SABADO...Parang napakabagal ng oras. Nababagot ako kahit na nga ba umaandar naman ang bus na sinasakyan ko. Alas singko pasado pa lang ng umaga pero medyo madilim pa. Hindi pa ganoon kaliwanag ang daan na binabaybay ko pauwi sa Masinloc. Napasandal ako sa bintana at dinama ang lamig ng hangin. Ang sarap sa pakiramdam, wala kasing ganito sa Olongapo. Mausok, maingay, at mainit ang hangin doon hindi katulad dito sa probinsya. Namiss ko ito! At sa wakas, sa halos dalawang taon na pagtatrabaho ko sa Club-V makakauwi ulit ako sa amin at makakasama si Mama kahit dalawang araw lang. Kapag umuuwi kasi ako'y madalas na balikan lang, hindi ako puwedeng magtagal dahil ayaw kong matambakan ng trabaho, idagdag pa ang konsimisyon kong amo."Are we there yet?"Natigilan ako sa pagmumuni-muni at nilingon ang aking katabi. Nah! Hindi nga pala ako nag-iisa. Speaking of konsimisyon, kasama ko nga pala si Alexis Montemayor– ang nag-iisa kong amo na guwapo sana pero matindi ang tagas ng ulo."Malayo pa,
"Dito na lang ho..."Akmang i-aabot ko na ang bayad ko ng pigilan ako ni Alexis."I'll take care of this," aniya saka naglabas ng buong five hundred pesos. "Ito ho ang bayad oh-""Hoy teka!" Bago pa mahuli ang lahat ay hinawakan ko na ang kamay niya. "Isang daan lang ang pamasahe natin dahil fifty pesos isa, pero dahil special one hundred fifty lang dapat."Tumingin naman sa akin ang tricycle driver saka sumagot. "Mam malayo ho kasi, isa pa bako-bako ang daan. Maano naman ho kung dagdagan sana ang bayad."Tinaasan ko siya ng kilay. "Sobra naman ho yata ang gusto n'yo. Dito ako lumaki kaya naman alam ko ho kung magkano ang pamasahe rito-""Hey that's okay," agap naman sa akin ni Alexis saka tumingin sa driver. "Sa tingin n'yo manong, magkano ho ba dapat ang ibayad ko sa'yo?"Nanlaki ang mga mata ko. Kung pektusan ko kaya ang lalaking ito nang matauhan sa pinagsasabi niya?! Ano pang silbi ng pakikipagdebate ko sa tricycle driver kung siya mismo ang magtatanong kung magkano ba dapat ang
MY DECISION IS FINAL...Paulit-ulit na umuukilkil sa isip ko ang mga katagang 'yon na binitiwan ni Alexis. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Bakit para siyang sabog na hindi ko maintindihan? Ano bang problema ng sintu-sinto kong boss?!"Minzi pagsabihan mo yang boss mo, magagarote ko yan!" singhal naman ni Mama habang nanlilisik ang mga matang nakatitig kay Alexis."Sir 'wag mo na ngang inaasar si Mama, birthday niya ngayon kaya please-""Do you really think that I'm just kidding?" agap naman ni Alexis sa akin. "I'm serious Minzi, liligawan kita. Liligawan kita kahit ayaw mo, kahit itaboy mo ako, at kahit patayin pa ako ng Mama mo hanggang sa wala ka ng choice kun'di ang sagutin ako."Bagsak ang pangang napatanga ako sa kanya kasabay ng pag bagsak sa mesa ng hawak kong tinidor at kutsara."Kung gano'n naman pala..." Tumayo si Mama at kumuha ng kutsilyo bago muling bumalik sa puwesto namin, partikular na kay Alexis. "Puputulan na muna kita ng kaligayahan bago mo ligawan ang anak ko!" "M
"Alexis..."Bahagya ko siyang nasabunutan at pilit na inilalayo sa aking katawan. He was nibbling my ear and kissed my neck which gave me a tingling sensation."A-Alexis sandali." Muli kong iniwas ang mukha ko sa kanya ng akmang hahalikan niya ako. "H-Hindi pa ako naliligo."Naramdaman ko ang pag guhit ng ngiti sa kanyang labi na nasa leeg ko. Masarap sa pakiramdam, pero alam kong hindi puwede... hindi tama."Take a fast shower then," aniya sa halos paos at maaligasgas na paraan.His bedroom voice made me turn on. Tangina! Bakit ako naaakit sa boses niya? Wala lang naman 'yon sa akin dati. Sa katunayan nga ay naiirita pa ako lalo na kapag feeling high and mighty siya."Pero dis oras na ng gabi," sagot ko naman. "Ano ba kasing ginagawa mo dito sa kuwarto ko?!"Kung maliligo ako ngayong dis oras ng gabi baka naman mabuang na ako kinabukasan! Minsan talaga nakakabobo ang sobrang katalinuhan."I don't want to sleep there," baliwalang sagot niya bago ako hinalikan sa labi. "I want to sleep
[[PRESENT]]=> Ito po ang "TEASER" na mababasa sa unang pahina kung saan dito na magsisimula ang mga magaganap sa kasalukuyang kuwento nina Minzireth at Alexis matapos ang pagbabalik tanaw ni Minzi kung paano sila nagkakilala ng kanyang playboy boss na si Alexis Montemayor.. ====***====***====***====***====Thank you for the opportunities, and for the growth that you have provided me. I wish you and the company all the best.Best regards,MikePAKIRAMDAM ko ay mas lalong sumakit ang ulo ko ng dahil sa resignation letter ni Mike. Pangatlo na siya sa mga nag resign na iba-iba ang posisyon, at may iba't-ibang dahilan. Una ay si Carl na nangunguna bilang isang Person In Charge o PIC ng V.I.P Area, nag resign dahil sa stress sa mga empleyado. Pangalawa ay si Anton, isang Supervisor na humahawak sa mga bouncers na talaga nga namang maaasahan. Nag resign dahil hindi ko raw sinagot. At pangatlo itong si Mike na halos kauumpisa pa lang bilang Security Guard, ngayon ay nag resign nang malam
"SANTISIMA!"Nabitawan ni Mama ang hawak niyang tray na nag hatid ng malakas na ingay sa loob ng kuwarto. Nabasag ang plato at baso. Nasayang din ang niluto niyang daing na bangus, sinangag, sawsawan na burong suka, pati na rin ang itlog na maalat na may kamatis."M-Ma... S-Sandali, mali ang iniisip mo-""Ukinayo kit'de!" sigaw niya sa amin habang kay Alexis nakatingin. "Pinagkatiwalaan kitang hayop ka! Pinatuloy at pinatulog sa pamamahay na ito, pero ito pa ang igaganti mo sa akin?! Pakasalan mo ang anak ko!"Nanlaki ang mga mata ko at tuluyan na ngang nagising ang aking diwa. Tumayo ako at hinarap si Mama habang si Alexis naman ay sinasalubong lang ang nanlilisik na mga mata ni Mama."Ma sandali, bakit naman kasal agad-""Ukinam, maysa ka pay!" singhal niya naman sa akin. "Anong tingin n'yo sa akin, Minzi? Bulag? Tanga? Akala mo ba'y maniniwala ako sa'yo kung sasabihin mong walang nangyari sa inyo ng hayop mong amo?!"Nagsimula ng uminit ang sulok ng mga mata ko. Hindi ko naman gust
MGA BANDIDO!Kahit masakit ang kasukasuhan ay pilit akong tumayo at lalabas na sana. Pero ang matigas at tila bakal na braso ni Alexis ay biglang pumulupot sa bewang ko."Stay here, were not done yet."Napairap na lang talaga ako ng malala. Kung hindi pa kasi pinulikat ang tinamaan ng magaling na Alexis na ito ay hindi pa titigil sa kakaararo! Nanginginig na nga rin ang tuhod at masakit na ang balakang ko dahil sa magdamag niyang pang aabuso sa kahinaan ko."Tumayo ka na riyan at may mga bandido raw! Mukhang sasakupin na itong lugar namin tayo naman ay heto... halos 'di na makagulapay!" Kinaltukan ko siya sa noo nang pumailalim na naman ang kamay niya sa t-shirt na suot ko. "May bukas pa, maawa ka naman sa perlas ko! Bugbog na masyado, tsaka ayaw kong dumating sa punto na sinasakop na kami'y nakabaon ka pa rin sa happy place mo!"Pilit kong tinanggal ang braso niya sa aking baywang at kaagad na tumayo."Haruuuyy!" Kandangiwi ako nang maramdaman ang kirot sa pagitan ng aking hita. "Tan
"Anong klaseng tao ka ba at pag dating sa sex ay hindi mo alam ang salitang pahinga?!" gigil kong tanong sa kanya na halos magtalsikan na ang laway ko at maputol ang litid ko sa leeg. Hindi pa ba siya nag sawa kagabi? Halos manginig na nga ang tuhod ka at halos hindi na rin siya makatayo sa sobrang pagod, tapos uulit pa ulit?! What the F!Akmang sasagot pa siya at lalapit sa akin nang biglang may kumatok sa pinto. Sabay kaming napatingin doon at naghintay kung sino man ang nasa labas."Minzi, aalis na rin daw kaagad ang mga magulang ng asawa mo. Bumaba na rin muna kayo at kumain." Nagkatinginan kami ni Alexis dahil sa sinabing 'yon ni Mama mula sa labas. Ang bilis naman yatang umalis ng mga magulang niya? Tipong napadaan lang sila rito at nag dala ng meryenda sabay larga na."May importanteng meeting sila na dadaluhan sa Pampanga. Dumaan lang talaga sila rito para kompirmahin kung magpapakasal na nga ba talaga ako," biglang sabi ni Alexis na para bang nakikita niya sa mukha ko ang mg