Makalipas ang ilang buwan ng pagsubok, hindi pa rin nagkaka-anak sina Neil at Wilma. Sa bawat buwan ng kanilang pagsisikap, palaging may kaba at pag-asa si Wilma, ngunit laging nauuwi sa pagkabigo. Sa simula, hindi naging malaking isyu ito sa kanilang relasyon. Pareho nilang iniisip na darating din ang tamang panahon. Ngunit habang tumatagal, unti-unting naging mabigat ang sitwasyon para kay Wilma, lalo na’t siya ang madalas magdala ng emosyonal na bigat ng kanilang mga pagkabigo.Isang gabi, matapos muling maranasan ang pangakong nasayang, tahimik na nakaupo si Wilma sa gilid ng kama, malayo ang tingin. Hindi niya maiwasang magtanong sa sarili, "Hanggang kailan kami maghihintay? Bakit hindi pa kami binibigyan ng pagkakataon na magkaroon ng sariling anak?"Narinig niyang bumukas ang pintuan at pumasok si Neil, pagod mula sa trabaho ngunit nag-aalala sa ekspresyon ng kanyang asawa. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na niya itong nakita sa ganitong kalagayan—puno ng lungkot at kaw
Sa loob ng ilang buwan, unti-unting naramdaman ni Wilma ang malamig na agos sa pagitan nila ni Neil. Kung dati ay laging may oras si Neil para sa kanya—mga tawag, mensahe, at kahit simpleng mga yakap sa umaga—ngayon ay tila isang malaking hadlang na ang trabaho nito. Pansin ni Wilma ang pagbabago, ngunit sa una, sinubukan niyang intindihin. Alam niyang may malalaking proyekto at responsibilidad si Neil bilang CEO, ngunit sa tuwing darating ang gabi na wala ito o sa tuwing tumatawag siya na hindi sinasagot ng asawa, may kumakabog na kaba sa kanyang puso."Neil," tinig ni Wilma habang nasa hapag-kainan sila isang gabi. "Kailan ka pa ba uuwi nang maaga? Ilang linggo ka nang halos hindi na nakakauwi ng tama sa oras."Tumitig si Neil sa kanyang plato, pilit iniwasan ang mga mata ni Wilma. "May mga dapat lang talagang tapusin sa kumpanya. Alam mo na, may problema sa isang malaking kliyente, at kailangan kong mag-focus.""Palagi na lang 'yan," mahina ngunit puno ng hinanakit na sagot ni Wilm
Ang mga alaala ng kanilang masasayang sandali ni Neil ay bumalik sa kanyang isipan—ang kanilang mga tawa, ang mga pangarap na magkasama nilang binalak, ang bawat yakap na nagbigay sa kanya ng lakas. Ngunit ngayon, lahat ng iyon ay tila nagiging malalayong pangarap na lang.Nagsimula siyang magpasya. Kailangan niyang makipag-usap kay Neil. Kailangan niyang malaman kung may pag-asa pa ba ang kanilang pagsasama o kung panahon na para bumitaw. Dala ng matinding takot at pag-aalinlangan, naghintay siya ng tamang sandali.Kinagabihan, habang nag-iisa sa kanilang sala, malalim ang iniisip ni Wilma. Tahimik ang paligid, maliban sa mahinang tunog ng orasan sa dingding. Ang bawat tik-tak ay parang nagpapalala sa bigat ng kanyang nararamdaman—parang pinapaalala sa kanya na tumatakbo ang oras, ngunit tila hindi na umaandar ang relasyon nila ni Neil.Napaungol si Wilma sa sakit ng mga alaala na bumabalik sa kanya. Naaalala niya ang mga panahong masaya silang magkasama ni Neil—ang kanilang mga tawa
Kahit anong gawin nila para isalba ang kanilang relasyon, patuloy pa rin itong gumuho, lalo na't nakasadlak sila sa malaking problema. May solusyon nga, ngunit si Neil ay palaging abala. Ang matamis na samahan nila ay unti-unting napapalitan ng malamig na ugnayan. Madalas nasa business trip si Neil dahil ang Tropical Air ay nag-eexpand sa ibang bansa, at hindi ito naintindihan ni Wilma habang wala si Neil sa ibang bansa.Tahimik ang gabi, ngunit sa loob ng isang bar na paborito ni Wilma at ng kanyang mga kaibigan, buhay na buhay ang mga ilaw at musika. Napapalibutan siya ng mga kaibigan, halakhak ng halakhak, tila walang alalahanin. Ngunit sa kabila ng lahat, si Wilma ay malayo ang isip. Kaharap niya ang isang basong alak na matagal na niyang hindi nauubos, at sa kanyang puso ay isang malalim na lungkot na hindi niya magawang ipahayag.“Kumusta ka na, Wilma?” tanong ng kaibigan niyang si Trina, habang binubuhat ang isang baso ng cocktail. “Mukhang seryoso ka na naman diyan. Alam ko na
Kinabukasan, bumalik sa isip ni Wilma ang tawag ni Joshua. Hindi niya maintindihan kung bakit siya pumayag sa imbitasyon nito, pero hindi na rin niya napigilan ang sarili. Matagal na siyang nakakulong sa isang relasyong tila nawalan na ng kulay. Isang matinding kalungkutan ang naramdaman niya mula nang lumayo ang loob nila ni Neil sa isa't isa. Siguro, sa pagkakataong ito, kailangan niya ng makikinig sa kanya, at si Joshua, ang kanyang unang pag-ibig, ang siyang naroroon para punan ang kakulangan na matagal na niyang nadarama.Maliit lang ang café na kanilang pinag-usapan. Wala masyadong tao, at mukhang hindi rin gaanong kapansin-pansin ang kanilang pagdating. Parang sinadya ng pagkakataon na magtagpo sila sa isang lugar na malayo sa ingay ng mundo, isang lugar kung saan pwedeng tahimik na mag-usap ang kanilang mga puso. Tahimik na tinutunton ni Wilma ang daan patungo sa kanilang mesa. Kitang-kita niya agad si Joshua na nakaupo, nakatingin sa labas ng bintana habang hinihintay siya.N
Ang araw na iyon ay tila isa lamang sa karaniwang mga araw para kay Neil Custodio—isang negosyante at CEO ng Tropical Air, laging abala sa trabaho at walang oras para sa personal na buhay. Dahil sa dami ng proyekto at negosyong inaasikaso, halos wala nang natitira para sa kanya upang huminga. Ngayong araw, may mahalagang business meeting siya sa New York, isang makabuluhang pagpupulong para sa expansion ng kanyang airline company. Ngunit dahil sa labis na pagod at hindi maayos na pagkain, nagsimulang sumakit ang kanyang tiyan mula sa stress, at agad siyang isinugod ng kanyang assistant sa pinakamalapit na ospital—ang New York Medical Center.Habang naghihintay sa emergency room, kumakabog ang dibdib ni Neil. Hindi dahil sa sakit, kundi dahil sa labis na pag-iisip. Wala siyang oras para magkasakit! Paano na ang mga kliyente? Paano na ang mga kasunduan? Ngunit habang nakaupo siya sa waiting area, may kakaibang pakiramdam na tila bumabalot sa kanya—isang pagod na hindi kayang pawiin ng s
Habang si Neil ay naglalakad palabas ng clinic, hindi mawala sa kanyang isipan ang tila kakambal ni Alona na nakita niya kanina. Para siyang hinatak pabalik sa nakaraan, sa mga alaala nila ni Alona, sa mga hindi pa rin niya kayang kalimutan. Napakapit siya sa braso ng babae kanina, umaasang siya nga ito—ang babaeng minahal niya noon, at iniwan sa pagkakataong hindi niya pa rin maipaliwanag sa kanyang sarili.Nang bumaling ang babae sa kanya, may halong gulat at pagkalito sa mukha nito. "Who are you?" tanong ng babae, halatang naguguluhan sa di inaasahang paghawak sa kanya ni Neil.Napatigil si Neil. Nakaramdam siya ng lamig sa kanyang sikmura. Mali. Hindi si Alona ang babaeng ito. Agad siyang bumitaw at nagsalita nang mahina, puno ng pagkadismaya, “I’m sorry... I mistaken you for someone else.”Habang naglalakad siya palayo, tila ba wala siya sa sariling pag-iisip. Iniisip niya kung bakit biglang bumalik ang lahat ng nararamdaman niya kay Alona. Paano kung si Alona nga iyon? Baka naman
Habang nakaupo si Neil sa kama ng kanyang hotel room, pakiramdam niya ay parang kinukubkob siya ng lahat ng alaala at tanong na bumabalik sa kanyang isipan. Hindi niya maintindihan kung bakit ang mga batang nakita niya sa ospital ay tila ba may kakaibang epekto sa kanya—ang kanilang mga ngiti, ang kanilang mga mata, parang may pamilyar na koneksyon na hindi niya maipaliwanag. Para bang may nawawala sa buhay niya na biglang bumabalik, ngunit hindi niya ito mahagilap.Habang patuloy siyang nalulunod sa kanyang mga iniisip, biglang tumunog ang kanyang telepono. Naputol ang kanyang pagninilay-nilay at sumilip siya sa screen. Si Wilma, ang kanyang asawa, ang tumatawag. Sunod-sunod na mga missed calls at text messages ang dumating mula dito. Muli, nagiging demanding na naman ito sa oras niya.Nagbuntong-hininga si Neil at ipinagpaliban muna ang pagbasa sa mga mensahe. Sa mga nakalipas na buwan, tila nagiging mas mahirap ang kanilang relasyon. Parang mas nadarama niyang ang pagmamahal nila s