Parang lantang gulay na naka upo si Azariah sa isang stool habang malayo ang tingin at puno nang lungkot ang mga mata. Nag lalakihan din ang nangingitim nitong mga eye bags senyales na hindi ito nakatulog nang maayos.
Kung hindi pa ito tinapik sa balikat ni Paolo ay hindi ito mababalik sa sariling ulirat. Walang ganang nilingon nito ang kaibigang si Paolo na kanina pa awang awa sa kaniya. Kasalukuyan sila ngayong nasa club kong saan nag tatrabaho si Paolo bilang isang make up artist at hair stylist. Tinawagan lamang ito ni Azariah dahil kailangan niya nang makaka usap. Dahil sa hindi naman pwedeng iwan ni Paolo ang trabaho ay minabuti nitong papuntahin na lamang doon si Azariah sa pinag tatrabahoan nito. "Okay, ka lang ba girl? mukhang wala kapang tulog tignan mo 'yang mga mata mo oh" mababakas sa mukha nito ang pag aalala para sa kaibigang si Azariah. Malungkot na ngumiti si Azariah sa kaibigan. Mabuti na lamang talaga at mayroon siyang kaibigan na handa siyang damayan sa lahat nang problema niya kagaya ngayon. "Ang s-sakit pala Pao" mahinang sambit niya habang humihikbi. Kaagad namang hinagod hagod ni Paolo ang likuran nito at pilit na pinapa tahan. "Ikaw naman kasi, bakit nag titiis kapa din diyan sa asawa mo 'kong pwede mo namang iwanan. Diyos ko dhai hindi lang siya ang lalaki sa mundo ano? alam ko mas makaka hanap ka pa nang mas better kaysa don. Yung talagang mamahalin ka. Hindi yong ganito." May halong paninirmon na ani nito kay Azariah. Naikwento narin pala ni Azariah ang patungkol sa pakikipag annul nang kaniyang asawa. Sinabi nang kaibigan niya na tanggapin niya ang gusto nitong ma annul ang kasal nila. May bahagi sa puso niya na gusto nang bitawan ito pero may bahagi rin sa kaniyang pagkatao na gusto niya paring ilaban ang marriage nilang dalawa. She still have the hope, na maaayos pa ang pag sasama nilang dalawa. "Hindi naman kasi ganoon kadaling mag let go Pao" "Eh, ano? mag papaka martir ka na lang forever, ganon ba'yun? Ewan ko sa'yo dhai ha, bakit ba napaka tanga mo pag dating sa pag ibig? diyos ko ka" Anggil nito sa kaniya. Ano bang magagawa niya kong talagang mahal niya yong tao at may magiging anak sila. Kaya napaka hirap sa kaniya na ganoon na lamang ang kahihinatnan nang pamilyang pinangarap niyang buohin. "Hindi mo kasi naiintindihan e" pangangatwiran niya pa pero iningusan na lamang siya ni Paolo. "Alin ba ang hindi ko maintindihan friend? masyado kanang nag titiis sa lalaking yan. Mensan isipin mo din naman ang sarili mo at ang magiging anak mo. H'wag puro puso ang pairalin" paninirmon pa nito. Napa buga na lamang nang hangin si Azariah, hindi niya na alam kong ano pa ang pwede niyang gawin. Nasa ganoong sitwasyon sila nang may dalawang babaeng pumasok sa loob nang silid na kinaroroonan nila. "Paolo, ayusan mo na itong si Bernadette dahil susunod na siyang mag pi perform" Anang isang babae na mukhang nasa kwarenta y anyos na ang edad. Kaagad namang na upo ang nag ngangalang Bernadette sa isang silya na kaharap nang malapad na salamin. Napsulyap naman ang babaeng nasa kwarenta ang edad kay Azariah na ngayon ay tahimik na naka upo habang malalim na naman ang iniisip. "May bisita ka pala Paolo, sino ang babaeng 'yan?" Nag tatakang tanong pa nang babae. Kaagad namang binalingan nang tingin ni Paolo si Azariah na parang walang pakialam sa nangyayare sa paligid nito. "Ah, yan ba mama Sussy? si Azariah yan kaibigan ko" nakangiti namang tugon ni Paolo sa babaeng tinawag niyang mama Sussy. Napa tango tango naman ito kapag kuwan ay lumabas na nang silid. "Uy, friend saglit lang ha, kailangan ko pang pagandahin itong babaeng 'to. Stay put ka lang diyan mabilis lang ito" anito nang muling sulyapan si Azariah. Ngumiti lamang nang tipid dito si Azariah habang pinapanood ang kaibigan kong paano nitong ayusan ang babae na nag ngangalang Bernadette. Nang matapos na ito sa ginagawa ay kaagad na namang pumasok si mama Sussy para sabihing turn na ni Bernadette saktong tapos na ni Paolo ang trabaho niya. Kaya naman nag paalam ito na lalabas sandali kasama si Azariah. Hindi naman ito mahigpit kaya kaagad silang pinayagan. Kaagad silang nag tungo sa isang maliit na karinderya para kumain. Anong oras na din kasi nang mga oras na iyon at pareho nang kumakalam ang mga sikmura nila. Lalo na si Azariah dahil hindi naman siya nakapag almusal bago siya umalis kanina. Kaagad silang naupo sa bakanteng table pagkatapos nilang um-order nang pagkain. "Sana naman wala nang sumulpot na asungot" palatak na sambit ni Paolo. Hindi parin nito makalimutan ang ginawang pag sugod ni Ciara sa dati nilang kinainan noon. Napangiti na lamang si Azariah sa kaibigan. Nang mailapag na ang kanilang order ay nag simula na din silang kumain. Wala pa munang imikan sa una dahil parehong gutom ang mga ito. "So, ano nang plano mo ngayon?" tanong ni Paolo nang halos mangalahati na ang kinakain nito. Kaagad namang nag angat nang tingin si Azariah sa kaibigan. Kapag kuwan ay napa kibit balikat siya. "Ewan ko hindi ko alam, na gugulohan na din ako" "Gusto niya nang annulment hindi ba? edi makipag annul ka. I'm sure kapag nakawala ka na sa demon na iyon, baka don mo na mahanap yong the one mo" napapailing naman si Azariah matapos isubo ang natitirang pagkain. "Palagay mo kaya may lalaki pang magkaka gusto sa'kin? lalo pa't magkaka anak na ako?" "Aba'y bakit hindi? maganda ka at mabait, diyos ko dhai ang dami kayang mga lalaki ngayon na mas pumapatol na sa single mom kaysa sa mga dalaga" napatawa na lamang si Azariah sa kaibigan. Dahil halos lumabas na ang mga ugat nito sa leeg habang binibigkas ang mga salitang sinabi nito. Nang matapos silang kumain ay kaagad na ding nag paalam si Azariah na uuwi na siya. Gayundin naman si Paolo dahil nga may trabaho pa itong gagawin. Bukod sa trabaho nitong make up artist sa naturang club ay rumaraket raket din ito sa mga salon at kong ano pang mapagkaka kitaan nito. Pasado alas tres na nang hapon nang maka uwi si Azariah sa bahay nila. Kaagad namang bumungad sa kaniya ang kotse nang asawa na nasa garahe. Patunay na naroon sa loob ang kaniyang asawa. Kaagad siyang pumasok sa loob, nabungaran niya ka agad ang asawa at ang kabit nito na nasa sala. Kaagad na napa sulyap sa gawi niya ang asawa, hindi niya na sana ito papansinin pa at papanhik na siya sa silid. Kaya lang ay bigla itong tumayo at nag lakad papalapit sa kaniya bitbit ang isang malapad na papel na hindi niya alam kong ano 'yun. Samantala si Ciara naman ay prenti paring naka upo sa sofa habang may nag lalarong ngiti sa mga labi nito na pinag mamasdan ang dalawang tao sa harapan niya. Para lamang itong nanonood nang palabas. "I want you to sign this" seryosong ani sa kaniya nang asawa. Nag tataka namang tumuon ang tingin ni Azariah sa iniaabot nitong papel at ballpen. Nang makitang annulment papers iyon na gusto nitong permahan niya ay bahagya siyang umatras dito at napapa iling. "H-hindi ko pe permahan iyan" lakas nang loob na sambit niya habang sinalubong ang ma dilim na mga mata nang kaniyang asawa. Nakita niya namang nag tagis ang mga bagang nito na animo'y gusto na siyang sakmalin. "Bakit hindi? mas mabuti pang permahan mo na ito" pag pupumilit pa nito habang muling iniaabot sa kaniya ang annulment papers. Pero tinabig iyon ni Azariah dahilan para mabitawan nang asawa niya ang hawak na papel. "Do whatever you want Damon, pero hinding hindi ako peperma sa annulment" ma tigas niyang wika dito sabay talikod. Akma na sana siyang aakyat sa silid nang bigla nitong hablotin ang mahaba niyang buhok. Napa daing naman siya dahil parang matutuklap ang anit niya sa ginagawa nito. "Talagang matigas ka ha" sinampal siya nito nang ubod lakas kaya napa baling sa ibang deriksyon ang ulo niya. Humihikbi na sapo-sapo niya ang namamanhid niyang pisngi. "Bakit ba kasi ayaw mo pang permahan ang annulment niyo? umaasa ka pa ba na mag kakaayos kayo nang asawa mo?" Biglang singit naman ni Ciara na ngayon ay nasa tabi na ni Damon. Naiinis ito dahil nag mamatigas at ayaw pang pumerma nito. Inis nitong kinuha ang annulment papers na nasa sahig parin at pabalya itong ibinigay kay Azariah. "Permahan mo na!" Asik pa ni Ciara pero tinitigan lamang iyon ni Azariah kapag kuwan ay nginisihan niya ito. "Bakit ba mas atat na atat ka na permahan ko 'yan? para ba ma solo mo ang asawa ko? h'wag kanang umasa dahil kahit anong gawin mo kabit ka parin" dahil sa sinabing iyon ni Azariah ay halos mang galaiti naman sa galit si Ciara. Tila ba'y na insulto ito sa sinabi ni Azariah. Wala sa sariling tinulak niya ito. Kaagad na napa salampak sa sahig si Azariah habang sapo-sapo ang tiyan na biglaan na lamang sumakit. Mas nagulantang pa ito nang makakita siya nang pulang likido na nag lalandas sa kaniyang mga paa. 'dugo!' Mas lalong kumirot ang tiyan niya. "Ahh, ang baby ko" humihikbing ani niya habang tulirong nakatitig sa mga paang may bahid nang dugo. Bigla namang nanigas si Ciara sa kaniyang kinatatayuan. Maging si Damon ay parang na tulos ito at hindi na maka galaw. Hindi alam kong ano ang gagawin. "Tulongan niyo 'ko! ang baby ko huhu" patuloy na pag tangis ni Azariah habang nag susumamo sa dalawa na tulongan siya nang mga ito. Natauhan naman bigla si Damon at dali-daling binuhat si Azariah na patuloy parin sa pag iyak. Kaagad niya itong isinakay sa sasakyan at pinaharurot iyon patungong hospital. Ilang minuto lang ay kaagad din silang nakarating doon. Muli niyang binuhat ang asawa at itinakbo papasok sa naturang hospital. Kaagad namang inasikaso si Azariah at ipinasok sa ward. "Hanggang dito na lamang po kayo sir, kami na ho ang bahala sa pasyente" anang doktor nang tila gustong pumasok ni Damon sa loob nang nasabing ward. Nang pigilan siya nang doktor na maka pasok sa loob ay tulirong napa upo si Damon sa waiting area habang sapo ang mukha. Hindi niya maiwasang mag alala para sa bata. He knew, he'd never been a good husband to his wife. Pero ibang usapan na kapag ang anak na nila ang involved. Ilang oras din ang inilagi niya sa labas nang ward. Nag aantay kung kailan lalabas ang doktor, hindi siya mapakali sa kong ano na ang kalagayan nang dalawa. Somehow, nag sisisi siya sa lahat nang mga pag tratong ginawa niya kay Azariah, knowing that she's carrying his child. Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may masamang nangyare sa kaniyang anak. Napapadasal na siya sa puong may kapal kahit pa wala naman sa bokabularyo niya ang ganoon. He wants his child to be safe, sana si Azariah din. Maya-maya pa ay bigla siyang nag angat nang tingin at napa tayo nang biglang bumukas ang pinto nang ward at iniluwa roon ang isang doktor. "Dok, kamusta na po ang mag ina ko? yung b-bata...is the baby safe?" sunod-sunod na tanong niya sa doktor. Biglang dumagundong ang kaba niya nang seryoso lamang siyang tinitigan nang doktor na animo'y sa klase nang tingin nito ay mayroon na kaagad itong gustong ipahiwatig. "Dok, bakit di kayo nag sasalita? Is the baby safe? answer me, damn it!" Frustrated niyang ani sa doktor. Napa iling iling naman ang doktor bago nag salita. "Ligtas na ang asawa ninyo, but the baby..." sinadya nitong bitinin ang sasabihin habang si Damon naman ay halos sumabog na sa matinding kaba ang dibdib. "The baby is gone" Parang bomba na sumabog iyon sa pandinig ni Damon. Parang na bingi siya nang sabihin nang doktor ang mga salitang iyon. Hindi siya makapaniwala. Ayaw niyang maniwala na wala na ang bata. "We did everything we could, pero marami nang dugo ang nawala sa asawa mo. Hindi na namin nagawang iligtas pa ang bata and we're really sorry for it" malungkot na sambit nang doktor na nakuha pang tapikin ang braso ni Damon bago nito ito iwan doon nang naka tulala. Tila pinoproseso parin nang utak nito ang mga nangyare. Ayaw niyang tanggapin na wala na ang anak niya. It might be his fault. Kasalanan niya kung bakit nawala ang baby nila ni Azariah. He must be the one to blame. Hindi nag tagal ay pumasok na sa loob nang ward si Damon. There, she daw Azariah sleeping peacefully. Ano kaya ang mararamdaman nito sakaling malaman nito na wala na ang anak nila. For sure, mag wawala ito at kakamuhian siya, he walk slowly habang papalapit siya sa kinasasadlakan nito. Tahimik niyang tinitigan ang mukha nang asawa niya na hindi naman niya kailanman itinuring na asawa dahil sa galit niya sa ama nito. Dahil sa ama nito ay bigla siyang natali, he still wants to enjoy his life being a bachelor. Pero hindi na iyon nangyare pa nang mabuntis niya si Azariah at pinilit siya nang ama nito na pakasalan ang babae. "I-I'm sorry for all the things I've done" mahina niyang sambit dito habang pinipigilan na huwag magsi landas ang mga luhang namumuo sa kaniyang mga mata. Hindi nag tagal ay nagka malay na din si Azariah bahagya pa nga itong nagulat nang mabungran si Damon roon. "D-damon...k-kamusta ang baby ko? ligtas ba siya? wala bang masamang nangyare sa baby natin?" sunod-sunod na tanong nito habang kinakapa ang flat niyang tiyan. Hindi kaagad nagawang maka sagot ni Damon. Hindi niya alam kung papaanong sasabihin dito na hindi nagawang maka ligtas nang bata. Na wala na ang baby nilang dalawa. Dahil sa pananahimik niya ay nag bago ang ekspresyon ni Azariah, napa kunot noo ito at mababakas sa mukha ang pag-aalala. "Damon, bakit hindi ka maka sagot? ayos lang naman ang baby ko hindi ba? sumagot ka nga!" Malungkot na nag angat nang tingin si Damon doon ay malayang nag landas ang masaganang luha nito na kanina niya pa pinipigilan. "I'm sorry, p-pero w-wala...wala na ang baby" Humahagulgol na sambit niya sa hindi naman makapaniwalang si Azariah. Nagsimulang manubig ang gilid nang mga mata nito habang paulit-ulit na napapailing. Hinimas-himas pa nito nang ilang beses ang manipis na tiyan. "N-No! nag sisinungaling kalang hindi ba? buhay ang baby ko! hindi totoong wala na siya. Buhay siya buhay! nag sisinungaling ka lang" nag hehesterya na ani niya sa asawa na walang ibang ginawa kundi ang umiyak na lamang. Labis labis naman ang sakit na nararamdaman ni Azariah sa balitang nalaman niya. Ayaw niyang tanggapin ang katotohanang wala na talaga ang sanggol. Kaya nag wala siya nang nag wala sa loob nang ward. Pilit niyang sinasabi na buhay pa ang bata sa sinapuponan niya. "Buhay ang baby ko! hindi totoong wala na siya, hindi!" pinag babato nito ang lahat nang mahawakan. Pilit naman siyang pinapa kalma ni Damon pero wala itong ma gawa. "Calm down, Azariah" "Sabihin mong buhay pa ang baby ko na hindi totoong wala na siya. Sabihin mo!" Umiiyak na anito. Napa pikit na lamang nang mariin si Damon. "It's the truth, the baby is gone" "Noooo! hindi totoo yan, sinungaling ka!" Patuloy itong nag wala hanggang sa may ilang nurse ang pumasok sa ward. Sapilitan nilang tinurokan nang pampa tulog si Azariah. Naka hinga naman nang maluwag si Damon nang makita niya ang dahan-dahang pag pikit nang mga mata ni Azariah matapos itong turukan. Kaagad siyang nag pasalamat sa mga nurses na rumespondi para pakalmahin si Azariah na kanina lamang ay nag wawala. Tinitigan niya ang mukha nang asawa na ngayon ay payapa na ulit na natutulog. Hindi niya maiwasang ma awa para rito kahit pa hindi naging maganda ang trato niya dito bilang asawa. A/N: Just a lame chapter for today's upload. Don't forget to vote, comment and follow for more updates."Oh, hayan pinirmahan ko na, sana naman maging masaya na kayo" pabagsak na inilapag ni Azariah sa mesa ang annulment papers nila nang asawa matapos niya itong permahan. Tahimik naman na nakatitig lamang si Damon sa annulment papers habang si Ciara naman ay hindi maipag kakaila ang malawak na pagkaka ngisi nito. Tila ba'y tuwang tuwa ito na sa wakas ay ma a-annulled na ang dalawa.Kalalabas niya pa lamang nang hospital ay kaagad siyang umowi nang bahay para ayusin ang mga gamit niya. Ngayon na wala na ang nag iisang mag bubuklod sa pamilyang pinangarap niya ay wala na ring saysay pa na manatili siya roon. Lalo pa't matagal na siyang isinusuka nang sarili niyang asawa. Too bad, kung kailan na wala ang anak niya ay doon niya lang na realize ang worth niya bilang babae. Sana noon niya pa naisipang bitawan ang lalaking wala namang ibang ginawa kundi ang saktan siya at tapak tapakan ang kaniyang pag katao. Naging bulag siya sa katotohanan dahil sa labis niyang pagmamahal sa kaniyang
SPG ALERT! Read at your own risk. Nasa loob na nang nasabing kompanya si Azariah na kaniyang pag a-apply-an. Nag hihintay na lamang siyang ma tawag para sa kaniyang interview. Nang turn niya na ay dali-dali siyang pumasok sa loob at ibinigay ang dala-dala niyang envelope na nag lalaman nang kaniyang resume. Pagkatapos tingnan ang kaniyang resume ay nag simula na siyang interview-hin. Ilang minuto lang din naman ang itinagal nang interview na yun. Umaasa si Azariah na matatanggap siya sa kompanyang iyon. Habang nag lalakad palabas nang na turang kompanya ay hindi maiwasang makaramdam ni Azariah nang tawag nang kalikasan. Kaya naman dali-dali niyang tinungo ang comfort room. Sakto walang tao ang naroon nang pumasok siya sa loob. Binuksan niya ang isa sa mga banyo roon at dali-daling umihi. Patapos na sana siya nang makarinig siya nang mumunting ungol. Bahagya pa siyang napa kunot nang noo, pilit na inaaninag kong anong klaseng ungol nga ba ang naririnig niya. Maya-maya pa ay n
"Hello, kuya Laurence! nandito ka na ba sa manila?" Ani Mark nang sagotin niya ang caller. Kasalukuyan siyang nasa kaniyang pent house at nag sasaya kasama ang isang babaeng nakuha niya lamang sa isang sikat na bar na pinuntahan niya. It's his day off naman daw 'kuno' that's why he's making himself happy for a while. Hindi din biro para sa kaniya ang ilang mga ginagawa niya sa kompanya nang kaniyang pinsan. All the paper works, since wala pa namang secretary ang kaniyang pinsan before dahil kaka resign lamang nito. Kaya masasabi niya talagang deserve niya ding mag relax. "Yes, I'm in Manila now, actually nasa condo ko na ako. By the way, kamusta naman ang kompanya? Did you find a new secretary already?" tanong nito sa kabilang linya. "You don't have to worry about your company, man. I took care of it, just like what you have told me. About sa secretary naman, yes may nakuha na kaming bago" mahabang litanya nito. "Alright, that's good to hear then" Sambit nito bago ibinaba ang taw
"Huy! bakla" Inis na nilingon ni Paolo ang kong sino man ang tumawag sa kaniya na bakla. Pasado alas sais na nang hapon nang matapos ang trabaho niya sa pinapasokang bar. Dahil malapit lang naman ang apartment na tinutuloyan niya ay naisipan niya na lamang na mag lakad pauwi. Tipid pamasahe din iyon. "Anong sinabi mo?" Asik niya sa isang grupo nang mga kalakihan na naroon at nag iinuman sa tabi nang kalsada. Halata sa mga ito na may tama na nang alak. "Tinawag mo ba akong bakla ha?" Naka pamaywang na tanong niya roon sa isang lalaki na naka tayo at tatawa-tawa. Halatang lango na ito sa alak. "Oh, bakit na o-offend ka ba? Hindi ba't bakla ka namang talaga. Tignan mo nga iyang suot mo halos lumuwa na yang bilbil mo sa subrang iksi. Nag mukha ka tuloy si Pooh" Biglang nag halakhakan ang mga kasamahan nang lalaki. Nainsulto naman si Paolo dahil sa sinabi nang lalaking lasing. Halos umusok ang ilong niya sa subrang galit. "Aba! kong makapang lait to, ano ikina gwapo mo na ba 'yan?"
Kasalukuyang naka upo si Azariah sa sarili niyang opisina at busy sa pag sasaayos nang ilang mahahalagang papeles na kakailanganin nang kompanya. Nasa ganoon siyang sitwasyon nang may biglang lumapit na magandang babae sa desk niya. "Hi, can I talk to Mr. Laurence?" Agarang tanong nito. Nag angat naman nang tingin si Azariah sa babae. Pa simple niya itong pinasadahan nang tingin. Hapit na hapit ang katawan nito sa suot na pulang tube dress na above the knee ang haba. Putok na putok din ang labi nito dahil sa kapal nang nilagay na lipstick. "May appointment po ba kayo kay Mr. Laurence?" Tanong niya pa rito. "Wala, kailangan pa ba 'yon?" Inis na tanong nito habang ipinag cross ang mga kamay sa dibdib. "Sorry ma'am, pero hindi po___" "Can you just call Laurence, tell him nandito ako sa company niya" demanding na ani pa nito na hindi na pinatapos pa ang sasabihin ni azariah. Napapakamot na lamang sa batok si Azariah dahil mukhang makulit ang isang ito. "Kong gusto niyo pong maka
"Nandito na ako sa mall na sinasabi mo. Na saan ka na ba?" "Sandali lang ma, dinaanan ko pa kasi si Damon sa office niya. On the way na din ako papunta riyan" Sagot nang nasa kabilang linya. "Okay, bilisan mo" Sambit nito bago ibinaba ang tawag. Habang wala pa si Ciara ay naisipan muna ni Lorelie na mag lakad-lakad. Maraming tao sa mall, ewan ba niya at bakit doon naisipan nang anak niya na mag kita silang dalawa. Wala naman siyang bagay na bibilhin. Sa kaniyang pag lalakad ay hindi niya sinasadya na mabangga ang isang babae. "Naku, pasensya na" hinging paumanhin niya sa taong na bangga niya. Pero ganoon na lamang ang pag babago nang reaksyon niya nang mapagsino ang taong iyon. Galit siyang binalingan nang babae habang pinapag pagan nito ang suot na damit dahil medyo nataponan iyon nang pagkaing dala nito. "Pasensya? palibhasa kasi hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo! tatanga-tanga ka kasi. Look what you've done to my clothes. Alam mo bang mas mahal pa 'to kaysa sa buhay mo?"
Oops! SPG ALERTREAD AT YOUR OWN RISK! Humihikab pa si Ciara nang lumabas sa kanilang kwarto. Hinahanap niya si Damon, wala kasi ito sa tabi niya nang magising siya. "Hon?" Tawag niya rito nang makababa siya, she went to the kitchen already. Nag babaka sakali na baka nag luluto ito nang agahan nila. Pero malinis ang kusina at walang ni anumang bakas ni Damon ang naroon. 'Nasaan naman kaya 'yun?' Takang tanong niya sa sarili. Kapagkuwan ay natanaw niya mula sa bintana si Damon at tila ba'y napaka rami yatang tao sa labas. 'Anong meron?' Dahil sa kyuryosedad niya ay nag lakad siya papalabas. Nakita niya si Damon na kausap ang isang lalaki na medyo may katabaan. Hindi niya marinig kong ano ang pinag uusapan nila dahil medyo malayo siya sa mga ito. "Hon?" Tawag niya dito na ikinalingon naman ni Damon. Saglit itong nag paalam sa kausap na lalaki bago tumalikod at nag lakad papalapit sa kaniya. "Anong meron dito? bakit ang dami yatang tao?" Nagugulohang tanong niya rito habang nak
Pinag titinginan si Azariah nang mga kapwa niya empleyado pagka pasok niya pa lamang sa opisina. Paano ba'y suot lang naman niya ang biniling damit kahapon sa mall. Kahit na hindi niya taponan nang tingin ang mga ito ay ramdam niya ang mainit na titig nang mga ito sa kaniya. Rinig niya pang pinag bubulongan siya nang mga ito. "Nag papa impress ba siya kay sir Laurence?" "Naku, wag na siyang umasa, sa dinami-dami ba naman nang mga babaeng lumalapit kay sir na di hamak naman na mas maganda pa sa kaniya. Hindi papatulan ni sir iyan" "Oo nga, may balak siguro siyang akitin si sir kaya ganyan ang mga outfit-an niya" Iilan lamang iyan sa mga bulong-bulongan na naririnig ni Azariah mula sa mga kapwa niya trabahante. Kahit pa medyo below the belt na ang ibinabatong salita nang mga ito sa kaniya ay hinahayaan niya na lamang. Mas kilala niya ang sarili niya kaysa sa mga ito. Alam niyang hindi siya katulad nang iniisip nang mga ito sa kaniya. Kahit naman mahirap lang sila ay hindi niya uga
"So, bahay mo 'to?" Tanong ni Azariah habang marahang nag lalakad silang dalawa ni Laurence sa likod nang bahay. Maraming mga small plants ang naka display sa paligid. May mini garden din sa likod at tapat nang bahay. May iilang puno din ang naka tanim sa paligid na siyang nag ka cover up sa buong paligid nang kabahayan. Mayroon ding maliit na bahay kubo na pinasadyang gawin sa itaas nang punong mangga. May iilang mga orchid na naka sabit palibot sa hagdan nito pa akyat. "Hmm" Tipid na sagot ni Laurence, kapag kuwan ay marahan nitong hinawakan sa braso si Azariah at iginiya na maupo sa isang upoan na gawa sa kahoy. "Binili ko 'to last month, para sa bubuohin nating pamilya. Naisip ko kasi na perfect spot to para sa mga chikiting" Nakangiting ani Laurence habang dinadama ang banayad na hangin na nanunuot sa kaniyang ilong. Napangiti naman si Azariah dahil pinag hahandaan na pala nito ang future nilang dalawa. "Bakit hindi mo man lang sinabi sa'kin ang tungkol sa pag bili mo nito
Pasado alas syete na nang gabi nang ihatid sa labas nang mansion nang mga Dela Vega ni Edmond si Ciara. Napag desisyonan na din kasi nitong umowi na dahil hindi naman ito nag paalam kahit na kanino at pumuslit lamang siya sa mansion nila para makadalo sa burol ni Damon. "Uuwi ka na ba talaga? Gusto mo ipahatid na lang kita sa personal driver ko" Pag aalok ni Edmond dito. Gustohin mang i-grab ni Ciara ang opportunity na iyon ay pinigilan niya ang sarili. "H-hindi na mag ta taxi nalang ako pauwi, salamat sa alok mo" Nakangiting ani Ciara rito. "Sigurado ka ba diyan? Gabi na rin baka mapano ka sa daan buntis ka pa naman" Nag aalalang anito. Umiling lamang si Ciara habang tipid na ngumiti dito. "Hindi ayos lang ako, sige na pumasok kana sa loob baka kailangan kana doon" Pag tataboy niya na sa lalaki. "Oh, siya sige, ingat ka nalang pauwi" Tinanguan na lamang ito ni Ciara. Nang makapasok na sa loob si Edmond ay siya namang biglang pag sulpot ni Lorelie galing sa kong saan. Bigla
"So, ano na ngang nangyare sa lakad mo kagabi? Bakit umowi ka kaagad, may nangyare ba?" Pagtatanong ni Azariah kay Paolo habang nag lalakad sila palabas papuntang mini balcony nang kanilang apartment. Doon ay naupo silang dalawa habang kapwa may hawak na tasa na nag lalaman nang kape. Umayos muna sa pagkaka upo si Paolo habang inilalapag ang hawak na tasa. Kapagkuwan ay humugot ito nang marahas na hangin. "Napaka malas nang gabing iyon frenny, dapat pala hindi na lang ako nag effort na pumunta pa doon. Nakakaloka" Napapairap pa sa hangin si Paolo habang sinasabi ang mga salitang 'yun. "Bakit naman, ano ba kasi ang nangyare nang gabing 'yun?" Kyuryusong tanong pa ni Azariah dito. "Hay, naku! may girlfriend naman pala ang mokong eh, akala ko pa naman gabi na namin 'yun. Nag expect ako na date namin 'yun eh. Nag ayos-ayos pa ako, nag mukha lang tuloy akong ewan " Mahabang litanya pa ni Paolo habang pinupunasan ang gilid nang kaniyang mga mata. Naiiyak na naman siya sa kinahinatna
"Heto, po ang bayad" Masayang saad ni Paolo nang huminto ang taxi sa lugar na sinabi niya rito. Pagkatapos mag bayad ay kaagad siyang bumaba sa sasakyan. Malapad ang ngiting inilibot niya ang kaniyang paningin sa kabuoan nang lugar. Maaliwalas ito dahil sa dami nang mga lights na naka sabit sa labas. Medyo maluwag din ang nasabing lugar. Sa labas nito ay may isang mesa na medyo may kahabaan, may tela sa ibabaw at ilang kubyertos na naka patong dito. May kasama pa ngang candle. Napapalibutan ang table nang mga small candle lights at napaka raming talulot nang mga bulaklak ang naka kalat sa paligid. The place is way too romantic para sa dalawang taong nag mamahalan. Mas lalong lumapad ang ngiti ni Paolo dahil sa ganda nang kaniyang natatanaw. Hindi nag tagal ay lumabas0 roon si Steaven, animo'y may hinahanap ito. Kaagad namang iwinagayway ni Paolo ang kaniyang kamay para makita siya nito. When he finally sees him, nakangiti itong lumapit sa kaniya. Ipit naman ang kilig na nararamda
Napa hilot sa sentido si Arturo habang dahan-dahang nag lalakad paikot kay Damon. "Alam mo ba na ang tunay mong ina ay si Vedah Benitez? Bagong kasal lang kami noon nang mapag alaman kong magka relasyon sila nang kapatid nitong kinikilala mong ama" Panimula niya habang nakatingin sa kawalan at inaalala ang mapait niyang nakaraan. Kong paano siyang pag taksilan nang mga taong pinag katiwalaan niya. Wala namang imik si Damon at mataman lamang na nakikinig sa salaysay ni Vergelio. Habang si Arturo naman ay makikita ang ilang butil nang luha nag landas sa pisngi nito. Ngunit tahimik lamang din ito dahil sa dalawang armadong lalaki na nakatayo sa magkabilang gilid niya. He seemed afraid na baka sa maling galaw lamang niya ay taposin na siya nang mga ito. He just let Arturo expose their long time secret. Isa pa matanda na si Damon, he deserves to know the truth. Masyadong matagal na panahon din nilang pilit na itinago ang buong pagkatao nito just to protect his feelings. At para ma pro
Today is the day of Damon's mother's funeral. While they were dropping flowers one by one into its pit, there was someone secretly watching them not far away. Isang itim na sasakyan na pa simpleng pumarada lamang doon. Habang mataman silang pinag mamasdan nang kong sino mang tao ang lulan niyon. "Boss, hindi pa po ba kayo bababa nang sasakyan?" Anang lalaki na nasa driver's seat, mataba ito at naka tali ang mahabang buhok. Pinag masdan pa muna sandali nang lalaki ang mga ito sa hindi kalayuan habang tuloyan nang ibinabaon sa huling hantungan ang babaeng Dela Vega. Kapagkuwan ay binalingan na nito ang lalaking katabi na siyang nag mamaniobra nang sasakyan. "Mamaya na humahanap lang ako nang tamang oras para harapin ang mga Dela Vega" Anito sa katabi. Maya-maya pa ay may numero itong tinawagan sa kaniyang telepono pagkatapos ay mahinang nag wika. "Naka handa na ba ang mga taohan mo?" Aniya sa kabilang linya. "Opo, boss naka handa na po kami, ngayon na po ba kami aatake?" Napa
"kayo na ni Laurence?!" Tumitiling tanong ni Paolo. Kaagad namang tinakpan ni Azariah ang bibig nang kaibigan dahil sa lakas nang boses nila. They are currently in a coffee shop now. because azariah received a text message from laurence, he wants them to go out.Nang malaman ni Paolo na lalabas ang kaibigan kasama si Laurence ay nag pumilit itong sumama. He said he wouldn't be a troublemaker. In case they had a date. Azariah did nothing but take his friend with him. Ipinaalam niya muna iyon kay Laurence, kaagad naman itong pumayag nang walang pag aalinlangan. Besides hindi pa naman daw sila nakakapag bonding before. "Ano ka ba hinaan mo nga 'yang bunganga mo" Saway ni Azariah sa kaibigan. Na tawa na lamang si Laurence sa dalawa. Kaagad namang inalis ni Paolo ang kamay na naka takip sa kaniyang bunganga. "Nakaka gulat naman kasi eh, so, ano kailan pa naging kayo ha?" Pang uusisa pa nito, kahit kailan talaga ay napaka marites nang kaniyang kaibigan. Talagang hindi ka nito tatantan
Nagising si Azariah dahil sa mahihinang pag dampi nang kong ano mang mamasa-masang bagay sa kaniyang mukha. Nang mag mulat siya nang mga mata ay nakita niya ang naka ngiting mukha ni Laurence na pinapaulanan siya nang maliliit na halik sa buo niyang mukha. Bahagya itong naka kubabaw sa kaniya. Napansin niya na bagong ligo lamang ang lalaki dahil basa ang buhok nito at na aamoy niya ang after shave nito. Napa iwas naman siya dito dahil ang aga aga ay kiss ang pang gising nito sa kaniya. Isa pa nahihiya siya rito dahil umagang-umaga, kakagising lamang niya at hindi pa nakakapag sipilyo baka mamaya bad breath siya. "Ano bang ginagawa mo?" Medyo iritado niyang tanong sa lalaki na ngayon ay naroon parin sa mga labi nito ang matatamis na ngiti na nakakapagpa tuliro sa kaniya. "I try to wake you up with weak kisses on your face" Nakangiting saad nito matapos umalis mula sa pagkaka dagan sa kaniya. Kapagkuwan ay kinuha nito ang puting sando na naka Sampay sa backrest nang upoan na nasa
SPG ALERT !Read at your own risk. "Oh, ano namang iniiyak-iyak mo riyan?" Takang tanong ni Lorelie nang makitang tumatangis si Ciara habang naka higa ito sa mahabang sofa sa maliit nilang salas. "Ma, galit siya sa'kin" Sambit nito na ikina kunot naman nang noo ni Lorelie. "Sino ba ang tinutukoy mo?" "Si Damon ma, pumunta ako sa Kan__" "Ano?! pumunta ka sa bahay nila? talaga bang gusto mong mapahamak?" Singhal ni Lorelie na halos gusto nang sapukin ang sariling anak. Pero pinigilan nito ang sarili na maka gawa nang bagay na pagsisihan niya sa huli. "Gusto ko lang namang ipaalam sa kaniya na mag kakaanak na kami" humahagulgol na rason ni Ciara. "Kalokohan yan! bakit sa akala mo ba na matatanggap niya ang batang yan pagkatapos nang ginawa nating eksena no'ng kasal niyo dapat?" Segunda nito na ikina tahimik na lamang ni Ciara habang patuloy na tumatangis. "Ayuko na ulit malaman na pumunta ka na naman sa bahay nang mga Dela Vega, naiintindihan mo ba?!" "Pero ma" Pag mamatigas n