Share

Chapter 14

Author: Zephrynn
last update Last Updated: 2025-02-19 03:37:48

"Nandito na ako sa mall na sinasabi mo. Na saan ka na ba?"

"Sandali lang ma, dinaanan ko pa kasi si Damon sa office niya. On the way na din ako papunta riyan" Sagot nang nasa kabilang linya.

"Okay, bilisan mo" Sambit nito bago ibinaba ang tawag.

Habang wala pa si Ciara ay naisipan muna ni Lorelie na mag lakad-lakad. Maraming tao sa mall, ewan ba niya at bakit doon naisipan nang anak niya na mag kita silang dalawa.

Wala naman siyang bagay na bibilhin.

Sa kaniyang pag lalakad ay hindi niya sinasadya na mabangga ang isang babae.

"Naku, pasensya na" hinging paumanhin niya sa taong na bangga niya. Pero ganoon na lamang ang pag babago nang reaksyon niya nang mapagsino ang taong iyon.

Galit siyang binalingan nang babae habang pinapag pagan nito ang suot na damit dahil medyo nataponan iyon nang pagkaing dala nito.

"Pasensya? palibhasa kasi hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo! tatanga-tanga ka kasi. Look what you've done to my clothes. Alam mo bang mas mahal pa 'to kaysa sa buhay mo?"
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • Me And My Husband's Paramour   Chapter 15 (SPG)

    Oops! SPG ALERTREAD AT YOUR OWN RISK! Humihikab pa si Ciara nang lumabas sa kanilang kwarto. Hinahanap niya si Damon, wala kasi ito sa tabi niya nang magising siya. "Hon?" Tawag niya rito nang makababa siya, she went to the kitchen already. Nag babaka sakali na baka nag luluto ito nang agahan nila. Pero malinis ang kusina at walang ni anumang bakas ni Damon ang naroon. 'Nasaan naman kaya 'yun?' Takang tanong niya sa sarili. Kapagkuwan ay natanaw niya mula sa bintana si Damon at tila ba'y napaka rami yatang tao sa labas. 'Anong meron?' Dahil sa kyuryosedad niya ay nag lakad siya papalabas. Nakita niya si Damon na kausap ang isang lalaki na medyo may katabaan. Hindi niya marinig kong ano ang pinag uusapan nila dahil medyo malayo siya sa mga ito. "Hon?" Tawag niya dito na ikinalingon naman ni Damon. Saglit itong nag paalam sa kausap na lalaki bago tumalikod at nag lakad papalapit sa kaniya. "Anong meron dito? bakit ang dami yatang tao?" Nagugulohang tanong niya rito habang nak

    Last Updated : 2025-02-19
  • Me And My Husband's Paramour   Chapter 16

    Pinag titinginan si Azariah nang mga kapwa niya empleyado pagka pasok niya pa lamang sa opisina. Paano ba'y suot lang naman niya ang biniling damit kahapon sa mall. Kahit na hindi niya taponan nang tingin ang mga ito ay ramdam niya ang mainit na titig nang mga ito sa kaniya. Rinig niya pang pinag bubulongan siya nang mga ito. "Nag papa impress ba siya kay sir Laurence?" "Naku, wag na siyang umasa, sa dinami-dami ba naman nang mga babaeng lumalapit kay sir na di hamak naman na mas maganda pa sa kaniya. Hindi papatulan ni sir iyan" "Oo nga, may balak siguro siyang akitin si sir kaya ganyan ang mga outfit-an niya" Iilan lamang iyan sa mga bulong-bulongan na naririnig ni Azariah mula sa mga kapwa niya trabahante. Kahit pa medyo below the belt na ang ibinabatong salita nang mga ito sa kaniya ay hinahayaan niya na lamang. Mas kilala niya ang sarili niya kaysa sa mga ito. Alam niyang hindi siya katulad nang iniisip nang mga ito sa kaniya. Kahit naman mahirap lang sila ay hindi niya uga

    Last Updated : 2025-02-19
  • Me And My Husband's Paramour   Chapter 17

    Sa isang abandonadong building malayo sa kabihasnan nang lugar ay mayroong dalawang lalaki ang naroon at isang babaeng naka gapos, wari'y bihag nila ito at doon nila ito naisipang dalhin. Kong saan walang sinuman ang makakarinig sakali mang may gawin silang masama dito. "Si bosing tumatawag" Anang lalaking mahaba ang buhok at may bigote. "Oh, edi sagotin mo" Sabat naman nang isa nitong kasama na kalbo. Kaagad namang sinagot nito ang tawag . "Hello boss" "Ano nang balita?" Tanong nang nasa kabilang linya. "Hawak na namin siya boss" Agad namang sagot nang may bigote habang ang kasama naman nitong kalbo ay nasa tabi lamang nito at nakikinig sa usapan nila nang kong sino mang tinatawag nilang bosing. "Magaling, bantayan niyo nang mabuti yan at baka maka takas, pupunta ako diyan maya-maya" "Sige po boss" Iyon lamang at naputol na ang linya. Kaagad namang nilingon nang dalawa ang babaeng naka gapos sa silya habang may busal ang bibig nito. Mahimbing ang pagkakatulog nito kaya na

    Last Updated : 2025-02-19
  • Me And My Husband's Paramour   Chapter 18

    Habang abala si Damon sa ginagawa nito sa kaniyang opisina ay may bigla na lamang sumulpot na lalaki. Na gulat pa siya nang makilala kong sino ang lalaking nangahas na pumasok sa opisina niya nang hindi man lamang kumakatok. "Bro! it's been a while" Masayang sambit nito habang malapad ang pagkaka ngiti. Halos patakbo pa itong lumapit kay Damon at nakipag fist bump dito. "Kailan ka pa naka uwi?" Agad na tanong niya rito. Si Edmond ito, ang kaniyang pinsan na subrang kasundong-kasundo niya sa lahat nang bagay. Kamakailan lang ay nasa states ito para pamahalaan ang bagong kompanya na itinayo nang pamilya nito roon. Medyo matagal na panahon din silang hindi nag kita at tanging sa Skype lamang sila nito nag kakausap. He can't deny the fact the misses him so much, as his cousin na subrang close niya. "Kanina lang, eh naisipan kitang dalawin dito. Balita ko naka pangasawa ka na raw?" Usisa pa nito matapos maupo sa upoan na nasa gilid nang desk ni Damon. "Yeah, but, annulled na ako

    Last Updated : 2025-02-19
  • Me And My Husband's Paramour   Chapter 19

    Pupungas-pungas na naupo si Ciara mula sa pagkaka higa sa malambot na kama. Tumingin siya sa kaniyang tabi, malinis iyon at tila walang bakas na may humiga sa kaniyang tabi. 'Anong oras na ba?' Kunot noong sambit niya sa kaniyang sarili habang tinitignan ang wall clock na naka sabit sa dingding nang kanilang kwarto. "Pasado alas otso na nang umaga ah, bakit wala parin si Damon?" Kausap niya sa sarili saka dahan-dahang tumayo at umalis sa kama, lumabas siya nang kanilang silid at bumama. Pagka baba niya ay kaagad niyang nabungaran ang lalaking hinahanap na naka salampak sa mahabang sofa. Mahimbing na natutulog halatang lasing na lasing ito. Hindi niya nga rin namalayan kong anong oras itong naka uwi kagabi at bakit hindi na nito nagawang maka akyat sa kwarto nila. Tinapik-tapik niya ito sa balikat para magising. "Hon?" Tawag niya dito habang paulit-ulit itong tinatapik. Nag mulat naman nang mga mata si Damon. Pupungas-pungas itong na upo sa sofa kapagkuwan ay inilibot ang pan

    Last Updated : 2025-02-19
  • Me And My Husband's Paramour   Chapter 20

    Kunot noong pinakatitigan ni Azariah si Laurence nang makita niyang medyo nairita ito nang tabigin niya ang kamay nitong naka hawak sa kaniya. "Bakit mo ba kasi ako hinihila?" Inis na sambit dito ni Azariah na humalukipkip pa. "Wala lang trip ko lang" Tipid at parang walang ganang tugon nito habang malayo ang tanaw. "Tsk, kakaiba naman pala iyang mga trip mo" Na sabi na lamang ni Azariah. Akmang tatalikuran niya na sana ito nang bigla na naman nitong hawakan ang siko niya kaya napa baling ang tingin niya rito. "Ayst, ano ba 'yan, trip mo talagang mang hila ano?" Bakas ang inis sa mukha ni Azariah nang sabihin ang mga salitang 'yun."Saan ka pupunta?" Kumunot naman ang noo ni Azariah sa naging tanong nito. "Uuwi na, bakit?" Tugon niya rito habang nagugulohan, ewan ba niya kong ano ang nakain ni Laurence sa araw na 'yun at parang kakaiba ang ikinikilos nito sa typical na Laurence. "H'wag muna" Inis naman inalis ni Azariah ang kamay nitong naka hawak parin sa braso niya. "A

    Last Updated : 2025-02-19
  • Me And My Husband's Paramour   Chapter 21 (SPG)

    SPG! ALERTREAD AT YOUR OWN RISK"Ano 'to, birthday mo ba talaga?" Nakangiti ngunit nagugulohang tanong ni Azariah habang na upo sa kabilang side. Na upo na din naman si Laurence sa harap nito. Medyo na te tense pa nga ito. Iniisip niya kong papaano niya sasabihin dito ang nararamdaman. Kong saan ba siya magsisimula, gusto niya pang kaltokan ang sarili dahil sana nag rehearse siya kanina. Nang hindi siya kinakabahan nang ganito ngayon sa harapan ni Azariah. Napansin naman ni Azariah na parang wala ito sa sarili. "Hoy!" Untag niya rito na nakapag pabalik sa ulirat ni Laurence. "H-ha?" "Anong ha? anyare sa'yo diyan, ayos ka lang ba?" Nag aalalang tanong niya kay Laurence, napansin niya rin kasing parang pinag papawisan ito. Hindi naman mainit don. "Ah, yes. Okay lang ako, kain muna tayo?" Anito na ikina tango naman ni Azariah. Pinasadahan niya nang tingin ang iilang mga putahe na naka hain doon. Lahat ay mukhang masarap at nakaka takam. "Ikaw ba nag luto nito?" Tanong niya s

    Last Updated : 2025-02-19
  • Me And My Husband's Paramour   Chapter 22

    Kinabukasan ay nagising si Azariah sa sikat nang araw na tumatama sa kaniyang mukha. Hindi pala naka sara ang bintana at tanging kurtina lamang ang naka tabil dito kaya tumatagos ang init nito. Hindi niya alam kong anong oras na nang mga sandaling iyon, medyo mataas na din kasi ang sikat nang araw.Kinusot-kusot niyang sandali ang kaniyang mata. Nang mapatingin siya sa kabuoan nang silid ay napa kunot noo siya dahil hindi naman iyon ang kaniyang silid. Bigla siyang tumingin sa tabi niya nang maramdaman niyang may gumalaw. Biglang nanlaki ang mga mata niya nang makita ang kaniyang boss slash kababata niya na mahimbing ang tulog at walang damit pang itaas. Kapagkuwan ay napag tanto niya na kapwa sila walang saplot at tanging ang puting kumot lamang ang tumatabil sa hubo't hubad nilang katawan. Dahil doon ay nag flash back sa utak ni Azariah ang buong pangyayare kagabi na ikina pula nang pisngi niya. Natampal niya ang sariling noo dahil sa hiyang naramdaman niya nang maalala kong gaa

    Last Updated : 2025-02-19

Latest chapter

  • Me And My Husband's Paramour   Chapter 63

    Nang sumapit ang umaga, maagang na gising si Laurence. Naupo siya sa malambot na kama. Nang tumingin siya sa kaniyang tabi ay sumilay ang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi ng makitang mahimbing parin na natutulog ang kaniyang mahal na asawa. Sa tabi naman ng kama nila ay nakalagay ang isang crib kong saan mahimbing din na natutulog ang kanilang anak. Kay ganda lamang nilang pag masdan. Dahan-dahan siyang bumangon mula sa pagkaka upo. Inayos niya muna ang pagkaka kumot kay Azariah kapagkuwan ay nilapitan niya ang anak at ma suyog ginawaran ito ng halik sa pisngi. "Ang cute naman ng baby, tulog na tulog parin ah" sambit niya pa habang may matamis na ngiting naka paskil sa kaniyang mga labi. Kapagkuwan lang ay lumabas siya sa kanilang silid at mabilis na nag tungo sa baba. Masyado pa namang maaga kaya naman lumabas muna siya ng bahay nila. Napag pasyahan niya na pumunta sa tabing dagat para mag abang ng mga mangingisda na dadaong sa mga oras na yun. Balak niyang bumili ng isda n

  • Me And My Husband's Paramour   Chapter 62

    "Na ayos mo na ba lahat ng dadalhin?" Ani Azariah kay Laurence habang inilalagay nito ang kanilang mga gamit sa likod ng kotse. Siya naman ay kalong-kalong ang anak nila na mahimbing na natutulog. "Oo, sinigurado kong wala tayong naka limutan" sambit naman ni Laurence. "Rafael...yung isa ko pang maleta bitbitin mo" wika ni Cynthia sa asawa na nasa likuran naman nito bitbit sa magkabilang kamay ang dalawang maleta. "Bakit naman kasi ang dami-dami mong dinalang gamit. Pwede namang iwanan na lamang tong iba rito" reklamo naman ni Rafael habang hila-hila ang malalaking maleta. Para tuloy silang mag a abroad sa lagay na 'yun. Kaagad namang tinulongan ni Laurence ang ama na ilagay ang mga gamit ng mga ito sa likod ng kotse. Kapagkuwan ay muling bumalik sa loob ng bahay si Rafael para kuhanin ang isa pang maleta. Napapa iling na lamang si Laurence habang naka ngiti.Kasi kahit na anong iutos ng ina nito sa kaniyang ama, mag reklamo man ito ay susunod parin ito. Matapos masigurong wala n

  • Me And My Husband's Paramour   Chapter 61

    Abala si Azariah sa pamimili ng ilang mga groceries na dadalhin niya sa probinsya nila dalawang araw mula ngayon. Mag isa lamang siya na pumunta para mamili ng mga pasalubong. Marami pa kasing inaayos sa kompanya si Laurence para wala na itong aalalahanin pa kapag nag bakasyon sila sa Santa Monica. Nasa mga chips section na siya ng biglang may bumangga sa push cart niya. "Ayy...sorry, hindi kasi ako tumitingin sa---" Napahinto sa pag sasalita ang babae ng mag tama ang kanilang mga mata. Hindi naman sukat akalain ni Azariah na mag ko cross ang landas nila doon. "Ciara?" Sambit niya sa pangalan nito. Ngumiti naman ang babae ngunit halata sa mukha nito ang pagka ilang. "Kamusta?" Sambit niya pa sa babae. "O-okay lang naman, ikaw kamusta? mukhang nasa maayos kanang kalagayan ngayon" aniya na para bang ang awkward niyon sabihin matapos ng mga ginawa nito sa kaniya noon. Ngunit wala na rin naman iyon kay Azariah. Matagal na yun and she already moved on. Napa tawad niya narin naman ang

  • Me And My Husband's Paramour   Chapter 60

    Halos magka sabay lang na dumating sa presento ang patrol car ng nga pulis at ang sasakyan nila Edmond. Hila-hila ng mga pulis ang lalaki at si Damon papasok sa loob ng presento. Sa interrogation room kong saan ay na roon ang lalaki. Naka upo ito sa plastic na upoan, naka tungo ang ulo habang naka posas naman ang mga kamay nito. "Sino ang nasa likod ng pang ho hostage mo sa nag iisang anak ng mga Dela Vega?" Ma riing tanong ng pulis sa lalaki. "Hindi niyo ako mapapa amin" ma tigas na Saad ng lalaki habang naka tungo parin. Nagkatinginan naman ang mga pulis na naroon habang sina Patricia naman at Edmond ay nasa tabi lamang at tahimik na pinag mamasdan kong papaanong paaminin ng mga pulis ang lalaki sa kong sino ang master mind sa pag dukot kay Damon at kong ano ang motibo ng mga ito para gawin iyon. "Mag sasalita ka ba o hindi, kahit hindi ka mag salita makukulong ka parin" Sambit ng pulis. "Edi ikulong ninyo, wala kayong makukuhang sagot mula sa akin. Hindi ko sasabihin kong sino a

  • Me And My Husband's Paramour   Chapter 59

    Kumikislap ang mga mata ni Laurence at matamis ang ngiti habang naka tingin sa maliit na sanggol na lalaki na kalong-kalong niya sa kaniyang braso. Masuyo nitong hinimas ang maliit na ulo ng sanggol. Matangos ang ilong nito at may natural na mapupulang labi."Ang gwapo naman ng baby na 'yan" masaya namang saad ng ina nito habang marahang kinukurot ang pisngi ng sanggol na mamula-mula pa ang balat. "Syempre naman mom, nag mana yata sa'kin to, gwapo din" ani Laurence na natatawa. Kaya natawa nalang din ang asawa at ang ina nito. "Hello, baby...ka mukha mo ang Daddy" naka ngiting ani Laurence habang nilalaro ang maliliit na daliri ng sanggol. Ngumiti naman ito kaya mas lalo siyang ng gigil lalo pa ng makitang may biloy ito sa magka bilang pisngi. "Hmm...'yan talaga ang napaka unfair ano? yung tipong tayo ang nag dala ng siyam na buwan tapos pag labas kamukha lang ng mga asawa natin" Kunwari ay inis na sambit ng ina ni Laurence na ikina tawa naman ni Azariah. "Oo nga po mom, subrang unf

  • Me And My Husband's Paramour   Chapter 58

    Pagkarating nila sa hospital ay kaagad na binuhat papasok si Ciara ng driver na sinakyan nila. Kaagad naman din silang inasikaso ng mga nurses na naroon. Namimilipit na sa subrang sakit si Ciara ng ipasok siya ng mga ito sa Emergency Room. "Na kilala mo ba kong sino ang lalaki?" Tanong ni Patricia kay Edmond ng ikwento nito ang nangyare sa bahay nila kahapon. Hindi niya alam kong nakuha ba ng lalaking yun ang pinsan niya. "Hindi eh, ano sa palagay mo...may kaugnayan ba ang lalaking iyun tungkol sa nangyare kay Damon dati" "Siguro, baka napag alaman na nilang buhay ang pinsan mo at bigla siyang binalikan... para tuloyang burahin sa mundo" giit naman ni Patricia. "Mukhang may taong malaki ang galit sa pinsan mo" dagdag pa nito. "Ewan ko...na saan na kaya yun ngayon" Sa isang lumang bahay na malayo sa lungsod ay doon dinala si Damon ng lalaki. Hinila siya nito pababa ng sasakyan at itinulak sa isang maalikabok na sulok. Kaagad namang naka singhot ng alikabok si Damon bagay na ikina

  • Me And My Husband's Paramour   Chapter 57

    "Nay, Tay. Mag iingat po kayo " naluluhang ani Azariah sa kaniyang mga magulang habang nasa labas sila ng airport. Ngayong araw kasi ay uuwi na ang mga ito sa Santa Monica dahil kailangan na ring mag enroll ng kambal. Ilang araw na lamang ay mag papasukan na at kailangan nilang humabol. Hindi naman napigilan ng ina ni Azariah ang maiyak dahil uuwi na sila at magkaka hiwalay na naman. Ilang buwan pa ang bibilangin bago sila muling magkita. "Kayo rin anak, mag iingat kayo" madamdaming Sambit nito habang pinupunasan ang mga luhang walang tigil sa pag bagsak. "Nay, naman bakit kayo umiiyak? na iiyak na rin tuloy ako" ani Azariah habang nag sisimula na ring manubig ang gilid ng kaniyang mga mata. Muli silang nag yakapan hanggang sa bumitaw na ang mga ito para pumasok sa loob. "Sige na po nay, tay baka ma Iwan kayo ng flight ninyo" Ani Azariah habang nag pupunas ng luha. Yumakap naman ang kambal sa kaniya, pati ang mga ito ay naiiyak na rin. "Ma mi miss ka namin ate" Sambit ni Nico. "M

  • Me And My Husband's Paramour   Chapter 56

    Habang tulala na nakatitig si Harold sa kisame ay muling sumariwa sa kaniyang isipan ang nangyareng Pag sabog ng sinasakyan nilang eroplano. Para bang kanina lamang na ganap ang trahedya at malinaw na malinaw parin sa kaniyang isipan ang buong kaganapan. Prenti siyang naka upo malapit sa may bintana. Abala siya sa pag babasa ng magazine habang naka cross pa ang kaniyang mga paa. Animo'y nasa sala lamang siya ng kanilang mansion. Ilang sandali pa nga ay biglang gumiwang giwang ang eroplanong sinasakyan nila. Nag panic ang lahat ng mga pasahero. Habang si Harold sa mga oras na yun ay naka tulala lang. Hindi alam ang gagawin Pero sa loob-loob niya ay labis ang takot at kaba na nararamdaman niya. May iba na nag iiyakan na at nag sisipag dasalan. Nang maramdaman ni Harold na bumubulusok pababa ang eroplano ay doon na siya na taranta pa. Bigla rin silang naka amoy nang gas at hindi nag tagal ay sinundan iyon ng isang makapal na usok. Na hindi nila alam kong saan nag mumula. Gayunpaman, a

  • Me And My Husband's Paramour   Chapter 55

    Alas otso nang umaga nang umalis si Azariah sa bahay, naisipan kasi niyang mag punta ng mall at mag simula nang mamili ng mga gamit ni baby. Dalawang buwan na lang ay lalabas na ito at hindi pa siya nakaka pamili nang mga gamit at needs ni baby. Kasalukuyan siyang nasa new born clothes section habang namimili nang ilang designs ng frogsuit para sa baby boy nila. Yes, she's having a baby boy at napag kasundoan na nilang mag asawa na ang ipapangalan nila sa kanilang unico hijo ay Maceo. It is a variation of Matthew meaning, 'the gift of God.'Yes, he's definitely a gift of God, co'z the second time around he let her be a mom. It was really her dream to have a child and be a mom. It was supposed to be her second baby kong hindi lamang siya nakunan sa anak nila ni Damon. Gayunpaman, masaya parin siya dahil muling binalik nang Diyos ang kaniyang anghel sa kaniya. Habang masaya niyang pinag mamasdan ang mga nag gagandahang new born clothes roon ay nagulat siya sa babaeng bigla na lamang

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status