Dahil bakasyon at di pa nagsisimula ang season para sa pro volleyball ay naisip ni Laarni na magbakasyon sa probinsya ng kaibigang si Jen.Tumanggi noong una si Jen dahil nakakahiya daw sa probinsya nila ngunit naging mapilit si Laarni.“Wala namang ka-espesyal doon, best. Ma-bored ka lang,” sabi ni Jen kay Laarni.“Okay lang yan, best. Gusto kung makita ang probinsya n’yo and besides, I want to breath fresh air. Masyado ng polluted ang Maynila,” sabi ni Laarni sa kaibigan. Kaya walang nagawa ang huli kundi ang pumayag sa gusto ng kaibigan. Tuwang-tuwa naman si Laarni sa desisyon ni Laarni. Agad silang nag-plano kung anong gagawin nila pagdating doon. Binayaan lang ni Jen ang kaibigang si Laarni sa gusto niya. Sagot ni Laarni ang pamasahe ni Jen kaya naman ay tuwang-tuwa ang huli. Napayakap naman ang huli sa kaibigan. “Thank you, best,” naluluhang sabi ni Jen kay Laarni. “You’re welcome, best,” sagot ni Laarni at niyakap pabalik ang kaibigan. Ang totoo, gustong-gusto ni Jen na
Nasa mall sina Laarni at Jen kasama sina Kyre at Rancho na lagi lang nakasunod sa kanila. Para silang mga bata na nakawala sa halwa dahil ang bilis ng mga lakad nila.Napailing na lang na sumunod sa kanila sina Kyre na dala ang mga pinamili nilang pasalubong para sa pamilya ni Jen sa Negros. Kung saan-saan lang kasi pumasok ang dalawang babae. Halos lahat ng apparel section sa mall ay napasukan nila. At bago sila lalabas sa stall ay hindi pwedeng wala silang bitbit mula doon. “Ang dami na nating pinamili, best,” sabi ni Jen kay Laarni. “Nakakahiya na. Wala naman akong binayaran kahit peso.”“Okay lang yan, best. Same lang naman tayong walang binayaran,” napa hagikhik na wika ni Laarni.“Ikaw talaga. Inabuso mo ang pagiging galante noong dalawa,” sabi na lang ni Jen.“Hayaan mo na, sila naman may gusto noon,” sagot ni Laarni sa kaibigan. Ang totoo, Si Kyre ang nagbayad ng pinamili ni Laarni, samantalang si Rancho naman ang nagbayad ng kay Jen. Nahiya pa si Jen noong una na mamili
SLIGHT SPG!!!Matapos magluto ni Kyre ay agad silang kumain. Nakaramdam agad si Laarni ng gutom dahil ang sarap ng luto ni Kyre. Amoy pa lang nakakatakam na. “Anong klaseng luto to?” tanong ni Laarni sa lalaki. “Spanish style pork menudo,” may pagmamalaki na sagot ni Kyre. Tumango-tango naman si Laarni. “Masarap,” sabi niya at muling sumandok ng kanin na may ulam. Napangiti naman si Kyre habang pinagmasdan ang dalaga na sarap na sarap sa pagkain. Hindi sa pagmamayabang pero may alam naman talaga siya sa pagluluto. Thanks to his friend Rancho na palagi siyang pinapahiram ng kusina nito sa tuwing nasa bahay siya nito. “Saan mo natutunan to?” tanong ni Laarni kay Kyre. “Nabasa ko lang sa recipe, then, I try to cook it on my own,” sagot ni Kyre.“Okay,” sabi naman ni Laarni at pinagpatuloy ang pagkain. Saka lang niya napansin na hindi naman kumain ang kaharap naiya. “Kain ka na rin. Baka maubos ko pa ito.”“Ipagluto ulit kita kapag naubos mo yan,” sagot naman ni Kyre sa kanya. Hind
Ang usapan na apat silang mag-bakasyon sa probinsya ni Jen ay hindi nangyari. Nagmistulang third wheel si Laarni sa bakasyon nilang ito. Hindi natuloy si Kyre na sumama sa kanila dahil may biglang conference ito sa ibang bansa. Ewan lang kung totoong may confirience nga ito o iniiwasan lang siya dahil sa nangyari sa kanila noong nagdaang gabi.Tanging si Rancho lang ang natuloy na siyang nagmamaneho ng sinakyan nilang helicopter. May kasama pa silang isa pang piloto na siyang magmaneho nito pabalik ng Manila.Ganon pa man ay nag-enjoy si Laarni sa bakasyon nilang ito dahil super approachable ng pamilya ni Jen. Lalo na ang nanay nito na masyadong maraming baon na kwento. “Best, halika, kain tayo ng mangga. Sobrang hinog at matamis,” aya ni Jen sa kaibigan na kakalabas lang sa kwarto nila. “Thank you, best. Sige, pahingi ng isa,” sabi naman ni Laarni. “Saglit. Hiwain ko muna,” sabi ni Jen sa kumuha ng kutsilyo para sana hiwain ang mangga ngunit inagaw ito ni Rancho. “Ako na. Baka
Dahil maghapon na nakatulog si Laarni ay hindi kaagad siya dinalaw ng antok. Naisipan niyang magpahangin sa labas. Baka sakaling dalawin siya ng antok. Wala kasi ang kaibigan niyang i Jen dahil dinala ni Rancho. Kung saan sila pumunta ay yun ang hindi niya alam. Nasa tamang edad na rin naman ang kaibigan niya. Alam na nito kung ano ang ginagawa. Napa buntong hininga si Laarni nang maalala si Kyre. Ano na kayang balita sa lalaking yon. Hindi man lang nagparamdam kahit simpleng text man lang. Napa Kurap-kurap siya sa naisip. Bakit naman siy ma ite-text ng lalaking yon? Kung wala namang sila. For sure, nagpakasaya na yon sa piling ng iba. Hindi nito aakasyahin ang panahon sa isang katulad niya na isang balibolista lamang. Baka nga nagsisi na ito na pinatulan pa siya.Napabuga ulit siya ng hangin.“Ang lalim naman ng iniisip mo, hija,” sabi ni Tita Soledad mula sa likuran ni Laarni. Napalingon naman siya sa likod niya. “Tita, ikaw pala,” bati niya rito. “Kape muna, hija. Pampaantok
Mabilis na lumipas ang dalawang buwan. Dalawang buwan na ding nag-training sa bago nilang team sina Laarni at Jen. Sa loob ng dalawang buwan na iyon ay walang Kyre na nagpapakita. Bagay na ikagitgit ni Laarni. May pa-banta-banta pa itong nalalaman ngunit hindi naman pala nagpapakita. Sa kabilang banda ay okay na din yon. Tahimik ang buhay niya. Walang umaaligid sa kanya. Siguro ay dahil tapos na talaga ang deal niya kaya hindi na ito nag-aaksaya ng panahon na bulabugin siya. Magsisimula na ang unang season para sa taon na ito. Unang sabak din ni Laarni at jen sa professional league. Mabilis lang din silang naka-adopt sa sistema ng team nila kaya halos lahat kasundo ni Laarni doon. Hindi naman sila hinayaang ma-out of place ng mga kasama nila doon. “Guys, kain tayo sa labas,” yakag ni Shamma kina Laarni at Jen. “Oo ba. Basta libre mo,” sagot naman ni Jen. Natawa na lang si Laarni dahil basta libre mabilis talaga ito.“Sure. Basta sa unang sahod mo, kami naman ang ilibre mo,” sagot
Nasa East-West Mall of Arena sina Laarni ngayon. Ngayon ang unang laban nila bagong season ng Volleyball league. Sa unang laro nila ay kalaban kaagad ni ang Honeybee Smashers. Sampung team sila hala na maglalaban-laban. Paunahan makarating sa top 4. Single round robin ang mangyayari sa elimination round. Kaya tudo training ang team nila Laarni para may laban sila sa ibang katunggali nila. Hindi pa naman basta-basta ang mga kalaban nila dahil puros magagaling.1st set na nang laro at super intense ng laban. Walang gustong magpahuli. Kapag pumuntos ang kabila hindi naman magpapatalo ang team ni Laarni. Talagang lalaban sila. Napapalakpak si Laarni ng maka score ulit sila. Lamang na sila ngayon ng dalawang puntos. Kapag magtuloy-tuloy to. Panalo sila sa unang set. Nasa bench lang ngayon sina Laarni at Jen kasama ang ibang kasamahan nila. Dahil bago sila ay hindi sila kasama sa first six. Wala namang problema kay Laarni kung nasa bench lang siya. Ang importante sa kanya ay magin
Pagkatapos ng game ay tahimik lang si Laarni habang nakasakay sa sasakyan ni Kyre. Hindi pa siya maka-get over sa pagdating nito sa Arena kanina. “May problema ba, sweetie?” tanong ni Kyre sa kanya.“Bakit ka nandito?” balik tanong ni Laarni sa kanya.“Of course, to support you,” sagot ni Kyre kay Laarni.“Really? Bakit? Matagal ng tapos ang deal natin. Di ba nga, nagbago na ang isip mo, kay hindi kana sumama sa bakasyon at nagpapakita ng dalawang buwan dahil tapos na ang usapan natin?” Sabi pa ni Laarni. Natawa naman si Kyre sa inasal ni Laarni. “So, did you miss me, sweetie?” tanong ni Kyre at hinarap ang dalaga na nasa tabi lang niya sa front seat.“Miss? Hindi. Mas tahimik nga ang buhay ko ng wala ka,” angal naman i Laarni sa kanya.“Well, I missed you, sweetie. Two months without you is frustrating. Kung pwede pa lang hilahin ang oras para matapos ang trabaho ko sa Spain, ginawa ko na,” sabi ni Kyre kay Laarni. “Bakit naman gagawin mo yon, as if naman may naghihintay sayo