“KIT, bumangon ka na diyan. May photoshoot pa tayo,” ani Mikka habang hinihila ang kumot na nakabalot sa natutulog pang kaibigan.
Isang ungol ng pagprotesta ang itinugon ni Kit habang hinihila ang kumot pabalik sa kanya. “Mamaya na… Five minutes pa.”
Naramdaman ni Kit ang pagdagan sa kanya ng matalik na kaibigan at kasamahan sa trabaho, “Ayoko nga. Lagi namang nae-extend yang five minutes mo eh. Ano tayo, nasa computer shop? Bumangon ka na. Baka magalit pa yung kliyente natin, kaltasan pa yung makukuha natin.”
“Paano naman ako babangon, eh nakadagan yang dambuhala mong katawan sa akin? Umalis ka nga dyan!” natatawang sabi ni Kit habang tinutulak ang kaibigang nag-eenjoy na sa pagdagan sa kanya.
“Grabe ka sakin! Hindi naman ako dambuhala. Maliit ka lang talaga,” pagdepensa ni Mikka sa sarili, “Ewan ko sayo. Nakakaloka ka. Sa baba na nga lang kita hihintayin. Bilisan mo, okay?”
“Oo na. Hindi naman ako mabagal kumilos,” paninigurado ni Kit sa kasama. Unti-unti siyang bumangon mula sa pagkakahiga, pagkatapos ay humikab muna bago tuluyang umalis ng kama, tapos ay dumiretso ng banyo para maligo.
She is a freelance photographer, na pinili niyang propesyon dahil ito ang passion niya. Nag-aral kasi siya ng arkitektura noong college, but she ended up switching courses dahil mas nais niyang mag-focus sa photography. Hinayaan naman siya ng kanyang ina sa kanyang desisyon, lalo na’t maykaya naman sila at hindi naman ito strikto para diktahan ang mga gagawin niya sa sarili niyang buhay. Dahil na rin sa galing niya, nakagawa siya ng pangalan sa larangan ng photography, and she is earning more than she needs. Dahil doon ay kaya niya nang buhayin ang sarili niya, and she was even able to afford a condominium unit.
Dahil na rin nagmamadali, hindi niya na tinagalan ang paliligo. Agad din siyang lumabas para magbihis. Habang nagpapatuyo ng buhok gamit ang tuwalya, biglang tumawag ang kanyang ina.
“Hello ‘Ma,” bungad ni Kit.
“Anak, busy ka ba sa weekend?” tanong nito.
“Hindi ko pa po alam eh. Depende. Bakit po?”
“Gusto ko sanang samahan mo ako sa Baguio, may ano kasi…” bakas sa tinig nito ang pag-aalangan.
“Let us cut to the chase, ‘Ma. Ano bang meron?” malamig na tugon ni Kit sa ina. May hint na siya sa kung ano ang gusto nitong sabihin.
“Ipapakilala ko kasi sayo yung bago kong boyfriend eh. Eh pupunta kami ng Baguio, kaya doon ko na lang siya ipapakilala sayo – “
Napapikit na lamang sa inis si Kit. Inexpect niya nang iyon ang sasabihin ng ina, pero hindi pa rin niya mapigilan ang mairita. “Eh ‘di ba may boyfriend ka na? Yung pinakilala mo sa akin dati? Yung kandila ang business?”
“Naghiwalay na kami nun. Tsaka hindi yun basta kandila, Kristina. Scented candles din yun. Huwag ka ngang ano dyan at nanginabang ka rin sa mga kandilang yun. Napaka-OA niya kasi. Nakita lang niyang may kausap akong lalaki, nagselos na. Eh kaklase ko lang naman yun nung high school.”
Napahinga na lamang nang malalim si Kit, “Ewan ko sayo, ‘Ma. Nagagamit ko lang naman yung mga kandila kapag brownout. Tsaka baka naman mamaya maghiwalay lang kayo nitong bago mong boyfriend.”
“Hindi anak. Sigurado na ako sa kanya. I am sure that he is the one!” kinikilig na tugon sa kanya ng ina sa kabilang linya.
Kit hissed, “Eh ‘Ma, pang-apat na beses ko nang narinig yan sayo ‘no. Nangangalahati pa lang ang taon! Makakailang boyfriend ka pa ba bago ang sumapit ang Pasko?”
“Anak naman, maging supportive ka na lang sa Mama. Okay?”
“Ewan ko sayo, ‘Ma.”
“Pumunta ka. Susunduin kita sa weekend – “
Hindi na natapos pa ng nanay ni Kit ang sinasabi nito dahil pinatay na ng dalaga ang tawag. Hindi naman masamang babae ang kanyang ina, pero sadyang madali lang talaga para sa kanya ang magpalit ng mga lalaki sa buhay niya.
Isang single mom ang nanay ni Kit, dahil namatay ang kanyang ama noong siya ay apat na taong gulang pa lamang. Wala man siyang mga alaala ng ama, mga magagandang bagay lamang ang naririnig niyang kwento patungkol dito.
Sa totoo lang, naiinis talaga si Kit sa tuwing nagkakaroon ng bagong boyfriend ang kanyang ina. Hindi naman siya kontra sa kaligayahan nito, lalo na’t hindi naman ito nagkulang sa kanya. For many years, mag-isa siyang itinaguyod ng ina, at ginawa nito ang lahat para lumaki siyang matino at maayos. Nagsimula lang naman ang pagboboyfriend nito matapos siyang makapagtapos ng kolehiyo. Noong una ay walang nakikitang problema si Kit, subalit dahil sa madalas nitong pagpapalit ng nobyo ay unti-unti nang naalarma ang dalaga. Yun nga lang, wala siyang magawa para pigilan ang ina dahil hindi naman ito nakikinig sa kanya.
Napailing na lamang si Kit at itinuon na lamang ang pansin sa pag-aayos sa sarili. Naghihintay na rin sa kanya si Mikka sa labas, kaya kailangan niya nang magmadali.
Matapos makapagbihis at ihanda ang mga gamit na dadalhin ay agad siyang lumabas ng condo unit. Akala niya ay makakaalis siya agad, subalit sakto namang paglabas niya ay may nakaharang na mga lalaki at mga kagamitan sa tapat ng unit niya. Sinubukan niyang dumaan para makarating sa elevator, pero hindi niya magawang lumusot sa mga lalaking may mga dalang kahon.
Nagsalubong na ang mga kilay ni Kit dahil sa inis, Andaming gamit ah. Siguro may lilipat na dito sa katabing unit. Nakakaloka. Bakit ngayon pa? Kung kelan nagmamadali ako. Hinarangan pa talaga nila yung daan. Imbyerna!
“Ah kuya…” ani Kit sa isa sa mga lalaki na may dalang gamit, “Makikidaan lang po sana – “
“Miss tabi dyan, mabigat ‘tong dala ko. Baka mabagsakan ka,” untag nito sa kanya.
Wala nang nagawa pa si Kit kundi ang tumabi na lang. Nang makadaan ang lalaki ay sinubukan niyang sumingit sa pila, subalit bigla namang lumitaw ang dalawang lalaki na nagtutulungan sa pagdala ng sofa, kaya hindi pa rin nakadaan si Kit. Paulit-ulit na napurnada ang pagsingit niya, subalit wala siyang mahanap na chance para makadaan.
Unti-unti nang napikon si Kit. Huminga siya nang malalim, yumuko, at ipinikit ang mga mata. Sinubukan niyang kalmahin ang sarili. Ayaw niyang masigawan ang mga trabahador na naglilipat ng gamit sa kabilang condo unit. As much as possible, gusto niyang palampasin ang inis na nararamdaman para good vibes siya pagpunta niya sa raket nila ni Mikka mamaya.
Nagbilang siya hanggang sampu, at saka niya idinilat muli ang mga mata.
Doon niya nakita ang isang lalaking nakatayo sa harap niya. Dahil nakayuko, ang maong na pantalon nito ang una niyang nakita. Mahahaba ang mga biyas nito, kaya halata ang katangkaran ng lalaki.
Dahan-dahang umangat ang paningin ni Kit, at doon niya nasilayan ang katawan nito na nangingintab na sa pawis. Napalunok siya sa nakikita. Tila diyos ito na bumaba mula sa Mount Olympus para bisitahin ang isang mortal na kagaya niya. Perpekto ang katawan nito, lalo na ang abs at ang pecs nito na naging kaaya-ayang tingnan dahil sa pawis. Nasa balikat nito ang isang puting t-shirt na sa hula ni Kit ay hinubad ng lalaki dahil sa sobrang init.
Nang dumako ang mga mata niya sa ulo ng binata ay lalo siyang namangha. Kahit bahagyang magulo ang buhok nito ay ang guwapo-guwapo pa rin. Matangos ang ilong nito, at mas makinis pa yata sa kutis niya ang mamula-mula nitong balat. Light brown ang kulay ng mga mata nito, may mahahabang pilikmata, at perpektong pares ng mga kilay. Mukha itong masungit at strikto, at nakatingin ito sa kanya na parang naghahamon ng away.
Kit held her breath, at ramdam niya ang pag-iinit ng pisngi niya. Pahiyang-pahiya siya dahil nahuli siya ng lalaki na nakatitig. Akala niya ay susungitan siya ng lalaki, pero bigla na lamang itong ngumisi, isang nakakaakit na ngisi na lalo pang nagpatingkad sa kagwapuhan nito, at doon na mas tumindi ang pamumula ni Kit.
Sa sobrang hiya, nagtatakbo na lamang si Kit papunta sa elevator. Nahuli niya akong nakatitig sa kanya! Shet! Nakakahiya ka talaga, Kristina!
“WALA ka na bang balak umuwi sa bahay natin, Kuya?” tanong ni Aivi habang tinitingnan ang mga malalaking kahon sa loob ng condominium unit ng nakatatandang kapatid na si Aiden. Sinadya niya muna ang kuya bago pumasok sa trabaho. Itinulak muna ni Aiden ang sofa sa gusto niyang pwesto nito bago niya binalingan ng tingin ang kapatid, “To be honest, ayoko nang umuwi sa atin. I don’t like it there anymore. Hindi ko magawa ang mga gusto ko. At least kapag may sarili na akong condo unit, may kalayaan na akong gawin ang mga trip ko.” Sumimangot si Aivi, “So iiwan mo ako dun? Hahayaan mo na lang ako sa bahay na yun?” “Kung ayaw mo na rin dun eh ‘di umalis ka. Hindi naman magagalit sayo si Dad eh. Mas gusto pa nga niya kung bubukod na tayo. We’re adults now, Aivi. Basta ba huwag ka lang titira dito
LATE na nakauwi si Kit, at bakas ang labis na pagod sa mukha niya. Buong araw kasi inabot ang photoshoot, pagkatapos ay may pinuntahan pa siyang event kung kaya hatinggabi na siya nakauwi. Masakit na ang katawan niya, and the only thing she wants is to rest her tired body on her soft bed. Dumiretso siya sa elevator, at isinandal niya ang likod sa pader nito. Magsasara na sana ang sliding doors nang biglang may isang kamay na lumusot sa siwang upang pigilan ito. To her frustration, ang bago niya pang kapitbahay ang pumasok sa elevator. Awkwardness at hiya ang nararamdaman ni Kit ngayong nakita niya muli ito. Kung pwede lang ay malusaw na lamang siya sa kinatatayuan niya.May kasama itong babae na nakayapos sa kanya. Mukhang galing ang mga ito sa isang bar o sa isang party, at pareho silang nakainom. Alam na ni Kit kung ano ang kahihinatnan nun, pero wala naman siyang pakialam. Kapitbahay lang
KAHIT late na natulog si Kit, maaga pa rin siyang nagising, kaya tuloy parang binibiyak na ang ulo niya sa sobrang sakit. Sumasakit kasi ang ulo niya kapag nakukulangan siya sa tulog. Agad siyang lumabas para bumili ng gamot sa pinakamalapit na drugstore, pagkatapos ay dumaan na rin sa isang kainan para bumili ng lugaw. Pagkatapos ay bumalik na siya sa condo unit para magpahinga buong araw. Sakto namang wala siyang lakad kaya pwede siyang matulog kahit gaano pa katagal. Pagpasok niya sa elevator ay bigla namang sumulpot ang kapitbahay niya na pumasok rin sa loob. Walang lakas para mairita si Kit, kaya tanging malamig na tingin lamang ang ibinigay niya sa lalaki. Hindi niya naman ugali ang maging harsh sa mga kapitbahay niya, pero hindi niya talaga basta mapapalampas ang pag-iingay nito na naging dahilan ng pagsakit ng ulo niya ngayon. Pero kahit pa nakasimangot siya a
Buong akala ni Kit ay magpapatuloy na ang katahimikan sa buhay niya, pero ilang araw lamang ang lumipas ay bumalik na naman ang dating ingay na nagmumula sa unit ni Aiden. Pinalampas niya ang unang gabing naulit ang mga ingay, pati na ang pangalawa. Subalit nang sumapit na ang pangatlong gabi ay hindi na talaga nakapagpigil pa si Kit. Napabangon siya sa higaan at galit na lumabas ng silid niya. “Humanda ka talaga sa aking malandi ka,” banta ni Kit habang sinusuot ang tsinelas niya, “Napupuno na ako sayo!” Agad siyang dumiretso sa katabing unit at pinanggigilan ang doorbell ni Aiden. “Hoy lalaki! Lumabas ka nga diyan! Napepeste na ako sa ingay ninyo! Ang kapal na nga nung pader tapos lumulusot pa rin yang mga ingay ninyo papunta sa kwarto ko?! Ayaw niyo talagang papigil, ano?!” Maswerte siya at silang dalawa lamang ang occupants sa floor na iyon, kaya walang dahilan para maeskandalo sila. Mukhang umepekto naman ang pag-iingay ni Kit para mapalabas si Aiden. Nang
Buong akala ni Kit ay magpapatuloy na ang katahimikan sa buhay niya, pero ilang araw lamang ang lumipas ay bumalik na naman ang dating ingay na nagmumula sa unit ni Aiden. Pinalampas niya ang unang gabing naulit ang mga ingay, pati na ang pangalawa. Subalit nang sumapit na ang pangatlong gabi ay hindi na talaga nakapagpigil pa si Kit. Napabangon siya sa higaan at galit na lumabas ng silid niya. “Humanda ka talaga sa aking malandi ka,” banta ni Kit habang sinusuot ang tsinelas niya, “Napupuno na ako sayo!” Agad siyang dumiretso sa katabing unit at pinanggigilan ang doorbell ni Aiden. “Hoy lalaki! Lumabas ka nga diyan! Napepeste na ako sa ingay ninyo! Ang kapal na nga nung pader tapos lumulusot pa rin yang mga ingay ninyo papunta sa kwarto ko?! Ayaw niyo talagang papigil, ano?!” Maswerte siya at silang dalawa lamang ang occupants sa floor na iyon, kaya walang dahilan para maeskandalo sila. Mukhang umepekto naman ang pag-iingay ni Kit para mapa
“ANONG oras ba balak dumating ng model natin ngayong araw? 8 AM ang call time, hindi ba? It’s freaking 9 AM! I don’t have the whole day to wait for him!” naiinis na sabi ni Kit. Ayaw na ayaw niya kasing pinaghihintay siya, lalo na kapag related sa trabaho ang gagawin. “Sorry talaga, Kit…” paghingi ng paumanhin sa kanya ng manager ng modelong hinihintay nila, “Tinatawagan ko na rin naman siya eh. Nagriring pero hindi niya lang talaga sinasagot.” Kit gave him a glare, “Wala akong pakialam kung nagriring ang phone niya o hindi. Ang importante sa akin, kung magpapakita pa ba siya dito! Ayokong magsayang ng oras ko!” “P-papunta na siya, Kit. Huwag kang mag-alala – “ “Whatever,” galit na untag ni Kit bago lumabas ng studio at dumiretso ng banyo. Hindi ugali ni Kit ang tumanggi sa trabaho, pero kung binigyan lamang ng pagkakataon ay tinanggihan niya na sana ang photoshoot na ito. Napili kasi siyang maging photographer
PAG-UWI ni Kit, sakto namang nakasabay niya muli si Aiden sa elevator. Kaya lang, may kausap ito sa phone kaya hindi siya nito kinausap at inistorbo. Bahagyang nakahinga nang maluwag ang dalaga, lalo na’t masyado siyang stressed at pagod para makipagtalo at mainis kay Aiden. But somehow, parang nadisappoint si Kit na hindi siya pinapansin at kinukulit ng lalaki. Pakiramdam niya ay namimiss niya na ang ingay at ang ngiti nito. Madaldal kasi ito at makwento, at kahit pa hindi siya sumasagot madalas ay nakikinig naman siya sa mga sinasabi ng lalaki. Hindi naman siya bingi. Teka nga… Bakit ba ganito ang iniisip ko? Ano ba yan, Kristina! Nababaliw ka na ata. Bakit mo naman namimiss ang kakulitan ng playboy na yan? Napapikit at umiling-iling na lamang si Kit na para bang sinesermunan niya ang sarili sa loob ng isipan niya. Huminga siya nang malalim at itinuon na lamang ang tingin sa sliding doors ng elevator. Hindi niya na lamang papansinin ang binatang kasama. Pagkalabas ng elevator ay
DUMAAN si Kit sa isang convenience store para bumili ng alak. Balak niya sana itong inumin sa condo unit niya, pero nang makita niya ang text ng ina na hinihintay siya nito roon para makapag-usap sila ay nagdesisyon na lamang siyang inumin ito sa isang park na nasa tapat lang ng condominium building. Kung sakaling malasing siya, madali lang siyang makakauwi. Sigurado naman siyang aalis rin ang nanay niya maya-maya, kaya hihintayin niya na lang na iwan nito ang condo unit niya. Dahil ayaw niyang uminom nang mag-isa, tinawagan niya ang bestfriend na si Mikka. “Mikka…” ani Kit habang sinisimulan na ang pag-inom. “Napatawag ka ata. May kailangan ka ba?” tanong ng kaibigan niya mula sa kabilang linya. “Samahan mo nga akong uminom.” “Uy, iinom ka? Bakit? Anong nangyari? Hoy bruha ka, tigilan mo nga yan! Nasaan ka ba?” bakas sa tinig ni Mikka ang pag-aalala. “Nasa park. Sa tapat ng condominium,” tugon ni Kit bago muling uminom mula
TALAGANG sumugod si Kit sa venue ng presscon ni Aiden. Nakasuot siya ng hoodie at shades para hindi siya makilala ng media at ng mga fans ng binata na naroon din. Pagdating doon ay kanina pa nagsisimulang magtanong ang press kay Aiden. Napangiti si Kit habang pinagmamasdan ang binata. He looked handsome and dashing as usual, pero bakas ang lungkot sa mga mata nito. Kinagat niya ang pang-ibabang labi. Alam niyang siya ang dahilan ng lungkot na iyon, at gusto niyang makabawi sa binata sa ginawa niyang pag-iwan dito sa ere. “So Aiden…” sabi ng isang reporter, “Gusto lang namin talagang makumpirma, once and for all… Ano ba talaga ang meron sa inyo ng photographer na si Kit Ramirez?” Biglang nagbulungan ang mga tao sa loob, at nakakarinig rin ng mga nega
Nang malaman ni Aiden na umalis si Kit sa condo unit nito ay wala na siyang nagawa. Hindi niya naman masisisi ang dalaga sa paglayo nito.Dahil sa sobrang pagkamiss sa dalaga ay tinungo niya ang bakante nitong unit. Natatandaan niya pa ang password ni Kit, kaya pumasok na siya agad sa loob. Dumiretso siya sa kwarto ng dalaga, at nakapikit niyang ibinagsak ang katawan sa kama nito. Kahit papaano ay alam na ni Aiden na madidiskubre rin ng lahat ang tungkol sa kanila, kaya hindi na nagulat pa ang binata nang bigla na lamang bumitaw si Kit sa kung anuman ang namumuo sa pagitan nilang dalawa. Hindi siya galit, at sa halip ay nasasaktan siya para sa babaeng minamahal dahil alam niyang doble ang sakit na nararamdaman nito ngayon.Nagmulat siya ng mga mata nang marinig ang tunog ng cellphone niya. Nang makitang ang kapatid na si Aivi ang tumatawag ay bumuntong-hininga muna siya bago iyon sagutin.“O, Aivi. Napatawag ka. Ma
MAGMULA noong kumalat ang balita tungkol sa namamagitan sa kanilang dalawa ni Aiden, walang araw na hindi ginulo si Kit ng mga fans nito. Kung hindi siya binubully sa social media ay pinapadalhan naman siya ng mga ito ng patay na daga, basura, at kung anu-ano pang nakakadiri. Malaki rin ang naging epekto nito sa trabaho niya. Marami ang umiwas na mag-hire sa kanya, dahil sumusugod ang mga galit na fans ni Aiden para lang i-harass at guluhin siya. Maswerte lamang talaga siya at kapitbahay niya si Aiden at mahigpit ang security sa tinitirhan nila, kaya hindi basta nakakapunta ang mga fans ng binata sa kanilang condo unit. Pero kahit ganoon ay binabagabag pa rin si Kit ng mga ito sa pamamagitan ng pagtawag at pagtetext sa kanya ng masasakit na salita. Binoblock niya naman ang mga ito, pero sadyang hindi ata nauubusan ng mga magagamit na phone number ang mga fans ni Aiden.
MAGMULA noong magtapat siya ng nararamdaman para kay Kit, pakiramdam ni Aiden ay mas nagkaroon ng direksyon ang buhay niya. Kung dati ay panay ang pakikipag-flirt niya sa kung sinu-sinong babae, ngayon ay kay Kit na lamang nakatuon ang kanyang oras at atensyon. At dahil espesyal si Kit sa lahat ng mga babaeng nakilala niya, sa kauna-unahang pagkakataon ay talagang naghirap at nag-effort ang isang Aiden Lazaro para sa isang babae. Dagdag challenge pa ang fact na si Kit ang babaeng iyon, at hindi ito kagaya ng ibang mga babae na nakilala niya, that is why she deserves special attention. Pero para maging kumpleto na ang pagseseryoso niya sa babae, kailangan niya nang baguhin ang lifestyle na meron siya. Magmula
AFTER NG PHOTOSHOOT ay nagkaroon ng party ang mga kasamahan ni Kit sa hotel kinagabihan, para naman i-celebrate ang ilang linggong paghihirap nila para sa photobook ni Aiden. Sumaglit lamang doon si Kit, at agad ding umalis sa party. Hindi kasi niya hilig iyon. Kung hindi lang nature ng trabaho niya ang makipag-interact sa napakaraming klase ng nilalang ay talagang magkukulong lamang siya sa unit niya buong araw.Para makatakas sa ingay ng party, pumunta si Kit sa beach kung saan nila kinunan ang photoshoot. Mas gusto niyang tumambay doon dahil tahimik at walang mang-iistorbo.Nang makarating siya doon ay laking gulat niya nang madatnan niya si Aiden na nakaupo sa buhangin habang umiinom mula sa isang lata ng beer. Hindi mapigilang mapangiti ni Kit dahil sa nakita. Kanina lamang kasi ay nakita niya ang binata sa party, kaya talagang nagtataka siya kung paano ito nakarating doon.“Bakit andito ka?” tanong ni K
HULING LINGGO na ng shoot para sa photobook ni Aiden, kaya tumungo sina Kit sa huling location na kailangan nilang puntahan – ang Talisayin Cove sa Zambales, na ilang oras ang layo mula sa Metro Manila.Nauna nang pumunta doon si Aiden, kaya nakalusot si Kit sa pangungulit ng binata at sa pambubuyo ng mga kasamahan nila. Iyon nga lang, nakaramdam ng disappointment ang dalaga dahil hindi niya nakita ang binata paglabas niya ng condo unit, pero ipinagkibit-balikat niya na lamang iyon. Ilang oras din ang naging byahe nila bago nakarating sa location ng huling photoshoot. Nagdesisyon silang magcheck-in muna sa isang hotel, bago magtungo sa mismong cove. Wala silang balak magtagal doon, lalo na’t minamadali ng agency ni Aiden ang pag-produce ng photoshoot.&n
NASA kalagitnaan sila ng photoshoot noong mga oras na iyon nang biglang sumugod ang head ng modelling agency ni Aiden na si Miss Amelia Tiu sa studio. Mukha itong nagpupuyos sa galit nang makita ito ni Kit na pumasok doon. Lumapit si Mikka kay Kit, “Bes, break daw muna. Kailangan lang kausapin ni Miss Tiu si Aiden.” Aangal sana si Kit dahil gusto niya nang matapos ang photoshoot, pero mukhang importante ang pag-uusapan nito at ni Aiden, kaya hinayaan niya na lang. “Guys, break muna tayo,” ani Kit bago uminom ng tubig, “Aiden, kakausapin ka ata ng manager mo pati ng head ng agency ninyo.”&nb
NAPANGITI na lamang si Aiden habang naaalala ang itsura ni Kit nang sabihin niyang kamahal-mahal ito. All his words are sincere, at alam niyang naapektuhan din ang dalaga sa mga sinabi niya. Aminado siyang gusto niya ang dalaga, kung kaya kahit pa lagi siyang tinatarayan nito ay okay lang sa kanya. Hindi siya sanay na tinatrato nang ganoon ng mga babae, pero kung si Kit ang gagawa ay okay lang. Handa siyang magpakamasokista, at kakayanin niyang tiisin ang mga pagsusungit ng kapitbahay, masilayan lamang ito.Halos umabot na sa tenga ang ngiti ni Aiden habang nakatingin sa kisame at nakahiga sa malambot niyang kama. Yakap niya ang unan na ginamit ni Kit noong matulog ito sa unit niya. Para siyang timang na inaamoy ito, lalo na’t naiwan doon ang mabangong amoy ng buhok ni Kit. How he wished he could smell that straight from her soft-looking hair.Somehow, ipinagpasalamat rin ni Aiden na nasiraan ng sasakyan ang dalaga nang madatnan niya i
Napaupong muli si Kit sa tabi ng binata. “Yun naman pala eh. So ano nga, bakit ka naging playboy?”“Frankly, hindi ko rin alam…” pagsisimula ni Aiden, “But it all started when I was in my last year in high school, nung iniwan kami ng Mommy ko. Nung panahong iyon, hindi pa maayos ang financial status namin kasi hindi pa okay ang business ng tatay ko. Dahil hindi maibigay ni Daddy ang mga gusto niya, iniwan siya ng magaling kong nanay para sa ibang lalaki.“Hindi na ako bata para hindi maintindihan ang mga nangyari noong mga panahong iyon. Nagalit ako sa nanay ko. I hated her because she left us for some man na naibibigay ang mga luho niya. Pinabayaan niya kami nina Daddy at ni Aivi para lang sa sarili niyang kagustuhan…” napansin ni Kit ang pagkuyom ng mga kamao ni Aiden. “Dahil sa kanya kaya isinubsob na lamang ni Daddy ang sarili niya sa trabaho. It was hard for us… For ou