SLIGHT SPG!!!Matapos magluto ni Kyre ay agad silang kumain. Nakaramdam agad si Laarni ng gutom dahil ang sarap ng luto ni Kyre. Amoy pa lang nakakatakam na. “Anong klaseng luto to?” tanong ni Laarni sa lalaki. “Spanish style pork menudo,” may pagmamalaki na sagot ni Kyre. Tumango-tango naman si Laarni. “Masarap,” sabi niya at muling sumandok ng kanin na may ulam. Napangiti naman si Kyre habang pinagmasdan ang dalaga na sarap na sarap sa pagkain. Hindi sa pagmamayabang pero may alam naman talaga siya sa pagluluto. Thanks to his friend Rancho na palagi siyang pinapahiram ng kusina nito sa tuwing nasa bahay siya nito. “Saan mo natutunan to?” tanong ni Laarni kay Kyre. “Nabasa ko lang sa recipe, then, I try to cook it on my own,” sagot ni Kyre.“Okay,” sabi naman ni Laarni at pinagpatuloy ang pagkain. Saka lang niya napansin na hindi naman kumain ang kaharap naiya. “Kain ka na rin. Baka maubos ko pa ito.”“Ipagluto ulit kita kapag naubos mo yan,” sagot naman ni Kyre sa kanya. Hind
Ang usapan na apat silang mag-bakasyon sa probinsya ni Jen ay hindi nangyari. Nagmistulang third wheel si Laarni sa bakasyon nilang ito. Hindi natuloy si Kyre na sumama sa kanila dahil may biglang conference ito sa ibang bansa. Ewan lang kung totoong may confirience nga ito o iniiwasan lang siya dahil sa nangyari sa kanila noong nagdaang gabi.Tanging si Rancho lang ang natuloy na siyang nagmamaneho ng sinakyan nilang helicopter. May kasama pa silang isa pang piloto na siyang magmaneho nito pabalik ng Manila.Ganon pa man ay nag-enjoy si Laarni sa bakasyon nilang ito dahil super approachable ng pamilya ni Jen. Lalo na ang nanay nito na masyadong maraming baon na kwento. “Best, halika, kain tayo ng mangga. Sobrang hinog at matamis,” aya ni Jen sa kaibigan na kakalabas lang sa kwarto nila. “Thank you, best. Sige, pahingi ng isa,” sabi naman ni Laarni. “Saglit. Hiwain ko muna,” sabi ni Jen sa kumuha ng kutsilyo para sana hiwain ang mangga ngunit inagaw ito ni Rancho. “Ako na. Baka
Dahil maghapon na nakatulog si Laarni ay hindi kaagad siya dinalaw ng antok. Naisipan niyang magpahangin sa labas. Baka sakaling dalawin siya ng antok. Wala kasi ang kaibigan niyang i Jen dahil dinala ni Rancho. Kung saan sila pumunta ay yun ang hindi niya alam. Nasa tamang edad na rin naman ang kaibigan niya. Alam na nito kung ano ang ginagawa. Napa buntong hininga si Laarni nang maalala si Kyre. Ano na kayang balita sa lalaking yon. Hindi man lang nagparamdam kahit simpleng text man lang. Napa Kurap-kurap siya sa naisip. Bakit naman siy ma ite-text ng lalaking yon? Kung wala namang sila. For sure, nagpakasaya na yon sa piling ng iba. Hindi nito aakasyahin ang panahon sa isang katulad niya na isang balibolista lamang. Baka nga nagsisi na ito na pinatulan pa siya.Napabuga ulit siya ng hangin.“Ang lalim naman ng iniisip mo, hija,” sabi ni Tita Soledad mula sa likuran ni Laarni. Napalingon naman siya sa likod niya. “Tita, ikaw pala,” bati niya rito. “Kape muna, hija. Pampaantok
Mabilis na lumipas ang dalawang buwan. Dalawang buwan na ding nag-training sa bago nilang team sina Laarni at Jen. Sa loob ng dalawang buwan na iyon ay walang Kyre na nagpapakita. Bagay na ikagitgit ni Laarni. May pa-banta-banta pa itong nalalaman ngunit hindi naman pala nagpapakita. Sa kabilang banda ay okay na din yon. Tahimik ang buhay niya. Walang umaaligid sa kanya. Siguro ay dahil tapos na talaga ang deal niya kaya hindi na ito nag-aaksaya ng panahon na bulabugin siya. Magsisimula na ang unang season para sa taon na ito. Unang sabak din ni Laarni at jen sa professional league. Mabilis lang din silang naka-adopt sa sistema ng team nila kaya halos lahat kasundo ni Laarni doon. Hindi naman sila hinayaang ma-out of place ng mga kasama nila doon. “Guys, kain tayo sa labas,” yakag ni Shamma kina Laarni at Jen. “Oo ba. Basta libre mo,” sagot naman ni Jen. Natawa na lang si Laarni dahil basta libre mabilis talaga ito.“Sure. Basta sa unang sahod mo, kami naman ang ilibre mo,” sagot
Nasa East-West Mall of Arena sina Laarni ngayon. Ngayon ang unang laban nila bagong season ng Volleyball league. Sa unang laro nila ay kalaban kaagad ni ang Honeybee Smashers. Sampung team sila hala na maglalaban-laban. Paunahan makarating sa top 4. Single round robin ang mangyayari sa elimination round. Kaya tudo training ang team nila Laarni para may laban sila sa ibang katunggali nila. Hindi pa naman basta-basta ang mga kalaban nila dahil puros magagaling.1st set na nang laro at super intense ng laban. Walang gustong magpahuli. Kapag pumuntos ang kabila hindi naman magpapatalo ang team ni Laarni. Talagang lalaban sila. Napapalakpak si Laarni ng maka score ulit sila. Lamang na sila ngayon ng dalawang puntos. Kapag magtuloy-tuloy to. Panalo sila sa unang set. Nasa bench lang ngayon sina Laarni at Jen kasama ang ibang kasamahan nila. Dahil bago sila ay hindi sila kasama sa first six. Wala namang problema kay Laarni kung nasa bench lang siya. Ang importante sa kanya ay magin
Pagkatapos ng game ay tahimik lang si Laarni habang nakasakay sa sasakyan ni Kyre. Hindi pa siya maka-get over sa pagdating nito sa Arena kanina. “May problema ba, sweetie?” tanong ni Kyre sa kanya.“Bakit ka nandito?” balik tanong ni Laarni sa kanya.“Of course, to support you,” sagot ni Kyre kay Laarni.“Really? Bakit? Matagal ng tapos ang deal natin. Di ba nga, nagbago na ang isip mo, kay hindi kana sumama sa bakasyon at nagpapakita ng dalawang buwan dahil tapos na ang usapan natin?” Sabi pa ni Laarni. Natawa naman si Kyre sa inasal ni Laarni. “So, did you miss me, sweetie?” tanong ni Kyre at hinarap ang dalaga na nasa tabi lang niya sa front seat.“Miss? Hindi. Mas tahimik nga ang buhay ko ng wala ka,” angal naman i Laarni sa kanya.“Well, I missed you, sweetie. Two months without you is frustrating. Kung pwede pa lang hilahin ang oras para matapos ang trabaho ko sa Spain, ginawa ko na,” sabi ni Kyre kay Laarni. “Bakit naman gagawin mo yon, as if naman may naghihintay sayo
Matapos mag-breakfast ay diretso na si Laarni sa training place ng mga ka-team niya. As usual, kasama pa rin niya si Kyre. Simula yata ng muli niya itong nakita ay naka buntot na naman ito sa kanya. Hindi niya alam kung bakit niya ito ginagawa. Hinayaan na lang niya dahil alam niya na darating ang araw na magsasawa na ito sa kakabuntot sa kanya.“Bakit nandito si papi Kyre mo?” tukso ni Shamma kay Laarni habang nasa court sila.Nagkibit balikat lang si Laarni sa tanong niya. Wala siyang balak sagutin ang tanong nito. Aasarin lang naman siya nito kapag pinatulan niya.“May binabantayan yan, kaya nandito,” si Jen ang sumagot sa kanya. “I know right,” sabi naman ni Shamma at nag-appear pa silang dawala ni Jen. Napailing na lang si Laarni sa dalawang kaibigan niya. Nagbubulungan pa sila eh, rinig na rinig naman niya. Hinayaan na lang niya ang mga ito. Nagpatuloy ang training nila hanggang sa ina-anunsyo na break muna sila sa training. Kanya-kanyang upo sa gilid. Maya-maya ay
Tulad ng inaasahan ni Laarni ay sinundo siya ni Kyre kinagabihan. Nagpapaalam pa ito sa mommy Ethel niya na hindi daw siya iuuwi ni Kyre sa kanila ngayong gabi. “Saan naman ang punta n’yo, hijo?” tanong ni Ethel sa binata. “Mag-road trip lang kami, tita. Kung saan kami abutin ngayon ay doon kami matutulog,” sagot naman ni Kyre. “Papayag ba ang anak ko?” makahulugang tanong ni Ethel sa kanya. “Papayag ka di ba, sweetie?” balik tanong ni Kyre kay Laarni. “May choice pa ba ako? Narito kana,” pabalang na sagot ni Laarni.Ang hindi lang talaga maintindihan ng dalaga ay kung bakit ito ginawa ni Kyre. Kung tutuusin ay wala namang sila. Pero kung maka-asta ay parang pagmamay-ari siya ng lalaki. Kung tungkol pa rin sa deal kaya ganito ito sa kanya ay matagal ng tapos yon. Isa pa, nasunod naman ang gusto nito so bakit parang clingy rin ito sa kanya. Kung maka-asta ay parang boyfriend niya ito. “That’s great. So, let’s go?” tanong ni Kyre sa daaga. “Okay,” tanging sagot ng dalaga at tu
Pagpasok ni Kyre sa silid ay tulog na ang asawa. Pansin niyang nasa kama pa ang bowl na nilagyan ng crackers at ubos na Ang gatas na nasa bedside table lang. Napailing na kinuha na lang niya ang bowl at itinabi sa baso saka tumabi sa asawa. Patagilid siyang humiga at ipinatong ulo sa kamay niya habang pinagmasdan ang asawa.“Such a beautiful face,” puri ni Kyre sa natutulog na asawa. Hinawakan pa niya ng marahan ang mukha nito. “Hmmm,” ungol ni Laarni at tumagilid paharap sa kanya. Itinanday pa nito ang isang kamay nito sa baywang niya. Pinaglaruan ni Kyre ang buhok ng asawa habang inamoy-amoy ito. Ang bango talaga ng asawa niya kahit wala naman itong ginagamit na kung ano. Ngayon lang din niya napansin na hindi talaga mahilig sa mga beauty products ang asawa niya. Talagang natural na natural ang kinis at mukha nito. Dahil na rin siguro athlete ito at mabilis pagpawisan kaya hindi na nag-abalang maglagay ng kung ano-ano. “What are you thinking?” nagulat pa si Kyre nang marinig a
“Anak, gabing-gabi na bakit nandito kayo?” Tanong ni Ethel sa anak ng salubungin niyya ang mag-asawa sa entrance ng bahay nila. “Bawal na ba akong pumunta dito?” balik tanong ni Laarni sa ina. “Ito naman, parang nagtatanong lang,” depensa naman ni Ethel. “Pasok nga kayo. Ipaganda ko kayo ng makakain.” Tumango lang si Laarni at kumapit sa ina tapos ay sabay na silang pumasok sa loob. Sumunod naman sa kanila si Kyre matapos i-park ng maayos ang sasakyan. “Daddy? Nandito ka rin?” Nagtatakang napatingin si Laarni sa ina matapos makita ang daddy Ramon niya nang makapasok sila sa sala. “Yes, anak. Wala na kasing kasama ang mommy mo kaya dito na rin ko for the meantime,” patay malisya na sagot ni Ramon sa anak. Napahawak pa to sa batok niya habang sinasabi yon. “Mommy?” binalingan naman ni Laarni ang ina na para bang hindi hindi nagustuhan ang nangyari ngunit kalaunan ay tinutukso-tukso na niya ang ina. “Ayeee, mommy, ha?” “Tse! Tigilan mo nga ako, Lani. Di ko gusto yang nasa isip mo,
“Hooh! Let’s go, M & Berries!” Halos napapaos na si Laarni sa kakasigaw ng pangalan ng team nila. Sumabay pa sa kakasigaw ng fans nila kaya sobrang ingay ng Arena lalo sa banda nila. “Sweetie, relax. Baka kung ano pang mangyari sa dinadala mo,” saway sa kanya ni Kyre. “Pinagbawalan mo akong e-cheer ang mga ka-teammates ko?!” sikmat ni Laarni kay Kyre.“No, sweetie. I’m just telling you to calm down,” pagpaintindi ni Kyre sa asawa.“Calm down my ass,” nakaismid na wika ni Laarni. “Bakit ba nandito? Di ba may trabaho ka?”“It’s because you said that we’ll going to watch,” sagot ni Kyre na parang Napipilitan lang. “So kasalanan ko na nandito ka ngayon?” Naasar na tanong ni Laarni. “No, it’s not, sweetie,” sagot naman ni Kyre. “Alis ka nga, naalibadbaran ako sa pagmumukha mo,” sabi naman ni Laarni.“Sweetie naman,” sabi na lang ni Kyre. Hindi na pinansin ni Laarni ang asawa dahil nawili na siya sa kaka-cheer sa ka-team niya lalo na at lamang na sila ngayon. Sobrang energetic niya
Sarap na sarap si Laarni habang kumakain ng mangga na may bagoong. Hindi talaga siya nagsasawa na kainin to kahit mag-isang linggo na matapos siyang magpabili nito sa kaibigan niya. Nagrereklamo na nga si Kyre dahil nangangamoy bagoong ang buong condo nila. Oo, nakalabas na sila ng ospital at kasalukuyang nagpapahinga sa condo na sila. Ang pinagtataka rin ni Laarni ay kung bakit nasa condo pa rin ang asawa kahit na alam niyang trabaho ito at may Vivoree pa. Mag-isang linggo na rin na di niya pinapansin ang asawa. “Sweetie, hindi ka pa ba nagsasawa sa bagoong na yan? Noong isang linggo ka pa kumakain niyan. Pwede bang iba naman?” suggestion ni Kyre. “Hmmmm,” sabi ni Laarni. “Gusto kong sampaloc yong hindi masyadong hilaw, hindi rin hinog. Gawin mong juice yon. Parang masarap inumin ang sampaloc.”Napailing na lang si Kyre sa mga gusto ng asawa. Ayaw niyang sundin ngunit sinasabi ng doctor nito na kung may hingin ang asawa ay dapat pagbigyan dahil parte ng paglilihi. “Alright, I
Nagising si Laarni sa sinag ng araw na tumama sa mukha niya. Kaya napataas siya ang kamay upang matakpan ang liwanag. Nang maka-adjust ay saka pa lang niya inilbot ang paningin. “Nasaan ako?” tanong niya sa sarili. “Thank God. You’re awake, sweetie,” narining ni Laarni na sagot mula sa bintana kung saan nagmula ang liwanag. Saka lang ni Laarni napagtanto kung nasaan siya dahil sa amoy at room arrangement ng silid. Pati na rin ang suot niyang hospital gown. “Bakit ako nandito?” tanong niya sa kasama niya sa loob na walang iba kundi ang asawa niyang si Kyre. “You, pass out, sweetie. Naabutan kitang walang malay sa carpet,” sagot ni Kyre. “Kumusta ang pakiramdam mo, sweetie?” “Kailangan ko nang umuwi,” sabi ni Laarni. “No. The doctor said you need to have best rest for at least 1 week,” pagtanggi ni Kyre sa nais niya. “Wala akong sakit para magpahinga ng ganon kahaba,” giit ni Laarni. “Yes, but the baby inside your womb need rest,” sabi naman ni Kyre. Biglang
Palabas na si Kyre lobby ng kompanya kasama ang ilan sa mga executive ng nakasalubong nila si Mr. Fuentabella na galit na galit. Napatigil sila sa paglalakad. Galit na humarap sa kanila si Mr. Fuentabella.“What’s the matter?” tanong ni Kyre sa bagong dating.“What’s the matter?” may pang-uuyam na balik tanong ni Fuentabella. “You matter! Why did you pull out your investment at my company?” Saktong pagdating ni Vivoree na humahangos pa. Marahil ay sinundan ang ama. “Dad, please, calm down.”“Calm down? How would I? Do you know how much he shares in our company? It’s twenty percent, you idiot!”“What?” hindi makapaniwala na tanong ni Vivoree sa ama. “Right.” Biglang wika ni Kyre habang hinarapp si Vivoree. “That’s the consequence of your action, Miss Vivoree. Have you realized it now?”Nanginginig na humarap si Vivoree kay Kyre. Mukhang nakuha na nito kun ano ang puno’t-dulo sa kaganapan. “I’m sorry. But, still hindi kasama ang company naminn.”“You messed up with me! You messed up
“Coach, sorry sa nangyari noong nakaraang laro,” hinging paumanhin ni Laarni nang nasa training na sila kinabukasan.“Sorry din kung nasigawan. Hindi ko lang ini-expect ganun ang laro mo noong araw,” hinging paumanhin din ni Coach Johny. “Nawala rin kasi ako sa focus. Kasalanan ko rin,” nakayuko wika ni Laarni.“It's okay. Nextime, focus. Okay?” paalala ng coach niya. “Opo,” sagot ni Laarni. “Sige, go. Mag-training kana doon,” sabi pa ng coach niya. “Sige po,” sagot ni Laarni at tumalikod para makapunta sa mga ka-team niya na nag warm-up. Hindi pa man siya nakabot sa mga kasama niya ay nakaramdam na naman siya ang hilo kaya naman ay napakapit siya sa sinomang nasa malapit niya. Ipinikit pa niya ang mga mata para maibsan ang hilong nararamdaman. “Are you okay?” narinig niya mga tanong ni Gwen sa kanya. Nagasilapitan naman ang lahat ng kasamahan niya. “Are you really okay, Laarni?” tanong ni Coach Johnny. Umiling si Laarni. “Nahihilo ako coach.”“Here, kainis mo to,” concer
Napa buga ng hangin si Laarni ng nasa harap na siya ng hotel room na nakasulat sa text ni Gwen sa kanya. Oo, nasa hotel siya. Hindi siya mapakali. Ayaw siyang patahimikin ng isip niya. Kahit anong sabi niya na walang ginawa ang asawa niya ay ayaw na magpaawat ang isip niya. Kaya ito siya ngayon nasa harap ng hotel room. Akmang kakatok siya nang mapansin na bukas ang sinadora ng pinto. Napakunot ang noo niya. Ang reckless ng sinumang nasa loob. Hindi talaga nagsara ang pinto. Tahimik siyang pumasok sa loob. Dalangin niyang wala siyang makitang hindi kanais-nais. Ngunit para di yata dininig ang panalangin niya nang makitang may mga damit na nagkalat sa carpet. Oo, with carpet pa talaga ang room. Ito siguro ang pinaka mahal na room sa buong hotel dahil malaki at parang nasa bahay na na rin. Nilibot niya ang paningin at nakita niya ang isa pang pinto. Nagdadalawang isip siyang lapitan ito ngunit mas nanaig ang curiosity niya kaya naman ay nilapitan niya ito at sumilip sa pinto. D
“Best, sabay ka na sa amin. Ihahatid ka namin,” pag aya ni Jen sa kaibigan.“Hindi na, best. Hintayin ko si Kyre,” sagot ni Laarni.“Sigurado ka? Alas diyes na kaya,” sabi pa ni Jen.“Sige lang. Hintayin ko lang siya. Nangako naman siya na susunduin niya ako,” sagot ni Laarni.“Sige. Basta, sigurado ka ha? Kapag wala pa rin, tawagan mo ako balikan ka namin,” nag-alalang wika ni Jen. “Sige, Ingat kayo,” sabi ni Laarni sa kaibigan. Tumango lang si Jen at Racho at magkahawak kamay na umalis para makauwi na. Napa buga na lang ng hangin si Laarni. Kinuha niya ang cellphone niya para tawagan ang asawa. Ngunit nakailang ring na ay wala pa ring sumagot. Umupo na lang si Laarni sa bench na nakikita niya sa harap ng Arena. Muli niyang tinawagan ang asawa baka sa pagkakataong ito ay sumagot na.“Kyre, asan ka na ba?” tanong ni Laarni kahit wala namang sumagot sa kabilang linya. Napaiyak na lang ng lihim si Laarni. Kung kailan kailangan niya ang asawa para may mag-comfort sa kanya ay saka n