo na lang ang nakakita sa aksidente pati na ang drayber sa presinto," sumakay siya sa kan'yang sasakyan at dumungaw sa bintana, sumaludo siya sa kabaro. "Magkita tayo doon."

"Saan ang punta mo noong mga oras na iyon?" tanong ni Lazaro sa drayber ng truck na hanggang ngayon ay tila hindi pa nahihimasmasan.

"Papunta ho ako sa isang museum, inutusan po ako ng boss ko na magdala ng mga lumang gamit na antigo doon," sagot nito habang sumisimsim ng kape na galing sa himpilan ng pulisya.

"Kung gayon ay bakit hindi mo nakita ang nakahintong sasakyan sa may crossing?  At isa pa ay nakahinto sa kulay pula ang ilaw trapiko? Ano't nagtuloy ka pa at hindi man lamang pumreno?!" hindi na napigilan ni Lazaro na mapasinghal.

Sa tuwing naaalala niya ang itsura ng kan'yang kasintahan ay nagpupuyos siya sa galit sa kan'yang sarili maging sa lalaking kaharap na dahilan ng pagkakabangga nito. 

"Lasing ho ako at inaantok ser," katuwiran nito na siyang mas lalong nagpatindi ng galit ni Lazaro.

"Laz, ako na dito doon ka na lamang sa naka-saksi ng banggaan," itinulak siya ng kan'yang kapwa pulis. Malamang ay naramdaman nito na malapit ng mapatid ang pisi ng kan'yang pasensya.

"Bago ang banggaan naroon ka na ba?" deretsong tanong ni Lazaro sa isa pang lalaki na nakasuot ng kulay asul na damit at naghahalo ang amoy alak at amoy pawis.

"Napadaan lang ho ako doon, tapos nakita ko na lamang 'yong babae na tumilapon palabas ng kotse," pagkukwento ng lalaking nasa edad kuwarenta na sa tingin ni Lazaro.

"Ano pang nangyari?" bagot na tanong ni Lazaro.

"Tumawag na ho ako sa himpilan ninyo. Tapos may nakita ako na lalaking lumapit doon sa babae bago kayo dumating," napatuwid ng upo si Lazaro sa narinig.

"Lalaki?" pag-uulit niya upang makumpirma ang narinig.

"Oho sir, pagkakatanda ko parang mas matangkad sa inyo iyon. Tapos nakasuot ng kulay itim na jacket," mas lalong nangunot ang noo ni Lazaro. Naka kulay pulang jacket ang drayber ng trak at asul naman ang saksi. Paanong may isa pang lalaki na naka itim?

"Nakita mo ba ang mukha niya?" tanong pa uli ni Lazaro.

"Hindi ho eh, pero alam kong lalaki iyon. Parang..." nangunot ang noo ng kanyang kausap, pagkuwan ay ikinumpas nito ang kamay na parang may naalala. "Hinalikan niya iyong babae kahit duguan na!"

"Hinalikan?!" halos lumabas ang ngala-ngala ni Lazaro dahil sa pagkakasigaw. 

Anong kahibangan iyon at may hahalik sa isang katawan na duguan?

"Sigurado ka ba na hinalikan?" tanong pa ni Lazaro matapos kumalma.

"Hehe, ang totoo ser, lasing ako eh. Noong kumurap ako wala na iyong lalaki eh," napasapo ng noo si Lazaro. Malamang ay nag iilusyon lamang ang saksi sapagkat lasing ito.

"Pero para talagang hinalikan eh," bulong pa ng lalaki. Sa sobrang inis ni Lazaro ay iniwan na niya ang kausap at tinungo ang kanilang opisina.

"May nakuha ka Laz?" tinapik ni William ang kanyang balikat.

"Ang gulo kausap, sumasakit ang ulo ko," reklamo niya at muling tiningnan ang mga litrato ni Reina na kinuhanan kanina sa mismong aksidente.

"Ang tindi ng nangyari sa kan'ya Laz," umiling-iling pa si William habang nakaturo sa mga dugong nagkalat sa kalsada na nakuhanan din ng litrato. "Swerte ni Riena pag nabuhay pa s'ya."

"Mabubuhay s'ya Will, mabubuhay si Reina," pagkumbinsi niya kay William at sa kan'yang sarili. 

"Kung anong makakapagpagaan ng loob mo Laz. Pero ipalagay mo na lang ang loob mo sa mga posibilidad," tinapik muli ni William ang balikat ng kausap at iniwan na ito upang makapag-isip.

"Mabubuhay ka Reina," bulong niya sa sarili at isinubsob ang kanyang ulo sa lamesa.

'๐˜๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฆ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ต ๐˜ฅ๐˜ถ๐˜จ๐˜ถ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข'

Padarag na tumayo si Lazaro sa kan'yang upuan nang pumasok nanaman sa isip niya ang sinabi ng lalaking nakakita kay Reina. 

"Imposible!" aniya at itinutok ang atensyon sa daan patungo sa kan'yang bahay, bitbit ang alalahanin kung mabubuhay at malalampasan ba ni Reina ang matinding kamalasang ito sa buhay niya.

Kung hindi siguro niya tinanggihan ang alok ni Reina na kasal, siguro ay hindi iyon mangyayari sa dalaga. Malamang ay masaya sila ngayon at wala sa ospital ang babaeng mahal niya.

"Ginawa ko lang iyon para huwag ka ng mas masaktan pa," pag-kausap niya sa sarili. 

Kanina pa siya nakahiga at nakatitig sa kisame ng kaniyang silid ngunit hindi naman niya maipikit ang mga mata dahil pabalik-balik na rumirehistro sa kaniyang isip ang duguang katawan ni Reina, maging ang puti nitong damit na naging kulay pula na at ang mga dugo na nagkalat sa kalsada. Sa lagay na iyon, kung ang dugong nawala at tindi ng pinsala sa katawan nito ang pagbabasehan, imposibleng mabuhay si Reina. 

Ipinilig ni Lazaro ang kaniyang ulo, upang alisin ang masamang isiping iyon. Kinuha niya ang telepono at tinawagan ang tatay ni Reina.

"Tito, k-kumusta ho si Reina?" nangangatal man ay pilit niyang pinakalma ang sarili.

"Ayos na siya Lazaro, iho. Nasa loob na siya ng private room upang obserbahan, pero maayos na naman daw sabi ng doktor," mahabang paliwanag ng nasa kabilang linya. 

Napabuga ng hangin si Lazaro sa narinig. Tila nabunutan siya ng tinik sa lalamunan sa nalaman.

"Private room?! Hindi ho ba dapat ay nasa loob siya ng ICU para mas maobserbahan ang lagay niya?" nababahalang tanong ni Lazaro.

"Iyon din ang pinagtataka ng lahat dito sa ospital iho, walang kahit na anong nakitang mali sa katawan ni Reina matapos ang aksidente. Maski ang ulo niya ay walang kumplikasyon, wala din daw nabaling buto sa katawan," naiwang naka-awang ang bibig ni Lazaro sa narinig.

"Imposible..." 

"Imposible nga, pero mukhang tinablan siguro ng swerte ang katawan ng aking anak," hindi na pinansin ni Lazaro ang litanya ng ama ni Reina. Pinatay niya ang tawag at dumeretso sa silid kung saan naroon ang mga litrato ni Reina at ng aksidente kaninang alas nueve ng gabi lamang.

"Walang kahit anong kumplikasyon? Pero iba ang sinasabi ng larawan," bulong niya sa sarili at napatitig na lamang sa kawalan habang iniisip kung anong swerte ang dumaan sa buhay ni Reina. Kung swerte nga ba ito o himala.

Related chapters

  • The Power of Love and Bloodย ย ย Kabanata 2: Kamalasan

    SA tanang buhay ni Reina, ngayon lamang niya tatawaging swerte ang kaniyang sarili. Matapos ang aksidente noong nakaraang buwan at buhay pa rin siya, sapat na iyon para matawag siya na swerte."Ms. Reina," mabilis pa sa alas kwatrong nahiga si Reina sa kama niya at nagpanggap na tulog."Ms. alam ko po na gising kayo, nakapalit na kayo ng damit at may make-up na po kayo sa mukha," anang nurse na pumasok sa kaniyang silid."Umalis ka muna, iwan mo na ako masakit ang ulo ko," katuwiran niya sa nurse, hindi man lang ito tinapunan ng tingin."Pinapauwi na po kayo ni Doc. Ilagan," halos araw-araw na niya iyong naririnig sa lahat ng nurse at doktor na tumitingin sa kaniya."Masakit nga ang ulo ko kailangan ko magpa CT-scan," palihim na irap niya, wala namang nagawa ang nurse at iniwan na lamang ang makulit na pasyenteng wala namang kahit na anong kumplikasyon.

  • The Power of Love and Bloodย ย ย Kabanata 3: Swerte

    "WAG kang umuwi, don't leave me here Cams please," nag puppy eyes si Reina sa kaibigan habang hinihila ang laylayan ng damit nito. Dinalaw ulit siya ni Camille sa ospital at gaya noon ay kinukulit siya nitong umuwi.Pero dahil mas matigas pa sa hallow blocks ang kaniyang ulo ay hindi nanaman nanalo si Camille sa kaniya. Nungkang umuwi siya at pag piyestahan ng mga reporter."Rei, kailangan kong mag beauty rest dahil may photoshoot ako bukas!" pilit nitong tinatanggal ang pagkakahawak niya sa laylayan ng dress na suot."Cams wag kang umuwi ngayong gabi," paki-usap niya sa kaibigan. "Natatakot akong mag-isa dito.""At ngayon ka pa natakot kung kailan halos gawin mo na itong tirahan?" sarcastic na anito."Pakiramdam ko kasi may multo dito," nahihiya niyang tugon, ngunit hindi pa rin niya binibitawan ang pagkakahawak sa laylayan ng dress ng kaniyang best friend.

  • The Power of Love and Bloodย ย ย Kabanata 4: Koneksyon

    A/N: This chapter is unedited. Beware of typos. Enjoy and thank you in advance ๐ŸฅฐHANGGANG ngayon ay hindi pa rin mahanap ng binata ang dahilan kung bakit bumibilis ang tibok ng puso niya sa tuwing malapit siya sa babaeng nagligtas sa kaniya sa tiyak na kamatayan. Sigurado siya na hindi siya inlove sa babae, maganda ito, maputi, matangkad, ang kulay mais at natural na kulot na buhok nito ay nakadagdag lamang sa gandang taglay ng dalaga. Maging ang malalim at kulay itim na mga mata nito na tila palaging nang-aakit ay sadyang nakakahipnotismo. Kung sa iba-ibang lalaki ay tiyak na mahuhumaling na ang mga ito, unang pagkikita pa lamang. Effortless ang ganda ng babaeng iyon. Ngunit hindi siya ibang lalaki lamang. Alam niya ang pakiramdam ng umiibig, at wala namang senyales na nagsasabing inlove siya sa dalaga, ang mabilis na pagtibok ng puso niya lamang, hindi naman siya nagiging mapusok, wala siyang nararamdamang pagkasabik sa dalaga ni y

  • The Power of Love and Bloodย ย ย Kabanata 5: KATAUHAN

    SHE was still standing at the stage, waiting for the right timing. Ngayon ang araw ng kaniyang pag popropose kay Lazaro; her boyfriend, and best friend. Some may think that her idea was absurd, pero wala siyang paki-alam, she loves Laz and she want him to be her husband. Kaya sa harap ng mga script writer, producer, director, camera man and PA's, she asked."Laz, you know how much I love you and I know that you feel the same way. I just want to ask you," huminga siya ng malalim bago lumuhod sa harap ni Lazaro. Kita sa mukha ng binata ang gulat.He must be surprised! sa isip-isip ni Reina."Will you marry me?" Malawak ang ngiting tanong niya rito.Halos mahulog si Laz sa kaniyang kinatatayuan nang marinig ang katagang iyon mula sa bibig ni Reina. Nang natauhan ay agad itong lumapit sa kaniya."Stand up Rei," saway nito. Nakangiti siyang tumayo."Ar

  • The Power of Love and Bloodย ย ย Kabanata 6: RASON

    DALAWANG beses kumurap si Reina nang matauhan siya sa sinabi ni Art. Mabilis siyang tumakbo at sumunod kay Art na ngayon ay prenteng nakaupo sa mahabang sofa."Y-You... I-Ikaw?" hindi mahanap ni Reina ang tamang salita na nais niyang sabihin sa binata kung kaya dali-dali siyang pumunta sa study table na nasa sala at kinuha ang litratong binigay sa kaniya ni Leo noon sa ospital. Si Art naman ay nanatiling nakatuon ang tingin sa news paper na hawak nito."I-Ikaw 'to?!" ipinakita ni Reina ang lumang litrato ng lalaki halos hindi na makilala ang nasa larawan dahil sa kalumaan nito. Bahagyang napangiwi si Art nang makita ang ayos ng larawan."That's ugly," he commented. Tumawa si Reina at muling tiningnan ang larawan. Panget nga."Is this you? Ibinigay ni Leo iyan sa akin sa ospital, sabi n'ya iyan daw ang dormant body na hinahanap n'ya at subject ng experimental research nila ni Prof. A

  • The Power of Love and Bloodย ย ย Kabanata 7: Only Girl

    As promised Reina woke up early the other day dahil sasamahan niya si Art na mag-apply sa martial arts center ng tito niya. Sabay silang nag-almusal, si Reina ang naghanda ng kanilang pagkain habang si Art naman ang naglinis ng kanilang pinagkainan."Don't squeeze the toothpaste at the middle Reina. Tingnan mo ang pangit tuloy tingnan," inayos nito ang toothpaste na pinisil ni Reina kanina."Kapag gagamit ka ng toothpaste, squeeze it here at the end then push it upward," pinakita nito ang toothpaste na binawasan. "See maayos tingnan hindi kagaya kanina na parang na dislocate at na massacre ng walang awang tulad mo iyong toothpaste," anito bago muling sinarhan ang toothpaste. Naiiling na lamang na lumabas si Reina ng banyo matapos magsipilyo."You drive," ibinigay niya ang susi ng kotse na bigay sa kaniya ni Lazaro, his break-up gift."Cool," pumasok ito sa driver seat ng hindi

  • The Power of Love and Bloodย ย ย Kabanata 8: Mga Aksidente

    PAGKATAPOS ng commercial shoot ni Reina the other day ay tinawagan ulit siya ni Camille kinabukasan at sinabing simula na ng shooting nila para sa 16 episodes series nila na siya ulit ang supporting actress, kaya naman maaga siyang gumising at tinawagan na rin si Alexis na magkita na lang sila sa set."Aalis ka rin?" tanong ni Reina kay Art na ngayon ay kumakain sa dining."May pasok ako sa martial arts center remember?" sagot nito ng hindi man lang siya nililingon."I'll use the car," aniya at akmang kukunin ang susi sa tabi ng vase, but Art was faster than her kaya mas nauna pa ito sa kaniya."I'll use the car," desisyon nito. Sinamaan niya ng tingin ang lalaki saka namewang sa harap nito."That's my car Art, in case you've forgot?" sarcastic na sabi niya."You need a car?" tumango si Reina. "I need a car too, then let's play it fair

  • The Power of Love and Bloodย ย ย Kabanata 9: Boyfriend

    "What are you doing?" tanong ni Reina kay Art nang maabutan niya ito sa kusina."I'm cooking," sagot nito at itinuro ang kaserola na may lamang soup."You know how to cook?" manghang tanong ni Reina."Tinuruan ako ng nanay ko noong nabubuhay pa s'ya," kwento nito habang hinahalo ang niluluto.Kinuha ni Reina ang bowl na nasa lalagyan at ini-abot kay Art."Tikman ko," nakangiting tinanggap ni Art ang lalagyan na inabot niya."Ang totoo I'm not sure if this taste good, pero baka naman edible," pinanood lamang ni Reina si Art habang nagsasalin ng soup sa kaniyang lalagyan. Wala sa sarili siyang napangiti, whatever is Art doing, palagi itong gwapo sa paningin niya."Hindi ka papasok sa trabaho mo? Baka pagalitan ka ni Tito," tanong niya sa lalaki."Nope, nagpaalam ako sa Tito mo. Sabi ko I'll

Latest chapter

  • The Power of Love and Bloodย ย ย Kabanata 1: Reina Kamalasan.

    KUNG mayroong hari ng sablay, malamang sa malamang ay si Reina San Agustin ang reyna nito. Mula sa trabaho at sa pag-ibig tila sinusundan siya ng kamalasan. Nagtataka na nga rin siya sa sariling apelyido. Mas maganda at angkop siguro kung 'Reina Kamalasan' ang kan'yang pangalan."Ayoko na talaga!" nagsisigaw siya sa pinakatuktok ng gusaling pagmamay-ari ng kaniyang mga magulang.Kalat-kalat na ang eyeliner niya at nagmimistula na siyang aswang na nakasuot ng kulay puting bestida."Magpapakamatay na talaga ako!" buong pusong sigaw ng dalaga habang lumuluha.Humakbang siya ng isa papunta sa pinaka-dulong bahagi ng gusali."Ms. Reina!" nanigas si Reina sa kan'yang kinatatayuan dahil sa gulat nang marinig ang boses na sumigaw sa di kalayuan.MULA sa tinitigilan niyang maliit na himpilan ay natanaw ni Obet ang anak ng amo na si Reina, ila

DMCA.com Protection Status