Kinabukasan, nagising si Lila na may kabuntot na kalituhan sa kanyang isipan. Masakit ang ulo mula sa kakaisip, at ang kanyang mga mata ay mabigat. Laging ganito—magulo ang kanyang mga thoughts, parang may kumakalabit sa kanya, ngunit hindi niya kayang sagutin.Siya lang mag-isa, at puno ng tanong. Naisip niya na kahit anong gawin, kailangan pa rin niyang harapin ang mga bagay na naiwan niyang hindi nasabi kay Ethan. Ngunit may ilang bagay pa siya na kailangang ayusin sa kanyang sarili bago ito magawa.Agad niyang dinala ang mga gamit sa opisina at naglakad patungo sa parking lot. Hindi siya sigurado kung paano sasabihin kay Ethan ang mga nararamdaman niya. Napagpasyahan niyang puntahan siya sa apartment nito—maging direkta na. Hindi siya magtatagal doon, pero kailangang gawin ito.Habang nagmamaneho patungong apartment ni Ethan, naiisip ni Lila na baka hindi pa siya handa na makita siya sa ganoong kalagayan, ngunit ang pakiramdam na hindi siya makaalis sa mga tanong na iniwan sa kani
“Lila...” tawag ni Ethan sa pangalan niya ng tahimik ngunit taos-puso. Parang may bigat sa boses niya, na para bang matagal na niyang pinigilan ang lahat ng nararamdaman.“Gusto ko sanang makipag-usap,” nagsimula si Lila, ang boses niya ay halos pabulong.Tumabi si Ethan sa pinto at pinapasok siya. “Sige. Gusto kong marinig ang sasabihin mo.”Napansin niya ang katahimikan sa loob ng apartment. May kakaibang pakiramdam ng emptiness, katulad ng nararamdaman niyang pagkakalungkot sa loob. Naglakad siya papasok at huminto sa sala, bago niya tinignan si Ethan na nakatayo ilang hakbang ang layo mula sa kanya, ang kanyang postura ay matigas ngunit naghihintay.“Pinag-isipan ko ang lahat ng pinagdaanan natin. At, Ethan...” napahinto si Lila, kinakalap ang lakas ng loob. “Handa akong subukan ulit. Pero may ilang bagay tayong kailangan ayusin.”Nagulat si Ethan, at ang mga mata niya ay lumaki. “Ibig mong sabihin... susubukan pa natin ulit?”Tumango si Lila. “Oo, pero may mga hangganan. Kailanga
Huminga ng malalim si Lila habang tinitingnan si Ethan na nakaupo pa rin sa sofa, ang mga mata nito ay malambot ngunit puno ng halong pag-asa at kalituhan. Ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa ay tila mas mabigat kaysa kailanman, ngunit alam niyang kailangan niyang manatili sa kanyang composure."Kailangan mong magpahinga, Ethan," sabi niya, ang boses niya ay malambot ngunit matatag. "Pupunta ako sa trabaho mamaya. Babalik ako pagkatapos ng ilang oras, okay?"Tumingin si Ethan sa kanya, ang ekspresyon ay seryoso ngunit mahinahon. Dahan-dahang tumango siya. "Naiintindihan ko. Magpapahinga ako. Nangako ako."Nakatayo si Lila sa harap niya ng ilang sandali, ang mga mata niya ay tinatansya siya, parang gusto niyang tiyakin ang sarili. Nag-set siya ng mga hangganan, at ngayon, kailangan niyang sundin ang mga iyon—kahit na mahirap."Salamat sa pagiging nandiyan," bulong ni Ethan habang tumayo siya at niyakap siya ng mabilis, ngunit puno ng kahulugan. "Malaking bagay sa akin ito."Niyaka
Habang naglilinis ng pinagkainan, si Lila ay nakaramdam ng kaunting pagod. Ang buong araw ay puno ng emosyon—mula sa pag-uusap kay Ethan hanggang sa simpleng bonding nila ni Mia.Ang mga simpleng bagay, tulad ng paglalaro ng dolls o paggawa ng pasta ay nagbigay sa kanya ng kaunting ginhawa mula sa mga kumplikadong sitwasyon. Ngunit hindi pa rin mawala sa kanyang isip ang mga tanong tungkol kay Ethan.Paano nila malalampasan ang lahat ng ito? At paano niya magagampanan ang kanyang mga responsibilidad bilang ina at bilang fake partner?Habang siya'y naglalakad sa kusina upang iligpit ang mga pinagkainan, narinig niyang tinatawag siya ni Mia mula sa sala. "Mommy! Come here!"Pumasok siya sa sala at nakita si Mia, nakaupo sa sahig at hawak ang isang malaking mangkok ng popcorn. "Mommy, popcorn! Let's eat!" Ngumiti si Lila at lumapit kay Mia. "Ano, gusto mo pang mag-popcorn?" tanong niya na may biro sa tinig."Opo! Lagi!" sagot ni Mia na may kagalakan sa mga mata.Nagtulong silang magtapon
Maagang nagising si Lila kinabukasan. Habang nakahiga pa sa kama, narinig niyang bumukas ang pinto ng kwarto ni Mia. Hindi nagtagal, bumungad ang munting boses ng kanyang anak."Mommy!" Masayang sigaw ni Mia habang lumalapit ito sa kama niya. "Ikaw po maghahatid sa akin sa school, di ba?"Napangiti si Lila at hinila si Mia sa tabi niya. "Oo naman, anak. Ako ang maghahatid sa'yo," sagot niya habang hinahaplos ang buhok nito."Yehey! Mas masaya 'pag si Mommy kasama ko!""At alam mo ba?" dagdag ni Lila. "Next time, magbabakasyon tayo sa nature park. Hindi na tayo agad uuwi. Magtatagal tayo roon para mas ma-enjoy natin."Lalong lumiwanag ang mga mata ni Mia. "Talaga po? Totoo 'yan, Mommy?"Tumango si Lila. "Pangako ko 'yan, anak."Napayakap si Mia sa kanya. "Thank you, Mommy! Ang saya-saya ko po!"Matapos ang kanilang maikling pag-uusap, sabay silang bumangon at naghanda para sa araw. Tinulungan ni Lila si Mia sa pagbibihis at paghahanda ng kanyang gamit. Pagkatapos ng agahan, isinakay ni
Pagkalipas ng ilang oras matapos umalis ng kanyang ama, nanatili si Lila sa kanyang opisina, abala sa pagtapos ng mga natitirang gawain. Subalit, nang malapit na siyang mag-clock out para sa lunch break, bumukas ang pinto at tumambad sa kanya si Daniel, may dalang dalawang lunch box sa kanyang mga kamay."Hey, Lila," bati niya habang papalapit. "Sakto, magla-lunch ka na, di ba? Naalala kong hindi ka madalas kumain ng maayos kapag busy ka kaya naisip kong dalhan ka ng pagkain."Napangiti si Lila sa kabutihang-loob ni Daniel. "Salamat, Daniel. Tama ka, kanina ko pa nakakalimutan na mag-lunch. Sige, sabay na tayong kumain."Inilapag ni Daniel ang mga lunch box sa mesa at binuksan ang isa. "Niluto ‘to ni Mom. Sabi niya, nagustuhan daw niya noong dumalaw tayo noong isang gabi. Ang saya nila, lalo na si Dad, kasi matagal na rin silang hindi nakakapag-entertain ng bisita lalo na ikaw yung nakita nila."Habang kumakain, tumango si Lila. "Masaya nga sila noong pumunta tayo. Ang bait ng parents
Matapos nilang magtanghalian, kinuha ni Daniel ang isang lata ng cola mula sa dala niyang paper bag at iniabot ito kay Lila."O, pahinga ka muna at mag-enjoy kahit sandali," aniya habang inaabot ito sa kanya.Kinuha iyon ni Lila, bahagyang nakakunot ang noo. "Bakit parang ang bait mo ngayon?"Napangiti si Daniel at saka bumuntong-hininga. "Kasi aalis na ako. May flight ako in an hour. Tatawagan kita mamaya pagkalapag ko."Nagulat si Lila sa sinabi nito. "Hah? Bakit mo naman ako kailangang i-update?"Napataas ang isang kilay ni Daniel habang nakatingin sa kanya. "Lila, mag-jowa na tayo, kahit na sikreto lang. So, syempre, importante ‘yon. Dapat nag-uusap tayo."Napipi si Lila, hindi alam kung paano sasagot. Sa halip, tinitigan lang niya ito habang pinoproseso ang sinabi ng lalaki. Maya-maya pa, lumapit si Daniel at marahang hinalikan siya sa noo. "Ingat ka palagi, ha? Sige, aalis na ako."Napatulala si Lila habang nakatingin kay Daniel na kumakaway habang lumalabas ng opisina. Hindi si
Nang matapos si Ethan sa pagluluto, inayos niya ang hapag-kainan at inilagay ang mga niluto niya sa mesa. May chicken soup, stir-fried vegetables, at isang malaking plato ng rice."Halika na, Lila. Kumain na tayo, huwag ka mahiya kumain, my love," tawag niya habang inaayos ang upuan para sa kanya.Lumapit si Lila ngunit agad na nagtaas ng kamay bilang pagtutol. "Ethan, pasensya na, pero hindi ako pwedeng kumain ng marami. Kakain pa kami ni Papa mamaya. Ayoko namang mabusog na bago pa kami mag-dinner."Ngumiti si Ethan, pero kita sa mata niyang hindi siya sang-ayon. "Kahit konti lang? Alam kong abala ka sa trabaho at minsan nakakalimutan mong kumain. Ayoko namang magutom ka."Napabuntong-hininga si Lila at napaupo. "Sige, konti lang talaga, ha?"Ngunit sa pagdaan ng ilang minuto, napansin niyang tila hindi "konti" ang binigay sa kanya ni Ethan. Nilagyan nito ang kanyang plato ng maraming pagkain, halos hindi na niya alam kung paano uubusin ang lahat."Ethan," protesta niya, "sabi ko ko
Napasinghap si Lila at napatingin kay Geo. Isang pamilyar na takot ang bumalot sa kanya habang hinahawakan niya nang mahigpit ang cellphone."Sino ka?" tanong niya, kahit pa sa loob-loob niya ay parang may ideya na siya kung sino ang nasa kabilang linya.Isang mapanuksong tawa ang narinig niya bago sumagot ang boses. "Hindi mo ba talaga ako naaalala, Lila? Sayang naman. Akala ko hindi mo ako makakalimutan."Napakagat-labi siya at napahinga nang malalim. Masyado pang maaga para gumawa ng konklusyon, pero hindi niya mapigilan ang kaba sa dibdib niya."Anong kailangan mo?" malamig niyang sagot.Pero bago pa sumagot ang nasa kabilang linya, bigla na lang naputol ang tawag. Napatingin siya sa cellphone niya at nakita niyang wala nang signal. Isang masamang pakiramdam ang gumapang sa kanyang katawan."Anak, sino 'yon?" tanong ni Geo, halatang nag-aalala.Pilit na pinakalma ni Lila ang sarili bago ngumiti nang pilit. "Wala, Tay. Prank call lang."Hindi sumagot si Geo, ngunit halata sa kanyan
Habang nakahiga pa rin si Lila sa kama ng ospital, isang katok ang pumuno sa katahimikan ng silid. Agad na napalingon si Geo at si Lila sa pintuan. Ilang sandali pa ay bumukas ito at pumasok ang isang pulis na nakauniporme."Magandang hapon po," bati ng pulis habang lumapit sa kanila. "Ako si PO3 Ramirez. Kailangan na po naming kunin ang opisyal ninyong pahayag tungkol sa aksidente. Handa na po ba kayo?"Napatingin si Lila kay Geo bago dahan-dahang tumango. Alam niyang hindi niya ito maiiwasan. Kailangang maisaayos ang lahat, hindi lamang para sa sarili niya kundi para na rin sa kapakanan ng anak niyang si Mia."Sige po," sagot niya nang may bahagyang kaba sa tinig.Umupo si PO3 Ramirez sa tabi ng kama at inilabas ang isang maliit na notebook at ballpen. "Maaari niyo po bang ikuwento sa amin nang detalyado kung ano ang nangyari noong araw ng aksidente?"Huminga nang malalim si Lila bago nagsimula. "Noong araw na iyon, galing ako sa trabaho. Medyo pagod ako, pero kailangan kong dumaan
Habang nakahiga pa rin si Lila sa kama ng ospital, nanatiling tahimik si Geo sa tabi niya. Alam niyang may bumabagabag sa anak niya. Hindi lang ito tungkol sa aksidente o sa trabaho. May mas malalim pang dahilan kung bakit tila pasan ni Lila ang mundo."Papa..." Mahinang tawag ni Lila sa kanya.Lumingon si Geo at hinawakan ang kamay ng anak. "Ano iyon, anak?"Napabuntong-hininga si Lila bago nagsimulang magsalita. "Nahihirapan na ako. Hindi ko alam kung paano ko iha-handle ang oras ko. Parang hindi ko na kaya."Muling hinigpitan ni Geo ang hawak sa kamay niya. "Anak, sabihin mo sa akin ang totoo. Ano ba ang bumabagabag sa iyo?"Napakagat-labi si Lila, pilit na pinipigil ang luhang gustong bumagsak mula sa kanyang mga mata. "Papa, hindi ko na alam kung paano ko ibabalanse ang lahat. Ang trabaho ko, ang buhay ko, si Mia... Lahat parang sabay-sabay na bumabagsak sa akin. Pakiramdam ko hindi ko na nagagampanan nang maayos ang pagiging ina ko kay Mia."Napuno ng sakit ang mga mata ni Geo n
Habang nakahiga pa rin si Lila sa kama ng ospital, lumapit si Geo at maingat na hinawakan ang kamay niya."Lila, hindi ka maaaring bumalik sa trabaho sa loob ng isang buwan, o mas matagal kung kinakailangan. Kailangan mong magpahinga at alagaan ang sarili mo."Napakurap si Lila at agad na umiling. "Papa, hindi puwede! Kailangan kong bumalik sa trabaho. Marami pa akong kailangang gawin—""Anak, hindi mo kailangang magmadali. Ang kumpanya ay hindi kasing-importante ng kalusugan mo," putol ni Geo sa kanya, halatang hindi siya papayag sa pagtutol ng anak. "Mas mahalaga ka kaysa sa kahit anong negosyo."Napabuntong-hininga si Lila. "Papa, hindi lang naman tungkol sa kumpanya ito. Kailangan kong kumita. Hindi ko kayang umasa lang—""Kung pera ang iniisip mo, kaya kitang bigyan ng kahit ilang milyon sa isang araw, anak. Hindi mo kailangang magtrabaho ng ganito." Malumanay ngunit seryoso ang tono ni Geo.Umiling si Lila, kita sa kanyang mukha ang pagtutol. "Ayoko, Papa. Hindi ko gusto na kumi
Dahan-dahang iminulat ni Lila ang kanyang mga mata. Malabo ang kanyang paningin, at tila mabigat ang kanyang buong katawan. May naririnig siyang mahihinang tunog ng kutsilyo at plato na nagbabanggaan. Pumikit siya sandali bago muling dumilat."Gising na siya!" Isang pamilyar na boses ang narinig niya. Napatingin siya sa paligid—nasa loob siya ng kanilang bahay. Sa tabi niya, nakaupo si Daniel na may hinihiwang prutas sa maliit na lamesa. Hindi nagtagal, bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang ama, si Geo."Anak... Salamat sa Diyos!" Napalapit agad si Geo sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay."Saan ako...?" mahinang tanong ni Lila habang iniikot ang paningin sa paligid.Agad na sumagot si Daniel, "Nasa bahay mo. Ligtas ka na."Napasinghap si Lila. "Bahay...?" Biglang bumalik sa kanya ang mga alaala—ang aksidente, ang pagsabog, at ang pakiramdam na parang mamamatay na siya. Nanginginig ang kanyang kamay habang mahigpit na hinawakan ang kumot.Napansin iyon ng kanyang ama at agad siy
Lumalakas ang kabog ng dibdib ni Lila habang pilit niyang inaabot ang kanyang cellphone. Nanginginig ang kanyang mga daliri habang sinusubukang tanggalin ang seatbelt na tila mas lalong humihigpit sa kanya. Ang amoy ng gasolina ay lalong sumisidhi, sumasakal sa kanyang lalamunan."Tulong! May tao ba diyan?" Pilit niyang isinigaw, pero sa gitna ng dilim at katahimikan ng lugar, tila wala siyang naririnig na ibang tunog maliban sa sariling hingal.Nagpapanic na siyang hanapin ang kanyang cellphone, iniikot ang kanyang tingin sa loob ng sirang sasakyan. Hanggang sa, sa wakas, natagpuan niya ito—nakaipit sa pagitan ng upuan at ng dashboard. Halos mapaiyak siya sa pag-asa habang mabilis itong kinuha.Nang biglang tumunog ang cellphone niya. Nanginig ang kanyang kamay nang makita ang pangalan sa screen—Ethan.Mabilis niyang sinagot ang tawag. "E-Ethan...!" nanghihinang sambit niya, habang may kasamang luha ang kanyang boses."Lila? Nakauwi ka na ba? Kanina pa kita tinatawagan," nag-aalalang
Habang binabaybay ni Lila ang madilim na kalsada pauwi, hindi niya maiwasang balikan ang mga nangyari kanina sa bahay ni Ethan. Ang tawa, ang kasiyahan, at ang mga saglit na parang bumalik sila sa dati. Ngunit sa kabila nito, may bumabagabag pa rin sa kanya.Alam niyang hindi niya maitatago nang matagal ang lihim na hawak niya.Bigla siyang napapitik sa manibela nang may isang pigura na lumitaw sa harapan ng kanyang sasakyan. Mabilis niyang inapakan ang preno, at ang matinis na tunog nito ay bumasag sa katahimikan ng gabi. Kasabay ng paghinga niya ng malalim, nakita niya kung sino ang biglang sumulpot—si Sophia.Wasak ang itsura ni Sophia—gusot ang damit, magulo ang buhok, at nangingisay ang kamay habang mahigpit na hawak ang isang bote ng alak. Halata sa kanyang mga mata ang sobrang kalasingan at galit."Sophia?!" gulat na sigaw ni Lila habang mabilis na lumabas ng sasakyan. "Anong ginagawa mo rito?!"Halos hindi makatayo si Sophia. Hindi niya sinagot ang tanong ni Lila at sa halip a
Habang papalapit si Lila sa bahay ni Ethan, napansin niya ang isang tindahan sa gilid ng kalsada. Sa labas nito, may nakapatong na mga bilog at makinis na prutas—mga pakwan. Napahinto siya at napangiti nang maalala ang isang bagay mula sa kanilang nakaraan.Naalala niya kung paano sila madalas kumain ng pakwan noon, lalo na sa maiinit na hapon. Si Ethan ang madalas na naghiwa nito, at palaging may natatapon na katas sa kanyang mga daliri, na palagi nilang pinagtatawanan.Napabuntong-hininga si Lila. Bago pa siya makapag-isip ng kung ano pang dahilan para hindi bilhin iyon, lumapit siya sa tindahan at pumili ng isa. Maganda ang balat nito, tanda ng tamang pagkahinog. Matapos bayaran, nagpatuloy siya sa pagmamaneho patungo kay Ethan.Pagdating niya sa bahay nito, lumabas si Ethan para salubungin siya. Ngunit bago pa siya makapagsalita, napansin niyang may hawak din itong pakwan.Nagkatinginan sila, at ilang segundo lang ang lumipas bago sila parehong matawa."Hindi ka pa rin nagbabago,
Habang nagmamaneho si Lila, pilit niyang iniwasan ang gumugulo sa kanyang isipan. Ngunit ilang minuto pa lang ang lumipas, biglang nag-vibrate ang kanyang cellphone. Napatingin siya sa screen at agad na nanlaki ang kanyang mga mata.Si Ethan ulit.Napalunok siya at mabilis na hinanap ang earphones sa kanyang bag upang sagutin ito nang hindi kailanganing hawakan ang cellphone. Hindi siya pwedeng magpanggap na hindi niya nakita ang tawag. Huminga siya ng malalim bago pinindot ang sagot."Lila," agad na sabi ni Ethan sa kabilang linya. "Bakit mo binaba kanina?"Nanigas siya sa upuan. Hindi niya alam kung anong isasagot."Ah... pasensya na, Ethan," mahina niyang tugon. "Nagmamaneho kasi ako at bawal gumamit ng cellphone habang nasa daan."Tahimik sa kabilang linya, tila iniisip ni Ethan kung paniniwalaan ba ang kanyang dahilan."Ganun ba? Pasensya ka na kung bigla akong tumawag," sagot nito sa malumanay na tinig. "Hindi kita gustong abalahin."Napakagat-labi si Lila. May kung anong bumiga