"Oh, hayan pinirmahan ko na, sana naman maging masaya na kayo"
pabagsak na inilapag ni Azariah sa mesa ang annulment papers nila nang asawa matapos niya itong permahan. Tahimik naman na nakatitig lamang si Damon sa annulment papers habang si Ciara naman ay hindi maipag kakaila ang malawak na pagkaka ngisi nito. Tila ba'y tuwang tuwa ito na sa wakas ay ma a-annulled na ang dalawa. Kalalabas niya pa lamang nang hospital ay kaagad siyang umowi nang bahay para ayusin ang mga gamit niya. Ngayon na wala na ang nag iisang mag bubuklod sa pamilyang pinangarap niya ay wala na ring saysay pa na manatili siya roon. Lalo pa't matagal na siyang isinusuka nang sarili niyang asawa. Too bad, kung kailan na wala ang anak niya ay doon niya lang na realize ang worth niya bilang babae. Sana noon niya pa naisipang bitawan ang lalaking wala namang ibang ginawa kundi ang saktan siya at tapak tapakan ang kaniyang pag katao. Naging bulag siya sa katotohanan dahil sa labis niyang pagmamahal sa kaniyang asawa. "Azariah" Mahinang sambit ni Damon. Alam niyang nag dadalamhati parin ang babae dahil sa pagka wala nang magiging anak nila. Hindi alam ni Damon kung bakit nang nga oras na 'yun ay parang na sasaktan siya dahil sa ginawa nitong pag perma sa annulment papers na dapat sana ay ikatuwa niya dahil iyon naman ang kagustohan niyang mangyare. "I already signed the annulment papers. Malaya ka na, iyon naman ang gusto mong mangyare dati pa hindi ba?" Mababakas ang lungkot sa mga mata nito habang sinasabi ang mga salitang iyon. She was also holding back her tears, she don't want to cry in front of them. Ayaw niyang kaawaan siya nang mga ito. "Mabuti naman at natauhan kana rin na kahit ano pang___" "Manahimik ka. Sinabi ko bang mag salita ka?" putol niya sa iba pang sasabihin ni Ciara. Nakita niya namang napa tiim bagang ito at ma dilim ang mga tingin na ipinupukol sa kaniya. Pero wala na siyang pakialam pa roon. Tinaponan niya pa nang tingin ang mga ito bago siya tumalikod bitbit ang kaniyang mga gamit. Nang tuloyan siyang maka labas nang bahay ay kaagad siyang pumara nang taxi. Nag pahatid siya sa bahay na tinutuloyan ni Paolo, na isipan niyang doon muna siya pansamantalang manunuloyan. Ayos lang naman iyon sa kaibigan dahil nakapag usap naman na din sila. Nalaman na din nito ang nangyareng pagka wala nang sanggol sa sinapuponan niya. Wala pang alam ang mga magulang niya patungkol sa kaniyang kalagayan at sa pagkawala nang sanggol sa sinapuponan niya. Madami nang problemang kinakaharap ang kaniyang pamilya, ayaw niya nang dumagdag pa roon. Kaagad siyang bumaba nang taxi matapos mag bayad. Kumatok siya sandali hanggang sa bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Paolo na naka suot pa nang apron at may hawak na sandok. Halatang nag luluto ito. Nilakihan nito ang pagkaka bukas nang pinto nang makita kong sino ang panauhin. "Mabuti naman at umalis kana roon" Sambit nito nang tuloyan nang makapasok si Azariah. Sandali nitong isinara ang pinto. "Ewan ko ba sayong babae ka at hinayaan mo munang mawala ang anak mo bago ka natauhan at iwanan ang demonyo mong asawa" pangaral nito sa kaibigan habang nag lalakad patungong kusina. Tahimik namang naka sunod dito si Azariah. "Hindi ko din alam Pao, siguro dahil sa kagustohan kong bumuo nang isang kompletong pamilya ay nag tiis ako lahat sa mga maling pag trato ni Damon sa'kin" "Tignan mo ang nangyare, nang dahil sa pagiging martir mo nawalan ka nang anak" sa sinabing iyon nang kaibigan ay biglang nanubig ang mga mata ni Azariah. Alam niya sa sarili niya na kasalanan niya kung bakit nawala ang anak niya. Dahil sa matindi niyang pag mamahal sa asawa at sa kagustohan niyang magkaroon sila nang buong pamilya. Hindi niya naman sukat akalain na mawawala ang sanggol sa sinapuponan niya nang dahil lang sa pag pupumilit niyang mabigyan ito nang isang buong pamilya. "Alam ko namang kasalanan ko ang nangyare e, pero kahit mag sisi pa ako hindi naman na non mababalik ang isang buhay na nawala sa'kin" malayang nagsi landas ang masaganang luha sa kaniyang pisngi habang sinasabi ang mga salitang yon. Bilang isang ina masakit para sa kaniya na mawalan nang anak, ni hindi man lamang niya ito nakita o nahawakan man lang. Subra siyang nag sisi nang dahil sa kaniya ay nawala ang anak niya. Sana noon niya pa binitawan ang lalaking walang ibang ginawa kundi ang saktan siya. Pero kahit na ano pang pagsisisi ang gawin niya nangyare na ang nangyare. She already lost her child. "Oh, siya tama na yan mabuti pa ay kumain na muna tayo. Alam ko hindi kapa kumakain" ani Paolo matapos hubarin ang suot na apron at isinabit iyon sa bakanteng upoan. Nag lagay na rin ito nang mga plato at kubyertos para sa kanilang dalawa. Samantala sa bahay naman nang dating asawa ni Azariah ay walang pasabi na dumalaw ang matapobreng ina ni Damon. As usual, may kasama na naman itong body guard. Hindi yata nito kayang lumabas nang walang kasamang body guard. Paulit ulit nitong pinindot ang doorbell sa labas habang kunot noong naka masid sa loob. "My God! bakit naman ang tagal ang init pa naman dito sa labas. Ano ba kasing ginagawa nang bruhang iyon?" Irita niyang sambit ang tinutukoy ay si Azariah. Hindi nito alam na wala na doon ang babae. Maya maya pa ay bumukas ang front door nang bahay at iniluwa niyon si Ciara na kunot noong nakatingin sa labas nang gate. Puno naman nang pag tatakang sinipat ng tingin nang ina ni Damon si Ciara. Hindi ito pamilyar sa kaniya, sa isip-isip niya ay baka kumuha nang katulong ang kaniyang anak. Pero impossible dahil sa klase nang pananamit nito ay hindi naman ito mukhang katulong. Mas katulong pa nga ang hitsura ni Azariah kaysa sa babaeng nasa harapan niya ngayon. "Who are you?" Takang tanong niya nang makalapit na si Ciara sa gate maging ito ay nag tataka kong sino ang ginang na nasa labas nang bahay nang kaniyang nobyo. Noon niya lamang ito nakita. "Kayo, sino naman kayo?" sa halip na sagotin ay tanong din ang ibinato nito sa ginang. Kita naman kaagad ang pagka irita sa mukha nang ina ni Damon. "I am Damon's mother. E, ikaw? sino ka at bakit na rito ka sa bahay nang anak ko? are you one of his maids?" She said while raising her brows. Nataranta naman bigla si Ciara nang marinig na ina pala ito ni Damon. Aligaga nitong binuksan ang gate. "Kayo po pala ang ina ni Damon?" Tanong naman ni Ciara matapos buksan ang gate. Malapad ang ngiting ibinigay niya sa ginang na ngayon ay mataman lamang na nakatitig sa kaniya na para bang pinag aaralan nito ang buong pagkatao nang babaeng kaharap. Nasa ganoon silang tagpo nang lumabas si Damon. Bahagya pa itong nagulat nang makita roon ang ina. Dali-dali itong nag lakad papalapit sa dalawa. "Mom, why you didn't inform me na bibisita pala kayo ngayon" anito. Dahil sa pagdating nang lalaki ay doon lang inalis nang ginang ang tingin nito kay Ciara na ngayon ay nakangiti parin. "Sino naman itong babaeng 'to anak? hindi ko alam na ganitong klase na pala nang katulong ang kinukuha mo. Baka mag selos ang asawa mo n'yan. Aba'y mas presentable pa manamit ang isang 'to kaysa doon sa asawa mong maka luma" walang ka gatol-gatol na turan nito. "Mom, she's not my maid" ani pa ni Damon habang napapakamot sa batok. "I'm his girlfriend po and soon to be his wife" proud pa na sambit ni Ciara na sumingit sa usapan nang mag ina. Dahil sa sinabi nito ay napa taas naman nang kilay ang ginang. "Hindi mo ba alam na nakatali na itong anak ko?" "Wala naman na po sila nang asawa niya, nagka permahan na po nang annulment papers" Sambit pang muli ni Ciara na ikinagulat naman nang ginang. Nagpalipat lipat ang tingin nito kay Ciara at sa anak nito na tahimik lamang sa tabi. "Is it true son? annulled na kayo ni Azariah? How? Kailan pa? Bakit wala akong ka alam-alam" Hindi parin makapaniwala na tanong nito habang naka upo sa pang isahang sofa nang maka pasok na sila sa bahay. Hindi niya alam kong papaanong napa payag nang anak niyang pumerma sa annulment papers ang babaeng 'yon. She knew na kapit na kapit ito sa anak niya. "Kanina lang mom" maikling sambit naman ni Damon. Maya maya pa ay masayang pumalakpak ang ginang na animo'y na sisiyahan ito sa nangyareng hiwalayan nang dalawa. Sa wakas ay nataohan na ang anak niya na hindi ang katulad ni Azariah ang babaeng makaka tuloyan nito. Sa pagkakataong iyon ay pwede niya na itong ipares sa anak nang kaibigan niya na siyang ka sosyo din nila sa negosyo. "Hays, mabuti naman at hiwalay na kayo nang babaetang 'yon" masayang aniya. "Yes, tita. Ngayon na wala na sila nang babaeng yon may chance na kaming dalawa ni Damon na mag sama, right hon?" Biglang singit naman ni Ciara na nakangiti pang binalingan si Damon sa tabi na hindi man lamang umimik. Tinaasan naman nang kilay nang ginang si Ciara dahil sa sinabi nito. Hindi niya naibigan ang mga salitang lumabas sa bibig nito. "And what do you think...na papayag akong ikaw ang maka tuloyan nang anak ko? Ni hindi ko nga alam kong saang lupalop ka nang galing" mataray na ani nito na siya namang ikina tahimik ni Ciara, tila'y napahiya ito sa ina nang lalaki. Hindi naman niya sukat akalain na matabil pala ang dila nang isang ito. "May kilala akong mas babagay para sa anak ko, yung magagawa kong maipag malaki sa mga kaibigan ko at yung kapareho nang katayuan namin sa buhay" Alanganing napatitig si Ciara kay Damon. Hindi niya sukat akalain na ganito pala ang pag uugali nang ina nang lalaki. Ang buong akala niya na kapag nagka hiwalay si Damon at ang asawa nito ay mapapadali na ang plano niyang maikasal sa lalaki pero mukhang hahadlangan pa yata iyon nang ina nito. Hindi siya makaka payag. "Ano ba ang trabaho nang mga magulang mo hija?" Usisa pa nang ina ni Damon. Nahihiya namang napayuko si Ciara mukhang ma ha hot seat ata siya nang isang ito. Bahagya muna siyang sumulyap kay Damon bago sumagot sa ina nito. "A-ah wala na po akong parents, yung mama ko po ay namatay noong four years old pa lang ako at ang tatay ko naman ay____" "May trabaho ka ba ? Anong natapos mo?" Putol nito sa iba pa niyang sasabihin. "Nakapag aral ka ba nang college?" Dagdag pa nito nang hindi agad nakapag salita si Ciara. "Mom, that's enough" saway naman ni Damon. "What? I'm just asking her" "H-high school lang po ang natapos ko dahil___" "So , wala kang trabaho?" Daretsahang sambit nang ina ni Damon. Napapailing na lamang ang anak nito. "D-dati po meron" nahihiyang sagot ni Ciara. "Anong klaseng trabaho naman 'yun?" Pang uusisa pa nito. She wanted to know the background of this girl. Malay niya ba kong saan-saan na naman ito napulot nang kaniyang anak. "Mom, tumigil na kayo, naiilang na si Ciara" ani Damon sa ina. Nag kibit balikat naman ang ina nito na animo'y wala lamang iyon para sa kaniya. "What's wrong? I'm just interrogating her. Masama ba na kilalanin ko ang bagong nobya nang anak ko?" Saad nito na pinaka diniinan pa ang salitang 'bagong nobya' "Pero personal na masyado ang mga tanong ninyo" protesta pa ni Damon. "Oh, okay. By the way, na saan na nga pala iyong asawa mo? I mean dating asawa?" Usisa nang ina ni Damon. Napayuko sandali ang lalaki, pagkatapos ay muling nag angat nang tingin sa ina na mataman lamang na nag aantay sa sagot nito. "She left already" mahina at halos pa bulong lang na sambit ni Damon. Napa tango tango naman ang ina nito. "That's good to hear then, bueno, aalis na ako. I want you to come home tomorrow, I will introduce to you sa unica hija ni Samuel. I'll bet na magugustohan mo siya" walang pakundangang sambit nito na pahapyaw pang tinapunan nang tingin si Ciara na tahimik lamang sa tabi ni Damon. Pero sa loob-loob nang babae ay hindi niya nagugustohan ang ina nito. "Huy! sigurado ka na ba sa desisyon mong 'yan? pwede namang dumito ka na lang muna sa bahay. Alam ko hindi kapa okay dahil sa mga nangyare" nag aalalang sambit ni Paolo kay Azariah nang malaman nito na balak mamasukan nang kaibigan sa isang kilalang kompanya. Paolo knew that she's not totally healed patungkol sa mga nangyare sa buhay nito lalo na ang pagka wala nang anak nito. Bumuntong hininga si Azariah matapos lingunin ang nag aalalang kaibigan. Siguro nga hindi pa siya gaanong okay dahil sa mga nangyare pero hindi naman pwede na palagi na lamang siyang mag momukmok at umiyak nalang sa tabi. She needs to move forward para sa sarili niya. "Ano ka ba naman Pao, nakaka bagot kayang mag stay dito at isa pa ayaw ko namang maging pabigat at palamunin mo, ano?" Masyadong mabait ang kaibigan niya at ayaw niya namang abusohin iyon. Kaya nga nag hahanap siya nang bagong trabaho para naman makatulong din siya dito kahit papano. "Diyos ko ka! hindi ka naman pabigat sa akin e" palatak naman nang kaibigan nitong bakla. Napa buntong hininga na lamang si Azariah pero gayunpaman buo na ang desisyon niyang mag apply sa isang sikat na kompanya kong saan sigurado siya na matatanggap siya. "Pao, desidido na ako. I need to find a job para naman malibang ko ang sarili ko at makalimutan ang mga nangyare" Paolo heaved a sigh. "Kung sa bagay, oh siya sige na. Basta ba mag iingat ka ha" anito sa kaibigan. Tipid na ngiti lamang ang itinugon ni Azariah dito bago tuloyang nag paalam sa kaibigan. Samantala galit na pinag babato ni Ciara ang lahat nang mga gamit na mahawakan niya. Wala siyang pakialam kahit pa mamahalin ang mga iyon. She wanted to let out her anger. Pilit naman siyang inaawat ni Damon. "Ciara, that's enough! ano bang nangyayare sa'yo?" Kunot noong tanong nito sa kasintahan na wala paring tigil sa ginagawang pamamato nang mga gamit niya. Nanlilisik ang mga matang binalingan siya nang tingin ni Ciara. "Tinatanong mo ako kong anong nangyayare sa'kin? really Damon?" "Ano ba kasi ang problema?" Naiinis nang tanong ni Damon dahil hindi niya maintindihan kung saan nang gagaling ang galit nito at bigla-bigla na lamang itong mag wawala. " Yang mommy mo ang problema!" Singhal ni Ciara na ikina kunot naman nang noo ni Damon. "Alam niyang gf mo ako. Pero bakit mas gusto pa niyang ipakilala ka sa ibang babae? hindi lang yun, ininsulto niya pa ang pagka tao ko!. Bakit ganyan ang magulang mo ha? masyadong mata pobre" she let out a cry habang sinasabi ang mga salitang 'yun. Hindi naman mapigilang mahabag ni Damon dahil sa sakit na nakikita nito sa kasintahan. Kaya naman lumapit siya at niyakap ito nang sa ganon ay maibsan man lamang niya ang sakit na nararamdaman nito. "Shhh, I'm sorry" tanging na sambit niya na lamang habang hinahagod ang likod nito na patuloy parin sa pag tangis. "Ano, pupunta ka ba bukas sa bahay nang mom mo? Gusto mo din bang ma meet yung babaeng sinasabi niya?" Bumitaw sa pagkakayakap si Damon at hinarap si Ciara na puno nang pag aalala ang mukha na baka nga ay pumunta roon ang nobyo. Pag nagkataon ay tapos na ang mga plano niya. "Hindi ako pupunta roon" "T-talaga? oh, baka naman niloloko mo lang ako" "Nope, seryoso ako sa'yo at ayaw ko nang humanap pa nang iba kasi nandiyan ka na eh. At ikaw lang ang gusto kong makasama habang buhay" Sambit nito na puno nang sinsiredad. Kaya naman napangiti si Ciara at kaagad na yumakap dito. Kuhang-kuha niya na talaga ito kaya mas lalong lumapad ang pagkaka ngiti niya. "Ano na Ciara, tuloy pa ba ang plano? Oh, baka naman tuloyan ka nang nahulog diyan sa lalaking 'yan at kinalimutan mo na ang totoo mong pakay kong bakit ka lumapit sa lalaking 'yan" Boses iyon nang isang babae mula sa kabilang linya. Kasalukuyang nasa labas nang bahay si Ciara para sagutin ang kong sinong bigla na lamang na tumawag sa kaniya. Hindi niya maiwasang mapalingon-lingon sa bukana nang bahay dahil baka bigla na lamang sumulpot sa tabi niya si Damon. "Ma, naman kaunting pagtitiis na lang. H'wag kayong mag alala tuloy parin naman ang plano. Nagawa ko na ngang pag hiwalayin sila nang asawa niya. Pero may kaunting problema" "Ano na namang problema?" "Yung nanay niyang matapobre, siya nalang ang sagabal sa mga plano ko na maikasal kay Damon" na iinis niyang pag susumbong dito. "Edi gumawa ka nang paraan, kong kinakailangang suyoin mo iyang ina niya gawin mo" desperados nang ani nang nasa kabilang linya. "Tsk! hindi ko alam kong papaano ang gagawin ko para naman lumambot ang puso non sa'kin" "Ah, basta dapat maikasal kayo ni Damon dahil kong hindi tapos ang maliligayang araw natin" Ciara just rolled her eyes. "Oo, na ma. Hindi ako papayag na hindi maikasal kay Damon marami na akong isinakripisyo" "Aba'y dapat lang ano?" "Oh, sige na ma, ibababa ko na ito" aniya sa kabilang linya nang marinig niya ang mga yabag na papalapit.SPG ALERT! Read at your own risk. Nasa loob na nang nasabing kompanya si Azariah na kaniyang pag a-apply-an. Nag hihintay na lamang siyang ma tawag para sa kaniyang interview. Nang turn niya na ay dali-dali siyang pumasok sa loob at ibinigay ang dala-dala niyang envelope na nag lalaman nang kaniyang resume. Pagkatapos tingnan ang kaniyang resume ay nag simula na siyang interview-hin. Ilang minuto lang din naman ang itinagal nang interview na yun. Umaasa si Azariah na matatanggap siya sa kompanyang iyon. Habang nag lalakad palabas nang na turang kompanya ay hindi maiwasang makaramdam ni Azariah nang tawag nang kalikasan. Kaya naman dali-dali niyang tinungo ang comfort room. Sakto walang tao ang naroon nang pumasok siya sa loob. Binuksan niya ang isa sa mga banyo roon at dali-daling umihi. Patapos na sana siya nang makarinig siya nang mumunting ungol. Bahagya pa siyang napa kunot nang noo, pilit na inaaninag kong anong klaseng ungol nga ba ang naririnig niya. Maya-maya pa ay n
"Hello, kuya Laurence! nandito ka na ba sa manila?" Ani Mark nang sagotin niya ang caller. Kasalukuyan siyang nasa kaniyang pent house at nag sasaya kasama ang isang babaeng nakuha niya lamang sa isang sikat na bar na pinuntahan niya. It's his day off naman daw 'kuno' that's why he's making himself happy for a while. Hindi din biro para sa kaniya ang ilang mga ginagawa niya sa kompanya nang kaniyang pinsan. All the paper works, since wala pa namang secretary ang kaniyang pinsan before dahil kaka resign lamang nito. Kaya masasabi niya talagang deserve niya ding mag relax. "Yes, I'm in Manila now, actually nasa condo ko na ako. By the way, kamusta naman ang kompanya? Did you find a new secretary already?" tanong nito sa kabilang linya. "You don't have to worry about your company, man. I took care of it, just like what you have told me. About sa secretary naman, yes may nakuha na kaming bago" mahabang litanya nito. "Alright, that's good to hear then" Sambit nito bago ibinaba ang taw
"Huy! bakla" Inis na nilingon ni Paolo ang kong sino man ang tumawag sa kaniya na bakla. Pasado alas sais na nang hapon nang matapos ang trabaho niya sa pinapasokang bar. Dahil malapit lang naman ang apartment na tinutuloyan niya ay naisipan niya na lamang na mag lakad pauwi. Tipid pamasahe din iyon. "Anong sinabi mo?" Asik niya sa isang grupo nang mga kalakihan na naroon at nag iinuman sa tabi nang kalsada. Halata sa mga ito na may tama na nang alak. "Tinawag mo ba akong bakla ha?" Naka pamaywang na tanong niya roon sa isang lalaki na naka tayo at tatawa-tawa. Halatang lango na ito sa alak. "Oh, bakit na o-offend ka ba? Hindi ba't bakla ka namang talaga. Tignan mo nga iyang suot mo halos lumuwa na yang bilbil mo sa subrang iksi. Nag mukha ka tuloy si Pooh" Biglang nag halakhakan ang mga kasamahan nang lalaki. Nainsulto naman si Paolo dahil sa sinabi nang lalaking lasing. Halos umusok ang ilong niya sa subrang galit. "Aba! kong makapang lait to, ano ikina gwapo mo na ba 'yan?"
Kasalukuyang naka upo si Azariah sa sarili niyang opisina at busy sa pag sasaayos nang ilang mahahalagang papeles na kakailanganin nang kompanya. Nasa ganoon siyang sitwasyon nang may biglang lumapit na magandang babae sa desk niya. "Hi, can I talk to Mr. Laurence?" Agarang tanong nito. Nag angat naman nang tingin si Azariah sa babae. Pa simple niya itong pinasadahan nang tingin. Hapit na hapit ang katawan nito sa suot na pulang tube dress na above the knee ang haba. Putok na putok din ang labi nito dahil sa kapal nang nilagay na lipstick. "May appointment po ba kayo kay Mr. Laurence?" Tanong niya pa rito. "Wala, kailangan pa ba 'yon?" Inis na tanong nito habang ipinag cross ang mga kamay sa dibdib. "Sorry ma'am, pero hindi po___" "Can you just call Laurence, tell him nandito ako sa company niya" demanding na ani pa nito na hindi na pinatapos pa ang sasabihin ni azariah. Napapakamot na lamang sa batok si Azariah dahil mukhang makulit ang isang ito. "Kong gusto niyo pong maka
"Nandito na ako sa mall na sinasabi mo. Na saan ka na ba?" "Sandali lang ma, dinaanan ko pa kasi si Damon sa office niya. On the way na din ako papunta riyan" Sagot nang nasa kabilang linya. "Okay, bilisan mo" Sambit nito bago ibinaba ang tawag. Habang wala pa si Ciara ay naisipan muna ni Lorelie na mag lakad-lakad. Maraming tao sa mall, ewan ba niya at bakit doon naisipan nang anak niya na mag kita silang dalawa. Wala naman siyang bagay na bibilhin. Sa kaniyang pag lalakad ay hindi niya sinasadya na mabangga ang isang babae. "Naku, pasensya na" hinging paumanhin niya sa taong na bangga niya. Pero ganoon na lamang ang pag babago nang reaksyon niya nang mapagsino ang taong iyon. Galit siyang binalingan nang babae habang pinapag pagan nito ang suot na damit dahil medyo nataponan iyon nang pagkaing dala nito. "Pasensya? palibhasa kasi hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo! tatanga-tanga ka kasi. Look what you've done to my clothes. Alam mo bang mas mahal pa 'to kaysa sa buhay mo?"
Oops! SPG ALERTREAD AT YOUR OWN RISK! Humihikab pa si Ciara nang lumabas sa kanilang kwarto. Hinahanap niya si Damon, wala kasi ito sa tabi niya nang magising siya. "Hon?" Tawag niya rito nang makababa siya, she went to the kitchen already. Nag babaka sakali na baka nag luluto ito nang agahan nila. Pero malinis ang kusina at walang ni anumang bakas ni Damon ang naroon. 'Nasaan naman kaya 'yun?' Takang tanong niya sa sarili. Kapagkuwan ay natanaw niya mula sa bintana si Damon at tila ba'y napaka rami yatang tao sa labas. 'Anong meron?' Dahil sa kyuryosedad niya ay nag lakad siya papalabas. Nakita niya si Damon na kausap ang isang lalaki na medyo may katabaan. Hindi niya marinig kong ano ang pinag uusapan nila dahil medyo malayo siya sa mga ito. "Hon?" Tawag niya dito na ikinalingon naman ni Damon. Saglit itong nag paalam sa kausap na lalaki bago tumalikod at nag lakad papalapit sa kaniya. "Anong meron dito? bakit ang dami yatang tao?" Nagugulohang tanong niya rito habang nak
Pinag titinginan si Azariah nang mga kapwa niya empleyado pagka pasok niya pa lamang sa opisina. Paano ba'y suot lang naman niya ang biniling damit kahapon sa mall. Kahit na hindi niya taponan nang tingin ang mga ito ay ramdam niya ang mainit na titig nang mga ito sa kaniya. Rinig niya pang pinag bubulongan siya nang mga ito. "Nag papa impress ba siya kay sir Laurence?" "Naku, wag na siyang umasa, sa dinami-dami ba naman nang mga babaeng lumalapit kay sir na di hamak naman na mas maganda pa sa kaniya. Hindi papatulan ni sir iyan" "Oo nga, may balak siguro siyang akitin si sir kaya ganyan ang mga outfit-an niya" Iilan lamang iyan sa mga bulong-bulongan na naririnig ni Azariah mula sa mga kapwa niya trabahante. Kahit pa medyo below the belt na ang ibinabatong salita nang mga ito sa kaniya ay hinahayaan niya na lamang. Mas kilala niya ang sarili niya kaysa sa mga ito. Alam niyang hindi siya katulad nang iniisip nang mga ito sa kaniya. Kahit naman mahirap lang sila ay hindi niya uga
Sa isang abandonadong building malayo sa kabihasnan nang lugar ay mayroong dalawang lalaki ang naroon at isang babaeng naka gapos, wari'y bihag nila ito at doon nila ito naisipang dalhin. Kong saan walang sinuman ang makakarinig sakali mang may gawin silang masama dito. "Si bosing tumatawag" Anang lalaking mahaba ang buhok at may bigote. "Oh, edi sagotin mo" Sabat naman nang isa nitong kasama na kalbo. Kaagad namang sinagot nito ang tawag . "Hello boss" "Ano nang balita?" Tanong nang nasa kabilang linya. "Hawak na namin siya boss" Agad namang sagot nang may bigote habang ang kasama naman nitong kalbo ay nasa tabi lamang nito at nakikinig sa usapan nila nang kong sino mang tinatawag nilang bosing. "Magaling, bantayan niyo nang mabuti yan at baka maka takas, pupunta ako diyan maya-maya" "Sige po boss" Iyon lamang at naputol na ang linya. Kaagad namang nilingon nang dalawa ang babaeng naka gapos sa silya habang may busal ang bibig nito. Mahimbing ang pagkakatulog nito kaya na
"So, bahay mo 'to?" Tanong ni Azariah habang marahang nag lalakad silang dalawa ni Laurence sa likod nang bahay. Maraming mga small plants ang naka display sa paligid. May mini garden din sa likod at tapat nang bahay. May iilang puno din ang naka tanim sa paligid na siyang nag ka cover up sa buong paligid nang kabahayan. Mayroon ding maliit na bahay kubo na pinasadyang gawin sa itaas nang punong mangga. May iilang mga orchid na naka sabit palibot sa hagdan nito pa akyat. "Hmm" Tipid na sagot ni Laurence, kapag kuwan ay marahan nitong hinawakan sa braso si Azariah at iginiya na maupo sa isang upoan na gawa sa kahoy. "Binili ko 'to last month, para sa bubuohin nating pamilya. Naisip ko kasi na perfect spot to para sa mga chikiting" Nakangiting ani Laurence habang dinadama ang banayad na hangin na nanunuot sa kaniyang ilong. Napangiti naman si Azariah dahil pinag hahandaan na pala nito ang future nilang dalawa. "Bakit hindi mo man lang sinabi sa'kin ang tungkol sa pag bili mo nito
Pasado alas syete na nang gabi nang ihatid sa labas nang mansion nang mga Dela Vega ni Edmond si Ciara. Napag desisyonan na din kasi nitong umowi na dahil hindi naman ito nag paalam kahit na kanino at pumuslit lamang siya sa mansion nila para makadalo sa burol ni Damon. "Uuwi ka na ba talaga? Gusto mo ipahatid na lang kita sa personal driver ko" Pag aalok ni Edmond dito. Gustohin mang i-grab ni Ciara ang opportunity na iyon ay pinigilan niya ang sarili. "H-hindi na mag ta taxi nalang ako pauwi, salamat sa alok mo" Nakangiting ani Ciara rito. "Sigurado ka ba diyan? Gabi na rin baka mapano ka sa daan buntis ka pa naman" Nag aalalang anito. Umiling lamang si Ciara habang tipid na ngumiti dito. "Hindi ayos lang ako, sige na pumasok kana sa loob baka kailangan kana doon" Pag tataboy niya na sa lalaki. "Oh, siya sige, ingat ka nalang pauwi" Tinanguan na lamang ito ni Ciara. Nang makapasok na sa loob si Edmond ay siya namang biglang pag sulpot ni Lorelie galing sa kong saan. Bigla
"So, ano na ngang nangyare sa lakad mo kagabi? Bakit umowi ka kaagad, may nangyare ba?" Pagtatanong ni Azariah kay Paolo habang nag lalakad sila palabas papuntang mini balcony nang kanilang apartment. Doon ay naupo silang dalawa habang kapwa may hawak na tasa na nag lalaman nang kape. Umayos muna sa pagkaka upo si Paolo habang inilalapag ang hawak na tasa. Kapagkuwan ay humugot ito nang marahas na hangin. "Napaka malas nang gabing iyon frenny, dapat pala hindi na lang ako nag effort na pumunta pa doon. Nakakaloka" Napapairap pa sa hangin si Paolo habang sinasabi ang mga salitang 'yun. "Bakit naman, ano ba kasi ang nangyare nang gabing 'yun?" Kyuryusong tanong pa ni Azariah dito. "Hay, naku! may girlfriend naman pala ang mokong eh, akala ko pa naman gabi na namin 'yun. Nag expect ako na date namin 'yun eh. Nag ayos-ayos pa ako, nag mukha lang tuloy akong ewan " Mahabang litanya pa ni Paolo habang pinupunasan ang gilid nang kaniyang mga mata. Naiiyak na naman siya sa kinahinatna
"Heto, po ang bayad" Masayang saad ni Paolo nang huminto ang taxi sa lugar na sinabi niya rito. Pagkatapos mag bayad ay kaagad siyang bumaba sa sasakyan. Malapad ang ngiting inilibot niya ang kaniyang paningin sa kabuoan nang lugar. Maaliwalas ito dahil sa dami nang mga lights na naka sabit sa labas. Medyo maluwag din ang nasabing lugar. Sa labas nito ay may isang mesa na medyo may kahabaan, may tela sa ibabaw at ilang kubyertos na naka patong dito. May kasama pa ngang candle. Napapalibutan ang table nang mga small candle lights at napaka raming talulot nang mga bulaklak ang naka kalat sa paligid. The place is way too romantic para sa dalawang taong nag mamahalan. Mas lalong lumapad ang ngiti ni Paolo dahil sa ganda nang kaniyang natatanaw. Hindi nag tagal ay lumabas0 roon si Steaven, animo'y may hinahanap ito. Kaagad namang iwinagayway ni Paolo ang kaniyang kamay para makita siya nito. When he finally sees him, nakangiti itong lumapit sa kaniya. Ipit naman ang kilig na nararamda
Napa hilot sa sentido si Arturo habang dahan-dahang nag lalakad paikot kay Damon. "Alam mo ba na ang tunay mong ina ay si Vedah Benitez? Bagong kasal lang kami noon nang mapag alaman kong magka relasyon sila nang kapatid nitong kinikilala mong ama" Panimula niya habang nakatingin sa kawalan at inaalala ang mapait niyang nakaraan. Kong paano siyang pag taksilan nang mga taong pinag katiwalaan niya. Wala namang imik si Damon at mataman lamang na nakikinig sa salaysay ni Vergelio. Habang si Arturo naman ay makikita ang ilang butil nang luha nag landas sa pisngi nito. Ngunit tahimik lamang din ito dahil sa dalawang armadong lalaki na nakatayo sa magkabilang gilid niya. He seemed afraid na baka sa maling galaw lamang niya ay taposin na siya nang mga ito. He just let Arturo expose their long time secret. Isa pa matanda na si Damon, he deserves to know the truth. Masyadong matagal na panahon din nilang pilit na itinago ang buong pagkatao nito just to protect his feelings. At para ma pro
Today is the day of Damon's mother's funeral. While they were dropping flowers one by one into its pit, there was someone secretly watching them not far away. Isang itim na sasakyan na pa simpleng pumarada lamang doon. Habang mataman silang pinag mamasdan nang kong sino mang tao ang lulan niyon. "Boss, hindi pa po ba kayo bababa nang sasakyan?" Anang lalaki na nasa driver's seat, mataba ito at naka tali ang mahabang buhok. Pinag masdan pa muna sandali nang lalaki ang mga ito sa hindi kalayuan habang tuloyan nang ibinabaon sa huling hantungan ang babaeng Dela Vega. Kapagkuwan ay binalingan na nito ang lalaking katabi na siyang nag mamaniobra nang sasakyan. "Mamaya na humahanap lang ako nang tamang oras para harapin ang mga Dela Vega" Anito sa katabi. Maya-maya pa ay may numero itong tinawagan sa kaniyang telepono pagkatapos ay mahinang nag wika. "Naka handa na ba ang mga taohan mo?" Aniya sa kabilang linya. "Opo, boss naka handa na po kami, ngayon na po ba kami aatake?" Napa
"kayo na ni Laurence?!" Tumitiling tanong ni Paolo. Kaagad namang tinakpan ni Azariah ang bibig nang kaibigan dahil sa lakas nang boses nila. They are currently in a coffee shop now. because azariah received a text message from laurence, he wants them to go out.Nang malaman ni Paolo na lalabas ang kaibigan kasama si Laurence ay nag pumilit itong sumama. He said he wouldn't be a troublemaker. In case they had a date. Azariah did nothing but take his friend with him. Ipinaalam niya muna iyon kay Laurence, kaagad naman itong pumayag nang walang pag aalinlangan. Besides hindi pa naman daw sila nakakapag bonding before. "Ano ka ba hinaan mo nga 'yang bunganga mo" Saway ni Azariah sa kaibigan. Na tawa na lamang si Laurence sa dalawa. Kaagad namang inalis ni Paolo ang kamay na naka takip sa kaniyang bunganga. "Nakaka gulat naman kasi eh, so, ano kailan pa naging kayo ha?" Pang uusisa pa nito, kahit kailan talaga ay napaka marites nang kaniyang kaibigan. Talagang hindi ka nito tatantan
Nagising si Azariah dahil sa mahihinang pag dampi nang kong ano mang mamasa-masang bagay sa kaniyang mukha. Nang mag mulat siya nang mga mata ay nakita niya ang naka ngiting mukha ni Laurence na pinapaulanan siya nang maliliit na halik sa buo niyang mukha. Bahagya itong naka kubabaw sa kaniya. Napansin niya na bagong ligo lamang ang lalaki dahil basa ang buhok nito at na aamoy niya ang after shave nito. Napa iwas naman siya dito dahil ang aga aga ay kiss ang pang gising nito sa kaniya. Isa pa nahihiya siya rito dahil umagang-umaga, kakagising lamang niya at hindi pa nakakapag sipilyo baka mamaya bad breath siya. "Ano bang ginagawa mo?" Medyo iritado niyang tanong sa lalaki na ngayon ay naroon parin sa mga labi nito ang matatamis na ngiti na nakakapagpa tuliro sa kaniya. "I try to wake you up with weak kisses on your face" Nakangiting saad nito matapos umalis mula sa pagkaka dagan sa kaniya. Kapagkuwan ay kinuha nito ang puting sando na naka Sampay sa backrest nang upoan na nasa
SPG ALERT !Read at your own risk. "Oh, ano namang iniiyak-iyak mo riyan?" Takang tanong ni Lorelie nang makitang tumatangis si Ciara habang naka higa ito sa mahabang sofa sa maliit nilang salas. "Ma, galit siya sa'kin" Sambit nito na ikina kunot naman nang noo ni Lorelie. "Sino ba ang tinutukoy mo?" "Si Damon ma, pumunta ako sa Kan__" "Ano?! pumunta ka sa bahay nila? talaga bang gusto mong mapahamak?" Singhal ni Lorelie na halos gusto nang sapukin ang sariling anak. Pero pinigilan nito ang sarili na maka gawa nang bagay na pagsisihan niya sa huli. "Gusto ko lang namang ipaalam sa kaniya na mag kakaanak na kami" humahagulgol na rason ni Ciara. "Kalokohan yan! bakit sa akala mo ba na matatanggap niya ang batang yan pagkatapos nang ginawa nating eksena no'ng kasal niyo dapat?" Segunda nito na ikina tahimik na lamang ni Ciara habang patuloy na tumatangis. "Ayuko na ulit malaman na pumunta ka na naman sa bahay nang mga Dela Vega, naiintindihan mo ba?!" "Pero ma" Pag mamatigas n