"Your mine... Mine alone..."Tumulo ang luha ko dahil sa hiya. Ni hindi ko nga rin makuhang magsalita. Hindi ako makapaniwala sa nangyari. Ginawa niya ba talaga 'yon? Namin?Kahit hindi ako magsalita at hindi ko isaboses 'yon ay alam ko ang sagot. Halos dalawang minuto na kasi kaming nakatayo rito sa banyo at yakap ang isa't isa pero parang nadarama ko pa rin sa loob ko ang daliri niya."Do you hate me now?" paos at pabulong niyang tanong. "Please, don't hate me Minzi," giit niya pa sa paraang nagsusumamo.Tumango lang ako. Hindi ko alam kung saan ko pa hahagilapin ang lakas ko para awayin siya. Para bungangaan siya sa ginawa niya. The fact na hindi ko siya pinigilan at pinabayaan ko lang ay iisa lang ang ibig sabihin.Ginusto ko rin..."Ang landi ko!" anas ko kasabay nang paghikbi at nang muling pag alpas ng luha mula sa mga mata ko. "Ang landi-landi ko!"Kinabig niya naman ako ulit palapit sa kanya saka niyakap ng mahigpit. "No, you're not!" aniya bago ako inilayo ng bahagya upang g
"Ano?!" hindi ko mapigilang sigaw.Tama ba ang pagkakaintindi ko? Na papayag siyang mag leave ako ng isang araw kung papayagan ko siyang sumama sa akin?"I want to come-""Nahihibang ka na ba? Ano naman ang gagawin mo sa probinsya namin?!" sunud-sunod kong tanong sa kanya. Isa pa, bakit ba bigla-bigla na lang gusto niyang sumama? Akala ko ba ay magca-caribbean cruise siya?"I don't want to be left behind," aniya "...and besides, that's your Mom's special day, so yeah... sama mo ako."Bagsak ang panga kong napamaang sa kanya. Hindi siya puwede sa probinsya namin. Bukod kasi sa kaliwa't kanang mga tsismosa, marami ring lasenggo roon na kinulang sa bakuna. Baka mamaya ay mapagtripan ang sasakyan niya sakaling tumambay nang isang oras ang mga kapitbahay namin na kahit hindi invited sa handaan ay kusang pumupunta."Hindi puwede, tsaka 'wag ka ngang makulit!""Then I'm not gonna sign your leave," kampanteng sagot niya.Dinuro ko naman siya habang ang isang kamay ko ay nasa baywang. "Hoy ika
SABADO...Parang napakabagal ng oras. Nababagot ako kahit na nga ba umaandar naman ang bus na sinasakyan ko. Alas singko pasado pa lang ng umaga pero medyo madilim pa. Hindi pa ganoon kaliwanag ang daan na binabaybay ko pauwi sa Masinloc. Napasandal ako sa bintana at dinama ang lamig ng hangin. Ang sarap sa pakiramdam, wala kasing ganito sa Olongapo. Mausok, maingay, at mainit ang hangin doon hindi katulad dito sa probinsya. Namiss ko ito! At sa wakas, sa halos dalawang taon na pagtatrabaho ko sa Club-V makakauwi ulit ako sa amin at makakasama si Mama kahit dalawang araw lang. Kapag umuuwi kasi ako'y madalas na balikan lang, hindi ako puwedeng magtagal dahil ayaw kong matambakan ng trabaho, idagdag pa ang konsimisyon kong amo."Are we there yet?"Natigilan ako sa pagmumuni-muni at nilingon ang aking katabi. Nah! Hindi nga pala ako nag-iisa. Speaking of konsimisyon, kasama ko nga pala si Alexis Montemayor– ang nag-iisa kong amo na guwapo sana pero matindi ang tagas ng ulo."Malayo pa,
"Dito na lang ho..."Akmang i-aabot ko na ang bayad ko ng pigilan ako ni Alexis."I'll take care of this," aniya saka naglabas ng buong five hundred pesos. "Ito ho ang bayad oh-""Hoy teka!" Bago pa mahuli ang lahat ay hinawakan ko na ang kamay niya. "Isang daan lang ang pamasahe natin dahil fifty pesos isa, pero dahil special one hundred fifty lang dapat."Tumingin naman sa akin ang tricycle driver saka sumagot. "Mam malayo ho kasi, isa pa bako-bako ang daan. Maano naman ho kung dagdagan sana ang bayad."Tinaasan ko siya ng kilay. "Sobra naman ho yata ang gusto n'yo. Dito ako lumaki kaya naman alam ko ho kung magkano ang pamasahe rito-""Hey that's okay," agap naman sa akin ni Alexis saka tumingin sa driver. "Sa tingin n'yo manong, magkano ho ba dapat ang ibayad ko sa'yo?"Nanlaki ang mga mata ko. Kung pektusan ko kaya ang lalaking ito nang matauhan sa pinagsasabi niya?! Ano pang silbi ng pakikipagdebate ko sa tricycle driver kung siya mismo ang magtatanong kung magkano ba dapat ang
MY DECISION IS FINAL...Paulit-ulit na umuukilkil sa isip ko ang mga katagang 'yon na binitiwan ni Alexis. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Bakit para siyang sabog na hindi ko maintindihan? Ano bang problema ng sintu-sinto kong boss?!"Minzi pagsabihan mo yang boss mo, magagarote ko yan!" singhal naman ni Mama habang nanlilisik ang mga matang nakatitig kay Alexis."Sir 'wag mo na ngang inaasar si Mama, birthday niya ngayon kaya please-""Do you really think that I'm just kidding?" agap naman ni Alexis sa akin. "I'm serious Minzi, liligawan kita. Liligawan kita kahit ayaw mo, kahit itaboy mo ako, at kahit patayin pa ako ng Mama mo hanggang sa wala ka ng choice kun'di ang sagutin ako."Bagsak ang pangang napatanga ako sa kanya kasabay ng pag bagsak sa mesa ng hawak kong tinidor at kutsara."Kung gano'n naman pala..." Tumayo si Mama at kumuha ng kutsilyo bago muling bumalik sa puwesto namin, partikular na kay Alexis. "Puputulan na muna kita ng kaligayahan bago mo ligawan ang anak ko!" "M
"Alexis..."Bahagya ko siyang nasabunutan at pilit na inilalayo sa aking katawan. He was nibbling my ear and kissed my neck which gave me a tingling sensation."A-Alexis sandali." Muli kong iniwas ang mukha ko sa kanya ng akmang hahalikan niya ako. "H-Hindi pa ako naliligo."Naramdaman ko ang pag guhit ng ngiti sa kanyang labi na nasa leeg ko. Masarap sa pakiramdam, pero alam kong hindi puwede... hindi tama."Take a fast shower then," aniya sa halos paos at maaligasgas na paraan.His bedroom voice made me turn on. Tangina! Bakit ako naaakit sa boses niya? Wala lang naman 'yon sa akin dati. Sa katunayan nga ay naiirita pa ako lalo na kapag feeling high and mighty siya."Pero dis oras na ng gabi," sagot ko naman. "Ano ba kasing ginagawa mo dito sa kuwarto ko?!"Kung maliligo ako ngayong dis oras ng gabi baka naman mabuang na ako kinabukasan! Minsan talaga nakakabobo ang sobrang katalinuhan."I don't want to sleep there," baliwalang sagot niya bago ako hinalikan sa labi. "I want to sleep
[[PRESENT]]=> Ito po ang "TEASER" na mababasa sa unang pahina kung saan dito na magsisimula ang mga magaganap sa kasalukuyang kuwento nina Minzireth at Alexis matapos ang pagbabalik tanaw ni Minzi kung paano sila nagkakilala ng kanyang playboy boss na si Alexis Montemayor.. ====***====***====***====***====Thank you for the opportunities, and for the growth that you have provided me. I wish you and the company all the best.Best regards,MikePAKIRAMDAM ko ay mas lalong sumakit ang ulo ko ng dahil sa resignation letter ni Mike. Pangatlo na siya sa mga nag resign na iba-iba ang posisyon, at may iba't-ibang dahilan. Una ay si Carl na nangunguna bilang isang Person In Charge o PIC ng V.I.P Area, nag resign dahil sa stress sa mga empleyado. Pangalawa ay si Anton, isang Supervisor na humahawak sa mga bouncers na talaga nga namang maaasahan. Nag resign dahil hindi ko raw sinagot. At pangatlo itong si Mike na halos kauumpisa pa lang bilang Security Guard, ngayon ay nag resign nang malam
"SANTISIMA!"Nabitawan ni Mama ang hawak niyang tray na nag hatid ng malakas na ingay sa loob ng kuwarto. Nabasag ang plato at baso. Nasayang din ang niluto niyang daing na bangus, sinangag, sawsawan na burong suka, pati na rin ang itlog na maalat na may kamatis."M-Ma... S-Sandali, mali ang iniisip mo-""Ukinayo kit'de!" sigaw niya sa amin habang kay Alexis nakatingin. "Pinagkatiwalaan kitang hayop ka! Pinatuloy at pinatulog sa pamamahay na ito, pero ito pa ang igaganti mo sa akin?! Pakasalan mo ang anak ko!"Nanlaki ang mga mata ko at tuluyan na ngang nagising ang aking diwa. Tumayo ako at hinarap si Mama habang si Alexis naman ay sinasalubong lang ang nanlilisik na mga mata ni Mama."Ma sandali, bakit naman kasal agad-""Ukinam, maysa ka pay!" singhal niya naman sa akin. "Anong tingin n'yo sa akin, Minzi? Bulag? Tanga? Akala mo ba'y maniniwala ako sa'yo kung sasabihin mong walang nangyari sa inyo ng hayop mong amo?!"Nagsimula ng uminit ang sulok ng mga mata ko. Hindi ko naman gust